1578 lines
168 KiB
Plaintext
1578 lines
168 KiB
Plaintext
\id 1KI
|
|
\ide UTF-8
|
|
\h 1 Mga Hari
|
|
\toc1 1 Mga Hari
|
|
\toc2 1 Mga Hari
|
|
\toc3 1ki
|
|
\mt 1 Mga Hari
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 1
|
|
\p
|
|
\v 1 Nang napakatanda na ni Haring David, kahit na kinukumutan siya ng mga lingkod niya ng maraming kumot sa gabi, hindi siya naiinitan.
|
|
\v 2 Kaya sinabi nila sa kaniya, "Kamahalan, hayaan mo kaming maghanap ng dalagang birhen na maaaring manirahan kasama mo at alagaan ka. Maaari siyang matulog sa tabi mo at painitin ka."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Binigyan sila ng pahintulot ng hari, kaya naghanap sila sa buong Israel ng isang magandang dalaga. Nakita nila ang isang babae na ang pangalan ay Abisag, mula sa bayan ng Sunem, at dinala siya sa hari.
|
|
\v 4 Napakaganda niya. Inalagaan niya ang hari, ngunit hindi nakipagtalik sa kaniya ang hari.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5-6 Pagkatapos mamatay ni Absalom, ang panganay na anak ni David ay si Adonias, na ang ina ay si Haguit. Siya ay isang napakagandang lalaki. Ngunit hindi siya sinaway ni David tungkol sa anumang ginawa niya. Pagkatapos mamatay ni Absalom, ang akala niya ay siya ang magiging hari. Kaya nagsimula siyang magyabang, sinasabi niya, "Magiging hari na ako ngayon." Kaya naghanda siya ng mga karwahe, at mga tauhang magpapatakbo sa mga ito, at mga kabayong hihila sa mga ito, at limampung lalaki para maging mga bantay niya sa harap ng mga karwaheng iyon saanman siya pumunta.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Isang araw ay kinausap niya si Joab, ang pinuno ng hukbo ni David, at Abiatar na pari, at nangako silang tutulungan nila si Adonias.
|
|
\v 8 Ngunit tinanggihan siyang tulungan ng ibang mahahalagang tao. Kasama dito sina Sadoc, na isa ring pari, Benaias na nangasiwa sa mga bantay ni David, si Nathan na propeta, Semei at Rei, at ang mga pinakamalakas na sundalo ni David.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Isang araw, pumunta si Adonias sa bato ng Zohelete malapit sa En-rogel, na malapit sa Jerusalem, para mag-alay ng ilang tupa at mga pinatabang baka. Inanyayahan niya ang marami sa kaniyang mga kapatid, ang ibang mga anak ni Haring David, na pumunta. Inanyayahan niya rin ang lahat ng opisyal ng hari mula sa Juda para pumunta sa pagdiriwang.
|
|
\v 10 Pero hindi niya inanyayahan sila Nathan, Benaias, o ang mga pinakamalalakas na mga kawal ng hari, o ang kaniyang nakababatang kapatid na si Solomon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Nalaman ni Nathan kung ano ang ginagawa nila, kaya pumunta siya sa ina ni Solomon na si Batsheba at tinanong sa kaniya, "Hindi mo ba narinig na ang anak ni Haguit na si Adonias ay ginagawang hari ang sarili niya? At hindi ito alam ni Haring David!
|
|
\v 12 Kaya kung gusto mong iligtas ang sarili mo at ang iyong anak na si Solomon mula sa kamatayan, hayaan mong sabihin ko ang dapat mong gawin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Magmadali kang pumunta kay Haring David. Sabihin mo sa kaniya, 'Kamahalan, taimtim mong pinangako sa akin na ang aking anak na si Solomon ay magiging hari pagkatapos mong mamatay at siya ang mauupo sa iyong trono at mamumuno. Kaya bakit sinasabi ng mga tao na si Adonias na ang hari?'
|
|
\v 14 Pagkatapos, Batsheba, habang nakikipag-usap ka sa hari, papasok ako at sasabihin sa kaniya na ang sinasabi mo sa kaniya tungkol kay Adonias ay totoo."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Kaya pumunta si Batsheba sa silid ng hari. Siya ay napakatanda na, at inaalagaan siya ni Abisag.
|
|
\v 16 Yumuko si Batsheba nang napakababa sa harapan ng hari, at tinanong siya ng hari, "Ano ang gusto mo?"
|
|
\v 17 Sumagot siya, "Kamahalan, taimtim mong pinangako sa akin, sa kaalalaman na si Yahweh na ating Diyos ay nakikinig, na ang aking anak na si Solomon ay magiging hari pagkatapos mong mamatay at mauupo siya sa iyong trono at mamumuno.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Pero ngayon, ginawang hari ni Adonias ang kaniyang sarili, at hindi ninyo nalalaman ang tungkol dito.
|
|
\v 19 Nag-alay siya ng maraming pinatabang baka at tupa, at inanyayahan niya ang lahat ng iba mong mga anak sa pagdiriwang. Inanyayahan niya rin si Abiatar na pari at si Joab na kumander ng iyong hukbo, pero hindi niya inanyayahan ang iyong anak na si Solomon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Kamahalan, ang lahat ng mga mamamayan ng Israel ay naghihintay na sabihin mo sa kanila kung sino ang magiging hari kapag hindi ka na namin kapiling.
|
|
\v 21 Kung hindi mo gagawin iyon, pagkatapos mong mamatay, ituturing ng mga tao na ang aking anak na si Solomon at ako ay naghihimagsik, at papatayin nila kami dahil hindi namin tinulungan si Adonias na maging hari."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 22 Habang nakikipag-usap siya sa hari, dumating si Nathan sa palasyo.
|
|
\v 23 Sinabi ng mga tagapagsilbi ng hari kay David, "Dumating si Nathan na propeta." Kaya umalis si Batsheba, at pumunta si Nathan kung nasaan ang hari at lumuhod, na ang kaniyang mukha ay nasa sahig.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 24 Pagkatapos ay sinabi ni Nathan, "Kamahalan, ipinahayag mo na ba na si Adonias ang magiging hari na kasunod mo?
|
|
\v 25 Sinabi ko iyan dahil bumaba siya ngayon sa En-rogel at nag-alay ng maraming pinatabang baka, at tupa. At inanyayahan niya ang lahat ng iba mong mga anak, si Joab na kumander ng hukbo, at Abiatar na pari. Lahat sila ay kumakain at umiinom kasama niya at sinasabi, 'Mabuhay si Haring Adonias!'
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 26 Pero hindi niya kami inanyayahan o si Sadoc na pari o si Benaias o si Solomon.
|
|
\v 27 Sinabi mo ba na dapat nilang gawin ito nang hindi sinasabi sa iba pang mga opisyales kung sino ang gusto mong maging hari pagkatapos mo?"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 28 Pagkatapos ay sinabi ni Haring David, "Sabihin mo kay Batsheba na pumasok dito muli." Kaya may isang taong umalis at sinabi sa kaniya, at pumasok siya at tumayo sa harapan ng hari.
|
|
\v 29-30 Pagkatapos ay sinabi ng hari, "Sinagip ako ni Yahweh mula sa lahat ng aking kaguluhan. Nangako ako sa iyo, na nakikinig si Yahweh na Diyos na sinasamba ng mga Israelita, na ang iyong anak na si Solomon ay magiging hari pagkatapos ko. Ngayon, habang nabubuhay si Yahweh, taimtim kong ipinapahayag na gagawin ko ang aking ipinangako."
|
|
\v 31 Lumuhod si Batsheba na ang kaniyang mukha ay nasa sahig at sinabing, "Iyong Kamahalan, mabuhay ka magpakailanman!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 32 Pagkatapos ay sinabi ni Haring David sa isang lingkod, "Tawagin mo sila Sadoc na pari, Nathan na propeta, at Benaias." Kaya ang lingkod ay umalis at tinawag sila. Nang pumasok sila,
|
|
\v 33 sinabi niya sa kanila, "Isakay ninyo ang aking anak na si Solomon sa aking asno. Dalhin ninyo siya kasama ng mga opisyal ko pababa sa bukal ng Gihon.
|
|
\v 34 Doon, kayong dalawa, Sadoc at Nathan, dapat ninyong pahiran siya ng langis ng olibo para italaga siya na hari ng Israel. Pagkatapos ay dapat ninyong hipan ang mga trumpeta, at lahat ng tao doon ay dapat sumigaw ng, 'Nawa ay mabuhay si Haring Solomon ng maraming taon!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 35 Pagkatapos ay sundan ninyo siya pabalik dito, at darating siya at mauupo sa aking trono. Siya na nga ang magiging hari na sa halip ay ako. Tinalaga ko siya na pinuno ng lahat ng mamamayan ng Israel at Juda."
|
|
\v 36 Sumagot si Benaias, "Gagawin namin iyan! Nawa na si Yahweh, na iyong Diyos at aming Diyos, ay idulot na mangyari ito!
|
|
\v 37 Haring David, tinulungan ka ni Yahweh. Dalangin namin na tulungan niya rin si Solomon at gawin siyang mas dakilang hari kaysa sa iyo."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 38 Kaya sila Sadoc, Nathan, Benaias, at ang dalawang grupo ng mga lalaki na mga bantay ng hari ay umalis at isinakay si Solomon sa mola ni Haring David at hinatid siya pababa sa bukal sa Gihon.
|
|
\v 39 Doon, kinuha ni Sadoc ang lalagyanan ng langis ng olibo mula sa sagradong tolda at pinahiran ng langis si Solomon. Pagkatapos ay dalawa sa kanila ang umihip ng mga trumpeta, at sumigaw ang lahat ng tao, "Nawa ay mabuhay si Haring Solomon ng maraming taon!"
|
|
\v 40 Pagkatapos ay sinundan siya ng lahat ng tao pabalik sa lungsod, sumisigaw nang may kagalakan at nagpapatugtog ng mga plauta. Sumigaw sila nang napakalakas, na ang lupa ay nayanig.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 41 Nang patapos nang kumain si Adonias at ang kaniyang mga panauhin sa kanilang pagdiriwang, narinig nila ang ingay. Nang narinig ni Joab ang tunog ng mga trumpeta, nagtanong siya, "Ano ang ibig sabihin ng ingay na iyon sa lungsod?"
|
|
\v 42 Habang nagsasalita siya, dumating si Jonatan na anak ni Abiatar na pari. Sinabi ni Adonias, "Pumasok ka! Isa kang tao na mapagkakatiwalaan namin, kaya maaaring may dala kang mga magagandang balita!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 43 Sumagot si Jonatan, "Hindi, wala akong magandang balita! Ang Kamahalan, si Haring David, ay ginawang hari si Solomon!
|
|
\v 44 Pinadala niya si Sadoc, Nathan, Benaias, at ang kaniyang grupo ng mga bantay para umalis kasama si Solomon. Isinakay nila si Solomon sa mola ni Haring David.
|
|
\v 45 Bumaba sila sa bukal sa Gihon, at doon siya ay pinahiran ng langis nila Sadoc at Nathan para maging hari. Ngayon, bumalik na sila mula doon papuntang lungsod, sumisigaw nang may kagalakan. Iyon ang dahilan kung bakit mayroong malakas na ingay na naririnig ninyo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 46 Kaya si Solomon na, ang ating hari.
|
|
\v 47 Dagdag pa dito, pumunta ang mga opisyal ng palasyo sa Kamahalan, kay Haring David, para sabihin na sang-ayon sila sa ginawa niya. Sinabi nila, 'Nawa ay gawing mas tanyag ng Diyos si Solomon kaysa sa iyo at hayaan siyang maging mas mabuting hari kaysa sa iyo.' Nang sinabi nila iyon, ang hari, na nakahiga sa kaniyang higaan, yumuko para sambahin si Yahweh.
|
|
\v 48 Pagkatapos ay sinabi niya, 'Pinupuri ko si Yahweh, ang Diyos na sinasamba naming mga Israelita, dahil hinayaan niyang maging hari ang isa sa mga anak ko at pinahintulutan niya akong makita na mangyari ito."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 49 Pagkatapos ay nanginig ang mga panauhin ni Adonias, kaya lahat sila ay mabilis na tumayo, umalis at naghiwa-hiwalay.
|
|
\v 50 Takot si Adonias sa maaaring gawin ni Solomon, kaya pumunta siya sa sagradong tolda at kinuha ang mga kasangkapan sa mga sulok ng altar, dahil ang akala niya ay walang makakapatay sa kaniya doon.
|
|
\v 51 Pero may nagsabi kay Solomon, "Tingnan mo, takot si Adonias sa iyo, kaya pumunta siya sa sagradong tolda at nakakapit sa altar. Sinasabi niya, 'Bago ako umalis, gusto kong taimtim na ipangako ni Haring Solomon na hindi niya ipag-uutos na patayin ako.'"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 52 Sumagot si Solomon, "Kung patutunayan niya na tapat siya sa akin, hindi ko siya sasaktan sa anumang paraan. Pero kung gumawa siya ng anumang mali, papatayin siya."
|
|
\v 53 Kaya nagpadala si Haring Solomon ng ilang kalalakihan kay Adonias, at siya ay binalik nila mula sa altar. Pumunta siya kay Solomon at yumuko sa harap niya. Pagkatapos ay sinabi ni Solomon sa kaniya, "Umuwi ka na."
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 2
|
|
\p
|
|
\v 1 Nang alam na ni David na malapit na siyang mamatay, binigay niya ang mga huling habilin na ito sa kaniyang anak na si Solomon:
|
|
\v 2 "Malapit na akong mamatay, tulad ng lahat ng tao sa mundong ito. Maging matapang ka at umasal ka nang dapat sa isang lalaki.
|
|
\v 3 Gawin mo kung ano ang sinabi sa iyo ni Yahweh na ating Diyos. Umasal ka tulad ng gusto niyang gawin mo. Sundin mo ang lahat ng kaniyang mga batas, kautusan, patakaran at alituntunin na nakasulat sa mga batas ni Moises na binigay niya sa atin. Gawin mo ito para ikaw ay lumago sa lahat ng ginagawa mo at saan ka man pumunta.
|
|
\v 4 Kung patuloy mong gagawin iyon, gagawin ni Yahweh kung ano ang ipinangako niya sa akin. Sinabi niya, 'Kung gagawin ng mga kaapu-apuhan mo ang sasabihin ko sa kanila, at tapat na sumunod sa aking mga kautusan nang kanilang buong pagkatao, sila ang laging mamumuno sa Israel.'
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Mayroon pa akong gustong ipagawa sa iyo. Alam mo ang ginawa sa akin ni Joab. Pinatay niya ang dalawa kong pinuno ng hukbo, sila Abner at Amasa. Marahas niya silang pinatay. Siya ay nagkasala ng pagpatay.
|
|
\v 6 Dahil matalino ka, gawin mo sa kaniya ang tingin mong pinakamainam para sa iyo na gagawin mo, pero huwag mo siyang hayaang tumanda at mamatay nang mapayapa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Pero maging mabait ka sa mga anak ni Barzilai, ang lalaking mula sa rehiyon ng Galaad, at tiyakin mong lagi silang may sapat na pagkain. Gawin mo iyan dahil tinulungan ako ni Barzilai nang ako ay tumatakas mula sa iyong nakatatandang kapatid na si Absalom.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Gayundin, alalahanin mo si Gera na anak ni Semei mula sa bayan ng Bahurim sa lugar kung saan naninirahan ang mga lipi ni Benjamin. Alam mo kung ano ang ginawa niya sa akin. Lubha niya akong isinumpa noong araw na umalis ako sa Jerusalem at pumunta sa bayan ng Mahanaim. Pero nang bumaba rin siya para makita ako habang tumatawid ako sa Ilog Jordan, taimtim akong nangako, habang nakikinig si Yahweh, na hindi ko siya ipapapatay.
|
|
\v 9 Pero ngayon ay dapat mo siyang parusahan. Isa kang matalinong tao, kaya malalaman mo kung ano ang dapat mong gawin sa kaniya. Matanda na siya, pero tiyakin mong aagos ang dugo niya kapag namatay siya."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Pagkatapos ay namatay si David at inilibing sa bahagi ng Jerusalem kung saan ay tinawag na lungsod ni David.
|
|
\v 11 Naging hari si David ng Israel nang apatnapung taon. Namuno siya nang pitong taon sa Hebron at nang tatlumpu't tatlong taon sa Jerusalem.
|
|
\v 12 Naging hari si Solomon kapalit ng kaniyang ama na si David at pinamunuan niya ang buong kaharian.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Isang araw ay pumunta si Adonias sa ina ni Solomon na si Batsheba. Sinabi ni Batsheba sa kaniya, "Pumunta ka ba dahil gusto mong umayos ang mga bagay?" Sumagot si Adonias, "Oo."
|
|
\v 14 Pero sinabi niya, "Mayroon akong hiling na gawin mo." Sinabi ni Batsheba, "Sabihin mo sa akin kung ano ang gusto mong gawin ko."
|
|
\v 15 Sinabi niya, "Alam mo na ang lahat ng mga Israelita ay inasahan na ako ang magiging hari dahil ako ang panganay na anak ni David. Pero hindi iyon nangyari. Sa halip, ang aking nakababatang kapatid ang naging hari, dahil iyon ang gusto ni Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Ngayon ay mayroon akong isang bagay na hihilingin sa iyo. Pakiusap, huwag mong tanggihan na gawin ito." Sumagot siya, "Sabihin mo sa akin kung ano ang gusto mong gawin ko."
|
|
\v 17 Sinabi niya, "Hilingin mo kay Haring Solomon na ibigay sa akin si Abisag, ang babaeng mula sa Sunem, para maging asawa ko. Tiyak akong hindi siya tatanggi."
|
|
\v 18 Sumagot si Batsheba, "Kung ganon, kakausapin ko ang hari para sa iyo."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Kaya pumunta si Batsheba kay Haring Solomon. Tumayo ang hari mula sa kaniyang trono at binati siya at yumuko sa kaniya. Pagkatapos ay umupo ulit siya sa trono niya at ipinag-utos na may magdala ng upuan para sa kaniyang ina. Kaya naupo si Batsheba sa kanang bahagi ng hari.
|
|
\v 20 Pagkatapos ay sinabi niya, "Mayroon akong maliit na bagay na gusto kong gawin mo. Pakiusap, huwag mong sabihin na hindi mo ito gagawin." Sumagot ang hari, "Aking ina, ano ang gusto mo? Hindi kita tatanggihan."
|
|
\v 21 Sinabi niya, "Pahintulutan mong ibigay si Abisag sa nakatatanda mong kapatid na si Adonias para maging asawa niya."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 22 Galit na sumagot ang hari, "Ano? Hinihiling mo ba na ibigay ko si Abisag kay Adonias? Gusto ba niyang hayaan ko siya na pamunuan ang kaharian? Dahil siya ang aking nakatatandang kapatid, iniisip niya ba na siya ang dapat na hari? Iniisip niya ba na si Abiatar dapat ang pari sa halip na si Sadoc, at si Joab dapat ang maging pinuno ng hukbo sa halip na si Benaias dahil sinuportahan nila siya nang sinubukan niyang maging hari?"
|
|
\v 23 Pagkatapos ay taimtim na nangako si Solomon, hinihiling niya na makinig si Yahweh, "Hiling ko na saktan at patayin ako ng Diyos kung hindi ko ipinapatay si Adonias sa paghiling niya nito!
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 24 Itinalaga ako ni Yahweh na maging hari at inilagay ako dito para mamuno tulad ng aking ama na si David. Nangako siya na ang aking mga kaapu-apuhan ang magiging mga hari ng Israel. Kaya habang nabubuhay si Yahweh, taimtim kong pinapangako na mamamatay si Adonias ngayon!"
|
|
\v 25 Kaya nagbigay si Haring Solomon ng mga utos kay Benaias para umalis at patayin si Adonias, at ginawa iyon ni Benaias.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 26 Pagkatapos ay sinabi ni Solomon kay Abiatar na pari, "Pumunta ka sa bayan ng Anatot, sa lupain mo doon. Dapat kang mamatay, pero hindi kita papatayin ngayon, dahil ikaw ang nangasiwa sa mga lalaking nagbuhat ng sagradong baul para kay David na aking ama, at tiniis mo ang lahat ng kaguluhan na tiniis ng aking ama."
|
|
\v 27 Kaya pinaalis ni Solomon si Abiatar bilang pari ni Yahweh. Sa paggawa niyon, idinulot niya na mangyari ang sinabi niya dati sa Silo maraming taon na ang nakalipas, na isang araw ay lilipulin niya ang mga kaapu-apuhan ni Eli.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 28 Hindi sinuportahan ni Joab si Absalom nang sinubukan niyang maging hari, pero sinuportahan niya si Adonias. Kaya nang narinig ni Joab kung ano ang nangyari, tumakbo siya sa sagradong tolda, at hinawakan niya ang altar, dahil ang akala niya ay walang makakapatay sa kaniya doon.
|
|
\v 29 Nang mayroong nagsabi kay Solomon na tumakbo si Joab sa sagradong tolda at nasa tabi ng altar, sinabi ni Solomon kay Benaias, "Umalis ka at patayin mo si Joab."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 30 Kaya umalis si Benaias papunta sa sagradong tolda at sinabi kay Joab, "Inuutusan ka ng hari na lumabas." Pero sumagot si Joab, "Hindi, mamamatay ako dito." Kaya bumalik si Benaias sa hari at inulat ang sinabi niya kay Joab, at ang sagot ni Joab.
|
|
\v 31 Sumagot ang hari sa kaniya, "Gawin mo ang hiling niya. Patayin mo siya at ilibing mo ang kaniyang katawan. Kung ginawa mo iyon, ako at ang aking mga kaapu-apuhan ay hindi na mapaparusahan dahil sa ginawa ni Joab nang pinatay niya ang dalawang inosenteng lalaki.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 32 Pero ang hiling ko ay maparusahan ni Yahweh si Joab para sa pag-atake at pagpatay kay Abner, ang pinuno ng hukbo ng Israel, at Amasa, ang pinuno ng hukbo ng Juda, ang dalawang lalaki na mas matuwid at mas mabuti kaysa sa kaniya. Hindi alam ng aking ama na si David na binabalak ni Joab na patayin sila.
|
|
\v 33 Ang hiling ko ay maparusahan ni Yahweh si Joab at ang kaniyang kaapu-apuhan magpakailanman para sa pagpatay niya kina Abner at Amasa. Pero sana ay bumuti ang mga bagay magpakailanman para sa mga kaapu-apuhan ni David na namuno tulad niya."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 34 Kaya pumasok si Benaias sa sagradong tolda at pinatay si Joab. Inilibing si Joab sa kaniyang ari-arian sa ilang ng Juda.
|
|
\v 35 Pagkatapos ay itinalaga ng hari si Benaias bilang kumander ng hukbo kapalit ni Joab, at itinalaga niya si Sadoc na maging pari kapalit ni Abiatar.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 36 Pagkatapos ay nagpadala ang hari ng tagapagbalita para tawagin si Semei, at sinabi sa kaniya ng hari, "Magtayo ka ng bahay para sa sarili mo dito sa Jerusalem. Manatili ka doon at huwag kang umalis ng lungsod para pumunta kung saan-saan.
|
|
\v 37 Tiyak ito na sa araw na umalis ka ng Jerusalem at tumawid sa Ilog ng Kidron, mamamatay ka, at kasalanan mo iyon."
|
|
\v 38 Sumagot si Semei, "Kamahalan, ang sinasabi mo ay mabuti. Gagawin ko kung ano ang sinabi mo." Kaya nanatili si Semei sa Jerusalem ng maraming taon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 39 Pero pagkalipas ng tatlong taon, dalawa sa mga alipin ni Semei ang tumakas. Umalis sila para mamalagi kasama si Maaca na anak ni Achish, ang hari sa lungsod ng Gat. Nang mayroong nagsabi kay Semei na nasa Gat sila,
|
|
\v 40 hinanda niya ang kaniyang asno, sumakay dito at pumuntang Gat. Nakita niya ang kaniyang mga alipin na namamalagi kasama si Haring Achish at dinala sila pabalik ng bahay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 41 Pero mayroong nagsabi kay Haring Solomon na umalis si Semei mula sa Jerusalem papuntang Gat at bumalik na.
|
|
\v 42 Kaya nagpadala ang hari ng isang sundalo para tawagin si Semei at sinabi sa kaniya na, "Sinabihan kita na taimtim na mangako, nalalaman na nakikinig si Yahweh, na hindi ka dapat umalis ng Jerusalem. Sinabi ko sa iyo, 'Tiyak ito na kung aalis ka ng Jerusalem, mamamatay ka.' At sumagot ka sa akin, 'Ang sinabi mo sa akin ay mabuti; gagawin ko ang sinabi mo.'
