tl_udb/29-JOL.usfm

159 lines
15 KiB
Plaintext

\id JOL
\ide UTF-8
\h Joel
\toc1 Joel
\toc2 Joel
\toc3 jol
\mt Joel
\s5
\c 1
\p
\v 1 Ako si Joel na lalaking anak ni Petuel. Ito ay isang mensahe na ibinigay ni Yahweh sa akin.
\v 2 Kayong mga pinuno ng Israel at lahat ng nakatira sa bansang ito, makinig kayo sa mensaheng ito! Wala pang nangyaring ganito sa panahon na kami ay nabubuhay o sa panahon na nabuhay ang ating mga ninuno.
\v 3 Sabihin ninyo sa inyong mga anak ang tungkol dito, at sabihin ninyo sa inyong mga anak na sabihin nila sa kanilang mga anak, at sabihin ninyo sa inyong mga apo na sabihin nila ito sa kanilang mga anak.
\s5
\v 4 Ang tinutukoy ko ay ang mga balang na kumain sa ating mga pananim. Dumating ang unang grupo ng napakaraming nagliliparang balang at pinutol ang maraming dahon ng mga pananim, dumating ang isa pang napakaraming nagliliparang balang at kinain ang mga natirang dahon, dumating ang isa pang napakaraming tumatalon na balang, at panghuli, isa pang napakaraming nagliliparang balang ang dumating ang at sinira nila ang lahat ng natira.
\s5
\v 5 Kayong mga taong lasing, gumising kayo! Gumising kayo at humagulhol nang malakas, dahil nabulok na ang lahat ng ubas kung kaya hindi na magkakaroon ng bagong alak!
\v 6 Pinasok ng napakamaraming balang ang ating bansa. Sila ay tulad ng isang makapangyarihang hukbo na may napakaraming kawal, walang makabibilang sa kanila. Ang mga balang ay may mga ngipin na kasing talas ng mga ngipin ng leon!
\v 7 Sinira nila ang ating mga halamang ubas at puno ng igos sa pamamagitan ng pagbakbak at pagkain ng lahat ng upak nito kaya namuti ang mga sanga nito.
\s5
\v 8 Umiyak at humagulhol kayo tulad ng ginagawa ng isang dalaga kapag namatay ang binatang nakatakda niyang pakasalan.
\v 9 Wala na tayong harina at alak na ihahandog bilang alay sa templo, kaya nagdadalamhati ang mga paring naglilingkod kay Yahweh.
\v 10 Nawasak ang mga pananim sa mga bukid, para bang ang lupa mismo ay nagdadalamhati. Sinira ang mga butil, wala ng ubas na gagawing alak, at wala ng langis ng olibo.
\s5
\v 11 Kayong mga magsasaka, magdalamhati kayo! Kayong mga nag-aalaga ng mga ubasan, humagulhol kayo, dahil sinira ang mga butil, wala nang tumutubong trigo at sebada.
\v 12 Nalanta ang mga puno ng ubas at ang mga puno ng igos, nalanta rin ang mga puno ng granada, ang mga puno ng palma at ang mga puno ng aprikot. Hindi na nagagalak ang mga tao.
\s5
\v 13 Kayong mga pari, magsuot kayo ng magaspang na sako at humagulhol. Kayo na naglilingkod sa Diyos sa pamamagitan ng paghahandog ng mga alay sa altar, isuot ninyo ang mga sakong iyon nang buong gabi upang ipakita na nagdadalamhati kayo dahil wala ng harina o alak na maihahandog sa templo ng inyong Diyos.
\v 14 Maglaan kayo ng araw na dapat mag-ayuno ang mga tao. Sabihin ninyo sa mga pinuno at sa ibang mga tao na magtipon sa templo at upang doon ay umiyak kay Yahweh.
\s5
\v 15 Mga kakila-kilabot na bagay ang nangyayari sa atin! Malapit na ang panahon na parurusahan tayo ni Yahweh, ang siyang Makapangyarihang Diyos, at ipaparanas niya sa atin ang marami pang sakuna.
