tl_udb/13-1CH.usfm

1693 lines
154 KiB
Plaintext
Raw Permalink Blame History

This file contains ambiguous Unicode characters

This file contains Unicode characters that might be confused with other characters. If you think that this is intentional, you can safely ignore this warning. Use the Escape button to reveal them.

\id 1CH
\ide UTF-8
\h 1 Mga Cronica
\toc1 1 Mga Cronica
\toc2 1 Mga Cronica
\toc3 1ch
\mt 1 Mga Cronica
\s5
\c 1
\p
\v 1 Ang mga kaapu-apuhan ni Adan. Ang unang taong nilikha ng Diyos ay si Adan. Si Set ang anak na lalaki ni Adan. Si Enos ang anak na lalaki ni Set. Si Kenan ang anak na lalaki ni Enos.
\v 2 Si Mahalalel ang anak na lalaki ni Kenan. Si Jared ang anak na lalaki ni Mahalalel. Si Enoc ang anak na lalaki ni Jared.
\v 3 Si Matusalem ang anak na lalaki ni Enoc. Si Lamec ang anak na lalaki ni Matusalem. Si Noe ang anak na lalaki ni Lamec.
\v 4 Ang mga anak na lalaki ni Noe ay sina Shem, Ham, at Jafet. Ang mga kaapu-apuhan ni Jafet.
\s5
\v 5 Ang mga anak na lalaki ni Jafet ay sina Gomer, Magog, Madai, Javan, Tubal, Meshec, at Tiras
\v 6 Ang mga anak na lalaki ni Gomer ay sina Askenaz, Difat, at Togarma.
\v 7 Ang mga anak ni Javan ay sina Elisha, Tarsis, Kitim, at Rodanim. Ang mga kaapu-apuhan ni Ham.
\s5
\v 8 Ang mga anak na lalaki ni Ham ay sina Cus, Misraim, Phuth at Canaan.
\v 9 Ang mga kaapu-apuhan ni Cus ay sina Seba, Havila, Sabta, Raama, at Sabteca. Ang mga anak na lalaki ni Raama ay sina Sheba at Dedan.
\v 10 Ang isa pang kaapu-apuhan ni Cus ay si Nimrod. Nang siya ay lumaki, siya ay naging malakas na mandirigma sa mundo.
\s5
\v 11 Si Misraim ang ninuno ng mga Ludim, mga Ananim, mga Lehabim, at ng mga Naftuhim,
\v 12 ng mga Patrusim, ng mga Casluhim, at ng mga Caftorim. Ang mga tao sa rehiyon ng Filistia ay nagmula sa Casluhim.
\s5
\v 13 Si Sidon ang panganay na anak na lalaki ni Canaan. Siya din ang ninuno ng mga Heteo,
\v 14 mga Jebuseo, mga Amoreo, mga Gergeseo,
\v 15 mga Hivita, mga Arkita, mga Sinita,
\v 16 mga Arvadita, mga Zemareo, at ng Hamateo. Ang mga kaapu-apuhan ni Shem.
\s5
\v 17 Ang mga anak na lalaki ni Shem ay sina Elam, Asur, Arfaxad, Lud, at Aram. Ang mga anak na lalaki ni Aram ay sina Uz, Hul, Geter, at Meshec.
\v 18 Si Arfaxad ang ama ni Selah, na ama ni Eber.
\v 19 Nagkaroon ng dalawang anak na lalaki si Eber. Ang isa ay nagngangalang Peleg na katunog ng salitang nangangahulugan na 'nahati' dahil sa panahong siya ay nabubuhay, ang mga tao sa mundo ay nahati sa iba't ibang mga pangkat na may kaniya-kaniyang wika. Si Joctan ang nakababatang kapatid na lalaki ni Peleg.
\s5
\v 20 Si Joctan ang ninuno nina Almodad, Selef, Hazarmavet, Jerah,
\v 21 Hadoram, Uzal, Dicla,
\v 22 Ebal, Abimael, Sheba,
\v 23 Ofir, Havila, at Jobab.
\s5
\v 24 Ito ang pagkakasunod-sunod ng mga kaapu-apuhan ni Shem mula sa kaniya hanggang kay Abram, si Arfaxad, Selah,
\v 25 Eber, Peleg, Reu,
\v 26 Serug, Nahor, Terah,
\v 27 at si Abram na ang pangalan ay napalitan ng Abraham. Ang mga kaapu-apuhan ni Abraham.
\s5
\v 28 Sina Isaac at Ismael ang mga anak na lalaki ni Abraham.
\v 29 Si Ismael ang anak na lalaki ni Abraham sa kaniyang aliping asawa na si Hagar. Ang labindalawang mga anak na lalaki ni Ismael ay sina Nebayot, ang kaniyang panganay, pagkatapos ay sina Kedar, Adbeel, Mibsam,
\v 30 Misma, Duma, Massa, Hadad, Tema,
\v 31 Jetur, Nafis, at Kedema.
\s5
\v 32 Pagkatapos mamatay ni Sara na asawa ni Abaraham, nag-asawa pa siya ng iba na nagngangalang Ketura. Ang kaniyang mga anak na lalaki ay sina Zimran, Jocsan, Medan, Midian, Isbak at Sua. Ang mga lalaking anak ni Jocsan ay sina Sheba at Dedan.
\v 33 Ang mga anak na lalaki ni Midian ay sina Efa, Efer, Hanoc, Abida, at Eldaa. Ito naman ang mga kaapu-apuhan ni Esau
\s5
\v 34 Si Isaac ang anak na lalaki ni Abraham kay Sara, at ang mga anak na lalaki ni Isaac ay sina Esau at Jacob, na pinalitan ng Israel ang kaniyang pangalan.
\v 35 Ang mga anak na lalaki ni Esau ay sina Elifaz, Reuel, Jeus, Jalam, at Korah.
\v 36 Ang mga anak na lalaki ni Elifaz ay sina Teman, Omar, Zefi, Gatam, Kenaz, Timna, at Amalek.
\v 37 Ang mga anak na lalaki ni Reuel ay sina Nahat, Zera, Sammah, at Miza. Ito naman ang mga kaapu-apuhan ni Seir.
\s5
\v 38 Ang isa pang kaapu-apuhan ni Esau ay si Seir. Ang kaniyang mga kaapu-apuhan ay nanirahan sa rehiyon ng Edom. Ang mga anak na lalaki ni Seir ay sina Lotan, Sobal, Zibeon, Ana, Dison, Eser, at Disan.
\v 39 Ang mga anak na lalaki ni Lotan ay sina Hori at Homam, at ang kapatid na babae ni Lotan ay si Timna.
\v 40 Ang mga anak na lalaki ni Sobal ay sina Alian, Manahat, Ebal, Sefi, at Onam. Ang mga anak na lalaki ni Zibeon ay sina Aias at Ana.
\s5
\v 41 Si Dison ang anak na lalaki ni Ana. Ang mga anak na lalaki ni Dison ay sina Hamram, Esban, Itran, at Keran.
\v 42 Ang mga anak na lalaki ni Eser ay sina Bilhan, Zaavan, at Jaacan. Ang mga anak na lalaki ni Disan ay sina Hus at Aran. Ito naman ang mga hari ng Edom.
\s5
\v 43 Ito ang mga pangalan ng mga hari na namuno sa rehiyon ng Edom bago pa namuno ang sinumang hari sa buong Israel: Si Bela na anak na lalaki ni Beor, ang hari ng Edom, at Dinhaba ang pangalan ng lungsod kung saan siya nakatira.
\v 44 Nang mamatay si Bela, si Jobab na anak na lalaki ni Zera, na mula sa lungsod ng Bosra, ang naging hari.
\v 45 Nang mamatay si Jobab, si Husam ang naging hari. Nagmula siya sa rehiyon kung saan nakatira ang mga Temaneo.
\s5
\v 46 Nang mamatay si Husam, si Hadad na anak na lalaki ni Bedad ang naging hari. Siya ang namuno sa lungsod ng Avit. Tinalo ng hukbo ni Hadad sa rehiyon ng Moab ang hukbo ng taga-Midian.
\v 47 Nang mamatay si Hadad, si Samla ang naging hari. Nagmula siya sa lungsod ng Masreca.
\v 48 Nang mamatay si Samla, si Saul ang naging hari. Nagmula siya sa lungsod ng Rehobot na nasa gilid ng Ilog Eufrates.
\s5
\v 49 Nang mamatay si Saul, si Baal-hanan na anak ni Acbor, ang naging hari.
\v 50 Nang mamatay si Baal-hanan, si Hadad ang naging hari. Nagmula siya sa lungsod ng Pai. Mehetabel ang pangalan ng kaniyang asawa na anak na babae ni Matred at apo ni Mezahab.
\s5
\v 51 At namatay si Hadad. Ang mga pinuno ng mga angkan ng mga taga-Edom ay sina Timna, Alian, Jetet,
\v 52 Aholibama, Ela, Pinon,
\v 53 Kenaz, Teman, Mibzar,
\v 54 Magdiel, at Iram.
\s5
\c 2
\p
\v 1 Ang mga anak na lalaki ni Jacob ay sina Ruben, Simon, Levi, Juda, Isacar, Zebulun,
\v 2 Dan, Jose, Benjamin, Neftali, Gad, at Asher. Ito ang mga kaapu-apuhan ni Juda.
\s5
\v 3 Ang mga anak na lalaki ni Juda ay sina Er, Onan, at Sela. Ang kanilang ina ay ang anak na babae ni Bat-sua mula sa mga Canaanita. Nang lumaki ang panganay na anak ni Juda na si Er, gumawa siya ng isang bagay na itinuturing ni Yahweh na napakasama, kaya ipinahintulot ni Yahweh na siya ay mamatay.
\v 4 Si Juda at ang kaniyang manugang na babae na si Tamar ay nagkaroon ng anak na kambal na lalaki na nagngangalang Peres at Zera. Kaya lima lahat ang naging anak na lalaki ni Juda.
\s5
\v 5 Ang mga anak na lalaki ni Peres ay sina Hezron at Hamul.
\v 6 May limang anak na lalaki si Zera: sina Zimri, Etan, Heman, Calcol at Darda.
\v 7 Isa sa mga anak na lalaki ni Zimri ay si Carmi. Si Acan na lalaking anak ni Carmi ay nagdulot ng labis na kaguluhan sa mga taong taga-Israel, dahil ninakaw niya ang ilan sa mga bagay na dapat wasakin dahil inilaan nila ang mga ito sa Diyos.
\v 8 Si Azarias ang anak na lalaki ni Etan.
\s5
\v 9 Ang mga anak na lalaki ni Hezron ay sina Jerameel, Ram at Caleb.
\v 10 Si Ram ang ama ni Aminadab, at si Aminadab ang ama ni Naason. Si Naason ay isang pinuno sa tribu ni Juda.
\v 11 Si Naason ang ama ni Salma at si Salma ang ama ni Boaz.
\v 12 Si Boaz ang ama ni Obed at si Obed ang ama ni Jesse.
\s5
\v 13 Ang panganay na anak na lalaki ni Jesse ay si Eliab. Ang iba pa niyang mga anak na lalaki ay sina Abinadab, Simea,
\v 14 Netanel, Radai,
\v 15 Ozem. Si David ang bunso.
\s5
\v 16 Ang kanilang mga kapatid na babae ay sina Zervias at Abigail. Ang mga anak na lalaki ni Zervias ay sina Abisai, Joab, at Asahel.
\v 17 Si Jeter ang asawa ni Abigail, isang kaapu-apuhan ni Ismael, at si Amasa ang kanilang anak na lalaki. Ito ang mga kaapu-apuhan ni Hezron.
\s5
\v 18 Ang nakababatang anak ni Hezron na si Caleb ay may dalawang asawa. Ang isa sa kanila na si Azuba ay nanganak ng tatlong lalaki, sina Jeser, Sobab at Ardon.
\v 19 Nang mamatay si Azuba, napangasawa ni Caleb si Efrata. Si Hur ang kanilang anak.
\v 20 Si Hur ang ama ni Uri, at si Uri ang ama ni Bezalel.
\s5
\v 21 Nang si Hezron ay animnapung taong gulang na, napangasawa niya ang anak na babae ni Maquir, na ama din ni Gilead. Ang anak na lalaki ni Hezron ay si Segub.
\v 22 Si Segub ang ama ni Jair. Pinamahalaan ng hukbo ni Jair ang dalawpu't tatlong lungsod sa rehiyon na pinamunuan ni Gilead.
\s5
\v 23 Ngunit sinakop ng mga hukbo ni Gesur at Aram ang mga bayang iyon na pinamunuan ni Jair. Sinakop din nila ang lungsod ng Kenat at ang mga kalapit na bayan; sa kabuuan ay animnapung bayan ang sinakop nila. Ang mga taong nakatira doon ay mga kaapu-apuhan ni Maquir na ama ni Gilead.
\v 24 Hindi nagtagal pagkatapos mamatay ni Hezron sa lungsod ng Caleb-ephrata, nagkaroon ang kaniyang byudang si Abia ng anak na lalaki na si Asur. Si Asur ang nagsimula sa lungsod ng Tekoa. Ito ang mga kaapu-apuhan ni Jerameel.
\s5
\v 25 Si Jerameel ang panganay na anak na lalaki ni Hezron. Ang kaniyang mga anak na lalaki ay sina Ram, Buna, Orem, Ozem, at Ahias. Si Ram ang panganay na anak na lalaki ni Jerameel.
\v 26 May isa pang asawa si Jerameel na nagngangalang Atara. Ang kanilang anak na lalaki ay si Onam.
\v 27 Ang mga anak na lalaki ni Ram na panganay na anak ni Jerameel ay sina Maaz, Jamin at Equer.
\v 28 Ang mga anak na lalaki ni Onam ay sina Samai at Jada. Ang mga anak na lalaki ni Samai ay sina Nadab at Abisur.
\s5
\v 29 Si Abihail ang asawa ni Abisur. Ang mga anak na lalaki ni Abisur at Abihail ay sina Ahban at Molid.
\v 30 Ang mga anak na lalaki ni Nadab ay sina Seled at Apaim. Hindi nagkaroon ng anak si Seled.
\v 31 Ang anak ni Apaim ay si Isi; ang anak na lalaki ni Isi ay si Sesan. Ang isa sa mga anak na babae ni Sesan ay si Ahlai.
\v 32 Si Jada ang nakababatang kapatid ni Samai. Ang mga anak na lalaki ni Jada ay sina Jeter at Jonathan. Hindi nagkaroon ng anak si Jeter.
\v 33 Ang mga anak na lalaki ni Jonathan ay sina Pelet at Zaza. Iyon ang mga kaapu-apuhan ni Jerameel.
\s5
\v 34 Hindi nagkaroon ng anak na lalaki si Sesan; nagkaroon lamang siya ng mga babaeng anak. Mayroon siyang isang lingkod mula sa Egipto na ang pangalan ay Jarha.
\v 35 Pinahintulutan ni Sesan na mapangasawa ng kaniyang babaeng anak si Jarha, at ang kanilang anak na lalaki ay si Atai.
\s5
\v 36 Si Atai ang ama ni Natan. Si Natan ang ama ni Zabad.
\v 37 Si Zabad ang ama ni Eflal. Si Eflal ang ama ni Obed.
\v 38 Si Obed ang ama ni Jehu. Si Jehu ang ama ni Azarias.
\s5
\v 39 Si Azarias ang ama ni Helez. Si Helez ang ama ni Eleasa.
\v 40 Si Eleasa ang ama ni Sismai. Si Sismai ang ama ni Sallum.
\v 41 Si Sallum ang ama ni Jecamias. At si Jecamias ang ama ni Elisama. Ito naman ang mga kaapu-apuhan ni Caleb.
\s5
\v 42 Ang nakababatang kapatid na lalaki ni Jerameel ay si Caleb. Si Mesa ang panganay na anak na lalaki ni Caleb. Si Mesa ang ama ni Zif. Si Zif ang ama ni Maresa. Si Maresa ang ama ni Hebron.
\v 43 Ang mga anak na lalaki ni Hebron ay sina Korah, Tapua, Requem, at Sema.
\v 44 Si Sema ang ama ni Raham. Si Raham ang ama ni Jorqueam. Si Requem ang ama ni Samai.
\s5
\v 45 Si Samai ang ama ni Maon. Si Maon ang ama ni Beth-sur.
\v 46 Si Caleb ay mayroong isang aliping asawa na ang pangalan ay Efa. Ang mga anak na lalaki nina Caleb at Efa ay sina Haran, Moza, at Gasez. Si Haran ay may isang anak na lalaki na pinangalanan din niyang Gasez.
\v 47 Ang ama ni Efa ay si Jahdai. Si Jahdai ang ama ng anim na lalaking sina: sina Regem, Jotam, Gesam, Pelet, Efa, at Saaf.
\s5
\v 48 May isa pang aliping asawa si Caleb na ang pangalan ay Maaca. Ang mga anak na lalaki nina Caleb at Maaca ay sina Seber, Tirhana,
\v 49 Saaf, at Seva. Si Saaf ang ama ni Madmana. Si Seva ang ama nina Macbena at Gibea. Ang babaeng anak ni Caleb ay si Acsah.
\v 50-51 Ang mga taong ito ay kaapu-apuhan din ni Caleb: May isa pang asawa si Caleb na ang pangalan ay Efrata. Ang kanilang panganay na anak ay si Hur. Ang mga anak na lalaki ni Hur ay sina Sobal, Salma, at Haref. Si Sobal ang nagtatag sa lungsod ng Chiriath-jearim. Si Salma ang nagtatag sa lungsod ng Bethlehem. Si Haref ang nagtatag sa lungsod ng Beth-gader.
\v 52 Ang mga kaapu-apuhan ni Sobal ay sina Haroe at kalahati sa mga taong Menuho.
\v 53 Kabilang din sa kaniyang mga kaapu-apuhan ang mga angkan na ito na nakatira sa Chiriath-jearim: Itrita, Putita, Sumatita, at Misraita. Ang mga angkan ng Zorita at Estaolita ay mga kaapu-apuhan sa angkan ng Misraita.
\v 54 Ang mga kaapu-apuhan ni Salma sa Bethlehem ay ang angkan ng Netofatita, ang angkan ng Atrot-bet-joab, ang kalahati ng iba pang angkan ng Manahatita, at ang angkan ng Zorita.
\v 55 Kabilang din sa mga kaapu-apuhan ni Salma ang mga pamilya sa lungsod ng Jabes na sumulat at kumopya sa mga mahahalagang dokumento. Ito ang mga angkan ng Tiratita, ang angkan ng Simatita, at ang angkan ng Sucatita. Silang lahat ay mula sa mga tao ng Kenita na dumating mula sa lungsod ng Hamat, at nakipag-asawa sa mga kasapi ng pamilya ni Recab.
\s5
\c 3
\p
\v 1 Ito ang mga anak na lalaki ni Haring David, ang anim na anak na lalaki ni Haring David ay ipinanganak sa lungsod ng Hebron. Ang kaniyang panganay na anak ay si Amnon, na ang ina ay si Ahinoam na mula sa lungsod ng Jezreel. Ang kaniyang sumunod na anak na lalaki ay si Daniel, na ang ina ay si Abigail na mula sa lungsod ng Carmel.
\v 2 Si Absalom ang kaniyang sumunod na anak na lalaki, na ang ina ay si Maaca, ang anak na babae ni Talmai, ang haring namamahala sa lungsod ng Gesur. Si Adonias ang sumunod niyang anak na lalaki na ang ina ay si Haguit.
\v 3 Ang sumunod niyang anak ay si Sefatias, na ang ina ay si Abital. Ang kaniyang bunsong anak na lalaki ay si Itream, na ang ina ay si Egla.
\s5
\v 4 Ipinanganak silang lahat sa Hebron, kung saan naghari si David ng pito at kalahating taon. Pagkatapos noon, naghari si David sa Jerusalem sa loob ng tatlumpu't tatlong taon.
\v 5 Ipinanganak ang karamihan sa mga anak ni David sa Jerusalem. Isinilang ni Batseba na anak ni Amiel ang apat sa kaniyang mga lalaking anak: sina Simea, Sobab, Natan at Solomon.
\s5
\v 6 Ipinanganak din doon ang iba pang siyam na mga anak ni David. Sila ay sina Ibhar, Elisama, Elifelet,
\v 7 Noga, Nefeg, Jafia,
\v 8 Elisama, Eliada at Elifelet.
\v 9 Bilang karagdagan sa lahat ng mga anak na lalaking iyon, nagsilang din ng mga anak na lalaki ang mga aliping asawa ni David. Nagkaroon din ng anak na babae si David na nagngangalang Tamar. Ang Mga Hari ng Juda.
\s5
\v 10 Ang anak ni Solomon ay si Haring Rehoboam. Ang anak ni Rehoboam ay si Haring Abia. Ang anak ni Abia ay si Haring Asa. Ang anak ni Asa ay si Haring Jehoshafat.
\v 11 Ang anak ni Jehoshafat ay si Haring Joram. Ang anak ni Joram ay si Haring Ahazias. Ang anak ni Ahazias ay si Haring Joas.
\v 12 Ang anak ni Joas ay si Haring Amasias. Ang anak ni Amasias ay si Haring Azarias. Ang anak ni Azarias ay si Haring Jotam.
\s5
\v 13 Ang anak ni Jotan ay si Haring Ahaz. Ang anak ni Ahaz ay si Haring Ezequias. Ang anak ni Ezequias ay si Haring Manases.
\v 14 Ang anak ni Manases ay si Haring Amon. Ang anak ni Amon ay si Haring Josias.
\s5
\v 15 Ang panganay na anak ni Josias ay si Johanan. Ang iba pa niyang mga anak na lalaki ay sina Jehoiakim, Zedekias at Sallum.
\v 16 Ang mga anak ni Jeoiakim ay sina Jeconias at Zedekias. Ito naman ng iba pang mga kaapu-apuhan ni Haring David pagkatapos mabihag ang mga taga-Juda.
\s5
\v 17 Si Jeconias ay nabihag at dinala sa Babilonia. Ang kaniyang mga anak na lalaki ay sina Selatiel,
\v 18 Malquiram, Pedaya, Senazar, Jecamias, Hosama at si Nedabias.
\s5
\v 19 Ang mga anak na lalaki ni Pedaya ay sina Zerubabel at Simei. Ang dalawa sa mga anak na lalaki ni Zerubabel ay sina Mesulam at Hananias, at kanilang kapatid na babae ay si Selomit.
\v 20 Ang lima pang ibang anak na lalaki ni Zerubabel ay sina Hasuba, Ohel, Berequias, Hasadias at si Jusab Hesed.
\v 21 Ang mga anak na lalaki ni Hananaias ay sina Pelatias at Jesaias. Ang anak na lalaki ni Jesaias ay si Refaias. Pagkatapos niya ang ibang mga kaapu-apuhan ni Hananaias ay na sina Arnan, Obadias, at Secanias.
\s5
\v 22 Ang anak ni Secanias ay si Semaya. Ang limang anak ni Semaya ay sina Hatus, Igal, Barias, Nearias, at Safat.
\v 23 Ang tatlong anak naman ni Nearias ay sina Elioenai, Ezekias, at Azrikam.
\v 24 Ang pitong mga anak na lalaki ni Elieonai ay sina Hodavias, Eliasib, Acob, Johanan, Delaias at Anani.
\s5
\c 4
\p
Ito ang iba pang mga angkan na nagmula kay Juda
\v 1 Ang mga kaapu-apuhan ni Judah ay sina Peres. Hezron, Carmi, Hur at Sobal.
\v 2 Ang anak na lalaki ni Sobal ay si Reaias. Si Reaias ang ama ni Jahath, at si Jahat naman ang ama nina Ahumai at Lahad. Sila ang mga ninuno ng mga Zorita.
\s5
\v 3 Ang sumusunod ay ang mga pangalan ng tatlong kalalakihang pinagmulan ng mga angkang nanirahan sa lungsod ng Etam: sina Jezreel, Isma at Idbas—at sila ay may isang kapatid na babae na nagngangalang Hazzelelponi;
\v 4 Si Hur ang panganay na anak na lalaki ni Efrata; itinatag niya ang lungsod ng Bethlehem. Ito ang mga kaapu-apuhan ni Hur: sina Penuel at Ezer. Si Penuel ang pinagmulan ng mga angkan na nanirahan sa lungsod ng Gedor, at si Ezer ang pinagmulan ng mga angkan na nakatira sa lungsod ng Husa.
\s5
\v 5 Ang anak ni Hezron na si Asur na ama ni Tekoa ay nagkaroon ng dalawang asawa na nagngangalang Helah at Naara.
\v 6 Ang mga anak na lalaki ni Asur sa kaniyang asawang si Naara ay sina Ahuzam, Hefer, Temeni at Haahastari.
\v 7 Ang mga anak na lalaki naman ni Asur sa kaniyang asawang si Hela ay sina Zeret, Izar, Etnan,
\v 8 at Coz. Si Coz ang ama ni Anub, ni Zobebah, at ng mga ninuno ng mga angkang nagmula kay Aharhel. Si Aharhel ay anak na lalaki ni Harum.
\s5
\v 9 May isa pang kaapu-apuhan si Judah na nagngangalang Jabes. Siya ay higit na kagalang-galang kaysa sa kaniyang mga kapatid na lalaki. Jabes ang ipinangalan sa kaniya ng kaniyang ina na nangangahulugang 'pasakit' dahil sinabi niya, "Labis ang sakit na aking tiniis nang ipanganak ko siya."
\v 10 Isang araw, nanalangin siya sa Diyos na sinasamba ng kaniyang mga kapwa Israelita, at kaniyang sinabi, "Pagpalain mo nawa ako nang lubusan at palawakin ang aking lupain. Manatili ka sa akin, at huwag mong hayaang saktan ako ninuman. Kung gagawin mo iyon para sa akin, hindi ako masasaktan." At ginawa ng Diyos ang kahilingan ni Jabes.