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 43 Kaya bakit hindi mo ginawa ang taimtim mong ipinangako kay Yahweh? Bakit mo sinuway ang inutos ko sa iyo?"
|
|
\v 44 Sinabi rin ng hari kay Semei, "Alam mo sa iyong kaloob-looban ang lahat ng masasamang bagay na ginawa mo sa aking amang si David. Kaya parurusahan ka ngayon ni Yahweh dahil sa mga masasamang bagay na ginawa mo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 45 Pero pagpapalain ako ni Yahweh, at gagawin niyang mga pinuno magpakailanman ang mga kaapu-apuhan ni David."
|
|
\v 46 Pagkatapos ay nagbigay ng utos ang hari kay Benaias, at umalis siya at pinatay si Semei. Kaya nagkaroon si Solomon ng ganap na pamamahala sa kaharian.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 3
|
|
\p
|
|
\v 1 Ngayon ay gumawa ng kasunduan si Solomon para pakasalan ang anak ng hari. Pagkatapos ay dinala ni Solomon ang anak ng hari sa bahagi ng Jerusalem na tinatawag na lungsod ni David para manirahan. Nanirahan siya doon hanggang sa matapos ng mga manggagawa ni Solomon ang paggawa ng kaniyang tahanan, ang templo ni Yahweh, at ang pader sa palibot ng Jerusalem.
|
|
\v 2 Sa panahong iyon, ang templo ni Yahweh ay hindi pa naitatayo, kaya ang mga Israelita ay naghahandog pa rin ng mga alay sa maraming lugar ng pagsamba.
|
|
\v 3 Minahal ni Solomon si Yahweh, at sinunod niya ang lahat ng mga utos na binigay ng kaniyang ama na si David. Pero naghandog din siya ng mga alay at nagsunog ng insenso sa iba't ibang lugar.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Isang araw, pumunta ang hari sa lungsod ng Gibeon para maghandog ng alay doon, dahil nandoon ang isang napakatanyag na lugar ng pagsamba. Naghandog siya ng isang libong susunuging alay doon.
|
|
\v 5 Nang gabing iyon, nagpakita si Yahweh sa kaniya sa isang panaginip. Tinanong niya siya, "Ano ang gusto mong ibigay ko sa iyo?"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Sumagot si Solomon, "Minahal mo nang lubos at matapat ang aking ama na si David, na naglingkod sa iyo nang maayos. Ginawa mo iyon dahil tapat siya sa iyo at kumilos nang may katuwiran at katapatan sa iyo. At ipinakita mo kung gaano mo siya lubos at tapat na minahal sa pagbibigay mo sa akin sa kaniya, ang kaniyang anak, at ngayon ay namumuno na ako tulad niya bago siya mamatay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Ngayon, Yahweh na aking Diyos, ginawa mo akong katulad ng aking ama. Pero ako ay napakabata pa, tulad ng isang paslit. Hindi ko alam kung paano pamunuan ang aking bayan.
|
|
\v 8 Naninirahan ako kasama ang bansa na iyong pinili. Sila ay isang napakalaking grupo ng mga tao. Sila ay napakarami, walang makakabilang sa kanila.
|
|
\v 9 Kaya bigyan mo ako ng kakayahang mag-isip nang malinaw, para maayos kong pamunuan ang iyong bayan. Bigyan mo ako ng kakayahang malaman kung ano ang mabuti at masama. Kung hindi mo iyon gagawin, hindi ko kailanman makakayang pamunuan ang malaking grupo ng mga taong pagmamay-ari mo."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Lubos na nalugod si Yahweh dahil hiniling iyon ni Solomon.
|
|
\v 11 Sinabi ng Diyos sa kaniya, "Hindi mo hiniling na mabuhay ka nang maraming taon o maging napakayaman ka o makaya mo na patayin ang lahat ng iyong mga kaaway. Sa halip, hiniling mo na bigyan kita ng kakayahang maging marunong, para malaman at magawa mo kung ano ang tama habang pinamumunuan mo ang mga taong ito.
|
|
\v 12 Kaya tiyak na gagawin ko ang hiniling mo. Gagawin kitang napakatalino. Bunga nito ay walang nabuhay dati o mabubuhay pagkatapos mo ang magiging kasing talino mo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Ibibigay ko rin sa iyo ang mga bagay na hindi mo hiniling. Gagawin kitang napakayaman at marangal, sa lahat ng taon na nabubuhay ka. Mas magiging mayaman ka at mas marangal kaysa sa sinumang hari.
|
|
\v 14 Kung aayusin mo ang buhay mo tulad ng gusto kong gawin mo, at kung susundin mo ang lahat ng aking mga batas at utos, tulad ng ginawa ng iyong ama na si David, hahayaan kitang mabuhay nang maraming taon."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Pagkatapos ay nagising si Solomon, at naisip niya na kinausap siya ng Diyos sa isang panaginip. Pagkatapos ay pumunta siya sa Jerusalem at tumayo sa tapat ng sagradong tolda kung saan naroroon ang sagradong baul, at naghandog siya ng maraming alay na nasunog ng lubos sa altar at mga handog para ipangako ang pagkakaibigan kay Yahweh. Pagkatapos ay nagdaos siya ng pagdiriwang para sa kaniyang mga opisyal.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Isang araw, dalawang bayarang babae ang dumating at tumayo sa harap ni Haring Solomon.
|
|
\v 17 Sinabi ng isa sa kanila, "Kamahalan, ang babaeng ito at ako ay naninirahan sa parehong bahay. Nanganak ako habang naroroon siya sa bahay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Sa ikatlong araw pagkatapos kong ipanganak ang sanggol, nanganak din ang babaeng ito. Dalawa lamang kami sa bahay. Wala nang naroroon.
|
|
\v 19 Pero isang gabi ay namatay ang sanggol ng babaeng ito dahil aksidente niyang nahigaan ang kaniyang sanggol at hindi ito nakahinga.
|
|
\v 20 Kaya tumayo siya nang hatinggabi at kinuha ang aking sanggol na nakahiga katabi ko habang ako ay natutulog. Binuhat niya ito papunta sa kaniyang higaan at dinala ang kaniyang patay na sanggol at nilagay ito sa aking higaan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 21 Nang nagising ako kinaumagahan at handa nang pasusuin ang aking sanggol, nakita kong patay na ito. Pero nang tiningnan ko ito nang mabuti sa liwanag ng umaga, nakita ko na hindi ito ang aking sanggol!"
|
|
\v 22 Pero sinabi ng isa pang babae, "Hindi iyan totoo! Akin ang nabubuhay na sanggol, at sa iyo ang patay!" At sinabi ng unang babae, "Hindi, sa iyo ang patay na sanggol, at sa akin ang nabubuhay!" At patuloy silang nagtalo sa harap ng hari.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 23 Pagkatapos ay sinabi ng hari, "Pareho kayong nagsasabi na, 'Sa akin ang buhay na sanggol at sa iyo ang patay na sanggol.'"
|
|
\v 24 Kaya sinabi niya sa isa sa mga lingkod niya, "Bigyan mo ako ng espada." Kaya nagdala ang lingkod ng espada sa hari.
|
|
\v 25 Pagkatapos ay sinabi ng hari sa kaniyang lingkod, "Hatiin mo ang sanggol sa dalawa. Bigyan mo ng tig-isang bahagi ang mga babae."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 26 Pero ang babae na buhay ang sanggol ay lubos ang pagmamahal sa kaniyang anak, kaya sinabi niya sa hari, "Huwag, aking Kamahalan! Huwag mo siyang hayaang patayin ang sanggol! Ibigay mo na sa kaniya ang batang nabubuhay!" Pero sinabi ng isa pang babae sa hari, "Hindi, hatiin ninyo ito. Sa gayon hindi mapapasakaniya o mapapasaakin ang sanggol."
|
|
\v 27 Pagkatapos ay sinabi ng hari sa lingkod, "Huwag mong patayin ang sanggol. Ibigay mo ang sanggol sa babaeng nagsabi na, 'Huwag ninyong hatiin ang sanggol,' dahil siya ang tunay na ina ng sanggol."
|
|
\v 28 Narinig ng lahat ng Israelita ang napagpasyahan ng hari, at nagkaroon sila ng malaking paggalang sa kaniya. Naisip nila na tunay nga na ginawa siyang napakatalino ng Diyos, para hatulan nang patas ang mga kalagayan ng mga tao.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 4
|
|
\p
|
|
\v 1 Ngayon ng si Solomon ay hari sa buong Israel,
|
|
\v 2 ang mga ito ang kanyang pinakamahalagang opisyales: Ang anak ni Zadok na si Azarias ay ang pari.
|
|
\v 3 Ang mga anak ni Sisa na sina Elihoref at Ahias ay ang mga opisyal na kalihim. Ang anak ni Alihud na si Jehoshafat ay ang siyang naghayag sa mga tao ng mga desisyon ng hari.
|
|
\v 4 Si Benaias ang pinuno ng hukbo. Sila Zadok at Abiatar ay mga pari rin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Ang anak ni Natan na si Azarias ay ang tagapangasiwa sa mga gobernador. Isa pa sa mga anak ni Natan, si Zabud, ay isang pari at ang puno ng mga tagapayo ng hari.
|
|
\v 6 Si Ahisar ang nangasiwa sa mga lingkod na nagtrabaho sa palasyo. Ang anak ni Abda na si Adoniram ang nangasiwa ng mga taong sapilitang gumawa para sa hari.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Si Solomon ay naghirang ng labindalawang kalalakihan para pamahalaan ang mga distrito ng Israel. Sila rin ang naatasan na magbigay ng pagkain para sa hari at sa lahat ng ibang nanirahan at nagtrabaho sa palasyo. Bawat lalaki ay inatasan na magbigay ng pagkain mula sa kaniyang sariling distrito para sa isang buwan sa bawat taon.
|
|
\v 8 Ang kanilang mga pangalan ay: Benhur, para sa mga burol na lugar ng tribu ni Efraim.
|
|
\v 9 Bendequer para sa mga lungsod ng Macaz, Saalbim, Beth-semes, at Elon-behanan.
|
|
\v 10 Ben-hessed, para sa mga lungsod ng Arubot at Socoh at ang lugar malapit sa lungsod ng Hefer,
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Si Ben-abinadab, na ikinasal sa anak na babae ni Solomon na si Tafath, para sa lahat ng distrito ng Dor,
|
|
\v 12 si Baana, anak ni Ahilud, para sa mga lungsod ng Taanak at Megido, para sa lahat ng rehiyon malapit sa lungsod ng Zaretan, at mula sa lungsod ng Beth-sean timog ng Jezreel hanggang sa hangganan ng lungsod ng Abel-mehola at Jokneam, si
|
|
\v 13 Ben -geber, para sa lungsod ng Ramot sa rehiyon ng Galaad, para sa mga nayon sa Gilead na nabibilang kay Jair, na mga kaapu-apuhan ni Manases, at para sa lugar ng Argob sa rehiyon ng Bashan. Merong animnapung mga malalaking lungsod sa lupain na iyon sa kabuuan, bawat lungsod may pader na nakapaligid dito at mga tansong rehas sa mga tarangkahan.
|
|
\v 14 Si Ahinadab, anak ni Iddo, para sa lungsod ng Mahanaim silangan ng Ilog Jordan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Si Ahimaaz, na ikinasal sa babaeng anak ni Solomon na si Basemat, para sa lupain ng tribu ni Neftali,
|
|
\v 16 si Baana, anak ni Husai, para sa teritoryo ng tribu ng Aser at para sa lungsod ng Alot,
|
|
\v 17 Si Jehoshafat, anak ni Parua, para sa lupang sakop ng tribu ni Isacar,
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Si Simei, anak ni Ela, para sa lupang sakop ng tribu ni Benjamin,
|
|
\v 19 si Geber, anak ni Uri, para sa rehiyon ng Gilead, ang lupain na dating pinagharian ni Sihon, ang hari ng mga mamamayan ng Amor, at si Og, na dating naghari sa rehiyon ng Basan. Karagdagan sa lahat ng mga ito, nagtalaga si Solomon ng isang gobernador para sa lupang sakop ng tribu ng Juda.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Parang butil ng buhangin na nasa dalampasigan ang dami ng mga mamamayan sa Juda at Israel. Meron silang napakaraming pagkain at inumin, at sila ay masaya.
|
|
\v 21 Ang kaharian ni Solomon ay umabot mula sa Ilog ng Euprates sa hilagang silangan hanggang sa rehiyon ng Pilisia sa kanluran at sa hangganan sa dulo ng Ehipto sa timog. Ang mga mamamayan na nasakop sa mga lugar na iyon ay nagbayad ng buwis at nasa ilalim ng kapangyarihan ni Solomon sa lahat ng panahon ng kanyang buhay.
|
|
\v 22 Ang mga bayan na pinagharian ni Solomon ay inatasan na araw-araw magdala kay Solomon ng tatlumpong pinong harinang pasan ng asno at animnapung trigong pasan ng asno,
|
|
\v 23 sampung baka na inangkat sa mga kuwadra. dalawampung baka na inangkat sa mga pastulan, isang daang tupa, mga manok na pinakain ng butil - at ligaw ng mga hayop: usa, gasel, at mga usang lalaki.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 24 Pinagharian ni Solomon ang buong lugar sa kanluran ng Ilog ng Euprates, mula sa lungsod ng Tiphsa sa hilagang silangan hanggang sa lungsod ng Gasa sa timog kanluran. Siya ay naghari sa lahat ng mga hari sa lugar na iyon. May kapayapaan sa pagitan ng kanyang pamahalaan at sa mga pamahalaan ng mga kalapit na bansa.
|
|
\v 25 Sa buong panahon na naghari si Solomon, ang bayan ng Juda at Israel ay namuhay ng ligtas.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 26 May apatnapung kuwadra si Solomon para sa mga kabayo na humila ng kanyang mga karwaheng pandigma at labindalawang libong kalalakihan na sumakay sa mga kabayo.
|
|
\v 27 Ang kanyang labindalawang gobernador ng mga distrito ang nagtustos ng pagkain na kinailangan ni Haring Solomon para sa kanyang sarili at para sa lahat ng mga kumain sa palasyo. Bawat gobernador ay nagtustos ng pagkain para sa isang buwan bawat taon. Binigay nila ang lahat ng hiningi ni Solomon.
|
|
\v 28 Nagdala rin sila ng tangkay ng sebada at trigo para sa mga mabibilis na kabayo na humila ng mga karwaheng pandigma at para sa ibang gawain ng mga kabayo. Dinala nila ang kumpay na ito sa mga lugar kung saan ang mga kabayo ay iningatan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 29 Ang Diyos ay nagbigay kakayanan kay Solomon na maging napakatalino at magkaroon ng labis na pag-unawa. Nasiyahan siyang matuto tungkol sa malalaking bilang ng mga bagay.
|
|
\v 30 Siya ay mas matalino kaysa lahat ng mga taong matalino sa mga rehiyon na nasa silangan ng Israel, at lahat ng mga matalinong tao sa Ehipto.
|
|
\v 31 Si Etan, mula sa Ezra, at sila Heman at Calcol at Darda at ang mga anak ni Mahol ay itinuring na napakatalino, pero si Solomon ay mas matalino kaysa sa lahat sa kanila. Ang mga mamamayan sa lahat ng kalapit na mga bansa ay narinig ang tungkol kay Solomon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 32 Siya ay lumikha ng mas marami pa sa isang libong mga awit.
|
|
\v 33 Nagturo siya tungkol sa iba't-ibang uri ng mga halaman, mula sa malaking- malaking puno ng sedar sa Lebanon hanggang sa maliit na maliit na mga halaman ng hisop na tumutubo sa mga bitak ng mga pader. Nagturo rin siya tungkol sa mga mababangis na mga hayop, mga ibon, mga reptilya, at isda.
|
|
\v 34 Ang mga tao ay dumating mula sa lahat ng dako ng mundo para pakinggan ang matalinong mga bagay na sinabi ni Solomon. Maraming mga hari ang nagpadala ng mga kalalakihan para makinig sa kanya at pagkatapos ay babalik at sasabihin sa kanila kung ano ang sinabi ni Solomon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 5
|
|
\p
|
|
\v 1 Si Hiram, ang hari ng lungsod ng Tiro, ay naging malapit na kaibigan ni Haring David. Nang mabalitaan niya na si Solomon ay tinalaga na maging hari pagkatapos ng kanyang ama, siya ay nagpadala ng mensahero kay Solomon.
|
|
\v 2 Ibinigay ni Solomon sa mga mensaherong iyon ang mensaheng ito para dalhin pabalik kay Hiram:
|
|
\v 3 "Alam mo na pinamunuan ng aking ama ang kaniyang mga sundalo para lumaban sa maraming digmaan laban sa kaniyang mga kaaway sa mga kalapit bansa. Kaya hindi siya maaring sumubok na magtayo ng isang templo kung saan maari kaming sumamba kay Yahweh aming Diyos hanggang matapos bigyan ng kakayanan ni Yahweh ang mga hukbo ng Israelita na talunin ang lahat ng kaniyang mga kaaway.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Pero ngayon si Yahweh na aming Diyos ay nagbigay sa amin ng kakayanan na magkaroon ng kapayapaan sa lahat ng nakapaligid na mga bansa. Walang panganib na kami ay malulusob.
|
|
\v 5 Ipinangako ni Yahweh sa aking amang si David, 'ang iyong anak, ang siyang bibigyan ko ng kakayanan na maging hari pagkatapos mo, siya ang magtatayo ng isang templo para sa akin, Si Yahweh ang iyong Diyos.'
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Kaya hinihiling ko na utusan mo ang iyong mga manggagawa na magputol ng mga puno ng sedar para sa akin. Ang aking mga tauhan ay magtatrabaho kasama nila, at aking babayaran ang iyong mga manggagawa kung anuman ang iyong mapagpasyahan. Pero hindi maggagawa ng aking mga tauhan ang gawain ng sila lamang, dahil hindi nila alam kung paano magputol ng mga puno gaya ng ginagawa ng iyong mga manggagawa mula sa lungsod ng Sidon."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Nang marinig ni Hiram ang mensahe mula kay Solomon, siya ay masayang-masaya at nagsabi, "Pupurihin ko si Yahweh ngayon dahil sa pagbigay kay David ng isang napakatalinong anak na maghahari sa dakilang bayang iyan"
|
|
\v 8 Ipinadala niya ang mensaheng ito pabalik kay Solomon, "Narinig ko ang mensahe na ipinadala mo sa akin, at ako ay handang gawin kung ano ang hinihingi mo. Ibibigay ko ang mga trosong sedar at saypres.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Ang aking mga manggagawa ay magdadala ng mga troso pababa mula sa kabundukan ng Lebanon patungo sa Dagat ng Mediterranean. Pagkatapos itatali nila ang mga ito na magkasama para makagawa ng balsa na ilulutang sila sa tubig sa tabi ng baybayin ng lugar na iyong itinuro. Pagkatapos kakalagin ang tali sa troso ng mga manggagawa, at kukunin ng iyong mga manggagawa ang mga ito mula doon. Ang gusto kong gawin mo ay bigyan ng pagkain ang aking mga tauhan."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Kaya isinaayos ni Hiram sa kanyang mga manggagawa ang pagtustos ng lahat ng troso ng sedar at saypres na nais ni Solomon.
|
|
\v 11 Bawat taon binigyan ni Solomon si Hiram ng 3,520 kubiko metro ng trigo at 416,350 litro ng purong langis ng olibo para mapakain sa kanyang mga manggagawa.
|
|
\v 12 Binigyan kakayanan ni Yahweh si Solomon na maging matalino, gaya lamang ng kanyang ipinangako. Gumawa ng kasunduan sila Solomon at Hiram.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Pinwersa ni Haring Solomon ang tatlumpong libong kalalakihan mula sa buong Israel para maging mga manggagawa niya.
|
|
\v 14 Si Adoniram ang kanilang amo. Hinati ni Solomon ang mga kalalakihan sa tatlong grupo. Bawat buwan sampung libo sa kanila ang pumunta sa Lebanon at nagtrabaho ng isang buwan doon, at pagkatapos sila ay nagbabalik sa kanilang sariling bayan ng dalawang buwan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Pinwersa rin ni Solomon ang walumpung libong kalalakihan na magtibag ng bato sa burol ng lalawigan at pitumpong libong mga kalalakihan para hakutin ang mga bato sa Jerusalem.
|
|
\v 16 Nagtalaga rin siya ng 3,300 na kalalakihan para mangasiwa ng kanilang mga gawa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Inutusan din ng hari ang kanyang mga manggagawa na magtibag ng malalaking bloke ng mga bato mula sa mga tibagan at kinisin ang gilid ng mga ito. Ang mga malalaking bato ay para sa pundasyon ng templo.
|
|
\v 18 Ang mga manggagawa ni Solomon at mga manggagawa ni Hiram at mga kalalakihan mula sa lungsod ng Gebal ang naghugis ng mga bato at naghanda ng troso para itayo ang templo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 6
|
|
\p
|
|
\v 1 480 taon pagkatapos umalis ang mga mamamayan ng Israel sa Ehipto, sa ika-apat na taon na naghari si Solomon sa Israel, sa ikalawang buwan na iyon ng Ziv, ang mga manggagawa ni Solomon ay nagsimulang itayo ang templo.
|
|
\v 2 Sa loob, ang pangunahing bahagi ng templo ay mga 27 metro ang haba, 9 na metro ang lawak, at 13.5 metro ang taas.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Ang harap na portiko ay halos 4.5 ang lalim at 9 na metro ang lawak, kasing lawak lamang ng pangunahing bahagi ng templo.
|
|
\v 4 May mga puwang gaya ng mga bintana sa mga pader ng templo. Ang mga puwang ay mas makitid sa labas kaysa sa loob.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Sa dalawang gilid at sa likuran ng pader ng templo, sila ay nagtayo ng isang istraktura na may mga silid sa mga ito. Ang istrakturang ito ay may tatlong mga palapag; bawat palapag ay halos 2.3 metro ang taas.
|
|
\v 6 Bawat silid sa pinakamababang palapag ay halos 2.3 metro ang lawak. Bawat silid sa gitnang palapag ay halos 2.8 metro ang lawak. Ang mga silid sa pinakamataas na palapag ay halos 3.2 metro ang lawak. Ang pader ng templo na nasa pinakamataas na palapag ay mas manipis kaysa sa pader ng nasa gitnang palapag, at ang pader ng gitnang palapag ay mas manipis kaysa sa pader ng nasa ilalim na palapag. Sa ganitong paraan, ang mga silid ay maaring pumatong sa ibabaw ng pader na nasa ilalim ng mga ito; ang mga silid ay hindi nangailangan ng bigang kahoy sa ilalim para suportahan ang mga ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Ang malalaking mga bato para sa pundasyon ng templo ay tinibag at hinugis sa tibagan para maging napakakinis. Ang resulta ay walang ingay habang ang mga manggagawa ay nagtatayo ng templo, dahil hindi sila gumamit ng mga martilyo o mga pait o anumang ibang mga kasangkapan gawa sa bakal doon.
|
|
\v 8 Ang pasukan sa ibabang palapag nitong nakakabit na istraktura ay nasa timog na bahagi ng templo. May mga hagdanan mula sa ibabang palapag papunta sa gitna at itaas na mga palapag.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Kaya tinapos ng mga manggagawa ni Solomon ang pagtayo ng balangkas ng templo. Ginawa nila ang kisame mula sa biga at tablang sedar.
|
|
\v 10 Itinayo nila ang mga silid sa tabi ng pangunahing silid na may tatlong palapag, bawat isa ay halos 2.3 metro ang taas, at idinuktong ang mga ito sa templo sa pamamagitan ng mga bigang sedar.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Pagkatapos sinabi ito ni Yahweh kay Solomon,
|
|
\v 12 Gusto kong sabihin sa iyo ang tungkol dito sa templo na iyong itinatayo. Kung patuloy mong susundin ang lahat ng aking mga batas, tagubilin at mga kautusan, gagawin ko para sa iyo kung ano ang aking ipinangako sa iyong amang si David.
|
|
\v 13 Ako ay mananahan kasama ng bayan ng Israel sa templong ito, at hindi ko sila kailanman pababayaan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Ang mga manggagawa ni Solomon ay nagtrabaho para tapusin ang pagtatayo ng templo.
|
|
\v 15 Sa loob, tinakpan nila ang mga silid mula sahig hanggang sa kisame ng tablang sedar. Ginawa nila ang sahig mula sa tablang saypres.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Sa loob ng likurang bahagi ng templo sila ay nagtayo ng panloob na silid, tinawag na pinakabanal na lugar. Ito ay mga siyam na metrong haba. Lahat ng pader ng silid na ito ay may hanay ng mga tabla na mula sa punong sedar.
|
|
\v 17 Sa harapan ng pinakabanal na lugar ay silid na mga labingwalong metro ang haba.
|
|
\v 18 Ang mga tablang sedar na nasa pader sa loob ng templo ay ginayakan ng inukit na bunga na parang hugis kalabasa at mga bulaklak. Ang mga pader ay tinakpan ng buo ng mga tablang sedar, na nagresulta na hindi makita ang mga bato sa mga pader sa kanilang likuran.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Sa likuran ng templo ginawa nila ang pinakabanal na lugar, para ilagay ang sagradong kaha doon.
|
|
\v 20 Ang silid na iyon ay mga siyam na metro ang haba, siyam na metro ang lawak at siyam na metro ang taas. Tinakpan nila ang mga pader ng napakanipis na piraso ng purong ginto. Para sa pagsusunog ng insenso gumawa rin sila ng altar ng mga tablang sedar
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 21 Sinabi sa kanila ni Solomon na takpan ang ibang pader sa loob ng templo ng napakanipis na piraso ng purong ginto at magkabit ng gintong tanikala sa kabilang panig ng pasukan hanggang sa pinakabanal na lugar.
|
|
\v 22 Tinakpan nila ng napakanipis na piraso ng ginto ang lahat ng mga pader ng templo at ang altar na nasa labas ng napaka banal lugar.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 23 Sa loob ng napakabanal na lugar gumawa sila ng rebulto ng dalawang nilalang na may mga pakpak mula sa malaking kahoy ng punong olibo. Bawat isa ay mga 4.5 metro ang taas.
|
|
\v 24-26 Pareho sila ng laki at hugis. Pareho silang may dalawang pakpak na nakaladlad. Bawat pakpak ay mga 2.3 metro ang haba, na may resulta ng mga 4.5 metrong agwat sa pagitan ng pang ibabaw na mga dulo ng dalawang pakpak. Ang taas ng bawat anghel ay 4.5 metro.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 27 Inilagay nila ang mga rebultong ito na magkatabi sa napakabanal na lugar para ang pakpak ng isa ay nakadikit sa pakpak ng isa pa sa kalagitnaan ng silid, at ang panlabas na mga pakpak ay nakadikit sa mga pader.
|
|
\v 28 Tinakpan nila ang rebulto ng napakanipis na piraso ng ginto.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 29 Sinabi sa kanila ni Solomon na gayakan ang mga pader ng pangunahing silid at ang napakabanal na lugar sa pamamagitan ng pag-ukit na kakatawan sa may pakpak na mga nilalang at mga puno ng palma at mga bulaklak.
|
|
\v 30 Tinakpan din nila ang sahig ng parehong mga silid ng napakanipis na piraso ng ginto.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 31 Gumawa sila ng isang pangkat ng mga pintuan mula sa kahoy ng punong olibo, at inilagay ang mga ito sa pasukan patungo sa napakabanal lugar. Ang itaas na bahagi ng pinto at ang poste nito ay may limang yuping bahagi.
|
|
\v 32 Ang mga pinto ay ginayakan sa pamamagitan ng pag-ukit sa mga ito ng mga kumakatawan ng may pakpak na mga nilalang, mga puno ng palma, at mga bulaklak. Ang lahat ng mga bagay na ito ay tinakpan ng napakanipis na banig ng ginto.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 33 Sila ay gumawa ng hugis-parihabang balangkas ng pinto mula sa kahoy ng punong olibo, may apat na bahagi na may puwang, at inilagay ito sa pagitan ng pasukang silid at ng pangunahing silid.
|
|
\v 34 Gumawa sila ng dalawang di-tiklop na pinto mula sa kahoy ng saypres at ikinabit ang mga ito sa balangkas ng pinto.
|
|
\v 35 Ang mga pinto ay ginayakan din ng mga inukit na kahoy ng mga nilalang na may pakpak, mga puno ng palma, at mga bulaklak, at ang mga ito ay tinakpan rin ng pantay na pinakamanipis na banig ng ginto.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 36 Sila ay nagtayo ng isang patyo sa harapan ng templo. Ang mga pader sa paligd ng patyo ay gawa sa sedar at bato. Para gawin ang mga pader, naglagay sila ng dalawang patong na bato sa pagitan ng bawat patong ng bigang sedar.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 37 Inilatag nila ang pundasyon ng templo ni Yahweh sa buwan ng Ziv, sa ika-apat na taon na naghari si Solomon.
|
|
\v 38 Sa ika-labing-isang taon na naghari siya, sa buwan ng Bul, kanilang natapos ang pagtatayo ng templo at lahat ng mga bahagi nito, ginagawang tamang-tama sa kung ano ang sinabi ni Solomon na gawin nila. Nangailangan ng pitong taon para maitayo ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 7
|
|
\p
|
|
\v 1 Nagtayo din sila ng palasyo para kay Solomon, pero kinailangan ng labing tatlong taon para ito ay itayo.
|
|
\v 2 Ang isa sa mga gusali na kanilang tinayo ay isang malaking bulwagan ng pagdiriwang. Ito ay tinawag na Palasyo ng Kagubatan ng Lebanon. Ito ay humigit kumulang ng 46 na metrong haba, 23 metrong lapad, at 14 metrong taas. Ito ay sinusuportahan ng apat na mga hanay ng poste ng sedar. Mayroong mga bigang sedar sa magkabilang dulo ng bawat hanay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Para suportahan ang bubong, mayroong mga bigang sedar na konektado sa mga hanay ng mga poste. May labing limang poste sa bawat hanay.