\v 16 Wala na ang ating mga pananim at wala ng nagsasaya sa templo ng ating Diyos.
\v 17 Kapag magtatanim kami ng mga buto, hindi ito tumutubo, natutuyo ang mga ito sa lupa kaya walang pananim na aanihin. Walang laman ang aming mga kamalig, walang mga butil na ilalagak sa mga ito.
\s5
\v 18 Umaatungal ang aming mga baka, naghahanap ng pastulan na may mga damong kakainin at umuungal ang mga tupa dahil nagdurusa sila.
\v 19 Yahweh, dumadaing ako sa iyo dahil natuyo sa ilalim ng mainit na sikat ng araw ang aming mga pastulan at ang aming mga kagubatan.
\v 20 Para bang pati ang mga mabangis na hayop ay dumadaing sa iyo dahil natuyo na ang lahat ng sapa. Ang pagkatuyo ay parang apoy na sumusunog sa mga pastulan sa ilang.
\s5
\c 2
\p
\v 1 Hipan ninyo ang mga trumpeta sa Bundok ng Zion, ang sagradong bundok ng Diyos sa Jerusalem! Sabihin ninyo sa mga tao ng Juda na dapat silang matakot at manginig, dahil malapit na ang panahon na parurusahan pa tayo ni Yahweh.
\v 2 Magiging napakadilim at mapanglaw na araw iyon, magkakaroon ng mga itim na ulap at magiging napakadilim. Napakaraming balang ang tumakip sa mga bundok na parang itim na ulap. Wala pang nangyaring ganito noon at wala ng mangyayaring katulad nito kailanman.
\s5
\v 3 Para bang may dala silang mga apoy na walang sinuman ang maaaring makatakas mula rito. Sa harap nila, ang lupain ay kasing ganda ng hardin ng Eden ngunit sa likuran nila ang lupain ay tulad ng isang disyerto at walang makaliligtas.
\s5
\v 4 Kahawig ng mga balang ang mga kabayo, at tumatakbo sila na gaya mga kawal na nakasakay sa mga kabayo.
\v 5 Tumatalon sila sa ibabaw ng mga bundok, gumagawa sila ng ingay na gaya ng dagundong ng mga karwahe, gaya ng malakas na hukbo na naghahanda para sa isang labanan o gaya ng ingay ng apoy na tumutupok sa pinaggapasan sa bukid.
\s5
\v 6 Kapag nakikita ng mga tao na paparating sila, labis silang namumutla at natatakot.
\v 7 Umaakyat sa mga pader ang mga balang gaya ng ginagawa ng mga kawal, nagmamartsa sila nang nakahanay at hindi humihiwalay sa kanilang mga linya.
\s5
\v 8 Tumatakbo sila nang mabilis na hindi nagtutulakan. Kahit na hagisan sila ng mga tao ng sibat, hindi iyon ang magpapatigil sa kanila.
\v 9 Linilipad nila ang pader ng lungsod at pumapasok sa aming mga bahay, pumapasok sila sa aming mga bintana gaya ng ginagawa ng mga magnanakaw.
\s5
\v 10 Para bang sila ang dahilan ng pagyanig ng lupa at pagyanig ng langit. Nagdilim ang araw at buwan at hindi na nagniningning ang mga tala dahil napakaraming balang sa kalangitan.
\v 11 Pinangunahan ni Yahweh ang hukbo ng hindi mabilang na balang at sinusunod nila ang kaniyang mga utos. Labis na nakakatakot ang panahong ito na hahatulan at parurusahan niya tayo, na para bang walang sinuman ang makaliligtas.
\s5
\v 12 Ngunit sinabi ni Yahweh, "Sa kabila ng mga kapahamakang ito na inyong naranasan, maaari kayong manumbalik sa akin nang buong kaluluwa. Tumangis at magdalamhati at mag-ayuno kayo upang ipakita na kayo ay nagsisisi na tinalikuran ninyo ako.