\s5
\v 11 Ang isa pang kaapu-apuhan ni Juda ay si Suha. Ang kaniyang nakababatang kapatid na lalaki na si Caleb ang ama ni Mehir. Si Mehir ang ama ni Eston.
\v 12 Si Eston ang ama nina Beth Rafa, Pasea at Tehina. Si Tehina ang nagpasimulang nagtatag ng lungsod ng Nahas, ngunit ang kanilang mga pamilya ay nanirahan sa isang lugar na tinawag na Reca.
\s5
\v 13-15 Ang isa pang kaapu-apuhan ni Juda ay si Jefune. Ang kaniyang anak na lalaki ay si Caleb. Ang mga anak naman ni Caleb ay sina Iru, Ela at Naam. Ang anak na lalaki ni Ela ay si Kenaz. Ang mga anak naman ni Kenaz ay sina Otniel at Seraias. Sina Hatat at Meonotai ay mga anak ni Otniel. Si Meonatai ang ama ni Ofra. Si Seraias naman ang ama ni Joab. Si Joab ang ninuno ng mga taong nanirahan sa Lambak ng mga Manggagawa. Ipinangalan iyon sa lambak dahil marami sa mga tao na naninirahan doon ay mga dalubhasang manggagawa.
\v 16 Isa pang kaapu-apuhan ni Judah ay si Jehalelel. Ang kaniyang mga anak na lalaki ay sina Zif, Sifa, Tirias at Asarel.
\s5
\v 17-18 Isa pang kaapu-apuhan ni Juda ay si Ezra. Ang mga anak ni Ezra ay sina Jeter, Mered, Efer, at Jalon. Napangasawa ni Mered si Bitia, na anak ng hari ng Egipto. Ang mga anak nina Mered at Bitia ay sina Miriam, Samai at Isba. Si Isba ay ama ni Estemoa. Si Mered ay nagkaroon ng asawa mula sa Juda. Isinilang niya sina Jered, Heber at si Jecutiel. Si Jeredang ama ni Gedor; si Heber ang ama ni Soco, at si Jecutiel ang ama ni Zanoa.
\s5
\v 19 Ang asawa ni Hodias ay ang kapatid na babae ni Naham. Nanganak ng dalawang lalaki ang asawa ni Hodias. Ang isa sa kanila ay ang ama ni Keila na ninuno ng mga taga-Gar, at ang isa pa ay ang ama ni Estemo na ninuno ng mga Maacateo.
\v 20 Ang isa pang kaapu-apuhan ni Juda ay si Simon. Ang mga anak ni Simon ay sina Amnon, Rina, Ben Hanan at Tilon. Ang isa pang kaapu-apuhan ni Juda ay si Isi. Ang kaniyang mga anak ay sina Zohet, at Ben Zohet.
\s5
\v 21 Ang isa sa mga anak ni Judah ay si Sela. Ang mga kaapu-apuhan ni Sela ay sina Er na ama ni Leca, si Laada na ama ni Maresa, ang mga pamilya na humahabi ng mga bagay na gawa sa lino sa Beth Asbea,
\v 22 si Joquim at ang mga kalalakihan sa lungsod ng Cozeba, at sina Joas at Saraf, ang dalawang lalaking nakapangasawa ng mga kababaihan na mula sa rehiyon ng Moab at hindi nagtagal ay nanirahan sa Bethlehem. Ang lahat ng kanilang pangalan at ang talaan ng kanilang ginawa ay nakasulat sa mga balumbon.
\v 23 Ilan sa mga kaapu-apuhang ito ni Sela ay gumagawa ng palayok para sa hari. Ilan sa kanila ay nanirahan sa lungsod ng Netaim, at ang ilan ay nanirahan sa lungsod ng Gedera.
\s5
\v 24 Ang mga anak ni Simeon ay sina Nemuel, Jamin, Jarib, Zera, at Saul.
\v 25 Ang anak ni Saul ay si Sallum. Ang anak ni Sallum ay si Mibsam.
\v 26 Anak naman ni Mibsam ay si Misma. Ang anak ni Misma ay si Hamuel. Ang anak ni Hamuel ay si Zacur. Ang anak ni Zacur ay si Simei.
\s5
\v 27 Si Simei ay may labing anim na anak na lalaki at anim na anak na babae, ngunit wala sa kaniyang mga kapatid ang nagkaroon ng maraming anak. Kaya ang mga anak ni Simeon ay hindi naging kasing dami ng mga anak ng kaniyang nakababatang kapatid na si Juda.
\v 28 Nanirahan ang mga kaapu-apuhan ni Simeon sa mga lungsod at sa mga bayang ito: Beerseba, Molada, Hazar Shual,
\s5
\v 29 Bilha, Ezem, Tolad,
\v 30 Bethuel, Horma, Ziklag, Beth Marcabot, Hazar Susim,
\v 31 Beth Biri at Saaraim. Naninirahan sila sa mga lugar na iyon hanggang naging hari si David.
\s5
\v 32 Nanirahan din sila sa mga nayong malapit sa mga bayang iyon: Etam, Ain, Rimmon, Toquen at Asan.
\v 33 May iba ding mga nayon kung saan sila nanirahan, hanggang sa timog-kanluran sa lungsod ng Baalat. Iyon ang mga lugar kung saan sila nanirahan, at isinulat nila ang mga pangalan ng kasapi sa kanilang pamilya.
\s5
\v 34-38 Ang mga kalalakihan sa mga sumusunod na talaan ay ang mga pinuno ng kanilang angkan: Mesobab, Jamlec, Josa na anak ni Amazias, Joel, at Jehu anak ni Josibias. Si Josibias ay anak ni Seraias at apo ni Asiel. Ang ibang mga pinuno ng mga angkan ay sina Elioenai, Jaakoba, Jesohaias, Asaias, Adiel, Jesimiel, Benaias, at Ziza. Si Ziza ay anak ni Sifi at apo ni Allon ang anak ni Jedaias, na anak ni Simri, na anak ni Semaias. Lubhang dumami ang mga kasapi ng mga pamilyang iyon.
\s5
\v 39 Pumunta sila malapit sa lungsod ng Gedor sa silangang bahagi ng lambak upang maghanap ng pastulan para sa kanilang mga kawan ng tupa.
\v 40 Nakahanap sila ng magandang pastulan na may saganang damo. Ang lugar ay tahimik at payapa. Dating nanirahan doon ang mga kaapu-apuhan ni Ham na anak ni Noe.
\v 41 Ngunit habang si Hezekias ang hari ng Judah, dumating ang mga pinuno ng tribu ni Simeon sa Gedor at nakipaglaban sa mga kaapu-apuhan ni Ham at sinira ang kanilang mga tolda. Nakipaglaban din sila sa mga kapu-apuhan ni Meun na naninirahan doon at pinatay silang lahat. kaya ngayon wala ng lahi si Meun na naninirahan doon. Ang mga kaapu-apuhan ni Simeon ay nag-umpisang manirahan doon, dahil may magandang pastulan doon para sa kanilang mga tupa.
\s5
\v 42 Pinamunuan ng apat na anak na lalaki ni Isi na sina Pelatias, Nearias, Refaias at Uziel, ang iba pang limandaang kaapu-apuhan ni Simeon at sinalakay ang mga tao na naninirahan sa maburol na bansa ng Edom.
\v 43 Pinatay nila ang mga natitirang inapo ni Amalek na nabubuhay pa. Mula sa panahong iyon hanggang ngayon, ang mga kaapu-apuhan ni Simeon ay naninirahan sa rehiyon ng Edom.
\s5
\c 5
\p
\v 1 Ang mga kaapu-apuhan ni Ruben. Si Ruben ang panganay na anak ni Jacob. Kaya, dapat siya sana ang tumanggap ng natatanging karapatan na para sa mga panganay na anak. Ngunit sinipingan niya ang asawang alipin ng kaniyang ama, kaya ibinigay ng kaniyang ama ang mga karapatang iyon sa mga anak ng kaniyang nakababatang kapatid na si Jose. At sa mga talaan ng pamilya, hindi unang binanggit si Ruben, tulad ng nakagawiang pagbanggit sa mga panganay na mga anak.
\v 2 Bagaman naging mas makapangyarihan si Juda kaysa sa kaniyang mga kapatid, at nagmula sa kaniya ang pinuno ng Juda, ang pamilya ni Jose ang tumanggap ng karapatan na para sa mga panganay na anak.
\v 3 Ngunit si Ruben ang panganay na anak ni Jacob. Ang mga anak ni Ruben ay sina Hanoc, Pallu, Hezron at Carmi.
\s5
\v 4 Ang isa pang kaapu-apuhan ni Ruben ay si Joel. Ang anak ni Joel ay si Semaias. Ang anak ni Semaias ay si Gog. Ang anak ni Gog ay si Simei.
\v 5 Ang anak ni Simei ay si Mica. Ang anak ni Mica ay si Reaias. Ang anak ni Reaias ay si Baal.
\v 6 Ang anak ni Baal ay si Beera. Si Beera ay isang pinuno ng tribu ni Ruben. Ngunit binihag at dinala siya ni Tiglat Pilser na hari ng Asiria sa Asiria.
\s5
\v 7 Ang mga pangalan ng mga angkang ito ay nakatala rito ayon sa nakasulat sa mga talaan ng kanilang pamilya. Ang mga pangalang nakasulat ay: Jeiel, sumunod si Zacarias,
\v 8 at pagkatapos ay si Bela na anak ni Azaz, na anak ni Sema, na anak na lalaki ni Joel. Ang angkan ni Ruben ay napakalaki. Nanirahan ang ilan sa kanila sa lungsod ng Aroer hanggang umabot sa hilaga sa lungsod ng Nebo at sa lungsod ng Baal Meon.
\v 9 Nanirahan ang ilan sa kanila sa may dakong silangan, hanggang umabot sila sa dulo ng disyerto na nasa timog ng Ilog Eufrates. Nagpunta sila roon dahil napakarami ng kanilang kawan ng baka, kung kaya walang sapat na pastulan para sa kanila sa rehiyon ng Gilead.
\s5
\v 10 Nang si Saul ang hari ng Israel, ang mga kalalakihan sa tribu ni Ruben ay nakipaglaban sa mga kaapu-apuhan ni Hagar at tinalo sil. Pagkatapos nito, nanirahan sila sa mga tolda na dating tirahan ng mga kaapu-apuhan ni Hagar sa lahat ng lugar sa silangang rehiyon ng Gilead.
\s5
\v 11 Nanirahan ang tribu ni Gad malapit sa tribu ni Ruben; sila ay nanirahan sa rehiyon ng Bashan, hanggang sa silangang panig sa lungsod ng Saleca.
\v 12 Si Joel ang kanilang pinuno; si Safam ang pangalawa; ang iba pang mga pinuno ay sina Janai at Safat.
\v 13 Ang ibang kasapi ng tribu ay nagmula sa pitong angkan na ang mga pinuno ay sina Micael, Mesulam, Sheba, Jorai, Jacan, Zia at Eber.
\s5
\v 14 Kaapu-apuhan sila ni Abihail. Si Abihail ay anak ni Huri na anak ni Jaroa. Si Jaroa ay anak ni Gilead na anak ni Micael. Si Michael ay anak ni Jesisai na anak ni Jahdo at si Jahdo naman ay anak ni Buz.
\v 15 Si Ahi ay anak ni Abdiel na anak ni Guni. Si Ahi ang pinuno ng kanilang angkan.
\s5
\v 16 Naninirahan ang mga kaapu-apuhan ni Gad sa mga bayan sa rehiyon ng Gilead at Bashan at sa lahat ng pastulan sa Kapatagan ng Saron.
\v 17 Ang lahat ng mga pangalan na iyon ay nakatala sa talaan ng mga angkan ni Gad sa panahon na si Jotham ang hari ng Judah at si Jeroboam ang hari ng Israel. Ang mga hukbo ng mga tribu na nanirahan sa silangang bahagi ng Ilog Jordan.
\s5
\v 18 Mayroong 44,760 na kawal sa tribu nina Ruben at Gad at sa kalahati ng tribu ni Manases na nasa silangang bahagi. Silang lahat ay may dalang mga panangga at mga espada, mga pana at mga palaso. Sinanay silang lahat sa pakikipaglaban nang mahusay sa mga labanan.
\v 19 Sinalakay nila ang mga kaapu-apuhan ni Hagar at ang mga tao sa lungsod ng Jetur, Nafis at Nodab.
\s5
\v 20 Nanalangin sa Diyos ang mga kalalakihang mula sa tatlong tribung iyon sa panahon ng mga digmaan, hinihiling sa kaniya na tulungan sila. Kaya sila ay tinulungan niya dahil nagtiwala sila sa kaniya. Sila ay binigyan niya ng kakayahan upang talunin ang mga kaapu-apuhan ni Hagar at ang lahat tumutulong sa kanila.
\v 21 Kinuha nila ang mga hayop na pagmamay-ari ng mga kaapu-apuhan ni Hagar: Kinuha nila ang 50,000 kamelyo, 250,000 tupa at 2,000 asno. Binihag rin nila ang 100,000 tao.
\v 22 Ngunit marami sa mga kaapu-apuhan ni Hagar ay napatay dahil tinulungan ng Diyos ang mga tribu nina Ruben, Gad at Manasses. Pagkatapos noon, nanirahan ang tatlong tribu sa lugar na iyon hanggang sa binihag sila ng hukbo ng Babilonia at dinala patungo sa Babilonia. Ang kalahati ng tribu ni Manases na nasa silangang bahagi.
\s5
\v 23 Napakaraming tao ang kabilang sa kalahati ng tribu ni Manases na nasa silangang bahagi. Sila ay nanirahan sa rehiyon ng Bashan sa silangang bahagi ng Ilog Jordan, umabot sila sa hilagang bahagi sa Baal Hermon, Senir, at sa Bundok ng Hermon.
\v 24 Ang mga pinuno ng kanilang mga angkan ay sina Efer, Isi, Eliel, Azriel, Jeremias, Hodavias at Jahdiel. Silang lahat ay malalakas, matatapang at magigiting na mga sundalo at mga pinuno ng kanilang mga angkan.
\s5
\v 25 Ngunit nagkasala sila laban sa Diyos na sinamba ng kanilang mga ninuno. Sinimulan nilang sumamba sa mga diyus-diyosan na sinasamba ng mga tao sa rehiyon na iyon, ang mga taong nilipol nila sa tulong Diyos.
\v 26 Kaya inudyukan ng Diyos na sinamba ng mga Israelita ang hari ng Asiria na si Pul na naising sakupin ang mga tribung ito. Ang isa pang pangalan ni Pul ay Tiglat Pileser. Nabihag ng kaniyang hukbo ang mga tao sa tribu nina, Ruben, Gad at ang kalahati ng tribu ni Manases sa silangang bahagi at dinala sila sa iba't ibang lugar sa Asiria: sa Halah, Habor, Hara at sa malapit sa Ilog ng Gozan. Sila ay nanirahan sa mga lugar na iyon sa mga panahong iyon hanggang sa kasalukuyang panahon.
\s5
\c 6
\p
Ito ang mga kaapu-apuhan ni Levi.
\v 1 Ang mga anak na lalaki ni Levi ay sina Gerson, Kohat at Merari.
\v 2 Ang mga anak na lalaki ni Kohat ay sina Amram, Izar, Hebron at Uziel.
\v 3 Ang mga anak ni Amram ay sina Miriam at ang kaniyang mga nakababatang kapatid na sina Aaron at Moises. Ang mga anak na lalaki ni Aaron ay sina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar.
\s5
\v 4 Si Eleazar ang ama ni Finehas na ama ni Abisua.
\v 5 Si Abisua ang ama ni Buki na ama ni Uzi.
\v 6 Si Uzi ang ama ni Zerahias na ama ni Meraiot.
\s5
\v 7 Si Meraiot ang ama ni Amarias na ama ni Ahitob.
\v 8 Si Ahitob ang ama ni Zadok na ama ni Ahimaaz.
\v 9 Si Ahimaaz ang ama ni Azarias na ama ni Johanan.
\s5
\v 10 Si Johanan ang ama ni Azarias. Si Azarias ay pari sa templo na iniutos ni Solomon na itayo sa Jerusalem.
\v 11 Si Azarias ang ama ni Amarias na ama ni Ahitob.
\v 12 Si Ahitob ang ama ni Zadok na ama ni Sallum.
\s5
\v 13 Si Sallum ang ama ni Hilkias na ama ni Azarias.
\v 14 Si Azarias ang ama ni Seraya na ama ni Jehozadak.
\v 15 Napilitan si Jehozadak na iwan ang kaniyang tahanan nang ipadala ni Yahweh ang hukbo ni Haring Nebucadnezar upang bihagin ang maraming tao sa Jerusalem at iba pang mga lugar sa Juda at pilitin silang pumunta sa Babilonia.
\s5
\v 16 Ang mga anak na lalaki ni Levi ay sina Gerson, Kohat at Merari.
\v 17 Ang mga anak na lalaki ni Gerson ay sina Libni at Simei.
\v 18 Ang mga anak na lalaki ni Kohat ay sina Amram, Izar, Hebron at Uziel.
\s5
\v 19 Ang mga anak na lalaki ni Merari ay sina Mahli at Musi. Narito ang talaan ng mga kaapu-apuhan ni Levi na naging pinuno ng kanilang mga angkan.
\v 20 Ang panganay na anak ni Gerson ay si Libni. Ang anak ni Libni ay si Jahat. Ang anak ni Jahat ay si Zima.
\v 21 Ang anak ni Zima ay si Joah. Ang anak ni Joah ay si Iddo. Ang anak ni Iddo ay si Zara. Ang anak ni Zara ay si Jeatrai.
\s5
\v 22 Si Aminadab ang isa pang anak ni Kohat. Ang anak ni Aminadab ay si Korah. Ang anak ni Korah ay si Asir.
\v 23 Ang anak ni Asir ay si Elkana. Ang anak ni Elkana ay si Ebiasaf. Ang anak ni Ebiasaf ay si Asir.
\v 24 Ang anak ni Asir ay si Tahat. Ang anak ni Tahat si Uriel. Ang anak ni Uriel ay si Uzias. Ang anak ni Uzias ay si Shaul.
\s5
\v 25 Sina Amasai at Ahimot ang iba pang mga anak ni Elkana.
\v 26 Anak ni Ahimot si Elkana. Anak ni Elkana si Zofar. Anak ni Zofar sa Nahat.
\v 27 Anak ni Nahat si Eliab. Anak ni Eliab si Jeroham. Anak ni Jeroham si Elkana. Anak ni Elkana si Samuel.
\s5
\v 28 Si Joel ang panganay na anak ni Samuel at si Abija ang isa pa niyang anak.
\v 29 Si Mahli ang panganay na anak ni Merari. Ang anak ni Mahli ay si Libni. Ang anak ni Libni ay si Simei. Ang anak ni Simei ay si Uza.
\v 30 Ang anak ni Uza ay si Simea. Ang anak ni Simea ay si Hagia. Ang anak ni Hagia ay si Asaya. Ang mga manunugtog sa templo
\s5
\v 31 Matapos dalhin ang sagradong kaban sa Jerusalem, nagtalaga si Haring David ng ilang mga kalalakihan na mula sa mga kaapu-apuhan ni Levi upang mamahala sa musika sa lugar kung saan sumasamba ang mga tao kay Yahweh.
\v 32 Unang tumugtog at umawit ang mga manunugtog na ito sa sagradong tolda na tinawag ding toldang tipanan at ipinagpatuloy nilang ginawa iyon hanggang sa maitayo ng mga manggagawa ni Solomon ang templo ni Yahweh sa Jerusalem. Sa lahat ng kanilang gawain, sinunod nila ang mga tagubilin na ibinigay sa kanila ni David.
\s5
\v 33 Narito ang talaan ng mga manunugtog at ang kanilang mga anak na lalaki: Mula sa kaapu-apuhan ni Kohat ay si Heman na pinuno ng mga mang-aawit. Si Heman ay anak ni Joel na anak ni Samuel.
\v 34 Si Samuel ay anak ni Elkana na anak ni Jeroham. Si Jeroham ay anak ni Eliel na anak ni Toah.
\v 35 Si Toah ay anak ni Zuf na anak ni Elkana. Si Elkana ay anak ni Mahat na anak ni Amasai.
\s5
\v 36 Anak ng isa pang lalaki na nagngangalang Elkana si Amasai. Si Elkana ay anak ni Joel na anak ni Azarias. Si Azarias ay anak ni Zefanias.
\v 37 Si Zefanias ay anak ni Tahat na anak ni Asir. Si Asir ay anak ni Ebiasaf na anak ni Korah.
\v 38 Si Korah ay anak ni Izar na anak ni Kohat. Si Kohat ay anak ni Levi na anak ni Jacob.
\s5
\v 39 Katulong sa gawain ni Heman si Asaf. Nakatayo ang kaniyang pangkat sa gawing kanan ni Heman. Si Asaf ay anak ni Berequias na anak ni Simea.
\v 40 Si Simea ay anak ni Micael na anak ni Baaseias. Si Baaseias ay anak ni Malquias.
\v 41 Si Malquias ay anak ni Etni na anak ni Zera. Si Zera ay anak ni Adaias.
\v 42 Si Adaias ay anak ni Etan na anak ni Zima. Si Zima ay anak ni Simei.
\v 43 Si Simei ay anak ni Jahat na anak ni Gerson na anak ni Levi.
\s5
\v 44 Tinulungan ng isang pangkat ng mga mang-aawit na nagmula sa pamilya ni Merari sina Heman at Asaf. Nakatayo sila sa gawing kaliwa ni Heman. Si Etan na anak ni Quisi ang pinuno ng pangkat na ito. Si Quisi ay anak ni Abdi na anak ni Malluc.
\v 45 Si Malluc ay anak ni Hashabias na anak ni Amazias na anak ni Hilkias.
\v 46 Si Hilkias ay anak ni Amzi na anak ni Bani na anak ni Semer.
\v 47 Si Semer ay anak ni Mahli na anak ni Musi. Si Musi ay anak ni Merari na anak ni Levi.
\s5
\v 48 Itinalaga din ang ibang mga kaapu-apuhan ni Levi upang gawin ang iba pang gawain sa sagradong tolda, ang lugar kung saan sumasamba ang mga tao sa Diyos.
\s5
\v 49 Si Aaron at ang kaniyang mga kaapu-apuhan ang naglalagay ng mga alay na ganap na susunugin sa altar at nagsusunog ng insenso sa isa pang altar. Ang mga alay na iyon ay upang hindi na magalit si Yahweh sa mga Israelita dahil sa kanilang pagkakasala. Ginawa din ng mga lalaking iyon ang iba pang gawain sa kabanal-banalang lugar sa sagradong tolda, na sinusunod ang mga tagubilin na ibinigay sa kanila ni Moises na naglingkod nang maayos sa Diyos.
\s5
\v 50 Ito ang mga kaapu-apuhan ni Aaron: Ang anak ni Aaron ay si Eleazar. Ang anak ni Eleazar ay si Finehas. Ang anak ni Finehas ay si Abisua.
\v 51 Ang anak ni Abisua ay si Buki. Ang anak ni Buki ay si Uzi. Ang anak ni Uzi ay si Zerehias.
\v 52 Ang anak ni Zerehias ay si Meraiot. Ang anak ni Meraiot ay si Amarias. Ang anak ni Amarias ay si Ahitob.
\v 53 Ang anak ni Ahitob ay si Zadok. Ang anak ni Zadok ay si Ahimaaz. Lupain para sa mga kaapu-apuhan ni Levi
\s5
\v 54 Narito ang talaan ng mga lugar kung saan nanirahan ang mga kaapu-aapuhan ni Aaron. Ang mga kaapu-apuhan ni Kohat ang unang pangkat na nabigyan ng mga lungsod na titirhan.
\v 55 Ibinahagi sa kanila ang lungsod ng Hebron sa Juda at ang pastulan sa paligid ng lungsod,
\v 56 ngunit ibinigay ang mga bukid na mas malayo sa lungsod at ang mga nayon na malapit sa lungsod sa anak ni Caleb na si Jefune.
\s5
\v 57 Ibinahagi sa mga kaapu-apuhan ni Aaron na mga kaapu-apuhan ni Kohat ang Hebron, ang isa sa mga lungsod na puwedeng takbuhan ng mga tao at sila ay pangangalagaan kung sila ay nakapatay nang hindi sinasadya. Ibinahagi din sa kanila ang mga bayan at pastulan malapit sa Libna, Jatir, Estemoa,
\v 58 Hilen, Debir,
\s5
\v 59 Asan, Juta at Bet-semes.
\v 60 Ibinahagi din sa kanila ang mga lungsod ng Gibeon, Geba, Alemet at Anatot mula sa tribu ni Benjamin. Sa kabuuan, labintatlong lungsod ang ibinahagi sa mga angkan na nagmula kay Kohat.
\s5
\v 61 Ibinahagi sa iba pang mga angkan na nagmula kay Kohat ang sampung lungsod mula sa angkan ng tribu ni Manases na nanirahan sa kanluran ng Ilog-Jordan.
\v 62 Ibinahagi sa mga angkan ni Gerson ang labintatlong lungsod at mga bayan mula sa mga tribu ni Isacar, Aser, Neftali at ang bahagi ng tribu ni Manases na nanirahan sa rehiyon ng Bashan sa silangang bahagi ng Ilog-Jordan.
\s5
\v 63 Inilaan sa mga kaapu-apuhan ni Merari ang labindalawang lungsod at mga bayan mula sa mga tribu ni Ruben, Gad at Zebulun.
\v 64 Inilaan ng mga pinuno ng Israel ang mga bayan na iyon at ang mga kalapit na mga pastulan sa mga kaapu-apuhan ni Levi.
\v 65 Inilaan din sa kanila ang mga lungsod at mga bayan mula sa tribu ni Juda, Simeon at Benjamin na dati nang naitala.
