1270 lines
136 KiB
Plaintext
1270 lines
136 KiB
Plaintext
\id JDG
|
|
\ide UTF-8
|
|
\h Mga Hukom
|
|
\toc1 Mga Hukom
|
|
\toc2 Mga Hukom
|
|
\toc3 jdg
|
|
\mt Mga Hukom
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 1
|
|
\p
|
|
\v 1 Pagkatapos mamatay si Josue, tinanong ng mga Israelita si Yahweh, "Alin sa aming mga lipi ang unang sasalakay sa mga Cananeo?"
|
|
\v 2 Sumagot si Yahweh, "Ang kalalakihan sa lipi ng Juda ang dapat unang sumalakay. Kakayanin kong talunin ng lipi ni Juda na talunin ang mga Cananeo."
|
|
\v 3 Pumunta ang kalalakihan ng Juda sa kanilang kapwa Israelita, ang kalalakihan mula sa lipi ni Simeon, at sinabi sa kanila, "Halina't tulungan ninyo kami para lumaban sa mga Cananeo para makuha namin mula sa kanila ang lupaing inilaan ni Yahweh sa amin. Kung gagawin ninyo iyan, sasama kami sa inyo at tutulungan kayong sakupin ang mga tao sa lupaing ipinangako ni Yahweh na ibibigay sa inyo." Kaya sumama ang kalalakihan mula sa lipi ni Simeon sa mga kalalakihan ng lipi ni Juda.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Nang sumalakay ang kalalakihan ng dalawang liping iyon, idinulot ni Yahweh na talunin nila ang sampung libong kalalakihan ng mga Cananeo at mga Perezeo sa lungsod ng Bezek.
|
|
\v 5 Sa panahon ng labanan natagpuan nila si Adoni Bezek, ang pinuno ng lungsod.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Sinubukan ni Adoni Bezek na tumakas. Tinugis siya ng mga Israelita at hinuli. Pagkatapos pinutol nila ang kaniyang hinlalaki sa kamay at paa.
|
|
\v 7 Sinabi ni Adoni Bezek, "Binihag ng aking hukbo ang pitumpung hari. Pinutol namin ang kanilang mga hinlalaki sa kamay at paa. Pagkatapos, pinilit namin ang mga haring iyon na kumain ng tira-tirang nahulog mula sa aming mesa. Ngayon ginantihan ako ng Diyos sa aking ginawa." Pagkatapos dinala ng kalalakihan ng Juda si Adoni Bezek sa Jerusalem, at namatay siya roon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Nakipaglaban ang hukbo ng Juda sa kalalakihan ng Jerusalem, at binihag nila ang lungsod. Sa pamamagitan ng kanilang mga espada pinatay nila ang mga taong nanirahan doon at sinunog nila ang mga bahay sa lungsod.
|
|
\v 9 Kinalaunan, bumaba ang kalalakihan ng Juda para labanan ang mga Cananeo na naninirahan sa bulubundukin, sa kagubatan ng dakong timog ng Judean, at sa mga mababang burol patungong kanluran.
|
|
\v 10 Pumunta rin ang kalalakihan ng Juda para makipaglaban sa mga Cananeo na naninirahan sa lungsod ng Hebron (na dating tinatawag na Kiriat Arba). Tinalo nila ang mga hukbo ng mga hari ng Sesai, Ahiman, at Talmai.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Pagkatapos iniwan nila ang lugar na iyon at pumunta para makipaglaban sa mga taong naninirahan sa lungsod ng Debir, na ang dating pangalan ay Kiriat Sefer.
|
|
\v 12 Bago nila sinalakay ang lungsod, sinabi ni Caleb sa kanila, "Kung may isa sa inyo na lulusob at makakasakop sa Kiriat Sefer, ay papayagan kong pakasalan ang aking anak na babae."
|
|
\v 13 Binihag ni Othniel, na anak ng nakababatang kapatid na lalaki ni Caleb na si Kenaz, ang lungsod. Kaya ibinigay ni Caleb sa kaniya ang kaniyang anak na babae na si Acsa, upang maging kaniyang asawa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Pagkatapos pakasalan ni Acsa si Otniel, hiniling niya sa kaniya na pakiusapan ang kaniyang ama na bigyan siya ng isang bukirin. Pagkatapos sumakay siya sa asno pabalik sa kaniyang ama sa bahay ni Caleb. Nang bumaba siya sa asno, tinanong siya ni Caleb, "Ano ang gusto mo?"
|
|
\v 15 Sumagot siya, "Gusto kong pagbigyan mo ang aking kahilingan. Binigyan mo ako ng ilang lupain sa kagubatan ng dakong timog ng Judean, pero tuyong-tuyo roon. Kaya pakiusap bigyan mo rin ako ng ilang lupain na may mga bukal ng tubig." Kaya binigyan siya ni Caleb ng lupa sa mataas na lupain na may isang bukal, at ilang lupain sa mababang lupain na may bukal.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Umalis sa Jerico ang mga Cineo na mga kaapu-apuhan ng biyenan ni Moises, na tinawag na "Ang lungsod ng mga Punong Palmera." Pumunta sila kasama ng ilang kalalakihan ng Juda para manirahan kasama nila sa kagubatan ng dakong timog ng Judea, malapit sa lungsod ng Arad.
|
|
\v 17 Tinalo ng kalalakihan ng Juda at ng kanilang mga kasaping Israelita mula sa lipi ng Simeon ang mga Cananeo na naninirahan sa lungsod ng Sefat. Winasak nila ito ng husto at binigyan ito ng bagong pangalan, Horma, na ang ibig-sabihin ay "ganap na pagkawasak."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Binihag din ng kalalakihan ng Juda ang mga lungsod ng Gaza, Askelon, at Ekron at ang mga lupaing malapit sa mga lungsod na iyon.
|
|
\v 19 Tinulungan ni Yahweh ang kalalakihan ng Juda para bihagin ang bulubundukin, pero hindi nila napilit na paalisin ang mga taong naninirahan sa mga kapatagan, dahil mayroon silang mas mainam na sandata—mayroon silang mga bakal na karwaheng pandigma.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Ibinigay kay Caleb ang lungsod ng Hebron dahil nangako si Moises sa kaniya na mapupunta sa kaniya ang lungsod na iyon. At pinilit ni Caleb ang tatlong angkan na nagmula kay Anak na umalis sa lugar na iyon.
|
|
\v 21 Pero hindi napilit ng lipi ni Benjamin ang mga Jebuseo na umalis sa Jerusalem. Kaya, mula ng panahong iyon naninirahan ang mga Jebuseo sa Jerusalem kasama ang lipi ni Benjamin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 22 Pumunta ang kalalakihan ng mga lipi ng Efraim at Manases para makipaglaban sa kalalakihan ng lungsod ng Betel, at tinulungan sila ni Yahweh.
|
|
\v 23 Nagpadala sila ng ilang espiya para alamin ang lahat ng bagay na malalaman nila tungkol sa Betel, na Luz ang tawag noong una.
|
|
\v 24 Nakakita ang mga espiya ng isang taong lumabas sa lungsod. Sinabi nila sa kaniya, "Kung ipapakita mo sa amin ang daanpara makapasok sa lungsod, magiging mabuti kami sa iyo at hindi ka namin papatayin."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 25 Kaya ipinakita ng tao sa kanila ang isang daan para pasukin ang lungsod. Pinasok ng kalalakihan ng lipi ni Efraim at Manases ang lungsod at pinatay ang lahat ng tao sa pamamagitan ng kanilang mga espada, pero hindi nila pinatay ang taong nagpakita sa kanila kung papaano pumasok sa lungsod, at hindi nila pinatay ang kaniyang pamilya.
|
|
\v 26 Pumunta ang taong iyan sa lugar kung saan naninirahan ang mga kaapu-apuhan ng Het, at nagtayo siya ng isang lungsod. Pinangalanan niyang Luz ang lungsod, at iyan pa rin ang pangalan ng lungsod.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 27 May mga Cananeo na naninirahan sa lungsod ng Bet San, Taanac, Dor, Ibleam, at Megido at sa mga nayong nakapaligid doon. Hindi sila pinilit ng lipi ng Manases na umalis sa mga bayan na iyon, dahil ang mga Cananeo ay determinadong manatili roon.
|
|
\v 28 Kinalaunan, naging malakas ang mga Israelita, at pinilit nila ang mga Cananeo na magtrabaho para sa kanila bilang kanilang mga alipin, pero hindi nila pinilit ang lahat ng Cananeo na umalis sa kanilang lupain.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 29 Hindi pinilit ng kalalakihan ng lipi ni Efraim ang mga Cananeo na umalis sa lungsod ng Gezer. Kaya nagpatuloy na nanirahan ang mga Cananeo kasama ang lipi ng Efraim.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 30 Hindi pinilit ng kalalakihan ng lipi ni Zebulun ang mga Cananeo na naninirahan sa mga lungsod ng Kitron at Nahalol na umalis. Nanatili sila roon at nanirahan kasama ang lipi ng Zebulun, pero pinilit sila ng mga tao ng Zebulun na magtrabaho para sa kanila bilang kanilang mga alipin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 31 Hindi pinilit ng kalalakihan ng lipi ng Aser na umalis ang mga Cananeo na naninirahan sa mga lungsod ng Acco, Ahab, Sidon, Ahlab, Aczib, Hellab, Apek at Rehob.
|
|
\v 32 Kaya naninirahan ang lipi ng Aser kasama ang mga Cananeo (ang mga nanatili roon), at hindi sila pinaalis.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 33 Hindi pinilit ng lipi ng Neftali na umalis ang mga taong naninirahan sa mga lungsod ng Bet-semes at Bet Anat, kaya nagpatuloy silang nanirahan kasama ang mga Cananeo sa mga lungsod na iyon, pero napilitan ang mga Cananeo na magtrabaho bilang mga alipin ng Neftali.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 34 Pinilit ng mga Amoreo ang lipi ni Dan na tumira sa mga kaburulan. Hindi nila pinayagan na sila ay bumaba at tumira sa kapatagan.
|
|
\v 35 Determinado ang mga Amoreo na manatili sa Bundok ng Heres at sa mga lungsod ng Ayalon at Saalbim. Pero nang naging malakas ang mga Israelita, pinilit nila ang mga Amoreo na magtrabaho bilang mga alipin.
|
|
\v 36 Ang lupain kung saan nakatira ang mga Amoreo ay humaba mula sa Pasong Alakdan patungong kanluran lampas ng Sela, pataas tungo sa bulubundukin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 2
|
|
\p
|
|
\v 1 Nagpunta ang anghel ni Yahweh mula sa bundok ng Gilgal patungo sa lugar na tatawagin ng mga Israelita na Bokim. Sinabi niya sa mga Israelita, "Dinala ko rito ang inyong mga ninuno mula sa Ehipto. Pinangunahan ko sila tungo sa lupaing ito na taimtim kong ipinangakong ibibigay sa inyong mga ninuno. Sinabi ko sa kanila, 'Hindi ko kailanman sisirain ang tipang ginawa ko sa inyo.
|
|
\v 2 Pero para sa inyo, hindi dapat kayo pumayag na magkaroon ng kapayapaan sa mga taong naninirahan sa lupaing ito. Dapat ninyong wasakin ang kanilang mga altar kung saan sila nag-aalay sa kanilang mga diyus-diyosan.' Pero hindi ninyo ako sinunod.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Kaya ngayon, sinasabi ko sa inyong hindi ko itataboy ang inyong mga kaaway habang sumusulong kayo. Magiging parang tinik sila sa inyong tagiliran. Susubukin nilang mabitag kayo sa paghihikayat sa inyo na sambahin ang kanilang mga diyus-diyusan."
|
|
\v 4 Matapos niyang sabinin iyon sa lahat ng Israelita, nanaghoy nang malakas ang mga tao.
|
|
\v 5 Pinangalanan nila ang lugar na Bochim, na nangangahulugang "tumatangis." Naghandog sila ng mga alay kay Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Matapos na paalisin ni Josue ang mga taga-Israel, pumunta ang bawat pangkat para angkinin ang lupaing permanenteng itinakda sa mga tao.
|
|
\v 7 Sinunod nila si Yahweh habang nabubuhay si Josue, at habang nabubuhay ang mga nakatatanda, iyong mga nakakita sa lahat ng ginawa ni Yahweh para sa Israel.
|
|
\v 8 Pagkatapos nito ay namatay si Josue na lingkod ni Yahweh. Siya ay 110 taong gulang nang namatay siya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Inilibing nila ang katawan niya sa lupang tinanggap niya mula kay Moises, sa Timnat Heres, sa lugar kung saan nanirahan ang mga kaapu-apuhan ng Efraim, sa hilaga ng bundok ng Gaas.
|
|
\v 10 Matapos mamatay ang lahat ng taong nabuhay kasabay ni Josue, mas maraming tao ang tumanda na hindi nakakilala kay Yahweh at hindi akita ang mga dakilang bagay na ginawa niya para sa mga Israelita.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11-13 Ginawa nila ang mga bagay na sinabi ni Yahweh na masama. Sumamba sila sa mga diyus-diyosan na kumakatawan sa diyos na Baal at ang babaeng diyosa ng panganganak, ang Astorot. Sinamba nila ang maraming diyus-diyosan na sinasamba ng mga lahi sa palibot nila. Tumigil sila sa pagsamba kay Yahweh, ang Diyos na sinamba ng kanilang mga ninuno, ang siyang naglabas sa mga ninuno nila mula sa Ehipto. Dahil dito ay lubhang nagalit si Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Dahil galit si Yahweh, hinayaan niya ang mga tao mula sa ibang mga lahi na salakayin sila at nakawin ang kanilang mga pananim at mga hayop. Hindi na nila nakayang pigilan ang kanilang mga kaaway, at pinayagan ni Yahweh ang lahat ng kanilang kaaway na talunin sila.
|
|
\v 15 Tuwing lalaban ang mga Israelita sa kanilang mga kaaway, palaging kumikilos si Yahweh laban sa kanila at pinapayagan ang kanilang mga kaaway na talunin sila, tulad ng sinabi niyang gagawin niya. Kaya labis ang pighati ng mga Israelita.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Pagkatapos nagdala si Yahweh ng mga pinuno sa kanila. Iniligtas ng mga pinunong ito ang mga Israelita mula sa mga taong sumasalakay sa kanila.
|
|
\v 17 Pero hindi parin sumunod ang mga Israelita sa kanilang mga pinuno. Sa halip, ibinigay nila ang kanilang sarili sa mga diyus-diyosan, gaya ng mga bayarang babae na ibinigay ang kanilang sarili sa mga lalaking hindi nila asawa, at sinamba nila ang mga diyus-diyosan. Hindi sila tulad ng kanilang mga ninuno. Ang ang kanilang mga ninuno ay sumunod sa mga inutos ni Yahweh, pero ang bagong henerasyong ito ay dali-daling huminto sa maging katulad ng kanilang mga ninuno.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Tuwing magdadala si Yahweh ng pinuno sa kanila, tinutulungan niya ang pinunong iyon at dinudulot niyang iligtas nito ang mga tao mula sa kanilang mga kaaway. Ginawa niya iyon habang nabubuhay ang pinuno. Nahabag si Yahweh sa kanilang pagdaing dahil inaapi sila at dinulot na magdusa.
|
|
\v 19 Pero pagkamatay ng pinuno, ang mga tao ay mas lalong gumagawa ng masama kaysa sa kanilang mga ninuno. Sinamba nila ang ibang mga diyus-diyosan, nagpatirapa sila at ginawa ang lahat ng bagay na akala nila ay nais ng mga diyus-diyosan na kanilang gawin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Kaya lubhang nagalit si Yahweh sa mga Israelita. Sinabi niya, "Sinuway ng mga taong ito ang tipang ginawa ko sa kanilang mga ninuno. Hindi nila ginawa kung ano ang sinabi kong gawin nila.
|
|
\v 21 Kaya hindi ko na patatalsikin ang mga lahing iniwan ni Josue sa lupang ito nang mamatay siya.
|
|
\v 22 Gagamitin ko sila para subukin ang mga Israelita para makita ko kung gagawin nila kung ano gusto kong gawin nila, tulad ng ginawa ng kanilang mga ninuno."
|
|
\v 23 Hinayaan ni Yahweh ang mga lahing ito na manatili nang mahabang panahon sa lupaing iyon matapos dumating ang bayan ng Israel. Hindi niya hinayaang paalisin sila sa pag papahintulot na talunin sila ni Josue at ng kaniyang mga tauhan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 3
|
|
\p
|
|
\v 1 Nang panahong iyon marami pa ring mga lahi sa Canaan. Itinira sila ni Yahweh doon para subukin ang mga Israelita. Pero marami sa mga Israelita sa Canaan ang hindi pa nakipaglaban sa anumang nakaraang digmaan.
|
|
\v 2 Kaya ginawa ito ni Yahweh para turuan ang bagong salinlahi ng mga Israelita kung paano makipagdigma.
|
|
\v 3 Ito ang listahan ng mga lahi na itinira ni Yahweh doon para subukin ang mga Israelita: Ang mga Filisteo at ang kanilang limang pinuno, ang mga taong naninirahan sa lugar na malapit sa lungsod ng Sidon, ang mga kaapu-apuhan ni Canaan, at ang mga Heveo na naninirahan sa kabundukan ng Lebanon sa pagitan ng Bundok Baal Hermon at Lebo Hamat ("ang landas ng Hamat")
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Itinira ni Yahweh doon ang mga lahing ito para subukin ang mga Israelita, para makita niya kung susundin nila ang kaniyang mga utos na sinabi niya kay Moises na ibigay sa kanila.
|
|
\v 5 Naninirahan ang mga Israelita kasama ang mga lahi ng mga Cananeo, ang mga Heveo, ang mga Amoreo, mga Ferezeo, ang mga Heveo at ang mga Jebuseo.
|
|
\v 6 Pero kinuha ng mga Israelita ang mga anak na babae ng mga taong iyon para maging sariling asawa nila, at ibinigay ang kanilang sariling mga anak na babae sa mga lalaking iyon para mapangasawa nila. At sinamba nila ang mga diyus-diyosan ng mga taong iyon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Ginawa ng mga Israelita ang mga bagay na sinabi ni Yahweh na napakasama. Kinalimutan nila ang tungkol kay Yahweh, na kanilang Diyos, at nagsimula silang sumamba sa diyus-diyosan na kumakatawan ng diyos na si Baal at ang diyosang si Asera.
|
|
\v 8 Kaya lubhang nagalit si Yahweh sa Israel, at ipinaubaya sila para mamuhay sa ilalim ng kapangyarihan ni Haring Cushanrishataim, na hari ng Aram Naharaim sa Mesopotamia. Naglingkod kay Cushanrishataim ang bayan ng Israel sa loob ng walong taon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Pero nang magmakaawa sila kay Yahweh para tulungan sila, nagdala siya ng isang pinuno para sagipin sila. Siya ay si Otniel (ang anak na lalaki ng nakababatang kapatid ni Caleb, na si Kenaz).
|
|
\v 10 Binigyan siya ng kapangyarihan ng Espiritu ni Yahweh at kaalaman, at siya ang naging pinuno nila. Pinamunuan niya ang hukbong nakipaglaban sa hukbo ni Cushanrishataim, at tinalo sila ni Otniel.
|
|
\v 11 Pagkatapos ng iyon, nagkaroon ng kapayapaan ang lupain sa loob ng apatnapung taon, hanggang namatay si Otniel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Pagkatapos, ginawa ulit ng mga Israelita ang mga bagay na sinabi ni Yahweh na napakasama. Bilang resulta, hinayaan niya ang mga sundalo ni Haring Eglon, na namamahala sa lupain ng Moab, na talunin ang mga Israelita.
|
|
\v 13 Hinikayat ni Eglon ang mga pinuno ng mga Ammonita at ang Amalekita para sumama sa kanilang mga hukbo kasama ang kaniyang sundalo para salakayin ang Israel. Binihag nila ang Jerico, na tinatawag na "Ang lungsod ng mga Kahoy na Palmera."
|
|
\v 14 Pagkatapos pinamunuan ni Haring Eglon ang mga Israelita ng walumpung taon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Pero pagkatapos muling nagmakaawa ang mga Israelita kay Yahweh para tulungan sila. Kaya muli siyang nagdala ng iba pang pinuno para sagipin sila. Siya ay si Ehud anak na lalaki ni Gera, isang kaliwete mula sa mga kaapu-apuhan ni Benjamin. Ipinadala siya ng mga Israelita kay Haring Eglon para ibigay sa kaniya ang salaping kaniyang kinakailangan sa bawat taon para hindi niya sila salakayin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 May dala si Ehud na isang espadang may dobleng talim, mga isa't kalahating metro ang haba. Itinago niya ito sa ilalim ng kaniyang damit sa pamamagitan ng pagtali ng espada sa kaniyang kanang hita.
|
|
\v 17 Ibinigay niya ang salapi kay Haring Eglon, isang napakatabang tao.