|
|
\v 4 Sa bawat panig ng dalawang pader ay mayroong tatlong pangkat ng bintana na nakaharap sa isa't isa.
|
|
\v 5 Ang lahat ng bintana at pintuan ay may hugis parihabang mga balangkas. Ang mga bintana na nasa magkabilang pader ay nakaharap sa kabilang panig na mga bintana.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Nagtayo din sila ng mahabang silid na may mga poste; ito ay 23 metrong haba at 14 metrong lapad. Sa harapan nito ay isang binubungang balkonahe na ang bubong ay sinusuportahan ng mga poste.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Pagkatapos ay nagtayo sila ng isa pang gusali na tinatawag na Bulwagan ng Trono. Ito rin ay tinatawag na Bulwaganan ng Katarungan. Doon nagpapasya si Solomon sa mga hindi pagkakaunawaan ng mga tao. Ang mga pader ay tinatakpan ng mga tablang sedar, mula sa sahig hanggang sa mga balangkas ng bubong.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Sa patyo sa likod ng Bulwagan ng Paghahatol ay nagtayo sila ng bahay para tirhan ni Solomon na katulad ng ibang mga gusali. Nagtayo din sila ng parehong uri ng bahay para sa kaniyang asawa, na anak na babae ng hari ng Ehipto.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Ang lahat ng mga gusali at mga pader na nakapalibot sa patyo ng palasyo ay gawa sa mga bato, mula sa mga pundasyon hanggang sa kabitan ng alulod. Ang mga bato ay mamahalin para sa mga manggagawa para tabasin sa tibagan, ayon sa kinakailangang laki, at hinugis ang bawat gilid ng mga bato at pinakinis sa pamamagitan ng pagtabas ng lagari.
|
|
\v 10 Ang mga pundasyon ay gawa rin sa malalaking bloke ng mamahaling mga bato na hinanda sa tibagan. Ang iba sa kanila ay 3.7 metrong haba at ang iba ay 4.8 metrong haba.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Sa ibabaw ng mga batong pundasyon ay iba pang mamahaling mga bato na pinuputol ayon sa mga laki ng kanilang pangangailangan, ganun din sa mga bigang sedar.
|
|
\v 12 Ang patyo sa palasyo, ang dakong loob ng patyo sa harap ng templo, at ang portiko sa harap ng templo ay may pader na yari sa paglalatag na tatlong patong ng mga tinabas na mga bato sa pagitan ng bawat patong ng mga bigang sedar.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 May isang lalaking nakatira sa lungsod ng Tiro na nagngangalang Hiram.
|
|
\v 14 Siya ay isang mahusay na manggagawa. Ang kaniyang ama ay nakatira din sa Tiro at isa ding napaka-bihisa sa paggawa ng mga bagay mula sa tanso, pero ang ama ni Hiram ay patay na. Ang kaniyang ina ay nagmula sa tribo ni Nepthtali. Si Hiram ay napakatalino at maalam at napakabihasa sa paggawa ng mga bagay mula sa tanso. Niyaya siya ni Solomon na pumunta ng Jerusalem at mangasiwa sa lahat ng mga trabaho sa paggawa ng mga bagay mula sa tanso, at sumang-ayon si Hiram.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Siya ay gumawa ng dalawang poste na gawa sa tanso. Bawat isa ay 8.3 metrong taas at 5.5 metro sa paligid.
|
|
\v 16 Gumawa din siya ng dalawang tansong palamuti na ilalagay sa itaas ng mga poste. Bawat palamuti ay 2.3 metrong taas.
|
|
\v 17 Pagkatapos ay gumawa siya ng tansong kadenang lambat gaya ng korona para lagyan ng palamutian ang bawat poste. Mayroon ding pitong yaring lambat sa bawat taas ng poste.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Gumawa din si Hiram ng tansong rebulto na kahawig ng mga granada. Naglagay siya ng dalawang hanay ng mga granada sa itaas ng bawat poste. Sa taas ng bawat poste ay gaya ng isang liryo.
|
|
\v 19 Ang bawat dahon ng liryo ay 1.8 metrong taas.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Ang mga palamuti na nakalagay sa hugis mangkok na bahagi kung saan pinalilibutan ng dalawang hanay ng dalawang daang palamuti ng granada sa paligid ng bawat poste.
|
|
\v 21 Ang kaniyang mga katulong ay nagtayo ng poste sa harap ng bukana ng templo. Ang poste na nasa bahaging timog ay pinangalanang Jakin, at ang poste sa hilagang bahagi ay pinangalanang Boaz.
|
|
\v 22 Ang mga tansong palamuti na hugis liryo ay nakalagay sa taas ng mga poste. Kaya natapos na ni Hiram at ng kaniyang mga katulong ang paggawa ng tansong mga poste.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 23 Gumawa din si Hiram ng napakalaking tangkeng bilog na tanso at hinulma sa putik. Ito ay 2.3 metrong taas, 4.6 metrong pahalang, at 13.7 metrong pabilog.
|
|
\v 24 Sa palibot ng gilid ng tangke ay dalawang hanay ng palamuti na kahawig ng bunga ng halamang baging na gawa sa tanso. Pero ang mga bunga ng halamang baging ay hindi hinulma nang magkahiwalay. Sila ay hinulma sa parehong hulmahan gaya sa ibang bahagi ng tangke. Sa bawat metrong nakapalibot sa gilid ng tangke, doon ay may labing walong bunga ng halamang baging.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 25 Si Hiram ay humulma din ng labing dalawang tansong rebulto ng baka. Inilagay niyang nakaharap palabas ang mga ito. Nilagay niya ang tatlo sa hilaga, tatlo sa kanluran, tatlo sa timog, at tatlo sa silangan. Inilagay ng kaniyang mga katulong ang tansong tangke sa likod ng mga rebultong baka.
|
|
\v 26 Ang gilid ng mga tangke ay walong sentimetrong kapal. Ang labi nito ay tulad ng labi ng baso. Ang hubog ay papalabas, tulad ng talulot ng isang liryo. Kapag ang tangke ay napuno, maglalaan ito ng apatnapu't apat na metro kubiko ng tubig.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 27 Gumawa din si Hiram ng sampung tansong mga kariton. Bawat isa ay 1.8 metrong haba, 1.8 metrong lapad, at 1.3 metrong taas.
|
|
\v 28 Sa gilid ng mga kariton ay may mga takip na nakalagay sa mga balangkas.
|
|
\v 29 Sa mga takip na iyon ay mayroong mga hugis tansong leon, baka at mga nilalang na may pakpak. Sa ilalim at itaas ng mga leon at mga toro ay may mga palamuting koronang tanso.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 30 Bawat kariton ay may apat na tansong gulong at dalawang ehe na gawa sa mga tanso. Sa taas ng bawat sulok ng kariton ay may tansong tumutukod sa palanggana. Sa mga tukod na ito ay mayroon ding mga palamuting tansong korona.
|
|
\v 31 Sa ibabaw ng bawat kariton, sa ilalim ng bawat palanggana, ay isang balangkas na kahawig ang isang pabilog na uka. Ang pagitan ng bawat pabilog na balangkas ay apatnapu't anim na sentimetro sa ibabaw ng kariton, at sa ilalim nito ay dalawampu't tatlong sentimetro sa ibaba ng tuktok ng kariton. Doon ay mayroon ding mga nakaukit sa loob ng parisukat na mga takip.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 32 Ang mga gulong ay animnapu't siyam na sentimetrong taas. Sila ay nasa ibaba ng mga takip. Ang mga gulong ay nakakabit sa ehe na hinulma sa parehong hulmahan gaya ng ibang bahagi ng kariton.
|
|
\v 33 Ang mga gulong ng mga kariton ay gaya ng mga gulong ng mga karwaheng pandigmaan. Ang mga ehe, mga gilid, mga rayos ng gulong, at ang mga sentro ng gulong ay hinulmang lahat sa tanso.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 34 Sa itaas ng bawat gilid ng kariton ay mga hawakan. Ito ay mga hinulma sa kariton mismo.
|
|
\v 35 Mayroong tansong tali na dalawampu't dalawang sentimetro na nakapalibot sa ibabaw ng bawat kariton. May mga suporta na nakakabit sa mga sulok ng bawat kariton. Ang mga tali at mga tukod ay hinulma sa parehong molde gaya ng natitirang bahagi ng kariton.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 36 Ang mga suporta at ang mga takip sa mga gilid ng mga kariton ay pinalamutian din ng mga hugis ng mga nilalang na may pakpak, mga leon, at mga puno ng palma, kapag may lugar pa para sa kanila, at doon ay nakapaligid ang tansong korona.
|
|
\v 37 Iyon ay kung paano ginawa ni Hiram ang sampung mga kariton. Ang lahat ay hinulma sa isang molde, kaya silang lahat ay magkakamukha. Silang lahat ay magkakapareho ng laki at may magkakatulad na hugis.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 38 Gumawa din si Hiram ng sampung tansong kawaa, isang kawa sa bawat sampung patungan. Bawat kawa ay 1.8 metrong kabuuan at naglalaman ng 880 litrong tubig.
|
|
\v 39 Nilagay ni Hiram ang limang kariton sa kanang bahagi ng templo at lima sa kaliwang bahagi ng templo. Nilagay niya ang malaking tangke sa sulok na nakaharap sa silangan at nasa dakong timog.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 40 Si Hiram ay gumawa rin ng mga palayok, mga pala sa pagdadala ng mga abo, at mga mangkok para sa pagdadala ng mga dugo ng mga hayop na isasakripisyo. Nakumpleto niyang lahat ang trabahong hiniling sa kaniya ni Haring Solomon na gawin para sa templo. Ito ang listahan ng mga tansong mga bagay na kaniyang ginawa: dalawang poste,
|
|
\v 41 dalawang palamuti na ilalagay sa itaas ng mga poste, dalawang koronang kadena para palamutian ang mga taas ng mga poste,
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 42 ang apat na daang palamuting mga granada sa apat na mga hanay, na may isang daan sa bawat hanay; ang dalawa sa mga hanay na ito ay nakalagay sa ibabaw ng bawat poste.
|
|
\v 43 sampung mga kariton, sampung mga kawa,
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 44 ang malaking tangke, labing dalawang rebulto ng baka na kung saan sa likod nila inilagay ang tangke.
|
|
\v 45 mga palayok, mga pala para sa mga abo ng dambana, at mga mangkok. Si Hiram at ang kaniyang mga manggagawa ay ginawa lahat ng bagay na iyon para kay Haring Solomon at inilagay sila sa labas ng templo. Ang lahat ay gawa sa makinis na tanso.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 46 Ginawa nila ang mga ito sa pamamagitan ng pagbubuhos ng tunaw na tanso sa hulmahan ng putik na nilagay nila Hiram malapit sa Ilog Jordan, sa pagitan ng mga lungsod ng Succoth at Zerathan.
|
|
\v 47 Hindi sinabi ni Solomon sa kaniyang mga manggagawa na timbangin ang mga bagay na gawa sa tanso, dahil sobrang dami ng mga ito. Kaya walang nakakaalam ng kanilang timbang.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 48 Ang mga manggagawa din ni Solomon ang gumawa ng mga gintong bagay para sa templo ni Yahweh: ang altar, ang lamesa kung saan ang tinapay ng presensya ng Diyos,
|
|
\v 49 ang sampung kandelero na inilagay sa harap ng kabanal-banalang lugar, lima sa bahaging timog at lima sa hilagang bahagi, ang mga palamuti na kahawig ng mga bulaklak, ang mga lampara, ang mga sipit para mahawakang mahigpit ang maiinit na mga uling,
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 50 ang mga tasa, ang gintong lamparang panggupit ng mitsa, ang maliit na lampara, mga mangkok, ang mga kawali sa pagdadala ng mainit na uling, at ang pihitan para sa mga pinto sa pasukan ng kabanal-banalang lugar at para sa pintuan ng pasukan ng pangunahing silid ng templo. Ang lahat ng iyon ay gawa sa ginto.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 51 Kaya tinapos ng mga manggagawa ni Solomon ang gawain para sa templo. Pagkatapos ay nilagay nila sa bodega ng templo ang lahat ng mga bagay na inialay ng kaniyang amang si David para kay Yahweh - ang lahat ng pilak at ginto, at ang ibang mahalagang mga bagay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 8
|
|
\p
|
|
\v 1 Pinatawag ni Solomon sa Jerusalem ang lahat ng mga nakakatanda ng Israel, ang lahat ng mga pinuno ng mga tribo at mga pinuno ng mga angkan. Tinipon niya sila para makasama sa pagdadala sa Templo ni Yahweh ng sagradong baul mula sa Bundok Sion, kung saan ito ay bahagi ng lungsod na tinatawag na lungsod ni David.
|
|
\v 2 Kaya lahat ng pinuno ng Israelita ay pumunta kay Haring Solomon sa panahon ng Pista ng Silungan, sa buwan ng Ethanim.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Nang dumating na silang lahat, binuhat ng mga pari ang sagradong baul
|
|
\v 4 at dinala ito sa templo. Pagkatapos ang mga kaapo-apuhan ni Levi na umalalay sa mga pari ay tinulungan sila na buhatin sa templo ang sagradong tolda at lahat ng sagradong mga bagay na matagal na naroon sa tolda.
|
|
\v 5 Pagkatapos si Haring Solomon at marami sa mga Israelita ang nagtipon sa harap ng sagradong baul ni Yahweh. At sila ay nag-alay ng napakaraming tupa at baka. Walang nakabilang ng mga handog dahil ito ay napakarami.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Pagkatapos ang mga pari ay dinala ang mga sagradong baul sa kabanal-banalang lugar sa templo, at nilagay nila ito sa ilalim ng pakpak ng mga istatwang kerubin.
|
|
\v 7 Ang mga pakpak ng mga istatwa ay nilulukuban ang sagradong baul at ang posteng bumuhat nito.
|
|
\v 8 Ang mga poste ay napakahaba, na ang nakakakita lang dito ay ang mga taong nakatayo sa pasukan ng kabanal-banalang lugar, pero hindi sila makikita ng mga taong nakatayo sa labas ng templo. Ang mga poste ay nandoon parin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Ang mga bagay lamang na nasa loob ng sagradong baul ay ang dalawang batong tableta na inilagay ni Moises sa Bundok Sinai, kung saan si Yahweh ay gumawa ng isang tipan sa mga tao nang sila'y umalis ng Ehipto.
|
|
\v 10 Nilagay ng mga pari ang sagradong baul sa templo. Nang sila'y lumabas ng banal na lugar, bigla itong napuno ng ulap.
|
|
\v 11 Pinuno ng kaluwalhatian ni Yahweh ang templo at hindi na naipagpatuloy ng mga pari ang kanilang mga ginagawa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Pagkatapos ito ang panalangin ni Solomon: "Yahweh, inilagay mo ang araw sa kalangitan, pero nagpasya kang manirahan sa napakadilim na mga ulap.
|
|
\v 13 Ako ay nagtayo ng magandang templo para sa iyo, isang lugar para tirhan mo magpakailanman."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Pagkatapos, habang ang lahat ng tao ay nakatayo doon, humarap ang hari sa kanila, at hiningi niya sa Diyos na pagpalain sila.
|
|
\v 15 Kaniyang sinabi, "'Purihin si Yahweh, ang Diyos kung saan kaming Israelita ay nabibilang! Sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan, nagawa niya ang kaniyang pinangako sa aking ama na si David. Ang kaniyang pangako ay ito:
|
|
\v 16 Mula noong inilabas ko sa Ehipto ang aking bayan, hindi pa ako nakakapili ng lungsod sa Israel kung saan dapat itayo ang aking templo para ako ay sambahin doon ng aking bayan. Pero pinili kita, David, para mamuno sa aking bayan."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Pagkatapos sinabi ni Solomon, "ang aking ama na si David ay nais magtayo ng isang templo upang ang mga Israelita ay sumamba doon kay Yahweh na aming Diyos.
|
|
\v 18 Pero sinabi sa kaniya ni Yahweh, 'Ninais mong magtayo ng templo para sa akin, at ang nais mong gawin ay mabuti.
|
|
\v 19 Gayunman, hindi ikaw ang nais kong magtayo nito. Ito ay isa sa iyong mga anak na lalaki ang nais kong magtayo ng templo para sa akin.'
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 At ngayon ay natapos na ni Yahweh ang ipinangako niyang gawin. Ako ang naging hari ng Israel na pumalit sa aking ama, at ako ang namumuno sa aking bayan, gaya ng pangako ni Yahweh. Ako ang nagsagawa para ang templo na ito ay matayo para sa ating mga Israelita para sambahin si Yahweh, ang Diyos na kinabibilangan nating mga Israelita.
|
|
\v 21 Ako na din ay nakapaglaan ng lugar sa templo para sa sagradong baul kung saan ang dalawang batong tableta ng tipan na si Yahweh ang gumawa kasama ang ating ninuno nang inilabas Niya sila sa Ehipto."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 22 Pagkatapos ay tumayo si Solomon sa harap ng altar kung saan ay nasa harapan ng mga Israelita na nagtipon doon. Kaniyang itinaas ang kaniyang mga kamay,
|
|
\v 23 at siya'y nanalangin, "Yahweh, ang Diyos na sinasamba ng mga Israelita, walang diyos na tulad mo sa itaas ng langit o dito sa lupa. Mataimtim mong ipinangako na matapat mo kaming mamahalin. At iyon ang iyong ginagawa para sa aming masigasig na gumagawa ng nais mong gawin namin.
|
|
\v 24 Nagawa mo ang mga bagay na pinangako mo sa aking ama na si David, na matapat na naglingkod sa iyo. Tunay na pinangako mong gawin ang mga bagay na iyon para sa kaniya, at ngayon nakita namin na nagawa mo ang mga ito sa pamamagitan ng iyong kapangyarihan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 25 Kaya ngayon, Yahweh, ang Diyos na sinasamba ng mga Israelita, hinihiling ko na iyong gawin ang ibang mga bagay na iyong pinangako sa aking ama. Sinabi mo sa kaniya na mayroon sa kaniyang kaapu-apuhan ang laging magiging hari ng Israel, kung sila ay mamumuhay tulad sa kaniya.
|
|
\v 26 Kaya ngayon, Diyos naming mga Israelita, dulutin mong mangyari ang iyong pangako sa aking ama na si David, na tapat na naglingkod sa iyo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 27 Pero Diyos, maninirahan ka ba talaga dito sa mundo kasama ang mga tao? Kulang ang lugar sa kalangitan para magkaroon ka ng sapat na lugar para tirhan doon. Kaya ang templong ito na aking inutos sa mga manggagawa ay tiyak na napakaliit para sa iyo na tirhan.
|
|
\v 28 Pero Yahweh, aking Diyos, pakiusap makinig ka sakin habang ako ay nananalangin sa iyo sa araw na ito,
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 29 Pakiusap pangalagaan mo ang templong ito, araw-gabi. Ito ang lugar na iyong sinabi na, 'Ako ay laging nandito.' Aking hiling na makinig ka sa akin tuwing ihaharap ko ang aking mukha sa templo at manalangin.
|
|
\v 30 Hinihiling ko na kapag nanalangin ako sa iyo at ang iyong bayan ay nanalangin sa iyo habang nakaharap ang kanilang mga mukha sa lugar na ito, na sa iyong tahanan sa kalangitan ay marinig mo kami at mapatawad kami sa mga kasalanang aming ginawa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 31 Ipagpalagay na pinaratangan sa pagawa ng mali ang isang tao, at dinala siya sa altar sa labas ng banal na templo. At ipagpalagay na sinabi niya, 'hindi ko ginawa iyon; parusahan nawa ako ng Diyos kung hindi ako nagsasabi ng katotohanan.'
|
|
\v 32 Kung gayon, makinig mula sa kalangitan at magpasiya kung sino nagsasabi ng katotohanan. Pagkatapos ay parusahan ang may kasalanan dahil karapatdapat siya maparusahan, at ihayag na ang isang pang tao ay inosente.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 33 At ipagpalagay na ang iyong bayang Israel ay natalo ng kanilang mga kaaway sa isang labanan dahil nagkasala sila sa iyo. Ipagpalagay din na pwersahan silang pinapunta sa malayong bansa. Pagkatapos ay ipagpalagay na tumalikod sila mula sa kanilang masamang pag-uugali at humarap sa templo at kinilala na makatarungan mo silang pinaparusahan. At ipagpalagay na nakiusap silang patawarin mo sila.
|
|
\v 34 Kung ganon, pakinggan mo sila mula sa kalangitan, patawarin mo ang iyong bayang Israel mula sa mga kasalanang kanilang ginawa, at ibalik mo sila sa lupain na ibinigay mo sa kanilang mga ninuno.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 35 O ipagpalagay na hindi mo hinayaang umulan dahil nagkasala ang iyong bayan laban sa iyo. Ipagpalagay na hinarap nila ang kanilang mga mukha sa lugar na ito at inaming pinarusahan mo sila nang makatarungan. Ipagpalagay din na tumalikod sila sa kanilang makasalanag pag-uugali at mapagkumbabang nanalangin sa iyo.
|
|
\v 36 Kung ganon, pakinggan mo sila sa kalangitan at patawarin mo ang iyong bayang Israel para sa mga kasalanang kanilang ginawa. Ituro mo sa kanila ang tamang pamumuhay, at pagkatapos ay magpadala ng ulan sa lupaing ito na ibinigay mo sa iyong bayan habang-buhay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 37 Ipaglagay na ang tao sa lupain na ito ay nakaranas ng taggutom, o ipagpalagay na doon ay may salot sa pamamagitan ng amag o mga balang o mga tipaklong. O ipagpalagay na pinalibutan ng kanilang mga kaaway ang kanilang ibang mga lungsod para lusubin sila. Ipagpalagay na kahit alinman sa mga masasamang bagay na iyon ay nangyari sa kanila.
|
|
\v 38 At ipagpalagay na ang iyong bayang Israel ay matiyagang nakiusap sa iyo, dahil alam nila na sa kanilang sarili na naghihirap sila dahil sila'y nagkasala. Ipagpalagay na kanilang inunat ang kanilang mga kamay tungo sa templong ito at nanalangin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 39 Kung ganon, makinig ka sa kanila mula sa iyong tahanan sa kalangitan, at patawarin sila, at tulungan sila. Ikaw lang ang nakakaalam ng kung anong iniisip ng mga tao, kaya tugunin ang kaniyang pangangailangan,
|
|
\v 40 para ang iyong bayan ay magkaroon ng kamangha-manghang paggalang sa iyo sa lahat ng mga taon na sila'y naninirahan sa lupain na iyong binigay sa aming mga ninuno.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 41-42 Doon ay may ilang dayuhan na hindi kabilang sa iyong bayang Israel na pupunta dito mula sa ibang malayong mga bansa dahil narinig nila na ikaw ay napakadakila, at dahil narinig nila ang tungkol sa mga dakilang bagay na iyong ginawa para sa iyong bayan. Ipagpalagay na ang mga taong tulad noon ay pumunta sa templong ito para sumamba at manalangin.
|
|
\v 43 Kung ganon, sa iyong tahanan sa kalangitan ay makinig ka sa kanilang panalangin, at gawin mo para sa kanila ang mga hiniling nilang iyong gawin. Gawin mo iyon para ang lahat ng mga pangkat ng tao sa mundo ay makilala at igalang ka, gaya ng ginagawa ng iyong bayan. Pagkatapos ay malalaman nila na ang templong aking pinatayo para parangalan ka ay pag-aari mo at doon ka dapat sambahin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 44 Ipagpalagay na pinadala mo ang iyong bayan para labanan ang kanilang mga kaaway. At ipagpalagay na nananalangin sa iyo ang iyong bayan, kahit nasaan sila, at humarap sila sa lungsod na iyong pinili at sa templong dinulot kong maitayo para sa iyo.
|
|
\v 45 Kung ganon, makinig ka sa kalangitan sa kanilang mga panalangin. Makinig sa kanilang hinihiling para sa iyo na gawin, at tulungan sila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 46 Totoo na ang lahat ay nagkakasala. Kaya, ipagpalagay na ang iyong bayan ay nagkasala laban sa iyo at ikaw ay nagalit sa kanila. Maaari mong hayaan ang kanilang mga kaaway na talunin, sakupin, at dalhin sila palayo sa kanilang mga bansa, kahit sa mga bansang malalayo.
|
|
\v 47 At ipagpalagay na, habang ang iyong bayan ay nasa mga bansang kailangan nilang puntahan, sila ay matapat na nagsisi at nakiusap sa iyo na sinasabi, 'nagkasala kami at nakagawa kami ng mga bagay na napakasama.'