\s5
\v 66 Inilaan sa ilang mga kaapu-apuhan ni Kohat ang mga bayan mula sa tribu ni Efraim.
\v 67 Inilaan sa kanila ang Shekem na isa sa mga lungsod kung saan maaaring pagtaguan ng mga tao at mapapangalagaan sila kapag nakapatay sila ng tao ng hindi sinasadya, kasama ang mga kalapit na pastulan sa kaburulan ng Efraim. Inilaan din sa kanila ang mga bayan at pastulan na malapit sa kanila gaya ng Gezer,
\v 68 Jocmeam, Bet-horon,
\v 69 Ayalon at Gat-rimon.
\s5
\v 70 Inilaan sa iba pang mga kaapu-apuhan ni Kohat ang mga lungsod ng Aner, Bileam at ang mga kalapit na pastulan mula sa bahagi ng tribu ni Manases na nanirahan sa kanluran ng Ilog-Jordan.
\s5
\v 71 Nanirahan sa silangan ng Ilog-Jordan ang mga kaapu-apuhan ni Gerson na bahagi ng tribu ni Manases. Inilaan sa kanila ang mga lungsod, mga bayan at pastulan na malapit sa kanila. Ang Golan sa mga rehiyon ng Bashan at Astarot.
\v 72 Inilaan sa kanila mula sa tribu ni Isacar ang mga lungsod, mga bayan at pastulan na malapit sa Kades, Daberat,
\v 73 Ramot at Anem.
\s5
\v 74 Inilaan sa kanila mula sa tribu ni Aser ang mga lungsod, mga bayan at pastulan malapit sa Masal, Abdon,
\v 75 Hucoc at Rehob.
\v 76 Inilaan sa kanila mula sa tribo ni Neftali ang mga lungsod, mga bayan at pastulan na malapit sa Kades sa rehiyon ng Galilea at ang mga lungsod ng Hamon at Kiryataim.
\s5
\v 77 Inilaan sa ibang mga kaapu-apuhan ni Levi na nagmula sa angkan ni Merari ang mga bayan at mga pastulan mula sa tribu ni Zebulun na malapit sa Jocneam, Karta, Rimono at Tabor.
\v 78-79 Inilaan sa kanila mula sa tribu ni Ruben ang mga lungsod, mga bayan at pastulang malapit sa Bezer na nasa ilang. Ang mga pastulang ito ay Jaza, Kedemot at Mafaat. Nanirahan ang tribu ni Ruben sa silangan ng Ilog-Jordan sa ibayo ng Jerico.
\s5
\v 80 Inilaan sa kanila mula sa tribu ni Gad ang mga lungsod, mga bayan at pastulan na malapit sa Ramot sa rehiyon ng Gilead. Ang mga pastulang ito ay Mahanaim,
\v 81 Hesbon at Jazer.
\s5
\c 7
\p
Ang mga kaapu-apuhan ni Isacar
\v 1 Ang apat na anak na lalaki ni Isacar ay sina Tola, Pua, Jasub at Simron.
\v 2 Ang mga anak na lalaki ni Tola ay sina Uzi, Refaya, Jeriel, Jamai, Ibsam at Samuel. Mga pinuno silang lahat ng mga angkan na nagmula sa kanila. Sa talaan ng mga kaapu-apuhan ni Tola mayroong 22,600 na mga lalaking may kakayahang mapabilang sa mga hukbo nang panahong si David ang hari ng Israel.
\v 3 Si Izrahias ang anak na lalaki ni Uzi. Sina Micael, Obadias, Joel at Isaias ang limang anak ni Izrahias. Si Izrahias at ang kaniyang mga anak ay mga pinuno ng kanilang mga angkan.
\s5
\v 4 Sa talaan ng mga kaapu-apuhan ni Izrahias, mayroong 36,000 na pangalan ng mga kalalakihan ang may kakayahang mapabilang sa hukbo dahil mayroon silang maraming asawa at mga anak.
\v 5 Sa mga talaan ng mga angkan na nagmula kay Isacar, mayroong 87,000 na pangalan ng mga lalaking may kakayahang mapabilang sa hukbo. Ang mga kaapu-apuhan ni Benjamin.
\s5
\v 6 Ang tatlong anak ni Benjamin ay sina Bela, Bequer at Jediael.
\v 7 Ang limang anak ni Bela ay sina Esbon, Uzi, Uziel, Jeremot at Iri. Pinuno silang lahat ng kanilang mga angkan. Sa mga talaan ng mga angkan na nagmula kay Bela, mayroong 22,034 na pangalan ng mga kalalakihang may kakayahang mapabilang sa hukbo.
\s5
\v 8 Ang mga anak ni Beker ay sina Zemira, Joas, Eliezer, Elioenai, Omri, Jeremot, Abias, Anatot at Alamet.
\v 9 Sa mga talaan ng mga angkan na nagmula kay Bequer, mayroong 20,200 na mga pangalan ng mga kalalakihan at mga pinuno ng mga angkan ang may kakayahang mapabilang sa hukbo.
\v 10 Ang anak ni Jediael ay si Bilhan. Ang anak ni Bilhan ay sina Jehus, Benjamin, Aod, Canaana, Zetan, Tarsis at Ahisahar.
\s5
\v 11 Silang lahat ay mga pinuno ng mga angkan na nagmula sa kanila. Mayroong 17,200 sa kanila ang may kakayahang mapabilang sa hukbo.
\v 12 Kabilang din sina Supim at Hupim sa angkan na ito. Isa si Husim sa mga kaapu-apuhan ni Dan. Ang mga anak ni Neftali.
\s5
\v 13 Ang mga anak na lalaki ni Neftali ay sina Jahzeel, Guni, Jezer at Sallum. Silang lahat ay kaapu-apuhan ng asawang alipin ni Jacob na si Bilha. Ang mga kaapu-apuhan ni Manases.
\s5
\v 14 Ito ang talaan ng mga kaapu-apuhan ni Manases. Nagkaroon ng asawang alipin si Manases na nagmula sa Aram. Siya ang ina ni Azriel at Maquir. Si Maquir ang ama ni Gilead.
\v 15 Nagkaroon ng dalawang asawa si Maquir. Nagmula sila sa mga angkan ni Hupim at Supim. Maaca ang pangalan ng isa sa mga asawa ni Maquir. Nagkaroon ng isa pang anak na lalaki si Maquir na ang pangalan ay Zelofehad. Si Zelofehad ay walang anak na lalaki, nagkaroon lamang siya ng mga anak na babae.
\v 16 Nagsilang si Maaca na asawa ni Maquir ng dalawang batang lalaki na pinangalanan niyang Peres at Seres. Ang mga anak ni Seres ay sina Ulam at Requem.
\s5
\v 17 Ang anak na lalaki ni Ulam ay si Bedan. Iyon ang mga kaapu-apuhan ni Gilead na anak ni Maquir at apo ni Manases.
\v 18 Ang kapatid na babae ni Maquir ay si Hamolequet na ina ni Ishod, Abiezer at Mahla.
\v 19 Ang isa pang anak na lalaki ni Gilead ay si Semida na ama nina Ahian, Shekem, Likhi at Aniam. Ang mga kaapu-apuhan ni Efraim.
\s5
\v 20 Ito ay listahan ng mga kaapu-apuhan ni Efraim. Ang isang anak na lalaki ni Efraim ay si Sutela. Ang anak na lalaki ni Sutela ay si Bered. Ang anak na lalaki ni Bered ay si Tahat. Ang anak na lalaki ni Tahat ay si Elada. Tahat din ang pangalan ng anak na lalaki ni Elada.
\v 21 Ang anak na lalaki ni Tahat ay si Zabad. Ang anak na lalaki ni Zabad ay si Sutela. Pumunta sa lungsod ng Gat ang ibang anak na lalaki ni Efraim na sina Ezer at Elad upang magnakaw ng ilang mga baka at tupa. Ngunit kapwa sila pinatay ng ilan sa mga kalalakihang nagmula sa lungsod na iyon.
\v 22 Iniyakan sila ng kanilang amang si Efraim sa loob ng maraming araw, at dumating ang kaniyang pamilya upang aliwin siya.
\s5
\v 23 Pagkatapos, muli niyang sinipingan ang kaniyang asawa. Nagdalang-tao ang kaniyang asawa at nagsilang ng isang batang lalaki. Pinangalanan siya ni Efraim na Beria na nagmula sa salitang 'paghihirap' dahil sa paghihirap na naranasan ng kaniyang pamilya.
\v 24 Ang anak na babae ni Efraim ay si Sera. Nagtayo ng tatlong bayan ang mga manggagawa ni Sera. Ang Beth-Horong Ibaba, ang Beth-Horong Itaas at ang Uzenseera.
\s5
\v 25 Si Refa ang isa pang anak na lalaki ni Efraim. Si Resef ang anak na lalaki ni Refa. Si Tela ang anak na lalaki ni Resef. Si Tahan ang anak na lalaki ni Tela.
\v 26 Si Ladan ang anak na lalaki ni Tahan. Si Amihud ang anak na lalaki ni Ladan. Si Elisama ang anak na lalaki ni Amihud.
\v 27 Si Nun ang anak na lalaki ni Elisama. Anak na lalaki ni Nun si Josue na nanguna sa mga Israelita nang mamatay si Moises.
\s5
\v 28 Ito ay listahan ng mga lungsod at mga lugar kung saan nanirahan ang mga kaapu-apuhan ni Efraim: Ang Bethel at ang mga kalapit na nayon nito. Ang Naaran sa silangan. Ang Gezer sa kanluran at ang mga kalapit na nayon. Ang Shekem at ang mga kalapit na nayon. Ang mga nayon sa Hilaga hanggang sa Gaza at ang mga kalapit na nayon.
\v 29 Sa gilid ng hangganan ng mga lugar kung saan nanirahan ang mga kaapu-apuhan ni Manases ay ang mga bayang ito: Beth-sean, Taanach, Megido at Dor at ang mga kalapit na nayon. Ang mga taong nanirahan sa mga lugar na iyon ay mga kaapu-apuhan ni Jose na anak ni Jacob. Ang mga kaapu-apuhan ni Aser.
\s5
\v 30 Sina Imna, Isva, Isvi at Berias ang mga anak na lalaki ni Aser. Si Sera ang kanilang kapatid na babae.
\v 31 Sina Heber at Malquiel ang mga anak na lalaki ni Berias. Si Malquiel ang ama ni Birzavit.
\v 32 Si Heber ang ama nina Jaflet, Somer at Helem. Si Sua ang kanilang kapatid na babae.
\s5
\v 33 Ang mga anak na lalaki ni Jaflet ay sina Pasac, Bimhal at Asvat.
\v 34 Si Somer ang nakababatang kapatid ni Jaflet. Sina Rohga, Jehuba at Aram ang mga anak na lalaki ni Somer.
\v 35 Si Helem ang nakababatang kapatid ni Somer. Sina Zofa, Imna, Seles at Amal ang mga anak na lalaki ni Helem.
\s5
\v 36 Ang mga anak na lalaki ni Zofa ay sina Suah, Harnefer, Sual, Beri, Imra,
\v 37 Bezer, Hod, Samna, Silsa, Beera at Itran na ang iba pang pangalan ay Jeter.
\v 38 Ang mga anak na lalaki ni Jeter ay sina Jefune, Pispa at Ara.
\s5
\v 39 Ang isa pang kaapu-apuhan ni Aser ay si Ulla na ang mga anak ay sina Ara, Haniel at Rizia.
\v 40 Ang lahat ng mga lalaking iyon ay kaapu-apuhan ni Aser, at silang lahat ay pinuno ng kanilang mga angkan. Sila ay matatapang na mandirigma at mga mahuhusay na pinuno. Sa talaan ng mga angkan na nagmula sa lahi ni Aser, mayroong 26,000 na pangalan ng mga kalalakihan na may kakayahang mapabilang sa hukbo.
\s5
\c 8
\p
Ang mga kaapu-apuhan ni Benjamin
\v 1 May limang anak na lalaki si Benjamin: sina Bela, Asbel, Ahara,
\v 2 Noha at Rafa.
\v 3 Ang mga anak ni Bela ay sina Adar, Gera, Abihud,
\v 4 Abisua, Naaman, Ahoa,
\v 5 Gera, Sefufan at Huram.
\s5
\v 6 Si Ehud ang isa sa mga anak na lalaki ni Gera. Ang mga anak ni Ehud ay mga pinuno ng kanilang angkan na naninirahan sa lungsod ng Geba, ngunit sapilitan silang pinalipat sa lungsod ng Manahat.
\v 7 Ang mga anak ni Naaman ay sina Ahias at Gera. Si Gera ang nanguna sa kanila nang lumipat sila sa Manahat. Si Gera ang ama nina Uza at Ahihud.
\s5
\v 8-11 Ang isa pang anak ni Benjamin ay si Saaraim. Siya at ang kaniyang asawang si Husim ay may dalawang anak na lalaki, sina Abitob at Elpaal. Sa rehiyon ng Moab, hiniwalayan ni Saaraim si Husim at ang isa pa niyang asawang si Baara. At napangasawa siya ang isang babaeng nagngangalang Hodes at nagkaroon sila ng pitong anak na sina Jobab, Sibia, Mesa, Malcam, Jeuz, Sachia at Mirma. Pinuno silang lahat ng kanilang mga angkan.
\s5
\v 12-13 Ang mga anak na lalaki ni Elpaal ay sina Eber, Misam, Semed, Berea at Sema. Si Semed ang nagtayo ng mga lungsod ng Ono at Lod at ang mga kalapit nilang nayon. Si Bereas at Sema ay mga pinuno ng kanilang mga angkan na naninirahan sa lungsod ng Ayalon. Pinilit nila ang mga taong naninirahan sa lungsod ng Gat na lisanin ang kanilang lungsod.
\s5
\v 14-16 Ang mga anak na lalaki ni Beria ay sina Ahio, Sasac, Jeremot, Zebadias, Arad, Adar, Micael, Ispa at Joha.
\v 17-18 Ang pangalan ng iba pang mga anak ni Elpaal ay sina Zebadias, Mesulam, Hizki, Heber, Ismerai, Izlia at Jobab.
\s5
\v 19-21 Ang isa pang anak ni Benjamin ay si Simei. Kabilang sina Jaquim, Zicri, Zabdi, Elienai, Zilletai, Eliel, Adaya, Beraya at Simrat sa mga kaapu-apuhan ni Simei.
\s5
\v 22-25 Aga mga anak na lalaki ni Sasac ay sina Ispan, Eber, Eliel, Abdon, Zicri, Hanan, Hananias, Elam, Anatotias, Ifdaya at Penuel.
\s5
\v 26-27 Ang isa pang anak ni Benjamin ay si Jeroham na ang mga anak na lalaki ay sina Samserai, Seharia, Atalia, Jaaresias, Elias at Zicri.
\v 28 Sa mga talaan ng mga angkang ito, nakasulat na ang lahat ng lalaking ito ay mga pinuno ng kanilang mga angkan at naninirahan sila sa Jerusalem.
\s5
\v 29 Ang isa pang kaapu-apuhan ni Benjamin ay si Jeiel. Tumira siya sa lungsod ng Gibeon at siya ang pinuno ng mga nakatira doon. Si Maaca ang kaniyang asawa.
\v 30 Ang panganay niyang anak na lalaki ay si Abdon. Ang iba pa niyang mga anak na lalaki ay sina Sur, Kish, Baal, Nadab,
\v 31 Gedor, Ahio, Zequer at Miclot.
\s5
\v 32 Si Miclot ang ama ni Simea. Ang lahat ng anak ni Jeiel ay tumira malapit sa kanilang mga kamag-anak sa Jerusalem.
\v 33 Si Ner ang ama ni Kis na ama ni Haring Saul. Si Saul ang ama nina Jonatan, Melquisua, Abinadab, Esbaal.
\v 34 Ang anak ni Jonatan ay si Merib-Baal na ama ni Mica.
\s5
\v 35 Ang mga anak na lalaki ni Mica ay sina Piton, Melec, Tarea at Ahaz.
\v 36 Si Ahaz ang ama ni Joada. na ama nina Alemet, Azmavet at Zimri. Si Zimri ang ama ni Moza.
\v 37 Si Moza ang ama ni Binea. Ang anak ni Binea ay si Rafa. Ang anak ni Rafa ay si Elasa. Ang anak ni Elasa ay si Azel.
\v 38 Nagkaroon ng anim na anak si Azel: sina Azrikam, Bocru, Ismael, Searias, Obadias at Hanan.
\v 39 Ang nakababatang kapatid ni Azel ay si Esec. Ang panganay na anak na lalaki ni Esec ay si Ulam. Ang iba niyang anak ay sina Jeus at Elifelet.
\v 40 Ang mga anak ni Ulam ay mga magigiting na mandirigma at mga mahuhusay gumagamit ng pana. Nagkaroon sila ng 150 na lalaking anak at apo. Iyon ang mga kaapu-apuhan ni Benjamin.
\s5
\c 9
\p
\v 1 Naitala ang mga pangalan ng lahat ng mga taga-Israel sa balumbon na pinangalanang "Ang Talaan ng mga Hari ng Israel". Marami sa mga tao sa Juda ang nabihag at pinilit na pumunta sa Babilonia. Nangyari iyon dahil sa ginawa nilang mga kasalanan.
\v 2 Makalipas ang maraming taon, ang unang mga tao na bumalik sa Juda at nanirahan sa kanilang sariling lupain at mga lungsod at sa mga bayan ay ang ilan sa mga paring Israelita, iba pang mga kaapu-apuhan ni Levi, at ang mga kalalakihang naglilingkod sa templo.
\v 3 Bumalik din sa Juda at nanirahan sa Jerusalem ang ilan sa mga tao na nagmula sa mga tribu ni Juda, Benjamin, Efraim, at Manases. Ito ay isang talaan ng mga taong iyon mula sa tribu ni Juda:
\s5
\v 4 Si Utai na anak ni Amihud; si Amihud na anak ni Omri; si Omri na anak ni Imri; si Imri na anak ni Bani; si Bani ay kaapu-apuhan ni Peres na anak ni Juda.
\v 5 Si Asaya at ang kaniyang mga anak ay kaapu-apuhan ni Sela. Si Asaya ang panganay na anak sa kaniyang pamilya.
\v 6 Si Jeuel at ang iba pa niyang kamag-anak sa angkan ni Zera. Mayroong 690 na pamilya sa angkan na ito.
\s5
\v 7 Mula sa tribu ni Benjamin: Si Sallu na anak ni Mesulam; si Mesulam na anak ni Hodavias, si Hodavias na anak ni Asenua;
\v 8 si Ibnias na anak ni Jeroham; si Ela na anak ni Uzi; si Uzi na anak ni Micri, si Mesulam na anak ni Sefatias; si Sefatias na anak ni Reuel; si Reuel na anak ni Ibnias.
\v 9 Sa ibang mga talaan ng tao na mula sa lahi ni Benjamin, nakatala roon ang mga pangalan ng 956 na taong naninirahan sa Jerusalem. Ang lahat ng ito ay pinuno ng kanilang mga angkan.
\s5
\v 10 Ang ilan sa mga paring bumalik sa Juda ay sina Jedaias, Joiarib, Jaquin,
\v 11 at si Azarias na anak ni Hilkias. Si Hilkias na anak ni Mesulam; si Mesulam na anak ni Zadok; si Zadok na anak ni Meraiot; si Meraiot na anak ni Ahitob; si Ahitob na tagapangasiwa sa lahat ng mga kalalakihang nangangalaga ng templo.
\s5
\v 12 Si Adaya anak ni Jeroham; si Jehoram na anak ni Pashur; si Pashur na anak ni Malquias; si Masai na anak ni Adiel; si Adiel na anak ni Jazera, si Jazera na anak ni Mesulam; si Mesulam na anak ni Mesilemit; si Mesilemit na anak ni Imer.
\v 13 Sa kabuuan, mayroong 1,760 na pari na bumalik sa Juda. Pinuno sila ng kanilang mga angkan at tungkulin nilang lahat na gumawa ng mga gawain sa templo ng Diyos.
\s5
\v 14 Ito ang mga kaapu-apuhan ni Levi na bumalik sa Juda: si Semaya na anak ni Hasub; si Hasub na anak ni Azrikam; si Azrikam na anak ni Hashabias; si Hashabias ay kaapu-apuhan ng bunsong anak ni Levi na si Merari.
\v 15 Ang ibang kaapu-apuhan ni Levi na bumalik sa Juda ay sina Bacbacar, Heres, Galal at si Matanias na anak ni Mica; si Mica na anak ni Zicri; si Zicri na anak ni Asaf.
\v 16 Si Obadias na anak ni Semaya; si Semaya na anak ni Galal; si Galal na anak ni Jeduthun; Naroon din si Berekias na anak ni Asa; si Asa na anak ni Elkana na tumira sa isa sa mga nayon kung saan tumira ang mga Nethofatita.
\s5
\v 17 Ang mga kaapu-apuan ni Levi na bumalik sa Juda na nagbantay sa mga tarangkahan ng templo ay sina Sallum, Akub, Talmon, Ahiman at ilan sa kanilang mga kamag-anak. Si Sallum ang kanilang pinuno.
\v 18 Ang mga taga-pagbantay na ito na nagmula sa tribu ni Levi ay dating nagbantay sa Tarangkahan ng Hari sa dakong silangan ng lungsod:
\v 19 Si Sallum na anak ni Kore; si Kore na anak ni Ebiasaf; si Ebiasaf na anak ni Korah. Taga-pagbantay ng mga tarangkahan si Sallum at ang kaniyang mga kamag-anak at tungkulin nilang bantayan ang mga tarangkahan ng templo ni Yaweh katulad ng ginawa ng kanilang mga ninuno.
\s5
\v 20 Noon, pinangasiwaan ni Finehas na anak ni Eleazar ang mga taga-pagbantay ng tarangkahan, at kasama ni Finehas si Yahweh.
\v 21 Si Zacarias na anak ni Meselemias ang taga-pagbantay ng tarangkahan sa pasukan ng templo.
\s5
\v 22 Sa kabuuan, mayroong 212 na mga kalalakihan ang napili upang magbantay sa mga tarangkahan. Nakasulat ang kanilang mga pangalan sa talaan ng mga angkan sa kanilang mga nayon. Itinalaga ni Haring David at ni propetang si Samuel ang mga kalalakihang iyon dahil maaasahan sila.
\v 23 Tungkulin ng mga taga-pagbantay at ng kanilang mga kaapu-apuhan na bantayan ang mga tarangkahan ng templo ni Yahweh. Itinayo ang templo upang palitan ang sagradong tolda.
\v 24 May mga taga-pagbantay ng tarangkahan sa bawat apat na sulok ng templo, sa dakong silangan, kanluran, hilaga at timog.
\s5
\v 25 Minsan, kinakailangan pumunta ng mga kamag-anak ng mga taga-pagbantay ng tarangkahan na naninirahan sa mga nayon na upang tumulong sa kanila. Pumupunta ang ilan sa kanila at tinutulungan ang mga taga-pagbantay ng tarangkahan sa loob ng pitong araw.
\v 26 May apat na kaapu-apuhan si Levi na nagtatrabaho araw-araw at pinapangasiwaan nila ang mga taga-pagbantay ng tarangkahan. Pinangangalagaan din nila ang mga silid imbakan at iba pang mga silid sa templo ng Diyos.
\v 27 Nananatili silang gising sa buong magdamag upang bantayan ang templo at binubuksan nila ang mga tarangkahan tuwing umaga.
\s5
\v 28 Pinangangalagaaan ng ilan sa mga taga-pagbantay ng tarangkahan ang mga kagamitan na nasa templo. Sila rin ang nangangalaga sa mga harina, alak, langis ng olibo, insenso at mga sangkap para sa pabango na ginagamit sa mga pag-aalay.
\v 29 Itinalaga ang iba pang mga taga-pagbantay ng tarangkahan upang pangalagaan ang iba pang mga bagay sa templo.
\s5
\v 30 Ngunit gawain ng ilan sa mga pari ang paghahalo sa mga sangkap.
\v 31 May kaapu-apuhan si Levi na nagngangalang Matitias na panganay na anak ni Sallum na isa sa mga kaapu-apuhan ni Korah. Lubos siyang maasahan kaya ibinigay nila sa kaniya ang gawain sa pagluluto ng tinapay na ginamit sa mga pag-aalay sa altar.
\v 32 Inihahanda ng ilan sa mga taga-pagbantay ng tarangkahan na nagmula sa lahi ni Kohat ang mga bagong tinapay upang ihandog sa harapan ng Diyos, inilalagay ang mga tinapay sa mesa sa loob ng templo tuwing Araw ng Pamamahinga.
\s5
\v 33 Manunugtog ang ilan sa mga kaapu-apuhan ni Levi na naglilingkod sa templo. Namamalagi sa mga silid ng templo ang mga pinuno ng mga pamilyang iyon. Hindi sila gumagawa ng iba pang mga gawain sa templo dahil tungkulin lamang nilang maglingkod bilang mga manunugtog sa araw at gabi.
\v 34 Iyon ang mga pangalan ng mga pinuno ng mga angkan na nagmula sa lahi ni Levi. Nakasulat ang kanilang mga pangalan sa mga talaan ng kanilang mga angkan. Nakatira silang lahat sa Jerusalem.
\s5
\v 35 Isa sa mga kaapu-apuhan ni Benjamin na si Jelhiel ay tumira sa lungsod ng Gibeon. Siya ang pinuno ng lungsod. Maaca ang pangalan ng kaniyang asawa.
\v 36 Si Abdon ang kaniyang panganay na anak na lalaki. Ang iba pa niyang mga anak na lalaki ay sina Zur, Kish, Baal, Ner, Nadab,
\v 37 Gedor, Ahio, Zacarias at Miclot.
\s5
\v 38 Si Miclot ang ama ni Simeam. Tumira ang pamilya ni Jelhiel malapit sa kanilang mga kamag-anak sa Jerusalem.