\v 13 Hindi lamang ang inyong mga damit ang inyong punitin upang ipakita na kayo ay nagsisisi, ang pinakamahalaga, ipakita ninyo na kayo ay nagsisisi nang buong kaluluwa." Maawain at mabuti si Yahweh, hindi siya madaling magalit, tapat niyang minamahal ang mga tao. Hindi siya madaling magalit, sa halip, labis at tapat niya kayong minamahal at hindi niya tayo gustong parusahan.
\s5
\v 14 Walang nakakaalam kung magbabago ang kaniyang isip sa pagpaparusa sa inyo at sa halip ay maawa siya sa inyo. Kung gagawin niya iyon, bibiyayaan niya kayo sa pamamagitan ng pagbibigay sa inyo ng masaganang butil at alak upang makapaghandog kayo ng ilan sa mga iyon bilang alay sa kaniya.
\s5
\v 15 Hipan ninyo ang mga trumpeta sa Bundok ng Zion! Tipunin ninyo ang mga tao! Maglaan kayo ng oras upang mag-ayuno, upang ipakita na nagsisisi kayo sa inyong mga kasalanan.
\v 16 Gawin ninyo ang mga ritwal upang maging katanggap-tanggap kayo kay Yahweh. Magtipon-tipon kayo nang may layunin, ang mga matatanda at ang mga bata, pati ang mga sanggol at ipatawag ang mga babae at lalaking ikakasal mula sa kanilang mga silid.
\s5
\v 17 Sabihin sa mga paring naglilingkod kay Yahweh na umiyak sa pagitan ng altar at pasukan sa templo at ipanalangin ito: "Yahweh, iligtas mo kami na iyong mga tao, huwag mong hayaan na hamakin kami ng mga taong mula sa ibang mga bansa. Huwag mong hayaang kutyain nila kami at sabihin, "Bakit sila pinabayaan ng kanilang Diyos?"
\s5
\v 18 Ngunit ipinakita ni Yahweh na may malasakit siya sa kaniyang mga tao at magiging maawain siya sa kanila.
\v 19 Nang nanalangin ang mga tao, sumagot si Yahweh at sinabi, "Bibigyan ko kayo ng saganang butil at alak at langis ng olibo, at masisiyahan kayo. Hindi ko na papayagang insultuhin kayo ng ibang mga bansa.
\s5
\v 20 Darating ang isa pang hukbo ng mga balang na mula sa hilaga upang salakayin kayo ngunit palalayasin ko sila at lalampasan nila ang Jerusalem at tutungo sila sa disyerto. Tutungo ang ilan sa Dagat na Patay sa silangan at tutungo naman ang ilan sa Dagat Mediterano sa kanluran. Doon ay mamatay silang lahat at babaho ang kanilang mga katawan. Gagawa ako ng mga kahanga-hangang bagay para sa inyo."
\s5
\v 21 Tunay nga na gumagawa si Yahweh ng mga kahanga-hangang bagay! Kaya kahit ang lupa ay dapat na magalak!
\v 22 At hindi dapat matakot ang mga mababangis na hayop dahil hindi magtatagal, muling magiging berde ang kaparangan, magiging hitik sa bunga ang mga puno ng igos at iba pang mga puno at matatakpan ng mga ubas ang mga puno ng ubas.
\v 23 Kayong mga tao ng Jerusalem, magalak kayo sa kung anong gagawin ni Yahweh, na inyong Diyos, para sa inyo. Magpapadala siya ng malakas na ulan sa tamang panahon, sa tagsibol at sa taglagas, gaya ng ginawa niya noon.
\s5
\v 24 Matatakpan ng butil ang lupa kung saan ninyo ginigiik ang butil, at aapaw ang inyong mga lalagyan kung saan ninyo iniimbak ang bagong katas ng ubas at langis ng olibo.
\v 25 Sinabi ni Yahweh, "Ibabalik ko sa inyo ang lahat ng sinira ng napakaraming balang, ang napakalaking hukbong iyon na aking ipinadala upang salakayin kayo.
