tl_udb/57-TIT.usfm

108 lines
12 KiB
Plaintext

\id TIT
\ide UTF-8
\h Tito
\toc1 Tito
\toc2 Tito
\toc3 tit
\mt Tito
\s5
\c 1
\p
\v 1 Ako, si Pablo, ang sumulat ng liham na ito. Ito si Pablo, na isang lingkod ng Diyos at isang alagad ni Jesu-Cristo. Ako ay gumagawa para tulungan ang mga tao ng Diyos na lalo pang magtiwala sa kaniya. Pinili tayong lahat ng Diyos upang maging kaniyang mga tao at ako ay gumagawa para tulungan sila na tunay na malaman kung paano mamuhay sa paraan na nakalulugod sa Diyos.
\v 2 Ang kaniyang mga tao ay maaaring matutong mamuhay katulad nito, dahil sila ay nagtitiwala na tutulungan sila ng Diyos na mabuhay magpakailanman. Ang Diyos ay hindi nagsasabi ng mga kasinungalingan. Noon pa man bago nagsimula ang mundo, kaniyang ipinangako na magsasanhi sa satin na mabuhay magpakailanman.
\v 3 Pagkatapos, sa tamang oras, kaniyang ginawang payak ang kaniyang salita para sa lahat na maunawaan dahil ako ay kaniyang pinagkatiwalaan na ipangaral ang mensaheng ito. Akin itong ginagawa upang sundin ang utos ng Diyos, na nagligtas sa atin.
\s5
\v 4 Ako ay sumusulat sa iyo, Tito, dahil ikaw ay para ng anak sa akin dahil tayo ay kapwa naniniwala kay Jesu-Cristo. Nawa ang Diyos Ama at si Cristo Jesus na ating tagapagligtas ay patuloy na maging mabuti sa inyo at bigyan kayo ng kapayapaan.
\v 5 Ikaw ay aking iniwan sa isla ng Creta sa kadahilanang, na ipagpatuloy mong gawin ang hindi pa natatapos na gawain at saka magtakda ng mga nakatatanda sa pangkat ng mga mananampalataya sa bawat lungsod, tulad ng aking sinabi na iyong gawin.
\s5
\v 6 Ngayon ang bawat nakatatanda ay dapat na isang tao na walang sinuman ang maaring pumuna. Siya ay dapat ring may isang asawang babae, ang kaniyang mga anak ay dapat nagtitiwala sa Diyos, at hindi dapat na ituring ng mga tao ang kaniyang mga anak na masama o suwail.
\v 7 Ang lahat ng namumuno sa mga tao ng Diyos ay katulad ng isang tao na namamahala sa tahanan ng Diyos. Kaya kinakailangan ng taong ito na magkaroon ng mabuting reputasyon. Siya ay hindi dapat mapagmalaki, siya ay hindi dapat madaling magalit, at hindi dapat manatiling galit sa kahit na anong dahilan. Siya ay hindi dapat lasenggo, hindi isang tao na gustong makipag-away o makipagtalo, at hindi sakim na tao.
\s5
\v 8 Sa halip na, kaniya dapat na malugod na tinatanggap ang mga dayuhan at mahalin ang mga bagay na mabuti. Siya ay dapat palaging may pagpipigil sa sarili at maging matapat, palaging nagsasabi ng katotohanan at pakikitunguhan ang ibang mga tao sa isang makatarungang pamamaraan. Siya ay dapat laging nag-iisip tungkol sa Diyos kapag siya ay nag-iisip o may ginagawang anumang bagay, at dapat niyang iwasan ang pagkakasala.
\v 9 Siya ay dapat laging naniniwala sa totoong mga bagay na aming tinuro sa kaniya, at siya ay dapat mamuhay ng naayon sa mga ito. Kaniya dapat gawin ito upang mahimok ang mga tao na mamuhay ng katulad nito, ngunit kung hindi nais ng mga tao na mamuhay na katulad nito, sila ay itama.