\v 39 Si Ner ang ama ni Kish. Si Kish ang ama ni Haring Saul. Si Saul ang ama nina Jonatan, Melquisua, Abinadab, at Esbaal.
\v 40 Ang anak ni Jonatan ay si Merib-baal. Si Merib-baal naman ang ama ni Mica.
\s5
\v 41 Ang mga lalaking anak ni Mica ay sina Piton, Melec, Tarea, at Ahaz.
\v 42 Si Ahaz ang ama ni Jara. Si Jara ang ama nina Alemet, Azmavet, at Zimri. Si Zimri ang ama ni Moza.
\v 43 Si Moza ang ama ni Binea. Ang anak naman ni Binea ay si Refaya. Ang anak ni Refaya ay si Elasa. Ang anak naman ni Refaya ay si Azel.
\v 44 Nagkaroon ng anim na anak na lalaki si Azel: sina Azkiram, Bokeru, Ismael, Seraya, Obadias, at Hanan.
\s5
\c 10
\p
\v 1 Nakipaglabang muli ang hukbo ng Filisteo laban sa mga Israelita. Nagsitakas sa kanila ang mga kawal ng Israelita at maraming Israelita ang napatay sa Bundok ng Gilboa.
\v 2 Inabutan ng mga kawal ng Filisteo si Saul at ang kaniyang mga anak na lalaki at pinatay nila ang kaniyang mga anak na sina Jonatan, Abinadad at Melquisua.
\v 3 Napakatindi ng labanan sa paligid ni Saul at natamaan si Saul ng mga mamamana at lubha siyang nasugatan.
\s5
\v 4 Sinabi ni Saul sa taong tagapagdala ng kaniyang mga sandata, "Hugutin mo ang iyong espada at patayin mo ako gamit ang iyong espada, upang hindi na ako masaktan ng mga paganong Filisteo at pagtawanan ako habang ako ay namamatay". Ngunit lubhang natakot ang taong tagapagdala ng mga sandata ni Saul at tumangging gawin iyon. Kaya kinuha ni Saul ang kaniyang sariling espada, sinaksak ang kaniyang sarili at namatay.
\s5
\v 5 Nang makita ng taong tagapagdala ng kaniyang mga sandata na patay na si Saul, sinaksak rin niya ang sariling tabak sa kaniyang sarili at namatay.
\v 6 Kaya si Saul at tatlo sa kaniyang mga anak ay namatay, at wala nang naging hari kailanman sa kaniyang mga kaapu-apuhan.
\s5
\v 7 Nang makita ng mga Israelitang naninirahan sa lambak na nagsitakas ang kanilang hukbo at patay na si Saul at ang kaniyang tatlong anak, iniwan nila ang kanilang mga bayan at nagsitakas. At dumating ang mga kawal ng Filisteo at nanirahan sa mga bayang iyon.
\v 8 Kinabukasan, nang dumating ang mga Filisteo upang kunin ang mga sandata ng mga patay na kawal ng Israelita, natagpuan nila ang bangkay ni Saul at ng tatlo niyang anak sa Bundok ng Gilboa.
\s5
\v 9 Kinuha nila ang mga damit mula sa bangkay ni Saul, pinugutan siya ng ulo at dinala nila ito kasama ang baluti ni Saul.
\v 10 At nagsugo sila ng mga mensahero sa kanilang buong lupain upang ipahayag ang balita sa kanilang sariling lugar, sa kanilang mga diyus-diyosan at sa ibang mga tao. Inilagay nila ang baluti ni Saul sa templo kung saan naroon ang kanilang mga diyus-diyosan at isinabit nila ang ulo ni Saul sa templo ng kanilang diyos na si Dagon.
\s5
\v 11 Narinig ng lahat ng taong naninirahan sa Jabes sa rehiyon ng Gilead kung ano ang ginawa ng mga Filisteo sa bangkay ni Saul.
\v 12 Kaya pumunta ang mga pinakamatatapang na kalalakihan ng Jabes at kinuha nila ang bangkay ni Saul at ng kaniyang mga anak at dinala nila ang mga ito pabalik sa Jabes. Inilibing nila ang kanilang mga buto sa ilalim ng isang malaking puno sa Jabes. Pagkatapos, nag-ayuno ang mga tao ng Jabes ng pitong araw.
\s5
\v 13 Namatay si Saul dahil hindi niya tapat na sinunod ang ipinapagawa ni Yahweh sa kaniya. Pumunta pa siya sa isang babae na kumakausap sa mga espiritu ng patay na tao at nagtanong sa kaniya kung ano ang dapat niyang gawin,
\v 14 sa halip na magtanong kay Yahweh kung ano ang dapat niyang gawin. Kaya pinahintulutan ni Yahweh na mamatay siya at hinirang niya si David na anak na lalaki ni Jesse na maging hari ng Israel.
\s5
\c 11
\p
\v 1 Pagkatapos, pumunta ang mga Israelita kay David sa lungsod ng Hebron at sinabi sa kaniya, "Makinig ka, pareho ang mga ninuno natin.
\v 2 Sa nakalipas, nang si Saul ang ating hari, ikaw ang siyang namuno sa mga kawal na Israelita sa ating pakikipaglaban. Ikaw ang siyang ipinangako ni Yahweh na ating Diyos, 'Ikaw ang magiging pinuno ng aking bayan; ikaw ang kanilang magiging hari.'
\v 3 Kaya, ang lahat ng mga nakatatanda sa Israel ay pumunta kay David sa Hebron. Doon nakipagtipan si David sa kanila habang nakikinig si Yahweh. Siya ay pinahiran nila ng langis ng olibo upang italaga siya bilang hari ng mga Israelita. Iyan ang sinabi ni Yahweh kay propetang Samuel na mangyayari.
\s5
\v 4 Pumunta sa Jerusalem si David at ang lahat ng mga kawal na Israelita. Sa panahong iyon, ang Jerusalem ay tinawag na Jebus at ang mga taong nakatira roon ay ang mga Jebuseo.
\v 5 Sinabi nila kay David, "Hindi makakapasok ang iyong mga kawal sa aming lungsod!" Subalit nasakop ng mga kawal ni David ang lungsod, kahit napapalibutan ito ng matatag na mga pader at mula noon tinawag itong lungsod ni David.
\v 6 Ito ang nangyari, sinabi ni David sa kaniyang mga kawal, "Ang mamumuno sa ating mga kawal upang lusubin ang mga pangkat ng mga Jebus ay siyang magiging pinuno ng lahat ng aking mga kawal." Si Joab na anak ni Zeruiah, ang namuno sa mga kawal, kaya siya ang naging pinuno ng lahat ng hukbo.
\s5
\v 7 Pagkatapos nilang masakop ang lungsod na may matitibay na pader sa palibot nito, lumipat si David doon. Kaya pinangalanan nila itong lungsod ni David.
\v 8 Itinayong muli ng mga manggagawa ni David ang lungsod, sa sinimulan sa lupain hanggang sa pader na pumapalibot sa lungsod. Inayos ng mga tauhan ni Joab ang ibang mga bahagi ng lungsod.
\v 9 Si David ay lalong naging makapangyarihan sapagkat si Yahweh, ang pinuno ng mga hukbo ng mga anghel ay kasama niya.
\s5
\v 10 Ipinangako ni Yahweh na si David ang magiging hari. At ang lahat ng mga tao sa Israel ay masaya na si David ang kanilang hari. Maraming mga kawal ang tumulong upang manatiling matatag ang kaharian ni David.
\v 11 Ito ang listahan ng mga magigiting na mandirigma ni David. Si Jasobeam na mula sa angkan ni Hacmon. Siya ang pinuno sa tatlong pinakamalakas na kawal ni David. Minsan, nilabanan niya ang tatlong daang kaaway at pinatay niya silang lahat gamit ang kaniyang sibat.
\s5
\v 12 Ang sumunod ay si Eleazar na anak ni Dodo, mula sa angkan ni Ahoh.
\v 13 Isang araw kasama niya si David sa Pas Dammim noong nagtipon ang mga kawal ng Filisteo doon para sa labanan. Mayroong bukid ng trigo doon. Sa una, tinakbuhan ng mga kawal ng Israelita ang mga kawal na Filisteo,
\v 14 ngunit tumigil sina David at Eleazar sa gitna ng bukid at lumaban upang ipagtanggol ito at pinatay ang maraming kawal na Filisteo. Pinagtagumpay sila ni Yahweh sa araw na iyon.
\s5
\v 15 Sa isang pagkakataon, tatlo sa tatlumpung magigiting na mandirigma ang pumunta kay David na lumapit sa kaniya nang siya ay nasa tabi ng malaking bato sa labas ng yungib na malapit sa Adullam. Sa araw ding iyon, nagkampo ang mga sundalo ng mga Filisteo sa lambak ng Refaim.
\v 16 Nasa tanggulan si David at nasakop ng ilang kawal ng Filisteo ang Betlehem.
\v 17 Isang araw, nais ni David na uminum ng tubig at sinabi niya "Sana may magdala sa akin ng tubig mula sa balon na malapit sa Betlehem!"
\s5
\v 18 Kaya, pilit na pinasok ng tatlong magigiting na mandirigma ang kampo ng mga kawal na Filisteo at sumalok ng tubig mula sa balon at dinala ito kay David. Ngunit hindi niya ininom ito. Sa halip, ibinuhos niya ito sa lupa upang maging handog kay Yahweh.
\v 19 Sinabi niya, "Yahweh, hindi tamang inumin ko ang tubig na ito! Para ko na ring iniinom ang dugo ng mga taong ito na handang mamatay para sa akin!" Kaya tumanggi siyang inumin ito. Iyan ay isa sa mga bagay na ginawa ng tatlong magigiting na mandirigma ni David.
\s5
\v 20 Ang nakababatang kapatid ni Joab na si Abisai ang pinuno ng tatlumpung magigiting na mandirigma. Minsan, nakalaban ni Abisai ang tatlong daang kaaway na mga kawal gamit ang kaniyang sibat at pinatay sila.
\v 21 Kaya, naging kasing tanyag niya ang tatlong magigiting na mandirigma. Siya ang naging pinuno nila, kahit na hindi siya kasama sa tatlong mga lalaking iyon.
\s5
\v 22 Isang matapang na kawal si Banaias na anak ni Jehoiada na mula sa lungsod ng Kabzeel na gumawa ng mga kahanga-hangang gawa. Pinatay niya ang dalawang pinakamagaling na mandirigma mula sa pangkat ng mga tao ng Moab. Isang araw, nagtungo siya sa isang butas habang umuulan ng niyebe at pumatay ng leon doon.
\v 23 Pinatay din niya ang isang kawal mula Egipto na may 2.3 metro ang taas. Ang kawal mula sa Egipto ay may sibat na kasing-haba ng kahoy na panghabi. Mayroon lamang isang pamalo si Benaias, ngunit naagaw niya ang sibat ng lalaki at pinatay niya sa pamamagitan nito.
\s5
\v 24 Iyon ang ilan sa mga bagay na ginawa ni Benaias. Kaya naging kasing tanyag siya ang tatlong magiting na mandirigma.
\v 25 Higit siyang pinarangalan kaysa sa ibang mga miyembro ng tatlumpung magigiting na mandirigma, ngunit hindi siya napabilang sa grupo ng tatlong pinakamahusay na mandirigma. Itinalaga siya ni David na maging pinuno ng kaniyang mga bantay.
\s5
\v 26 Ito ang mga pangalan ng mga magigiting na mandirigma: si Asahel na nakababatang kapatid ni Joab; Elhanan na anak ni Dodo, na mula sa Betlehem,
\v 27 Si Samot mula sa Harod; Helez mula sa Pelet,
\v 28 Si Ira na anak ni Iques na mula sa Tekoa; Si Abiezer na mula sa Anatot;
\v 29 Si Sibecai na mula sa Husa, Si Ilai na mula sa Aho;
\s5
\v 30 Si Maharai na mula sa Netofa; Heled na anak ni Baanah na mula din sa Netofa;
\v 31 Si Itai na anak ni Ribai, na mula sa Gibea sa lupain na pagaari ng lipi ni Benjamin; Benaias na mula sa bayan ng Piraton;
\v 32 Si Hurai na mula sa lambak na malapit sa bundok ng Gaas; Abiel na na mula sa angkan ng Arba;
\v 33 Si Azmavet na mula sa Buharim, Eliaba na mula sa Saalbon;
\s5
\v 34 Ang mga anak ni Hasem na mula sa Gizon; si Jonatan na anak ni Sage na mula sa Arar;
\v 35 Si Ahiam anak ni Sacar na mula sa Arar; Elifa anak ng Ur,
\v 36 Si Hefer na mula sa angkan ng Mequera; si Ahias na mula sa Pelon,
\v 37 Si Hezro mula sa Carmel; si Naari na anak ni Ezbai;
\s5
\v 38 Si Joel na nakababatang kapatid ni Natan, si Mibhar na anak ni Hagri;
\v 39 Si Zelec na mula sa pangkat ng Ammon; si Naari ang lalaking nagdala ng mga sandata ni Joab na mula sa Berot,
\v 40 Sina Ira at Gareb mula sa Jatir;
\v 41 Si Urias na asawa ni Batseba na mula sa pangkat ng Heteo, si Zabad na anak ni Ahlai;
\s5
\v 42 Si Adina na anak ni Siza na isang pinuno mula sa tribo ni Ruben, na may tatlumpung kawal na kasama;
\v 43 Si Hanan na anak ni Maaca; si Joshafat na mula sa Mitan;
\v 44 si Uzias na mula sa Asterot, si Sammah at Jeiel na mga anak ni Hotam na mula sa Aroer.
\s5
\v 45 Si Jediael na anak ni Simri at ang kaniyang nakababatang kapatid na si Joha na mula sa bayan ng Tiz,
\v 46 Si Eliel na mula sa Mahava; Si Jeribai at Josavia na mga anak ni Elnaam; Si Itma na mula Moab;
\v 47 Si Eliel at Obed at Jesael na mula sa Zoba.
\s5
\c 12
\p
\v 1 Pumunta si David sa lungsod ng Zilkag upang tumakas mula kay haring Saul. Habang naroon siya, maraming mandirigma ang pumunta at sumama sa kaniya, at siya ay tinulungan nila sa kaniyang mga pakikipagdigma.
\v 2 May dala silang mga pana at mga palaso. Kaya nilang pumana at gumamit ng tirador. Kaya nilang gamitin ang alinman sa kanilang kanan o kaliwang kamay upang gawin iyon. Sila ay mga kamag-anak ni Saul mula sa tribo ni Benjamin.
\s5
\v 3 Si Ahiezer ang kanilang pinuno. Si Joas ang sumunod na pinuno. Pareho silang anak na lalaki ni Semaa mula sa lungsod ng Gibea. Ito ang mga pangalan ng ilan sa mga mandirigma: sina Jeziel at Pelet na mga anak na lalaki ni Asmavet, Beraca, Jehu mula sa lungsod ng Anatot;
\v 4 si Ismaias mula sa lungsod ng Gibeon, na siyang pinuno ng mga tatlumpung pinakamagigiting na mandirigma; sina Jeremias, Jahaziel, Johanan, at si Josabad na mula sa lungsod ng Gedera;
\s5
\v 5 Sina Eluzai, Jerimot, Bealias, Semerias, Sefatias, na mula sa lungsod ng Haruf;
\v 6 sina Elkana, Isaias, Azarel, Joezer at Jesobeam, na mga kaapu-apuhan ni Kora;
\v 7 Sina Joela, at Zebadias, na mga anak na lalaki ni Jeroham mula sa lungsod ng Gedor.
\s5
\v 8 Ilang mga kalalakihang mula sa tribo ni Gad sa silangan ng ilog Jordan ang sumama kay David nang siya ay nasa tanggulan sa kuweba na nasa disyerto. Sila ay mga matatapang na mandirigma na sinanay para sa pakikipaglaban at magaling gumamit ng mga kalasag at sibat. Matapang sila katulad ng mga leon at nakakatakbo sila nang mabilis katulad ng mga usa sa mga bundok.
\s5
\v 9 Si Ezer ang kanilang pinuno. Si Obadias ang sumunod sa pinuno. Sumunod si Eliab.
\v 10 Sumunod si Mismana. Sumunod si Jeremias,
\v 11 Sumunod si Atai. Sumunod si Eliel.
\v 12 Sumunod si Johanan. Sumunod si Elzabad.
\v 13 Sumunod ang isang lalaking nagngangalang Jeremias. Si Macbanai ang panghuli.
\s5
\v 14 Ang lahat ng mga kalalakihang iyon na mula sa tribo ng Gad ay mga opisyal ng hukbo. Ang ilan sa kanila ay pinamahalaan ang 1,000 na kawal at ang ilan sa kanila ay pinamahalaan ang 100 na kawal.
\v 15 Tumawid sila sa kanlurang bahagi ng Ilog Jordan sa buwan ng Marso, sa panahon na umaapaw ang ilog. Pinalayas nila doon ang lahat ng mga taong nakatira sa lambak sa magkabilang bahagi ng ilog.
\s5
\v 16 Pumunta rin kay David na nasa kaniyang tanggulan ang ilan sa mga kalalakihan mula sa tribo ni Benjamin at Juda.
\v 17 Lumabas si David mula sa kuweba upang salubungin sila at sinabi sa kanila, "Kung pumunta kayo dito nang may kapayapaan upang tulungan ako, nasasabik ako na sumama kayo sa akin. Ngunit kung naparito kayo upang ipabihag ako sa aking mga kalaban kahit na wala akong ginawa upang saktan kayo, nawa ay makita ito ng Diyos na sinamba ng ating mga ninuno at parusahan kayo."
\s5
\v 18 Pagkatapos, dumating ang Espiritu ng Diyos kay Amasai, na pinuno ng tatlumpung magigiting na mandirigma at sinabi niya, "David, nais naming sumama sa iyo; ikaw na anak ni Jesse, sasama kami sa iyo. Alam namin na mabuti ang mangyayari sa iyo at sa mga kasama mo dahil tinutulungan ka ng Diyos."
\s5
\v 19 Kaya malugod na tinanggap ni David ang mga kalalakihang iyon, at itinalaga niya sila na maging pinuno ng mga kawal. Sumama rin kay David ang ilang mga kalalakihan na galing sa tribo ni Manases nang sumama siya sa mga kawal na mga Filisteo upang labanan ang hukbo ni Saul. Subalit hindi talaga tinulungan ni David at ng kaniyang mga tauhan ang mga hukbo ng mga Filisteo. Pagkatapos magusap-usap ang mga pinuno ng mga Filisteo tungkol kay David at sa kaniyang mga kawal, pinaalis nila si David. Sinabi nila, "Kung muling sasama si David sa kaniyang panginoon na si Saul, mamamatay tayong lahat."
\v 20 Nang magpunta si David sa Ziklag, ito ang mga kalalakihan na galing sa tribo ni Manases na sumama sa kaniya, sina Adna, Jozabad, Jediael, Micael, ang iba pang mga kalalakihan na nagngangalang Jozabad, Elihu, at Zilleta. Ang bawat isa sa kanila ay naging pinuno ng 1,000 na kalalakihan sa hukbo ni Saul.
\s5
\v 21 Silang lahat ay matatapang na kawal at tinulungan nila si David upang lumaban sa mga pangkat ng mga kalalakihang lumilibot sa buong bansa, na nagnanakaw sa mga tao. Kaya naging pinuno ng hukbo ni David ang mga kalalakihang iyon.
\v 22 Araw-araw, maraming sumasama sa mga tauhan ni David at ang kaniyang hukbo ay dumami, katulad ng hukbo ng Diyos.
\s5
\v 23 Ito ang bilang ng mga kawal na nakahanda para sa labanan na sumama kay David sa lungsod ng Hebron. Pumunta sila upang tulungan siya na maging hari ng Israel sa halip na si Saul, gaya ng ipinangako ni Yahweh na mangyayari.
\v 24 May 6,800 na kalalakihan mula sa Juda, na may mga dalang sibat at panangga.
\v 25 May 7,100 na kalalakihan mula sa tribo ni Simeon. Silang lahat ay malalakas na mandirigma na sinanay sa pakikipaglaban.
\s5
\v 26 May 4,600 na kalalakihan mula sa tribo ni Levi.
\v 27 Si Joiada na pinunong nagmula sa kaapu-apuhan ni Aaron ay nasa pangkat ng mga kaapu-apuhan ni Levi at may kasama siyang 3,700 na kalalakihan.
\v 28 Si Zadok, isang malakas na binatang kawal, ay kasama din sa pangkat na iyon at may 22 na iba pang pinuno mula sa kaniyang angkan ang sumama sa kaniya.
\s5
\v 29 Mayroong 3,000 na kalalakihan mula sa tribo ni Benjamin na mga kamag-anak ni Saul. Ginusto dati ng karamihan sa kanila na isa sa mga kaapu-apuhan ni Saul ang maging hari.
\v 30 Mayroong 20,800 na kalalakihan mula sa tribo ni Efraim, matatapang lahat at sinanay sa pakikipaglaban at tanyag sa kanilang sariling mga angkan.
\v 31 Mayroong 18,000 na kalalakihan mula sa kalahating tribo ni Manases na nanirahan sa gawing kanluran ng Ilog Jordan. Pinili silang lahat na pumunta at tulungan si David na maging hari.
\s5
\v 32 Mayroong 200 na lalaking pinuno mula sa tribo ni Isacar kasama ang kanilang mga kamag-anak. Palagi nilang alam kung ano ang dapat gawin ng mga Israelita, at alam nila ang tamang oras upang gawin ito. Kasama nila ang kanilang mga kamag-anak, na pinangungunahan ng kanilang mga pinuno.
\v 33 Mayroong 55,000 na lalaki mula sa tribo ni Zebulun. Silang lahat ay mga bihasang mandirigma at alam nila kung paano gamitin ang lahat ng uri ng sandata. Sila ay lubos na tapat kay David.
\s5
\v 34 May 1,000 na opisyal mula sa tribo ni Neftali. Kasama nila ang 37,000 na kawal, bawat isa ay may dalang mga panangga at sibat.
\v 35 May 28,600 na kawal mula sa tribo ni Dan, ang lahat ay nagsanay sa pakikipaglaban.
\s5
\v 36 May 47,000 bihasang kawal mula sa tribo ni Asher, lahat sila ay nagsanay sa pakikipaglaban.
\v 37 May 120,000 ding mga kawal mula silangang bahagi ng ilog Jordan na sumama kay David. Galing sila sa tribo ni Ruben, Gad at sa kanlurang bahagi ng tribo ni Manases. Mayroon silang lahat ng uri ng sandata.
\s5
\v 38 Ang lahat ng mga kalalakihang iyon ay mga kawal na nagkusang sumama sa hukbo ni David. Pumunta sila sa Hebron na labis ang kagustuhang gawing hari si David sa buong bayan ng Israel.
\v 39 Nanatili roon ng tatlong araw ang mga kalalakihan kasama si David, nagsisikain at nagsisiinum, dahil binigyan sila na kanilang mga pamilya ng pagkain upang kanilang dalhin.
\v 40 Dumating din ang kanilang mga kapwa Israelita mula sa malayong lugar kung saan nakatira ang tribo ni Isacar, Zebulon, at Neptali, nagdala sila ng mga pagkaing isinakay sa asno, kamelyo, bisiro at toro. Nagdala sila ng maraming harina, tinapay na gawa sa igos, pinatuyong ubas, alak, langis ng olibo, mga baka at tupa. At ang mga tao sa buong Israel ay masayang-masaya.
\s5
\c 13
\p
\v 1 Isang araw, kinausap ni David ang lahat ng opisyal ng kaniyang hukbo. Ang ilan sa kanila ay pinuno ng 100 na kawal at ang ilan sa kanila ay pinuno ng 1,000 na kawal.
\v 2 Pagkatapos, ipinatawag niya ang ibang mga pinuno ng Israel at sinabi sa kanilang lahat, "Kung sa tingin ninyo na mabuting gawin natin ito at kung ito ang gusto ni Yahweh na ating Diyos, magpadala tayo ng liham sa ating mga kapwa Israelita sa lahat ng mga lugar sa ating bansa, at sa mga pari at kaapu-apuhan ni Levi na nakatirang kasama nila sa kanilang bayan at sa mga kalapit na pastulan upang pumunta rito at samahan tayo,
\v 3 dahil nais nating ibalik ang banal na Kaban ng Tipan ng ating Diyos sa atin. Nang si Saul ang hari, hindi natin tinanong ang Diyos kung ano ang dapat nating gawin."
\v 4 Sumang-ayon ang lahat ng mga tao kay David, dahil inisip nila na ito ang tamang gawin.
\s5
\v 5 Kaya tinipon ni David ang lahat ng Israelita, mula sa ilog ng Sihor sa Egipto hanggang sa lungsod ng Lebo Hamat sa hilaga, at sinabi niya sa kanila na gusto niyang tumulong sila na ibalik ang banal na Kaban ng Tipan ng Diyos sa Jerusalem mula sa lungsod ng Kiriath Jearim.
\v 6 Pumunta si David kasama ang lahat ng mga Israelita sa lungsod ng Balaah, na isa pang pangalan ng Kiriath Jearim, upang kunin ang banal na Kaban ng Tipan. Naniniwala ang mga tao na naghahari ang Diyos sa pagitan ng istatuwa ng kerubin na may pakpak na nasa itaas ng takip ng Kaban ng Tipan at ang Kaban ng Tipan ay pag-aari ni Yahweh.
\s5
\v 7 Inilagay ng mga tao ang Kaban ng Tipan sa bagong kariton at binuhat ito mula sa tahanan ni Abinadab. Sina Uza at Ahio ang tagaakay sa baka na humahatak sa kariton.
\v 8 Nagdiriwang si David at ang buong Israelita sa harapan ng Diyos. Umaawit sila nang buong lakas at tumutugtog ng lira, alpa, tamborin at pompiyang, at hinipan ang mga trumpeta.