\s5
\v 26 Kayo, na mga tao ko, ay kakain hanggang sa mabusog kayo. Pagkatapos ay pupurihin ninyo ako, si Yahweh, ang inyong Diyos, dahil sa mga kamangha-manghang bagay na ginawa ko para sa inyo. At hindi ko na muling hahayaan na ipahiya kayo ng iba.
\v 27 Kapag mangyayari iyon, malalaman ninyo na lagi akong nasa inyo, na ako si Yahweh, ang inyong Diyos at wala ng ibang Diyos. Hindi ko na muling hahayaan na ipahiya kayo ng iba."
\s5
\v 28 Sa darating na panahon, ibibigay ko ang aking Espiritu sa maraming tao. Maghahayag ang inyong mga anak na lalaki at babae ng mga mensaheng mula mismo sa akin. Magkakaroon ang inyong mga matatandang kalalakihan ng mga panaginip na mula sa akin at magkakaroon ang inyong mga kabataang lalaki ng mga pangitaing mula sa akin.
\v 29 Sa panahong iyon, ibibigay ko ang aking Espiritu kahit sa mga utusang lalaki at babae.
\s5
\v 30 Gagawa ako ng mga hindi pangkaraniwang bagay sa lupa at sa kalangitan. Sa lupa, maraming dugo ang dadanak at magkakaroon ng napakalaking apoy at usok na parang mga malalaking ulap.
\v 31 Sa kalangitan, magdidilim ang araw at magiging kasing pula ng dugo ang buwan. Mangyayari ang mga bagay na iyon bago ang dakila at katakot-takot na araw na ako, si Yahweh, ay darating upang hatulan ang lahat ng tao.
\s5
\v 32 Ngunit sa panahong iyon, ililigtas ko ang lahat ng sumasamba sa akin. Ipinapangako ko na makakatakas mula sa mga kapahamakang iyon ang ilang tao sa Jerusalem. Makaliligtas ang aking mga pinili."
\s5
\c 3
\p
\v 1 Sinabi ito ni Yahweh: "Sa oras na iyon, babawiin ko ang mga taong inilayo ng kanilang mga kaaway mula sa Jerusalem at mula sa iba't ibang lugar sa Juda.
\v 2 At titipunin ko sa lambak ni Jehoshafat ang lahat ng tao mula sa iba't ibang bansa. Hahatulan at parurusahan ko sila dahil ikinalat nila ang aking bayang Israel at sapilitan silang pinapunta sa ibang mga bansa at dahil pinaghatian ang aking lupain para sa kanilang mga sarili.
\v 3 Naglaro sila ng mga larong sapalaran upang malaman kung sino ang kukuha sa aking mga tao. At ipinagbili ang ilang mga batang lalaki at babae na Israelita upang magkaroon ng perang pambayad sa mga bayarang babae at alak upang inumin.
\s5
\v 4 Kayong mga tao mula sa lungsod ng Tiro at Sidon, at kayong mga tao sa Filistia, nagagalit kayo sa akin ngunit wala naman kayong dahilan. Kung sinusubukan ninyong gumanti sa akin, agad ko kayong gagantihan.
\v 5 Kinuha ninyo ang mga pilak at ginto at iba pang mga mahahalagang bagay sa aking templo at idinala ang mga ito sa inyong mga sariling templo.
\v 6 Kinaladkad ninyo palayo ang mga tao sa Jerusalem at ang iba pang mga lugar sa Juda, kinuha ninyo sila palayo at ipinagbili sa mga mangangalakal na Griyego.
\s5
\v 7 Ngunit tinitiyak kong makakabalik ang aking mga tao mula sa mga lugar kung saan ninyo sila ipinagbili at gagawin ko sa inyo ang inyong ginawa sa kanila.