|
|
\v 18 Pagkatapos nagsimulang umuwi si Ehud kasama ang mga lalaking nagdala ng salapi.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Nang nakarating sila sa mga tibagan ng bato malapit sa Gilgal, sinabihan niya ang ibang lalaki na magpatuloy, pero siya misyo ay tumalikod at bumalik sa hari ng Moab. Nang dumating siya sa palasyo, sinabi niya sa hari, "Kamahalan, mayroon akong isang lihim na mensahe para sa iyo." Kaya sinabihan ng hari ang lahat ng kaniyang lingkod na tumahimik, at pinalabas sila mula sa silid.
|
|
\v 20 Pagkatapos, habang mag-isang nakaupo si Eglon sa itaas na silid ng kaniyang palasyong bakasyunan, lumapit si Ehud sa kaniya at sinabing, "Mayroon akong isang mensahe para sa iyo mula sa Diyos," Nang tumayo ang hari mula sa kaniyang upuan,
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 21 Inabot ni Ehud gamit ang kaniyang kaliwang kamay at binunot ang espada mula sa kaniyang kanang hita, at isinaksak ito sa tiyan ng hari.
|
|
\v 22 Isinaksak niya ito ng mariin kaya't bumaon ang hawakan sa tiyan ng hari, at tumagos ang talim sa likod ng hari. Hindi binunot ni Ehud ang espada. Iniwan niya ito roon, na nakabaon ang hawakan sa taba ng hari.
|
|
\v 23 Pagkatapos umalis si Ehud sa silid. Lumabas siya sa balkonahe. Isinara niya ang mga pintuan ng silid at kinandado ang mga iyon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 24 Nang umalis siya, bumalik ang kaniyang mga lingkod, peronakita nilang nakakandado ang mga pintuan ng silid. Sinabi nila, "Baka nagbabawas ang hari sa pinakaloob ng silid."
|
|
\v 25 Kaya naghintay sila, pero nang hindi binuksan ng hari ang mga pintuan ng silid, nag-alala sila pagkatapos ng ilang sandali. Kinuha nila ang isang susi at binuksan ang mga pintuan. At nakita nilang nakahiga sa sahig ang kanilang hari, patay na.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 26 Samantala, tumakas si Ehud. Dumaan siya sa mga tibagan ng bato at dumating sa Seira, sa bulubundukin na kung saan naninirahan ang mga kaapu-apuhan ng Efraim.
|
|
\v 27 Doon hinipan niya ang isang trumpeta para sabihin sa lahat na dapat sumama ang mga tao sa kaniya para labanan ang mga tao ng Moab. Kaya umalis ang mga Israelita kasama niya mula sa mga burol. Bumaba sila patungong Ilog Jordan, kasama si Ehud na namumuno sa kanila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 28 Sinabi niya sa mga lalaki, "Pahihintulutan tayo ni Yahweh na talunin ang inyong mga kaaway, ang mga tao ng Moab. Kaya sumunod kayo sa akin!" Kaya sumunod sila sa kaniya pababa ng ilog, at inilagay nila ang ilan sa kanilang mga lalaki sa lugar kung saan maaaring makatawid ang mga tao sa ilog, para mapatay nila ang sinumang mga tao mula sa Moab na susubok tumawid sa ilog para tumakas.
|
|
\v 29 Sa panahong iyon, nakapatay ang mga Israelita ng humigit kumulang sa sampung libong tao mula sa Moab. Silang lahat ay malakas at may kakayahang mga lalaki, pero walang ni isa sa kanila ang nakatakas.
|
|
\v 30 Sa araw na iyon, nasakop ng mga Israelita ang bayan ng Moab. Pagkatapos nagkaroon ng kapayapaan ang kanilang lupain sa loob ng walumpung taon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 31 Pagkamatay ni Ehud, si Shamgar ang naging pinuno nila. Iniligtas niya ang mga Israelita mula sa mga Filisteo. Nakapatay siya ng animnaraang Filisteo sa isang labanan gamit ang isang tungkod na pantaboy sa baka.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 4
|
|
\p
|
|
\v 1 Nang namatay si Ehud, hindi sinunod ng mga Israelita si Yahweh at gumawa sila ng mga masasamang bagay, at nakita ni Yahweh kung ano ang ginagawa nila.
|
|
\v 2 Kaya pinahintulutan niya ang hukbo ni Jabin, isa sa mga hari sa rehiyon ng Canaan, na namuno sa lungsod ng Hazor, na sakupin ang mga Israelita. Si Sisera ang pinuno ng kaniyang hukbo, na naninirahan sa Haroset (kung saan ang karamihan na hindi Israelita ay naninirahan).
|
|
\v 3 Mayroong siyam na raang bakal na karwaheng pandigma ang hukbo ni Sisera. Sa loob ng dalawampung taon pinahirapan niya ang mga Israelita. Pagkatapos nagmakaawa sila kay Yahweh para tulungan sila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Ngayon si Debora, isang babaeng nagpapahayag ng salita ni Yahweh (na asawa ni Lapidot), ay isang nangungunang hukom sa Israel nang panahong iyon.
|
|
\v 5 Umuupo siya sa ilalim ng punong palmera (tinawag nila iyong "palmera ni Debora") sa isang lugar sa pagitan ng Rama at Betel, sa bulubundukin kung saan naninirahan ang mga kaapu-apuhan ni Efraim, at lumalapit ang mga tao sa kaniya at hihilinging lutasin ang kanilang mga alitan ayon sa batas. Pagpapasiyahan niya kung ano ang tama at makatarungan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Isang araw pinatawag niya si Barak na anak in Abinoam at tinawag siya para lumapit sa kaniya. Mula siya sa Kedes (sa dako kung saan nakatira ang mga kaapu-apuhan ni Neftali). Sinabi niya sa kaniya, "Ito ang inuutos sa iyo ni Yahweh, ang Diyos na sinasamba natin, na gawin mo: 'Magdala ka ng sampung libong kalalakihan, ilan mula sa Neftali at ilan mula sa Zebulun, at tipuning magkakasama lahat ng mga tauhan mo sa Bundok Tabor.
|
|
\v 7 Gagawin ni Yahweh na mahikayat ko si Sisera, ang pinuno ng hukbo ni Jabin, na pumaroon kasama ang kaniyang mga karwaheng pandigma at kaniyang hukbo, sa Ilog Kison, ilang milya ang layo. Idudulot kong talunin sila ng mga tauhan mo roon.'"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Sumagot si Barak, "Pupunta lang ako kung sasama ka sa akin. Kung hindi ka sasama sa akin, hindi ako pupunta."
|
|
\v 9 Sumagot siya, "Talagang sasama ako sa iyo. Pero dahil ito ang pinasya mong gawin, idudulot ni Yahweh ang isang babae na talunin si Sisera, at ang resulta ay wala isa mang magpaparangal sa iyo sa paggawa niyon."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Kaya sumama si Debora kay Barak sa Kedes. Doon tinawag niya ang mga kalalakihan mula sa Zebulun at Neftali. Sampung libong kalalakihan ang pumaroon sa kaniya, at umalis sila kasama si Debora patungong Bundok Tabor.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Nang panahong iyon, lumayo mula sa mga Kenita si Heber (ang Kenita) kasama ang kaniyang asawang si Jael, at nagtayo ng kaniyang tolda malapit sa malaking kahoy na puno sa Zaananim, malapit sa Kedes. (Si Heber ay isang kaapu-apuhan ng biyenan ni Moises na si Hobab).
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Isang tao ang nagsabi kay Barak na umakyat si Sisera na anak ni Abinoam sa Bundok Tabor na may kasamang hukbo.
|
|
\v 13 Tinipon ni Sisera ang kaniyang mga kawal dala ang kanilang siyamnaraang karwaheng pandigma, at lumakad mula sa Haroset (kung saan nakatira ang mga hindi Israelita) tungo sa Ilog Kison.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Pagkatapos sinabi ni Debora kay Barak, "Maghanda ka! Ito ang araw na idudulot ni Yahweh na talunin ng iyong hukbo ang hukbo ni Sisera. Mauuna si Yahweh sa inyo!" Kaya pinangunahan ni Barak ang kaniyang mga tauhan habang bumababa sila mula sa Bundok Tabor.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Habang sumusulong sila, idinulot ni Yahweh na magkaroon ng matinding hirap ang mga karwaheng pandigma at hukbo ni Sisera sa paghahanda sa palibot. Kaya tumalon pababa si Sisera mula sa kaniyang karwaheng pandigma at tumakbo palayo.
|
|
\v 16 Pero hinabol ni Barak at ng kaniyang mga tauhan ang ibang mga karwaheng pandigma at mga kalabang sundalo hanggang sa Haroset (kung saan walang Israelita ang naninirahan). Pinatay nila lahat ng mga tauhan ng hukbo ni Sisera. Walang isang taong nakaligtas.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Pero tumakbo si Sisera sa tolda ni Jael. Ginawa niya iyon dahil mabuting kaibigan ng asawa niya ang kaniyang amo, si Jabin sa lungsod ng Hazor.
|
|
\v 18 Lumabas si Jael para salubungin si Sisera. Sinabi niya sa kanya, "Ginoo, pumarito ka sa aking tolda! Huwag kang matakot!" Kaya pumasok siya sa tolda at nahiga, at siya ay tinakpan niya ng kumot.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Sinabi niya sa kaniya, "Nauuhaw ako, maaari mo ba akong bigyan ng kaunting tubig?" Kaya binuksan niya ang isang balat ng hayop na lalagyan ng gatas, at binigyan siya ng inumin. Pagkatapos muli niya siyang tinakpan ng kumot.
|
|
\v 20 Sinabi niya sa kaniya, "Tumayo ka sa pasukan ng tolda. Kung may isang taong dumating at magtanong, 'May iba pa bang tao rito?, sabihin mong 'Wala'."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 21 Pagod na pagod si Sisera kaya agad siyang nakatulog. Habang natutulog siya, tahimik na gumapang si Jael sa kaniya, may hawak na martilyo at isang pakong kahoy ng tolda. Ipinukpok niya ang pako sa kaniyang bungo, at minartilyo ang pako hanggang tumagos sa kaniyang ulo at tumusok ito sa lupa, at namatay siya.
|
|
\v 22 Nang dumating si Barak sa tolda ni Jael para hanapin si Sisera, lumabas ito para batiin siya. Sinabi niya, "Pumasok ka, at ipapakita ko sa iyo ang taong hinahanap mo!" Kaya sinundan niya siya sa loob ng tolda, at nakita niya si Sisera na nakahiga roon, patay, na nakatagos pa sa kaniyang ulo ang pako ng tolda.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 23 Nang araw na iyon idinulot ni Yahweh na talunin ng mga Israelita ang hukbo ni Jabin, isa sa mga hari ng mga Cananeo.
|
|
\v 24 Lumakas nang lumakas ang mga Israelita, at winasak nila si Jabin at ang kaniyang hukbo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 5
|
|
\p
|
|
\v 1 Sa araw na iyon, inawit ni Debora at Barak (anak ni Abinoam) ang awiting ito:
|
|
\v 2 "Kapag talagang pinangunahan sila ng mga pinuno ng mga Israelita, at kusang loob na sumunod sa kanila ang mga tao, ito ang oras para purihin si Yahweh!
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Makinig, kayong mga hari! Magbigay pansin, kayong mga pinuno! Aawit ako kay Yahweh. Sa pamamagitan ng awiting ito pupurihin ko si Yahweh, ang Diyos ng Israel.
|
|
\v 4 O Yahweh, nang dumating ka mula sa Seir, nang lumakad ka mula sa lupaing iyan, na tinawag ding Edom, nayanig ang mundo, at bumuhos ang ulan mula sa kalangitan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Nayanig ang kabundukan nang dumating ka, gaya na lamang ng Bundok ng Sinai na nayanig nang nagpakita ka roon, dahil ikaw si Yahweh, ang Diyos ng Israel.
|
|
\v 6 Nang si Shamgar ang aming pinuno at sa mga araw ni Jael, natakot kaming lumakad sa mga pangunahing daanan; sa halip, lumalakad ang pangkat ng mga manlalakbay sa paliku-likong daan, mas kaunti ang naglakbay sa mga daanan para maiwasan na guluhin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Walang nagsasaka ang nagtatrabaho sa lupain ng Israel hanggang sa ako, si Debora, ang naging pinuno nila. Naging kagaya ako ng isang ina sa mga Israelita.
|
|
\v 8 Nang tumalikod sila kay Yahweh at pinili ang bagong mga diyus-diyosan, sinalakay ng mga kaaway ang mga tarangkahan ng mga lungsod, at pagkatapos kinuha nila ang mga kalasag at ang mga sibat mula sa apatnapung libong sundalo. Walang ni isa ang natira na may isang metal na sandata.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Nagpapasalamat ako para sa mga pinuno at sa mga sundalo na nagkusang loob para lumaban. Pinupuri kita, Yahweh, para sa kanila!
|
|
\v 10 Kayo mga taong mayaman na nakasakay sa mga asno, nakaupo sa magandang mga upuan, at kayo mga taong naglalakad lamang sa daan, alalahanin ang tungkol sa lahat ng ito!
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Pakinggan ang mga tinig ng mga mang-aawit na nagtipon sa mga lugar kung saan umiinom ng tubig ang mga hayop. Sinabi nila ang tungkol sa kung paano kumilos si Yahweh nang ginawa niya na talunin ng mga mandirigmang Israelita ang kanilang mga kaaway. Bumaba ang mga mga tao ni Yahweh sa mga tarangkahan ng mga lungsod.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Pumunta ang mga tao sa aking bahay at sumigaw, 'Gising, Debora! Gising at magsimulang umawit!' Sumigaw din sila, "Bangon, Barak (anak na lalaki ni Abinoam), at sakupin ang ating mga kaaway!'
|
|
\v 13 Kinalaunan, bumaba kasama namin ang iilan sa mga Israelita mula sa kabundukan, ang kanilang mga pinuno. Sumama sa akin ang mga taong ito na kabilang kay Yahweh para labanan ang kanilang malakas na mga kaaway.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Dumating ang ilan mula sa liping nagmula sa Efraim. Dumating sila mula sa lupaing kabilang sa mga kaapu-apuhan ni Amalec. Sumunod sa kanila ang mga kalalakihan sa lipi na nagmula sa Benjamin. Bumaba rin ang mga hukbo mula sa pangkat na nagmula kay Maquir, at bumaba ang mga opisyal sa liping nagmula sa Zebbulun, bitbit ang mga tungkod para ipakita na sila ay mga taong mahalaga.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Sumali kay Barak at sa akin ang mga pinuno mula sa mga lipi na nagmula kay Isacar. Sumunod sila kay Barak, nagmadaling bumaba sa lambak. Pero hindi makapagpasya ang kalalakihan sa lipi na nagmula kay Ruben kung ano ang dapat nilang gawin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Bakit nanatili kayong kalalakihan sa inyong mga pugon, naghihintay na marinig ang sipol ng mga pastol para sa kawan ng kanilang mga tupa na dumating sa mga kulungan? Hindi makapagpasya ang kalalakihan sa liping nagmula kay Ruben kung sasali ba sila sa amin para labanan ang aming mga kaaway, o hindi.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Gayundin, nanatili sa tahanan ang mga kalalakihang nanirahan sa pook ng Galaad, sa silangan ng Ilog Jordan. At ang kalalakihan sa lipi na nagmula kay Dan, bakit nanatili sila sa tahanan? Umupo sa dalampasigan ang liping nagmula kay Aser. Nanatili sila sa kanilang mga daungan.
|
|
\v 18 Pero nakikipagsapalaran ng kanilang sarili ang kalalakihan sa lipi na nagmula kay Zebulun sa larangan ng digmaan, at handa ang kalalakihang nagmula kay Neftali na gawin din iyan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Nakipaglaban sa amin ang mga hari ng Canaan sa Taanac, malapit sa mga bukal sa lambak ng Megido. Pero dahil hindi nila kami natalo, hindi nila nakuha ang anumang pilak o ang ibang kayamanan mula sa digmaan.
|
|
\v 20 Ito ay para bang nakipaglaban ang mga bituin sa kalangitan para sa amin at para bang nakipaglaban ang mga bituing iyon mula sa kanilang kinalalagyan laban kay Sisera.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 21 Tinangay sila ng Ilog ng Kison— ang ilog na matagal ng naroon. Sasabihan ko ang aking sarili na maging matapang at magpatuloy sa paglalakbay.
|
|
\v 22 Pumapadyak sa lupa ang mga paa ng mga kabayo ng mga hukbo ni Sisera. Nagpatuloy ang mga malalakas na kabayong iyon sa pagpadyak.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 23 Sinabi ng anghel na ipinadala ni Yahweh, 'Susumpain ko ang mga tao sa lungsod ng Meroz dahil hindi sila dumating para tulungan si Yahweh na talunin ang mga malalakas na mandirigma ng Canaan.'
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 24 Pero labis na nasiyahan ang Diyos kay Jael, (ang asawa ni Heber ang Cineo). Higit siyang nasiyahan sa kaniya kaysa sa lahat ng ibang babae na tumira sa mga tolda.
|
|
\v 25 Humingi ng kaunting tubig si Sisera, at binigyan siya ni Jael ng kaunting gatas. Dinalhan niya ng kaunting gatas sa isang mangkok na nababagay para sa mga hari.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 26 Pagkatapos, nang nakatulog siya, inabot niya ang isang pakong kahoy ng tolda gamit ang kaliwang kamay, at inabot niya ang isang martilyo gamit ang kaniyang kanang kamay. Pinukpok niya si Sisera sa pamamagitan nito at dinurog ang kaniyang ulo. Itinusok niya ng wasto ang pakong kahoy ng tolda sa kaniyang ulo.
|
|
\v 27 Nawalan siya ng malay at namatay sa kaniyang paanan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 28 Dumungaw ang ina ni Sisera mula sa kaniyang bintana. Naghihintay siya para sa kaniyang pagbabalik. Sinabi niya, 'Bakit natatagalan siyang umuwi sakay ng kaniyang karwaheng pandigma? Bakit hindi ko narinig ang tunog ng mga gulong ng kaniyang karwaheng pandigma?'
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 29 Sumagot sa kaniya ang kaniyang mga pinakamatalinong prinsesa, at patuloy niyang inaliw ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pag-uulit sa mga salitang iyon:
|
|
\v 30 'Marahil hinati nila ang mga bagay at ang mga taong sinakop nila pagkatapos ng labanan. Kukuha ang bawat sundalo ng isa o dalawang babae na magsisilang ng mga anak para sa kanila. Kukuha si Sisera ng ilang kasuotan na maganda, at ilang damit na maganda ang pagkakaburda para sa akin.'
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 31 Pero hindi iyan ang nangyari! Yahweh, umaasa ako na mamatay ang lahat mong kaaway katulad ng ginawa kay Sisera! At ninanais ko na ang lahat ng umibig sa iyo, Yahweh, ay maging malakas katulad ng araw kapag sumisikat ito!" at muling nagkaroon ng kapayapaan sa lupain sa loob ng apatnapung taon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 6
|
|
\p
|
|
\v 1 Muling ginawa ng mga Israelita ang anumang sinabi ni Yahweh na napakasama. Kaya pinahintulutan niya ang mga tao ng Midian na masakop sila at pagharian sila sa loob ng pitong taon.
|
|
\v 2 Pinagmalupitan nang mga taga-Midian ang mga Israelita kaya ang mga ito ay lumikas patungo sa mga bundok. Doon gumawa sila ng mga lugar na matitirhan sa mga kuweba, at mga lugar para maging ligtas.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Nang panahon na nagtanim ang mga Israelita ng kanilang mga pananim sa bukid, umatake ang bayan ng Midian at Amalekita at mga taong nagmula sa silangan sa mga Israelita.
|
|
\v 4 Nagtayo sila ng mga tolda sa pook, at pagkatapos winasak ang mga pananim hanggang sa timog Gaza. Wala silang itinira ng kahit na anong bagay para kainin ng mga Israelita at kinuha ang mga tupa, mga baka, at mga asno.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Dumating sila sa Israel dala ang kanilang mga tolda at kanilang mga alagang hayop gaya ng isang pulutong ng mga balang. Napakarami nila nang dumating at walang makapagbilang ng kanilang mga kamelyong sasakyan. Nanatili sila para masira nila ang lupain.
|
|
\v 6 Kinuha ng taga-Midian ang halos lahat ng bagay na pag-aari ng mga Israelita. Kaya sa wakas ay nagmakaawa sila kay Yahweh para tulungan sila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Nang nagmakaawa ang mga Israelita kay Yahweh para tulungan sila dahil sa ginawa ng mga taga-Midian sa kanila,
|
|
\v 8 nagpadala ng isang propeta si Yahweh sa kanila, na nagsabing, "Ito ang sinasabi ni Yahweh ang Diyos ng Israel, 'Dinala ko ang inyong mga ninuno palabas mula sa Ehipto, palabas sa mga lugar kung saan kayong lahat ay naging mga alipin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Pero niligtas ko sila mula sa mga pinuno ng Ehipto at mula sa lahat ng iba pang nagpapahirap sa inyo. Pinatalsik ko ang kanilang mga kaaway mula sa lupaing ito, at binigay ito sa inyo.
|
|
\v 10 Sinabi ko sa inyo at sa inyong mga ninuno, "Ako si Yahweh na inyong Diyos. Kayo ngayon ay nasa lupain ng mga Amoreo, pero hindi ninyo dapat sambahin ang mga diyus-diyosan na kanilang sinasamba dito sa lupain kung saan kayo nakatira." Pero hindi ninyo ako sinunod."'