\s5
\v 9 Ngunit nang dumating ang mga tauhan ni David sa giikan ng Quidon, natisod ang baka. Kaya, hinawakan ni Uza ang Kaban ng Tipan upang pigilang mahulog ang Kaban ng Tipan mula sa kariton.
\v 10 Nagalit agad si Yahweh kay Uza at habang nanunuod siya, agad niyang pinatay si Uza. Dahil hinawakan ni Uza ang Kaban ng Tipan kahit na iniutos ni Yahweh na ang mga kaapu-apuhan lamang ni Levi na tumutulong sa mga pari ang maaaring humawak sa Kaban ng Tipan.
\v 11 Nagalit si David dahil pinarusahan ni Yahweh si Uza. At ngayon tinawag ang lugar kung saan namatay si Uza na "Ang Kaparusahan ni Uza."
\s5
\v 12 Sa araw na iyon, natakot si David sa Diyos. Tinanong niya ang kaniyang sarili, "Paano ko dadalhin ang Kaban ng Tipan ng Diyos sa aking lungsod?
\v 13 Kaya hindi dinala ng mga tauhan ni David ang Kaban ng Tipan sa Jerusalem. Sa halip, dinala nila ito sa tahanan ni Obed-edom na mula sa lungsod ng Gat.
\v 14 Nanatili ang Kaban ng Tipan sa pamilya ni Obed-edom sa kaniyang tahanan ng tatlong buwan. Sa panahong iyon pinagpala ni Yahweh ang pamilya ni Obed-edom at ang lahat ng kaniyang pag-aari.
\s5
\c 14
\p
\v 1 Isang araw, nagpadala si Hiram na hari ng lungsod ng Tiro ng ilang mga mensahero kay David upang pag-usapan ang tungkol sa paggawa ng kasunduan sa pagitan ng kanilang bayan. Pagkatapos, nagpadala si Hiram ng mga troso na sedar, mga ladrilyero at mga karpintero upang magtayo ng isang palasyo para kay David.
\v 2 Nang mangyari iyon, alam ni David na totoong si Yahweh ang humirang sa kaniya na maging hari ng Israel at siya din ang dahilan kung bakit labis na iginagalang ang kaniyang kaharian. Ginawa ito ni Yahweh dahil mahal niya ang kaniyang bayang Israel.
\s5
\v 3 Nag-asawa si David ng marami pang babae sa Jerusalem at nagsilang ang mga babaeng iyon ng maramin pang anak na lalaki at babae.
\v 4 Ang pangalan ng kaniyang mga anak na isinilang sa Jerusalem ay Samua, Sobab, Natan, Solomon,
\v 5 Ibhar, Elisama, Elpelet,
\v 6 Noga, Nefeg, Japia,
\v 7 Elisama, Beeliada at Elifelet.
\s5
\v 8 Nang mabalitaan ng hukbo ng mga Filisteo na hinirang si David na hari sa buong Israel, umalis sila upang subukang dakpin siya. Ngunit nabalitaan ni David na paparating sila, kaya umalis siya at ang kaniyang mga kawal upang labanan sila.
\v 9 Nilusob ng hukbo ng mga Filisteo ang mga tao sa Lambak ng Refaim sa timog-kanluran ng Jerusalem at ninakawan sila.
\s5
\v 10 Tinanong ni David ang Diyos, "Dapat bang pumunta ako at ang aking mga tauhan upang lusubin ang mga Filisteo? Kung kami ay pupunta, bibigyan mo ba kami ng kakayahan upang talunin sila?" Sumagot si Yahweh, "Oo, pumunta kayo at bibigyan ko kayo ng kakayahan upang talunin sila."
\v 11 Kaya pumunta si David at ang kaniyang mga tauhan sa bayan kung saan nanatili ang mga Filisteo at tinalo ang mga kawal ng Filisteo. Pagkatapos, sinabi ni David, "Ganap na tinalo ni Yahweh ang aking mga kaaway sa pamamagitan ko at ng aking hukbo." Kaya pinangalanan nila ang lugar na iyon na "Baal-perazim," na ang ibig sabihin ay "Nagtagumpay si Yahweh"
\v 12 Nang tumakas ang mga kawal ng Filisteo, iniwan nila doon ang kanilang mga diyus-diyosan. Kaya inutusan ni David ang kaniyang mga kawal na sunugin ang mga diyus-diyosan.
\s5
\v 13 Ngunit hindi nagtagal, muling nilusob ng hukbo ng Filisteo ang mga tao sa lambak.
\v 14 Kaya muling nanalangin si David sa Diyos upang tanungin siya kung ano ang dapat niyang gawin at tumugon ang Diyos, sinasabi, "Huwag ninyong lusubin ang hukbo ng Filisteo mula sa harapan. Sa halip, pumunta kayo sa kanilang likuran at salakayin sila mula sa likuran sa tapat ng mga punong balsam.
\s5
\v 15 Kapag may narinig kayong tunog na tulad ng yabag ng mga kawal mula sa itaas ng mga puno ng balsam, lusubin ninyo sila. Ako, ang Diyos, ay mauuna sa inyo upang bigyan kayo ng kakayahang talunin ang mga hukbo ng Filisteo."
\v 16 Kaya ginawa ni David ang iniutos ng Diyos at tinalo nga niya at ng kaniyang hukbo ang hukbo ng Filisteo, mula sa kanluran ng lungsod ng Gibeon hanggang sa lungsod ng Gezer.
\v 17 Kaya naging tanyag si David sa lahat ng karatig bansa at ginawa ni Yahweh na matakot kay David ang mga pinuno ng lahat ng bansa.
\s5
\c 15
\p
\v 1 Inutusan ni David ang kaniyang mga manggagawa na magtayo ng bahay para sa kaniya sa Jerusalem. Sinabi rin niya sa kanila na magtayo ng isang tolda kung saan ilalagay ang Kaban ng Tipan.
\v 2 Sinabi niya, "Ang mga kaapu-apuhan lamang ni Levi ang pinahintulutan na magbuhat ng Kaban ng Tipan ni Yahweh dahil sila ang pinili ni Yahweh na magbuhat nito at maglingkod sa kaniya magpakailanman."
\v 3 Ipinatawag ni David ang lahat ng tao sa Israel upang pumunta sa Jerusalem. Nais niyang ilagay ang Kaban ng Tipan ni Yahweh sa lugar na kaniyang ginawa para dito.
\s5
\v 4 Ipinatawag niya ang mga kaapu-apuhan ni Aaron, na siyang unang pinakapunong pari at ang mga kaapu-apuhan ni Levi.
\v 5 Dumating ang 120 na kaapu-apuhan ni Kohat na pangalawang anak ni Levi, kasama ang pinuno nila na si Uriel.
\v 6 May 220 na kaapu-apuhan ni Merari, ang pangatlong anak ni Levi na dumating kasama ang kanilang pinuno na si Asaias.
\s5
\v 7 Dumating ang 130 na kaapu-apuhan ni Gershon, ang unang anak ni Levi, na kasama ang kanilang pinuno na si Joel.
\v 8 Dumating din ang 200 na tao mula sa angkan ni Elizafan na kasama ang kanilang pinuno na si Semaias.
\v 9 May 80 na taong mula sa angkan ni Hebron na dumating, kasama si Eliel na kanilang pinuno.
\v 10 At dumating ang 112 na tao mula sa angkan ni Uziel, kasama ang kanilang pinuno na si Aminadab.
\s5
\v 11 Pinatawag ni David ang mga paring sina Zadok at Abiatar at ang mga kaapu-apuhan ni Levi na sina Uriel, Asaias, Joel, Semaias, Eliel at Aminadab.
\v 12 Sinabi ni David sa kanila, "Kayo ang mga pinuno ng mga angkan na nagmula kay Levi. Dapat ninyong linisin ang inyong mga sarili at ang ibang mga kaapu-apuhan ni Levi upang magawa ang natatanging gawaing ito para kay Yahweh. Dapat ninyong dalhin ang Kabang ng Tipan ni Yahweh, ang Diyos nating Israelita, sa lugar na ginawa ko dito sa Jerusalem.
\s5
\v 13 Sa unang pagkakataon na sinubukan nating dalhin ito, hindi natin tinanong si Yahweh kung paano natin bubuhatin ito. Hindi kayo na mga kaapu-apuhan ni Levi ang bumuhat nito kaya pinarusahan tayo ni Yahweh na ating Diyos."
\v 14 Pagkatapos, isinagawa ng mga pari at ng mga kaapu-apuhan ni Levi ang ritwal upang linisin ang kanilang mga sarili, upang maging karapat-dapat sila na gawin ang pagbubuhat ng Kaban ng Tipan ni Yahweh, ang Diyos ng mga Israelita.
\v 15 Nilagyan ng mga kaapu-apuhan ni Levi ang Kaban ng Tipan ng mga pingga upang maaari nila itong buhatin sa pamamagitan ng pagpapasan nito sa kanilang mga balikat, gaya ng inutos ni Moises at gaya ng sinabi ni Yahweh na dapat nilang gawin.
\s5
\v 16 Sinabi ni David sa mga pinuno ng mga kaapu-apuhan ni Levi na magtalaga ng ilan sa kanilang mga kamag-anak upang umawit at tumugtog ng mga lira, mga alpa, at mga pompyang at umawit ng masasayang awitin habang buhat nila ang banal na kahon.
\v 17 Kaya, itinalaga nila si Heman at ang kaniyang mga kamag-anak na sina Asaf at Etan. Si Heman na anak ni Joel; si Asaf na anak ni Berequias. Ang kaapu-apuhan ni Merari na si Etan na anak ni Cusaias.
\v 18 Mayroon ding ibang pangkat ng kaapu-apuhan ni Levi na itinalaga: si Zacarias, (idinagdag ng ilang mga manuskritong Hebreo ang pangalang "Ben", marahil inalis ang pangalan ng ama ni Zacarias.) Sina Jaazael, Semiramot, Jehiel, Uni, Eliab, Benaias, Maasaias, Matitias, Elifelehu, Micneias at ang dalawang tagabantay ng tarangkahan ng templo na sina Obed-edom at Jeiel.
\s5
\v 19 Sina Heman, Asaf at Etan ang umawit at tumugtog din ng mga pompiyang na tanso.
\v 20 Tumugtog ng lira sina Zacarias, Aziel, Semiramot, Jehiel, Uni, Eliab, Maasaias at Benaias.
\v 21 Tumugtog ng alpa sina Matitias, Elifelehu, Micneias, Obed-edom, Jeiel at Azazias.
\s5
\v 22 Si Quenaias, ang pinuno ng mga kaapu-apuhan ni Levi, ang nanguna sa awitan dahil mahusay siya sa gawaing iyon.
\v 23 Si Berequias at Elkana ang dalawang lalaking nagbantay sa Kaban ng Tipan.
\v 24 Ang mga pari na sina Sebanias, Joshafat, Nathanael, Amazais, Zacarias, Benaias, at Eliezer ang itinalagang iihip ng mga trumpeta sa harapan ng Kaban ng Tipan. Binantayan din nina Obed-edom at ni Jehia ang Kaban ng Tipan.
\s5
\v 25 Pumunta si David at ang mga pinuno ng Israelita at mga opisyal na namamahala sa 1,000 na kawal upang kunin ang Kaban ng Tipan. Pumunta sila upang kunin ito mula sa bahay ni Obed-edom. Masaya silang pumunta.
\v 26 Tinulungan ng Diyos ang mga kaapu-apuhan ni Levi na nagbuhat sa Kaban ng Tipan ni Yahweh; kaya naghandog si David at ang mga pinuno ng pitong toro at pitong lalaking tupa upang pasalamatan siya.
\s5
\v 27 Lahat ng kaapu-apuhan ni Levi na bumuhat ng Kaban ng Tipan, ang lahat ng mang-aawit, at si Kenaniaz na nanguna sa mga mang-aawit ay nagsuot ng pinong puting lino at efod na gawa sa pinong lino. Nakasuot din si David ng efod na gawa sa pinong lino.
\v 28 Kaya sumama ang lahat ng Israelita sa pagdadala ng Kaban ng Tipan patungo sa Jerusalem. Sumigaw sila, hinipan nila ang mga tambuli at ang mga trumpeta at tumugtog ng mga pompyang, mga lira at mga alpa.
\s5
\v 29 Habang dinadala nila ang Kaban ng Tipan patungo sa Jerusalem, pinanood sila ng anak na babae ni Saul na si Mical, na nakadungaw sa bintana. Nang nakita niya si haring David na sumasayaw at nagsasaya, kinamuhian niya ito.
\s5
\c 16
\p
\v 1 Dinala nila ang Kaban ng Tipan sa Jerusalem at inilagay sa loob ng toldang ipinagawa ni David sa kaniyang mga manggagawa. Pagkatapos, nagdala sila ng mga alay na ganap na sunugin sa altar at mga handog na nangangako ng pakikipagkaibigan nila sa Diyos.
\v 2 Nang matapos ihandog ni David ang lahat ng alay na iyon, hiniling niya kay Yahweh na pagpalain ang mga tao.
\v 3 Nagbigay siya ng tinapay, ilang mga datiles at ilang mga pasas sa bawat Israelita na naroon.
\s5
\v 4 Pakatapos, nagtalaga si David ng ilan sa mga kaapu-apuhan ni Levi upang tumayo sa harapan ng sagradong tolda kung saan inilagay ang Kaban ng Tipan, upang pangunahan ang mga tao na sumamba, magpasalamat at magpuri kay Yahweh, ang Diyos ng mga Israelita.
\v 5 Si Asaf na nagpapatunog ng mga pompiyang ang kanilang pinuno. Si Zacarias ang kaniyang katulong sa mga gawain. Ang ibang kaapu-apuhan na Levi na tumulong kay Asaf ay sina Jaaziel, Semiramot, Jehiel, Matitias, Eliab, Benaias, Obed-edom at Jeiel. Sila ang mga tumutugtog ng mga lira at mga alpa.
\v 6 Sina Benaias at Jahaziel ang mga pari na madalas umihip sa mga trumpeta sa harapan ng sagradong tolda kung saan naroon ang kaban ng tipan.
\s5
\v 7 Sa araw na iyon, ibinigay ni David kay Asaf at sa kaniyang mga kasama ang awiting ito upang papurihan si Yahweh:
\v 8 Magpasalamat at manalangin kay Yahweh. Sabihin sa mga tao sa lahat ng bansa ang kaniyang ginawa.
\v 9 Umawit sa kaniya ng mga awitin upang papurihan siya. Sabihin ang lahat ng kaniyang mga mapaghimalang gawa.
\s5
\v 10 Magalak na kabilang kayo sa kaniya. Marapat na magsaya ang mga nagnanais na mas makilala pa si Yahweh.
\v 11 Magtiwala kay Yahweh at sa kaniyang kapangyarihan, patuloy na hanapin siya upang makahingi ng tulong mula sa kaniya.
\s5
\v 12 Huwag ninyong kalilimutan ang mga kamangha-manghang bagay na kaniyang ginawa, ang mga himala at mga makatarungang kautusan na kaniyang iniutos sa atin.
\v 13 Tayo ang kaapu-apuhan ng kaniyang lingkod na si Jacob; tayo ang mga Israelita na kaniyang pinili.
\v 14 Si Yahweh ang ating Diyos. Nalalaman ng mga tao sa buong mundo ang kaniyang mga makatarungang kautusan.
\s5
\v 15 Hindi niya nakakalimutan kailanman ang mga kasunduan na kaniyang ginawa; gumawa siya ng pangako na magtatagal ng sanlibong salinlahi.
\v 16 Iyon ang kasunduan na ginawa niya kay Abraham at inulit niya ang kasunduang iyon kay Isaac.
\v 17 Ito ay isang kasunduan para sa mga Israelita, at nais niya na ang kasunduang iyon ay magtagal magpakailanman.
\v 18 Ang kaniyang sinabi ay, "Ibibigay ko sa iyo ang rehiyon ng Canaan, upang mapasaiyo at sa iyong kaapu-apuhan magpakailanman."
\s5
\v 19 Sinabi niya iyon sa kanila noong kakakunti pa lamang sila, isang maliit na grupo ng mga tao na naninirahan sa lupaing iyon na tulad ng mga estranghero.
\v 20 Patuloy silang nagpalipat-lipat mula sa isang lugar patungo sa isa pang lugar, mula sa isang kaharian patungo sa isa pang kaharian.
\v 21 Ngunit hindi niya hinayaan na saktan sila ng iba at nagbigay siya ng babala sa mga hari,
\v 22 "Huwag ninyong sasaktan ang mga tao na aking pinili! Huwag ninyong sasaktan ang aking mga propeta!"
\s5
\v 23 Awitan si Yahweh, kayong mga tao sa buong mundo. Ipahayag ninyo araw-araw sa iba na iniligtas niya tayo.
\v 24 Sabihin sa lahat ng bansa na siya ay dakila; sabihin sa lahat ng grupo ng mga tao ang mga kamangha-manghang bagay na kaniyang ginawa.
\s5
\v 25 Dakila si Yahweh at karapat-dapat siyang papurihan nang lubos. Dapat siyang igalang ng higit kaysa sa mga diyos,
\v 26 dahil ang lahat ng diyos na pinupuri ng ibang lahi ay mga diyus-diyosan lamang, ngunit si Yahweh ay tunay na dakila, nilikha niya ang kalangitan.
\v 27 Siya ay maluwalhati at dakila, labis siyang makapangyarihan at nakagagalak sa kaniyang templo.
\s5
\v 28 Purihin si Yahweh, kayong mga tao sa mga bansa sa buong daigdig! Purihin si Yahweh dahil sa kaniyang maluwalhating kapangyarihan!
\v 29 Purihin si Yahweh sa kaniyang maluwalhating templo. Lumapit sa kaniya na may mga handog na ibibigay sa kaniya.
\s5
\v 30 Lubos ninyong katakutan ang kaniyang presensiya, dahil siya ay mabuti at makapangyarihan, ganap na naiiba sa inyo. Ginawa niyang matibay ang lupa sa kinalalagyan nito at walang makagagalaw nito.
\v 31 Ang lahat ng nasa kalangitan at nasa kalupaan ay marapat na magsaya. Ang mga tao saanmang dako ay magsasabi, "Si Yahweh ang ating hari!"
\s5
\v 32 Ang mga karagatan at lahat ng nilikha na nasa karagatan ay marapat na magpuri; ang mga parang at ang lahat ng narito ay marapat na magalak.
\v 33 Kapag ginawa nila iyon, magiging para bang ang mga puno sa kagubatan ay aawit nang may kagalakan sa harapan ni Yahweh. Magaganap iyon kapag dumating siya upang hatulan ang lahat ng nasa mundo.
\s5
\v 34 Pasalamatan si Yahweh dahil ang lahat ng kaniyang ginawa ay mabuti. Tapat niya tayong iniibig magpakailanman.
\v 35 Sabihin sa kaniya, "Kayo O Diyos ang nagligtas sa amin, kaya tipunin mo kami at iligtas mula sa mga hukbo ng ibang mga bansa. Kapag ginawa mo iyon, ikaw ay aming pasasalamatan at masayang magpupuri sa iyo."
\s5
\v 36 Purihin si Yahweh, ang Diyos nating mga Israelita, Siya ay laging buhay at mabubuhay magpakailanman. Pagkatapos awitin ng mga tao ang awiting iyon, sinabi nilang lahat, "Amen!" at pinuri nila si Yahweh. Ang pagsamba sa Jerusalem at Gibeon.
\s5
\v 37 Pagkatapos, iniwan ni David si Asaf at ang iba pang mga kasapi ng kaniyang angkan sa harapan ng tolda kung saan inilagay ang Kaban ng Tipan ni Yahweh. Sinabi niya sa kanila na kailangan nilang gawin ang kanilang trabaho doon araw-araw.
\v 38 Iniwan din ni David si Obed Edom at ang ibang 68 na kaapu-apuhan ni Levi upang magtrabaho kasama nila. Sina Hosa at Obed-edom ang nagbantay sa pasukan ng sagradong tolda.
\v 39 Sinabi rin ni David kay Zadok, ang punong pari at sa iba pang mga pari na gumawa kasama niya na manatili sa harapan ng sagradong tolda ni Yahweh, sa lugar kung saan nagpuri ang mga Israelita kay Yahweh sa lungsod ng Gibeon.
\s5
\v 40 Tuwing umaga at gabi, nagsusunog sila ng mga alay sa altar, sinusunod ang mga alituntunin na isinulat ni Moises, mga alituntunin na ibinigay ni Yahweh sa mga Israelita.
\v 41 Kasama nila sina Heman at Jeduthun at ang iba pang kaapu-apuhan ni Levi. Pinili sila upang umawit ng mga awitin upang purihin si Yahweh dahil tapat niyang iniibig ang kaniyang mga tao magpakailanman.
\s5
\v 42 Sina Heman at Jeduthun ang mga pinili na tumugtog ng mga trumpeta at mga pompiyang kapag umawit ang ibang kaapu-apuhan ni Levi ng mga sagradong awitin. Ang mga anak ni Jeduthun ang pinili upang magbantay sa tarangkahan ng sagradong tolda.
\v 43 Pagkatapos, umalis ang lahat ng tao at umuwi sa kanilang mga tahanan. Si David naman ay umuwi sa kaniyang tahanan upang hilingin kay Yahweh na pagpalain ang kaniyang pamilya.
\s5
\c 17
\p
\v 1 Nang magsimulang manirahan si David sa kaniyang palasyo, sinabi niya kay propeta Natan, "Parang hindi tama na narito ako at naninirahan sa isang palasyong gawa sa kahoy ng sedar, ngunit ang Kaban ng Tipan ni Yahweh ay nananatili sa loob ng isang tolda!"
\v 2 Sumagot si Natan kay David, "Anuman ang iniisip mong gawin ay gawin mo, dahil kasama mo ang Diyos."
\s5
\v 3 Ngunit nang gabing iyon, kinausap ng Diyos si Natan. Sinabi niya,
\v 4 "Pumunta ka at sabihin mo sa aking lingkod na si David na ito ang sinasabi ko sa kaniya, ako na si Yahweh: 'Hindi ikaw ang dapat na magtayo ng templo kung saan ako mananahan.
\v 5 Ako ay hindi nanirahan sa anumang gusali, mula nang inilabas ko ang mga Israelita sa Egipto hanggang ngayon. Sa halip, nanahan ako sa sagrado kong tolda, palipat-lipat mula sa isang lugar patungo sa isa pang lugar kapag lumipat ang mga Israelita sa ibang lugar.
\v 6 Saanman ako magpunta kasama ng mga Israelita sa kanilang paglalakbay, hindi ko kailanman sinabi sa kahit sino sa mga pinunong itinalaga ko upang manguna sa kanila, "Bakit hindi ninyo ako ipinagtayo ng isang templo na gawa sa kahoy na sedar?"
\s5
\v 7 Kaya ito ang dapat mong sabihin sa lingkod kong si David: 'Ako si Yahweh, ang Pinuno ng hukbo ng mga anghel ang kumuha sa iyo mula sa isang pastulan kung saan ka nag-aalaga ng mga tupa, at hinirang kita na maging tagapamuno ng aking mga taong Israelita.
\v 8 Ako ay naging kasa-kasama mo saan ka man pumunta, at inalis ko ang lahat ng iyong kaaway na nasa iyong harapan. At ngayon, gagawin kitang pinakatanyag, tulad ng pagkakakilala sa mga pangalan ng mga pinakatanyag na tao na nabuhay sa daigdig.
\s5
\v 9-10 Noon, sa panahon na humirang ako ng mga pinuno para sa aking mga taong Israelita, maraming mararahas na pangkat ang umapi sa kanila. Ngunit hindi na ito mangyayaring muli. Ako ay pumili ng isang lugar kung saan maninirahan nang payapa ang aking mga taong Israelita at wala nang sinuman ang manggugulo sa kanila. Bibigyan ko sila ng kapahingahan mula sa pananalakay ng kanilang mga kaaway at tatalunin ko ang lahat ng iyong kaaway. Inihayag ko sa iyo na, Ako si Yahweh ang magbibigay ng kakayahan sa iyong kaapu-apuhan na mamuno pagkatapos mong mamatay.
\s5
\v 11 Kapag ikaw ay namatay at lumisan upang makasama ang mga namatay mong mga ninuno, ako ay pipili ng isa sa iyong mga anak upang maging hari, at gagawin kong malakas ang kaniyang kaharian.
\v 12 Siya ang magpapatayo ng templo para sa akin. At gagawin kong mga hari ng Israel ang kaniyang kaapu-apuhan magpakailanman.
\s5
\v 13 Magiging tulad ako ng isang ama sa kaniya at siya ay magiging parang aking anak. Tinigilan ko nang mahalin si Saulo, ang hari bago ka naging hari, ngunit hindi ko ititigil na mahalin ang iyong anak.
\v 14 Gagawin ko siyang tagapamuno ng aking tao at ang kaniyang kaharian ay mananatili magpakailanman.'"
\v 15 Kaya iniulat ni Natan kay David ang lahat ng inihayag ni Yahweh sa kaniya.
\s5
\v 16 Nagpunta si David sa sagradong tolda at naupo sa presensya ni Yahweh at nanalangin ng ganito: "O Yahweh na aking Diyos, hindi ako karapat-dapat para sa iyo upang iyong gawin ang lahat ng bagay na ito para sa akin, at maging ang aking pamilya ay hindi karapat-dapat.
\v 17 At O Diyos, bukod pa sa lahat ng ito, sinabi mo ang tungkol sa kung ano ang mangyayari sa aking kaapu-apuhan sa hinaharap para sa maraming salinlahi. O Yahweh na aking Diyos, itinuring mo ako na para bang ako ang pinakamahalagang tao dito sa mundo!
\v 18 Ano pa ang masasabi ko, ako na si David sa iyo dahil sa pagpaparangal mo sa akin? Gayong lubos mong kilala kung ano ako.
\s5
\v 19 O Yahweh, para sa aking kapakanan at dahil sa ito ang nais mong gawin, ginawa mo ang mga dakilang bagay na ito para sa akin, at inihayag mo sa akin ang mga bagay na ito na iyong ipinangako na gagawin.