\v 8 At hahayaan kong maipagbili ng mga tao ng Juda ang ilan sa mga anak ninyong lalaki at babae! At ipagbibili sila sa mga grupo ng tao sa Sabea na naninirahan sa malayong lugar. Tiyak kong mangyayari ang mga ito dahil Ako, si Yahweh ang nagsabi nito."
\s5
\v 9 Ipahayag ninyo sa mga tao sa lahat ng mga bansa, "Humanda kayo sa isang digmaan! Ipatawag ninyo ang inyong mga kawal at sabihin ninyo sa kanila na tumindig sa kanilang pandigmang hanay.
\v 10 Kunin ninyo ang inyong mga araro at gawing mga espada. Kunin ang inyong mga patalim at gawing mga sibat. Kailangan ding sabihin ng mga mahihinang tao na sila ay malalakas na kawal.
\s5
\v 11 Kayong lahat na mga tao mula sa mga bansang malapit sa Juda, kinakailangan ninyong pumarito agad at magtipun-tipon sa Lambak ni Jehoshafat." Ngunit Yahweh, kung mangyayari ang mga ito, ipadala mo ang iyong hukbo ng mga anghel upang salakayin sila!
\s5
\v 12 Sinabi ni Yahweh, "Kinakailangan humanda ang mga tao sa lahat ng mga bansang malapit sa Juda at pumunta sa Lambak ni Jehoshafat. Uupo ako doon bilang isang tagahukom at parurusahan ko sila.
\v 13 Para silang mga pananim na handa nang anihin, kaya hampasin ninyo sila gaya ng paghampas ng magsasaka ng kaniyang karit upang gapasin ang mga butil. Para silang mga ubas na nakasalansan sa mga butas kung saan ito pinipiga; dahil napakasama nila, parusahan ninyo sila ng matindi ngayon tulad ng pagtapak ng isang magsasaka sa mga ubas hanggang umapaw ang katas sa mga butas."
\s5
\v 14 Magkakaroon ng ingay ang napakaraming grupo ng tao sa Lambak ng Paghuhukom. Nalalapit na ang oras na parurusahan sila ni Yahweh.
\v 15 Sa oras na iyon, wala ng liwanag na magmumula sa araw at buwan at hindi na magliliwanag ang mga bituin.
\s5
\v 16 Sisigaw si Yahweh mula sa Bundok ng Zion sa Jerusalem, parang isang kulog ang kaniyang tinig at ang kaniyang tinig ang magiging dahilan upang mayanig ang langit at lupa. Ngunit ipagtatanggol ni Yahweh ang kaniyang mga tao, para siyang isang pader kung saan maipagtatanggol ang mga tao ng Israel.
\v 17 Sinabi ni Yahweh, "Sa oras na iyon, malalaman ninyong mga Israelita, na Ako si Yahweh ang inyong Diyos. Nananahan ako sa Zion, ang burol na aking inilaan para sa aking sarili. Magiging isang natatanging lungsod ang Jerusalem para sa akin at hindi na ito muling masasakop ng mga kawal mula sa iba't ibang bansa.
\s5
\v 18 Sa oras na iyon, magkakaroon ng mga ubasan na babalot sa mga burol at makapagbibigay ang inyong mga baka at kambing ng napakaraming gatas sa mga burol na iyon. Hindi na matutuyo ang mga batis sa Juda, at isang batis ang dadaloy mula sa aking templo patungong Lambak ng Acacia sa hilagang-silangan ng Patay na Dagat.
\v 19 Sinalakay ng mga hukbo ng Egipto at Edom ang mga tao sa Juda at pinatay ang marami sa mga tao na wala namang ginawang masama. Kaya ngayon, mawawasak ang mga bansang iyon, na wala nang maninirahan pang muli doon.
\s5
\v 20 Ngunit mananatiling may maninirahan sa Jerusalem at sa iba pang mga lugar sa Juda.
\v 21 Ako, si Yahweh, nananahan sa Bundok ng Zion ng Jerusalem, at maghihiganti ako sa mga tao ng Egipto at Edom na pumatay sa karamihan ng aking mga tao."