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Isang araw nagpakita ang anghel ni Yahweh at umupo sa ilalim ng isang malaking puno ng igos sa bayan ng Ofra. (si Joas ang nagmamay-ari ng punong iyon, na nagmula sa angkan ng Abiezrita.) Naggigiik ng trigo si Gideon na anak na lalaki ni Joas sa hukay kung saan nila pinipiga ang mga ubas para gumawa ng alak. Ginigiik niya ang butil doon upang itago ito mula sa mga taga-Midian.
|
|
\v 12 Pumunta si Yahweh kay Gideon at sinabi sa kaniya, "Ikaw na makapangyarihang mandirigma, tinutulungan ka ni Yahweh!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Sumagot si Gideon, "Ginoo, kung tinutulungan kami ni Yahweh, bakit nangyayari ang lahat ng masasamang bagay na ito sa amin? Narinig namin lahat ng mga milagro na ginawa ni Yahweh para sa aming mga ninuno. Narinig namin ang sinabi ng tao sa amin tungkol sa paano niya iniligtas sila mula sa pagiging mga alipin sa Ehipto. Pero ngayon pinabayaan kami ni Yahweh, at pinagharian kami ng mga taga-Midian."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Pagkatapos humarap si Yahweh sa kaniya at sinabing, "Nasa iyo ang lakas para iligtas ang mga Israelita mula sa mga taga- Midian, ipapadala kita para gawin iyon!"
|
|
\v 15 Sumagot si Gideon, "Pero Panginoon, paano ko maililigtas ang mga Israelita? Ang aking angkan ay ang pinakahamak sa buong lahi na nagmula sa Manases, at ako ang pinakahamak na tao sa aking buong pamilya!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Sinabi ni Yahweh sa kaniya, "Tutulungan kita. Para iyong matalo ang hukbo ng Midianita ng mas madali na para bang isang tao lang ang iyong kaaway!"
|
|
\v 17 Sumagot si Gideon, "Kung totoong ikaw ay nasisiyahan sa akin, gumawa ng isang bagay na makakapagpatunay na ikaw si Yahweh ay totoong nakikipag-usap sa akin.
|
|
\v 18 Pero huwag kang umalis hanggang ako ay makabalik dala ng isang handog para sa iyo." Sumagot si Yahweh, "Magaling, ako ay mananatili rito hanggang ikaw ay makabalik."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Nagmadaling umuwi si Gideon sa kaniyang bahay. Pinatay niya ang isang batang kambing, at niluto ito. Pagkatapos, kumuha siya ng isang humigit kumulang dalawampu't-dalawang litrong harina, at naghurno ng ilang tinapay na walang lebadura. Pagkatapos nilagay niya ang lutong karne sa isang basket, at nilagay ang sabaw mula sa karne sa isang palayok, at dinala ito kay Yahweh, na nakaupo sa ilalim ng puno.
|
|
\v 20 Pagkatapos sinabi sa kaniya ng anghel ng Diyos, "Ilagay ang karne at tinapay sa batong ito. Pagkatapos ibuhos ang sabaw sa tuktok nito." Kaya ginawa iyon ni Gideon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 21 Pagkatapos inabot ni Yahweh at dinampian ang karne at tinapay ng saklay na nasa kaniyang kamay. Isang apoy ang umusbong mula sa bato at nasunog ang karne at tinapay na dinala ni Gideon! Pagkatapos ang anghel ni Yahweh ay nawala.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 22 Nang mapagtanto ni Gideon na iyon ay anghel ni Yahweh, siya ay sumigaw, "O, Panginoong Yahweh, nakita ko ang mukha ng anghel ni Yahweh!"
|
|
\v 23 Pero tinawag siya ni Yahweh at sinabing, "Huwag kang matakot! Hindi ka mamamatay!"
|
|
\v 24 Pagkatapos gumawa si Gideon ng isang altar para sambahin doon si Yahweh. Pinangalanan niya itong, 'Yahweh ay kapayapaan.' Naroon parin sa bayan ng Ofra ang altar na iyon, sa lupain ng Abiezrita.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 25 Nang gabing iyon sinabi ni Yahweh kay Gideon, Kumuha ka ng toro na pag-aari ng iyong ama at isa pang torong pitong taong gulang, at sirain ang altar na ginawa ng iyong ama para sambahin ang diyos Baal. Putul-putulin din ang poste para sa pagsamba sa diyosang Ashera na nasa tabi nito.
|
|
\v 26 Pagkatapos gumawa ka ng isang batong altar para sambahin ako, iyong Diyos Yahweh, dito sa burol na ito. Kunin ang kahoy mula sa poste ng Ashera na pinutol mo at gumawa ng isang apoy para sunugin ang karne nitong mga toro bilang isang handog na susunugin sa akin."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 27 Kaya ginawa ni Gideon at ng sampu niyang mga lingkod ang anumang iniutos ni Yahweh. Pero ginawa nila ito sa gabi, dahil natakot siya sa kung ano ang gawin sa kaniya ng ibang mga miyembro ng kaniyang pamilya at ng ibang kalalakihan sa bayan kapag nalaman nila na ginawa niya iyon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 28 Maaga ng sumunod na araw, pagkagising ng kalalakihan, nakita nila na ang altar ni Baal ay nawasak, at ang poste ng Ashera ay nawala. Nakita nila na mayroon nang bagong altar doon, at ang naroon ay ang laman ng mga toro na kanilang inalay.
|
|
\v 29 Ang mga tao ay nagtanungan sa isa't-isa, "Sino ang gumawa nito?" Pagkatapos kanila itong siniyasat, mayroon nakapagsabi sa kanila na si Gideon ang lalaking anak ni Joas ang gumawa nito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 30 Sinabi ng kalalakihan ng bayan kay Joas, "Dalhin mo dito ang iyong anak na lalaki! Dapat siyang patayin, dahil winasak niya ang altar ng ating diyos na si Baal at pinutol niya ang poste ng Ashera kung saan tayo sumasamba!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 31 Subalit sinagot ni Joas ang mga dumating laban sa kaniya, "Sinusubukan ba ninyong ipagtanggol si Baal? Sinusubukan ba ninyong makipagtalo para sa kaniyang katayuan? Sinuman ang sumubok na ipagtanggol si Baal, ay dapat patayin bukas ng umaga! Kung tunay ngang diyos si Baal, siya dapat ang magtanggol sa kaniyang sarili, kapag may isang wawasak sa kaniyang altar!"
|
|
\v 32 Simula sa oras na iyon tinawag si Gideon ng mga taong Jeru Baal, ibig sabihin, "dapat si Baal ang magtanggol sa kaniyang sarili," dahil winasak niya ang altar ni Baal.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 33 Pagtapos, ang mga hukbo ng mga taga-Midian, at ng Amalekita at ng mga taong nagmula sa silangan ay nagtipon ng magkakasama. Tumawid sila sa Ilog Jordan para lusubin ang mga Israelita. Tinayo nila ang kanilang mga tolda sa lambak ng Jezreel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 34 Pagkatapos ang Espiritu ni Yahweh ay sumanib kay Gideon. Hinipan niya ang isang sungay ng lalaking tupa para ipatawag ang kalalakihan para maghanda sa labanan. Kaya ang kalalakihan ng angkan ng Abiezrita ay pumunta sa kaniya.
|
|
\v 35 Nagpadala rin siya ng mga sugo sa mga lahi na nagmula sa Manases, Asher, Zebulun, at Nrftali para sabihan ang mga sundalo na pumunta, at lahat sila ay dumating.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 36 Pagkatapos sinabi ni Gideon sa Diyos, "Kung totoo nga na idudulot mong maligtas ko ang mga Israelita gaya ng iyong ipinangako,
|
|
\v 37 patunayan ito sa pamamagitan ng paggawa nito: Mamayang gabi ilalagay ko ang tuyong tela na gawa sa balat ng tupa sa lupa kung saan ako naggigiik ng trigo. Bukas ng umaga, kapag ang balat ng tupa ay basa sa hamog pero tuyo ang lupa, sa gayon malalaman ko na ako nga ang gagamitin mo para iligtas ang bayan ng Israel gaya ng iyong ipinangako."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 38 At iyon ang nangyari. Nang bumangon si Gideon ng sumunod na araw, pinulot niya ang balat ng tupa, piniga at napuno ang isang mangkok ng tubig!
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 39 Pagkatapos sinabi ni Gideon sa Diyos, "Huwag kang magalit sa akin, pero hayaan mo akong humingi pa ng isang bagay sa iyo. Mamayang gabi ilalagay kong muli ang balat ng tupa. Sa pagkakataong ito, hayaang manatiling tuyo ang balat ng tupa, habang ang lupa ay basa sa hamog."
|
|
\v 40 Kaya ng gabing iyon, Ginawa ng Diyos ang anumang hininging gawin ni Gideon. Kinabukasan ang balat ng tupa ay tuyo, pero ang lupa ay nabalot sa hamog.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 7
|
|
\p
|
|
\v 1 Kinabukasan, si Jerub Baal (pinangalanan ding Gideon) at kaniyang mga kasamahang lalaki ay gumising nang maaga at pumaroon hanggang sa bukal ng Harod. Ang hukbo ng Midian ay nagkampo sa hilaga nila, sa lambak na malapit na burol ng More.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 2 Sinabi ni Yahweh kay Gideon, "Napakarami ng iyong mga sundalong kasama. Kung papayagan ko na lumaban kayong lahat sa hukbo ng Midian ay tatalunin sila ng iyong hukbo, magmamayabang sila sa akin na tinalo nila ang kanilang mga kaaway sa pamamagitan ng kanilang mga sarili, na wala ang aking tulong.
|
|
\v 3 Kaya sabihin sa kalalakihan, 'Sinuman sa inyo ang mahina ang loob at takot maaaring iwan tayo at umalis mula sa Bundok Galaad."' Kaya matapos sabihin iyon ni Gideon sa kanila, dalampu't dalawang libo sa kanila ang umuwi. Tanging sampung libong kalalakihan ang naiwan doon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Pero nagsalita si Yahweh kay Gideon, "Marami pa rin ang mga lalaki! Dalhin sila pababa sa bukal at doon ay pipili ako mula sa kanila, kung sino ang isasama sa iyo at alin ang hindi isasama."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Nang dinala ni Gideon ang mga kalalakihan pababa sa bukal, sinabihan siya ni Yahweh, "Kapag uminom sila, ilagay sa isang pangkat ang mga iinom gamit ang kanilang mga dila, tulad ng ginagawa ng mga aso. Ilagay sa ibang pangkat ang mga luluhod para uminom gamit ang kanilang mga bibig sa tubig."
|
|
\v 6 Kaya nang uminom sila, tanging tatlong daang kalalakihan lamang ang uminom sa tubig gamit ang kanilang mga dila. Lahat ang ilan ay uminom ng nakaluhod at inilagay ang kanilang bibig sa tubig.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Gideon, "Ang tatlong daang kalalakihan na uminom sa tubig ang iyong magiging hukbo! Tutulungan ko sila na talunin ang hukbo ng Midianita. Hayaan ang lahat ng iba pa na umuwi!"
|
|
\v 8 Kaya ang tatlong daang tauhan ni Gideon ay tinipon ang pagkain at mga sungay ng lalaking tupa (ginagamit bilang mga trumpeta) mula sa lahat ng iba pang mga kalalakihan at pagkatapos ay pinauwi niya sila. Ang mga kalalakihan ng Midian ay nagkampo sa lambak sa ibaba ni Gideon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Nang gabing iyon, sinabi ni Yahweh kay Gideon, "Bumangon at bumaba ka sa kanilang kampo at makakarinig ka ng isang bagay na hihikayat sa iyo na idudulot kong talunin sila ng mga tauhan mo.
|
|
\v 10 Pero kung takot kang pumunta ng nag-iisa, isama mo ang lingkod mong si Pura.
|
|
\v 11 Bumaba at makinig kung ano ang sinasabi ng mga sundalong Midian. Pagkatapos ay magkakaroon ka ng lakas ng loob at maging handa na lusubin ang kanilang kampo." Kaya sinama ni Gideon si Pura at sila ay bumaba sa dulo ng kampo ng kaaway.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Ang mga hukbo ng mga tao ng Midian at Amalek na mula sa silangan ay nagtayo ng kanilang mga tolda at nagmistulang isang kumpol ng mga balang. Tila ang kanilang mga kamelyo ay napakarami para bilangin, tulad ng mga butil ng buhangin sa baybayin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Gumapang si Gideon palapit at narinig ang isang lalaki na nagsasabi sa isang kaibigan tungkol sa isang panaginip, Sinabi niya, "May napanaginipan ako, at nakita ko sa aking panaginip ang isang bilog na tinapay na sebada na gumugulong pababa sa ating kampo ng Midian. Tinamaan nito ang isang tolda nang napakalakas at bumaliktad ang tolda at bumagsak!"
|
|
\v 14 Sinabi ng kaniyang kaibigan, "Isang bagay lamang ang ibig sabihin ng iyong panaginip. Ibig sabihin nito ay idudulot ng Diyos si Gideon, ang bayan ng Israel, na talunin ang lahat ng mga hukbo na kasama nating mga kalalakihan dito mula sa Midian."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Nang marinig ni Gideon ang sinabi ng lalaki ang tungkol sa kaniyang panaginip at ang kahulugan ng panaginip na iyon, nagpasalamat siya sa Diyos. Pagkatapos bumalik siya at si Pura sa kampo ng Israelita at sumigaw siya sa mga tao, "Bangon! Dahil idudulot ng Diyos na talunin ninyo ang mga kalalakihan mula sa Midian."
|
|
\v 16 Hinati niya ang kaniyang mga tauhan sa tatlong pangkat. Binigyan niya ang bawat isa ng isang sungay ng lalaking tupa (bilang isang trumpeta) at isang walang lamang tapayan. Gayundin binigyan niya ang bawat isa ng sulo para dalhin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Pagkatapos sinabi niya sa kanila, "Panoorin ninyo ako. Kapag malapit na tayo sa kampo ng kaaway, kumalat para palibutan ang kampo. Pagkatapos gawin mismo kung ano ang aking gagawin.
|
|
\v 18 Sa oras na hipan ng aking mga tauhan ang mga sungay ng lalaking tupa, kayo na mga kalalakihan sa ibang mga pangkat na nakapalibot sa kampo ay hihipan ang inyong mga sungay at sumigaw, "Para kay Yahweh at para kay Gideon!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Ilang sandali bago maghating gabi, sa kalagitnaan ng pagbabantay," nang ang bagong mga pangkat ng mga bantay ay papalit sa dating lugar ng naunang mga bantay, si Gideon at isang daang kalalakihan na kasama niya ay dumating sa gilid ng kampo ng Midian. Biglang hinipan niya at ng kaniyang mga tauhan ang mga sungay at binasag ang mga tapayan na kanilang dala-dala.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Pagkatapos hinipan ng lahat ng kalalakihan ng tatlong pangkat ang dala nilang mga sungay at binasag ang dala nilang mga tapayan. Itinaas nila ang mga sulo gamit ang kanilang kaliwang kamay at itinaas ang mga sungay ng lalaking tupa gamit ang kanang kamay at hinipan ito at sumigaw, "Mayroon kaming mga espada para makipaglaban para kay Yahweh at kay Gideon!"
|
|
\v 21 Tumayo ang bawat isa sa mga tauhan ni Gideon sa kanilang lugar na nakapalibot sa kampo ng kaaway. Habang sila ay nanunuod, lahat ng mga lalaking Midian ay nagsimulang magsitakbuhang paikot-ikot at sumisigaw sa pagkagulantang.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 22 Habang patuloy na hinihipan ng tatlong daang kalalakihang Israelita ang kanilang mga trumpeta, idinulot ni Yahweh na ang mga Midianita ang magsimula ng labanan gamit ang kanilang mga espada. Ilan sa kanila ay pinatay ang bawat isa. Ang naiwan ay tumakas patimog ng Beth Sita, Ang ilan ay tumakas patungo sa pook ng Zerara, sa kalayuan ng hangganan ng Abel Mehola, malapit sa Tabata.
|
|
\v 23 Ang mga kalalakihan ng Israel ay sama-samang nagtipon pa ng maraming kalalakihan mula sa lipi ni Naftali, Asher at Manases at hinabol nila ang hukbo ng Midian.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 24 Nagpadala si Gideon ng mga mensahero sa buong bulubundukin kung saan nakatira ang mga kaapu-apuhan ni Efraim, sinabing, "Bumaba at lusubin ang hukbo ng Midian. Bumaba sa Ilog Jordan, sa mga lugar na ang mga tao ay makakatawid para pigilan ang mga hukbo ng kaaway na tumawid dito! Magtalaga ng mga kalalakihan hanggang sa timog sa Bet Bara." Kaya ginawa ng mga tauhan ni Efraim kung ano ang sinabi ni Gideon sa kanila na gawin.
|
|
\v 25 Nadakip din nila sina Oreb at Zeeb, ang dalawang mga heneral ng hukbo ng Midian. Pinatay nila si Oreb sa malaking bato na ngayon ay tinatawag na Bato ni Oreb at pinatay nila si Zeeb sa lugar kung saan sila nagpipiga ng mga ubas na ngayon ay tinatawag na pigaan ng ubas ni Zeeb. Pagkaraan, pinugutan ng ulo ng mga Israelita sina Oreb at Zeeb at dinala ang mga ito kay Gideon, na nasa kabilang ibayo ng Ilog Jordan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 8
|
|
\p
|
|
\v 1 Pagkatapos sinabi ng mga sundalo mula sa lipi ni Efraim kay Gideon, "Bakit kumilos ka ng ganito sa amin? Nang ikaw ay umalis para makipaglaban sa hukbo ng Midian, bakit hindi mo kami tinawag para tulungan ka?" Matinding nakipagtalo sila kay Gideon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 2 Pero sumagot si Gideon, "Napakaliit na bagay lamang ang nagawa ko kumpara sa kung ano ang inyong nagawa! Ang mga ubas na hindi ninyo pinag-abalahang pulutin sa lupain ni Efraim ay higit na mabuti pa kaysa sa kabuuanng ani ng mga kaapu-apuhan ni Abiezer!
|
|
\v 3 Tinulungan kayo ng Diyos na matalo sina Oreb at Zeeb, ang mga heneral mula ng hukbo ng Midian. Higit na mahalaga iyan kaysa sa kung ano ang aking nagawa!" Matapos sabihin ni Gideon ang mga ito sa kanila, hindi na sila nagdamdam sa kung ano ang nagawa niya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Pagkatapos si Gideon at ang kaniyang tatlong daang tauhan ay pumunta sa silangan. Dumating sila sa Ilog Jordan at tinawid ito. Kahit na sila ay pagod na pagod, patuloy nilang hinabol ang kanilang mga kaaway.
|
|
\v 5 Nang sila ay nakarating sa bayan ng Sucot, sinabi ni Gideon sa mga pinuno ng bayan, "Pakiusap bigyan ninyo ng tinapay ang aking mga tauhan para sila ay makakain! Sila ay pagod na pagod. Hinahabol namin ang mga hari ng Midian na sina Zeba at Zalmuna."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Pero sumagot ang mga pinuno ng Sucot, "Hindi ninyo pa rin nahuhuli si Zaba at Zalmuna. Kaya, bakit namin bibigyan ng pagkain ang iyong sundalo ng hindi ninyo pa sila nahuhuli?"
|
|
\v 7 Sumagot si Gideon, "Dahil sinabi ninyo iyan, tutulungan kami ni Yahweh na mahuli sina Zeba at Zalmuna at dadalhin sila sa inyo. Pupunta kami sa inyo at gagawa kami ng pamalo mula sa mga tinik at matulis na sima na tumutubo sa disyerto. Gagamitin namin ang mga tinik na iyon, para punitin ang inyong laman!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Umakyat si Gideon at ang kaniyang tatlong daang tauhan sa Penuel at humingi ng pagkain doon sa parehong paraan. Pero ganoon din ang isinagot ng mga tao.
|
|
\v 9 Kaya sinabi niya sa mga kalalakihan ng Penuel, "Matapos kung talunin ang mga haring iyon at gumawa ng kapayapaan, sa gayon ay babalik ako at sisirain ko ang toreng ito!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Sa panahong iyon, nagpunta na sa bayan ng Karkor sina Zeba at Zalmuna na may labinlimang libong kawal. Silang lahat ang natira sa mga hukbo na dumating mula sa silangan. 120,000 na ng kanilang mga tauhan ang pinatay
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Pumunta sa silangan si Gideon at kaniyang mga tauhan sa tabi ng daan na kung saan naglalakbay ang mga pangkat ng manlalakbay. Dumaan sila sa mga bayan ng Noba at Jogbeha at dumating sa kampo ng kaaway nang hindi inaasahan.