\v 20 O Yahweh, ikaw ay dakila. Wala kang katulad. Ikaw lamang ang Diyos na lagi naming naririnig.
\v 21 At walang bansa sa mundo ang katulad ng Israel. Israel ang tanging bansa sa mundo na ang mga tao ay inilabas ninyo upang iligtas. Gumawa kayo ng mga dakila at kamangha-manghang himala, ang pagliligtas sa aming mga ninuno mula sa pagiging mga alipin sa Egipto at pinaalis ang ibang lahi ng mga tao na nasa Canaan.
\s5
\v 22 Ikaw ang dahilan kaya napabilang kaming mga Israelita sa iyo magpakailanman, at ikaw O Yahweh ang naging Diyos namin!
\v 23 At ngayon O Yahweh, ipinapanalangin ko na tutuparin mo ang mga bagay na iyong ipinangako sa akin at sa aking kaapu-apuhan magpakailanman, at gagawin ang mga bagay na iyong sinabi na iyong gagawin.
\v 24 Kapag nangyari iyon, ikaw ay magiging tanyag magpakailanman. At isisigaw ng mga tao, 'Yahweh, ang Pinuno ng hukbo ng mga anghel, ang Diyos na namumuno sa Israel!' At tutuparin mo na magmumula sa aking kaapu-apuhan ang mamumuno magpakailanman.
\s5
\v 25 Inihayag mo sa akin, O aking Diyos, na gagawin mong mga hari ang ilan sa aking kaapu-apuhan. Kaya malakas ang loob ko na manalangin ng tulad nito sa iyo.
\v 26 O Yahweh, ikaw ay Diyos! Ipinangako mo na gagawin mo ang mga mabubuting bagay na ito sa akin.
\v 27 At ngayon, ikaw na si Yahweh ay nangako na pagpapalain ang aking kaapu-apuhan, nang sa gayon magpapatuloy sila sa pamumuno magpakailanman. Mangyayari iyon dahil ikaw na si Yahweh ang nagbigay ng pagpapala sa kanila at patuloy mo silang pagpapalain magpakailanman."
\s5
\c 18
\p
\v 1 Ang lumipas ang ilang panahon, sinalakay at tinalo ng hukbo ni David ang hukbo ng mga Filisteo. Sinakop nila ang lungsod ng Gat at ang mga nayon sa paligid nito.
\v 2 Tinalo din ng kaniyang hukbo ang hukbo ng mga Moabita. Sapilitang tinanggap ng mga tao si David bilang kanilang tagapamuno, pati na rin ang pagbabayad ng pera taun-taon sa pamahalaan ni David, upang sa gayon ay maprotektahan sila ng hukbo ni David.
\s5
\v 3 Nakipaglaban din ang hukbo ni David laban sa hukbo ni Hadadezer, ang hari ng Zoba sa Aram malapit sa lungsod ng Hamat, noong sinusubukan ni Hadadezer na bumuo ng pamamahala sa lugar na malapit sa Ilog Eufrates.
\v 4 Nabihag ng hukbo ni David ang isanlibong karwahe ni Hadadezer, pitong libong mangangarwahe at dalawampung libong kawal. Nilumpo nila ang karamihan sa kanilang mga kabayo; mayroon lamang isandaang kabayo ang hindi nila nilumpo.
\s5
\v 5 Nang dumating ang mga hukbo ng Aram mula sa lungsod ng Damasco upang tulungan ang hukbo ni Hadadezer, pinatay ng mga kawal ni David ang dalawampu't dalawang libo sa kanila.
\v 6 Pagkatapos, naglagay si David ng mga pangkat ng mga kawal sa lungsod ng Damasco, at sapilitang tinanggap ng mga tao ng Aram si David bilang kanilang tagapamuno, at upang magbayad sa pamahalaan ni David bawat taon ng kabayaran na kaniyang hinihingi. At binigyan ni Yahweh ang hukbo ni David ng kakayahan na manalo sa mga labanan saanman sila pumunta.
\s5
\v 7 Kinuha ng mga kawal ni David ang mga gintong kalasag na dala ng mga opisyal ng hukbo ni Hadadezer at dinala ang mga ito sa Jerusalem.
\v 8 Kinuha din nila mula sa lungsod ng Tiba at Cun na pagmamay-ari ni Hadadezer ang napakaraming tanso na kalaunan ay ginamit ng anak ni David na si Solomon upang gawin ang malaking ipunan ng tubig na gawa sa tanso at ang mga haligi at ibang kagamitang tanso para sa templo.
\s5
\v 9 Nang marinig ni Tou na hari ng lungsod ng Hamat sa Aram na tinalo ng hukbo ni David ang buong hukbo ni Haring Hadadezer,
\v 10 pinapunta niya ang kaniyang anak na si Hadoram kay Haring David upang batiin siya at magbigay papugay sa kaniya tungkol sa pagtalo niya sa hukbo ni Hadadezer, na lumalaban sa mga hukbo ni Tou. Nagdala si Hadoram kay David ng maraming kagamitan na yari sa ginto, pilak, at tanso.
\v 11 Inihandog ni Haring David ang mga bagay na ito kay Yahweh, tulad ng ginawa niya sa mga pilak at mga ginto na kinuha ng kaniyang mga kawal mula sa mga Edomita, Moabita, Ammonita at sa mga mamamayan ng Filistea, at mula sa kaapu-apuhan ni Amalek.
\s5
\v 12 Ang pinuno ng hukbo ni David na si Abisai na ang ina ay si Zeruias ay nakapatay ng 18,000 na kawal mula sa Edom sa Lambak ng Asin.
\v 13 Pagkatapos, naglagay si David ng mga pangkat ng mga kawal sa Edom, at napilitang tanggapin ng mga tao ng Edom si David bilang kanilang hari at magbayad ng pera sa pamahalaan ni David taun-taon. At binigyan ni Yahweh ang hukbo ni David ng kakayahan na manalo sa mga labanan saanman sila pumunta.
\s5
\v 14 Naghari si David sa lahat ng Israelita, at lagi niyang ginagawa sa kanila kung ano ang makatarungan at patas.
\v 15 Si Joab na anak ni Zeruias ang pinaka-pinuno ng hukbo. Si Jehosafat na anak ni Ahilud ang tagapagtala.
\v 16 Si Zadok na anak ni Ahitob at si Abimelec na anak ni Abiatar ang mga punong pari. si Seraia ang kalihim ng mga opisyal.
\v 17 Si Benaias na anak ni Joiada ang namuno sa mga lahi ng Keret at mga grupong Pelet na mga tagapagbantay ni David. At ang mga anak ni David ang kaniyang mga pinakamahalagang opisyal.
\s5
\c 19
\p
\v 1 Makalipas ang ilang panahon, namatay ang hari ng mga Ammonita na si Nahas. At ang kaniyang anak na si Hanun ang kanilang naging hari.
\v 2 Nang marinig ni David ang tungkol dito, sinabi niya sa kaniyang sarili, "Naging mabait si Nahas sa akin, kaya magiging mabait din ako sa kaniyang anak." Kaya nagpadala si David ng ilang mga opisyal doon upang iparating kay Hanun na nalulungkot siyang marinig na namatay na ang ama ni Hanun. Ngunit nang dumating ang mga opisyal ni David kay Hanun sa lupain kung saan nanirahan ang mga Ammonita,
\v 3 sinabi ng mga pinuno ng mga pangkat ng Ammonita kay Hanun, "Sa tingin mo ba totoong pinararangalan ni David ang iyong ama sa pagpapadala niya sa mga kalalakihang ito upang ipaalam na nalulungkot siya sa pagkamatay ng iyong ama? Sa palagay namin ay dumating ang mga taong ito upang tingnan at libutin ang ating lungsod upang alamin kung paano tayo sasakupin ng kaniyang hukbo.
\s5
\v 4 Pinaniwalaan ni Hanun ang kanilang sinabi kaya inutusan niya ang ilang mga kawal na huliin ang mga opisyal na ipinadala ni David, at inahit ang lahat ng kanilang mga balbas, at hinamak sila sa pamamagitan ng pagpunit sa iba't bang bahagi ng kanilang mga kasuotan at pinaalis.
\v 5 Labis na napahiya ang mga opisyal. Nang malaman ni David ang nangyari sa kaniyang mga opisyal, nagpadala siya ng ilang mensahero upang sabihin sa kanila, "Manatili kayo sa Jerico hanggang tumubong muli ang inyong mga balbas at saka kayo umuwi sa inyong tahanan."
\s5
\v 6 Pagkatapos, napagtanto ng mga pinuno ng grupo ng mga Ammonita na labis nilang hinamak si David. Kaya nagpadala si Hanun at ang ilan sa kaniyang mga opisyal ng 34,000 kilo ng pilak upang umupa ng mga karwahe at mga mangangarwahe sa Aram Naharaim, Aram Maacah at hilagang kanluran ng Soba ng Israel.
\v 7 Nakaupa sila ng 32,000 na karwahe at mga mangangarwahe, gayon din sa mga hari sa rihiyon ng Maacah at sa mga kawal nito. Dumating sila at nagtayo ng kanilang mga tolda malapit sa lungsod ng Medeba sa rehiyon ng Moab. Naglakad din palabas ang mga kawal mula sa pangkat ng mga Ammonita at tumayo sa kanilang mga hanay sa pasukan ng kanilang kabisera, ang Rabba.
\s5
\v 8 Nang marinig ni David ang tungkol dito, ipinadala niya si Joab at ang lahat ng kaniyang hukbo.
\v 9 Lumabas ang mga kawal ng mga Ammonita sa kanilang lungsod at humanay para sa pakikipaglaban sa pasukan ng kanilang kabisera, ang Rabba. Samantalang, ang mga haring dumating kasama ng kanilang mga hukbo ay pumuwesto sa kapatagan
\s5
\v 10 Nakita ni Joab na mayroong mga pangkat ng mga kaaway na kawal sa harap at likuran ng kaniyang mga hukbo. Kaya pumili siya ng ilang pinakamagagaling na Israelitang mandirigma at pinahanay sila upang makipaglaban sa mga kawal ng Aram.
\v 11 Inatasan niya ang kaniyang nakatatandang kapatid na si Abisai na maging pinuno ng kaniyang ibang mga kawal at sinabi niya sa kanila na humanay sila sa harapan ng hukbo ng mga Ammonita.
\s5
\v 12 Sinabi ni Joab sa kanila, "Kung masyadong malakas ang mga kawal ng Aram upang talunin namin sila, kailangang pumunta ang iyong mga kawal at tulungan kami. At kung masyadong malakas ang mga kawal ng Amon upang inyong talunin, pupuntahan kayo ng aking mga kawal upang tulungan ang iyong mga tao.
\v 13 Kailangan nating maging malakas at makipaglaban nang buong lakas upang ipagtanggol ang ating mga tao at ang ating mga lungsod na pag-aari ng ating Diyos. Ipinapanalangin ko na gagawin ni Yahweh ang sa tingin niya ay mabuti."
\s5
\v 14 Kaya sumulong si Joab at ang kaniyang mga pangkat upang kalabanin ang hukbo ng Aram at tumakbo sa kanila papalayo ang mga kawal mula sa Aram.
\v 15 At nang makita ng mga kawal ng mga Ammonita na tumatakbo ang mga kawal ng Aram palayo, nag-umpisa na rin silang magsipagtakbuhan palayo kay Abisai at sa kaniyang hukbo, at umurong sila pabalik sa loob ng lungsod. Kaya bumalik si Joab at ang kaniyang hukbo sa Jerusalem.
\s5
\v 16 Nang mapagtanto ng mga pinuno ng hukbo ng mga Arameo na natalo sila ng mga hukbo ng Israel, nagpadala sila ng mga mensahero sa kabilang bahagi ng Aram sa silangang bahagi ng ilog Eufrates at isinama ang mga hukbo mula doon hanggang sa lugar ng labanan, kasama si Sopach, ang pinuno ng hukbo ng Hadadezer, na mamumuno sa kanila.
\v 17 Nang marinig ni David ang tungkol dito, tinipon niya lahat ng kawal ng Israel at tinawid nila ang Ilog Jordan. Sumulong at humanay sila upang salakayin ang mga hukbo ng mga Arameo.
\s5
\v 18 Ngunit tumakbo palayo ang mga hukbo ng Aram mula sa mga kawal ng Israel. Gayunpaman, nakapatay ang mga kawal ni David ng 7,000 sa mga mangangarwahe nila at 40,000 na iba pang mga kawal. Napatay din nila si Sopach, ang pinuno ng kanilang hukbo.
\v 19 Nang mapagtanto ng mga hari na pinamumunuan ni Hadadezer na tinalo sila ng hukbo ng Israel, nakipagkasundo sila kay David at pumayag na pamunuan sila. Kaya ayaw nang tulungan ng mga pinuno ng Aram ang mga pinuno ng mga Ammonita.
\s5
\c 20
\p
\v 1 Sa rehiyong iyon, karaniwang sumasama ang mga hari sa kanilang mga hukbo upang makipaglaban sa kanilang mga kaaway sa panahon ng tag-sibol. Ngunit sa sumunod na taon, hindi iyon ginawa ni David. Sa halip, nanatili siya sa Jerusalem at pinadala niya ang kaniyang pinuno na si Joab upang pangunahan ang hukbo. Dinala ni Joab ang kaniyang mga pangkat. Tinawid nila ang Ilog Jordan at winasak ang lupain ng pangkat ng mga Ammonita. Pagkatapos, pumunta sila sa Rabba, ang kabisera ng lungsod, at pinalibutan ito. Pansamantalang nanatili si David sa Jerusalem. Ngunit hindi nagtagal, nagdala siya ng mas maraming hukbo at pumunta upang tulungan si Joab. Nilusob ng kanilang hukbo ang Rabba at sinira ito.
\s5
\v 2 At kinuha ni David ang korona mula sa ulo ng hari ng Rabba at inilagay ito sa kaniyang ulo. Napakabigat nito, may bigat itong 34 na kilo at may mga mamahaling bato na nakabaon dito. Kinuha din nila mula sa lungsod ang iba't ibang mga mahahalagang bagay.
\v 3 Dinala nila ang mga tao sa labas ng lungsod at pinilit sila upang magtrabaho para sa kanilang hukbo, gamit ang mga lagari at matutulis na bakal at mga palakol. Ginawa ito ng mga kawal ni David sa lahat ng lungsod ng mga Ammonita. Pagkatapos, bumalik si David at ang kaniyang mga kawal sa Jerusalem.
\s5
\v 4 Hindi nagtagal, nakipaglaban ang hukbo ni David sa hukbo ng mga Palestino sa lungsod ng Gezer. Habang naglalaban, pinatay ni Sibbecai na nagmula sa angkan ng Husat si Sippai, isa sa mga kaapu-apohan ng mga higanteng Rafa. Kaya natalo ang mga hukbo ng Palestino.
\v 5 Sa iba pang digmaan laban sa mga kawal ng mga Palestino, pinatay ni Elhanan na anak ni Jair si Lahmi, ang nakababatang kapatid ng higanteng si Goliat mula sa lungsod ng Gat, na may sibat na kasing kapal ng kahoy na ginagamit ng manghahabi.
\s5
\v 6 Mayroon pang isa labanan malapit sa Gat. Naroon ang isang malaking tao na may tig-aanim na daliri sa bawat kamay at tig-aanim na daliri sa bawat paa. Kaapu-apuhan siya mula sa mga higanteng Rafa.
\v 7 Noong pinagtawanan niya ang mga kawal ng Israel, pinatay siya ni Jehonadab na anak ni Sima. Nakatatandang kapatid ni David si Sima.
\v 8 Ilan ito sa mga kaapu-apuhan ng mga higanteng Rafa na tumira sa Gat, na pinatay ni David at ng kaniyang mga kawal.
\s5
\c 21
\p
\v 1 Napagpasyahan ni Satanas na bigyan ang mga Israelita ng kaguluhan. Kaya inudyukan niya si David na alamin kung ilan ang mga kalalakihan sa Israel na maaaring maisama sa hukbo.
\v 2 Kaya inutusan ni David si Joab at ang iba pang mga pinuno ng hukbo, "Bilangin ninyo ang lahat ng kalalakihan sa Israel na maaaring maisama sa hukbo. Umpisahan ninyo sa timog ng Beerseba hanggang sa hilaga ng Dan. Pagkatapos, bumalik kayo at iulat ninyo sa akin upang malaman ko kung ilan ang bilang ng mga kalalakihan na mayroon."
\v 3 Ngunit sumagot si Joab, "Kamahalan, umaasa ako na pararamihin ni Yahweh ang ating hukbo ng isandaang beses kaysa sa karami nito ngayon. Ngunit pinaglilingkuran ka naming lahat. Kaya hindi mo kailangang gawin ang kasalanang ito at parusahan ang Israel dahil dito."
\s5
\v 4 Ngunit ayaw baguhin ni David ang kaniyang pasya. Kaya pumunta si Joab at ang kaniyang mga kawal sa lahat ng dako ngIsrael at Juda at binilang ang mga tao. Pagkatapos, bumalik sila sa Jerusalem
\v 5 at ibinalita nila kay David na mayroong 1,100,000 na kalalakihan sa Israel na maaaring maisama sa hukbo at 470,000 sa Juda.
\s5
\v 6 Gayunpaman, hindi binilang ni Joab ang mga kalalakihan mula sa mga tribo ni Levi at Benjamin dahil hindi niya nagustuhan ang iniutos ng hari.
\v 7 Ang utos ni David na bilangin ang mga tao ang naging sanhi upang magalit ang Diyos, kaya sinabi niya kay David na napagpasiyahan niya na parusahan ang mga Israelita.
\v 8 Pagkatapos, nanalangin si David sa Diyos. Sinabi niya sa kaniya, "Ang aking ginawa ay napakahangal. Nagkasala ako ng napakalaki dahil sa aking ginawa. Kaya nakikiusap ako ngayon sa iyo, pakiusap, patawarin mo ako."
\s5
\v 9 At sinabi ni Yahweh kay Gad, ang propeta ni David,
\v 10 "Pumunta ka at sabihin mo ito kay David: 'Pinapahintulutan kitang pumili ng isa sa tatlong bagay upang parusahan ka. Gagawin ko kung anuman ang iyong piliin.
\s5
\v 11 Kaya pumunta si Gad kay David at sinabi sa kaniya, "Ito ang sinasabi ni Yahweh, 'Maaari kang pumili ng isa sa mga kaparusahang ito:
\v 12 tatlong taon na taggutom sa Israel, o tatlong buwan kung saan ang iyong mga hukbo ay tatakbo palayo mula sa kanilang mga kaaway na sasalakay sa kanila sa pamamagitan ng mga espada, o tatlong araw kung saan ipadadala ko ang aking anghel upang iparanas ang isang salot na sanhi ng ikamamatay ng maraming tao sa bansa'. Kaya kailangan mong magpasya kung ano ang isasagot ko kay Yahweh na siyang nagsugo sa akin."
\s5
\v 13 Sumagot si David kay Gad, "Ako ay labis na nababalisa. Ngunit hayaan mong parusahan ako ni Yahweh, dahil labis siyang mahabagin. Huwag mong pahintulutan na mga tao ang magparusa sa akin sapagkat hindi sila magiging mahabagin"
\v 14 Kaya nagpadala ng salot si Yahweh sa mga Israelita at 70,000 ang namatay sa kanila dahil dito.
\v 15 At nagpadala ang Diyos ng isang anghel upang patayin ang mga tao sa Jerusalem sa pamamagitan ng salot. Ngunit nang nakatayo ang anghel sa lugar na kung saan naroon ang giikan ng trigo ni Ornan na mula sa lahi ng Jebuseo, nakita ni Yahweh ang lahat ng paghihirap na tinitiis ng mga tao at nagdalamhati siya. Kaya sinabi niya sa anghel, "Ihinto mo ang iyong ginagawa! Tama na iyan!"
\s5
\v 16 Tumingala si David at nakita niya ang anghel na ipinadala ni Yahweh na nakatayo sa pagitan ng langit at lupa. May hawak na espada ang anghel na nakaturo sa Jerusalem. Pagkatapos, nagpatirapa sa lupa si David at ang mga nakatatanda sa lungsod na nakasuot ng damit na gawa sa magaspang na tela.
\v 17 Sinabi ni David sa Diyos, "Ako ang nag-utos sa na bilangin ang mga kalalakihan na maaring isama sa hukbo. Ako ang nagkasala at gumawa ng napakalaking pagkakamali, ngunit ang mga taong ito ay walang malay tulad ng mga tupa. Wala silang ginawang masama. Kaya Yahweh na aking Panginoon, parusahan mo ako at ang aking pamilya, ngunit huwag mong hayaang patuloy na magkasakit at mamatay ang iyong mga tao dahil sa salot na ito."
\s5
\v 18 At sinabi ng anghel na ipinadala ni Yahweh kay Gad na umakyat sa giikan ni Ornan at sabihin kay David na magpatayo ng altar upang sambahin si Yahweh doon.
\v 19 Kaya pagkatapos sabihin ni Gad kay David, sinunod niya ang mensahe na ibinigay ni Yahweh kay Gad at umakyat siya doon.
\v 20 Habang ginigiik ni Ornan ang ilang trigo, lumingon siya at nakita niya ang anghel. Nakita din ng kaniyang apat na anak ng lalaki ang anghel at nagtago sila.
\s5
\v 21 At lumapit si David. Nang makita siya ni Ornan, iniwan niya ang lugar kung saan siya naggigiik ng trigo at nagpatirapa siya na ang kaniyang mukha ay sumasagi sa lupa.
\v 22 Sinabi ni David sa kaniya, "Pakiusap ibenta mo sa akin ang lugar ng giikan upang makapagpatayo ako ng altar dito para sambahin si Yahweh at para kaniyang pahintuin ang salot na ito. Babayaran ko ang buong halaga."
\s5
\v 23 Sumagot si Ornan, "Kunin mo ito Kamahalan! gawin mo kung anuman ang nais mo. Ibibigay ko sa iyo ang baka na gumigiik ng trigo para sa alay na susunugin sa altar. At ibibigay ko sa iyo ang mga tabla na ginagamit sa paggigiik ng trigo upang gamitin na panggatong sa altar. At magbibigay ako sa iyo ng harina para sa harinang handog. Ibibigay ko ang lahat ng bagay na ito sa iyo."
\v 24 Ngunit sinabi ng hari kay Ornan, "Huwag, hindi ko kukunin ang mga bagay na ito bilang isang regalo. Babayaran ko sa iyo ang kabuuang halaga nito. Hindi ko kukunin kung ano ang pag-aari mo at hindi ako maghahandog ng mga alay nang hindi man lang ako gumugol ng anumang halaga at ialay ang mga ito kay Yahweh para sunugin sa latar."
\s5
\v 25 Kaya nagbayad si David kay Ornan ng 600 na piraso ng ginto para sa buong lugar.
\v 26 Nagpatayo si David ng altar upang sambahin doon si Yahweh at naghandog siya ng mga alay na ganap na susunugin sa altar at mga alay upang maibalik ang ugnayan kay Yahweh. Nanalangin si David kay Yahweh at sumagot si Yahweh sa pamamagitan ng pagpapadala niya ng apoy mula sa langit upang sunugin ang mga alay na nasa altar.
\v 27 Pagkatapos, nagsalita si Yahweh sa anghel at sinabi sa kaniya na ibalik ang kaniyang espada sa kaluban nito. Kaya ginawa iyon ng anghel.
\s5
\v 28 At nang makita ni David na sinagot siya ni Yahweh doon sa giikan ni Ornan at pinahinto ang salot, nag-handog siya ng mga alay doon.
\v 29 Ang sagradong tolda ni Yahweh, na iniutos ni Moises na ipatayo sa ilang, at ang altar na ginagamit para sa mga handog na susunugin ay nasa tuktok ng burol sa lungsod ng Gibeon sa panahong iyon.
\v 30 Ngunit ayaw pumunta ni David doon upang hilingin sa Diyos na sabihin sa kaniya kung ano ang gusto niyang ipagawa kay David, dahil natatakot siya na baka hampasin siya ng espada ng anghel na ipinadala ni Yahweh; napagtanto niya na iyon na ang lugar na gusto ni Yahweh kung saan gagawin ang mga paghahandog.
\s5
\c 22
\p
\v 1 At sinabi ni David, "Dito sa gilid ng Jerusalem, dito natin itatayo ang templo para sa ating Diyos na si Yahweh, dito natin gagawin ang altar para sa handog na susunugin na dadalhin ng mga Israelita."
\v 2 Kaya iniutos ni David na kailangang magtipun-tipon ang mga dayuhan na nakatira sa Israel. Nang ginawa nila iyon, humirang siya ng ilan sa mga lalaking iyon upang magtapyas ng mga malalaking bato mula sa tibagan ng mga bato at upang pakinisin ang ibabaw ng mga ito, upang magamit sa pagpapatayo ng templo ng Diyos.
\s5
\v 3 Nagbigay si David ng maraming bakal para sa paggawa ng mga pako at mga bisagra para sa mga pintuan sa mga tarangkahan ng templo. Nagbigay rin siya ng napakaraming tanso para sa paggawa ng iba't ibang mga kagamitan at dahil napakarami nito, walang makapagtimbang sa lahat ng ito.
\v 4 Nagbigay rin siya ng pera para bumili ng napakaraming trosong sedar. Dahil sa napakarami nito, wala nang nagbilang nito. Iyon ang mga troso na dinala kay David ng mga lalaking mula sa lungsod ng Tiro at Sidon.