\s5
\v 10 Aking sinasabi ang mga bagay na ito sa iyo, dahil maraming tao ang ayaw na sila ay pamahalaan ng kahit sino, lalo na ang mga tao na nagsasabi sa lahat ng tagasunod ni Kristo na magpatuli. Walang halaga ang kanilang mga sinasabi. Niloloko nila ang mga tao at kanilang hinihimok sila na paniwalaan ang mga maling mga bagay.
\v 11 Ikaw at ang mga pinuno na iyong itinalaga ay dapat pigilan ang mga ganoong tao sa pagtuturo sa mga mananampalataya. Sila ay walang karapatan na magturo ng kanilang mga ginagawa. Sila ay nagtuturo ng ganitong mga bagay upang sila ay bigyan ng mga tao ng salapi. Ito ay labis na kahiya-hiya! Sila rin ang nagiging dahillan na ang buong mga pamilya ay maniwala sa mga maling bagay.
\s5
\v 12 Isang lalaking taga-Creta, siya na tinuturing propeta ng kaniyang sariling bayan, ang nagsabi, "ang mga taga-Creta ay palaging nagsisinungaling sa bawat isa! Sila ay katulad ng mapanganib na mga hayop. Sila ay mga tamad at palaging kumakain ng napakaraming pagkain."
\v 13 Kung ano ang kaniyang sinabi ay totoo, kaya pilit silang itama upang sila ay maaaring maniwala at turuan ng mga tamang bagay tungkol sa Diyos.
\s5
\v 14 Ang mga taong ito ay hindi dapat mag-aksaya ng oras sa mga walang saysay na mga kwento ng mga hudyo at mga utos na nagmula sa mga tao, hindi mula sa Diyos. Ang mga taong ito ay tumalikod mula sa katotohanan.
\s5
\v 15 Kung ang isang tao ay walang mga makasalanang iniisip o mga ninanais, kung gayon ang lahat ng bagay ay kaniyang tinitingnan na mabuti. Ngunit kung sinuman ay masama at hindi naniniwala kay Cristo-Jesus, siya ay ginagawang marumi ng lahat ng bagay. Ang mga taong ito ay nag-iisip sa maruruming mga paraan, at sila ay nagpapasya na gumawa sa masasamang mga paraan.
\v 16 Bagama't inaangkin nila na kilala nila ang Diyos, ang kanilang ginawa ay nagpapakita na siya ay hindi nila kilala. Nasumpungan sila ng ibang mga tao na kasuklam-suklam. Sinuway nila ang Diyos at walang kayang magawa na mabuti para sa kaniya.
\s5
\c 2
\p
\v 1 Pero ikaw, Tito, dapat mong ituro ang mga bagay na makatutulong sa mga tao na paniwalaan ang katotohanan tungkol sa Diyos.
\v 2 Dapat pigilan ng mga nakakatandang lalaki ang kanilang mga sarili sa lahat ng oras. Dapat silang mamuhay sa paraan na igagalang ng ibang mga tao, at dapat magsalita sila ng may karunungan. Dapat din silang maniwala sa totoong mga bagay tungkol sa Diyos, tunay na mahalin ang kapwa, at patuloy na gawin ang mga bagay na ito.
\s5
\v 3 Ang mga nakakatandang babae, katulad ng mga lalaki, ay dapat mamuhay upang malaman ng iba na lubusan nilang ginagalang ang Diyos. Hindi dapat sila magsabi ng mga masasamang bagay tungkol sa ibang mga tao, at hindi sila dapat uminom ng napakaraming alak. Pero dapat nilang turuan ang iba kung ano ang mabuti.
\v 4 Sa ganitong paraan, dapat nilang turuan ang mga nakababatang babae na mag-isip ng may karunungan at mahalin ang kanilang sariling mga asawa at mga anak.