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 48 Ipagpalagay na sila'y totoo at taos-pusong nagsisisi, at humarap sa lupain na binigay mo sa aming mga ninuno. Ipagpalagay na sila ay humarap sa lungsod na pinili mo na maging lugar kung saan ka namin dapat sambahin, at tungo sa templong ito na dinulot kong maitayo para sa iyo. Ipagpalagay na sila'y manalangin sa iyo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 49 Kung ganon, makinig ka sa kanila mula sa tahanan mo sa kalangitan habang nagmamakaawa sila sa iyong tulong, at tulungan sila.
|
|
\v 50 Patawarin mo sila sa lahat ng kanilang nagawang kasalanan laban sa iyo at magdulot sa kanilang mga kaaway na maging mabuti sa kanila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 51 Huwag mong kalimutan na ang mga Israelita ay ang iyong bayan. Sila ang iyong namumukod tanging pag-aari. Inilabas mo ang aming mga ninuno mula sa Ehipto kung saan sila'y labis na nahihirapan na parang sila ay nasa nagliliyab na pugon.
|
|
\v 52 Hinihiling ko na lagi kang makinig sa iyong bayang Israel at sa kanilang hari, at pakinggan ang kanilang mga panalangin sa tuwing tinatawag ka nila para tulungan sila.
|
|
\v 53 Pinili mo sila mula sa lahat ng pangkat ng mga tao sa mundong pag-aari mo, na iyong sinabi kay Moises na sabihin sa kanila nang iyong dinala ang aming mga ninuno palabas ng Ehipto."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 54 Pagkatapos ipanalangin ni Solomon ito at humungi ng tulong kay Yahweh, tumayo siya sa harap ng altar kung saan siya nakaluhod. Itinaas niya ang kaniyang mga kamay.
|
|
\v 55 Pagkatapos ay hiniling niya sa Diyos na biyayaan ang bayan ng Israel. Nanalangin siya ng malakas, at sinabi,
|
|
\v 56 "Purihin si Yahweh, na siyang nagbigay sa atin ng kapayapaan, tulad ng kaniyang pinangakong gagawin. Ginawa niya ang bawat mabuting bagay na pinangako niya kay Moises, ang taong naglingkod sa kaniya ng matapat.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 57 Pinapanalangin ko na ang ating Diyos ay makasama natin tulad kung paano siya sa ating mga ninuno, at kailanman ay hindi niya tayo iiwanan.
|
|
\v 58 Panalangin ko na dulutin niya tayong maging matapat sa paglilingkod sa kaniya, para pamahalaan niya ang ating buhay gaya ng nais niya at para sundin ang lahat ng kaniyang mga kautusan at mga tuntunin at mga batas na kaniyang binigay sa ating mga ninuno.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 59 Panalangin kong hindi makalimutan ni Yahweh na ating Diyos ang mga salitang ipinanalangin ko, nakikiusap para sa kaniyang tulong. Panalangin kong isipin niya ito sa umaga at sa gabi. Pinapanalangin ko na lagi siyang kumilos ng may awa sa ating bayan ng Israel at tungo sa ating hari, binibigay sa ating ang mga bagay na kailangan natin araw-araw.
|
|
\v 60 Kung gagawin mo iyon, ang lahat ng tao sa mundong ito ay malalaman na ikaw, Yahweh, ay ang nag-iisang Diyos, at walang ibang Diyos.
|
|
\v 61 Pinapanalangin ko na ikaw, kaniyang bayan, ay laging magiging matapat kay Yahweh, at iyong susundin ang lahat ng kaniyang mga alituntunin at kautusan, gaya ng ginagawa niyo ngayon."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 62 Pagkatapos ang hari at lahat ng bayang Israel na nandoon ay nag-alay ng mga handog para kay Yahweh.
|
|
\v 63 Naghandog sila ng dalawampu't dalawang libong baka, at 120,000 tupa para maibalik ang pakiisa kay Yahweh. Pagkatapos ang hari at ang lahat ng tao ay hinandog ang templo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 64 Sa araw na iyon, ang hari ay inihandog ang gitnang bahagi ng patyo na nasa harap ng templo. Pagkatapos siya ay nag-alay ng mga handog na susunugin sa altar, ang mga handog na harina at taba ng mga hayop na inalay para maibalik ang pakikiisa kay Yahweh. Inalay sila doon dahil ang altar na tanso ay hindi kalakihan para sa lahat ng mga alay na susunugin sa araw na iyon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 65 Pagkatapos si Solomon at lahat ng bayang Israel ay nagdiwang ng Pista ng Kubol ng pitong araw at isa pang pito araw, labing apat na araw sa kabuuan. Mayroong malaking bilang ng tao doon, ang iba ay nagmula sa malayong mga lugar tulad ng Hamat sa malayong hilaga at hangganan ng Ehipto sa malayong timog.
|
|
\v 66 Sa huling araw, pinadala ni Solomon ang mga tao sa kanilang mga tahanan. Lahat sila ay nagpuri sa kaniya at umuwi ng masaya dahil sa lahat ng mga bagay na ginawa ni Yahweh para pagpalain si David at kaniyang bayang Israel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 9
|
|
\p
|
|
\v 1 Nang matapos ng mga manggagawa ni Solomon ang pagtatayo ng templo at sa kaniyang palasyo at sa lahat ng iba pang ninais niyang itayo,
|
|
\v 2 nagpakita si Yahweh sa kaniya sa isang panaginip sa ikalawang pagkakataon, kagaya ng pagpapakita sa kaniya sa lungsod ng Gabaon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Sinabi sa kaniya ni Yahweh, "dininig ko ang iyong panalangin at ang ipinaki-usap mong gawin ko. Inilaan ko ang templong ito para sa aking sarili, para ang aking presensiya ay mananatili dito magpakailanman.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 At para sa iyo, kung ikaw ay mamumuhay sa paraang nais ko, gaya ng ginawa ng iyong amang si David, at kung ikaw ay buong katapatang susunod sa lahat ng aking mga batas at mga tuntunin na iniutos kong sundin mo, gagawin ko ang ipinangako ko sa iyong ama.
|
|
\v 5 Ipinangako ko sa kaniya na ang Israel ay palaging pamumunuan ng kaniyang mga kaapu-apuhan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Pero kung ikaw o ang iyong mga kapu-apuhan ay tatalikod sa akin at susuway sa mga kautusan at mga tuntunin na aking naibigay sa inyo, at kung kayo ay magsisimulang sumamba sa ibang mga diyos,
|
|
\v 7 aalisin ko ang mga Israelita mula sa lupain na ibinigay ko sa kanila. Lalayasan ko rin ang templong ito na aking itinalaga. Sa gayon lahat ng tao sa lahat ng dako ay hahamakin ang Israel at pagkakatuwaan ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Kahit na napakaganda ang templong ito, darating ang panahon na lahat ng taong dadaan ay magtataka kapag nakita nila ito, at mapapasutsot sila at sasabihin, 'Bakit nagawa ito ni Yahweh sa lupain at templong ito?
|
|
\v 9 Sasagutin ito ng ibang tao, 'nangyari ito dahil iniwanan ng mga Israelita si Yahweh na kanilang Diyos, ang siyang naglabas sa kanilang mga ninuno sa Ehipto. Nagsimula silang tanggapin at sambahin ang ibang mga diyos. At iyon ang dahilan kung bakit ipinaranas sa kanila ni Yahweh ang mga ganitong kapahamakan,"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Nagtrabaho ang mga manggagawa ni Solomon ng dalawampung taon para itayo ang templo at ang palasyo.
|
|
\v 11 Si Hiram, ang hari ng lungsod ng Tiro, ay nakipag-ayos para sa kaniyang mga manggagawa para ibigay kay Solomon lahat ng cedar at mga pinong troso at lahat ng ginto na kaniyang kailangan para sa gawaing ito. Nang matapos ang lahat ng ito, binigyan ni Solomon si Hiram ng dalawampung lungsod sa rehiyon ng Galilea.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Pero noong nagpunta si Hiram mula sa Tiro patungo ng Galilea para makita ang mga lungsod na ibinigay sa kanya ni Solomon, hindi siya nasiyahan sa mga ito.
|
|
\v 13 Sinabi niya kay Solomon, "Aking kaibigan, ang mga lungsod na ibinigay mo sa akin ay walang halaga." Dahil doon, tinawag ni Hiram ang rehiyon na Walang Halaga.
|
|
\v 14 Binigyan lamang ni Hiram si Solomon ng apat na metrikong toneladang ginto para sa mga lungsod na iyon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Ito ay talaan ng gawain ng mga kalalakihang sapilitang pinagtrabaho ni Solomon. Pinilit silang itayo ang templo at ang kaniyang palasyo at itayo ang tabon na barikada sa silangang bahagi ng lungsod, at ang pader na nakapalibot sa Jerusalem, at muling itayo ang mga lungsod ng Hazor, Megido, at Gezer.
|
|
\v 16 Ang dahilan kung bakit kailangan nilang itayo muli ang Gezer ay dahil sinalakay at binihag ito ng hukbo ng hari ng Ehipto. Pagkatapos sinunog nila ang mga bahay sa lungsod at pinatay lahat ng tao na kabilang sa grupo ng mga taga Canaan na nakatira doon. Ang lungsod na iyon ay ibinigay ng hari ng Ehipto sa kaniyang anak na babae bilang regalo noong napangasawa niya si Solomon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Kaya itinayo muli ng mga manggagawa ni Solomon ang lungsod ng Gezer at muling itinayo ang lungsod ng Ibabang Beth-horon.
|
|
\v 18 Itinayo rin nila muli ang mga lungsod ng Baalat at Tamar sa ilang sa katimugang bahagi ng Juda.
|
|
\v 19 Itinayo rin nila ang mga lungsod na kung saan nila itinago ang kanilang mga kagamitan para kay Solomon, ang mga lugar kung saan inilagay ang kanilang mga kabayo at mga karwahe. Itinayo rin nilang lahat ng bagay na gusto niyang ipatayo, sa Jerusalem at sa Lebanon, at sa iba pang mga lugar kung saan siya namamahala.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 May mga grupo ng tao na kabilang sa mga Amoreo, Heteo, Perezeo, Hivita, at mga Jebuseo, na hindi pinatay noong mabihag ng mga Isrelita ang kanilang lupain.
|
|
\v 21 Ang kanilang mga kapu-apuhan ay nakatira pa rin sa Israel. Ito ang mga taong pinuwersa ni Solomon na maging mga alipin niya para itayo ang lahat ng mga lugar na iyon, at sila ay mga alipin pa rin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 22 Pero hindi pinuwersa ni Solomon ang sinumang Isrelita para maging alipin. Ilan sa kanila ay naging mga sundalo, tagapaglingkod, opisyales, pinuno ng hukbo, at pinuno ng kaniyang hukbo ng mga karwahe, at kanyang mga mangangabayo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 23 Mayroong 550 mga opisyales na nangasiwa sa mga alipin na nagtrabaho para itayo lahat ng mga lugar na iyon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 24 Pagkatapos ang asawa ni Solomon, na anak na babae ng hari ng Ehipto, ay lumipat mula sa isang bahagi ng Jerusalem na tinawag na lungsod ni David patungo sa palasyo na itinayo ng mga trabahador para sa kaniya, sinabi ni Solomon sa kaniyang mga trabahador na punuin ang lupa sa silangang bahagi ng lungsod.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 25 Tatlong beses sa isang taon ay nagdadala si Solomon ng mga handog sa templo para ganap na sunugin ng mga pari sa altar at mga handog para mangako ng pakikipagkaibigan kay Yahweh. Nagdala rin siya ng insenso para sunugin sa presensiya ni Yahweh. Ganito tinapos ng kaniyang mga tauhan ang pagtatayo ng templo
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 26 Ang mga manggagawa ni Haring Solomon ay gumawa rin ng maraming barko sa Ezion-Geber, na malapit sa lungsod ng Elat, na nasa baybayin ng dagat ng mga Tambo, sa lupain na pagmamay-ari ng grupo ng mga Idumeo.
|
|
\v 27 Nagpadala si Haring Hiram ng ilang dalubhasang manlalayag para pumunta sa mga barko kasama ang mga trabahador ni Solomon.
|
|
\v 28 Naglayag sila sa rehiyon ng Opir at nag-uwi para kay Solomon ng halos 14.5 metriko-toneladang ginto.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 10
|
|
\p
|
|
\v 1 Ang reyna na namumuno sa lupain ng Seba ay nabalitaan na idinulot ni Yahweh na maging tanyag si Solomon kaya naglakbay siya patungo sa Jerusalem para tanungin siya ng mga katanungan na mahirap sagutin.
|
|
\v 2 Dumating siya kasama ng isang malaking grupo ng mayayamang tao, at nagdala siya ng mga kamelyo na may kargang mga sangkap ng pampalasa, mga mamahaling bato, at napakaraming ginto. Noong makatagpo niya si Solomon, nagtanong siya tungkol sa lahat ng mga bagay na kung saan siya interesado.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Sinagot ni Solomon ang lahat ng kaniyang mga katanungan. Ipinaliwanag sa kanya ang bawat bagay na kanyang itinanong, kahit mga bagay na napakahirap.
|
|
\v 4 Napagtanto ng reyna na si Solomon ay napakarunong. Nakita niya ang kaniyang palasyo,
|
|
\v 5 nakita niya ang mga pagkain na inihahain sa kaniyang hapag kainan araw-araw, nakita niya kung saan nakatira ang kaniyang mga opisyales, ang kanilang mga uniporme, ang mga lingkod na naghahain ng pagkain at alak, at ang mga alay na dinadala niya sa templo para ihandog. Siya ay labis na namangha.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Sinabi niya sa hari, "Lahat ng bagay na aking nabalitaan sa aking sariling bansa tungkol sa iyo at kung gaano ka karunong ay totoo! Pero hindi ako naniwala na ito ay totoo hanggang sa dumating ako rito at nakita ko ito mismo.
|
|
\v 7 Pero ang katotohanan, ang mga sinabi nila sa akin ay wala pa sa kalahati ng mga pwede sana nilang sinabi sa akin tungkol sa iyo. Ikaw ay lubhang napakarunong at napakayaman, mas higit pa sa mga sinabi ng mga tao sa akin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Napakapalad ang iyong mga tauhan! At napakapalad ang iyong mga lingkod, na palaging nasa iyong harapan at nakakapakinig ng iyong karunungan!
|
|
\v 9 Purihin si Yahweh, ang iyong Diyos, na nagpapakita ng kaluguran sa iyo na naging dahilan para ikaw ay maging hari ng Israel! Palaging minamahal ng Diyos ang mga Israelita, kaya itinalaga ka niyang maging hari nila, para pamunuan mo sila nang may katarungan at katuwiran."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Pagkatapos ay ibinigay ng reyna sa hari ang mga bagay na dala-dala niya. nagbigay siya ng higit 4500 kilo ng ginto at malaking halaga ng pampalasa at mga mamahaling bato. Hindi na muling nakatanggap si Haring Solomon ng mas higit pang halaga ng mga pampalasa kaysa ibinigay sa kaniya ng reyna noong panahon na iyon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Sa mga barko na pag-aari ni Haring Hiram kung saan nagdala ng ginto mula sa Opir, nagdala rin sila ng maraming piraso ng kahoy na algum at mga mamahaling mga bato.
|
|
\v 12 Sinabi ni Haring Solomon sa kaniyang mga manggagawa na gamitin ang kahoy para gumawa ng mga poste sa templo at sa kaniyang palasyo, at para gumawa ng mga alpa at mga lira para sa mga musikero. Ang kahoy na iyon ay ang pinakamaraming piraso ng mainam na kahoy na nadala o nakita sa Israel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Ibinigay ni Haring Solomon sa reyna ng Seba ang lahat ng bagay na kaniyang maibigan. Ibinigay sa kaniya ang mga regalong iyon bilang karagdagan sa mga regalong lagi niyang ipinamimigay sa ibang pinunong bumibisita sa kanya. Pagkatapos ay umuwi na ang reyna at ang mga taong kasama niya sa kaniyang sariling lupain.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Bawat taon ay dinadalhan si Solomon ng may kabuuuang higit sa 23,000 kilong ginto.
|
|
\v 15 Iyon ay karagdagan sa mga buwis na ibinayad sa kaniya ng mga negosyante at mga mangangalakal, at mga taunang buwis na ibinayad ng mga hari ng Arabia at mga gobernador ng mga distrito ng Israel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Kinuha ng mga manggagawa ang gintong ito at pinukpok para maging maninipis na piraso at sa pamamagitan ng mga maninipis na pirasong gintong ito ay ipinambalot sa dalawang daang malalaking kalasag. Nilagyan nila ng halos 3.5 kilo ng ginto ang bawat isang kalasag.
|
|
\v 17 Gumawa ang kanyang mga manggagawa ng tatlong-daang mas maliliit na kalasag. Binalot ang bawat isa nito ng halos 1.7 kilo ng ginto. Pagkatapos inilagay ng hari ang mga kalasag na iyon sa Palasyo ng Kagubatan ng Lebanon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Gumawa rin ang kaniyang mga manggagawa ng isang malaking trono para sa kaniya. Ang ibang bahagi nito ay nababalutan ng garing, at ang ibang bahagi nito ay nababalutan ng napakataas na uri ng ginto.
|
|
\v 19 May anim na baytang sa harapan ng trono. May estatwa ng leon ang magkabilang gilid ng bawat baytang.
|
|
\v 20 Kaya sa kabuuan ay may labing-dalawang estatwa ng leon. Sa likuran ng trono ay pabilog sa tuktok. Sa magkabilang gilid ng trono ay may dantayan at sa tagiliran ng bawat dantayan ay may maliit na estatwa ng leon. Wala nang ibang tronong na tulad nito ang makikita sa alinmang kaharian.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 21 Lahat ng mga tasang iniinuman ni Solomon ay gawa sa ginto, at lahat ng ibat' ibang platong kainan sa Palasyo ng Kagubatan ng Lebanon ay gawa sa ginto. Hindi sila gumawa ng mga kasangkapan na yari sa pilak, dahil sa panahon ng pamumuno ni Solomon ay hindi itinuturing na mahalaga ang pilak.
|
|
\v 22 Maraming mga barko ang hari na naglayag kasama ang barko na pag-aari ni Haring Hiram. Tuwing ikatlong taon ay bumabalik ang mga barko sa mga lugar kung saan sila naglayag na may dalang ginto, pilak, garing, mga gorilya at mga malalaking unggoy.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 23 Naging napakayaman at napakarunong si Haring Solomon higit sa kahit sinong hari.
|
|
\v 24 Lahat ng tao sa buong mundo ay gustong pumunta at makinig sa mga karunungan na binigkas niya, mga bagay na inilagay ng Diyos sa kanyang isip.
|
|
\v 25 Lahat ng tao na pumupunta sa kanya ay nagdadala ng mga regalo. Nagdadala sila ng mga bagay na gawa sa pilak, o ginto, o mga balabal, o sandata, o pampalasa, o mga kabayo, o mga asno. Patuloy na ginagawa ito ng mga tao bawat taon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 26 Nagkaroon si Solomon ng 1,400 na mga karwahe at labing-dalawang libong mangangabayo. Inilagay sila ni Solomon sa Jerusalem at ang ilan sa kanila sa ibang mga lungsod kung saan inilalagay ang kanyang mga karwahe.
|
|
\v 27 Sa loob ng mga taon ng paghahari ni Solomon, naging pangkaraniwan ang pilak sa Jerusalem na gaya ng mga bato, at mga kahoy mula sa punong cedar ay kasing dami ng kahoy mula sa mga punong igos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 28 Ang mga kinatawan ni Solomon ay bumili ng mga kabayo at pinangasiwaan ang pagdadala ng mga ito sa loob ng Israel mula sa mga lugar ng Ehipto at Cilicia na kilala sa pagpapalahi ng mga kabayo.
|
|
\v 29 Bumili sila ng mga karwahe at mga kabayo sa Ehipto. Binayaran nila ng anim na raang piraso ng pilak ang bawat isang karwahe at 150 pirasong pilak ang bawat' isang kabayo. Dinala nila ang mga ito sa Israel. Pagkatapos ay ipinagbili ang karamihan dito sa mga hari ng mga Heteo at mga hari ng Aram.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 11
|
|
\p
|
|
\v 1 Nag-asawa si Haring Solomon ng maraming dayuhang babae. Una niyang naging asawa ang anak na babae ng hari ng Ehipto. Nag-asawa rin siya ng mga babaeng Heteo, mga Moabita, Ammonita, mga Edomita, at mga nagmula sa lungsod ng Sidon.
|
|
\v 2 Naging asawa niya ang mga iyon kahit na ipinag-utos ni Yahweh sa mga Israelita na nagsasabi, "Huwag mag-asawa ng mga taong magmumula sa mga lugar na iyon, dahil kung gagawin ninyo iyon, tiyak na hihikayatin nila kayo na sumamba sa mga diyos na kanilang sinasamba!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Pitong daang mga babae ang naging asawa ni Solomon na mga anak ng mga hari. Nagkaroon din siya ng tatlong daang asawa na dati niyang mga alipin. At ang kaniyang mga asawa ang dahilan kung bakit siya tumalikod sa pagsamba sa Diyos.
|
|
\v 4 Sa panahon ng kaniyang katandaan, hinikayat nilang sumamba siya sa mga diyos mula sa kanilang mga bansa. Hindi lubos ang kaniyang katapatan kay Yahweh ang kaniyang Diyos tulad ng kaniyang ama na si David.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Sinamba ni Solomon si Astarte, ang babaeng diyus-diosan na sinamba ng bayan ng Sidon, at sinamba niya si Milcom, ang karumaldumal na diyus-diyosan na sinamba ng mga Ammonita.
|
|
\v 6 Sa ganitong paraan ginawa ni Solomon ang maraming bagay na sinabi ni Yahweh na kasamaan. Hindi siya namuhay tulad ng kaniyang ama na si David; Hindi siya namuhay tulad ng nais ni Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Sa burol na nasa silangan ng Jerusalem ay nagpatayo siya ng lugar na sambahan kay Cemos, ang karumaldumal na diyus-diyosan na sinamba ng mga Moabita, at isang lugar na sambahan kay Molec, ang karumaldumal na diyus-diyosan na sinamba ng mga Ammonita.
|
|
\v 8 Nagpatayo rin siya ng mga lugar kung saan lahat ng kaniyang mga banyagang asawa ay maaring magpa-usok ng insenso at maghandog ng mga alay sa mga diyus-diyosan mula sa kani-kanilang mga sariling bansa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Kahit na si Yahweh, ang Diyos na sinasamba ng mga Israelita, ay nagpakita kay Solomon ng dalawang ulit,
|
|
\v 10 at inutusan siya na huwag sasamba sa mga diyus-diyosan ng mga dayuhan. Tumanggi si Solomon na sumunod kay Yahweh. Kaya nagalit si Yahweh kay Solomon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Sinabi sa kaniya ni Yahweh, Pinili mong suwayin ang aking tipan na ginawa ko para sa iyo at suwayin ang aking mga inutos sa iyo. Kaya tiyak na hindi kita papayagan na pamunuan ang lahat ng iyong kaharian. Pahihintulutan ko ang isa sa iyong mga pinuno para mamuno.
|
|
\v 12 Pero dahil sa ipinangako ko sa iyong amang si David, Pahihintulutan kitang pamunuan lahat ng iyong kaharian habang ikaw ay nabubuhay. Pagkatapos mong mamatay, Hindi ko papayagan ang iyong anak na lalaki na pamunuan ang buong kaharian.
|
|
\v 13 Pero hindi ko siya pipigilan pamunuan ang ilang bahagi ng kaharian. Papayagan ko siyang pamunuan ang isang lipi, dahil sa kung ano ang ipinangako ko kay David, na naglingkod ng mabuti sa akin at dahil nais ko na ang mga kaapu-apuhan ni David ang mamuno sa Jerusalem, kung saan matatagpuan ang aking templo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Dinulot ni Yahweh si Hadad, na mula sa pamilya ng mga hari ng mga Idumeo, na maghimagsik laban kay Solomon,
|
|
\v 15 Ang nangyari noong una, nang sakupin ng hukbo ni David ang Edom, ang pinuno ng kanyang hukbo na si Joab ay nagpunta doon para tumulong sa pagpapalibing sa mga napatay na mga sundalong Israelita sa labanan.
|
|
\v 16 Si Joab at ang kaniyang hukbo ay nanatili sa Edom ng anim na buwan, at sa panahon na iyon ay pinatay nilang lahat ang mga kalalakihan sa lugar na iyon.
|
|
\v 17 Bata pa si Hadad noong panahon na iyon, at siya ay nakatakas patungo sa Ehipto kasama ang ilang lingkod ng kaniyang ama mula sa Edom.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Pumunta sila sa rehiyon ng Midian, at pumunta sila sa disyertong lugar ng Paran. Mga ilang kalalakihan ang umanib sa kanila doon. Pagkatapos ay naglakbay silang lahat patungo sa hari ng Ehipto. Binigyan ng hari si Hadad ng ilang lupain at inutusan ang kaniyang mga lingkod para palagi siyang bigyan ng pagkain.
|
|
\v 19 Nagustuhan ng hari si Hadad. Bunga nito ay ibinigay sa kaniya ang kapatid na babae ng kaniyang sariling asawa, si Reyna Tapenes, na maging asawa ni Hadad.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Pagkatapos ay nagsilang ang asawa ni Hadad ng isang anak na lalaki at pinangalanang Genubat. Inalagaan siya ng kapatid ni Tapenes sa palasyo kung saan nakipamuhay siya kasama ang mga anak ng hari.
|
|
\v 21 Habang si Hadad ay nasa Ehipto, nabalitaan niya na namatay na si David, at namatay na rin si Joab, ang pinuno ng hukbo ni David. Kaya sinabi niya sa hari ng Ehipto, "Hayaan po ninyo akong bumalik sa aking sariling bansa."
|
|
\v 22 Pero sinabi sa kaniya ng hari, "Bakit gusto mong bumalik sa iyong bansa? Meron pa bang anumang bagay na kulang na gusto mong ibigay ko sa iyo?" Sumagot si Hadad, "Wala, pero pahintulutan po ninyo akong umalis." Kaya pinahintulutan siyang umalis ng hari, at bumalik siya sa kaniyang sariling bansa at naging hari ng Edom.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 23 Dinulot din ng Diyos ang isa pang lalaki na may pangalang Rezon, anak na lalaki ni Eliada, na maghimagsik laban kay Solomon. Tumakas si Rezon mula sa kanyang panginoon, si Haring Hadadezer sa lugar ng Zoba na nasa bandang hilaga ng Damasco.
|
|
\v 24 Pagkatapos si Rezon ay naging pinuno ng isang pangkat ng mga tulisan. Nangyari ito pagkatapos talunin ng hukbo ni David si Hadadezer at napatay din nilang lahat ang mga sundalo nito. Nagpunta si Rezon at ang kanyang mga tauhan sa Damasco at nagsimulang manirahan doon, at itininalaga siya ng mga mamamayan doon para maging hari nila.
|
|
\v 25 Sa buong panahong nabubuhay si Solomon, habang si Rezon ay namumuno hindi lamang sa Damasco kung hindi sa buong Aram, siya ay naging kaaway ng Israel at nagdulot ng kaguluhan para sa Israel gaya ng ginawa ni Hadad.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 26 Isa pang tao na naghimagsik laban kay Solomon ay isa sa kanyang mga opisyal na nagngangalang Jeroboam na anak ni Nebat. Siya ay mula sa lungsod ng Sereda sa rehiyon kung saan naninirahan ang lipi ni Efraim. Ang kaniyang ina ay isang balo na nagngangalang Serua.
|
|
\v 27 Ganito ang nangyari. Tinatabunan ng mga manggagawa ni Solomon ang lupain sa bandang silangan ng Jerusalem at inaayos ang mga pader sa paligid ng lungsod.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 28 Si Jeroboam ay isang binatang may kakayahan. Kaya noong makita ni Solomon ang kanyang kasipagan, itinalaga siya para mangasiwa sa lahat ng mga kalalakihan na pinuwersang magtrabaho sa mga lugar kung saan naninirahan ang mga lipi ni Manaseh at Efraim.
|
|
\v 29 Isang araw habang naglalakad si Jeroboam mag-isa sa kahabaan ng daan sa labas ng Jerusalem, sinalubong siya ng propetang Ahias mula sa lungsod ng Silo. Nakasuot si Ahias ng bagong balabal, na kaniyang hinubad
|
|
\v 30 at pinunit sa labindalawang piraso.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 31 Sinabi niya kay Jeroboam, "Kumuha ka ng sampung piraso para sa iyong sarili, dahil si Yahweh, ang Diyos na sinasamba naming mga Israelita, ay nagsasabi sa iyo, pipilasin ko ang kaharian mula kay Solomon, at itatalaga kitang maging hari ng sampung lipi ng Israel.
|
|
\v 32 Ang mga kaapu-apuhan ni Solomon ay maghahari pa rin ng isang lipi, alang-alang sa ipinangako ko kay David, isang tao na mabuting naglingkod sa akin, at alang-alang sa Jerusalem, ang lungsod na pinili ko mula sa lahat ng mga lungsod ng Israel para maging lungsod kung saan ako sasambahin ng aking bayan.
|
|
\v 33 Gagawin ko ito dahil tinalikuran ako ni Solomon at sumamba kay Astarte, ang babaeng diyus-diyosan na sinasamba ng mga taga Sidon, at kay Cemos, ang diyus-diyosan na sinasamba na mga Moabita, at si Milcom, ang diyus-diyosan na sinasamba ng mga Ammonita. Hindi siya namuhay gaya ng nais kong gawin niya. Hindi niya sinunod ang mga utos at mga tuntunin ko, gaya ng ginawa ng kaniyang ama na si David.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 34 Pero hindi ko aalisin ang buong kaharian mula sa kaniya. Pahihintulutan ko siyang pagharian ang buong Juda habang siya ay nabubuhay. Gagawin ko iyon dahil sa sa ipinangako kong gawin para kay David, na pinili kong maging hari, at siyang naglingkod sa akin nang mabuti, at laging sumunod sa aking mga kautusan at mga batas.