\v 5 Ibinigay ni David ang lahat ng mga bagay na iyon dahil naisip niya, "Ang aking anak na si Solomon ay bata pa at hindi pa niya alam kung ano ang dapat niyang malaman tungkol sa pagpapatayo ng mga gusali, at dapat na maging kahanga-hanga ang templo ni Yahweh. Dapat maging maluwalhating gusali ito na magiging tanyag at dapat ituring ito ng mga tao sa buong mundo na maluwalhati. Kaya ngayon ay sisimulan ko ang paghahanda upang maipatayo ito at si Solomon ang may tungkuling tapusin ito." Kaya nag-ipon si David ng napakaraming kagamitang pang gusali bago siya namatay.
\s5
\v 6 Pagkatapos ay ipinatawag ni David ang anak niyang si Solomon at sinabi sa kaniya na kailangan niyang maghanda upang maitayo ang templo para kay Yahweh, ang Diyos na sinamba ng mga Israelita.
\v 7 Sinabi niya sa kaniya, "Gusto kong magtayo ng isang templo upang parangalan si Yahweh, na aking Diyos.
\v 8 Ngunit sinabi ni Yahweh sa isang propeta na sabihin sa akin, 'Marami kang pinatay sa iyong pakikipaglaban sa mga digmaan. Nakita ko ang dugo ng lahat ng taong pinatay mo, kaya hindi ikaw ang magtatayo ng templo upang parangalan ako.
\s5
\v 9 Ngunit magkakaroon ka ng isang anak na magiging hari ng Israel pagkatapos mong mamatay. Siya ay magiging isang taong payapa at tahimik, isang taong hindi pumapatay. Ako ang magbibigay ng kapayapaan sa pagitan niya at sa kaniyang mga kaaway na nasa kalapit na mga lupain. Solomon ang magiging pangalan niya, na kasing tunog ng salitang kapayapaan. Sa panahon na siya ang hari, magiging mapayapa at ligtas ang mga tao sa Israel.
\v 10 Siya ang maghahanda para sa templo na ipapatayo upang parangalan ako. Siya ay magiging parang anak ko, at gagawin kong hari magpakailanman ang ilan sa kaniyang kaapu-apuhan.'
\s5
\v 11 Kaya ngayon, anak ko, umaasa ako na tutulungan ka ni Yahweh, at pagtatagumpayin ka niya sa paghahanda para sa pagpapatayo ng templo ni Yahweh na iyong Diyos, na sinabi niya na iyong gagawin.
\v 12 Umaasa rin ako na gagawin ka niyang marunong upang maunawaan mo ang kailangan mong malaman at gagawin ka niyang masunurin sa kaniyang mga kautusan habang pinamumunuan mo ang buong Israel
\v 13 Kung maingat mong susundin ang lahat ng kautusan at mga tuntunin na sinabi ni Yahweh kay Moises upang sabihin ang dapat gawin ng Israel, ikaw ay magtatagumpay. Magpakatatag ka at lakasan mo ang iyong loob. Huwag kang matakot sa anuman at huwag kang panghinaan ng loob!
\s5
\v 14 Nagsikap akong ihanda ang mga kagamitan para sa pagtatayo ng templo ni Yahweh. Nagbigay ako ng halos 3450 metrik-toneladang ginto at halos 34,500 metrik-toneladang pilak. Nagbigay rin ako ng napakaraming bakal at tanso, walang sinuman ang may kakayahan na timbangin ang lahat ng iyon. Nangalap rin ako ng mga tabla at bato para sa pader ng templo, ngunit kakailanganin mo pang dagdagan ang mga bagay na iyon.
\s5
\v 15 Maraming kalalakihan sa Israel ang may kakayahang magtapyas ng mga malalaking bato para sa paggawa ng mga pader na bato, at mga karpintero, at mga taong napakahusay sa paggawa ng iba't ibang uri ng mga bagay.
\v 16 Maraming kalalakihan ang marunong gumawa ng mga bagay mula sa ginto, pilak, tanso, at bakal. Kaya ngayon, sinasabi ko sa iyo na simulan mo ang trabaho ng pagpapatayo ng templo at umaasa ako na sasamahan ka ni Yahweh."
\s5
\v 17 At iniutos ni David na si Solomon ay dapat tulungan ng lahat ng mga pinuno ng Israelita. Sinabi niya sa kanila,
\v 18 "Tiyak na sasamahan kayo ni Yahweh na ating Diyos. Pinayagan niya na magkaroon kayo ng kapayapaan sa lahat ng kalapit na bansa. Binigyan niya ng kakayahan ang aking mga hukbo na masakop sila, kaya si Yahweh at ang mga tao ko ang namamahala sa kanila.
\v 19 Ngayon, dapat ninyong sundin si Yahweh nang buong puso at kaluluwa. Tulungan ninyo si Solomon sa paghahanda sa pagpapatayo ng templo para sa Diyos na si Yahweh, upang madala ninyo ang Kaban ng Tipan na naglalaman ng Sampung Kautusan at ang iba pang sagradong mga bagay na pag-aari ni Yahweh sa templo na inyong itatayo upang parangalan siya."
\s5
\c 23
\p
\v 1 Napakatanda na ni David nang hirangin niya ang kaniyang anak na si Solomon bilang susunod na hari.
\v 2 Tinipon ni David ang mga pinuno ng Israel, ang mga pari at ang iba pang kaapu-apuhan ni Levi.
\v 3 Inutusan niya ang ilan sa kaniyang mga opisyal na bilangin ang kaapu-apuhan ni Levi na hindi bababa sa tatlumpung taong gulang at napag-alaman nila na sila ay 38,000.
\s5
\v 4 At sinabi ni David, "Mula sa 38,000 na lalaking iyon, nais ko na 24,000 sa kanila ang mangangasiwa ng trabaho sa templo ni Yahweh at nais ko na 6,000 sa kanila ang maging mga opisyal at mga hukom.
\v 5 Nais ko na 4,000 ang maging tagapagbantay sa mga tarangkahan at 4,000 ang magpupuri kay Yahweh, gamit ang mga instrumentong pangmusika na ibinigay ko sa kanila.
\v 6 Hinati ni David ang mga kaapu-apuhan ni Levi sa tatlong pangkat; ang bawat pangkat ay binubuo ng mga lalaking kaapu-apuhan ng isa sa mga tatlong anak ni Levi na sina Gershon, Kohat at Merari. Ang mga kaapu-apuhan ni Gershon.
\s5
\v 7 Mula sa mga kaapu-apuhang lalaki ni Gershon ay sina Ladan at Simei.
\v 8 May tatlong anak si Ladan: si Jehiel ang panganay at ang kaniyang mga nakababatang kapatid na sina Zetam at Joel.
\v 9 May tatlong anak si Simei: sina Zelomit, Haziel at Haran. Silang lahat ay mga pinuno mula sa mga angkan ni Ladan.
\s5
\v 10 May apat na lalaking anak ni Simei:
\v 11 Si Jahath ang kaniyang panganay na anak at sina Zina, Jeus at Berias ang mga nakababatang kapatid niya. Sina Jeus at Berias ay hindi nagkaroon ng maraming anak na lalaki, kaya sila binilang na iisang pamilya. Ang mga kaapu-apuhan ni Kohat
\s5
\v 12 Si Kohat ay nagkaroon ng apat na lalaking anak: sina Amram, Izar, Hebron at Uziel.
\v 13 May dalawang anak na lalaki si Amram: sina Aaron at Moises. Itinalaga si Aaron at ang kaniyang mga kaapu-apuhan upang ihandog ang mga sagradong bagay kay Yahweh, upang maghandog ng mga alay kay Yahweh, upang maglingkod sa kaniyang presensiya at upang ipahayag sa mga tao ang gagawin ni Yahweh upang pagpalain sila. Sila ang gagawa ng mga bagay na iyon magpakailanman.
\v 14 Ang mga anak na lalaki ni Moises, ang taong naglingkod nang mabuti kay Yahweh ay ibinilang na bahagi ng tribu ni Levi.
\s5
\v 15 Ang mga anak na lalaki ni Moises ay sina Gershon at Eliezer.
\v 16 Ang panganay na anak ni Gershon ay si Sebuel.
\v 17 Si Rehabias ang panganay na lalaki ni Eliezer. Wala nang ibang mga anak na lalaki si Eliezer, ngunit maraming anak na lalaki si Rehabias.
\v 18 Si Zelomit ang panganay na anak ni Izar.
\s5
\v 19 May apat na anak na lalaki si Hebron. Si Jerias ang panganay at sina Amarias, Jehaziel at Jecamiam ang mga nakababata niyang kapatid.
\v 20 May dalawang anak na lalaki si Uziel. Si Micas ang panganay at si Isias ang nakababata. Ang mga kaapu-apuhan ni Merari
\s5
\v 21 May dalawang anak na lalaki si Merari: sina Mahli at Musi. Ang mga anak na lalaki ni Mahli ay sina Eleazar at Kis.
\v 22 Walang anak na lalaki si Eleazar; mga anak na babae lamang. Kaya napangasawa sila ng kanilang mga pinsan, ang mga anak na lalaki ni Kis.
\v 23 Ang tatlong anak na lalaki ni Musi ay sina Mahli, Eder at Jeremot.
\s5
\v 24 Iyon ang mga kaapu-apuhan ni Levi, nakatala ang kanilang mga pangalan ayon sa kanilang mga pamilya. Pinili sila para sa natatanging trabaho sa pamamagitan ng palabunutan. Itinala ang bawat tao na nasa dalawampung taong gulang pataas. Nagtrabaho silang lahat sa templo ni Yahweh.
\v 25 Sinabi ni David noon, "Si Yahweh, ang Diyos na nagmamay-ari sa ating mga Israelita, ang nagbigay sa atin ng kapayapaan at pumarito siya upang manahan sa Jerusalem magpakailanman.
\v 26 Kaya hindi na kailangang buhatin ng mga kaapu-apuhan ni Levi ang sagradong tolda at ang mga kagamitang ginagamit sa gawain doon."
\s5
\v 27 Bilang pagsunod sa huling mga tagubilin ni David bago siya namatay, ang mga tagubilin sa paggawa ng gawain sa templo, binilang lamang nila ang mga kaapu-apuhan ni Levi na nasa dalawampung taong gulang pataas.
\v 28 Ang trabaho ng mga kaapu-apuhan ni Levi ay upang tulungan ang mga kaapu-apuhan ni Aaron sa kanilang trabaho sa templo ni Yahweh. Sila ang mamamahala sa mga patyo ng templo at sa mga silid na nasa gilid, sa mga seremonya para sa paglilinis sa lahat ng sagradong mga bagay at upang gawin ang ibang mga trabaho sa templo.
\v 29 Sila rin ang mamamahala sa mga buong tinapay na ilalagay sa harapan ng Diyos, ang tinapay na ilalagay bawat linggo sa ibabaw ng mesa sa templo, ang harina para sa mga handog na harina at ang maninipis na mga tinapay na ginawa ng walang pampaalsa. Kailangan rin nilang sukatin ang mga sangkap, haluin ito at ihurno ang tinapay at ang maninipis na mga tinapay.
\s5
\v 30 Sinabihan rin sila na tumayo tuwing umaga sa templo upang magpasalamat at magpuri kay Yahweh. Kailangan rin nilang gawin ito tuwing gabi.
\v 31 At ganito rin ang gagawin nila kapag inihandog na kay Yahweh sa altar ang mga alay na ganap na susunugin sa mga Araw ng Pamamahinga at sa panahon ng mga pagdiriwang ng bagong buwan at iba pang mga pagdiriwang na pang relihiyon. Sinabi sa kanila kung ilan sa kanila ang dapat na naroon at kung ano ang dapat nilang gawin sa bawat oras.
\s5
\v 32 Kaya ginawa ng mga kaapu-apuhan ni Levi ang trabahong itinalaga sa kanila ng mga kaapu-apuhan ni Aaron na mga kapwa nila Israelita. Ginawa nila ang trabahong iyon sa sagradong tolda at sa banal na lugar sa loob ng tolda at hindi nagtagal ay sa templo.
\s5
\c 24
\p
\v 1 Ito ang mga pangkat ng mga kaapu-apuhan ni Aaron, na unang pinakapunong pari. Ang apat na anak na lalaki ni Aaron ay sina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar.
\v 2 Ngunit namatay sina Nadab at Abihu bago namatay ang kanilang ama at wala silang mga anak. Kaya naging mga pari ang kanilang mga nakababatang kapatid na sina Eleazar at Itamar.
\v 3 Tinulungan ni Zadok na anak ni Eleazar at Ahimelec na anak ni Itamar si David upang paghiwalayin ang mga pamilya sa dalawang pangkat. May mga tungkulin ang bawat pangkat.
\s5
\v 4 May mas maraming pinuno sa mga kaapu-apuhan ni Eleazar kaysa sa mga kaapu-apuhan ni Itamar. Kaya nagtalaga sila ng labing anim na pinuno mula sa mga kaapu-apuhan ni Eleazar at walong pinuno mula sa mga kaapu-apuhan ni Itamar.
\v 5 May mga opisyal ng templo at mga pari, na naroon, kabilang ang mga kaapu-apuhan nina Eleazar at Itamar upang tiyakin na nahati nang pantay-pantay ang gawain. Kaya nagpasya sila kung anong gawain ang gagawin ng bawat pangkat sa pamamagitan ng palabunutan.
\s5
\v 6 Isinulat ni Semaias na anak ni Netanel na kaapu-apuhan ni Levi ang mga pangalan ng mga pinuno ng bawat pangkat habang nanonood si David at ang kaniyang mga opisyal. Nanood din si Zadok na pinakapunong pari, at Ahimelec na kaniyang kawani at ang mga pinuno ng mga pamilya ng mga pari at ang mga pamilya ng iba pang mga kaapu-apuhan ni Levi.
\s5
\v 7 Si Jehoiarib ang unang napiling pangalan sa pamamagitan ng palabunutan. Sumunod na napili si Jedaias.
\v 8 Sumunod na napili si Harim at sumunod na napili si Seorim.
\v 9 Sumunod naman na napili si Malaquias at sumunod na napili si Mijamin.
\v 10 Sumunod na napili si Hacos. Sumunod na napili si Abias.
\s5
\v 11 Sumunod na napili si Jeshua at sumunod na napili si Secanias.
\v 12 Sumunod na napili si Eliasib at sumunod na napili si Jaquim.
\v 13 Sumunod na napili si Jupa at sumunod na napili si Jesebeab.
\v 14 Sumunod na napili si Bilga at sumunod na napili si Imer.
\s5
\v 15 Sumunod na napili si Hezer at sumunod na napili si Afses.
\v 16 Sumunod na napili si Petaya at sumunod na napili si Hazaquiel.
\v 17 Sumunod na napili si Jaquin at sumunod na napili si Gamul.
\v 18 Sumunod na napili si Delaias at sumunod na napili si Maasias.
\s5
\v 19 Sila ang mga kalalakihan na napili upang maging mga pinuno ng mga pangkat na maglilingkod sa templo na sinusunod ang mga alituntunin na itinatag ni Aaron, mga alituntunin na ibinigay sa kaniya ni Yahweh, ang Diyos ng mga Israelita.
\s5
\v 20 Ito ang talaan ng ilan sa ibang mga kaapu-apuhan ni Levi: Si Subael na mula sa mga anak na lalaki ni Amram. Si Jehedias na mula sa mga anak na lalaki ni Subael.
\v 21 Si Isias na panganay na anak na lalaki ni Rehabias na anak na lalaki ni Eleazar.
\v 22 Si Zelomot na mula sa mga kaapu-apuhan ni Izar na anak na lalaki ni Kohat. Si Jahat na mula sa mga kaapu-apuhan ni Zelomot.
\s5
\v 23 Mula sa kaapu-apuhan ng anak ni Kohat na si Hebron ay kasama si Jerias na kaniyang panganay at ang nakababatang kapatid ni Jerias na sina Amarias, Jahaziel at Jecamiam.
\v 24 Si Micas na mula sa mga kaapu-apuhan ni Uziel na anak ni Kohat. Si Samir na mula sa mga kaapu-apuhan ni Micas.
\v 25 At si Isias na nakababatang kapatid ni Micas. Si Zacarias na mula sa mga kaapu-apuhan ni Ishias.
\s5
\v 26 Sina Mahli, Musi at Jaasias na mga anak na lalaki ni Merari.
\v 27 Sina Beno, Soham, Zacur at Ibri na mula sa mga kaapu-apuhan ni Jaazias.
\v 28 Hindi nagkaroon ng mga anak na lalaki si Eleazar na anak ni Mahli.
\s5
\v 29 Si Jerameel na kaniyang anak na lalaki ay mula sa kaapu-apuhan ni Kish.
\v 30 Sina Mahli, Eder at si Jerimot na mga anak na lalaki ni Musi. Sila ang mga kaapu-apuhan ni Levi na itinala batay sa mga pinuno ng kanilang mga pamilya.
\v 31 Ang mga gawain na kanilang gagawin ay pinagpasyahan sa pamamagitan ng palabunutan gaya ng ginawa ng kanilang mga kapwa Israelita na mga kaapu-apuhan ni Aaron. Nagbunutan sila habang nanonood nina Haring David, Zadok, Ahimelec, mga pinuno ng mga pamilya ng mga pari at ang iba pang mga kaapu-apuhan ni Levi. Pantay-pantay ang mga gawain na ibinigay sa bawat pamilya mula sa pinakamatandang kapatid hanggang sa pinakabatang kapatid.
\s5
\c 25
\p
\v 1 Pumili si David at ang ilan sa mga opisyal ng templo ng ilan sa mga anak nina Asaf, Heman at Jeduthun, para mamahala sa pangangaral at upang tumugtog ng mga alpa, mga lira at mga pompiyang. Ito ang talaan ng mga kalalakihan na kanilang pinili para sa gawaing iyon.
\v 2 Pinili nila sina Zacur, Jose, Netanias at Asarela na mula sa mga anak na lalaki ni Asaf. Pinangasiwaan sila ni Asaf. At itinalaga ng hari si Asaf upang mangaral.
\v 3 Pumili sila ng anim na mga kalalakihan mula sa mga anak na lalaki ni Jeduthun: sina Gedalias, Zeri, Jesaias, Simei, Hashabias at Matitias. Pinangasiwaan sila ni Jeduthun at nangaral din, tumutugtog ng kaniyang alpa habang nagpapasalamat at nagpupuri siya kay Yahweh.
\s5
\v 4 Pinili nila sina Bukias, Matanias, Uziel, Subael, Jerimot, Hananias, Hanani, Eliata, Gidalti, Romamti-ezer, Josbecasa, Maloti, Hotir, at Mahaziot na mula sa mga anak na lalaki ni Heman.
\v 5 Sila ay mga anak ni Heman na propeta ni Haring David. Ipinangako ng Diyos na palalakasin niya si Heman, kaya sa kabuuan, binigyan siya ng Diyos ng labing apat na anak na lalaki at tatlong anak na babae.
\s5
\v 6 Pinangasiwaan ng kanilang mga ama ang lahat ng mga kalalakihang iyon habang tumutugtog sila ng musika sa templo ni Yahweh. Tumutugtog sila ng mga pompiyang, mga lira at mga alpa. At ang kanilang mga ama sina Asaf, Jeduthun at Hemanay pinangangasiwaan ng hari.
\v 7 Sinanay at naging bihasa ang mga kalalakihang iyon at ang kanilang mga kamag-anak sa pagtugtog ng mga instrumentong pangmusika sa templo. Iyon ang kanilang gawain para kay Yahweh. Kabilang ang kanilang mga kamag-anak, sila ay 288 sa kabuuan.
\v 8 Nagsapalaran silang lahat, kabilang ang mga bata at matatanda upang tukuyin kung anong gawain ang kanilang gagawin.
\s5
\v 9 Ang mga unang napili mula sa pamilya ni Asaf ay si Jose at ang 12 sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak.
\v 10 Sumunod na napili si Gedalias at ang 12 sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak.
\v 11 Sumunod na napili si Zachur at ang 12 sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak.
\v 12 Sumunod na napili si Netanias at ang 12 sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak.
\s5
\v 13 Sumunod na napili si Bukias at ang 12 sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak.
\v 14 Sumunod na napili si Jesarelah at ang 12 sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak.
\v 15 Sumunod na napili si Jesaias at ang 12 sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak.
\v 16 Sumunod na napili si Mathanias at ang 12 sa kaniyang mga anak at mga kamag-anak.
\s5
\v 17 Sumunod na napili si Simei at ang 12 sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak.
\v 18 Sumunod na napili si Azarel at ang 12 sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak.
\v 19 Sumunod na napili sa kaniya si Hashabias at ang 12 sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak.
\v 20 Sumunod na napili si Subael at 12 sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak.
\s5
\v 21 Sumunod na napili si Matitias at ang 12 sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak.
\v 22 Sumunod na napili si Jerimot at ang 12 sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak.
\v 23 Sumunod na napili si Hananias at ang 12 sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak.
\v 24 Sumunod na napili si Josbecasa at ang 12 sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak.
\s5
\v 25 Sumunod na napili si Hanani at ang 12 sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak.
\v 26 Sumunod na napili si Maloti at ang 12 sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak.
\v 27 Sumunod na napili si Eliata at ang 12 sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak.
\v 28 Sumunod na napili si Hotir at ang 12 sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak.
\s5
\v 29 Sumunod na napili si Gidalti at ang 12 sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak.
\v 30 Sumunod na napili si Mahaziot at ang 12 sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak.
\v 31 Sumunod na napili si Romamti-ezer at ang 12 sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak.
\s5
\c 26
\p
\v 1 Ito ay isang talaan ng mga grupo ng mga kalalakihan na nagbantay sa mga tarangkahan ng templo: Mula sa mga kaapu-apuhan ni Korah ay si Meselemias na anak ni Kore. Si Kore na isa sa mga anak na lalaki ni Asaf
\v 2 Ang panganay na anak na lalaki ni Meselemias ay si Zacarias. Ang iba pa niyang mga anak na lalaki ay sina Jediael, Zebadias, Jatniel,
\v 3 Elam, Jehohanan at Eliehoenai.
\s5
\v 4 Ang isa pang bantay ay si Obed Edom. Ang panganay niyang anak na lalaki ay si Semeias. Ang iba pa niyang mga anak na lalaki ay sina Jehozabad, Joa, Sacar, Natanel,
\v 5 Amiel, Isacar, at Peulletai. Dahil sa pinagpala siya ng Diyos nagkaroon siya ng maraming anak na mga lalaki.
\v 6 Ang anak na lalaki ni Obed Edom na si Semaias ay mayroon ding mga anak na lalaki. Sila ay mga pinuno sa pamilya ng kanilang ama dahil may kakayahan silang gawin nang mahusay ang maraming bagay.
\s5
\v 7 Ang mga anak ni Semaias ay sina Otni, Refael, Obed, at Elzabad. Ang mga kamag-anak naman ni Semaias na sina Elihu at Semaquias ay mga kalalakihang may kakayahan din.
\v 8 Lahat ng mga kaapu-apuhan ni Obed Edom at ng kanilang mga anak at mga kamag-anak ay mga taong may kakayahan at malalakas na mga manggagawa. Sa kabuuan, 62 silang lahat.
\v 9 Si Meselemias ang isa pang bantay. Siya at ang kaniyang mga anak at mga kamag-anak ay mga taong may kakayahan din. Sa kabuuan 18 silang lahat.
\s5
\v 10 Ang isa pang bantay na mula sa kaapu-apuhan ni Merari ay si Simri na anak ni Hosa. Itinalaga ni Hosa si Simri na maging pinuno, kahit hindi siya ang panganay na anak.
\v 11 Ang iba pang mga anak ni Hosa ay sina Hilkias, Tabalias at Zacarias. Sa kabuuan ay 13 silang lahat na mga anak na lalaki at mga kamag-anak ni Hosa.
\s5
\v 12 Ang mga kalalakihang ito ay mga pinuno sa pangkat ng mga nagbantay sa mga tarangkahan ng templo. Naglingkod sila sa templo gaya ng ginawa ng kanilang mga kamag-anak.
\v 13 Sa pamamagitan ng palabunutan, ang pinuno ng bawat pamilya ay pumili ng isang tarangkahan para sa kanilang pangkat upang bantayan. Nagpalabunutan silang lahat, kabilang ang mga kabataan at matatandang lalaki.
\v 14 Ang pangkat ni Selemias ang napili upang magbantay sa silangang tarangkahan. Ang pangkat ng anak ni Selemias na si Zacarias, na isang marunong na tagapayo, ang napili upang magbantay sa hilagang tarangkahan.
\s5
\v 15 At napili ang pangkat ni Obed Edom upang magbantay sa gawing timog na tarangkahan, at napili ang kaniyang mga anak upang magbantay sa mga pasukan ng mga silid-imbakan ng templo.
\v 16 At ang pangkat ni Supim at ang pangkat ni Hosa ang mga napili upang magbantay sa kanlurang tarangkahan at ang Tarangkahang Sallequet sa daang paakyat sa templo. Pantay-pantay ang pagkakabahagi ng gawain ng mga bantay.
\s5
\v 17 Sa bawat araw may anim sa kaapu-apuhan ni Levi ang nagbabantay sa silangang tarangkahan, apat naman ang nagbabantay sa hilagang tarangkahan, apat ang nagbabantay sa timog tarangkahan at tig-dadalawa ang naghahaliling nagbabantay sa mga pasukan ng mga silid-imbakan.
\v 18 Sa kanlurang tarangkahan, dalawang tao ang nagbabantay sa patyo at apat ang nagbabantay sa daan sa labas ng patyo.
\v 19 Ito ang mga pangkat ng mga kalalakihang mga kaapu-apuhan ni Korah at Merari na nagbantay sa mga tarangkahan ng templo.
\s5
\v 20 Nangangasiwa ang ibang kaapu-apuhan ni Levi sa mga kaban na naglalaman ng pera na inilaan sa Diyos, mga pera na dinala ng mga tao sa templo.
\v 21 Si Ladan ang isa sa mga kalalakihan na iyon, na kaapu-apuhan ni Gershon na ninuno ng ilang mga pangkat ng mga pamilya. Si Jehiel ang pinuno sa isa sa mga pangkat ng mga pamilyang iyon.