|
|
\v 12 Tumakbo sina Zeba at Zalmuna, pero tinugis sila ng mga tauhan ni Gideon. Dinakip niya ang dalawang hari ng Midian—sina Zeba at Zalmuna at ang kanilang buong hukbo ay nalito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Matapos ng nangyari, kinuha ni Gideon at ng kaniyang mga tauhan sina Zeba at Zalmuna at nagsimula silang bumalik, tinahak ang daanan ng Heres.
|
|
\v 14 Nasalubong nila doon ang isang binata mula sa Sucot at humingi ng payo sa kaniya. Siya ay tinanong niya para kilalanin lahat ng mga pangalan ng mga pinuno sa bayan. Sinabi sa kaniya ng binata ang mga pangalan ng pitumpu't pitong kalalakihan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Pagkatapos bumalik si Gideon at kaniyang mga tauhan sa Sucot at sinabi sa mga pinunong iyon, "Narito sina Zeba at Zalmuna. Nang kami ay narito noon, pinagtawanan ninyo ako at sinabi, 'Hindi pa ninyo nahuli sina Zeba at Zalmuna! Matapos ninyong mahuli sila, bibigyan namin ng pagkain ang iyong mga tauhang pagod na pagod."'
|
|
\v 16 Pagkatapos ay kinuha ng mga tauhan ni Gideon ang dalawang pinuno at pinalo sila ng mga pamalo na gawa sa mga dawag na mula sa disyerto, para turuan sila na nararapat silang parusahan sa paggawa ng ganoong mga bagay.
|
|
\v 17 Pagkatapos pumunta sila sa Penuel at sinira ang tore at pinatay lahat ng mga kalalakihan sa bayan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Pagkatapos sinabi ni Gideon kina Zeba at Zalmuna, "Ang mga lalaking pinatay ninyo malapit sa Bundok Tabor, ano ang kanilang anyo?" Sumagot sila, "Sila ay tulad ninyo; sila ay mukhang mga anak ng isang hari."
|
|
\v 19 Sumagot si Gideon, "Sila ay aking mga kapatid na lalaki! Habang si Yahweh ay tiyak na nabubuhay, hindi ko kayo papatayin kung hindi ninyo sila pinatay."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Pagkatapos lumingon siya sa kaniyang panganay na anak na lalaki na si Jeter. Sinabi niya sa kaniya, "Patayin sila!" Pero si Jether ay isang bata lamang at takot siya, kaya hindi niya binunot ang kaniyang espada para patayin sila.
|
|
\v 21 Pagkatapos sinabi nina Zeba at Zalmuna kay Gideon, "Huwag hilingin sa isang binata na gawin ang dapat gawin ng isang lalaki!" Kaya pinatay silang pareho ni Gideon. Pagkatapos kinuha niya ang ginto, gasuklay na anyo na mga palamuti mula sa leeg ng kanilang mga kamelyo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 22 Pagkatapos isang pangkat ng mga lalaking Israelita ang pumunta kay Gideon at sinabi sa kaniya, "Ikaw ang magiging pinuno namin! Nais ka namin at ang iyong mga anak na lalaki at iyong mga apong lalaki na maging aming mga pinuno, dahil iniligtas mo kami mula sa hukbo ng Midian."
|
|
\v 23 Pero sumagot si Gideon, "Hindi, hindi ako mamumuno sa inyo at ang aking anak na lalaki ay hindi mamumuno sa inyo. Si Yahweh ang mamumuno sa inyo."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 24 Pagkatapos sinabi niya, "Hihiling lamang ako ng isang bagay. Hiling ko na bawat isa sa inyo ay magbigay sa akin ng isang hikaw mula sa mga bagay na nakuha ninyo matapos ng labanan." (Lahat ng mga kalalakihang nagmula kay Ishmael ay nagsusuot ng mga hikaw.)
|
|
\v 25 Sumagot sila, "Ikinagagalak naming ibigay sa iyo ang mga hikaw!" Kaya naglatag sila ng isang tela sa lupa, at bawat lalaki ay nagtapon ng gintong hikaw na nakuha niya mula sa mga pinatay niya sa digmaan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 26 Ang timbang ng lahat ng mga hikaw ay aabot sa dalawampung kilo. Hindi pa kasali ang ibang mga bagay na kanilang binigay kay Gideon—ang ibang palamuti o ang ibang mga palawit o ang mga damit na isinuot ng kanilang mga hari o ang mga gintong kuwintas na nasa leeg ng kanilang mga kamelyo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 27 Gumawa si Gideon para sa mga tao ng isang banal na kasuotan na kanilang sinasamba sa halip na sumamba sa tanging Diyos. Si Gideon at ang lahat ng kaniyang pamilya ay nagkasala sa pagsamba nito.
|
|
\v 28 Sa paraan na iyon kaya natalo ng mga Israelita ang mga tao na mula sa Midan. Hindi sapat ang lakas ng mga tao sa Midian para lusubin ulit ang mga Israelita. Kaya habang si Gideon ay buhay, nagkaroon ng kapayapaan sa loob ng apatnapung taon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 29 Umuwi si Gideon sa kaniyang tahanan para mamuhay roon.
|
|
\v 30 Nagkaroon siya ng maraming asawa, at sila ay nagsilang sa kaniya ng pitumpung anak na lalaki.
|
|
\v 31 Nagkaroon din siya ng isang aliping asawa sa lungsod ng Shekem, na nagsilang sa kaniya ng isang anak na lalaki na pinangalanan niyang Abimelec.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 32 Namatay si Gideon na anak ni Joas nang napakatanda na. Inilibing nila ang kaniyang katawan sa libingan kung saan ang kaniyang ama na si Joas ay nakalibing, sa Ofra, sa lupain ng mga Abieterita.
|
|
\v 33 Pero pagkamatay mismo ni Gideon, tinalikuran ng mga Israelita ang Diyos at ibinigay ang kanilang sarili sa pagsamba sa mga larawan ng diyos na Baal, tulad ng pag-iwan ng mga mangangalunya sa kanilang mga asawa para sumama sa ibang lalaki. Ginawa nila si Baal Berit na diyos na kanilang sinasamba.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 34 Nakalimutan nila ang tungkol kay Yahweh, ang siyang nagligtas sa kanila mula sa lahat ng kanilang mga kaaway na nakapalibot sa kanila.
|
|
\v 35 At kahit na si Gideon ay nakagawa ng maraming mabuting bagay para sa mga Israelita, hindi sila kumilos nang may kabaitan sa pamilya ni Gideon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 9
|
|
\p
|
|
\v 1 Nagpunta si Abimelec na anak na lalaki ni Gideon para makipag-usap sa mga kapatid ng kaniyang ina sa lungsod ng Shekem. Tinawag ding Jerub Baal si Gideon. Sinabi niya sa kanila at sa lahat ng kamag-anak ng kaniyang ina,
|
|
\v 2 "Tanungin ang lahat ng mga pinuno ng Shekem: 'Sa palagay ba ninyo magiging mabuti para sa lahat ng pitumpung anak ni Gideon na mamahala sa inyo? O mas magiging mabuti kung isang tao lang, si Abimelec, na mamahala sa inyo? ' At huwag niyong kalimutang isa akong bahagi ng inyong pamilya!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Kaya nagsalita ang mga kapatid ng ina ni Abimelec sa lahat ng mga pinuno ng Shekem tungkol sa sinabi ni Abimelec. Sinabi nila sa isa't-isa, "Kailangan nating pahintulutan si Abimelec na mamahala sa atin, dahil kamag-anak natin siya."
|
|
\v 4 Kaya kumuha ang mga pinuno ng Shekem mula sa templo ng kanilang diyos na si Baal Berit ng halos isang kilong pilak at ibinigay iyon kay Abimelec. Gamit ang pilak na iyon binayaran niya ang ilang walang kuwentang mga gumagawa ng gulo pra tulungan siya, at sumama sila kay Abimelec saan man siya magpunta.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Nagpunta sila sa Ofra, bayan ng kaniyang ama, at pinatay ang animnapu sa pitumpu niyang mga kapatid na lalaki, mga anak na lalaki ng kaniyang ama na si Gideon. Pinatay niya ang lahat ng mga lalaking iyon sa isang napakalaking bato. Pero nagtago ang pinakabatang anak ni Gideon na si Jotam mula kay Abimelec at kaniyang mga tauhan, at tumakas siya.
|
|
\v 6 Pagkatapos nagtipon lahat ng mga pinuno ng mga bayan ng Shekem at Betmilo sa ilalim ng malaking banal na puno sa Shekem. Doon itinalaga nila si Abimelec na maging kanilang pinuno.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Nang marinig ni Jotam ang tungkol doon, umakyat siya sa Bundok Gerizim. Tumayo siya sa tuktok ng bundok at sumigaw sa mga tao sa ibaba, "Kayong mga pinuno ng Shekem, makinig kayo sa akin, para pakinggan kayo ng Diyos!
|
|
\v 8 Isang araw nagpasya ang mga puno na magtalaga ng isang hari na mamamahala sa kanilang lahat. Kaya sinabi nila sa puno ng olibo, 'Ikaw ang maging hari namin!'
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Pero sinabi ng puno ng olibo, 'Huwag! Hindi ninyo ako magiging hari! Nasisiyahan ang mga tao at mga diyos sa langis na mula sa aking bunga. Hindi ako titigil sa pamumunga ng mga olibo kung saan nagmumula ang langis na iyon, para mamahala sa inyo ang ibang mga puno!'
|
|
\v 10 Pagkatapos sinabi ng mga puno sa puno ng igos, 'Pumarito ka at maging hari namin!'
|
|
\v 11 Pero sumagot ang puno ng igos, 'Huwag! Ayokong tumigil sa pamumunga ng aking mabubuting matamis na prutas, at magtungo sa iba at hayaang mamuno ang ibang mga puno!'
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Pagkatapos sinabi ng mga puno sa puno ng ubas, 'Halika at maging hari namin!'
|
|
\v 13 Pero sumagot ang puno ng ubas, 'Huwag! Hindi ninyo ako magiging hari! Nagdudulot ng sobrang kasiyahan sa mga tao at sa mga diyos ang bagong alak na gawa sa aking mga ubas. Hindi ko gustong tumigil sa pamumunga ng mga ubas at magtungo sa iba at hayaang mamuno ang ibang mga puno!'
|
|
\v 14 Pagkatapos sinabi ng lahat ng mga puno sa palumpong na tinik, 'Halika at maging hari namin!'
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Sinabi ng palumpong na tinik sa mga puno, 'Kung tunay na gusto ninyo akong maitalaga bilang inyong hari, halikayo sa lilim ng aking maliliit na mga sanga. Pero kung hindi ninyo gustong gawin iyan, nawa'y may apoy na lumabas mula sa akin at sunugin ang lahat ng puno ng sedar sa bansa ng Lebanon'~"
|
|
\v 16 Pagkatapos ikuwento ni Jotam sa kanila ang parabulang ito, sinabi niya, "Kaya ngayon tanong ko sa inyo, naging tuluyan ba kayong matapat at taos-puso sa inyong pag-talaga kay Abimelec na maging inyong hari? Ginantimpalaan ba ninyo si Gideon (na tinawag ding Jerub Baal) sa pamamagitan ng pagpaparangal sa kaniya ng karapat-dapat sa kaniya dahil sa lahat ng mabuting bagay na ginawa niya para sa inyo? Hindi!
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Huwag kalimutan na lumaban ang aking ama sa isang digmaan para sa inyo, at handa siyang mamatay para sa inyo kung kinakailangan, para iligtas kayo mula sa kapangyarihan ng mga lahi ng Midian.
|
|
\v 18 Pero ngayon nag-alsa kayo laban sa pamilya ng aking ama, at pinatay ninyo ang pitumpu sa kaniyang mga anak na lalaki sa isang napakalaking bato. At itinalaga ninyo si Abimelec—na anak ng babaeng alipin ng aking ama, hindi anak ng kaniyang asawa—na maging haring mamamahala sa inyo mga tao ng Shekem. Nagawa ninyo iyan dahil lang isa siya sa inyong mga kamag-anak!
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Kaya, kung sa araw na ito tingin ninyo na tunay kayong kumilos ng tama at taos-puso kay Gideon at sa kaniyang mag-anak, Nawa'y siya ay magdulot sa inyong sumaya at kayo rin ay magdulot sa kaniya na maging masaya.
|
|
\v 20 Pero kung hindi tama ang ginawa ninyo, hiling kong wasakin ni Abimelec ang Shekem at Bet Milo!" Hiling kong wasakin din ng mga pinuno ng Shekem at ng Bet Milo si Abimelec!"
|
|
\v 21 Pagkatapos sabihin ni Jotam iyon, tumakas siya mula sa kanila at tumakbo palayo patungo sa bayan ng Beer. Nanatili siya doon dahil natatakot siyang pagtangkaan siyang patayin ni Abimelec.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 22 Sa loob ng tatlong taon si Abimelec ang pinuno ng bayan ng Israel.
|
|
\v 23 Pagkatapos nagpadala ang Diyos ng masamang espiritu para magdulot ng gulo sa pagitan nina Abimelec at mga pinuno ng Shekem, na ang kinalabasan ay pagsuway ng mga pinuno shekem laban kay Abimelec.
|
|
\v 24 Tumulong ang mga pinuno ng Shekem kay Abimelec na patayin ang pitumpung mga anak na lalaki ni Gideon, na mga kapatid niya. Kaya ngayon nagpadala ang Diyos ng masamang espiritu para parusahan silang lahat dahil sa kanilang nagawa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 25 Naglagay ang mga pinuno ng Shekem ng panambang sa mga tuktok ng burol. Pinagnakawan ng mga lalaking iyon ang lahat ng dumaraan. Pero mayroong nagsabi kay Abimelec tungkol dito, kaya hindi siya nagtungo malapit sa kanila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 26 May isang lalaking na ang pangalan ay Gaal na anak ni Ebed na lumipat sa Shekem, kasama ng kaniyang mga kapatid na lalaki. Lumaki ang tiwala ng mga pinuno ng Shekem sa kaniya.
|
|
\v 27 Lumabas sila patungo sa kanilang mga taniman ng puno ng ubas para mamitas ng ilang mga ubas. Piniga nila ang mga ubas para gumawa ng katas, at gumawa sila ng alak. Pagkatapos gumawa sila ng isang pista sa bahay ng kanilang diyos, at kumain sila ng maraming pagkain at uminom ng maraming alak. Pagkatapos sinumpa nila si Abimelec.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 28 Sinabi ni Gaal anak ni Ebed, "Bakit natin hahayaang mamahala sa atin si Abimelec? Hindi ba anak siya ni Jerub Baal? At hindi niya opisyal si Zebul? Kailangang paglingkuran mo ang mga kalalkihan ng Hamor, ama ni Shekem! Bakit namin kailangan paglingkuran si Abimelec?
|
|
\v 29 Kung itatalaga ninyo ako bilang inyong pinuno, Aalisin ko si Abimelec. Sasabihin ko sa kaniya na, 'Ihanda mo ang iyong mga hukbo! Halika at labanan kami!'~"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 30 May isang taong nagsabi kay Zebul kung ano ang sinabi ni Gaal, at galit na galit siya.
|
|
\v 31 Nagpadala siya ng mga mensahero kay Abimelec. Sinabi nila sa kaniya, "Pumunta ka dito sa Shekem si Gaal at kaniyang mga kapatid na lalaki, at sinusulsulan nila ang mga tao para mag-alsa sila laban sa iyo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 32 Dapat kang bumangon sa gabi at ang iyong mga tauhan at pumunta at magtago sa bukirin sa labas ng lungsod
|
|
\v 33 Sa oras na sumikat ang araw sa umaga, bumangon at sumalakay sa lungsod. Nang lumabas si Gaal at kaniyang mga tauhan para lumaban sa inyo, maaari mong gawin sa kaniya lahat ng gusto mong gawin."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 34 Kaya bumangon si Abimelec at lahat ng kalalakihang kasama niya sa gabi. Naghati-hati sila sa apat na grupo at nagtago sa mga bukiring malapit sa Shekem.
|
|
\v 35 Kinaumagahan, lumabas si Gaal at tumayo sa pasukan ng tarangkahan ng lungsod. Habang nakatayo siya doon, lumabas sa pagkakatago sina Abimelec at ang kaniyang mga sundalo at nagsimulang maglakad papunta sa lungsod.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 36 Nang makita ni Gaal ang mga sundalo, sinabi niya kay Zebul, "Tingnan mo! May mga taong bumababa mula sa mga burol!" Pero sinabi ni Zebul, "Nakikita mo lamang ang mga anino ng mga puno sa mga burol. Hindi sila mga tao; mukha lang silang mga tao."
|
|
\v 37 Pero tumingin ulit si Gaal, at sinabing, "Tingnan mo! May mga taong bumababa sa gitnang bahagi ng lupain! May isang grupo sa kanila na bumababa mula sa daan ng kahoy na puno kung saan sinasabi ng mga tao na may mga espiritu ng mga patay na tao na nakikipag-usap sa kanila!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 38 Sinabi ni Zebul kay Gaal, "Ngayon anong maganda sa pagyayabang mo? Ikaw na nagsabing, 'Sino si Abimelec na dapat namin siyang paglingkuran?' Hindi ba ito ang mga taong kinamumuhian mo? Lumabas na ngayon at lumaban sa kanila.
|
|
\v 39 Kaya pinangunahan ni Gaal ang mga kalalakihan ng Shekem sa labas ng lungsod para labanan ang hukbo ni Abimelec.
|
|
\v 40 Hinabol sila ni Abimelec at ng kaniyang mga tauhan, at pinatay nila ang marami sa mga tauhan ni Gaal bago pa man sila makabalik ng ligtas sa loob ng tarangkahan ng lungsod.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 41 Nanatili naman si Abimelec sa Aruma, humigit kumulang limang milya ang layo mula kay Shekem, at pinilit na paalisin ng Sechem ng mga tauhan ni Zebul sina Gaal at kaniyang mga kapatid na lalaki.
|
|
\v 42 Sa sumunod na araw, naghanda ang mga tao ng Sechem sa pag-alis sa lungsod at nagtrabaho sa kanilang mga bukirin. Nang may magsabi kay Abimelec tungkol dun,
|
|
\v 43 pinaghati niya ang kaniyang mga tauhan sa tatlong grupo, at sinabihan silang magtago sa mga bukirin. Kaya ginawa nila iyon. At nang makita nila ang mga tao na lumalabas sa lungsod, lumabas sila at sinalakay sila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 44 Tumakbo sa tarangkahan ng lungsod sina Abimelec at mga kalalakihang kasama niya. Tumakbo ang iba pang dalawang grupo sa mga tao sa mga bukirin at sinalakay sila.
|
|
\v 45 Lumaban ng buong araw sina Abimelec at kaniyang mga tauhan. Nakuha nila ang lungsod at napatay ang lahat ng mga tao. Giniba nila lahat ng mga gusali, at hinagisan ng asin ang lahat ng mga lugar na mga nas ira para hindi na manatiling tumubo muli ang anumang bagay doon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 46 Nang marinig ng mga pinunong naninirahan sa labas ng tore ng Shekem ang nangyari, tumakbo sila at nagtago sa loob ng tanggulan, na isa ring templo ng kanilang diyos na si El Berit.
|
|
\v 47 Pero may isang taong nagsabi kay Abimelec na nagtitipon doon lahat ng mga pinuno.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 48 Kaya umakyat siya at lahat ng mga kalalakihang kasama niya sa Bundok Zalmon, na malapit sa Shekem. Pumutol si Abimelec ng ilang mga sanga gamit ang palakol, at inilagay ito sa kaniyang balikat. Pagkatapos sinabi niya sa lahat ng lalaking kasama niya, "Dalian ninyo, at gawin ang ginawa ko!"
|
|
\v 49 Kaya pumutol ang lahat ng kaniyang mga tauhan ng mga sanga at dinala ang mga iyon pababa sa bundok at pinagpatung-patong ang mga sanga sa mga pader nito. Pagkatapos nagsindi sila ng apoy, at natupok ng apoy ang tanggulan at namatay ang lahat ng mga taong nasa loob. Kaya lahat ng mga taong nasa loob ng tanggulan—namatay ang humigit-kumulang isang libong lalaki at mga babae.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 50 Pagkatapos nagtungo sina Abimelec at kaniyang mga tauhan sa lungsod ng Tebez. Pinaligiran nila ito at nakuha ito.
|
|
\v 51 Pero may isang matibay na tore sa loob ng lungsod. Kaya tumakbo ang lahat ng mga lalaki, babae, at mga pinuno sa tore. Nang nasa loob na silang lahat, ikinandado nila ang pinto. Pagkatapos umakyat sila hanggang bubong ng tore.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 52 Dumating sina Abimelec at kaniyang mga tauhan sa tore at lumapit siya sa pinto para magsindi ng apoy para sunugin ang pinto.
|
|
\v 53 Ngunit nang lumapit si Abimelec sa daanan ng pinto, isang babaeng nasa ibabaw ng bubong ang naghulog ng isang bahagi ng isang malaking batong panggiling sa kaniyang ulo, na bumiyak sa kanyang bungo.