|
|
\v 35 Pero aalisin ko ang sampung lipi sa kaniyang kaharian at ibibigay ko ang mga iyon sa iyo para pagharian.
|
|
\v 36 Pahihintulutan kong pagharian ng isang anak na lalaki ni Solomon ang isang lipi, sa gayon ay isa sa kaapu-apuhan ni David ay palaging maghahari sa Jerusalem, ang lungsod na pinili ko kung saan ako sasambahin ng aking bayan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 37 Pahihintulutan kitang maging hari ng Israel, at maghahari ka sa lahat ng teritoryong gustuhin mo.
|
|
\v 38 Kung susundin mo ang lahat ng iuutos ko, at mamumuhay ka ayon sa nais ko, at kung gagawin mo kung ano ang sinasabi kong tama sa pamamagitan ng pagsunod sa aking mga batas at mga kautusan tulad ng ginawa ni David, ay tutulungan kita. Titiyakin ko na ang iyong mga kaapu-apuhan ay maghahari pagkatapos mong mamatay, gaya ng ipinangako kong gagawin para kay David.
|
|
\v 39 Dahil sa mga kasalanan ni Solomon, paparusahan ko ang mga kaapu-apuhan ni David, pero hindi ko sila patuloy na paparusahan magpakailanman.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 40 Nalaman ni Solomon kung ano ang sinabi Ahias kay Jeroboam, kaya sinikap niyang patayin si Jeroboam. Pero nakatakas si Jeroboam at pumunta sa Ehipto. Pumunta siya kay Sisak, ang hari ng Ehipto at nanatili sa kanya hanggang sa pagkamatay ni Solomon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 41 Ang talaan ng lahat ng iba pang mga bagay na ginawa ni Solomon, at lahat ng mga karunungang sinabi niya, ay nakasulat na sa Aklat ng mga Gawa ni Solomon.
|
|
\v 42 Naging hari siya ng Jerusalem at naging hari ng buong Israel sa loob ng apatnapung taon.
|
|
\v 43 Pagkatapos ay namatay si Solomon at inilibing siya sa isang bahagi ng Jerusalem na tinawag na lungsod ni David. Pagkatapos ay naging hari ang kaniyang anak na lalaki na si Rehoboam.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 12
|
|
\p
|
|
\v 1 Nagpunta sa lungsod ng Shekem ang buong bayan ng hilagang Israel para hirangin si Rehoboam na maging hari nila. Kaya nagpunta rin si Rehoboam doon.
|
|
\v 2 Nang si Jeroboam, ay nasa Ehipto pa, nabalitaan niya ang tungkol dito, siya ay nagbalik mula sa Ehipto patungo sa Israel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Ipinatawag siya ng mga pinuno ng mga hilagang lipi, at magkasama silang nagpunta para kausapin si Rehoboam. Sinabi nila sa kaniya,
|
|
\v 4 Pinilit kaming magtrabaho ng napakahirap ng iyong amang si Solomon, at kung papayagan mo kaming magtrabaho ng mas magaan, matapat ka naming paglilingkuran.
|
|
\v 5 Sumagot siya, "Umalis kayo, at magbalik sa ikatlong araw mula ngayon at ibibigay ko sa inyo ang aking katugunan." Kaya umalis ang mga pinuno at si Jeroboam.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Pagkatapos sumangguni si Haring Rehoboam sa kaniyang mga mas nakakatandang lalaki na nagpayo sa kaniyang amang si Solomon noong siya ay nabubuhay pa. Tinanong niya sila, "Ano ang nararapat kong sabihin para sagutin ang mga kalalakihang ito?
|
|
\v 7 Sumagot sila, "Kung nais mong paglingkuran ng mabuti ang bayang ito, magsalita ng mabuti sa kanila kapag sumagot ka. Kapag ginawa mo iyon, lagi ka nilang paglilingkuran ng matapat."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Pero binalewala niya kung ano ang ipinayo ng matatandang lalaki sa kaniya na gawin. Sa halip, sumangguni siya sa mga nakababatang lalaki na lumaking kasama niya, na ngayon ay kaniyang mga tagapayo.
|
|
\v 9 Sinabi niya sa kanila, "Ano ang masasabi ninyo na nararapat kong isagot sa mga kalalakihan na humihiling sa akin para bawasan ang trabaho na hiningi ng aking ama mula sa kanila?"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Sumagot sila, "Ito ang nararapat mong sabihin sa kanila: "Mas makapal ang hinliliit kong daliri kaysa sa baywang ng aking ama.
|
|
\v 11 Ang ibig kong sabihin inatasan kayo ng aking ama para magtrabaho ng mabigat. Pero gagawin kong mas mabigat ang mga pasanin na iyan. Ito ay parang nilatigo kayo ng aking ama, pero hahagupitin ko kayo sa pamamagitan ng mga alakdan."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Kaya pagkaraan ng tatlong araw, dumating muli si Jeroboam at ang lahat ng mga pinuno kay Rehoboam, na kaniyang sinabi na kanilang gawin.
|
|
\v 13 Binalewala ng hari ang payo ng mga matatandang lalaki at marahas na nagsalita sa mga pinuno ng Israelita.
|
|
\v 14 Sinabi niya sa kanila kung ano ang ipinayo ng mga nakababatang lalaki. Sinabi niya, "Binigyan kayo ng mabigat na mga pasanin na trabaho ng aking ama, pero bibigyan ko kayo ng mas mabibigat na mga pasanin. Para kayong hinampas niya ng mga latigo, pero hahampasin ko kayo ng mga alakdan!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Kaya hindi binigyan ng anumang pansin ng hari ang mga pinuno ng Israelita. Ngayon lahat ng ito ay nangyari para maaaring maganap kung ano ang nais ni Yahweh, kung ano ang sinabi niya kay propeta Ahias tungkol sa pagiging hari ni Jeroboam sa sampung lipi.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Nang malaman ng mga pinuno ng Israelita na hindi binigyan ng anumang pansin ng hari ang kanilang sinabi, sumigaw sila, "Wala kaming pakialam sa anumang bagay na may kinalaman sa kaapu-apuhang ito ni Haring David! Hindi namin bibigyang-pansin kung ano ang sinasabi nitong apong lalaki ni Jesse! Kayong bayan ng Israel, umuwi na tayo! Para naman sa kaapu-apuhan ni David, maaari niyang pamunuan ang sarili niyang lipi!" Kaya nag-uwian ang mga pinuno ng Israelita sa kani-kanilang mga tahanan.
|
|
\v 17 At pagkatapos noon, ang tanging higit na pinamunuan lamang ni Rehoboam na bayan ng Israelita ay ang mga nanirahan sa lupain ng lipi ng Juda.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Pagkatapos nagpunta si Haring Rehoboam kasama si Adoniram para makipag-usap sa mga Israelita. Si Adoniram ang lalaki na tagapangasiwa sa lahat ng mga lalaki na sapilitang pinagtatrabaho para kay Rehoboam. Pero pinatay siya ng mga Israelita sa pamamagitan ng pagbato sa kaniya. Nang mangyari iyon, mabilis na sumakay si Haring Rehoboam sa kaniyang karwahe at tumakas papuntang Jerusalem.
|
|
\v 19 Magmula noon, patuloy na naghihimagsik ang bayan ng mga hilagang lipi ng Israel laban sa mga kaapu-apuhan ni Haring David.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Nang mabalitaan ng bayan ng Israel na nakabalik na si Jeroboam mula sa Ehipto, siya ay inanyayahan nilang magpunta sa isang kapulungan, at doon siya ay hinirang nila para maging hari ng Israel. Ang bayan ng lipi ng Juda lamang ang nagpatuloy na naging matapat sa mga hari na nagmula kay Haring David.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 21 Nang dumating si Rehoboam sa Jerusalem, tinipon niya ang 180,000 mga pinakamagagaling na sundalo mula sa mga lipi ng Juda at Benjamin. Nais niyang labanan ang mga hilagang lipi ng Israel at talunin sila, para maaari niyang pamunuan muli ang lahat ng mga lipi ng kaniyang kaharian.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 22 Pero nagsalita ang Diyos kay propeta Semaias at ito ang sinabi sa kaniya:
|
|
\v 23 Lumakad ka at sabihin ito sa anak ni Solomon na si Rehoboam, ang hari ng Juda, at sa buong bayan ng mga lipi ng Juda at Benjamin at sa bayan mula sa hilagang lipi na naninirahan sa Juda.
|
|
\v 24 Pinasasabi ni Yahweh na hindi ninyo dapat labanan ang sarili ninyong mga kamag-anak, ang bayan ng Israel. Lahat kayo ay nararapat ng umuwi sa inyong tahanan. Anuman ang nangyari ay kalooban ni Yahweh na mangyari "Kaya nagpunta si Semaias at sinabi iyon sa kanila, at silang lahat ay nakinig kung ano ang iniutos sa kanila ni Yahweh na gawin, at sila ay umuwi sa kanilang tahanan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 25 Pagkatapos nagtayo ng mga pader ang mga manggagawa ni Jeroboam sa paligid ng lungsod ng Shekem sa burol ng bansa kung saan nanirahan ang mga kaapu-apuhan ni Efraim, at siya ay pansamantalang namahala mula doon. Pagkatapos siya at ang kaniyang mga manggagawa ay umalis doon at nagpunta sa lungsod ng Peniel, at nagtayo sila ng mga pader sa paligid ng lungsod na iyon.
|
|
\v 26-27 Pagkatapos sinabi ni Jeroboam sa kaniyang sarili, "Kung patuloy na magpupunta ang aking bayan sa Jerusalem at mag-aalay ng mga handog para kay Yahweh sa templo roon, hindi magtatagal sila ay magiging matapat muli kay Rehoboam, ang hari ng Juda, at papatayin nila ako."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 28 Kaya sumangguni siya sa kaniyang mga tagapayo, at pagkatapos ginawa niya kung ano ang kanilang iminungkahi. Sinabi niya sa kaniyang mga manggagawa na gumawa ng mga gintong rebulto ng dalawang guya. Pagkatapos sinabi niya sa bayan, "Kayo ay nagpupunta sa Jerusalem para sumamba ng mahabang panahon. Napakalaki ng pagsisikap na ginagawa ninyo para magpatuloy pumunta roon. Kayong bayan ng Israel, masdan ninyo! Ang mga rebultong ito ay ang mga diyos na naglabas sa aming mga ninuno mula sa Ehipto! Kaya maaari ninyong sambahin dito ang mga ito!"
|
|
\v 29 Sinabi niya sa kaniyang mga manggagawa na maglagay ng isa sa mga rebulto sa lungsod ng Bethel sa timog at isa sa lungsod ng Dan sa hilaga.
|
|
\v 30 Kaya ang ginawa ni Jeroboam ay nagdulot sa bayan para magkasala. Ilan sa kanila ay nagpunta at sinamba ang guya sa Bethel, at ang mga iba ay nagpunta at sumamba sa isang pang guya na nasa Dan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 31 Naipahayag ni Moises na tanging mga kalalakihan lamang mula sa lipi ni Levi ang maaaring maging mga pari, pero sinabi rin ni Jeroboam sa kaniyang mga manggagawa na itayo ang iba't-ibang mga dambana, at pagkatapos hinirang niya ang mga kalalakihan na hindi mula sa lipi ni Levi para maging mga pari.
|
|
\v 32 Sila ay mayroong isang pagdiriwang sa ika-walong buwan, ng ikalabing-limang araw, tulad ng pagdiriwang na paninirahan sa pansamantalang mga kanlungan na nagaganap sa Juda bawat taon. Sa dambana na kanilang itinayo sa Bethel, nag-alay siya ng mga handog sa mga gintong rebultong mga guya na kanilang ginawa, at itinalaga niya ang mga pari roon sa mga dambana na itinayo ng kaniyang mga manggagawa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 33 Umakyat si Jeroboam sa altar ng araw na iyon sa ika-walong buwan na siya mismo ang pumili. Doon sa altar na iyon nagsunog siya ng insenso para maging isang handog. At ipinahayag niya na dapat ipagdiwang ng bayan ang pistang iyon sa parehong araw bawat taon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 13
|
|
\p
|
|
\v 1 Isang araw isang propeta, na sumusunod kung ano ang iniutos sa kaniya ni Yahweh na gawin, nagpunta mula sa hilagang Juda patungong Bethel. Dumating siya roon na nagkataong nakatayo si Jeroboam sa altar, na handang magsunog ng insenso.
|
|
\v 2 Sinasabi kung ano ang sinabi sa kaniya ni Yahweh para sabihin, sumigaw ang propeta, "Ito ang pinasasabi ni Yahweh tungkol sa altar na ito, "Nais kong malaman ninyo na balang araw isang kaapu-apuhan ni Haring David ang isisilang. Ang kaniyang magiging pangalan ay Josias, at siya ay darating dito. Papaslangin niya sa altar na ito ang mga pari na nagsusunog ng insenso para sa mga paghahandog sa mga burol sa lugar na ito, at susunugin niya ang mga buto ng namatay na mga tao sa altar na ito."
|
|
\v 3 Pagkatapos sinabi rin ng propeta, "Ito ang magiging katunayan para sa iyo na si Yahweh ang nagsabi nito: Ang altar na ito ay mahahati, at ang mga abo na nandoon ay makakalat."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Nang marinig ni Haring Jeroboam na sinabi iyon ng propeta, itinuro niya ang kaniyang daliri sa kaniya at sinabi sa kaniyang mga lingkod, "Hulihin ninyo ang lalaking iyan!" Pero agad naging paralisado ang braso ng hari, na hindi niya maikilos ito.
|
|
\v 5 At agad nahati ang altar, at nagkalat ang mga abo sa lupa, na kung saan sinabi ng propeta na hinulaan ni Yahweh na maaaring mangyari.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Pagkatapos sinabi ng hari sa propeta, "Kung maaari ipanalangin mo na maawa si Yahweh sa akin at pagalingin ang aking braso!" Kaya nanalangin ang propeta, at ganap na pinagaling ni Yahweh ang braso ng hari.
|
|
\v 7 Pagkatapos sinabi ng hari sa propeta, "Sumama ka sa aking tahanan at kumain ka. At bibigyan din kita ng isang gantimpala para sa iyong nagawa!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Pero sumagot ang propeta, "Kahit ipangako mong ibibigay sa akin ang kalahati ng lahat ng bagay na pag-aari mo, hindi ako sasama sa iyo, at hindi ako kakain o iinom nang anumang bagay sa iyo dito,
|
|
\v 9 dahil iniutos sa akin ni Yahweh huwag akong kumain o uminom ng anumang bagay dito. Iniutos niya rin sa akin na huwag bumalik pauwi sa daan na pinanggalingan ko.
|
|
\v 10 Kaya nagsimula siyang umuwi, pero hindi siya dumaan sa pinanggalingan niya sa Bethel. Dumaan siya sa ibang daan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Sa panahon na iyon mayroong isang matandang lalaki na naninirahan sa Bethel na isa ring propeta. Dumating ang kaniyang mga anak na lalaki at sinabi sa kaniya kung ano ang nagawa doon ng propeta mula sa Juda sa araw na iyon, at sinabi rin nila sa kaniya kung ano ang sinabi ng propeta sa hari.
|
|
\v 12 Sinabi ng kanilang ama, "Saang daan siya nagpunta?" Kaya itinuro ng kaniyang mga anak na lalaki ang daan kung saan nanggaling ang propeta mula sa Juda nang siya ay umalis ng Bethel.
|
|
\v 13 Pagkatapos sinabi niya sa kaniyang mga anak na lalaki, "Ihanda ninyo ang aking asno." Kaya ginawa nila iyon, at sumakay siya sa asno.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Tinungo niya ang daan para hanapin ang propeta na mula sa Juda. Siya ay natagpuan niyang nakaupo sa ilalim ng isang puno ng ensena. Sinabi niya sa kaniya, "Ikaw ba ang propetang nanggaling mula sa Juda?" Sumagot siya, "Oo, ako nga."
|
|
\v 15 Sinabi ng matandang propeta sa kaniya, "Sumama ka sa aking tahanan at kumain."
|
|
\v 16 Sumagot siya, "Hindi ako maaaring sumama sa iyo sa inyong bahay, o kumain o uminom ng anuman sa inyo,
|
|
\v 17 dahil sinabi sa akin ni Yahweh, "Huwag kang kakain o iinom ng anuman dito, at huwag kang bumalik pauwi sa iyong dinaanan kung saan ka nanggaling.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Pagkatapos sinabi sa kaniya ng matandang propeta, "Ako ay isa ring propeta, tulad mo. Nagpadala si Yahweh ng isang anghel para sabihin sa akin na dapat kitang isama sa aking tahanan at bigyan kita ng makakain at maiinom." Pero nagsisinungaling ang matandang propeta nang sinabi niya iyon.
|
|
\v 19 Pero dahil sa sinabi ng matandang propeta, bumalik kasama niya ang propeta mula sa Juda sa kaniyang tahanan at kumain at uminom ng tubig kasama siya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Habang sila ay nakaupo sa hapagkainan, nagsalita si Yahweh sa matandang lalaki.
|
|
\v 21 Pagkatapos siya ay sumigaw sa propeta mula sa Juda, Ito ang sinasabi ni Yahweh: "Ikaw ay sumuway sa kaniya, at hindi mo nagawa kung ano ang kaniyang iniutos sa iyo para gawin.
|
|
\v 22 Sa halip, bumalik ka dito at may mga bagay na kinain at ininom sa isang lugar kung saan iniutos niya sa iyo na hindi gawin iyon. Bilang bunga, ikaw ay papatayin, at ang iyong katawan ay hindi maililibing sa libingan kung saan nakalibing ang iyong mga ninuno."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 23 Pagkatapos nilang kumain, inihanda ng matandang lalaki ang asno para sa propeta mula sa Juda, at umalis ang propeta mula sa Juda.
|
|
\v 24 Pero sa kaniyang pagpapatuloy, isang leon ang nakasalubong niya at pinatay siya. Ang bangkay ng propeta ay nakahiga sa daan; nakatayo ang asno sa tabi nito, at nakatayo rin ang leon sa tabi ng bangkay.
|
|
\v 25 Ilang kalalakihan ang napadaan at nagulat sa nakitang bangkay na nasa daan at ang leon na nakatayo sa tabi ng bangkay. Kaya sila ay nagpunta sa Bethel at ibinalita kung ano ang kanilang nakita.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 26 Nang mabalitaan ito ng matandang lalaki na nagsama sa propeta mula sa Juda sa kaniyang tahanan, sinabi niya, "Iyon ang propeta na sumuway kung ano ang sinabi ni Yahweh sa kaniya na gawin! Kaya nga pinahintulutan ni Yahweh na lusubin at patayin siya ng leon. Iyon ang sinabi ni Yahweh na mangyayari!"
|
|
\v 27 Pagkatapos sinabi niya sa kaniyang mga anak na lalaki, "Ihanda ninyo ang aking asno."Kaya ginawa nila iyon.
|
|
\v 28 Pagkatapos sumakay siya sa asno at natagpuan ang bangkay ng propeta sa daanan, at ang kaniyang asno at ang leon ay nakatayo pa rin doon sa tabi ng bangkay. Pero hindi kinain ng leon ang anumang laman ng propeta at hindi sinaktan ang asno.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 29 Kinuha ng matandang lalaki ang bangkay ng propeta at isinakay ito sa kaniyang asno at ibinalik ito sa Bethel, para magluksa at mailibing ang kaniyang bangkay.
|
|
\v 30 Inilibing niya ang bangkay ng propeta sa libingan kung saan nakalibing ang ibang miyembro ng pamilya niya. Pagkatapos siya at ang kaniyang mga anak na lalaki ay nagluksa para sa kaniya, na sinasabing, "Aming ikinalulungkot, aking kapatid!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 31 Pagkatapos siyang mailibing, sinabi ng matandang lalaki sa kaniyang mga anak, "Kapag ako ay namatay, ilibing ninyo ang aking bangkay sa libingan kung saan inilibing ang propeta mula sa Juda. Ihiga ninyo ang aking bangkay sa tabi ng kaniyang bangkay.
|
|
\v 32 At huwag kalilimutan kung ano ang kaniyang sinabi, mga bagay na sinabi sa kaniya ni Yahweh na sasabihin tungkol sa altar sa Bethel at kung ano ang sinabi sa kaniya ni Yahweh na sasabihin tungkol sa mga dambana sa mga bayan sa Samaria. Ang mga bagay na iyon ay tiyak na mangyayari."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 33 Pero hindi pa rin tumalikod si Haring Jeroboam mula sa patuloy na paggawa ng mga masasamang bagay na kaniyang ginagawa. Sa halip, naghirang pa siya ng mas marami pang mga pari mula sa mga kalalakihan na hindi nagmula kay Levi. Hinirang niya bilang pari ang sinuman na sumang-ayon na maging pari, para maaari siyang makapag-alay ng mga handog sa mga altar.
|
|
\v 34 Dahil ginawa niya ang kasalanang iyon, pagkalipas ng ilang taon tinanggal ng Diyos ang halos lahat ng kaapu-apuhan ni Jeroboam at hindi sila pinahintulutan na maging mga hari ng Israel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 14
|
|
\p
|
|
\v 1 Sa panahong iyon, malubhang nagkasakit ang anak ni Jeroboam na si Abias.
|
|
\v 2 Sinabi ni Jeroboam sa kaniyang asawa, "Magpanggap ka sa gayon walang sinuman ang makakakilala sa iyo na ikaw ang aking asawa. Pagkatapos magpunta ka sa lungsod ng Silo, kung saan naninirahan ang propetang Ahias. Siya ang humula na ako ang magiging hari ng Israel.
|
|
\v 3 Magdala ka ng sampung tinapay at ilang lapad na mga maliliit na keyk, at isang garapong pulot, at ibigay ang mga ito sa kaniya. Sabihin mo sa kaniya ang tungkol sa ating anak, at sasabihin niya sa iyo kung ano ang mangyayari sa kaniya."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Kaya nagpunta sa Silo ang kaniyang asawa, sa bahay ni Ahias. Hindi na makakita si Ahias, dahil napakatanda na niya at bulag na.
|
|
\v 5 Pero bago pa siya dumating doon, sinabi ni Yahweh kay Ahias na darating ang asawa ni Jeroboam para magtanong tungkol sa kanilang anak, na may malubhang karamdaman. At sinabi ni Yahweh kay Ahias kung ano ang dapat sabihin sa kaniya. Nang siya ay dumating, nagpanggap siya na ibang babae.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Pero nang marinig ni Ahias ang mga yabag ng kaniyang mga paa habang siya ay pumapasok sa pasukan, sinabi niya sa kaniya, "Pumasok ka, ikaw na asawa ni Jeroboam! Bakit ka nagpanggap na ikaw ay ibang tao? Ipinaalam sa akin ni Yahweh ang masamang balita para sabihin ko sa iyo.
|
|
\v 7 Lumakad ka at sabihin mo kay Jeroboam na ito ang nais ni Yahweh, ang Diyos na sinasamba naming mga Israelita, sinasabi niya sa iyo: "Pinili kita sa kalagitnaan ng mga karaniwang mga tao at ginawa kitang maging hari ng bayan kong Israel.
|
|
\v 8 Inalis ko ang malaking bahagi sa kaharian ng Israel mula sa kaapu-apuhan ni David at ibinigay ko sa iyo. Pero hindi ka naging katulad ni David, na naglingkod ng napakabuti sa akin. Sinunod niya ang lahat ng aking mga utos ng buong puso, ginagawa lamang ang mga bagay na matuwid.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Pero higit kang nakagawa ng mga masasamang bagay kaysa sa lahat ng mga naunang namuno sa iyo. Tinanggihan mo ako, at idinulot mo na ako ay lubhang magalit sa pamamagitan ng ginagawa mong mga imaheng bakal ng ibang mga diyos sa gayon ikaw at ang iba ay maaaring sumamba sa kanila.
|
|
\v 10 Kaya, Ako ay magdudulot ng kakila-kilabot na mga bagay na mangyayari sa iyong pamilya. Idudulot kong mamatay ang lahat ng mga kaapu-apuhan mong lalaki, kabataan at mga matatanda. Lubos kong lilipulin ang iyong pamilya tulad lamang ng isang lalaking lubos na nagsusunog ng dumi para magluto ng kaniyang pagkain.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Ang mga bangkay ng sinumang miyembro ng iyong pamilya na namatay sa mga lungsod ay kakainin ng mga aso. At ang mga bangkay ng sinumang miyembro ng iyong pamilya na namatay sa labas ng bukid ay kakainin ng mga buwitre. Tiyak na mangyayari ito dahil Ako, si Yahweh, ang nagsabi na ito ay mangyayari.
|
|
\v 12 Kaya umuwi ka na. At sa sandaling pumasok ka sa lungsod, mamamatay ang iyong anak.
|
|
\v 13 Ipagluluksa siya ng buong bayan ng Israel at siya ay ililibing. Siya lamang ang tangi sa pamilya ni Jeroboam na maililibing ng maayos, dahil siya lamang ang tangi sa pamilya ni Jeroboam na ganap na kinaluluguran ni Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Kung kaya, maghihirang ng isang hari si Yahweh para sa kaniyang sarili para mamuno sa buong Israel na magtatanggal sa mga kaapu-apuhan ni Jeroboam. At iyan ay magsisimulang mangyari ngayon!
|
|
\v 15 Parurusahan ni Yahweh ang bayang Israel. Liligligin sila tulad ng hangin na lumiliglig sa tambo na lumalaki sa isang batis. Paaalisin niya ang bayang Israel mula sa masaganang lupaing ito na ibinigay niya sa aming mga ninuno. Sila ay ikakalat niya sa mga bansang silangan ng Ilog Eufrates, dahil idinulot nilang siya ay lubhang magalit sa pamamagitan ng paggawa ng mga poste para sambahin ang diyus-diyosang si Asera.
|
|
\v 16 Pababayaan ni Yahweh ang bayan ng Israel dahil sa mga kasalanan na ginawa ni Jeroboam, mga kasalanang nagbuyo sa bayan ng Israel para gawin nila."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Bumalik ng tahanan sa lungsod ng Tirsa ang asawa ni Jeroboam, ang bagong kabisera ng Israel. At sa pagpasok ng kaniyang bahay, namatay ang kaniyang anak.
|
|
\v 18 Pinagluksa siya ng buong bayang Israel at siya ay inilibing, tulad ng sinabi ni Yahweh sa kaniyang lingkod, na si propeta Ahias, na mangyayari.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Lahat ng bagay na ginawa ni Jeroboam, at ang talaan ng mga digmaan na nilabanan ng kaniyang hukbo, at paano siya namuno, ay nakasulat sa Aklat ng mga Kaganapan ng mga Hari ng Israel.