\v 22 Ang ibang may ganoon ding gawain ay ang mga anak na lalaki ni Jehiel na sina Zetam at ang kaniyang nakababatang kapatid na si Joel.
\s5
\v 23 Ang iba pang mayroon ding ganoong gawain ay ang mga kapu-apuhan nina Amram, Izhar, Hebron, at Uziel.
\v 24 Si Sebuel na kaapu-apuhan ni Gershon na anak ni Moises ay isang pinuno na nangangasiwa sa mga kaban ng pera.
\v 25 Ang iba pang mayroon ding ganoon gawain ay kaapu-apuhan ni Eliezer na nakababatang kapatid ni Gershon. Ang mga kalalakihang iyon ay sina Rehabias na anak ni Eliezer, si Jesaias na anak ni Rehabias, si Joram na anak ni Jesaias, si Zicri na anak Joram, at si Selomit na anak ni Zicri.
\s5
\v 26 Si Selomit at ang kaniyang mga kamag-anak ay nangangasiwa sa lahat ng mahahalagang bagay na inilaan kay Yahweh ni Haring David, ng mga pinuno ng pangkat ng pamilya, ng mga pinuno ng 1000 kawal, at ng ibang pinuno ng 100 kawal, at ng ibang pinuno ng hukbo.
\v 27 Ang ilang mga bagay na nakuha ng mga pinuno ng hukbo sa mga kaaway ng Israel sa labanan ay kanilang inilaan para sa pagpapagawa muli ng templo ni Yahweh.
\v 28 At nangangasiwa rin si Selomit at ang kaniyang mga kamag-anak sa lahat ng mga bagay na inilaan kay Yahweh ni propeta Samuel, ni Haring Saul at ng dalawang pinuno ng mga hukbo ni haring David na sina Abner at Joab.
\s5
\v 29 Mula sa mga kaapu-apuhan ni Ishar na sina Kenanias at ang kaniyang mga anak ay nabigyan ng gawain sa labas ng templo. Sila ay mga opisyal at mga hukom sa iba't ibang lugar sa Israel.
\v 30 Mula sa mga kaapu-apuhan ni Hebron na sina Hashabias at ang kaniyang mga kamag-anak ay binigyan ng tungkuling ukol kay Yaweh at sa hari sa lahat ng lugar sa kanluran ng ilog Jordan. Mayroong 1,700 sa kanila ang may kakayahang gawin ang kanilang gawain nang maayos.
\s5
\v 31 Nakasulat sa mga talaan ng mga kaapu-apuhan ni Hebron na si Jerijas ang kanilang pinuno. Nang namumuno si David ng halos apatnapung taon, sinuri nila ang mga talaang iyon at nakita nila ang mga pangalan ng mga kalalakihang may kakayahan na mula sa kaapu-apuhan ni Hebron na nasa lungsod ng Jazer sa lalawigan ng Gilead.
\v 32 May mga kamag-anak si Jerijas na 2,700 na may kakayahang gawing mabuti ang kanilang gawain at mga pinuno sila ng kanilang mga pamilya. Itinalaga sila ni Haring David na pamunuan ang mga tribo nina Ruben, Gad, at sa kalahating tribo ni Manases na nasa kanluran, upang makatiyak na ginawa ng lahat ng mga tao ang sinabi sa kanila ng Diyos at ng hari.
\s5
\c 27
\p
\v 1 Ito ang talaan ng mga kalalakihang Israelita na nasa hukbo na naglilingkod sa hari. Ang ilan sa kanila ay mga pinuno ng mga pamilya, mga pinuno sa 100 kawal, mga pinuno sa 1000 na mga kawal at ang iba ay mga opisyal. Mayroong 24,000 na mga kalalakihan sa bawat pangkat. Naglilingkod ang bawat pangkat ng isang buwan sa bawat taon.
\v 2 Si Jasobeam na anak ni Zabdiel ang namamahala sa pangkat na naglilingkod sa unang buwan ng bawat taon.
\v 3 Siya ay isang kaapu-apuhan ni Peres, at siya ang pinuno ng lahat ng mga opisyal ng mga hukbo sa unang buwan ng bawat taon.
\s5
\v 4 Si Dodai na mula sa angkan ni Aho ang pinuno ng pangkat na naglingkod sa sumunod na buwan.
\v 5 Si Benaias na anak ni Joiada na punong pari ang pinuno sa pangkat na naglingkod sa sumunod na buwan.
\v 6 Siya ang isa sa magiting na mandirigma sa tatlumpung pinakamagagaling na kawal ni Haring David at siya ang kanilang pinuno. Ang kaniyang anak na si Amizabad ang kaniyang katuwang sa pamumuno.
\s5
\v 7 Si Asahel na nakababatang kapatid ni Joab, ang pinuno ng pangkat na naglingkod sa sumunod na buwan. Naging pinuno ng mga kawal si Zebadias na anak ni Asahel pagkatapos na mapatay si Asahel.
\v 8 Ang pinuno ng mga kawal sa sumunod na buwan ay si Samhut, na kaapu-apuhan ni Isar.
\v 9 Ang pinuno ng mga kawal sa sumunod na buwan ay si Ira na anak ni Ikes mula sa lungsod ng Tekoa.
\s5
\v 10 Ang pinuno ng mga kawal sa sumunod na buwan ay si Helez, isang kasapi sa angkan ni Pelon na mula sa tribo ni Efraim.
\v 11 Ang pinuno ng mga kawal sa sumunod na buwan ay si Sibecai na kaapu-apuhan ni Zera na mula sa lungsod ng Husa.
\v 12 Ang pinuno ng mga kawal sa sumunod na buwan ay si Abiezer mula sa lungsod ng Anatot sa tribo ni Benjamin.
\s5
\v 13 Ang pinuno ng mga kawal sa sumunod na buwan ay si Maharai na kaapu-apuhan ni Zera na mula sa lungsod ng Netofa.
\v 14 Ang pinuno ng mga kawal sa sumunod na buwan ay si Benaias mula sa lungsod ng Peraton sa tribo ni Efraim.
\v 15 Ang pinuno ng mga kawal sa huling buwan ng bawat taon ay si Heldai na kaapu-apuhan ni Otniel na mula sa lungsod ng Netofa.
\s5
\v 16 Ito ang talaan ng mga lalaking tagapangasiwa sa labindalawang tribo ng Israel: Si Eliezer na anak ni Zicri ang tagapangasiwa sa tribo ni Ruben. Si Sefatias, na anak ni Maaca ang tagapangasiwa sa tribo ni Simeon.
\v 17 Si Hasabias na anak ni Kemuel ang tagapangasiwa sa tribo ni Levi. Si Zadok ang tagapangasiwa sa tribo ni Aaron.
\v 18 Si Elihu na nakatatandang kapatid ni David ang tagapangasiwa sa tribo ni Judah. Si Omri na anak ni Micael ang Tagapangasiwa sa tribo ni Isacar.
\s5
\v 19 Si Ismaias na anak ni Obadias ang tagapangasiwa sa tribo ni Zebulun. Si Jerimot na anak ni Azriel ang Tagapangasiwa sa tribo ni Neftali.
\v 20 Si Hosea na anak ni Azarias ang tagapangasiwa sa tribo ni Efraim. Si Joel na anak ni Pedias ang tagapangasiwa sa kanlurang bahagi sa kalahating tribo ni Manases.
\v 21 Si Iddo na anak ni Zacarias ang tagapangasiwa sa silangang bahagi sa kalahating tribo ni Manases sa lalawigan ng Gilead. Si Jaasiel na anak ni Abner ang tagapangasiwa sa tribo ni Benjamin.
\v 22 Si Azarel na anak ni Jeroham ang tagapangasiwa sa tribo ni Dan.
\s5
\v 23 Sinabi ni David kay Joab na huwag ibilang ang mga kalalakihan na mas mababa sa dalawampung taong gulang, dahil nangako si Yahweh maraming taon na ang nakakalipas na ang mga tao sa Israel ay magiging sindami ng bituin sa kalangitan.
\v 24 Nagsimulang bilangin ni Joab at ng kaniyang mga katulong ang mga kalalakihan sa Israel, ngunit hindi nila natapos ang pagbibilang dahil alam ni Joab na nagalit si Yahweh sa kanilang pagbibilang. Pinarusahan ni Yahweh ang mga tao sa Israel dahil sa kanilang pagbibilang, at ang kinalabasan, sa kabuuang bilang ng mga kalalakihan ng Israelita na may kakayahang maglingkod sa hukbo ay hindi naisulat sa nakarolyong talaan tungkol sa pamumuno ni Haring David.
\s5
\v 25 Si Azmavet na anak ni Abdiel ang tagapangasiwa sa mga bahay-imbakan ng hari. Si Jonatan na anak ni Uzias ang tagapangasiwa sa mga bahay-imbakan sa ibang mga bayan at mga nayon ng Israel at tagapangasiwa rin sa mga tore.
\v 26 Si Ezri na anak ni Kelub ang tagapangasiwa sa mga magsasaka na nasa lupain na pagaari ng hari.
\v 27 Si Semei na taga-lungsod ng Rama ang tagapangasiwa sa mga ubasan ng hari. Si Zabdi na taga-lungsod ng Sephan ang tagapangasiwa sa pagiimbak ng alak na galing sa mga ubas na nanggaling sa mga ubasan.
\s5
\v 28 Si Baal hanan na taga-lungsod ng Geder ang tagapangasiwa sa pagiimbak ng langis ng olibo.
\v 29 Si Sitrai na taga-kapatagan ng Saron ang tagapangasiwa sa mga kawan ng baka na nanginginain ng damo roon. Si Safat na anak ni Adlai ang tagapangasiwa sa mga kawan ng mga baka na nasa mga lambak.
\s5
\v 30 Si Obil na kapu-apuhan ni Ismael ang tagapangasiwa sa mga kamelyo. Si Jedeias na taga-lungsod ng Meronot ang tagapangasiwa sa mga asno.
\v 31 Si Jaziz na kaapu-apuhan ni Hagar ang tagapangasiwa sa mga kawan ng tupa ng hari. Ang lahat ng mga opisyal na ito ay tagapangasiwasa lahat ng mga pag-aari ni Haring David.
\s5
\v 32 Ang tiyo ni Haring David na si Jonatan ay matalino niyang taga-payo. Si Jehiel na anak ni Hacmoni ang nagturo sa mga anak na lalaki ng hari.
\v 33 Si Ahitofel ang opisyal na tagapayo ng hari.
\v 34 Si Husai na mula sa grupo ng mga Arkita, ang natatanging kaibigan ng hari. Si Joiada na anak Benaia ang naging tagapayo ng hari pagkatapos mamatay ni Ahitofel, at pagkatapos ang naging taga-pagpayo niya ay Abiatar. Si Joab ang pinakapinuno ng hukbo.
\s5
\c 28
\p
\v 1 Ipinatawag ni David ang lahat ng mga pinuno ng Israel upang pumunta sa Jerusalem. Ipinatawag niya ang mga pinuno ng mga tribu, mga pinuno ng mga pangkat na naglingkod para sa hari, ang mga pinuno ng 100 mga kawal, at ang pinuno ng 1000 mga kawal, ang mga namamahala sa mga pag-aari ng hari at sa kaniyang mga alagang hayop, ang mga taong nagturo sa kaniyang mga anak, ang lahat ng mga opisyal ng palasyo, at ang kaniyang mga malalakas na kawal at mga pinakamatapang na mandirigma.
\s5
\v 2 Tumayo si David at sinabi, "Mga kapwa ko Israelita, makinig kayo sa akin. Nais kong magtayo ng isang templo na magiging lugar kung saan ilalagay ang kaban ng tipan na naglalaman ng kasunduan ni Yahweh, kung saan maaaring mananatili ng palagian. At gumawa ako ng plano para itayo ito.
\v 3 Ngunit sinabi ng Diyos sa akin, 'Hindi ikaw ang mag-aayos upang itayo ang templo, dahil nakipaglaban ka sa mga digmaan at pumatay ng mga tao.'
\s5
\v 4 Ngunit si Yahweh, ang Diyos na nagmamay-ari sa ating mga Israelita, pinili ako at ang aking mga kaapu-apuhan upang maging hari ng Israel magpakailanman. Una niyang pinili ang tribu ni Juda, at mula sa mga taga-Juda ay pinili niya ang aking pamilya, at mula sa mga anak ng aking ama ay pinili niya ako na maging hari sa buong Israel.
\v 5 Binigyan ako ni Yahweh ng maraming mga anak, ngunit mula sa kanila ay pinili niya ang aking anak na si Solomon bilang susunod na hari upang pamunuan ang kaniyang kaharian na Israel.
\s5
\v 6 Sinabi niya sa akin, 'Si Solomon na iyong anak ang mag-aayos upang itayo ang aking templo at ang mga patyo sa paligid nito, dahil pinili ko siya upang maging parang anak ko at ako ay magiging parang ama sa kaniya.
\v 7 Patatatagin ko ang kaniyang kaharian upang manatili magpakailanman kung patuloy niyang susundin ang aking mga kautusan at alituntunin, gaya ng ginagawa mo ngayon.'
\s5
\v 8 Kaya ngayon, habang nanonood ang lahat ng mga Israelita, lahat kayo na pag-aari ni Yahweh, at habang nakikinig ang Diyos, iniuutos ko sa inyong lahat na maingat ninyong sundin ang lahat ng kautusan ni Yahweh na ating Diyos, upang patuloy na mapasainyo ang magandang lupain na ito at upang manahin ito ng inyong mga kaapu-apuhan magpakailanman.
\s5
\v 9 At ikaw, Solomon na aking anak, dapat mong kilalanin ang Diyos tulad ng pagkakilala ko sa kaniya, at dapat mo siyang paglingkuran nang tapat at dahil gusto mo. Dapat mong gawin iyon sapagkat nalalaman niya ang iniisip ng bawat isa at nauunawaan ang mga dahilan kung bakit ginagawa ng mga tao ang kanilang ginagawa. Kung magsusumikap ka upang makilala siya, pakikinggan niya ang iyong mga panalangin. Ngunit kung tatalikuran mo siya, tatalikuran ka rin niya magpakailanman.
\v 10 Pinili ka ni Yahweh upang ayusin ang pagtatayo ng templo para sa kaniya. Kaya pag-isipan mo ang aking sinabi, at magpakalakas ka at gawin mo ang nais niyang gawin mo."
\s5
\v 11 At ibinigay ni David sa kaniyang anak na si Solomon ang nakarolyong kasulatan kung saan nakasulat ang mga plano para sa mga pangunahing mga silid ng templo, ang balkonahe nito, ang mga silid-imbakan, lahat ng iba pang matataas at mababang mga silid, ang banal na lugar, at ang pinakabanal na lugar kung saan naroon ang kaban ng tipan at ang kaniyang takip.
\v 12 Isinulat ni David para sa kaniya ang mga plano na kaniyang ginawa para sa pagpapatayo ng mga patyo at lahat ng mga silid na nakapalibot sa templo, kabilang ang silid kung saan nakatago ang pera at ibang mahahalagang mga bagay na nailaan para sa Diyos.
\s5
\v 13 Ibinigay niya kay Solomon ang mga tagubilin para sa mga gawain ng pangkat ng mga pari at ibang mga kaapu-apuhan ni Levi, tungkol sa mga gawain na dapat nilang gawin upang maglingkod sa templo ni Yahweh, at tungkol sa pag-iingat ng lahat na mga bagay na magagamit sa gawain sa templo.
\v 14 Isinulat niya kung gaano karaming ginto at pilak ang dapat gamitin upang gawin ang lahat ng bagay sa templo:
\v 15 kung gaano karaming ginto ang para sa paggawa ng gintong ilawan at ang mga ilawan, kung gaano karaming pilak sa paggawa ng ilawang pilak at mga patungan ng ilawan,
\s5
\v 16 kung gaano karaming ginto para sa paggawa ng mesa kung saan ilalagay ng pari ang tinapay para iharap sa Diyos, kung gaano karaming pilak upang gawin ang ibang mga mesa,
\v 17 kung gaano karami ang purong ginto para sa mga panusok ng karne na ginagamit sa karne at mga mangkok at mga tasa, kung gaano karaming ginto para sa bawat gintong plato, kung ilang pilak para sa pilak na plato,
\s5
\v 18 at kung gaano karaming purong ginto ang kailangan para gawin ang altar para sa pagsusunog ng insenso. Ibinigay niya rin kay Solomon ang kaniyang mga plano para sa paggawa ng gintong imahe ng nilalang na may pakpak na dapat nasa ibabaw ng kaban ng tipan ni Yahweh, tulad ng isang karwahe para sa kaniya.
\v 19 At sinabi ni David, "Isinulat ko ang lahat ng planong ito habang ginagabayan ako ni Yahweh. Binigyan niya ako ng kakayahan upang maunawaan ang lahat ng detalye ng kaniyang plano para sa templo na itatayo."
\s5
\v 20 Sinabi rin ni David sa kaniyang anak na si Solomon na, "Maging malakas ka at magpakatapang, at gawin mo ang gawaing ito. Huwag kang matakot o panghinaan ng loob, sapagkat makakasama mo si Yahweh na ating Diyos, na aking sinasamba. Tutulungan ka niya at hindi ka niya iiwanan hanggang matapos mo ang lahat ng gawain sa paggawa ng templo niya.
\v 21 Handa na ang pangkat ng mga pari at ibang mga kaapu-apuhan ni Levi upang umpisahan ang kanilang gawain sa templo ng Diyos, at tutulungan ka ng bawat lalaki na mayroong natatanging kakayahan sa lahat ng gawain. At susundin ka ng aking mga opisyal at ibang mga tao ano man ang iuutos mo na gawin nila."
\s5
\c 29
\p
\v 1 At sinabi ni David sa lahat ng mga tao na nagtipon-tipon, "Si Solomon na aking anak, na siyang pinili ng Diyos bilang susunod na hari, ay bata pa at walang masyadong karanasan. Dakila ang gawaing ito sa pagtatayo ng templo, dahil ang maluwalhating gusaling ito ay hindi itatayo upang parangalan ang mga tao ngunit upang parangalan si Yahweh na ating Diyos.
\v 2 Sa lahat ng bagay na pagmamay-ari ko, nagbigay ako ng kakailanganin upang itayo ang templo ng aking Diyos ginto para sa mga bagay na gagawin na gamit ang ginto, pilak para sa mga bagay na gagawin na gamit ang pilak, tanso para sa mga bagay na gagawin na gamit ang tanso, bakal para sa mga bagay na gagawin na gamit ang bakal, kahoy para sa mga bagay na gagawin na gamit ang kahoy, at maraming bato ng onix at turquoise at iba pang mahahalagang batong iba't iba ang kulay, at marmol at lahat ng uri ng mahahalagang bato.
\s5
\v 3 Sa karagdagan sa lahat na mga bagay na naibigay ko para sa templo, ibinibigay ko ang sarili kong mga kayamanang ginto at pilak, dahil labis kong ninanais na maitayo ang banal na templo para sa aking Diyos.
\v 4 Ibinibigay ko ang 100 metrong tonelada ng ginto mula sa Ofir at 240 metrong tonelada ng pinong pilak upang takpan ang pader ng gusali,
\v 5 para sa paggawa ng ibang mga bagay na gamit ang ginto at pilak at sa ibang gawain na gagawin ng mga mahuhusay na manggagawa. Kaya tatanungin ko kayo, sino ang magpapakita na inilaan niya ang kaniyang sarili kay Yahweh sa pamamagitan ng pagbibigay ng ibang mga kaloob para sa pagtatayo ng templo?"
\s5
\v 6 Pagkatapos, ang mga pinuno ng mga pamilya, mga pinuno ng mga tribo ng Israel, mga kapitan ng 1,000 at 100 na mga kawal, at mga opisyal na nagbabantay sa gawain na gusto ng matapos ng hari, ay kusang-loob na nagbigay ng kaloob.
\v 7 Ibinigay nila ang 170 metrong tonelada at 84 na kilo ng ginto, 345 metrong tonelada ng pilak, 610 metrong tonelada ng tanso at 3,450 metrong tonelada ng bakal para sa gawain sa templo.
\s5
\v 8 Ang sinumang tao na may mahahalagang bato ay nagbigay ng mga ito upang mailagay sa silid-imbakan ng templo. Itinalaga si Jehiel, na kaapu-apuhan ni Gershon upang mamahala sa mga ito.
\v 9 Nagalak ang mga tao nang makita nilang ibinigay ng kanilang mga pinuno ang mga bagay na iyon; masaya sila at nagagalak na ibigay ang mga bagay na iyon kay Yahweh. At masayang-masaya rin si Haring David.
\s5
\v 10 Pagkatapos, habang nakikinig ang lahat ng tao, pinuri ni David si Yahweh. Sinabi niya, "Pinupuri ka namin Yahweh, ang Diyos na sinasamba ng aming ninunong si Jacob. Pupurihin ka namin ng magpakailanman!
\v 11 Ikaw lamang ang dakila at makapangyarihan; tanging ikaw lamang ang tunay na maluwalhati, dakila at kahanga-hanga. At iyan ay totoo dahil sa iyo lahat ang ng nasa langit at sa lupa. Ikaw ang hari ng lahat ng tao sa mundong ito; ikaw ang tagapamuno sa lahat ng bagay.
\s5
\v 12 Dahil ikaw ay napakamakapangyarihan, ikaw ang nagpapadakila at nagpapalakas ng sinuman.
\v 13 Kaya ngayon, aming Diyos, pinapasalamatan ka namin at pinupuri ka namin sa pagiging napakadakila.
\s5
\v 14 Ngunit ako at ang aking mga tao ay wala talagang kakayahan na makapagbigay ng anumang bagay sa iyo, dahil lahat ng nasa amin ay galing sa inyo; ang mga bagay na ibinigay namin sa inyo ay mga bagay lamang na natanggap namin galing sa inyo.
\v 15 Alam mo na katulad kami ng mga dayuhan at estranghero sa iyo, tulad ng aming mga ninuno. Ang panahon namin dito sa mundo ay parang anino na madaling mawala; alam namin na kami ay tiyak mamatay.
\s5
\v 16 Yahweh na aming Diyos, inipon namin ang lahat ng mga bagay na ito upang magamit sa pagtatayo ng iyong templo, ngunit ang lahat ng ito ay tunay na pag-aari mo, at ibinigay mo sa amin.
\v 17 Aking Diyos, alam ko na sinusubok mo kaming mga tao, at nalulugod ka kung nalalaman mo na ginagawa namin kung ano ang tama. Ibinigay ko ito sa iyong lahat dahil gusto ko. At ngayon nakita kong nagalak at bukas-palad na nagbibigay ang iyong mga tao sa iyo.
\s5
\v 18 Yahweh, ang Diyos na sinamba ng aming mga ninunong sina Abraham, Isaac at Jacob, gusto kong ipagpatuloy ng iyong mga tao na naising gawin ang ganitong mga bagay magpakailanman, at lagi silang maging tapat sa iyo.
\v 19 At ngayon, pakiusap, bigyang-kakayahan mo si Solomon na aking anak upang tapat at taos-puso niyang gawin ang lahat ng kinakailangang gawin sa pagpapatayo ng magandang gusali kung saan ibinigay ko ang lahat ng mga bagay na ito."
\s5
\v 20 At sinabi ni David sa lahat ng mga tao na nagtipon doon, "Purihin si Yahweh na ating Diyos!" Kaya pinuri nila si Yahweh ang Diyos na sinamba ng kanilang mga ninuno. Yumukod sila sa lupa sa harap ni Yahweh at sa harapan ng hari.
\v 21 Kinabukasan, nag-alay ang mga tao ng handog kay Yahweh. Nag-alay sila ng maraming hayop upang lubusang sunugin sa altar: Isanlibong toro, isanlibong lalaking tupa, isanlibong batang lalaking tupa, mga alay na alak, at marami pang ibang mga handog para kainin ng lahat ng mamamayang Israel.
\s5
\v 22 Nagagalak ang mga tao sa araw na iyon, kumain at uminom sa karangalan ni Yahweh. At sa ikalawang pagkakataon, hinirang nila na si Solomon na ang hari. Tulad ng iniutos ni Yahweh, binuhusan nila siya ng langis ng oliba upang maging hari at pinili nila si Zadok upang maging pinakapunong pari.
\v 23 Kaya umupo si Solomon sa trono dahil ninais ni Yahweh na siya ang maging hari kapalit ng kaniyang amang si David. Nagtagumpay si Solomon sa mga sumunod pang taon at sinunod siya ng lahat ng mga mamamayang Israelita.
\s5
\v 24 Tinanggap ng ibang mga anak ni haring David, mga opisyal at mga malalakas na mandirigma si Solomon na maging hari nila at taimtim silang nangako na susundin siya.
\v 25 Dahil kay Yahweh, malaki ang respeto ng mga mamamayang Israelita kay Solomon at labis siyang pinarangalan. Walang sinumang hari sa Israel ang pinarangalan kagaya ng pagpaparangal kay Solomon.
\s5
\v 26 Si David na anak ni Jesse ang hari na namuno sa buong Israel.
\v 27 Namuno siya ng apatnapung taon, pitong taon sa lungsod ng Hebron at tatlumpu't tatlong taon sa Jerusalem.
\v 28 Siya ay napakayaman at labis na pinarangalan at naging napakatanda niya. Pagkatapos namatay siya at naging hari ng Israel si Solomon na kaniyang anak.
\s5
\v 29 Ang talaan ng lahat ng bagay na ginawa ni Haring David habang siya ay namuno, mula sa simula hanggang sa katapusan, ay nasa mga nakarolyong talaan na isinulat ng mga propetang sina Samuel, Natan at Gad.
\v 30 Sinabi nila ang tungkol sa kaniyang makapangyarihang pamumuno, at ang lahat ng mga bagay na nangyari sa kaniya, sa mga Israelita at sa kaharian ng ibang bansa habang pinamumunuan niya ang Israel.