|
|
\v 54 Agad na tinawag ni Abimelec ang batang lalaki na taga-dala ng mga sandata ni Abimelec, at sinabing, "Ilabas mo ang iyong espada at gamitin ito para patayin ako! Ayokong sabihin ng mga taong 'Isang babae ang pumatay kay Abimelec'~" Kaya itinusok ng batang lalaki ang kaniyang espada kay Abimelec, at namatay si Abimelec.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 55 Nang makita ng mga sundalong Israelitang patay na si Abimelec, bumalik silang lahat sa kanilang mga tahanan.
|
|
\v 56 Sa ganoong paraan pinarusahan ng Diyos si Abimelec dahil sa lahat ng mga masasamang bagay na ginawa niya sa kaniyang ama sa pamamagitan ng pagpatay sa lahat ng pitumpung mga kapatid niya.
|
|
\v 57 Pinarusahan din ng Diyos ang mga kalalakihan ng Shekem dahil sa mga masasamang bagay na nagawa nila. At nang mangyari ang mga bagay na ito, Natupad ang sumpa ni Jotam na anak na lalaki ni Jerub Baal.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 10
|
|
\p
|
|
\v 1 Ang haring sumunod kay Abimelec ay si Tola ang anak ni Pua at apo ni Dodo. Naging pinuno siya para iligtas ang mga Israelita mula sa kanilang mga kaaway. Mula siya sa lipi ni Isacar at nanirahan sa lungsod ng Samir sa burol na bansa ng lipi ng Efraim.
|
|
\v 2 Namuno siya bilang hukom sa buong Israel sa loob ng dalawampu't tatlong taon. Pagkatapos namatay siya at inilibing sa Samir.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Matapos mamatay ni Tola, si Jair (ang Galaadita) ay namuno bilang hukom sa Israel sa loob ng dalawampu't dalawang taon.
|
|
\v 4 Nagkaroon siya ng tatlumpung anak na lalaki at bawat isa sa kanila ay may sariling asno para masakyan. Nagkaroon sila ang tatlumpung lungsod sa Galaad at hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang pangalan, Havot Jair (o mga lungsod ni Jair).
|
|
\v 5 Pagkatapos namatay si Jair at inilibing siya sa lungsod ng Kamon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Gumawa pa ng mas maraming kasamaan ang mga Israelita na nakita ni Yahweh na kanilang ginagawa. Sinamba nila ang diyus-diyosang si Baal at mga babaeng diyus-diyosang ng panganganak na tinatawag na mga Astorot. Sinamba nila ang mga diyos ng mga lahi ng Aram, Sidon, Moab at mga lahi ng Amon at ang mga diyos ng mga Palestina. Kinalimutan nila ang tungkol kay Yahweh at tumigil sa pagsamba sa kaniya.
|
|
\v 7 Kaya galit na galit si Yahweh sa kanila at hinayaan niyang sakupin ang Israel ng mga Palestina at Amoneo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Dinurog nila at inapi ang mga Israelita ng taong iyon at sa loob ng labingwalong taon at pinahirapan nila ang lahat ng mga tao ng Israel na nanirahan sa silangang bahagi ng Ilog Jordan. Lupain iyon ng mga Amoreo na nasa Galaad.
|
|
\v 9 Pagkatapos tumawid ang mga Amoreo sa Ilog Jordan para makipaglaban sa mga tao ng lipi ni Juda, Benjamin at Efraim. Idinulot nila ang mga Israelita na mamuhay ng may takot at pangamba sa kanilang buhay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Kaya dumaing ang mga Israelita kay Yahweh, sinabing, "Nagkasala kami laban sa iyo. Pinabayaan ka namin at sumamba kami sa mga diyus-diyosang si Baal."
|
|
\v 11 Sumagot si Yahweh sa kanila, sinabing, "Inilabas ko kayo mula sa mga lahi ng mga taga-Ehipto, ng mga Amoreo, ng mga Amonita, ng mga Palestina
|
|
\v 12 at gayundin mula sa mga Sidonita, ang mga Amalekita at ang mga Maonita. Ginawa ko ito dahil sinaktan at ikinulong kayo. Dumaing kayo sa akin at pinalaya ko kayo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Pero ngayon ay pinabayaan ninyo ako at sumamba kayo sa ibang mga diyos. kaya, hindi ko na kayo ililigtas nang paulit-ulit.
|
|
\v 14 Pinili ninyo ang mga diyos na iyon na inyong tanging sinamba. Kaya sa kanila kayo humiling na tulungan kayo. Hayaang sila ang magligtas sa inyo kapag kayo ay nasa kaguluhan!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Pero sinabi ng bayan ng Israel kay Yahweh, "Nagkasala kami. Parusahan kami sa anumang paraan na iyong gusto. Pero pakiusap iligtas kami sa araw na ito!"
|
|
\v 16 Pagkatapos itinapon ng mga Israelita ang mga diyus-diyosan ng mga dayuhang diyos na kanilang iningatan at sila ay sumamba kay Yahweh. Nakita niya na nagdurusa nang matindi at umabot sila sa hangganan ng kaniyang pagtitiis sa mga paghihirap ng Israel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Nagtipon ang lahi ng Amon para makipaglaban sa mga Israelita at nagtayo sila ng kanilang mga tolda sa Galaad. Nagtipon ang mga sundalo ng Israelita at itinayo ang kanilang mga tolda sa Mizpa.
|
|
\v 18 Sinabi sa isa't isa ng mga pinuno ng mga tao ng Galaad, "Sino ang mamumuno sa ating paglusob laban sa hukbo ng Amoneo? Ang siyang mamumuno sa atin ay magiging pinuno ng lahat ng nakatira sa Galaad."
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 11
|
|
\p
|
|
\v 1 Mayroong isang lalaki na mula sa rehiyon ng Galaad na ang pangalan ay Jefta. Ipinakita niya na siya ay isang dakilang mandirigma. Pero ang kaniyang ina ay isang bayarang babae. Si Galaad ang kaniyang ama.
|
|
\v 2 Nagsilang ng maraming anak ang asawa ni Galaad. Nang lumaki na sila, sapilitan nilang pinaalis si Jefta sa tahanan, sinabihan siya, "Anak ka sa ibang babae, hindi ka anak ng aming ina. Kaya kung mamamatay ang ating ama, wala kang matatanggap na kahit anong pag-aari niya."
|
|
\v 3 Kaya umalis si Jefta sa kaniyang mga kapatid, at nanirahan siya sa lupain ng Tob. Habang naroon siya, sumama kay Jefta ang ilang mga lalaking itinakwil ng lipunan, at dumating sila at magkakasamang umalis.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Lumipas ang mga panahon, sinalakay ng mga sundalong Ammon ang mga sundalo ng Israel.
|
|
\v 5 Umalis ang mga pinuno ng Galaad para hanapin si Jefta para dalhin siya pauwi, at ilayo mula sa lupain ng Tob.
|
|
\v 6 Sinabi nila sa kaniya, "Sumama ka sa amin at pamunuan mo ang ating hukbo, at tulungan mo kaming kalabanin ang hukbo ng Ammon!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Pero sumagot si Jefta, "Kinasusuklaman ninyo ako! Pinilit ninyo akong paalisin sa bahay ng aking ama! Kaya bakit ngayon bumalik kayo sa akin para humingi ng tulong, dahil nagkaroon kayo ng kaguluhan?"
|
|
\v 8 Sinabi ng mga pinuno kay Jefta, "Kaya iyan ang dahilan kung bakit kami pumunta sa iyo ngayon. Sumama ka at makipaglaban kasama namin at pangunahan mo ang ating mga sundalo laban sa mga sundalong Ammon, at magiging pinuno ka sa lahat ng naninirahan sa Galaad."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Sumagot si Jefta sa kanila, "Kung sasama ako sa inyo pabalik sa Galaad para makipaglaban sa hukbo ng Ammon, at kung tutulungan tayo ni Yahweh na lupigin sila, magiging ako ang inyong pinuno."
|
|
\v 10 Sumagot sila, "Si Yahweh ang isang saksi sa lahat ng bagay na aming sinasabi sa iyo. Parurusahan niya kami kapag hindi namin tutuparin ang aming ipinapangako sa iyo."
|
|
\v 11 Kaya sumama si Jefta sa kanila pabalik sa Galaad, at hinirang siya ng mga tao na maging kanilang pinuno at kumander ng kanilang hukbo. Inulit ni Jefta kay Yahweh doon sa Mizpa ang mga alituntunin ng kasunduan na kanyang ginawa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Ipinadala ni Jefta ang mga mensahero sa hari ng mga lahi ng Ammon. Tinanong nila ang hari, "Ano ang ginawa namin para magalit ka, kaya ba darating ang iyong hukbo para makipaglaban sa mga tao sa aming lupain?"
|
|
\v 13 Sumagot ang hari, "Kinuha ninyo ang aming lupain noong dumating kayo dito mula sa Ehipto. Kinuha ninyo ang aming buong lupain sa silangan ng Ilog Jordan, mula sa Ilog Arnon ng timog hanggang sa Ilog ng Jabbok sa hilaga. Kaya ngayon ibalik ninyo ito sa amin ng mapayapa."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Kaya muling ipinadala ni Jefta ang mga mensahero sa hari.
|
|
\v 15 Sinabi nila sa kaniya, "Ito ang sinabi ni Jefta: 'Hindi kinuha ng mga Israelita ang lupain ng Moab at Amon.
|
|
\v 16 Nang lumabas ang mga Israelita sa Ehipto, nilakad nila ang disyerto papuntang Dagat Pula, at pagkatapos tinawid ito at naglakbay sa bayan ng Kadesh sa hangganan ng rehiyon ng Edom.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Nagpadala sila ng mga mensahero sa hari ng mga Idumeo para sabihin sa kaniya, "Pakiusap payagan ninyo kaming dumaan sa iyong lupain." Pero tumanggi ang hari ng mga Idumeo. Pagkatapos muling nagpadala ng parehong mensahe sa hari ng Moabita, pero tumanggi rin siyang payagan silang dumaan sa kaniyang lupain. Kaya nanatili ang mga Israelita sa Kadesh sa loob ng mahabang panahon.
|
|
\v 18 Pagkatapos pumunta ang mga Israelita sa disyerto at lumakad sa labas ng mga hangganan ng Edom at Moab, at pagkatapos pumunta sa hilaga ng Ilog Arnon, kung saan ang hilagang hangganan ng Moab. Hindi sila tumawid sa teritoryo ng Moab, dahil ang Arnon ay hangganan ng Moab.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Pagkatapos nagpadala ng isang mensahe ang mga pinuno ng Israel kay Sihon, ang hari ng mga Amoreo, na siyang namumuno sa Hesbon. Humiling sila sa kaniya, "Pakiusap payagan ninyo kaming dumaan sa inyong lupain para makapasok kami sa aming lupain."
|
|
\v 20 Pero hindi nagtiwala si Sihon sa mga Israelita para dumaan sa kaniyang lupain ng mapayapa. Kaya tinipon niya ang kaniyang mga sundalo at nagtayo sila ng kanilang mga tolda sa nayon ng Jahaz, at doon nakipaglaban siya sa Israel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 21 Pero si Yahweh, ang Diyos ng Israel, binigyang tulong ang hukbo ng mga Israelita at tinalo si Sihon at kaniyang hukbo. Pagkatapos kinuha nila ang pag-aari ng buong lupain kung saan nanirahan ang mga Amoreo.
|
|
\v 22 Kinuha ng mga Israelita ang lupain na pag-aari ng mga Amoreo, mula sa Ilog Arnon ng timog hanggang sa Ilog Jabbok sa hilaga, at mula sa disyerto ng silangan hanggang sa Ilog Jordan sa kanluran.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 23 Si Yahweh, ang Diyos ng Israel, ang siyang nagtaboy sa mga Amoreo na lisanin ang mga lugar na kung saan sila nanirahan, para lukubin ng mga Israelita. Kaya naiisip ba ninyo ngayon na maaari na ninyong angkinin ang kanilang lupain?
|
|
\v 24 Mayroon kayong karapatan sa lupain kapag ibibigay ito ni Cemos sa inyo. At maninirahan kami sa lupain na ibinigay ni Yahweh na ating Diyos sa amin!
|
|
\v 25 Magaling ba kayo kumpara kay Balak na anak ni Zippor, na hari ng Moab? Hindi siya naglakas-loob na makipaglaban sa Israel!
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 26 Tatlong daang taon nanirahan ang mga Israelita sa mga lungsod ng Hesbon at Aroer, sa mga kalapit bayan, at sa buong lungsod kabilang ang Ilog Arnon. Kayong mga taga-Ammon bakit hindi ninyo kinuha ang mga lungsod na iyon sa panahon ng mga taon na iyon?
|
|
\v 27 Wala kaming ginawang mali laban sa inyo, pero kayo ang gumagawa ng mali laban sa akin sa pamamagitan ng pagsalakay sa akin at sa aking mga hukbo. Pinaniniwalaan ko si Yahweh, na siyang tagahukom, ang magpapasya kung alin sa mga tao ng Israel o sa mga tao ng Amon ang nasa tama."
|
|
\v 28 Pero hindi pinansin ng hari ng Ammon ang babala na nakapaloob sa mensaheng ito mula kay Jefta.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 29 Pagkatapos ang Espiritu ni Yahweh ang naghari kay Jefta. Pumunta si Jefta sa Galaad at sa pook kung saan nanirahan ang lipi ni Manases, para ilista ang mga kalalakihan para sa kaniyang hukbo. Tuluyan niyang tinipon sila sa lungsod ng Mizpa ng Galaad para makipaglaban sa mga taga-Ammon.
|
|
\v 30 Doon gumawa si Jefta ng taos pusong pangako para kay Yahweh, sinabing, "Kung bibigyan mo ako ng tulong sa aking hukbo para lupigin ang mga taga-Ammon,
|
|
\v 31 kapag nakabalik ako mula sa digmaan, iaalay ko sa iyo kung anuman ang lumabas sa aking bahay para salubungin ako. Ikakaloob ko iyon sa iyo."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 32 Pagkatapos umalis si Jefta at kaniyang mga sundalo mula sa Mizpa para salakayin ang mga taga-Ammon, at tinulungan ni Yahweh ang kaniyang hukbo para talunin sila.
|
|
\v 33 Nilipol sila ni Jefta at ng kaniyang mga sundalo, mula sa lungsod ng Aroer hanggang sa buong pook na nakapalibot sa lungsod ng Minit. Nawasak nila ang dalawampung mga lungsod, kabilang ang lungsod ng Abel Keramim. Kaya tuluyang tinalo ng mga Israelita ang mga taga-Ammon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 34 Nang bumalik si Jefta sa kaniyang bahay sa Mizpa, unang lumabas ang kaniyang babaeng anak sa bahay para salubungin siya. Masaya siyang sumasayaw at gumagamit ng isang tamburin. Nag-iisa siyang anak at wala na siyang ibang mga lalaking anak o mga babaeng anak.
|
|
\v 35 Nang makita ni Jefta ang kaniyang anak, pinunit niya ang kaniyang mga damit para ipakita ang kaniyang labis na kalungkutan tungkol sa kung ano ang kaniyang gagawin. Sinabi niya sa kaniya, "Aking anak, habang tinitingnan kita ngayon, dinudurog mo ako ng matinding pagdadalamhati, dahil gumawa ako ng isang taos pusong pangako para kay Yahweh na iaalay ang tao na unang lumabas ng aking bahay, at dapat kong tuparin ang aking ipinangako."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 36 Sinabi ng kaniyang anak, "Ama tuparin mo ang iyong ipinangako kay Yahweh. Kaya dapat mong gawin sa akin ang iyong ipinangako, dahil sinabi mo na iyong gagawin iyon kung tulungan ka ni Yahweh na talunin ang ating mga kalaban, ang mga taga-Ammon."
|
|
\v 37 Pagkatapos sinabi rin niya, "Pero pahintulutan mo ako na gawin ang isang bagay. Una, payagan mo akong pumunta sa mga burol at mamalagi ng dalawang buwan. Yamang hindi na ako maaaring mag-asawa at magkaroon ng mga anak, payagan mo ako at ang aking mga kaibigan na umalis at magdalahamhati na magkasama."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 38 Sumagot si Jefta, "O sige, makakaalis ka na." Kaya umalis siya ng dalawang buwan. Siya at ang kaniyang mga kaibigan ay nanatili sa mga burol at nagdalamhati sila para sa kaniya dahil hindi na siya makapag-asawa.
|
|
\v 39 Pagkatapos ng dalawang buwan, bumalik siya sa kaniyang ama na si Jefta, at ginawa ni Jefta sa kaniya ang taos puso niyang ipinangako. Kaya hindi na nakapag-asawa ang kaniyang anak. Nang dahil doon, nagkaroon ngayon ng isang kaugalian ang mga Israelita.
|
|
\v 40 Bawat taon pumupunta ang mga babaeng Israelita sa mga burol sa loob ng apat na araw para alalahanin at magdalamhati tungkol sa nangyari sa anak ni Jefta.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 12
|
|
\p
|
|
\v 1 Sama-samang tinawag ng kalalakihan sa lipi ng Efraim ang kanilang mga sundalo, at tumawid sila sa Ilog Jordan at pumunta sa bayan ng Zafon para makipag-usap kay Jefta. Sinabi nila sa kaniya, "Bakit hindi ka humingi sa amin ng tulong para tulungan ang iyong mga hukbo na kalabanin ang mga taga-Ammon. Kaya susunugin namin ang iyong bahay habang nandoon ka sa loob nito."
|
|
\v 2 Sumagot si Jefta, "Pinagmalupitan kami ng mga taga-Ammon. At hiniling ko sa inyo na pumunta kayo at iligtas kami mula sa kanila, tumanggi kayo. Nang tumawag ako sa inyo, hindi kayo dumating para iligtas kami.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Nang nakita ko na hindi kayo darating para tulungan kami, itinaya ko ang aking sariling buhay sa pamamagitan ng pangunguna sa aking mga tao para labanan ang mga tao ng Ammon. At tinulungan kami ni Yahweh para talunin sila. Kaya bakit kayo dumatin para kalabanin kami?"
|
|
\v 4 Pagkatapos sama-samang tinawag ni Jefta ang mga sundalo ng Galaad para makipaglaban sa mga sundalo ng Efraim. Sinalakay nila sila dahil sinabi ng kalalakihan sa lipi ng Efraim, "Kayong kalalakihan mula sa Galaad ay mga takas dito sa lupain ng Efraim at Manases.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Nabihag ng mga taga-Galaad ang mga mababang lugar sa Ilog Jordan kung saan maaaring makatawid sa ibayo ng ilog ang mga tao at pumunta sa lupang pag-aari ng Efraim. Kung may isang taong mula sa lipi ng Efraim ang dumating sa tawiran para subukang tumakas, sasabihin niya, "Payagan akong makatawid sa ilog." Pagkatapos tatanungin siya ng kalalakihan ng Galaad, "Nagmula ka ba sa lipi ng Efraim?" Kung sasabihin niyang "hindi,"
|
|
\v 6 sasabihin nila sa kaniya, "Sabihin ang salitang 'Shibolet." Hindi mabibigkas ng tama ang salitang iyon ng kalalakihan ng Efraim. Kaya kung sasabihin ng tao na nagmula sa lipi ng Efraim "Sibolet," malalaman nila na nagsisinungaling siya at talagang nagmula siya sa lipi ng Efraim, at siya'y papatayin nila doon sa awiran. Kaya nakapatay ang kalalakihan ng Galaad ng apatnapu't dalawang libong tao mula sa lipi ng Efraim ng panahong iyon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Si Jefta, ang lalaki na mula sa Galaad ay naglingkod bilang isang hukom at pinuno sa buong Israel sa loob ng anim na taon. Pagkatapos namatay siya at inilibing sa isa sa mga bayan ng Galaad.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Nang mamatay si Jefta, naging isang pinuno at isang hukom sa buong Israel ang isang lalaki na ang pangalan ay Ibzan, na mula sa Bethlehem.
|
|
\v 9 Mayroon siyang tatlumpung anak na lalaki at ibinigay niya ang tatlumpung anak na babae para sa ipakasal. Nagdala siya ng tatlumpung anak na babae mula sa mga pamilya sa labas ng kaniyang angkan. Naging isang pinuno siya at isang hukom sa buong Israel sa loob ng pitong taon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Nang namatay siya, inilibing siya sa Bethlehem.
|
|
\v 11 Nang mamatay si Ibzan, isang lalaking na ang pangalan ay Elon, na mula sa lipi ng Zebulun, ang naging isang pinuno ng Israel. Siya ang kanilang pinuno sa loob ng sampung taon.
|
|
\v 12 Pagkatapos namatay siya at inilibing sa lungsod ng Ayalon sa pook kung saan naninirahan ang lipi ng Zebulun.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Pagkatapos mamatay ni Elon, naging isang pinuno at isang hukom sa buong Israel ang isang lalaki na ang pangalan ay Abdon anak na lalaki ni Hillel, mula sa lungsod ng Piraton.
|
|
\v 14 Mayroon siyang apatnapung anak na lalaki at tatlumpung apong lalaki. Mayroon silang pitumpung asno. Naging isang pinuno at isang hukom sa buong Israel si Abdon sa loob ng walong taon.