|
|
\v 20 Namuno si Jeroboam ng dalawampu't-dalawang taon. Pagkatapos siya ay namatay, at ang kaniyang anak na si Nadab ang naging hari.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 21 Ang anak ni Solomon na si Rehoboam ang namuno sa Juda. Siya ay apatnapu't-isang taong gulang nang magsimula siyang mamuno at labing-pitong taon siyang namuno. Namuno siya sa Jerusalem, ang lungsod na pinili ni Yahweh sa lahat ng mga lipi ng Israel na magiging lugar kung saan siya nararapat sambahin. Ang pangalan ng ina ni Rehoboam ay Naama. Siya ay mula sa pangkat ng taga-Ammon.
|
|
\v 22 Ang bayan ng Juda ay gumawa ng maraming mga bagay na sinabi ni Yahweh na masama. Siya ay kanilang ginalit dahil gumawa sila ng higit na mga kasalanan kaysa sa ginawa ng kanilang mga ninuno. Sumamba sila sa napakaraming mga diyos sa halip na si Yahweh lamang ang kanilang sasambahin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 23 Sila ay nagtayo ng mga lugar para sambahin ang mga diyos na iyon. Sa matataas na mga burol at sa ilalim ng malalaking mga puno, naglagay sila ng mga haligi at poste para sambahin si Asera.
|
|
\v 24 Gayundin, mayroong mga bayarang lalaki sa mga lugar na ito ng pagsamba. Gumawa ng parehong mga kahiya-hiyang bagay ang bayang Israel na nagawa ng bayan na pinatalsik ni Yahweh habang ang mga Israelita ay patungo sa lupain.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 25 Nang naghahari si Rehoboam nang halos limang taon, dumating si Haring Shishak ng Ehipto kasama ang kaniyang hukbo para lusubin ang Jerusalem.
|
|
\v 26 Sinamsam nila ang lahat ng mga mahahalagang bagay sa templo at sa palasyo ng hari, kasama ang mga gintong kalasag na ginawa ng mga manggagawa ni Solomon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 27 Gumawa ng mga tansong kalasag ang mga manggagawa ni Haring Rehoboam para palitan nila at inilagay ito sa mga kamay ng mga opisyal na nagbantay sa pasukan ng palasyo ng hari.
|
|
\v 28 Tuwing nagpupunta ang hari sa loob ng templo, dala ng mga bantay ang mga kalasag na iyon, at kapag nakaalis na siya sa templo ibinabalik nila ang mga kalasag sa bodega.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 29 Lahat ng bagay na nagawa ni Rehoboam ay nasusulat sa Aklat ng mga Kaganapan ng mga Hari ng Juda.
|
|
\v 30 May mga digmaang nagpapatuloy sa pagitan ng mga hukbo ni Rehoboam at Jeroboam.
|
|
\v 31 Pagkatapos namatay si Rehoboam, at siya ay inilibing sa bahagi ng Jerusalem na tinatawag na lungsod ni David, kung saan inilibing ang kaniyang mga ninuno. Pagkatapos ang kaniyang anak na si Abias ang naging hari.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 15
|
|
\p
|
|
\v 1 Pagkatapos na maging hari ni Jeroboam sa Israel ng halos labing walong taon, naging hari si Abiam sa Juda.
|
|
\v 2 Naghari siya sa loob nga tatlong taon sa Jerusalem. Ang pangalan ng kaniyang ina ay Maaca, ang anak ni Absalom.
|
|
\v 3 Ginawa ni Abiam kung ano ang ginawa ng kaniyang ama. Hindi siya lubos na nagpasakop kay Yahweh na kaniyang Diyos, na tulad ng ginawa ni David na kaniyang ninuno.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Pero, dahil sa ipinangako ni Yahweh na kaniyang Diyos kay David, binigyan ni Yahweh si Abiam ng isang anak para pamunuan ang Jerusalem pagkatapos niya, at para protektahan ang Jerusalem laban sa mga kaaway niya.
|
|
\v 5 Ginawa ni Yahweh iyon dahil laging ginagawa ni David ang nakakalugod kay Yahweh at dahil laging sumusunod si David kay Yahweh. Ang nag-iisang pagkakataon na sinuway ni David si Yahweh ay noong pinapatay niya si Urias dahil sa kasalanan niya kay Batseba.
|
|
\v 6 May mga digmaan sa pagitan ng mga hukbo nila Rehoboam at Jeroboam noong mga panahon na naghahari si Abiam.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Lahat ng mga ginawa ni Abiam ay nakasulat sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Juda.
|
|
\v 8 Namatay si Abiam at inilibing sa lugar sa Jerusalem na tinatawag na lungsod ni David, at ang kaniyang anak na si Asa ang pumalit sa kaniya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Matapos na maging hari si Jeroboam sa Israel ng halos dalawampung taon, nagsimulang mamuno si Asa sa Juda.
|
|
\v 10 Namuno siya sa Jerusalem ng apatnapu't isang taon. Ang kaniyang lola ay si Maaca, ang anak ni Absalom.
|
|
\v 11 Ginawa ni Asa ang nakalulugod kay Yahweh, na tulad ng ginawa ni David.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Tinanggal niya sa mga sambahan ng mga diyus-diyosan ang mga bayarang lalaki, at tinanggal niya rin ang mga diyus-diyosan na ginawa ng kaniyang mga ninuno.
|
|
\v 13 Tinanggal niya rin ang kaniyang lola para hindi na ito maka-impluwensiya sa gobyerno dahil sa pagiging ina ng nakalipas na hari. Ginawa niya iyon dahil ang kaniyang lola ay nagtayo ng isang kahoy na rebulto ng diyosang si Asera. Sinabihan ni Asa ang kaniyang mga manggagawa na putulin at sunugin ang rebulto sa lambak ng Kidron.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Hindi niya nagawang sirain ang lahat ng lugar na pinagsasambahan nila kay Asera, pero patuloy siyang naging tapat kay Yahweh habang siya ay nabubuhay.
|
|
\v 15 Sinabi niya sa kaniyang mga manggagawa na ilagay sa templo lahat ng mga kagamitan na itinalaga ng kaniyang ama, at ilagay ang mga ginto at pilak na itinalaga niya sa Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 May digmaan sa pagitan ng mga hukbo ni haring Baasa at haring Asa habang sila ay namumuno.
|
|
\v 17 Sinakop ng hukbo ni Baasa ang Juda. Nasakop nila ang Rama sa bandang hilaga ng Jerusalem. Nagtayo sila ng pader doon para pigilan ang mga taong makapasok at makalabas sa lugar na pinaghaharian ni Asa sa Juda.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Kaya sinabihan ni haring Asa ang kaniyang mga lingkod na kunin ang mga pilak at ginto sa templo at palasyo at ibigay sa kaniyang mga opisyales. Sinabi niya sa kanila na dalhin ito sa Damasco kay Haring Ben Hadad ng Aram. Si Ben Hadad ang Anak ni Tabrimon at apo ni Hezion. Sinabi niya sa kaniyang mga opisyales:
|
|
\v 19 "Gusto kong magkaroon tayo ng kasunduang pangkapayapaan, na tulad ng mayroon sa ating mga ama. Kaya ko ibinibigay sa iyo ang mga ginto at pilak na ito. Kaya putulin mo na ang kasunduan mo kay Baasa, Hari ng Israel, para hindi na salakayin ng kaniyang mga hukbo ang aking hukbo, dahil siya ay matatakot sa iyong hukbo."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Kaya pumunta at ibinigay ng mga opisyales ang mensahe kay Ben Hadad, at ginawa niya ang iminungkahi ni Asa. Pinadala niya ang mga pinuno ng kaniyang hukbo at ang kanilang mga sundalo para salakayin ang ilan sa mga bayan ng Israel. Nakubkob nila ang Ihon, Dan, Abel, Bet Maaca, ang mga karatig lugar ng Dagat ng Galilea, at ang buong lupain ng Neftali.
|
|
\v 21 Nang marinig iyon ni Baasa, sinabihan niya ang kaniyang mga sundalo na tumigil sa pagtatayo ng Rama. Si Haring Baasa kasama ng kaniyang mga sundalo ay bumalik sa Tirza at namalagi doon.
|
|
\v 22 Pagkatapos nito, nagpadala si Haring Asa ng mensahe para sa lahat ng mamamayan ng mga bayan sa Juda, na nagsasabing lahat sila ay inaatasan na pumunta sa Rama at kuhanin lahat ng mga bato at troso na ginamit ng mga sundalo ni Baasa para magtayo ng pader sa paligid ng lungsod. Gamit ang mga bato at trosong iyon, pinatatag nila ang lungsod ng Mizpah sa hilagang Jerusalem, at Geba, isang bayan sa teritoryo ng tribo ng Benjamin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 23 Lahat ng ginawa ni Asa, ang mga hukbo na natalo ng kaniyang mga sundalo, at ang pangalan ng mga lungsod na kaniyang pinatatag, ay nakatala sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Juda. Pero nang tumanda na si Asa, nagkaroon siya ng sakit sa paa.
|
|
\v 24 Namatay siya at nilibing sa lugar na pinaglibingan ng kaniyang mga ninuno sa bahagi ng Jerusalem na ang tawag ay lungsod ni David. Pagkatapos ang kaniyang anak na si Jehosafat ang naging hari.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 25 Pagkatapos ng dalawang taon na paghahari ni Asa, hari ng Juda, ang anak ni Jeroboam na si Nadab ay nagsimulang mamuno sa Israel. Namuno siya ng dalawang taon.
|
|
\v 26 Marami siyang ginawang mga bagay na sinabi ni Yahweh na masasama. Ang kaniyang gawi ay makasalanan na tulad rin ng gawi ng kaniyang ama, at hinikayat niya ang mamamayan ng Israel para magkasala.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 27 Isang lalaki na nagngangalang Baasa, mula sa tribo ni Isacar, ang nagbalak na saktan siya. Pinatay niya si Nadab noong si Nadab at mga sundalo nito ay pinalibutan ang lungsod ng Gibeton sa rehiyon ng Filisteo.
|
|
\v 28 Iyon ay noong si Asa ay naghahari na ng tatlong taon sa Juda. Pagkatapos, si Baasa ang naging hari ng Israel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 29 Sa sandaling siya ay naging hari, ipinagutos niya na patayin ang buong pamilya ni Jeroboam. Ito ay para matupad kung ano ang sinabi ni Yahweh kay propetang Ahias ng Shiloh. Wala ni isa sa kanila ang natira.
|
|
\v 30 Nangyari iyon dahil nagalit ng lubos si Yahweh kay Jeroboam dahil sa lahat ng kasalanang ginawa niya, at dahil sa mga kasalanang ginawa ng bayan ng Israel dahil sa panghihikayat niya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 31 Ang lahat ng mga ginawa ni Nadab ay nakasulat sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Israel.
|
|
\v 32 May mga digmaang nagaganap sa pagitan ng mga hukbo ni Haring Asa at Haring Baasa sa lahat ng panahon ng kanilang paghahari.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 33 Matapos ang tatlong taong paghahari ni Asa, si Baasa anak ni Ahias, ay nagsimulang mamuno sa Israel sa lungsod ng Tirza. Namuno siya ng dalawampu't apat na taon.
|
|
\v 34 Gumawa siya ng maraming bagay na sinabi ni Yahweh na masasama, at ang kaniyang gawi ay makasalanan na tulad ng kaniyang ama, at hinikayat niya na magkasala ang bayan ng Israel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 16
|
|
\p
|
|
\v 1 Noong si Baasa ang hari ng Israel, ang propetang si Jehu na anak ni Hanani ay ipinaabot kay Baasa ang mensahe mula kay Yahweh:
|
|
\v 2 "Hindi ka tanyag nang ginawa kitang pinuno ng aking bayang Israel. Pero ginalit mo ako sa paggawa mo ng mga masasamang bagay na ginawa rin ni Jeroboam. Ginalit mo rin ako dahil sa paghikayat mo sa aking bayan na magkasala.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Kaya ngayon, aalisin kita at ang iyong pamilya. Gagawin ko rin sa iyo kung ano ang ginawa ko kay Jeroboam at sa kaniyang pamilya.
|
|
\v 4 Ang mga katawan ng iyong pamilya na namatay dito sa lungsod ay hindi ililibing. Sila ay kakainin ng mga aso, at ang mga katawan ng mga namatay sa bukirin ay kakainin ng mga buwitre.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Ang iba pang mga bagay na ginawa ni Baasa noong namumuno siya sa Israel, at ang mga dakilang bagay na ginawa ng kaniyang hukbo, ay nakasulat sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Israel.
|
|
\v 6 Noong mamatay si Baasa, siya ay nilibing sa Tirza, ang punong lungsod. Pagkatapos, naging hari ang kaniyang anak na si Ela.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Binigay ni Yahweh ang mensahe patungkol kay Baasa at sa kaniyang pamilya kay propetang Jehu. Gumawa ng maraming bagay si Baasa na itinuturing ni Yahweh na masama, na kaniyang ikinagalit. Ginawa rin ni Baasa ang mga ginawa ni Haring Jeroboam at ang ginawa ng kaniyang pamilya noon. Nagalit din si Yahweh dahil pinatay niya lahat ng pamilya ni Jeroboam.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Pagkatapos ni Asa na maging hari sa Juda nang dalawampu't anim na taon, naging hari ng Israel si Ela. Namuno si Ela sa Tirza ng dalawang taon lamang.
|
|
\v 9 Isang lalaki na ang pangalan ay Zimri ang isa sa mga opisyal ng hukbo ni Ela. Siya ang pinuno ng kalahati sa mga karwaheng pandigma ni Ela. Nagbalak siyang patayin si Ela habang siya ay nasa Tirza, na nagpapakalasing sa bahay ni Arza. Si Arza ang taga-pangalaga ng mga kagamitan sa palasyo ng hari.
|
|
\v 10 Pumunta si Zimri sa bahay ni Arza at pinatay si Ela. Pagkatapos, siya ang naging hari ng Israel. Nangyari ito noong si Asa ang naghahari sa Juda nang dalawampu't pitong taon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Nang maging hari si Zimri, pinatay niya lahat ng pamilya ni Baasa. Pinatay niya lahat ng mga kalalakihan sa pamilya ni Baasa at lahat ng mga kaibigang lalaki ni Baasa.
|
|
\v 12 Pinatay niya lahat ng pamilya ni Baasa. Natupad ang siyang sinabi ni Yahweh kay propetang Jehu na mangyayari.
|
|
\v 13 Nagkasala si Baasa at ang kaniyang anak na si Ela at hinikayat ang mga Israelita na magkasala. Ginalit nila si Yahweh, ang Diyos na sinasamba ng mga Israelita, dahil pareho nilang hinikayat ang mga tao na sumamba sa mga walang kuwentang diyus-diyosan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Ang lahat ng ginawa ni Ela ay nakasulat sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Israel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Kaya si Zimri ay naging hari ng Israel noong si Asa ang hari ng Juda nang dalawampu't pitong taon. Pero namuno lang si Zimri sa Tirza ng pitong araw. Ang hukbo ng mga Israelita ay sinasalakay ang Gibea, isang bayan na sakop ng Filisteo.
|
|
\v 16 Nabalitaan ng hukbo na nasa kampo, na binalak ni Zimri na patayin si Ela at pinatay niya nga. Kaya sa araw na iyon hinirang ng mga tao si Omri, ang pinuno ng kanilang hukbo na maging hari ng Israel.
|
|
\v 17 Nagkakampo ang Israel malapit sa Gibeton. Nang marinig nila ang ginawa ni Zimri, iniwan nila iyon at bumalik sa Tirza, at pinaligiran ang lungsod.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Nang malaman ni Zimri na malapit nang makubkob ang lungsod, pumunta siya sa kaniyang palasyo at sinunog ito. Kaya nasunog ang palasyo, at siya ay namatay sa sunog.
|
|
\v 19 Namatay siya dahil nagkasala siya sa paggawa ng mga bagay na itinuring na masama ni Yahweh. Hinikayat ni Jeroboam na magkasala ang mga tao at ginawa rin ni Zimri ang ginawa ni Jeroboam.
|
|
\v 20 Ang iba pang mga bagay na ginawa ni Zimri, at ang tala kung paano siya nagrebelde laban kay Haring Ela, ay nakasulat sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Israel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 21 Pagkatapos mamatay ni Zimri, ang mamamayan ng Israel ay nahati. Gusto ng isang grupo na si Tibni na anak ni Ginat, ang maging hari nila. Gusto naman ng kabilang grupo na si Omri ang kanilang maging hari.
|
|
\v 22 Ang mga sumusuporta kay Omri ay higit na malakas kaysa sa mga sumuporta kay Tibni. Kaya napatay si Tibni, at naging hari si Omri.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 23 Naging hari si Omri noong si Asa ay naghahari na sa Juda nang halos tatlumpu't isang taon. Namuno si Omri sa Israel ng labindalawang taon. Sa unang anim na taon siya ay namuno sa Tirza.
|
|
\v 24 Pagkatapos, bumili siya ng isang bulubundukin mula kay Semer at binayaran niya ito ng 68 kilong pilak. Pagkatapos, inutusan niya ang kaniyang mga alagad na magtayo ng isang lungsod sa bulubunduking iyon at tinawag niya iyong Samaria bilang pagkilala kay Semer na nagmamay-ari nito noong una.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 25 Pero maraming ginawa si Omri na sinabi ni Yahweh na masama. Mas marami pa siyang ginawang masasamang bagay kaysa sa mga haring namuno sa Israel bago siya.
|
|
\v 26 Noong si Jeroboam ang naghahari, hinikayat niya ang mga Israelita na magkasala, at ginawa rin ni Omri ang mga kasalanan na ginawa ni Jeroboam. Ginalit ng mga Israelita si Yahweh, ang Diyos na kanilang sinasamba dahil sa pagsamba nila sa mga walang kwentang mga diyus-diyosan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 27 Lahat ng mga ginawa ni Omri, at ang mga talaan ng mga panalo ng kaniyang hukbo, ay nakasulat sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Israel.
|
|
\v 28 Pagkatapos mamatay ni Omri, siya ay inilibing sa Samaria, at ang kaniyang anak na si Ahab ang naging hari.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 29 Naging hari si Ahab noon si Asa ay namumuno na sa Juda ng halos tatlumpu't walong taon na. Namuno si Ahab sa lungsod ng Samaria nang dalawampu't dalawang taon.
|
|
\v 30 Maraming nagawa si Ahab na sinabing masama ni Yahweh. Gumawa pa siya nang mas maraming kasamaan kaysa sa mga haring namuno sa Israel bago siya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 31 Ginawa niya rin ang mga kasalanan ni Jeroboam, pero naging mas masahol pa ang kaniyang mga ginawa kaysa kay Jeroboam. Pinakasalan niya si Jezebel, ang anak ni Etbaal, ang hari ng lungsod ng Sidon. Pagkatapos, nagsimulang sumamba si Ahab kay Baal, ang diyos na sinasamba ng mga taga-Canaan.
|
|
\v 32 Nagtayo siya ng templo sa Samaria para ang lahat ng mga Israelita ay doon sumamba, at naglagay siya ng altar doon para pag-alayan ng mga handog kay Baal.
|
|
\v 33 Gumawa rin siya ng diyus-diyosan na kumakatawan kay Asera, ang asawa ni Baal. Mas marami siyang ginawang masasamang bagay na ikinagalit ni Yahweh kaysa sa mga naunang mga hari ng Israel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 34 Noong mga panahon na si Ahab ang namumuno, si Hiel, isang lalaki sa lungsod ng Bethel, ang nagtayo muli ng Jericho. Pero nang simulan na niyang itayo ang lungsod, namatay ang kaniyang panganay na lalaking si Abiram. At nang tapos na ang lungsod, habang ginagawa ni Hiel ang mga tarangkahan, namatay naman ang kaniyang bunsong si Segub. Namatay sila na ayon sa sinabi ni Yahweh kay Josue na mangyayari sa mga anak ng sinumang magtatayong muli ng Jerico.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 17
|
|
\p
|
|
\v 1 Si Elias ay isang propeta na nakatira sa lungsod ng Tisbe sa rehiyon ng Galaad. Isang araw, pumunta siya kay Haring Ahab at sinabi niya sa kaniya, "Si Yahweh ang Diyos na sinasamba ng mga Israelita at ang Diyos na aking sinasamba at pinaglilingkuran. Habang si Yahweh ay nabubuhay, walang hamog o ulan man lang ang papatak sa mga susunod na ilang taon hangga't hindi ko ipinaguutos na pumatak ang mga ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 2 Pagkatapos, sinabi ni Yahweh kay Elias,
|
|
\v 3 " Dahil ginalit mo ang hari, tumakas ka mula sa kaniya, at pumunta sa silangan, sa Batis ng Kerit, sa silangan ng daluyan nito patungong Ilog Jordan.
|
|
\v 4 Makakainom ka ng tubig mula sa batis, at makakain ka ng mga dadalhin ng mga uwak, dahil inutusan ko silang magdala ng pagkain para sa iyo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Kaya ginawa ni Elias ang inutos ni Yahweh. Pumunta siya at nagkampo sa gilid ng Batis ng Kerit.
|
|
\v 6 Nagdadala ng mga tinapay ang mga uwak at karne tuwing umaga at gabi, at umiinom siya ng tubig mula sa batis.
|
|
\v 7 Pero pagkalipas ng kaunting panahon, ang tubig sa batis ay natuyo dahil walang ulan ang bumuhos saan man sa lupain.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Elias,
|
|
\v 9 "Pumunta ka at manirahan sa nayon ng Serapta, malapit sa lungsod ng Sidon. May isang balo doon na magbibigay sa iyo ng pagkain. Sinabihan ko na siya kung anong gagawin niya doon."
|
|
\v 10 Kaya ginawa ni Elias ang sinabi ni Yahweh. Pumunta siya sa Serapta. Sa kaniyang pagdating sa tarangkahan ng nayon, nakita niya ang isang balo na namumulot ng panggatong. Sinabi niya rito, "Maaari mo ba akong bigyan ng isang basong tubig?"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Habang pumupunta siya para kumuha, tinawag siya muli, "Magdala ka rin ng tinapay para sa akin!"
|
|
\v 12 Pero sumagot siya, "Alam ng Diyos mo na totoo ang sinasabi ko. Wala nga akong tinapay sa bahay kahit isang piraso. Mayroon na lang akong isang dakot ng harina sa banga, at kakaunting mantika sa lalagyan. Kaya nga ako namumulot ng panggatong para makapagluto ng makakain, at pagkatapos naming makakain ng anak ko, mamamatay na kami sa gutom."
|
|
\v 13 Pero sinabi ni Elias sa kaniya, "Huwag kang mag-alala. Umuwi ka at gawin mo lang kung anong sinabi mo. Pero bago iyon, ipagluto mo ako ng maliit na tinapay at dalhin mo dito. Saka mo lutuin ang mga natira para sa iyo at ng anak mo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Alam kong magagawa mo iyon, dahil si Yahweh, ang Diyos na sinasamba naming mga Israelita ang nagsabi nito, 'Hindi mauubusan ng harina at mantika ang iyong mga lalagyan hanggang sa magpadala muli ako ng ulan at magsitubo ang mga pananim!"
|
|
\v 15 Kaya ginawa ng balo kung ano ang sinabi ni Elias. Siya kasama ng kaniyang anak at si Elias ay may pagkain araw-araw,
|
|
\v 16 dahil hindi nauubos ang harina at mantika sa lalagyan ng mga ito. Nangyari iyon ayon sa sinabi ni Yahweh kay Elias.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Pagkalipas nang ilang panahon, nagkasakit ang anak ng balo. Lumala ang kaniyang sakit at siya ay namatay.
|
|
\v 18 Kaya pumunta ang balo kay Elias at sinabing, "Ikaw ay isang propeta, kaya bakit mo ito nagawa sa akin? Pumunta ka ba rito para parusahan ako sa aking mga kasalanan at patayin ang aking anak?"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Pero sumagot si Elias, "Ibigay mo ang anak mo sa akin." Kaya ibinigay ng balo ang anak niya kay Elias, at kinuha ni Elias ang bata mula sa kaniya at dinala sa silid sa taas kung saan siya tumutuloy.
|
|
\v 20 Saka siya nanalangin kay Yahweh, "O Yahweh na aking Diyos, naging mabuti ang balong ito nang pinatuloy niya ako sa kaniyang tahahan. Kaya bakit mo dinala ang trahedyang ito sa kaniya at hinayaang mamatay ang kaniyang anak?"
|
|
\v 21 Pagkatapos, inunat ni Elias ang sarili niya sa ibabaw ng katawan ng bata at tumawag kay Yahweh, "Yahweh na aking Diyos, buhayin mong muli ang batang ito!" Ginawa niya ito ng tatlong beses.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 22 Dininig ni Yahweh ang panalangin ni Elias at binuhay niyang muli ang bata.
|
|
\v 23 Binuhat ni Elias ang bata pababa at ibinigay sa nanay nito. Sinabi ni Elias, "Tingnan mo, buhay ang iyong anak!"
|
|
\v 24 Sinabi ng balo kay Elias, "Ngayon alam ko na ikaw nga ay isang propeta at ang mga mensaheng sinasabi mo ay mula kay Yahweh!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 18
|
|
\p
|
|
\v 1 Sa Halos tatlong taon ay walang ulan sa Samaria. Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Elias: "Pumunta ka at makipagkita ka kay haring Ahab at sabihin sa kaniya na malapit na akong magpadala ng ulan."
|
|
\v 2 Kaya si Elias ay nagpunta para makipag usap kay Ahab. Sa Samaria doon ay halos wala ng pagkain na makakain ang sinuman.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 May isang lalaki doon na ang pangalan ay Obadias. Siya ang katiwala sa palasyo ng hari. Malaki ang pag galang niya kay Yahweh.
|
|
\v 4 Minsan tinangkang patayin ni Jezebel ang lahat ng mga propeta ni Yahweh, Itinago ni Obidias ang isang daan sa kanila sa dalawang kuweba. Kaniyang inilagay ang limangpung propeta sa bawat kuweba, at nagdala ng pagkain at tubig para sa kanila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Sa panahon na ito, labis na napakatindi ang taggutom sa Samaria. kaya ipinatawag ni Ahab si Obadias at sinabi sa kaniya, "Kailangan maghanap tayo sa malapit, bawat bukal at sa bawat lupain para tignan kung makahanap tayo ng sapat na damo para maibigay sa ilang mga kabayo at mga asno, para silang lahat ay hindi mamatay."
|
|
\v 6 Kaya sila ay nagsimulang naglakad sa lupain. Si Obadias ay nagtungo sa isang direksyon, at si Ahab ay sa iba.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Habang naglalakad si Obadias, nakita niya si Elias papalapit sa kaniya. Nakilala ni Obdias si Elias at yumukod sa kaniyang harapan at sinabi, "Ikaw ba talaga yan, Elias, aking panginoon?"
|
|
\v 8 Sumagot si Elias, "Oo. Ngayon pumunta ka at sabihin mo kay Ahab na iyong panginoon na ako ay narito"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Tumutol si Obadias. Sinabi niya, "Panginoon, kailanman hindi ko kayo ipinahamak. Kaya bakit mo ako pinapabalik kay Ahab? Papatayin niya ako!
|
|
\v 10 Alam ni Yahweh iyong Diyos na ako ay nagsasabi ng katotohanan nang aking matapat na inihayag na si Haring Ahab ay naghanap sa bawat kaharian para matagpuan ka. Sa bawat pakakataon na sinasabi ng hari sa kaniya, "Wala rito si Elias,' Hiningi ni Ahab na ang hari ng bansa ay sumumpa ng tapat na magsasabi ng totoo.
|
|
\v 11 Ngayon sinasabi mo sa akin, 'Pumunta ka at sabihin mo sa iyong panginoon na si Elias ay narito!'