\v 5 Ang mga nakakatandang babae ay dapat turuan din ang mga nakababatang babae na mag-isip ng mabuting mga kaisipan, hindi kumilos sa masamang paraan sa kahit sinong mga lalaki, na magtrabaho ng maigi sa bahay, at gawin kung ano ang sinabi ng kanilang asawa na gawin. Dapat nilang gawin ang mga bagay na ito upang walang sinuman ang magkukutya sa Salita ng Diyos.
\s5
\v 6 Tungkol sa mga nakababatang mga lalaki, turuan mo rin sila. Sabihin mo sa kanila na pigilan ng maigi ang kanilang mga sarili.
\v 7 Para sa iyo, Tito, aking anak, palagi mong ipakita sa ibang mga tao kung papaano ang gawaing mabuti; ipakita mo sa kanila na tinuturuan mo ng tapat ang mga mananampalataya kung ano ang totoo at mabuti at tungkol sa Diyos.
\v 8 Turuan mo ang mga tao sa paraan na walang sinuman ang makapipintas, upang kung sinuman ang nais na pumigil sa iyo, ipapahiya siya ng ibang mga tao dahil wala siyang masasabing masama tungkol sa atin.
\s5
\v 9 Tungkol sa ating mga kapatid at kanilang mga pamiliya na mga alipin: palagi dapat silang magpasailalim sa kanilang mga amo. Hangga't maaari, dapat silang mamuhay sa mga paraan na makalulugod sa kanilang mga amo, at hindi sila dapat makipagtalo sa kanila.
\v 10 Sila ay hindi dapat magnakaw ng kahit maliliit na mga bagay mula sa kanilang mga amo; sa halip, sila ay dapat maging tapat sa kanila, at dapat nilang gawin ang lahat ng bagay sa paraan na magdadala sa mga tao na hangaan ang lahat ng tinuturo natin tungkol sa Diyos, na nagligtas sa atin.
\s5
\v 11 Tito, ang lahat ng aking sinulat ay nag-uugnay dito: lahat ay mayroon na ngayong kakayanang malaman na nais ng Diyos na iligtas sila; ito ang kaniyang kaloob sa kanila.
\v 12 Itong biyayang nakapagliligtas na mula sa Diyos ay nagsasanay sa atin, na parang mga anak, na magsabi ng hindi sa mga pagnanais na matatagpuan sa mundong ito. Tinutulangan tayo nitong mag-isip tungkol sa mga bagay sa tamang paraan, na maging tapat, makatutuhanan, at makatarungan sa ibang mga tao at palaging panatilihin ang Diyos sa ating mga isipan at mga gawa habang namumuhay sa mundong ito.
\v 13 Sa parehong paraan, tinuturuan tayo ng Diyos na maghintay sa kung ano ang tiyak niyang gagawin sa darating na panahon, ang isang bagay na gagawin tayong lubhang masaya: Iyon ay, si Jesus ang Mesias, ang ating Tagapagligtas at makapangyarihang Diyos, ay babalik sa atin ng may dakilang kaluwalhatian.
\s5
\v 14 Binigay niya ang kaniyang sarili upang mamatay bilang kabayaran upang palayain tayo sa ating makasalanang kalikasan, upang gawin tayong kaniyang minamahal na pagmamay-ari, isang pinapahalagang mga tao na ginawa niyang malinis, mga tao na ang dakilang kasiyahan ay gawin kung ano ang mabuti.
\s5
\v 15 Magsalita ka ng mga bagay na tungkol dito. Himukin mo ang mga nakarinig ng mga sinasabi mo para mamuhay tulad ng aking inilarawan. At gamitin ang iyong buong karapatan ng pamumuno upang ituwid ang ating mga kapatid kapag kinakailangan. Huwag mong hayaan ang sinuman na ipawalang-bahala kung ano ang iyong sinasabi.
\s5
\c 3
\p
\v 1 Tito, siguraduhin mo na mapaalalahanan ang ating mga tao na, hangga't maaari, tayo ay dapat sumunod sa mga panuntunan at mga batas na namamahala sa ating lipunan. Kailangan natin maging masunurin at maging handa sa paggawa ng mabuti sa lahat ng pagkakataon.