|
|
\v 15 Nang namatay si Abdon, inilibing siya sa Piraton, sa lupain ng Efraim, sa burol na bansa ng mga taga-Amalek.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 13
|
|
\p
|
|
\v 1 Muling gumawa ng kasamaan ang mga Israelita, at nakita ni Yahweh kung ano ang kanilang nagawa. Kaya tinulungan ni Yahweh ang mga Filisteo para lupigin sila. Pinamunuan nila ang mga Israelita sa loob ng apatnapung taon.
|
|
\v 2 Mayroong isang tao na ang pangalan ay Manoa mula sa pamilya ni Dan na nakatira sa bayan ng Zora. Walang kakayahang magbuntis ang kaniyang asawa, at kaya hindi nagka-anak ang kaniyang asawa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Isang araw, nagpakita ang anghel ni Yahweh sa asawa ni Manoa at sinabi sa kaniya, "Kahit na wala kang kakayahan para magkaanak ng anumang mga bata hanggang ngayon, sa madaling panahon mabubuntis ka at manganganak ng isang batang lalaki.
|
|
\v 4 Mula ngayon hanggang sa ipanganak siya, dapat hindi ka iinom ng anumang alak o ibang may alkohol na inumin, at dapat hindi ka kakain ng anumang pagkain na sinasabi ng batas na hindi natin dapat kainin.
|
|
\v 5 Alagaan ang iyong sarili. Pagkatapos mong maipanganak ang iyong anak na lalaki, walang sinuman ang maaaring pumutol ng kaniyang buhok. Ihahandog siya sa Diyos kahit bago pa siya ipanganak hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan. Siya ang magliligtas sa mga Israelita mula samga Filisteo."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Tumakbo ang babae at sinabi sa kaniyang asawa, "Nagpakita sa akin ang isang tao na ipinadala ng Diyos. Labis akong natakot sa kaniya, dahil para siyang isang anghel mula Diyos. Hindi ko tinanong kung saan siya galing, at hindi niya sinabi sa akin ang kaniyang pangalan.
|
|
\v 7 Pero sinabi niya sa akin, Mabubuntis ka, at manganganak ng isang batang lalaki. Hanggang sa oras na iyon, At hindi ka dapat kumain ng anumang pagkain na sinasabi ng batas na huwag kainin; hindi ito katanggap-tanggap sa Diyos para kainin. Ang iyong anak ay ihahandog sa Diyos, bago pa siya ipanganak, at hangga siya ay mamatay.'"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Pagkatapos nanalangin si Manoa kay Yahweh, sinabing, "O Panginoon, Nakikiusap ako sa iyo, payagan na muling bumalik ang tao na iyon na pinadala mo sa amin at turuan kami kung paano namin dapat palakihin ang bata na siyang ipapanganak sa amin."
|
|
\v 9 Ginawa ng Diyos ang kahilingan ni Manoa, at muling nagpakita sa babae ang kaniyang anghel. Nang oras na ito nasa bukid siya. Pero hindi niya muling kasama ang kaniyang asawang si Manoa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Kaya agad siyang tumakbo at sinabi sa kaniyang asawa, "Muling dumating ang tao na nagpakita sa akin ilang araw na ang nakakaraan!"
|
|
\v 11 Tumakbong pabalik si Manoa kasama ng kaniyang asawa at tinanong siya, "Ikaw ba iyong tao na nakipag-usap sa aking asawa ilang araw na ang nakakaraan?" Sumagot siya. "Oo ako nga."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Tinanong siya ni Manoa, "Kapagnangyari na ang iyong ipinangako at manganganak na ng isang batang lalaki ang aking asawa, ano ang mga alituntunin ang mayroon para sa bata, at ano ang mga gawain ang kaniyang gagawin kapag lumaki na siya?"
|
|
\v 13 Sumagot ang anghel ni Yahweh, "Dapat sundin ng iyong asawa ang lahat ng mga tagubilin na ibinigay ko sa kaniya.
|
|
\v 14 Bago ipanganak ang sanggol, dapat hindi siya kumain ng mga ubas, uminom ng alak o anumang inumin na may alkohol, o kakain ng anumang pagkain na sinasabi ng batas na hindi dapat natin kainin."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Pagkatapos sinabi ni Manoa, "Pakiusap manatili ka muna dito hanggang sa makakatay kami at makapagluto ng isang batang kambing para sa iyo."
|
|
\v 16 Sumagot ang anghel ni Yahweh, "Mananatili ako dito, pero hindi ako kakain ng anumang bagay. Gayunman, maaari kayongmagkatay ng isang hayop at ialay ito bilang isang handog na susunugin para kay Yahweh." Pero hindi pa napagtanto ni Manoa na siya ay anghel ni Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Pagkatapos tinanong siya ni Manoa, "Ano ang iyong pangalan? Kapag nangyayari na ang iyong ipinangako, gusto naming parangalan ka."
|
|
\v 18 Sumagot ang anghel ni Yahweh, "Bakit mo tinanong ang aking pangalan? Masyado itong kahanga-hanga."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Pagkatapos kinatay ni Manoa ang isang batang kambing at sinunog ito sa ibabaw ng bato, kasama ng isang handog na pagkaing butil, bilang isang alay para kay Yahweh. Pagkatapos gumawa siya ng isang kamangha-manghang bagay habang nakatingin si Manoa at ang kaniyang asawa.
|
|
\v 20 Nang nagliyab na ang apoy mula sa altar patungong langit, umakyat ang anghel ni Yahweh sa nagliliyab na apoy mula sa altar. Nakita iyon ni Manoa at ng kaniyang asawa at nagpatirapa sila sa lupa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 21 hindi na muling nagpakita ang anghel ni Yahweh kay Manoa at sa kaniyang asawa, napagtanto ni Manoa kung sino talaga ang taong iyon.
|
|
\v 22 Kaya sinabi ni Manoa, "Ngayon siguradong mamamatay tayo, dahil nakita natin ang Diyos!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 23 Pero sinabi ng kaniyang asawa, "Sa palagay ko hindi. Kung hinahangad ni Yahweh na patayin tayo, hindi niya tatanggapin ang handog na sinunog at handog na pagkaing butil. At hindi siya magpapakita sa atin at sasabihin sa atin ang kahanga-hangang bagay na mangyayari sa atin, at hindi siya nagsagawa ng himalang ito."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 24 Nang ipinanganak na ang kanilang anak na lalaki, pinangalanan nila siyang Samson. Pinagpala siya ni Yahweh habang lumalaki siya.
|
|
\v 25 Habang nasa Mahanedan siya, na nasa pagitan ng bayan ng Zora at Estaol, nagsimulang mamahala sa kaniya ang Espiritu ni Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 14
|
|
\p
|
|
\v 1 Bumaba si Samson sa bayan ng Timna, at doon nakita niya ang isang dalaga na babaeng Palestina.
|
|
\v 2 Nang bumalik siya sa tahanan, sinabihan niya ang kaniyang ina at ama, "Nakakita ako ng isa sa mga dalaga na babaeng Palestina sa Timna, at gusto ko kunin ninyo siya para sa akin para mapakasalan ko siya."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Lubos na tumutol ang kaniyang ina at ama. Sinabi nila, "Wala na bang babae sa ating lipi, o mula sa mga lipi ng Israel, na maaari mong pakasalan? Bakit gusto mo ng isang asawa na mula sa Filisteo, na hindi tuli at hindi sumasamba kay Yahweh?" Pero sinabihan ni Samson ang kaniyang ama, "Kunin mo siya para sa akin! Siya ang babae na gusto ko!"
|
|
\v 4 Hindi naintindihan ng kaniyang ina at ama na si Yahweh ang gumawa nito. Naghahanda siya ng isang paraan para kay Samson na gumawa ng isang alitan sa mga Filestio, dahil pinamumunuan nila ang buong Israel ng panahong iyon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Pagkatapos bumaba si Samson sa Timna kasama ang kaniyang ina at ama. Sinalakay siya ng isang leon at umatungal sa kaniya malapit sa taniman ng ubas na malapit sa bayan.
|
|
\v 6 Pagkatapos pumaloob ang Espiritu ni Yahweh kay Samson, at dinurog niya ang leon ng pira-piraso gamit ang kaniyang mga kamay. Ginawa niya ito ng walang hirap na parang isang batang kambing. Pero hindi niya sinabi sa kaniyang ina at ama ang tungkol dito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Nang dumating sila sa Timna, nakipag-usap si Samson sa dalaga, at labis na nagustuhan ni Samson ang dalaga. At gumawa ng pakikipag-ayos ang kaniyang ama para sa kasal.
|
|
\v 8 Pagkatapos, nang bumalik si Samson sa Timna para sa kasal, lumiko siya sa daan para tingnan ang patay na katawan ng leon. Natuklasan niya ang kolonya ng mga bubuyog na gumawa ng pugad sa patay na katawan ng hayop at mayroong maraming pulot.
|
|
\v 9 Kaya hinukay niya ang ilan sa mga pulot at inilagay sa kaniyang mga kamay at kinain ang ilan sa mga ito habang siya ay naglalakad. Binigyan din niya ng kaunti ang kaniyang ina at ama, pero hindi niya sinabi sa kanila na kinuha niya ang pulot mula sa patay na katawan ng leon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Habang ginagawa ng kaniyang ama ang pangwakas na pakikipag-ayos para sa pag-iisang dibdib, nagbigay si Samson ng isang kapistahan para sa mga binatang lalaki sa pook na iyon. Kaugalian iyon ng mga lalaking malapit na ikasal.
|
|
\v 11 Pagkakita ng mga kamag-anak ng babae sa kaniya, dinalhan nila siya ng tatlumpung mga kaibigan nila para dumalo sa kaniya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Sinabi ni Samson sa kanila, "Payagan ninyo ako na sabihan ko kayo ng isang bugtong. Kung maibigay ninyo sa akin ang tamang kahulugan ng aking bugtong sa loob ng pitong araw na pagdiriwang, bibigyan ko kayo ng tig-iisang linong balabal at karagdagang mga kasuotan.
|
|
\v 13 Pero kung hindi ninyo maibigay sa akin ang tamang kahulugan, dapat isa-isa kayong magbigay sa akin ng isang linong balabal at karagdagang mga kasuotan." Sumagot sila, "O sige. Sabihin mo sa amin ang iyong bugtong."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 "Kaya sinabi niya, "Mula sa mangangain nakahanap ako ng makakain; mula sa lakas nakahanap ako ng isang bagay na matamis." Pero tatlong araw na hindi pa sila nakapagbigay sa kaniya ng kahulugan ng bugtong.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Sa pang-apat na araw, sinabi nila sa asawa ni Samson, "Gumawa ka ng lihim na paraan para sabihin ng iyong asawa ang tamang kahulugan ng bugtong. Kapag hindi mo ginawa iyon, susunugin namin ang bahay ng iyong ama, kasama ka at iyong pamilya na nasa loob nito! Pinapunta mo kami dito para gawin kaming mahirap sa pamamagitan ng pagpipilit sa amin na bumili ng maraming kasuotan para sa iyong asawa?"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Kaya lumapit ang asawa ni Samson sa kaniya, na umiiyak. Sinabi niya sa kaniya, "Hindi mo ako totoong mahal. Kinasusulakaman mo ako! Nagsabi ka sa aking mga kaibigan ng isang bugtong, pero hindi mo sinabi sa akin ang tamang sagot tungkol dito!" Sumagot siya, "Hindi ko sinabi ang mga sagot kahit sa sarili kong ina at ama, kaya bakit ko sasabihin sa iyo ang sagot?"
|
|
\v 17 Patuloy siyang umiyak sa bawat oras na kasama niya siya, sa buong natitirang pagdiriwang. Sa katapusan, sa ikapitong araw, dahil patuloy siyang nangungulit sa kaniya, sinabi niya sa kaniya ang sagot ng bugtong. Pagkatapos sinabi niya ito sa mga lalaki.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Kaya bago magtakipsilim sa ikapitong araw, dumating ang mga lalaki kay Samson at sinabi sa kaniya, "Wala ng mas matamis kaysa pulot; Wala ng mas malakas kaysa sa isang leon." Sumagot si Samson, "Ginagamit ng mga tao ang kanilang sariling mga hayop para mag-araro sa kanilang mga bukid. Ang aking asawa ay kahalintulad ng isang dumalagang baka na inyong ginamit, pero hindi ninyo siya pag-aari! Kung hindi ninyo siya pinilit para tanungin ako, hindi ninyo malalaman ang sagot!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Pagkatapos pumasok ang Espiritu ni Yahweh kay Samson at binigyan siya ng malakas na kapangyarihan. Bumaba siya sa baybayin sa lungsod ng Ashkelon at pinatay ang tatlumpung mga lalaki. Kinuha niya ang kanilang mga kasuotan at bumalik sa Timna; pagkatapos ibinigay niya ang mga ito sa mga lalaki sa pista. Pero labis siyang nagalit tungkol sa nangyari, kaya umuwi siya sa kanilang tahanan para manirahan kasama ang kaniyang ina at ama.
|
|
\v 20 Kaya sa halip ibinigay ang asawa ni Samson ng kaniyang ama na naging matalik na kaibigan ni Samson nang ikinasal siya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 15
|
|
\p
|
|
\v 1 Sa panahong iyon nag-aani sila ng mga trigo, nagdala si Samson ng isang batang kambing sa Timna bilang isang regalo para sa kaniyang asawa. Gusto niyang sipingan ang kaniyang asawa, pero hindi siya pinayagan ng ama ng kaniyang asawa na pumasok sa kuwarto ng kaniyang asawa.
|
|
\v 2 Sinabi niya kay Samson, "Ang akala ko talaga galit ka sa kaniya. Kaya ibinigay ko siya sa lalaki na iyong matalik na kaibigan sa kasal, at pinakasalan niya siya. Pero tingnan mo, ang kaniyang bunsong babaeng kapatid ay mas maganda sa kaniya. Sa halip kunin mo siya."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Sumagot si Samson, "Hindi! At sa oras na ito mayroon akong karapatan para makaganti sa inyo mga Palestina.
|
|
\v 4 Pagkatapos pumunta siya sa bukid at humuli ng tatlong daang soro. Tinalian niya ang mga buntot ng mga ito ng sama-sama, dalawa sa dalawa. Itinali niya ang mga sulo sa bawat pares ng mga buntot.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Pagkatapos sinindihan niya ang mga sulo at hinayaan ang mga soro na magtakbuhan patungo sa mga bukid ng Palestina. Ang apoy mula sa mga sulo ay sinunog ang lahat ng butil sa lupa, kasama ang mga butil na pinutol at nakabigkis sa mga talaksan. Nasunog din ng apoy ang mga ubasan at kanilang mga puno ng olibo.
|
|
\v 6 Nagtanong ang mga Filestio, "Sino ang may kagagawan nito?" May isang tao na nagsabi sa kanila, "Kagagawan ito ni Samson. Napangasawa niya ang isang babae na taga-Timna pero ibinigay siya ng kaniyang biyenan sa lalaki na matalik na kaibigan ni Samson, at pinakasalan niya siya." Kaya pumunta ang mga Filestio sa Timna at kinuha ang babae at ang kaniyang ama at sinunog sila hanggang mamatay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Nalaman ni Samson ang tungkol dito at sinabi sa kanila, "Dahil ginawa ninyo ito, maghihiganti ako sa inyo, at pagkatapos magiging masaya ako!"
|
|
\v 8 Kaya sinalakay ni Samson ng walang awa ang mga Filestio at pinatay ang karamihan sa kanila. Pagkatapos umalis siya para magtago sa isang kuweba sa malaking bato sa isang lugar na tinawag na Etam.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Hindi alam ng mga Filestio ang kinaroonan niya, kaya umakyat sila sa lugar kung saan nakatira ang kaapu-apuhan ni Juda, at naghanda sila para sa pakikipaglaban sa bayan ng Lehi.
|
|
\v 10 Nagtanong ang mga lalaki na naroon sa mga Filestio, "Bakit gusto ninyo kaming salakayin?" Sumagot ang mga Filestio, "Naparito kami para bihagin si Samson. Naparito kami para maghiganti sa kaniya sa ginawa niya sa amin."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Isang tao roon ang nakakaalam kung saan nagtatago si Samson. Kaya tatlong libong lalaki mula sa Juda ang bumaba para kunin si Samson sa kuweba na kaniyang pinagtatago. Sinabi nila kay Samson, "Hindi mo ba alam na naghahari sa atin ang mga Filestio? Hindi mo ba alam kung ano ang gagawin nila sa atin?" Sumagot si Samson, "Ang tanging bagay na ginawa ko ay maghiganti sa kanila sa ginawa nila sa akin."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Pero sinabi sa kaniya ng mga lalaki mula sa Juda, "Naparito kami para igapos ka at ibigay ka sa mga kamay ng Filestio." Sinabi ni Samson, "Sige, pero ipangako ninyo sa akin na hindi ninyo ako papatayin!"
|
|
\v 13 Sumagot sila, "Igagapos ka lang namin at ibibigay ka namin sa mga Filestio. Hindi ka namin papatayin." Kaya iginapos nila si Samson sa pamamagitan ng dalawang bagong lubid at inilabas siya mula sa kuweba.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Nang makarating sila sa Lehi, lumapit ang mga Filestio sa kaniya, sumisigaw dahil sa tagumpay. Pero pumasok ng may kapangyarihan ang Espiritu ni Yahweh kay Samson. Pinutol niya ang mga lubid na nasa kaniyang mga braso ng walang hirap para lang itong mga tangkay na nasunog na lino, at bumagsak ang mga ito kaniyang mga pulsuhan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Pagkatapos nakakita si Samson ng isang panga ng asno na nasa lupa. Ito ay bago, kaya ito ay matigas. PInulot niya ito at sa pamamagitan nito pinatay ang halos isanglibong mga lalaking Filestio.
|
|
\v 16 Pagkatapos kumanta si Samson: "Sa pamamagitan ng panga ng isang asno ginawa ko silang katulad ng isang tambakan ng mga patay na mga asno. Sa pamamagitan ng panga ng isang asno nakapatay ako ng isanglibong Filisteo."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Nang natapos siya, itinapon niya ang panga ng asno, pero hindi nagtagal ang lugar na iyon ay tinawag na Ramat-Lehi.( o Burol ng Panga).
|
|
\v 18 Pagkatapos si Samson ay uhaw na uhaw, kaya tumawag siya kay Yahweh, "Binigyan mo ako ng lakas para magwagi ng isang dakilang tagumpay. Kaya ngayon dapat ba akong mamamatay dahil sa pagka-uhaw, na ang kalalabasan na iyong mga pagano, ang mga taga-Filisteo na hindi tuli ay bibihagin ako?"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Kaya idinulot ng Diyos bumulwak ang tubig mula sa lubak na lupa sa Lehi. Uminom si Samson mula rito at di nagtagal nakaramdam ulit ng lakas. Tinawag niya iyong lugar na En Hakkore( o "Ang bukal mula sa isang tumawag") Ang bukal na iyon ay makikita pa rin sa Lehi, hanggang sa araw na ito.
|
|
\v 20 Si Samson ay ang pinuno at hukom sa loob ng dalawangpung taon, pero hanggang sa panahon na iyon ang mga taga-Filisteoang namamahala sa buong lupain.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 16
|
|
\p
|
|
\v 1 Pumunta si Samson sa lungsod ng Gaza. Nakita niya ang isang babaeng bayaran at nagpalipas siya ng magdamag kasama ng babae.
|
|
\v 2 Sinabihan ang bayan ng Gazita, "Narito si Samson." Pinaligiran nila ang lugar kung saan naroon si Samson, at naghintay ng palihim sa buong magdamag. Nasa tabi sila ng tarangkahan ng lungsod, kaya sigurado sila na hindi siya makakatakas. Sinabi nila, "Maghintay tayo hanggang magliwanag at pagkatapos papatayin natin siya."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Pero hindi namalagi ng magdamag si Samson. Sa hatinggabi, tumayo siya. Pumunta siya sa tarangkahan ng lungsod, hinawakan niya ang dalawang poste nito at binunot niya ang mga ito sa lupa, kasama ng mga mga bakal na nag-uugnay nito na nakakabit pa rin. Inilagay niya ito sa kaniyang mga balikat at dinala ito ng malayo paakyat, sa harap ng bayan ng Hebron.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Hindi nagtagal umibig si Samson sa isang babaeng nagngangalang Delilah. Nakatira siya sa lambak ng Sorek. (sa lugar ng Filestio).
|
|
\v 5 Pinuntahan siya ng mga pinuno ng Filisteo at sinabi sa kaniya, "Gamitin mo ang iyong mga panlilinlang para alamin mula kay Samson kung ano ang nagpapapalakas sa kaniya. At alamin kung papaano natin siya tatalunin at maigagapos siya nang matibay. Kung gagawin mo iyan, ang bawat isa sa amin magbibigay sa iyo ng 1,100 na mga piraso ng pilak.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Kaya pinuntahan ni Delilah si Samson at sinabi, "Pakiusap sabihin mo sa akin kung ano ang nagpapalakas sa iyo, at sabihin mo sa akin kung papaano ka tatalunin at maigagapos.