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Pero kapag iniwan kita, Kaagad ang Espiritu ni Yahweh ay ilalayo ka, at hindi ko malalaman kung saan ka dadalhin. Kaya kapag sinabi ko kay Ahab na ikaw ay narito at siya ay pupunta sa akin at hindi ka niya makita dito, papatayin niya ako! Pero hindi ako karapat-dapat mamatay dahil ako ay may pag-galang kay Yahweh simula ng ako ay bata pa.
|
|
\v 13 Aking panginoon, narinig mo na ba ang ginawa ko ng ninais ni Jezebel na patayin ang lahat ng mga propeta ni Yahweh? itinago ko ang isang daan sa kanila sa dalawang kuweba at nagdala ako ng pagkain at tubig para sa kanila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Ngayon, panginoon, sinasabi mo, 'pumunta ka at sabihin mo sa iyong panginoon na si Elias ay narito.' Pero kung gagawin ko ito, at siya ay dadating at ikaw ay wala dito, papatayin niya ako!"
|
|
\v 15 Pero sumagot si Elias, "si Yahweh, Pinuno ng mga hukbo, na siyang pinaglilingkuran ko, ay nalalaman na nagsasabi ako ng katotohanan gaya ng matapat kong pinahahayag na ako ay pupunta para makipag-kita kay Ahab ngayon."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Kaya pumunta si Obadias para sabihin kay Ahab na si Elias ay dumating. Si Ahab ay nagpunta para makipag kita sa kaniya.
|
|
\v 17 Nang makita niya si Elias, sinabi niya sa kaniya, "ikaw ba iyan, ang siyang gumagawa ng kaguluhan sa bayan ng Israel?"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Sumagot si Elias, "Hindi ako ang nagdulot ng kaguluhan para sa bayan ng Israel! Ikaw at ang inyong pamilya ang siyang nagdulot ng kaguluhan! Ikaw ay tumangging sumunod sa kautusan ni Yahweh, sa halip ikaw ay sumamba sa diyus-diyosan ni Baal.
|
|
\v 19 Kaya ngayon, iutos sa lahat ng mga Israelita na pumunta sa Bundok Carmelo, at tiyaking dalhin ang lahat ng 450 mga propeta na sumasamba kay baal at ang apat na raang mga propeta na sumasamba sa diyosa ng Asera, sila na laging inaanyayahan ng iyong asawang si Jezebel para kumain kasama niya."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Kaya pinatawag ni Ahab ang lahat ng kaniyang mga propeta at lahat ng Israelita sa tuktok ng Bundok ng Carmelo, at doon umakyat din si Elias.
|
|
\v 21 Pagkatapos tumayo si Elias sa harapan nila at sinabi, "Hanggang kailan kayo magpapasya tungkol sa kung sino ang tunay na Diyos? Kung si Yahweh ay Diyos, sambahin siya. Kung si Baal ay tunay na Diyos, sambahin siya!" Pero ang mga tao ay hindi sumagot, dahil natatakot sila kung ano ang gagawin sa kanila ni Jezebel kung aaminin nila na sila ay sumasamba kay Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 22 Pagkatapos sinabi ni Elias sa kanila, "Ako na lang natitirang tunay na propeta ni Yahweh, pero si Baal ay may 450 mga propeta.
|
|
\v 23 Magdala ng dalawang toro. Maaring piliin ng mga propeta ni Baal kung ano ang kanilang gusto. Dapat nilang patayin ito at pira-pirasong putulin ito at ilalagay sa kahoy na nasa alatar na kanilang ginawa. Pero hindi dapat sila magsindi ng apoy sa ilalaim ng kahoy. Ako ay papatay ng isa pang toro at hihiwain ito ng pira-piraso at ilalagay sa altar na ginawa ko.
|
|
\v 24 Pagkatapos dapat silang tumawag sa kanilang diyos, at tatawag ako kay Yahweh. Ang diyos na sasagot sa pamamagitan ng pagsindi ng apoy sa kahoy na nasa altar ay ang tunay na Diyos!" Pagkatapos naisip ng lahat ng mga tao na maganda ang mungkahi ni Elias.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 25 Pagkatapos sinabi ni Elias sa mga propeta ni Baal, "Una kayong tumawag kay Baal, dahil marami kayo. Pumili kayo ng isang toro at ihanda ito, at pagkatapos tawagin ninyo ang inyong diyos. Pero huwag magsindi ng apoy sa ilalim ng kahoy!"
|
|
\v 26 Kaya pinatay nila ang isa sa mga toro at hiniwa-hiwa ito at inilagay sa altar. Pagkatapos buong araw silang tumawag kay Baal. Sumigaw sila, "Baal, sumagot ka sa amin!" Pero walang sumasagot. Walang sagot kahit isa. Pagkatapos sila ay sumayaw na parang hibang sa paligid ng altar na kanilang ginawa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 27 Nang katanghaliang tapat, sinimulan ni Elias na gawin silang katatawanan. At kaniyang sinabi, "Tiyak na isang diyos si Baal, tila dapat sumigaw kayo ng mas malakas! Marahil siya ay mayroong iniisip, o marahil siya ay nasa palikuran. O marahil siya naglalakbay saan-saan, o marahil siya ay natutulog at kailangan ninyo siyang gisingin!
|
|
\v 28 "Kaya sumigaw sila ng mas malakas. Pagkatapos, ginawa nila ang isang bagay na madalas nilang ginagawa kapag sumasamba sila kay Baal, hiniwa nila ng kutsilyo at espada ang kanilang sarili hanggang umagos ang dugo.
|
|
\v 29 Buong maghapon silang tumatawag kay Baal. Pero wala silang tinig na naririnig na nagbigay ng sagot, walang sagot, walang diyos na nagbigay pansin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 30 Pagkatapos tinawag ni Elias ang mga tao sinasabi, "Lumapit kayo sa akin!" Kaya pinaligiran siya ng maraming tao. Pagkatapos inayos ni Elias ang altar ni Yahweh na winasak ng mga propeta ni Baal.
|
|
\v 31 Pagkatapos siya ay kumuha ng labing dalawang malaking bato, bawat isa ay kumakatawan sa lipi ng Israel, sa mga ninuno ng labindalawang anak ni Jacob.
|
|
\v 32 Sa pamamagitan ng bato kaniyang itinayo ang altar ni Yahweh. Pagkatapos sa paligid ng altar siya ay humukay ng maliit na kanal sapat para pigilan ang labing limang litro ng tubig.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 33 Sinalansan niya ang kahoy sa ibabaw ng mga bato. Pinatay niya ang toro at hiniwa-hiwa ito ng maliliit. Kaya nilagay niya ang mga piraso sa ibabaw ng kahoy. Pagkatapos kaniyang sinabi, "punuin ng tubig ang apat na malaking banga, at ibuhos ang tubig sa ibabaw ng mga piraso ng karne at ng kahoy." Kaya ginawa nga nila.
|
|
\v 34 Pagkatapos sinabi niya, "gumawa ulit ng ganito!" Kaya ginawa nila ulit ito. Pagkatapos sinabi niya "gawin ninyo sa ikatlong ulit!"
|
|
\v 35 Kaya ito ay ginawa nila ulit. Ang kinalabasan, umagos ang tubig sa ibaba ng altar at napuno ang mga kanal
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 36 Nang sa oras ng paghahandog ng alay sa gabi, si Elias ay lumakad palapit sa altar at nalangin. Sinabi niya, "Yahweh, Diyos na sinasamba ng aming ninuno sila Abraham at Isaac at Jacob, patunayan mo ngayon na ikaw ang Diyos na dapat sambahin ng mga Israelita at patunayan na ako ang iyong lingkod. Patunayan na aking ginawa ang lahat ng bagay dahil sinabi mo sa akin na gawin ang mga ito.
|
|
\v 37 Yahweh, sagutin mo ako! Sagutin mo ako para malaman ng mga taong ito na ikaw, si Yahweh, ay Diyos at na ikaw ang magdudulot sa kanila para magtiwala sa iyo muli!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 38 Isang apoy kaagad mula kay Yahweh ay nalaglag mula sa himpapawid. Sinunog ng apoy ang piraso ng karne, ang kahoy, at mga bato, at ang lupa na nakapaligid sa altar. Kahit na ang lahat ay tubig sa kanal ay natuyo!
|
|
\v 39 Nang makita iyon ng lahat ng tao, nagpatirapa sila sa lupa at nagsisigaw, "si Yahweh ang Diyos! si Yahweh ang Diyos!
|
|
\v 40 Pagkatapos inutusan sila ni Elias, "Dakipin ang lahat ng propeta ni Baal! Huwag pahintulutan na makatakas sila!" kaya ang mga tao ay sinakop ang lahat ng propeta ni Baal, at dinala sa ibaba ng bundok sa batis ng Cison at pinatay lahat sila ni Elias doon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 41 Pagkatapos sinabi ni Elias kay Ahab, Umalis ka at kumuha ka ng makakain at maiinom. Pero bilisan mo, dahil may paparating na napaka lakas na ulan!"
|
|
\v 42 Kaya si Ahab at ang kaniyang mga sundalo ay umalis para maghanda ng isang malaking kainan. Pero umakyat si Elias sa ibabaw ng Bundok Carrmelo at nanalangin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 43 Pagkatapos kaniyang sinabi sa kaniyang lingkod, Pumunta ka at tumingin ka patungong dagat, para tingnan kung may ulap na may dalang ulan." Kaya ang kaniyang lingkod ay nagpunta at tumingin, at nagbalik at sinabi, "Wala akong nakita kahit anumang bagay." Ito ay nangyari ng anim na beses.
|
|
\v 44 Pero nang nagpunta ang lingkod sa ikapitong beses, siya ay nagbalik at sinabi, "Nakakita ako ng isang napaka liit na ulap sa ibabaw ng dagat. Nang iunat ko ang aking mga braso, ang ulap ay kasing laki ng aking mga kamay." Pagkatapos sumigaw si Elias sa kanila, "Pumunta ka at sabihin kay Haring Ahab para ihanda ang kaniyang karwaheng pandigma at umuwi kaagad! kung hindi, mapipigilan siya ng ulan!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 45 Maya maya lang mabilis na nangyari ang kaulapan ay nagdilim. Nagkaroon ng isang malakas na hangin, at pagkatapos ito ay nag umpisang umulan ng napakalakas. si Ahab ay kinuha ang kaniyang karwahe at nagsimulang bumalik sa lungsod ng Jezreel.
|
|
\v 46 Binigyan ni Yahweh ng panibagong lakas si Elias. Kaniyang sinuksok ang kaniyang balabal sa kaniyang sinturon para tumakbo ng mabilis, at naunahan pa niya ang karwahe ni Ahab hanggang Jezreel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 19
|
|
\p
|
|
\v 1 Nang umuwi si Ahab, sinabi niya sa kaniyang asawa kung ano ang ginawa ni Elias. Sinabi niya na pinatay ni Elias ang lahat ng propeta ni Baal.
|
|
\v 2 Kaya ipinadala ni Jezebel ang liham na ito kay Elias, "Bukas sa ganitong oras dapat na kitang patayin, gaya ng pagpatay mo sa mga propeta ni Baal. Kung hindi ko gagawin iyon, nawa'y patayin na lang ako ng mga diyos."
|
|
\v 3 Nang matanggap ni Elias ang kaniyang liham, natakot siya. Kaya sinama niya sa kaniya ang kaniyang mga lingkod, lumisan siya para hindi siya mapatay. Nagpunta siya sa kalayuang timog ng Beer-seba sa Juda. Iniwan niya ang kaniyang mga lingkod doon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Pagkatapos nagpunta siyang mag-isa nagpakalayo-layo sa timog sa desyerto. buong araw siyang naglakad. Umupo siya sa ilalim ng puno ng retama at nanalangin kay Yahweh na hayaan na siyang mamatay. Sinabi niya, "Yahweh, hindi ko na ngayon kayang magtiis. Kaya hayaan mo na akong mamatay, dahil para sakin mas maigi nang kasama ko ang aking mga ninuno kaysa mabuhay."
|
|
\v 5 Pagkatapos humiga siya sa ilalim ng puno ng retama at natulog. Pero habang natutulog siya, isang anghel ang humawak sa kaniya at ginising siya at sinabing, "Bumangon ka at kumain!"
|
|
\v 6 Tumingin si Elias sa paligid at nakita ang tinapay na niluto sa mainit na mga bato, at nakakita rin siya ng isang banga ng tubig. Kumain siya at uminom at humiga para matulog muli.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Pagkatapos, bumalik muli ang anghel na ipinadala ni Yahweh at hinawakan siya, at sinabi, "Bumangon ka at kumain, dahil kailangan mo ng lakas para sa isang mahabang paglalakbay.
|
|
\v 8 Kaya bumangon siya at kumain at uminom pa; dahil doon, nagkaroon siya ng lakas para maglakbay sa loob ng apatnapung araw at gabi sa Bundok ng Horeb, ang bundok na nilaan sa Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Pumasok siya sa kuweba at natulog doon ng gabing iyon. Nang sumunod na umaga, sinabi sa kaniya ni Yahweh, "Elias, bakit naririto ka?"
|
|
\v 10 Sumagot si Elias, 'Nagsikap akong maglingkod sa iyo, Yahweh, Pinuno ng hukbo ng mga anghel. Pero tinalikuran ng bayan ng Israel ang kasunduang ginawa nila sa iyo. Binaklas nila ang iyong mga altar, at pinatay nila ang iyong mga propeta. Ako nalang ang hindi pa nila napapatay, at ngayon sinusubok rin nila akong patayin. Kaya tumatakas ako mula sa kanila."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Sinabi sa kaniya ni Yahweh, "Lumabas ka at tumayo sa aking harapan sa bundok na ito habang dumadaan ako." Kaya ginawa ito ni Elias. Habang nakatayo siya, isang malakas na bagyo ang tumama sa bundok. Bilang resulta, nahulog ang mga bato mula sa gilid ng bundok. Pero si Yahweh ay wala sa hangin. Pagkatapos nagkaroon ng lindol, pero si Yahweh ay wala sa lindol.
|
|
\v 12 Pagkatapos nagkaroon ng apoy pero si Yahweh ay wala sa apoy. Pagkatapos may isang tinig na tulad ng mahinang bulong ng isang tao.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Nang marinig ni Elias iyon, binalot niya ng balabal ang kaniyang mukha. Lumabas siya sa kuweba at tumayo sa pasukan nito. At narinig niyang nagsalita si Yahweh, sinabing muli, "Elias, bakit ka naririto?"
|
|
\v 14 Sumagot siyang muli, "'masigasig akong naglingkod sa iyo, Yahweh, Pinuno ng hukbo ng mga anghel. Pero tinalikuran ng bayan ng Israel ang kasunduang ginawa nila sa iyo. Binaklas nila ang iyong mga altar, at pinatay nila ang iyong mga propeta. Ako nalang ang natitira, at ngayon ay sinusubukan rin nila akong patayin. Kaya tumatakas ako mula sa kanila."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Pagkatapos, sinabi sa kaniya ni Yahweh, "Bumalik ka sa ilang malapit sa Damasco. Kapag nakarating ka doon pahiran mo ng langis ang isang lalaki na nagngangalang Hazael, para italaga siyang maging hari ng Aram.
|
|
\v 16 Pagkatapos, italaga mo si Jehu anak ni Nimshi na maging hari ng Israel, at italaga mo rin si Eliseo anak ni Shafat, mula sa lungsod ng Abel Mehola, na maging aking propeta kapag ikaw ay wala na.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Papatay ng maraming tao ang hukbo ni Hazael, at ang mga makakatakas mula sa pagpatay ng kaniyang hukbo ay papatayin ng hukbo ni Jehu, at ang mga makakatakas mula sa pagpatay ng mga hukbo ni Jehu ay mamamatay sa pamamagitan ni Eliseo.
|
|
\v 18 Pero dapat mong malaman na may nananatiling pitong libong tao sa Israel ang hindi pa sumasamba kay Baal o nahalik sa kaniyang diyus-diyosan."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Kaya pumunta si Elias sa Aram at natagpuan si Eliseo habang nag-aararo siya ng bukid kasama ng grupo ng mga baka. Mayroon labing-isang lalaki na nasa tapat niya, na nag-aararo kasama ng grupo ng mga baka sa parehong bukid. Nagpunta si Elias kay Eliseo, at tinanggal ang kaniyang balabal at inilagay ito kay Eliseo, para ipakita kay Eliseo na nais niyang si Eliseo ang pumalit sa kaniyang katayuan bilang isang propeta. Pagkatapos siya'y umalis.
|
|
\v 20 Iniwan ni Eliseo ang kaniyang mga baka na nakatayo roon at sinundan si Elias, at sinabi sa kaniya, "Sasama ako sa iyo, pero hayaan mong humalik muna ako sa aking mga magulang bilang pamamaalam.' Sumagot si Elias, "kung gayon, umuwi ka na. Pero huwag mong kalimutan kung bakit ko ibinigay ang balabal ko sa iyo!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 21 Umuwi sa kaniyang tahanan si Eliseo. Kinatay niya ang kaniyang baka at pira-pirasong hiniwa ito at gumamit ng kahoy mula sa pang-araro para makagawa ng apoy pang-ihaw sa karne. Ibinahagi niya ang mga karne sa ibang mga tao sa bayan, at kumain silang lahat ng iilan. Pagkatapos bumalik siya kay Elias at naging kaniyang lingkod.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 20
|
|
\p
|
|
\v 1 Si Ben Hadad, ang hari ng Aram, tinipon ang kaniyang buong hukbo, at kaniyang dinala ang tatlumput dalawang mas mababang hari para sumama sa kaniya kasama ng kanilang mga hukbo at mga kabayo at mga karawaheng pandigma. Sila ay nagtungo sa lungsod ng Samaria, ang kabisera ng Israel, at pinalibutan ito at naghandang lusubin ito.
|
|
\v 2 Nagpadala si Ben Hadad ng mensahero sa lungsod ni Haring Ahab, at sinabi ito sa kaniya: "Ganito ang sinasabi ni Haring Ben Hadad:
|
|
\v 3 Dapat mong ibigay sa akin ang lahat ng iyong pilak at ginto, ang iyong magagandang mga asawa at pinakamalakas na mga anak.' "
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Ang hari ng Israel ay sumagot sa kanila, "Sabihin ito kay Haring Ben Hadad, 'Ako ay sang-ayon para gawin ang iyong hinihiling. Maaari mo akong kunin at lahat ng aking pag-aari.' "
|
|
\v 5 Pagkatapos sinabi ito ng mga mensahero kay Ben Hadad, at pinadala muli sila kasama ng isa pang mensahe: "Nagpadala ako sa iyo ng isang mensahe na sinasabi dapat mong ibigay sa akin ang lahat ng iyong pilak at ginto at iyong mga asawa at iyong mga anak.
|
|
\v 6 Pero para sa karagdagan, bukas sa ganitong oras, Ako ay magpapadala ng ilan sa aking mga pinuno para siyasatin ang iyong palasyo at ang mga bahay ng iyong mga pinuno, at para dalhin sa akin ang lahat ng bagay na makikita nilang mahalaga."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Pinatawag ni Haring Ahab ang lahat ng mga pinuno ng Israel, at sinabi sa kanila, "Nakikita ninyo na itong taong ito ay sinusubukang magdulot ng labis na kaguluhan. Siya ay nagpadala sa akin ng isang mensaheng pinipilit na dapat kong ibigay ang aking mga asawa at aking mga anak, mga pilak at mga ginto, at sumang-ayon ako dito."
|
|
\v 8 Ang mga pinuno at lahat ng ibang tao sinasabi sa kaniya, "Huwag mo siyang pansinin! Huwag mong gawin kung ano ang kaniyang hinihiling!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Kaya sinabi ni Ahab sa mga mensahero ni Ben Hadad, "Sabihin sa hari na Ako ay sumang-ayon para ibigay sa kaniya ang mga bagay na kaniyang unang hiniling, pero hindi ako sumang-ayon para ipahintulot sa kaniyang mga pinuno para kunin ang anumang bagay na gusto nila mula sa aking palasyo at mula sa mga bahay ng aking mga pinuno." Kaya isinumbong ng mga mensahero kay Haring Ben Hadad, at ibinalik nila ang mensahe mula kay Ben Hadad.
|
|
\v 10 Sa mensahe iyon sinabi niya, "Wawasakin namin ang iyong lungsod ng lubusan, ang magiging resulta ay walang sapat na abo na matitira para magkaroon ng isang dakot ang bawat sundalo ko! Umaasa ako na ang mga diyos ay papatayin ako kung hindi ko gagawin iyon!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Sumagot si Haring Ahab sa mga mensahero, "Sabihin ito kay haring Ben Hadad: Walang mananalo sa isang labanan bago labanan ito, kaya dapat huwag kang magyabang."
|
|
\v 12 Narinig ni Ben Hadad ang mensaheng iyon habang siya ay umiinom ng alak sa kanilang pansamantalang sinisilungan. Sinabi niya sa kaniyang mga tauhan maghandang lusubin ang lungsod. Kaya ginawa ito ng kaniyang mga tauhan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Sa sandaling iyon, isang propeta ang lumapit kay haring Ahab at sinabi sa kaniya, "Ito ang sinasabi ni Yahweh: Huwag kang matakot sa maraming hukbo na iyong nakikita! Idudulot ko na ang iyong hukbo ay talunin sila ngayon, at iyong malalaman na ako, si Yahweh, ang siyang gumawa nito.' "
|
|
\v 14 Nagtanong si Ahab, "Ano ang grupo ng ating mga hukbo ang tatalo sa kanila?" Ang propeta ay sumagot, "Ang mga batang sundalo na pinamumunuan ng gobernador ng distrito ang gagawa nito. Nagtanong ang hari, "sino dapat ang mamuno sa paglusob?" Sumagot ang propeta "dapat Ikaw!"
|
|
\v 15 Kaya tinipon ni Ahab ang mga batang sundalong pinamumunuan ng governador sa distrito. Mayroon 232 sa mga kalalakihang iyon. Pagkatapos pinatawag din niya ang lahat ng hukbo ng Israel. Mayroon lamang pitong libong mga sundalo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Sila ay nagsimulang lumusob ng tanghaling tapat, habang si Ben Hadad at ang ibang mga pinuno ay nakuhang maglasing sa kanilang pangsamantalang sinisilungan.
|
|
\v 17 Ang mga batang sundalo ang unang lumusob. Ang ilang taga-manman na ipinadala ni Ben Hadad ay nag-ulat sa kaniya, "May mga lalaking dumarating galing Samaria"!
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Kaniyang sinabi, "Hindi ito mahalaga kung sila ay darating para lumaban sa atin o para humiling ng kapayapaan. Hulihin sila, pero huwag silang patayin!
|
|
\v 19 Ang mga batang sundalong Israelita ay lumabas sa lungsod para lusubin ang hukbo ng Aramean, at ang ibang mga sundalo sa hukbo ng Israelita ay sumunod sa kanila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Bawat sundalong Israelita ay nakapatay ng isang sundalong Aramean. Ang mga natirang hukbo ng Aramean ay tumakbo, at hinabol sila ng mga sundalong Israelita. Pero si Haring Ben Hadad ay tumakas na nakasakay sa kaniyang kabayo, kasama ng ilang tauhan na nakasakay sa mga kabayo.
|
|
\v 21 Pagkatapos ang hari ng Israel ay lumabas ng lungsod; siya at ang kaniyang mga sunadalo ay binihag ang lahat ng ibang mga kabayo ng Aramean at mga karwaheng pandigma, at nakapatay din ng malaking bilang ng mga sundalong Aramean.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 22 Pagkatapos, ang propetang ding iyon ay lumapit kay haring Ahab at sinabi sa kaniya, "bumalik ka at ihanda mo ang iyong mga sundalo, at isiping mabuti kung ano kinakailangan mong gawin, dahil ang hari ng Aram ay lulusob ulit kasama ang kaniyang hukbo sa panahon ng tagsibol sa susunod na taon."
|
|
\v 23 Pagkatapos matalo ang hukbo ng Aram, sinabi ng mga opisyal ni Ben Hadad sa kaniya, "Ang diyos na sinasamba ng Israelita ay diyos na nabubuhay sa mga kaburulan. Itinayo ang Samaria sa isang burol, at kung saan ang kanilang mga sundalo ay may kakayahang para matalo tayo. Pero kung lalaban tayo sa kanila sa mga kapatagan, tiyak na makakaya natin silang matalo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 24 Kaya, ito ang dapat mong gawin: Dapat mong alisin ang tatlongput dalawang mga hari na namumuno sa iyong hukbo at palitan sila ng mga pinuno ng mga kawal. Pagkatapos magtipon ng mga kawal gaya ng dati.
|
|
\v 25 Pagkatapos magtipon ka ng hukbo na mayroong kasing dami ng mga kabayo at mga karwaheng pandigma tulad ng naunang hukbo. Sa gayon lalabanan natin ang mga Israelita sa mga kapatagan, at titiyakin na matatalo natin sila." Si Ben hadad ay sumang-ayon sa kanila, at ginawa niya kung ano ang minungkahi nila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 26 Sa tagsibol ng sumunod na taon, tinipon ni Ben Hadad ang mga kawal at nag punta sila sa lungsod ng Afec sa silangan ng Dagat ng Galilea, para labanan ang mga hukbo ng Israelita.
|
|
\v 27 Ang mga hukbo ng mga Israelita ay sama-sama rin tinipon, at sila ay binigyan ng mga kagamitang na kanilang gagamitin sa labanan. Pagkatapos sila ay lumabas at nagdalawang grupo para harapin ang mga hukbo ng Aramean. Ang kanilang hukbo ay kakaunti. Sila ay tulad lamang ng dalawang kawan ng kambing, samantalang ang hukbo ng Aramean ay napakadami at nakakalat sa buong kabukiran.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 28 Lumapit ang isang propeta kay Haring Ahab at sinabi sa kaniya, "Ito ang sinasabi ni Yahweh: 'Ang mga Aramean nagsasabi na ako ang diyos na nabubuhay sa mga kaburulan, at ako ang diyos na hindi nabubuhay sa mga lambak. Kaya ipapakita ko na sila ay nagkamali dahil bibigyan ko kayo ng kakayahan para talunin ang kanilang malaking hukbo sa lambak, at malalaman mo na ako, si Yahweh, ang gumawa nito' "
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 29 Nanatili ng pitong araw ang dalawang hukbo sa kanilang mga tolda, na magkatapat ang bawat grupo. Pagkatapos, sa ikapitong araw, sila ay nagsimulang maglaban. Ang hukbo ng mga Israelita ay pumatay ng 100,000 sundalo ng mga Aramean.
|
|
\v 30 Ang ibang sundalo ng Aramean ay tumakbo palayo sa Aphek. Pagkatapos ang pader ng lunsod ay gumuho at namatay ang dalawangput pitong libong mga sundalo ng Aramean. Nakatakas din si Ben Hadad papasok ng lungsod at nagtago sa likod ng bahay sa isang silid.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 31 Ang kaniyang mga opisyal ay nagpunta sa kaniya at sinabi' "Nabalitaan namin na ang mga Israelita ay maawain. Kaya pahintulutan mo kami na pumunta sa hari ng Israel, suot ang magaspang na sako na nakapalibot sa aming mga baywang at mga lubid sa aming mga ulo para ipakita na kami ay magiging kaniyang alipin. Marahil kung gagawin namin iyon, papayagan kang manatiling buhay."