\v 2 Hindi dapat tayo magsalita ng mga mapanirang-puri kanino man o makipagtalo sa mga tao. Mabuting hayaan na lang ang ibang mga tao sa kanilang mga kagustuhan, sa halip na ipilit natin ang ating kagustuhan, at pakitunguhan ang lahat ng may kahinahunan.
\s5
\v 3 Dahil mayroong panahon noon na tayo - lahat tayo - ay mga hangal, at hindi sumusunod sa mga bagay na ito. Tayo ay iniligaw at pinaglingkuran ang iba't-ibang klase ng mga makamundong damdamin at mga kalayawan na parang tayo ay kanilang alipin. Namuhay tayo ng may inggitan sa bawat isa at gumagawa ng masama. Dinulot natin ang mga tao na magalit sa atin at tayo ay nagalit sa isa't-isa.
\s5
\v 4 Pero nang pinakita ng Diyos sa atin na siya ay gumagawa para iligtas lahat ng tao dahil sila ay mahal niya,
\v 5 niligtas niya tayo sa pamamagitan ng paghuhugas sa ating kalooban, pagbibigay niya sa atin ng isang bagong kapanganakan, at ginagawa tayong bago sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Hindi niya tayo niligtas dahil gumagawa tayo ng mga mabubuting bagay, pero niligtas niya tayo dahil siya ay maawain.
\s5
\v 6 Ang Diyos ay saganang binigay ang kaniyang Banal na Espirititu nang si Jesus, ang Messias ay iniligtas tayo.
\v 7 Dahil sa regalong ito, inihayag ng Diyos na tayong lahat ay ginawang tama sa pagitan natin at ng Diyos. At higit pa doon, ating pagsasaluhan lahat ng bagay na binigay sa atin ng Diyos na si Jesus, lalo na ang walang hanggang buhay sa kaniya.
\s5
\v 8 Ito ay isang mapagkakatiwalaan pahayag; Gusto kong ipagpatuloy mo ang pagbibigay diin sa mga bagay na ito para sa mga naniwala sa Diyos na magpatuloy sa paglalaan ng kanilang mga sarili sa paggawa ng mabuti at nakakatulong na mga bagay na inihanda ng Diyos na gagawin nila. Ang mga bagay na ito ay mabuti at makakatulong sa lahat.
\s5
\v 9 Pero layuan ninyo ang mga walang kabuluhang pagtatalo, mga alitan tungkol sa talaan ng angkan ng Judio, mga tunggalian at mga ayawan tungkol sa batas pangrelihiyon. Ang mga bagay na iyon ay walang saysay.
\v 10 Kung ang mga tao ay nagpupumilit sumama sa mga gawain na nagdudulot ng paghahati-hati pagkatapos ninyo silang balaan ng isa o dalawa, kung gayon wala na kayong pananagutan sa kanila,
\v 11 dahil ang mga tao ganoon ay tumalikod na sa katotohanan; sila ay namumuhay sa kasalanan at hinahatulan ang kanilang sarili.
\s5
\v 12 Kapag pinadala ko sila Artemas o Tiquico sa inyo, gawin ninyo lahat ng inyong makakaya na makapunta sa akin sa bayan ng Nicopolis, dahil ako ay nagpasya na magpalipas ng taglamig doon.
\v 13 Gawin ninyo ang lahat para mapadala si Zenas, ang dalubhasa sa batas at si Apollos kasama ng lahat ng kanilang pangangailangan.
\s5
\v 14 Sigaruduhin mo na ang ating mga tao ay matututong gumawa ng mga mabubuting bagay na makakatugon sa mga pangangailangan ng ibang mga tao. Kung gagawin nila ito, magkakaroon sila ng bunga para sa Diyos.
\s5
\v 15 Tito, lahat ng aking mga kasama ay binabati ka! At pakiusap batiin mo ang mga kaibigan natin diyan na nagmamahal sa atin bilang mga kasama sa pananampalataya. Ang biyaya ng Diyos ay mapasa inyong lahat.