|
|
\v 7 "Sinabi ni Samson, "Kung tatalian ako ng sampung bagong mga tali ng pana, na hindi pa natutuyo, magiging mahina ako gaya ng ibang mga lalaki."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Kaya pagkatapos, sinabi iyon ni Delilah sa mga pinuno ng Filisteo, nagdala sila ng pitong bagong mga tali ng pana para kay Delilah.
|
|
\v 9 Pagkatapos itinago niya ang mga pinuno sa isa sa mga kuwarto ng kaniyang bahay. Tinalian niya sa pamamagitan ng mga tali ng pana si Samson at pagkatapos sumigaw, "Samson! Nandito ang mga taga-Filisteo para hulihin ka. Pero tinanggal ni Samson ang mga tali ng pana na parang sinulid lamang ito na dumikit sa isang apoy at kusang naputol. Kaya hindi nalaman ng mga taga-Filisteo kung ano ang dahilan ng matinding lakas ni Samson.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Pagkatapos sinabi ni Delilah kay Samson, "Niloko mo ako at nagsinungaling ka sa akin. Ngayon sabihin mo sa akin ang katotohanan, kung papaano maitatali ka ng isang tao ng matibay."
|
|
\v 11 Sumagot si Samson, "Kung tatalian ako ng isang tao sa pamamagitan ng dalawang bagong lubid, na hindi pa nagagamit, magiging mahina ako gaya ng ibang mga lalaki."
|
|
\v 12 Kaya sinabi niya ulit sa mga pinuno ng Filisteo, at pagkatapos dumating sila at nagtago sa kuwarto katulad ng dati nilang ginawa. At muli siyang sumigaw, "Samson! Nandito ang mga taga-Filisteo para hulihin ka!" Pero pinutol ni Samson ang mga lubid sa kaniyang mga braso na walang hirap para lamang mga sinulid ang mga ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Pagkatapos sinabi ni Delilah, "Niloko mo ako at nagsinungaling ka ulit sa akin! Sabihin mo sa akin kung papaano ka maigagapos ng isang tao ng matibay!" Sumagot si Samson, "Kung ihahabi mo ang pitong tirintas ng aking buhok sa mga sinulid na hinahabi mo sa ibabaw ng panghabi at pagkatapos ikakabit iyong mga sinulid sa pamamagitan ng isang pako na magiging matibay ang mga sinulid, sa gayon magiging mahina ako gaya ng ibang mga lalaki."
|
|
\v 14 Kaya ulit, hinawakan ni Delilah ang pitong itinirintas na buhok niya at inihabi ang mga ito sa mga sinulid sa ibabaw ng panghabi, at pinagtibay ang mga ito sa pamamagitan ng isang aspile. Pagkatapos sumigaw siya, "Samson! nandito ang taga-Filisteo para hulihin ka!" Pero tumayo si Samson at hinila niya ang kaniyang mga buhok, kinuha ito kasama ang aspile ng panghabi at ang tela na nasa ibabaw ng panghabi.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Pagkatapos sinabi ni Delilah sa kaniya, "Papaano mo sinasabi sa akin na mahal mo ako kung hindi mo kung hindi mo masabi sa akin ang katotohan tungkol sa iyo? Tatlong beses mo na akong niloloko at hindi mo pa rin sinasabi sa akin kung ano talaga ang nagpapalakas sa iyo!"
|
|
\v 16 Sa bawat araw gumagawa siya ng paraan ng panloloko para sabihin niya sa kaniya ang kanyang lihim. Naisip niya na mamamatay siya mula sa kaniyang pangungulit.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Sa wakas sinabi ni Samson kay Delilah ang katotohanan, Sinabi niya, "Ibinukod ako para sa Diyos mula pa ng ipinanganak ako. At dahil dito, hindi pa naputulan ang aking mga buhok. Kung aahitin ang aking mga buhok, mawawala ang aking lakas, at magiging mahina ako gaya ng ibang mga lalaki."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Napag-isipan na ni Delilah na sa oras na ito sinabi na sa kaniya ang katotohanan. Kaya tinawag niya ang mga pinuno ng Filisteo, sinabi sa kanila, "Bumalik ulit kayo sa huling pagkakataon, dahil sa wakas sinabi na niya sa akin ang lihim tungkol sa kaniyang lakas." Kaya bumalik ang mga pinuno ng Filisteo at ibinigay ang pera kay Delilah na ipinangako nilang ibibigay sa kaniya.
|
|
\v 19 Pinatulog ulit ni Delilah si Samson, na ang kaniyang ulo ay nasa kaniyang kandungan. Pagkatapos tinawag niya ang isa sa mga taga-Filisteo na lalaki para lumapit at putulin ang buhok ni Samson. Habang ginagawa niya iyon, Naging mahina si Samson; wala na siyang lakas.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Pagkatapos niyang talian siya, sumigaw siya, "Samson! Nandito ang mga taga-Filisteo para hulihin ka!" Tumayo siya at kaniyang naisip, "gagawin ko ulit ang dati kong ginawa. Iwawasiwas ko ang mga lubid sa aking sarili at maging malaya." Pero hindi niya namalayang iniwan na siya ni Yahweh.
|
|
\v 21 Kaya binihag siya ng mga lalaking taga-Filisteo at tinanggal ang kaniyang dalawang mata. Pagkatapos dinala siya sa Gaza. Doon ikinulong at tinalian siya sa pamamagitan ng mga kadenang tanso. Ginawa nilang Samson na magpaikot ng isang malaking gilingan para gilingin ang mga butil araw-araw.
|
|
\v 22 Pero nag-uumpisang tumubo ulit ang kaniyang mga buhok pagkatapos itong putulin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 23 Ilang buwan ang lumipas ang mga pinuno ng mga taga-Filisteo ay nagdiwang ng isang malaking pista. Sa panahon ng pista naghandog sila ng mga alay sa kanilang diyos na si Dagon. Pinuri nila siya, sa pagsasabing, "Pinahintulutan tayo ng ating diyos na talunin ang ating matinding kaaway na si Samson!"
|
|
\v 24 Nang makita si Samson ng ibang mga tao, nagbigay puri rin sila sa kanilang diyos na si Dagon, sa pagsasabing, "Inilagay ng ating diyos sa ating mga kamay ang ating matinding kaaway. Tinulungan tayo ng ating diyos na mahuli ang isang nagbigay ng matinding pinsala sa ating bayan!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 25 Sa panahong iyon medyo lasing na ang mga tao. Sumigaw sila at sinabi, "Ilabas si Samson sa kulungan! Dalhin siya dito para aliwin niya tayo!" Kaya inilabas nila si Samson mula sa kulungan at itinayo siya sa gitna ng templo. Pinatayo nila siya sa pagitan ng dalawang haligi na nakaugnay sa bubong.
|
|
\v 26 Sinabi ni Samson sa mga alipin na umaalalay sa kaniyang kamay, "Ilagay mo ang aking mga kamay sa dalawang haligi. Gusto kong mamahinga sa pagitan ng mga ito."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 27 Sa mga oras na iyon punong-puno ng mga lalaki at mga babae ang templo. Lahat ng mga pinuno ng mga taga-Filisteo ay naroon din. At halos may mga tatlong libong tao ang nasa ibabaw ng bubong, nanunuod kay Samson at pinagtatawanan siya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 28 Nanalangin si Samson kay Yahweh at sinabi niya, Panginoong Yahweh, alalahanin mo ulit ako! Pakiusap bigyan mo ulit ako ng lakas sa isang pagkakataon, nang sa gayon makaganti ako sa mga taga-Filisteo sa pagdukot ng aking mga mata!"
|
|
\v 29 Pagkatapos hinawakan ni Samson ang dalawang haligi sa gitna kung saan nakasandal ang gusali. Sumandal siya sa mga ito, sa isang haligi sa pamamagitan ng kaniyang kanang kamay, at sa kaniyang kaliwang kamay sa ibabaw ng ibang haligi.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 30 Pagkatapos sumigaw siya sa Diyos, "Hayaan akong mamamatay kasama ng mga taga-Filisteo!" Itinulak niya ito sa pamamamagitan ng kaniyang buong lakas. Gumuho ang mga haligi, at bumagsak ang templo sa mga pinuno ng mga taga-Filisteo at sa lahat ng mga taga-Filisteo, at namatay silang lahat. Mas maraming napatay si Samson na mga tao nang namatay siya kaysa ng siya ay nabubuhay pa.
|
|
\v 31 Hindi nagtagal ang kaniyang mga kapatid na lalaki at ang kaniyang mga kamag-anak ay bumaba mula sa Zora patungong Gaza para kunin ang kaniyang katawan. Kinuha nila ito pabalik sa kanilang bahay at inilibing ito sa pagitan ng Zora at Estaol, sa lugar kung saan ang ama ni Samson ay nakalibing. Sa ngayon pinangunahan ni Samson ang Israel sa loob ng dalawangpung taon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 17
|
|
\p
|
|
\v 1 May isang lalaki na nag-ngangalang Mica na nakatira sa burol na bansa kung saan nakatira ang lipi ni Efarim.
|
|
\v 2 Isang araw sinabi niya sa kaniyang ina, "Narinig ko po sinusumpa mo ang sinumang nagnakaw ng labing isang daang pirasong pilak mula sa iyong bahay. Ako po ang nagnakaw ng pilak, at nasa akin pa po ito. "Sagot ng kaniyang ina, "Aking anak, Dasal kong pagpalain ka ni Yahweh sa pag-amin na kinuha mo ito."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Ibinalik lahat ni Mica ang pilak sa kaniyang ina. Pagkatapos sinabi ng ina sa kaniyang sarili, "Ibibigay ko ang ilan sa mga pilak na ito kay Yahweh. Kailangan ko ng isang taong gagawa ng isang inukit at isang hinulmang anyo mula sa pilak na ito."
|
|
\v 4 Matapos niyang ibinigay ang pilak sa kaniyang ina, kinuha ng kaniyang ina ang dalawang daang piraso at ibigay ang mga ito sa isang panday. Sa pamamagitan ng pilak, gumawa ang lalaking iyon ng isang inukit na anyo at isang hinulmang anyong metal, at ibinigay ang mga ito kay Mica. Nilagay ni Mica ang mga ito sa kaniyang bahay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Mayroon siyang isang natataging dambana sa kaniyang tahanan. Gumawa siya ng isang banal na tsaleko at ilang pansambahayang diyus-doyosan at ibinigay ni Mica ang tungkulin sa pagkapari sa lahat ng kaniyang diyus-diyosan ang isa sa kaniyang mga anak na lalaki.
|
|
\v 6 Sa panahong iyon, walang hari ang Israel, at ginagawa ng bawat isa kung ano ang tama ayon sa paningin nila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Mayroong isang binatang nakatira sa Bethlehem na kung saan naninirahan ang lipi ni Juda. Gusto niyang magtrabaho bilang isang pari dahil isa siyang miyembro ng lipi ng Levi.
|
|
\v 8 Kaya umalis siya sa Bethlehem para maghanap ng ibang lugar para manirahan at magtrabaho. Nagtungo siya sa bahay ni Mica sa burol na bansa kung saan naninirahan ang lipi ng Efraim.
|
|
\v 9 Tinanong siya ni Mica, "Saan ka nanggaling? Sumagot siya, "Galing ako sa Bethlehem. Mula ako sa lipi ng Levi, at naghahanap ako ng isang lugar para matirahan at magtrabaho bilang isang pari."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Sinabi ni Mica sa kaniya, "Manatili ka sa akin, at maaari mo akong payuhan at maging aking pari. Bibigyan kita ng sampung pirasong pilak at ilang bagong kasuotan taon-taon. At papakainin kita."
|
|
\v 11 Kaya sumang-ayon ang binata na manirahan kay Mica. Naging parang isa siya sa mga anak na lalaki ni Mica.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Hinirang siya ni Mica na maging isang pari, at doon nanirahan sa tahanan ni Mica.
|
|
\v 13 Pagkatapos sinabi ni Mica, "Alam ko na ngayon na gagawa ng magandang mga bagay si Yahweh para sa akin, sapagkat mayroon akong isang binata mula sa lipi ni Levi para maging aking pari."
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 18
|
|
\p
|
|
\v 1 Nang panahong iyon walang hari ang mga Israelita. Naghahanap ng mabuting lugar ang lipi ni Dan para manirahan. Nakatanggap ang ibang mga lipi ng Israelita ng lupa na ibinahagi sa kanila, pero hindi nakayang gawin ang mga iyon ng lipi ng Dan.
|
|
\v 2 Kaya pumili sila ng limang sundalo mula sa kanilang mga angkan, ang mga taong nakatira malapit sa lungsod ng Zora at Estaol, para puntahan ang lupain at siyasatin ito at subukang maghanap ng ilang lupain kung saan makakapanirahan ang kanilang lipi. Nakarating sila sa bahay ni Mica sa burol na bansa kung saan nanirahan ang lipi ng Efraim, at nanatili sila roon ng gabing iyon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Habang nasa bahay niya sila, nang marinig nilang nagsasalita ang binata na naging pari ni Mica, nakilala nila ito mula sa punto ng kaniyang pananalita. Kaya pinuntahan nila siya at tinanong siya, "Sino ang nagdala sa iyo dito? Anong ginagawa mo dito? Bakit ka pumunta dito?"
|
|
\v 4 Sinabihan niya sila tungkol sa mga bagay na ginawa ni Mica para sa kaniya. At sinabi niya, "Inupahan ako ni Mica, at naging pari niya ako."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Kaya sinabihan nila siya, Pakiusap tanungin mo ang Diyos kung magtatagumpay ba kami sa gagawin naming paglalakbay na ito.
|
|
\v 6 Sumagot ang binata, "Umalis kayo na may kaalaman na kasama ninyo si Yahweh sa paglalakbay na ito."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Pagkatapos umalis ang limang kalalakihan. Nang narating nila ang lungsod ng Lais, nakita nilang naninirahang ligtas ang mga tao roon, katulad ng ginawa ng mga tao sa lungsod ng Sidon. Inisip ng mga tao roon na ligtas sila, dahil walang sinumang nasa malapit na magdudulot ng kaguluhan sa kanila, malayo sila mula sa Sidon, at bihira lang silang magkaroon ng ugnayan sa sinumang mga tagalabas.
|
|
\v 8 Nang bumalik iyong limang kalalakihan sa Zora at Estaol, tinanong sila ng kanilang mga kamag-anak "Ano ang inyong natuklasan?"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Sumagot sila, "Nakakita kami ng ilang lupain, at napakabuti nito. Dapat tayong pumunta at salakayin ang mga taong naninirahan doon. Bakit kayo nananatili rito at walang ginagawa? Huwag nang maghintay pa nang matagal! Dapat tayong pumunta agad at angkinin ang lupaing iyon.
|
|
\v 10 Kapag pumunta kayo roon, makikita ninyo na may maraming lupa, at mayroon ito ng lahat ng bagay na kakailanganin natin. Hindi inaasahan ng mga tao roon na sasalakayin sila ng kahit sinuman. Tiyak na ibinibigay ng Diyos ang lupaing iyon sa atin."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Kaya iniwan ng animnaraang kalalakihan mula sa lipi ni Dan ang Zora at Estaol, dala-dala ang kanilang mga sandata.
|
|
\v 12 Habang nasa daan nagtayo sila ng kanilang mga tolda malapit sa lungsod ng Kiriat Jearim sa lugar kung saan naninirahan ang lipi ng Juda. Kaya pinangalanang Mahane Dan (o ang "Kampo ng Dan") ang bahagi sa kanluran ng Kiriat Jearim, at iyon pa rin ang pangalan nito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Mula roon, pumunta sila sa burol na bansa kung saan naninirahan ang lipi ng Efraim. At nakarating sila sa bahay ni Mica.
|
|
\v 14 Sinabi ng limang kalalakihan na nagsiyasat sa lupain na malapit sa Lais sa kanilang mga kapwa Israelita, "Alam ba ninyo na mayroong banal na tsaleko, maraming pansambahayang diyus-diyosan, isang inukit na anyo at isang hinulmang metal na anyo sa isa sa mga bahay na mga ito? Iniisip naming alam ninyo kung ano ang dapat ninyong gawin."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Kaya pumunta sila sa bahay kung saan naninirahan ang lalaking mula sa lipi ni Levi, ang bahay na kung saan naninirahan si Mica, at binati nila ang binata mula sa lipi n Levi na pari ni Mica.
|
|
\v 16 Nakatayo sa labas ng tarangkahan ng bahay ang animnaraang kalalakihan mula sa lipi ng Dan, dala-dala ang kanilang mga sandata.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Pumunta ang limang kalalakihan na nagsiyasat sa lupain sa bahay ni Mica at kinuha ang mga inukit na anyo, ang banal na tsaleko, mga pansambahayang diyos at ang hinulmang metal na anyo. Habang ginagawa nila iyon, nakatayo sa labas ng tarangkahan ang animnaraang kalalakihan, nakikipag-usap sa pari.
|
|
\v 18 Nang nakita ng pari na inilalabas nila ang inukit na anyo, ang banal na tsaleko, ang mga pansambahayang diyos, at hinulmang metal na anyo, sinabi niya sa kanila, "Ano ang ginagawa ninyo?"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Sumagot sila, "Tumahimik kayo! Huwag magsabi ng anuman! Sumama ka sa amin at maging tulad ng isang ama sa amin at isang pari para sa amin. Mas mabuti ba para sa iyo na manatili rito at maging isang pari para sa mga tao sa bahay ng isang lalaki, o maging isang pari para sa isang angkan, at isang pari para sa buong lipi ng mga Israelita?"
|
|
\v 20 Nagustuhan ng pari ang kanilang iminumungkahi. Kaya kinuha niya ang banal na tsaleko at ang mga pansambahayang diyos, at inukit na anyo, at naghanda siya para sumama sa mga tao.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 21 Pinaglakbay ng lahat ng kalalakihan ang kanilang mga asawa at maliliit na mga anak, kanilang mga hayop, at lahat ng iba pang pag-aari nila sa harapan nila.
|
|
\v 22 Pagkatapos na makalayo sila mula sa bahay ni Mica, nakita ni Mica kung ano ang nangyayari. Bigla niyang pinatawag ang kalalakihang naninirahan malapit sa kaniya, tumakbo sila at inabutan ang mga kalalakihan mula sa lipi ni Dan.
|
|
\v 23 Sinigawan nila sila. Bumalik ang kalalakihan ng lipi ni Dan at sinabihan si Mica, "Ano ang problema? Bakit mo tinipon ang mga kalalakihang ito para habulin kami?"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 24 Sumigaw si Mica, "Kinuha ninyo ang mga pilak na diyus-diyosan na aking ginawa! Kinuha rin ninyo ang aking pari! Wala ng anumang natira sa akin! Kaya bakit pa ninyo ako tinatanong, 'Ano ang problema?'"
|
|
\v 25 Sumagot ang mga kalalakihan mula sa lipi ni Dan, "Mas mabuti pang huwag kang magsabi ng anumang tungkol sa bagay na ito. Ang ilan sa aming kalalakihan ay maaaring magalit at salakayin ka, mapapatay ka at ang iyong pamilya!"
|
|
\v 26 Pagkatapos nagpatuloy sa paglalakad ang mga kalalakihan mula sa lipi ni Dan. Napagtanto ni Mica na sila ay may isang napakalaking grupo, kaya walang saysay na subukan pa niyang makipaglaban sa kanila. Kaya bumalik siya at umuwi.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 27 Dala-dala ng mga kalalakihan ng lipi ni Dan ang mga bagay na ginawa para kay Mica, at kinuha din nila pati ang kaniyang pari, at nagpatuloy sila sa paglalakbay patungong Lais. Sinalakay nila ang mga taong tahimik na naninirahan doon, pinatay sila gamit ang kanilang mga espada. Pagkatapos sinunog nila ang lahat ng bagay sa lungsod.
|
|
\v 28 Walang ibang lahi ang makakapagligtas sa mga tao ng Lais. Malayo ang Lais mula sa Sidon, kaya hindi matulungan ng mga taong naninirahan doon ang mga tao ng Lais. At walang ibang mga kakampi ang bayan ng Lais. Nasa isang lambak ang Lais malapit sa bayan ng Bet Rehob. Itinatag muli ang lungsod ng mga tao ng lipi ni Dan at nagsimulang manirahan doon.
|
|
\v 29 Binigyan nila ng bagong pangalan ang lungsod, tinawag nila itong Dan, sa karangalan ng kanilang ninuno na ang pangalan ay Dan. Isa siya sa mga anak na lalaki ni Israel. Dating tinatawag ang bayan na Lais.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 30 Itinayo sa lungsod ng mga tao ng lipi ni Dan ang isang ginawang inukit na anyo para kay Mica. Si Jonatan ang anak ni Gersom, at ang apo ni Moises ay itinakda na maging kanilang pari. Nagpatuloy na maging mga pari ang kaniyang kaapu-apuhan hanggang binihag at tinangay ang mga Israelita.
|
|
\v 31 Pagkatapos itinayo ng mga tao na lipi ni Dan ang inukit na anyo na ginawa para kay Mica, at nanatili ito roon hangga't nasa Silo ang bahay ng Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 19
|
|
\p
|
|
\v 1 Walang hari sa Israel ng panahong iyon. Mayroong isang lalaki mula sa lipi ng Levi na nakatira sa napakalayong lugar sa burol na bansa na kung saan naninirahan ang lipi ng Efraim. Kumuha siya dati ng isang babaeng alipin na makakasama sa buhay. Nagmula siya sa Bethlehem, isang lugar kung saan naninirahan ang lipi ng Juda.