|
|
\v 32 Pinahintulutan ng hari na gawin nila, kaya binalot ng magaspang na sako ang kanilang baywang at naglagay sila ng lubid sa kanilang mga ulo, at sila ay nagpunta sa hari ng Israel at sinabi sa kaniya, "si Ben hadad, na may malaking respeto sa iyo, ay nagsabi, nakikiusap ako, 'Huwag mo akong patayin.' " Sumagot si Ahab, "Siya ba ay buhay pa? Para ko na rin siyang kapatid!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 33 Sinubukan ng mga opisyal ni Ben Hadad kung maaawa si Ahab, at nang sinabi ni Ahab "kapatid," sila ay nagkaroon ng pag-asa. Kaya sila ay sumagot, "Oo, para siyang kapatid mo! Sumagot si Ahab "Umalis kayo at dalhin ninyo sa akin." Kaya siya ay umalis at dinala si Ben Hadad sa kaniya. Nang dumating si Ben Hadad, sinabi ni Ahab sa kaniya na umakyat sa karwahe at umupo sa tabi niya.
|
|
\v 34 Sinabi sa kaniya ni Ben Hadad, "Ibabalik ko ang mga bayan na kinuha ng aking ama mula sa hukbo ng iyong ama. At papayagan kita na maglagay ng pamilihan para sa iyong pangagalakal sa Damascus ang aking kabisera, katulad ng ginawa ng aking ama sa Samaria ang iyong kabisera." Sumagot si Ahab " Dahil ikaw ay sumang-ayon na gawin ito. hindi kita papatayin." Kaya si Ahab gumawa ng isang kasunduan kasama si Ben Hadad, at pinayagan na siya ay umuwi.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 35 Pakatapos nagsalita si Yahweh sa isang miyembro ng isang samahan ng mga propeta at sinabi sa kaniya para hilingin sa kapwa propeta para sampalin siya. Pero ang lalaki ay tumanggi para gawin ito.
|
|
\v 36 Kaya sinabi ng propeta sa kaniya, "Dahil tumanggi kang sundin kung ano ang pinagagawa ni Yahweh sa iyo, isang leon ang papatay sa iyo sandaling iwanan mo ako." At sa sandaling iniwan niya ang propeta, isang leon ang biglang sumalubong sa kaniya at pinatay siya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 37 Pagkatapos ang propeta ay nakakita pa ng isang propeta, at sinabi sa kaniya, "Sampalin mo ako!" Kaya ang lalaki ay sinampal siya ng napaka-lakas at siya napinsala.
|
|
\v 38 Kaya ang propeta naglagay ng malaking benda sa kaniyang mukha kaya walang sinumang nakaka-kilala sa kaniya. Pagkatapos siya nagpunta at tumayo sa gilid ng daan at hinintay ang pagdaan ng hari.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 39 Nang dumaan ang hari, ang propeta ay sumigaw sa kaniya, nagsasabi " Aking Kamahalan, pagkatapos kung masugatan sa isang labanan, isang sundalo ang nagdala sa akin ng isa sa ating mga kaaway na kaniyang nabihag, at sinabi sa akin, Bantayan mo ang lalaking ito! Kung siya ay makakatakas, dapat kang magbayad sa akin ng tatlumput apat na kilo ng pilak; kung ikaw ay hindi makakabayad, ikaw ang mamamatay! '
|
|
\v 40 Pero nang ako ay abala sa paggawa ng ibang bagay, ang tao ay nakatakas!"Sinabi ng hari ng Israel sa kaniya, "Problema mo iyon! Ang iyong sarili mismo ang nagsabi na ikaw ay karapat-dapat na parusahan."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 41 Mabilis na tinanggal ng propeta ang kaniyang benda, at ang hari ng Israel ay nakilala na isa siya sa mga propeta.
|
|
\v 42 Sinabi ng propeta sa kaniya, "Ito ang sinasabi ni Yahweh: 'Pinayagan mo na ang taong si Ben Hadad ay makatakas pagkatapos ko iutos sa iyo na patayin mo siya! Yamang hindi mo ginawa iyon, sa halip ikaw ang papatayin. Ang iyong hukbo ay mawawasak dahil hinayaang mo na ang ilan sa kanilang hukbo ay makatakas!' "
|
|
\v 43 Ang hari ay umuwi sa Samaria, galit na galit at nalungkot.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 21
|
|
\p
|
|
\v 1 Si Haring Ahab ay mayroong isang palasyo sa lungsod ng Jezreel. Malapit sa palasyo ay isang ubasan na pagmamay-ari ng isang lalaki na nagngangalang Nabot.
|
|
\v 2 Isang araw, nagpunta si Ahab kay Nabot at sinabi sa kaniya, "Ang iyong ubasan ay malapit sa aking palasyo. Nais ko sanang bilhin ito, para makapagtanim ako ng mga gulay roon. Bilang kapalit bibigyan kita ng mas magandang ubasan sa kung saang lugar, o kung iyong nanaisin, magbabayad ako para sa iyong ubasan."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Pero sumagot si Nabot, "Ang lupain na iyon ay pagmamay-ari ng aking mga ninuno, kaya nais ko itong panatilihin. Nawa'y kailanman ay hindi pahintulutan ni Yahweh na ibigay sa iyo ang lupaing iyon.
|
|
\v 4 Kaya labis na sumama ang loob at nagalit si Ahab sa sinabi ni Nabot. Umuwi siya sa kaniyang tahanan at humiga sa kaniyang higaan. Iniharap niya ang kaniyang mukha sa pader at tumanggi siyang kumain ng kahit ano.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Pumunta ang kaniyang asawang si Jezebel at tinanong siya, "Bakit napakalungkot mo? bakit ka tumatangging kumain ng kahit na anong pagkain?"
|
|
\v 6 Sumagot si Ahab, "Nakipag-usap ako kay Nabot, ang lalaking iyon na mula sa Jezreel. Sinabi ko sa kaniya na gusto ko ang kaniyang ubasan. Sinabi ko, 'Bibilhin ko ito mula sa iyo, o bibigyan kita ng isa pang ubasan para dito.' Pero tumanggi siyang mapunta iyon sa akin."
|
|
\v 7 Sumagot ang kaniyang asawa, "Ikaw ang hari ng Irael, kaya makukuha mo ang kahit na anong bagay na gusto mo! Bumangon ka, at kumain ng pagkain at huwag mag-alala tungkol sa sinabi ni Nabot. Kukunin ko ang ubasan ni Nabot para sa iyo."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Pagkatapos sumulat ng ilang liham si Jezebel, at nilagdaan ang mga ito gamit ang pangalan ni Ahab. Ginamit niya ang kaniyang opisyal na selyo at sinelyuhan ang mga ito. Pinadala niya ito sa mga nakatatandang pinuno at ibang mahahalagang kalalakihan na naninirahan malapit kay Nabot at silang mga nagpapasya ng pampublikong bagay sa kaniya.
|
|
\v 9 Ito ang sinulat niya sa liham: "Magtalaga ng araw kapag ang lahat ng tao ay nagtipon-tipon at nag-ayuno. Bigyan ng mahalagang lugar si Nabot para umupo kasama nila.
|
|
\v 10 Pagkatapos humanap ng dalawang lalaki na laging nagdudulot ng kaguluhan. Bigyan sila ng lugar para umupo sa kabila niya. Sabihan ang mga lalaki na tumestigo na narinig nilang sinabi ni Nabot ang pamumuna tungkol sa Diyos at sa hari. Pagkatapos inalis nila si Nabot sa lungsod at pinatay siya sa pamamagitan ng pagbabato sa kaniya."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Natanggap ng mga pinuno ang liham at ginawa kung ano ang sinulat ni Jezebel sa liham.
|
|
\v 12 Nagtalaga sila ng araw kung saan ang mga tao ay pupunta ng walang pagkain. At kanilang ibibigay kay Nabot ang isang upuan sa lugar kung saan ang mga pinarangalang tao ay nauupo sa harap ng mga tao.
|
|
\v 13 Ang dalawang lalaki na laging nagdudulot ng kaguluhan ay umupo katapat ni Nabot. Habang nakikinig ang lahat, kanilang sinabi na narinig nila si Nabot na nagsabi ng mga pamumunang bagay sa Diyos at sa Hari. Kaya sinunggaban nila si Nabot. Kanilang dinala siya sa labas ng lungsod at pinatay sa pamamagitan ng pagbato sa kaniya.
|
|
\v 14 Pagkatapos ang mga pinunong iyon ay nagpadala ng mensahe kay Jezebel, na nagsasabing, "Pinatay na namin si Nabot."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Nang malaman ni Jezebel na pinatay na si Nabot, sinabi niya kay Ahab, "Patay na si Nabot. Ngayon makapupunta ka na at makukuha mo na ang ubasan na tinangging ibenta sa iyo ni Nabot."
|
|
\v 16 Nang marinig ni Ahab na patay na si Nabot, bumangon siya at nagpunta sa ubasan para angkinin na sa kaniya na iyon ngayon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Pagkatapos kinausap ni Yahweh si Elias ang propeta. Sinabi niya,
|
|
\v 18 "Pumunta ka sa Samaria at kausapin si Ahab, ang hari ng Israel. Nasa Ubasan siya ng isang lalaking na ang pangalan ay Nabot. Nagpunta siya roon para angkinin na sa kaniya na ito ngayon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Sabihin Kay Ahab ito na, Ako si Yahweh, sinasabi sa kaniya, 'Pinatay mo si Nabot at kinuha ang kaniyang lupain. Kaya sinasabi ko ito sa iyo. Sa lugar ding iyon kung saan namatay si Nabot at dumating ang mga aso at dinilaan ang dugo ni Nabot, ay mamamatay ka din at ang mga aso ay didilaan din ang iyong dugo!' "
|
|
\v 20 Kaya nang makipagkita si Elias kay Ahab, sinabi ni Ahab sa kaniya, "Ikaw, aking kaaway ay natagpuan ako!" Sumagot si Elias, "Oo, natagpuan kita. Hindi mo kailanman itinigil ang paggawa ng mga bagay na sinasabi ni Yahweh na mali.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 21 Ito ang sinasabi ni Yahweh sa iyo, 'Malapit na kitang patayin. Papatayin kita, at papatayin ko rin ang bawat lalaki sa iyong sambahayan, kasama ang mga alipin at ang mga hindi alipin.
|
|
\v 22 Ang buong pamilya mo ay papatayin, tulad ng pagpatay sa pamilya ni Haring Jeroboam at tulad ng pamilya ni Haring Baada. Papatayin kita dahil ikaw ang nagdulot sa akin ng labis na pagkagalit, at hinikayat mo ang bayan ng Israel para magkasala.'
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 23 Sinabi din sa akin ni Yahweh na papatayin din ang iyong asawang si Jezebel, at ang mga aso sa Jezreel ay kakainin ang kaniyang katawan.
|
|
\v 24 Ang mga patay na katawan ng miyembro ng iyong pamilya na namatay sa lungsod ay hindi maililibing. Sila ay kakainin ng mga aso, at ang kanilang mga katawan na namatay sa bukid ay kakainin ng mga buwitre."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 25 Walang taong lubos na ibinigay ang kaniyang sarili para gumawa ng mga bagay na sinabi ni Yahweh na masama tulad ng ginawa ni Ahab. Pero pinilit siya ng kaniyang asawang si Jezebel para gumawa ng maraming bagay na iyon.
|
|
\v 26 Ang pinakakasuklam-suklam na bagay na ginawa ni Ahab ay ang sumamba sa mga diyus-diyosan, tulad ng ginawa ng pangkat ng mga tao ng Amor. At iyon ang dahilan kung bakit kinuha ni Yahweh ang lupain mula sa kanila at ibinigay ito sa mga Israelita.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 27 Pagkatapos makipag-usap ni Elias kay Ahab, sinira ni Ahab ang kaniyang kasuotan para ipakita na nagsisisi siya sa lahat ng mga ginawa niyang kasalanan. Nagsuot siya ng magaspang na kasuotan na gawa sa mga sako, at tumangging kumain ng kahit ano. nang siya ay natulog suot-suot niya parin ang magaspang na kasuotan na gawa sa mga sako, para ipakita na siya ay nagsisisi.
|
|
\v 28 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Elias,
|
|
\v 29 "Nakita ko na labis na nagsisisi ngayon si Ahab sa lahat ng masasamang bagay na kaniyang ginawa. Kaya ang mga bagay na aking ipinangakong gagawin sa kaniyang pamilya ay hindi mangyayari habang nananatili siyang buhay. Dudulutin ko na mangyari ito kapag ang kaniyang anak na lalaki ay naging hari. Pagkatapos ang mga bagay na iyon ay mangyayari sa kaniyang pamilya."
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 22
|
|
\p
|
|
\v 1 Halos tatlong taong walang digmaan sa pagitan ng Aram at Israel.
|
|
\v 2 Pagkatapos si Haring Jehoshafat na namuno sa Juda ay nagpunta para bisitahin si Haring Ahab na namuno sa Israel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Habang nag-uusap sila, sinabi ni Ahab sa kaniyang mga opisyales, Napagtanto na ba ninyo na ang mga Arameo ay nananatiling sinasakop ang ating lungsod ng Ramot sa rehiyon ng Galaad? At wala tayong ginagawa para kuning muli ang lungsod na iyon!"
|
|
\v 4 Pagkatapos tumingin siya kay Jehoshafat at tinanong, "Makikiisa ba ang iyong hukbo sa aking mga hukbo para lumaban sa bayan ng Ramot at kunin muli ang lungsod na iyon? Sumagot si Jehoshafat, "Walang pag-aalinlangan! Gagawin ko ang anumang gusto mo, at maaari mong utusan ang aking hukbo. Maaari mo rin dalhin ang aking mga kabayo sa digmaan."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 At idinagdag niya, "Pero dapat muna nating tanungin si Yahweh, para malaman kung ano ba ang nais niyang gawin natin."
|
|
\v 6 Kaya ipinatawag ni Ahab ang mahigit apatnadaan niyang mga propeta ng magkakasama, at tinanong sila, "Dapat ba na makipaglaban ang aking hukbo sa mga tao sa Ramot at kuning muli ang lungsod na iyon, o hindi?" Sumagot sila, "Oo, pumunta ka at lusubin sila, dahil ang Diyos ay bibigyan ng kakayahan ang iyong hukbo na talunin sila."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Pero tinanong ni Jehoshafat, "Mayroon pa bang ibang propeta si Yahweh na maaari tayong magtanong?"
|
|
\v 8 Sumagot ang hari ng Israel, "Mayroon pang isang lalaki na maaari nating mapagtanungan. Micaya ang kaniyang pangalan anak ni Imla. Pero ayoko sa kaniya, dahil kapag siya ay nanghuhula wala siyang sinasabi na kahit anong maganda na mangyayari sa akin. Lagi siyang nagsasabi ng masasamang bagay na mangyayari sa akin." Sumagot si Jehoshafat, "Haring Ahab, hindi mo dapat sabihin iyan!"
|
|
\v 9 Kaya ang hari ng Israel ay sinabihan ang kaniyang mga opisyales na madaliang tawagin si Micaya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Ang hari ng Israel at ang hari ng Juda ay parehong suot-suot ang pangharing kasuotan at nakaupo sa trono sa tarangkahan ng pader sa lungsod ng Samaria. Maraming mga propeta ang nagsasalita ng kaniyang mga mensahe sa kanila.
|
|
\v 11 Isa sa kanila, ang nagngangalang Zedekias anak ni Cananaa, na gumawa mula sa bakal ng isang bagay na naghahawig sungay ng isang toro. Pagkatapos inihayag kay Ahab, "Ito ang sinasabi ni Yahweh, "Sa pamamagitan ng mga sungay na ito ang iyong hukbo ay lulusubin ang mga Arameo gaya ng isang toro na nilulusob ang ibang mga hayop, hanggang sila ay lubos na mawasak niya!"
|
|
\v 12 Lahat ng mga propeta ni Ahab ay sumang-ayon. Sinabi nila, "Oo! kung lulusubin mo ang Ramot sa Galaad, mananagumpay ka, dahil bibigyan ka ni Yahweh ng kakayahan na matalo sila!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Samantala, ang mensahero na nagpunta para tawagin si Micaya ay sinabi sa kaniya, "Makinig ka sakin! Lahat ng mga propeta ay inihayag na matatalo ng hukbo ng hari ang mga Arameo. Kaya siguraduhin mo na ikaw ay sasang-ayon sa kanila at sasabihin kung ano ang mabuti."
|
|
\v 14 Pero sumagot si Micaya, "Habang si Yahweh ay buhay, ang tanging sasabihin ko lang kay Ahab ay kung ano ang sinasabi ni Yahweh."
|
|
\v 15 Nang pumunta si Micaya kay Ahab, tinanong siya ni Ahab, "Micaya, dapat ba kaming pumunta para makipaglaban sa bayan ng Ramot, o hindi?" Sumagot si Micaya, "Tiyak na ikaw ay dapat pumunta! bibigyan ni Yahweh ng kakayahan ang iyong hukbo na talunin sila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Pero napagtanto ni haring Ahab na si Micaya ay nanunuya, kaya sinabi niya kay Micaya, "Sinabi ko sa iyo ng maraming beses na katotohanan lagi ang dapat mong sabihin na inihayag sa iyo ni Yahweh!"
|
|
\v 17 Kaya sinabi ni Micaya sa kaniya, "Ang katotohanan na nakita ko sa aking pangitain ay lahat ng hukbo ng Israel ay nagkalat sa kabundukan. Sila ay parang mga tupa na walang pastol. At sinabi ni Yahweh, 'Ang kanilang pinuno ay pinatay. Kaya sabihin mo sa kanila na umuwi nang mapayapa.'"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Sinabi ni Ahab kay Jehoshafat, "Sinabi ko na sa iyo na kailanman ay hindi siya magsasabi ng anumang magandang bagay na mangyayari sa akin! palagi siyang naghahayag ng masasamang bagay na mangyayari sa akin."
|
|
\v 19 Pero nagpatuloy si Micaya sa pagsasabi, "Makinig sa kung ano ang pinakita sa akin ni Yahweh! Sa aking pangitain nakita kong nakaupo si Yahweh sa kaniyang trono, kasama ng lahat ng kaniyang mga hukbong ng langit na nakapalibot sa kaniya, sa kaniyang kanan at kaliwang gilid.
|
|
\v 20 At sinabi ni Yahweh, 'Sino ang makapaghihikayat kay Ahab na pumunta sa digmaan laban sa bayan ng Ramot, para siya ay mamatay?' May ilan na nagmungkahi ng isang bagay, at ang iba ay nagmungkahi ng iba pang bagay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 21 Sa wakas isang espiritu ang lumapit kay Yahweh at sinabing,
|
|
\v 22 'Lilinlangin ko siya!' Tinanong siya ni Yahweh, 'Paano mo gagawin iyon?' Sumagot ang espiritu, 'Pupuntahan ko at pupukawin lahat ng propeta ni Ahab para magsabi ng kasinungalingan.'
|
|
\v 23 Kaya ngayon sinasabi ko sa iyo na hinayaan ni Yahweh lahat ng iyong propeta na magsinungaling sa iyo. Nakapag-isip na si Yahweh ng nakakatakot na bagay ang mangyayari sa iyo.'
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 24 Pagkatapos lumapit si Zedekias kay Micaya at sinampal siya sa kaniyang mukha. Sinabi niya, "Iniisip mo ba na ang espiritu ni Yahweh ay iniwan ako para makapagsalita sa iyo?"
|
|
\v 25 Sumagot si Mcaya, 'Malalaman mo sa iyong sarili kung sino sa atin ang kinausap ng Espiritu ni Yahweh sa araw na ikaw ay magpunta sa isang silid ng bahay para magtago mula sa mga hukbo ng Arameo!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 26 Inutos ni haring Ahab sa kaniyang mga hukbo, 'Dakpin si Micaya at dalhin kay Amon, ang gobernador ng lungsod na ito, at sa aking anak na si Joas.
|
|
\v 27 Sabihin sa kanila na ipinag-utos ko na dapat nilang ilagay ang lalaking ito sa kulungan at bigyan lamang siya ng tinapay at tubig. Huwag siyang bigyan ng kahit ano hanggang makabalik ako ng ligtas mula sa digmaan!"
|
|
\v 28 Sumagot si Micaya, "Kung ikaw ay makakabalik ng ligtas, malinaw na hindi si Yahweh ang nagsabi sa akin ng sinasabi ko sa iyo!!" At sinabi niya sa lahat ng nakatayo doon, "Huwag ninyong kalimutan kung ano ang sinabi ko kay Haring Ahab!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 29 Kaya ang Hari ng Israel at ang hari ng Juda ay dinala ang kanilang mga hukbo sa Ramot Galaad.
|
|
\v 30 Sinabi ni Haring Ahab kay Jehoshafat, magsusuot ako ng ibang kasuotan, para walang ni isang makakilala na ako ang hari. Pero dapat mong suotin ang iyong kasuotang panghari." Nagbalat-kayo siya, at pareho silang nagpunta sa digmaan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 31 Sinabi ng hari ng Aram sa kaniyang tatlumpu't dalawang kalalakihan na nagpapaandar ng karwaheng pandigma, "Lusubin lamang ang hari ng Israel!"
|
|
\v 32 Kaya nang makita ng mga lalaki na nagpapaandar ng karwaheng pandigma ng Arameo si Jehoshafat na suot-suot ang kasuotang panghari, nilusob nila siya. Sumigaw sila, "Ayun ang hari ng Israel!" Pero ng sumigaw si Jehoshafat,
|
|
\v 33 kanilang napagtanto na hindi siya ang hari ng Israel. Kaya huminto silang lusubin siya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 34 Pero isang sundalo ng Arameo ang nagpatama ng palaso kay Ahab na hindi alam na si Ahab ito. Tumusok ang palaso sa pagitan kung saan nagdudugtong ang baluti. Sinabi ni Ahab sa nagpapaandar ng karwaheng pandigma, "Ibalik mo ang karwaheng pandigma at alisin mo ako dito! Ako ay lubhang sugatan!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 35 Buong araw nagpatuloy ang digmaan. Paupong nakasandal si Ahab sa kaniyang karwaheng pandigma, na nakaharap sa mga hukbo ng Arameo. Dumaloy ang kaniyang dugo mula sa kaniyang sugat pababa sa sahig ng kaniyang karwahe. At kinalaunan ng hapon siya ay namatay.
|
|
\v 36 Gaya ng paglubog ng araw, may isang tao mula sa hukbo ng mga Israelita ang sumigaw, "Tapos na ang digmaan! Ang lahat ay dapat ng bumalik sa kanilang tahanan!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 37 Namatay si Haring Ahab, at kinuha nila ang kaniyang katawan sa karwaheng pandigma patungo sa Samaria at doon inilibing ang kaniyang katawan.
|
|
\v 38 Hinugasan nila ang kaniyang karwaheng pandigma sa gilid ng paliguan ng Samaria, isang paliguan kung saan naliligo ang mga babaeng bayaran. At dumating ang mga aso at dinilaan ang dugo ng hari, tulad ng sinabi ni Yahweh na mangyayari.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 39 Ang ibang mahahalagang mga bagay na nangyari habang namumuno si Ahab, at ang tungkol sa pinalamutiang palasyo na maraming garing na kanilang itinayo para sa kaniya, ang mga lungsod na itinayo para sa kaniya, ay nasusulat sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Israel.
|
|
\v 40 Nang namatay si Ahab, inilibing ang kaniyang katawan kung saan inilibing ang kaniyang mga ninuno. Pagkatapos naging hari ang kaniyang anak na si Ahazias
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 41 Bago mamatay si Haring Ahab, nang namumuno siya sa Israel ng apat na taon, si Asa anak ni Jehoshafat ay nagsimulang mamuno sa Juda.
|
|
\v 42 Tatlumpu't limang taon si Jehoshafat ng magsimula siyang mamuno, at namuno siya sa Jerusalem ng dalawampu't lima. Si Azuba ang kaniyang ina, ang anak ni Silhi.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 43 Mabuting hari si Jehoshafat, tulad ni Asa na kaniyang ama. Gumawa siya ng mga bagay na nakalulugod kay Yahweh. Pero habang hari siya, hindi niya inalis ang lahat ng mga altar ng pagano at ang mga dambana. Kaya nagpatuloy na naghandog ng mga alay ang mga tao sa mga diyus-diyosan sa mga altar doon at nagsusunog ng mga insenso doon.
|
|
\v 44 Gumawa rin si Jehoshafat ng payapang kasunduan sa hari ng Israel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 45 Ang lahat ng mga bagay na nangyari habang namumuno si Jehoshafat, at ang mga dakilang bagay na kaniyang ginawa at ang mga katagumpayan ng kaniyang mga hukbo, ay nasusulat sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Juda.
|
|
\v 46 Sinubok ni Asa na ama ni Jehoshafat na alisin ang mga lalaking bayaran na nananatili sa dambana ng mga pagano, pero ang iba sa kanila ay nanatili doon.
|
|
\v 47 Inalis sila ni Jehoshafat. Sa oras na iyon, walang hari sa Edom. Isang pinuno na itinalaga ni Jehoshafat ang namuno doon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 48 Nagpagawa si Jehoshafat sa ibang mga lalaking Israelita ng malalaking barko para makapaglayag sa rehiyon ng Ofir para makakuha ng ginto. Pero nasiraan sila sa Ezion Geber, kaya hindi na sila nakapaglayag.
|
|
\v 49 Bago pa masira ang mga barko, minungkahi ni Ahazias ina ni Ahab kay Jehoshafat, "Hayaan ang aking mga manlalayag na makasama ang iyong manlalayag," Pero tumanggi si Jehoshafat.
|
|
\v 50 Nang mamatay si Jehoshafat, ang kaniyang katawan ay inilibing kung saan inilibing ang kaniyang mga ninuno sa Jerusalem, ang lungsod kung saan namuno si Haring David. Pagkatapos naging hari si Jehoram anak ni Jehoshafat.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 51 Bago mamatay si Haring Jehoshafat, Nang ikalabingpitong taon na pamumuno niya sa Juda, nagsimulang mamuno sa Israel si Ahazias anak ni Ahab. Namuno si Ahazias ng dalawang taon sa Samaria.
|
|
\v 52 Gumawa siya ng maraming bagay na sinasabi ni Yahweh na masama, ang paggawa ng masasamang bagay na ginawa ng kaniyang ama at ina at ang mga masasamang bagay na ginawa ni Jeroboam—ang hari na hinikayat ang lahat ng tao sa Israel na magkasala sa pamamagitan ng pagsamba sa mga diyus-diyosan.
|
|
\v 53 Nagpatirapa si Ahazias sa harap ng diyus-diyosang si Baal at sinamba ito. Na nagsanhi kay Yahweh, ang Diyos na tunay na Diyos ng mga Israelita ganun din ng lahat ng tao sa mundo, na labis na magalit, tulad ng ama ni Ahazias na nagsanhi kay Yahweh na labis na magalit.
|