|
|
\v 2 Pero sumiping din siya sa ibang kalalakihan. Pagkatapos iniwan niya siya at bumalik sa bahay ng kaniyang ama sa Bethlehem. Nanatili siya roon sa loob ng apat na buwan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Pagkatapos kinuha ng kaniyang asawa ang kaniyang lingkod at dalawang asno at pumunta sa Bethlehem. Pumunta siya para makiusap sa kaniya na bumalik para manirahang muling kasama niya. Nang nakarating siya sa bahay ng kaniyang ama, inanyayahan niya siya na bumisita. Ang kaniyang ama ay masaya na siya ay makita
|
|
\v 4 Nakiusap ang ama ng babae na manatili siya. Kaya nanatili siya sa loob ng tatlong araw. Kumain at uminom at natulog siya roon noong panahong iyon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Sa ika-apat na araw, maaga silang lahat na gumising. Naghandang umalis ang lalaki mula sa lipi ni Levi, perot sinabihan siya ng ama ng babae, "Kumain muna ng anuman bago ka umalis."
|
|
\v 6 Kaya magkasamang umupo ang dalawang lalaki para kumain at uminom. Pagkatapos sinabi ng ama ng babae sa kaniya, "Pakiusap manatili ng isa pang gabi. Magpahinga at magpakasaya."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Gusto nang umalis ng lalaking mula sa lipi ni Levi, pero hiniling ng ama ng babae na manatili siya ng isa pang gabi. Kaya nanatili siyang muli ng gabing iyon.
|
|
\v 8 Sa ikalimang araw, gumising ng maaga ang lalaki at naghanda para umalis. Pero sinabihan siyang muli ng ama ng babae, "Kumain ng anuman. Maghintay hanggang sa hapong ito, at umalis." Kaya magkasamang kumain ang dalawang lalaki.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Sa hapon, nang tumayo para umalis ang lalaki mula sa lipi ng Levi at kaniyang aliping asawa at kaniyang lingkod, sinabi ng ama ng babae, "Malapit ng dumilim. Malapit ng matapos ang araw. Manatili dito ngayong gabi at magpakasaya. Maaari kayong gumising nang maaga bukas at umalis para umuwi."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Pero hindi gustong manatili ng isa pang gabi ng lalaking mula sa lipi ni Levi. Inilagay niya ang mga upuan sa kaniyang dalawang asno, at sinimulang umalis kasama ang kaniyang aliping asawa at kaniyang tagapaglingkod papunta sa lungsod ng Jebus, na pinangalan na ngayong Jerusalem.
|
|
\v 11 Nang dapit hapon na, nakarating na sila malapit sa Jebus. Ang sinabi ng lingkod sa kaniyang amo, "Dapat tayong huminto sa lungsod na ito kung saan naninirahan ang lahi ng Jebus, at manatili ngayong gabi rito."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Pero sinabi ng amo niya, "Huwag, hindi makakabuti sa atin na manatili dito kung saan naninirahan ang mga dayuhang tao. Walang mga Israelita dito. Pupunta tayo sa lungsod ng Gabaa."
|
|
\v 13 Sinabi niya sa kaniyang lingkod, "Umalis na tayo. Hindi ito malayo sa Gabaa. Makakapunta tayo roon, o makapagpapatuloy pa tayo patungong Rama. Maaari tayong manatili sa isa sa dalawang lungsod na iyon ngayong gabi."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Kaya nagpatuloy sila sa paglalakad. Nang malapit na sila sa Gabaa, kung saan naninirahan ang mga taong mula sa lipi ni Benjamin, palubog na ang araw.
|
|
\v 15 Huminto sila para manatili roon sa gabing iyon. Pumunta sila sa pampublikong plasa ng lungsod na iyon at umupo. Pero walang sinumang dumaan ang nag-imbita sa kanila na manatili sa kanilang bahay ng gabing iyon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Pero pagkatapos dumating ang isang matandang lalaki. Nagtatrabaho siya sa mga bukirin. Mula siya sa burol na bansa ng lipi ng Efraim, pero naninirahan siya sa Gabaa ng panahong iyon.
|
|
\v 17 Napagtanto niya na ang lalaking iyon ay mula sa lipi ni Levi na naglalakbay at wala siyang lugar na matutuluyan sa lungsod na iyon. Kaya tinanong niya ang lalaki, "Saan kayo nanggaling? At saan kayo pupunta?"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Sumagot siya, "Naglalakbay kami mula sa Bethlehem patungo sa aking tahanan sa burol na bansa kung saan naninirahan ang mga tao na lipi ng Efraim. Pumunta ako mula roon patungo sa Bethlehem, pero papunta na kami ngayon sa Silo kung saan naroon ang bahay ni Yahweh. Walang taga-rito ang nag-imbita sa amin sa kanilang bahay ngayong gabi.
|
|
\v 19 Mayroon kaming dayami at pagkain para sa aming mga asno, at tinapay at alak para sa akin at sa dalagang babae at sa aking lingkod. Wala na kaming anumang bagay na kailangan pa."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Sinabi ng matandang lalaki, "Sana maging mabuti ang lahat para sa inyo. Maibibigay ko ang anumang kailangan ninyo. Huwag kayong manatili sa plasa ngayong gabi."
|
|
\v 21 Pagkatapos dinala sila ng matandang lalaki sa kaniyang bahay. Binigyan niya ng pagkain ang mga asno. Binigyan niya ng tubig ang lalaki at ang babae at ang alipin para hugasan ang kanilang mga paa. At binigyan sila ng matandang lalaki ng bagay na makakain at maiinom.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 22 Habang magkasama silang nagpapakasaya, may ilang mga masasamang kalalakihan mula sa lungsod na pumalibot sa bahay at sinimulang kalampagin ang pintuan. Sinigawan nila ang matandang lalaki, "Palabasin mo sa amin ang lalaking dumating sa iyong bahay. Gusto naming sipingan siya."
|
|
\v 23 Lumabas ang matandang lalaki at sinabi sa kanila, "Aking mga kapatid, hindi ko gagawin iyan. Napakasamang bagay niyan. Isang bisita ang lalaking ito sa aking bahay. Hindi ninyo dapat gawin ang isang kakila-kilabot na bagay na iyan!
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 24 Tingnan ninyo, narito ang aking birheng anak na babae at ang isa pang asawa. Palalabasin ko sila para sa inyo ngayon. Maaari ninyong gawin ang anumang nais ninyo sa kanila, pero huwag kayong gumawa ng isang kakila-kilabot na bagay sa lalaking ito!"
|
|
\v 25 Pero hindi nakinig ang mga kalalakihan sa kaniyang sinabi. Kaya kinuha ng lalaki ang kaniyang isa pang asawa at pinapunta siya sa kanila, sa labas ng bahay. Pinilit nila siyang sipingan at nilapastangan siya ng buong magdamag. Pagkatapos sa madaling araw, hinayaan nila siyang umalis.
|
|
\v 26 Bumalik siya sa bahay ng matandang lalaki, at natumba sa pintuan at nahiga roon hanggang lumiwanag.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 27 Kinaumagahan, bumangon ang kaniyang amo at lumabas ng bahay para magpatuloy sa kaniyang paglalakbay. Nakita niya ang kaniyang aliping asawa na nakahiga roon sa pintuan ng bahay, na nakahawak pa rin ang kamay sa pasimano ng pintuan.
|
|
\v 28 Sinabi niya sa kaniya, "Bumangon ka! Umalis na tayo!" Pero hindi siya sumagot. Inilagay niya ang katawan nito sa asno, at naglakbay siya at ang kaniyang lingkod patungo sa kaniyang tahanan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 29 Nang makarating siya sa kaniyang tahanan, kinuha niya ang isang kutsilyo at pinutul-putol ang katawan ng aliping babae sa labing dalawang piraso. Pagkatapos nagpadala siya ng tig-iisang piraso sa bawat lugar ng Israel, na may kasamang mensahe na nagsasabi kung ano ang nangyari.
|
|
\v 30 Lahat ng nakakita sa piraso ng katawan at ng mensahe ay nagsabing, "Wala pang nangyaring ganito noon. Wala tayong narinig na ganoong kakila-kilabot na bagay mula noong umalis ang ating mga ninuno sa Ehipto. Kailangan nating pag-isipang mabuti ang tungkol dito. Isang tao ang dapat magpasya kung ano ang dapat nating gawin."
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 20
|
|
\p
|
|
\v 1 Lumabas ang lahat ng kalalakihan ng Israel ng sama-sama bilang sangkatauhan, mula sa lungsod ng Dan sa hilaga hanggang Beersheba sa timog, at mula sa rehiyon ng Gibaa hanggang sa silangan ng Ilog Jordan, narinig nilang lahat kung ano ang nangyari. Kaya sama-sama silang nagtipon sa harapan ni Yahweh sa Mizpa.
|
|
\v 2 Ang mga pinuno ng labing-isa ng mga lipi ng Israel ay tumayo sa harapan ng mga tao na nagtipon doon. Mayroong 400,000 kalalakihan na naglalakad, kalalakihang panglabanan ang naroon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Narinig ng mga tao ng lipi ni Benjamin na umahon ang ibang mga Israelita papuntang Mizpa, per wala sa kalalakihan na mula sa lipi ng Benjamin ang pumunta sa pagpupulong doon. Itinanong ng bayan ng Israel ang tungkol sa masamang bagay na nangyari.
|
|
\v 4 Kaya sumagot ang asawa ng babaeng pinatay, "Dumating ang aking aliping asawa at ako sa Gibeaa, ninais naming manatili doon nang gabing iyon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Sa gabing iyon, dumating ang kalalakihan ng Gibaa para atakihin ako. Pinalibutan nila ang bahay kung saan ako nanatili at ninais na makipagtalik sa akin at pagkatapos papatayin ako. Pinagmalupitan nila ang aking aliping asawa at ginahasa siya ng buong magdamag, at siya ay namatay.
|
|
\v 6 Dinala ko ang kaniyang katawan at pinutol ito ng pira-piraso. Pagkatapos ipinadala ko ang isang piraso sa bawat lugar ng Israel, dahil nais kong malaman ninyong lahat ang tungkol sa masama at kahiya-hiyang bagay na nangyari dito sa Israel.
|
|
\v 7 Kaya ngayon, lahat kayong mga Israelita, magsalita, at sabihin sa akin kung ano ang dapat mangyari!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Tumayo ang lahat ng mga tao, at nagkaisang sinabi, "Wala sa atin ang uuwi ng tahanan! Wala sa atin ang babalik sa kaniyang bahay!
|
|
\v 9 Ito ang dapat nating gawin sa mga tao ng Gibaa. Una, magpalabunutan tayopara malaman kung aling pangkat ang dapat lumusob sa kanila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Pipili tayo ng isang ikasampung bahagi ng ating bilang para kumuha ng mga gamit na kakailanganin natin parusahan ang Gibaa para sa napakatinding bagay na nagawa nila dito sa Israel."
|
|
\v 11 At sumangayon ang lahat ng mga tao ng Israel na dapat parusahan ang mga tao ng Gibaa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Pagkatapos nagpadala ang Israelita ng mga mensahero sa buong lipi ni Benjamin. Hiningi nila, "Napagtanto na ba ninyo na ilan sa inyong kalalakihan ay nakagawa ng isang masamang bagay?
|
|
\v 13 Dalhin sa amin ang mga masamang kalalakihan, para mahatulan namin sila ng kamatayan. Sa pamamagitan ng paggawa nang iyon, maaalis namin ang masamang bagay na ito na nangyari sa Israel." Pero hindi nagbigay pansin ang bayan ng Benjamin sa kanilang mga kasamahang Israelita.
|
|
\v 14 Iniwan ng kalalakihan ng Benjamin ang kanilang mga lungsod at nagtipon sa Gibaa para labanan ang ibang mga Israelita.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Sa isang araw na iyon nakapagsama ang kalalakihan ng Benjamin ng dalawampu't anim na libong kalalakihang lumalaban. Pumili rin sila ng pitong daang kalalakihan mula sa Gibea.
|
|
\v 16 Mula sa lahat ng mga sundalo ay may pitong daang kalalakihan na kaliwete, at bawat isa sa kanila ay nagtitirador ng bato na hindi namimintis ang isang pinatatamaan na napakaliit at kasing nipis ng isang buhok.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Ang mga sundalo ng Israel, hindi kasama ang mga sundalong mula kay Benjamin, ay may bilang na 400,000 kalalakihan. Ang lahat ng mga ito ay tinuruan na lumaban gamit ang espada, mga kalalakihang may karanasang makipaglaban sa digmaan.
|
|
\v 18 Ang ibang mga Israelita ay pumuntang Bethel at humingi ng payo mula sa Diyos, "Aling lipi ang dapat na maunang lumusob sa kalalakihang mula sa lipi ng Benjamin?" Sumagot si Yahweh, "Ang kalalakihang mula sa lipi ng Juda ang dapat unang pumunta."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Sa sumunod na umaga, pumunta at itinatag ng kalalakihang Israelita ang kanilang mga tolda malapit sa Gibea.
|
|
\v 20 Pagkatapos pumunta sila para lumaban sa kalalakihang mula sa lipi ni Benjamin, at tumayo sa kanilang mga pwesto para makipaglaban sa isang labanan, na nakaharap sa Gibea.
|
|
\v 21 Lumabas ang kalalakihan ng lipi ni Benjamin ng Gibea at nakipaglaban sa kanila, at nakapatay sila ng dalawampu't dalawang libong sundalong galing Israel ng araw na iyon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 22 Pero hinikayat ng mga sundalo ng Israel ang kanilang mga sarili. Pagkatapos naghanda sila para lumaban sa sumunod na araw sa parehong hanay ng digmaan gaya ng unang araw.
|
|
\v 23 Pagkatapos magkasama silang dumating at nagmakaawa kay Yahweh para tulungan; nagdasal sila hanggang gabi. Humingi sila ng payo mula kay Yahweh tungkol sa bagay na dapat nilang gawin: "Dapat ba kaming pumunta para makipaglaban sa aming mga kapatid, ang mga tao ng Benjamin?" Sumagot si Yahweh, "Atakihin sila!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 24 Sa sumunod na araw, tumayo ulit sila sa kanilang mga pwesto para lumaban, gaya ng kanilang ginawa ng nakaraang araw.
|
|
\v 25 Lumabas ang kalalakihan na lipi ni Benjamin ng Gibea at inatake ang mga Israelita, at nakapatay ng higit labing-walong libo ng kanilang kalalakihan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 26 Sa hapon, ang buong bayan ng Israel na hindi napatay ay ulit na bumalik ng Bethel. Doon sila ay umupo at umiyak kay Yahweh, at nag-ayuno sila hanggang gumabi. Nagdala sila ng ilang mga handog na kanilang sinunog sa altar, at nagdala rin sila ng ilang mga handog para ibalik ang pakikisama kay Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 27 Tinanong ng bayan ng Israel si Yahweh,—dapat ang kaban ng tipan ng Diyos ay naroon sa mga araw na iyon,
|
|
\v 28 at si Finehas ang anak na lalaki ni Eleazar, ang apong lalaki ni Aaron; siya ay naglilingkod sa harap ng kaban sa mga araw na iyon—"Dapat ba tayong lumabas para makipaglaban muli sa mga tao ng Benjamin, na ating mga kapatid, o dapat tayong tumigil?" Sinabi ni Yahweh, "Sumalakay! dahil bukas tutulungan ko kayong talunin sila."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 29 Naglunsad ang kalalakihan ng Israelita ng isang pananambang sa mga bukid sa palibot ng Gibeah.
|
|
\v 30 Ang ibang kalalakihang Israelita ay pumunta at tumayo sa kanilang mga puwesto para lumaban sa isang labanan gaya ng kanilang ginawa ng mga nakaraang araw.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 31 Nang lumabas ang kalalakihan ng lipi ni Benjamin ng lungsod para makipaglaban sa kanila, umatras ang kalalakihan ng Israelita palayo ng lungsod, at sinundan sila ng kalalakihan ng lipi ni Benjamin. Pumatay ang kalalakihan ng lipi ni Benjamin ng maraming Israelita, gaya ng nakaraan nilang ginawa. Pinatay nila ang mga halos tatlumpung Israelita, na namatay sa mga bukid at sa mga daan—isa sa mga daan ay papuntang Bethel at ang ibang daan ay papuntang Gibea.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 32 Sinabi ng kalalakihan ng lipi ni Benjamin, "Tinatalo na natin sila gaya ng nakaraan nating ginawa!" Pero ginawa pa rin ng kalalakihan ng Israelita kung ano ang kanilang binalak. Ang pangunahing pangkat ng kalalakihang Israelita ay umatras ng di kalayuan mula sa lungsod, para linlangin ang kalalakihan ng Gibea at para sundan sila ang kalalakihang Israelita sa mga daan sa labas ng lungsod.
|
|
\v 33 Iniwan ng pangunahing pangkat ng kalalakihang Israelita ang kanilang puwesto at umatras, at pagkatapos tuamyo sila ulit sa kanilang puwestong panglabanan sa isang lugar na pinangalanang Baal Tamar. Pagkatapos patakbong lumabas ang mga sundalo ng Israel na nagtatago sa mga lihim na lugar mula sa kanilang mga lugar sa Maare Gibea.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 34 Pagkatapos lumabas ang sampung libong Israelita mula sa mga lugar kung saan sila nagtatago, sa kanluran ng Gibea, at inatake ang lungsod. Sila ang kalalakihan na dumating mula sa lahat ng bahagi ng Israel. Mayroong napakalaking labanan. Pero hindi alam ng kalalakihan ng lipi ni Benjamin na sila ay magkakaroon ng isang kapinsa-pinsalang pagkatalo.
|
|
\v 35 Idinulot ni Yahweh na matalo ng kalalakihang Israelita ang kalalakihan ng lipi ng Benjamin. Nakapatay sila ng 25,100 sa kanila, lahat sila ay kalalakihang lumalaban.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 36 Kaya nakita ng kalalakihan ng Benjamin na sila ay natalo. Binigyan ng kalalakihan ng Israel ng lugar ang Benjamin, dahil umasa sila sa kalalakihan na kanilang inilagay sa mga lihim na puwesto sa labas ng Gibea para lumabas at baliktarin ang labanan sa kanilang pabor.
|
|
\v 37 Pagkatapos bumangon ang kalalakihan na nagtatago at nagmadali at sumugod sa Gibea, at gamit ang kanilang mga espada pinatay nila ang bawat taong naninirahan sa lungsod.
|
|
\v 38 Ngayon ang inayos na hudyat sa pagitan ng mga sundalo ng Israel at sa kalalakihang nagtatago ng lihim ay ang isang malaking ulap ng usok na tataas sa lungsod.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 39 Sa panahong iyon, umatras ang kalalakihang Israelita mula sa pag-atake, kaya sinabi ng kalalakihan ng lipi ni Benjamin, "Pinagtagumpayan natin ang labanan, gaya ng nakaraan nating ginawa!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 40 Pero ang usok mula sa mga nasusunog na mga gusali ay nagsimulang tumaas mula sa lungsod. Ang kalalakihan ng lipi ni Benjamin ay tumalikod at nakita ang buong lungsod na nasusunog.
|
|
\v 41 Pagkatapos ang pangunahing pangkat ng kalalakihan ng Israelita ay nakita rin ang usok, at alam nila na ang usok ay hudyat na dapat silang bumalik at magsimulang umatake. Takot na takot ang kalalakihan ng lipi ng Benjamin, dahil napagtanto nila na sila ay magkakaroon ng isang kapinsa-pinsalang pagkatalo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 42 Kaya sinubukan ng lipi ni Benjamin na tumakbo palayo papuntang ilang para makatakas mula sa kalalakihang Israelita, pero hindi sila maaaring makatakas, dahil ang kalalakihang Israelita na sumunog sa dalawang lungsod ay lumabas sa mga lungsod na iyon at pumatay ng karamihan sa kanila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 43 Pinalibutan nila ang ilan sa kalalakihan ng lipi ng Benjamin, at sinundan ang iba sa mga lugar sa silangan ng Gibea.
|
|
\v 44 Pinatay nila ang labing-walong libong malalakas na mga sundalo ng lipi ni Benjamin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 45 Pagkatapos napagtanto ng ilan sa kalalakihan ng lipi ni Benjamin na sila ay natalo. Tumakas sila papunta sa bato ng Rimmon, pero pumatay pa ang kalalakihang Israelita ng karagdagang limang libong kalalakihan ng lipi ng Benjamin na nahuli sa tabi ng mga daan. Sinundan nila ang natitira sa kanila hanggang Gidom, at pinatay nila ang karagdagang dalawampung libo.
|
|
\v 46 Sa kabuuan, mayroong dalawampu't limang libo—kalalakihan ng lipi n Benjamin na pinatay, silang lahat ay kalalakihang may karanasang lumaban.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 47 Pero animnaraang kalalakihan ng lipi ng Benjamin ay tumakbo papunta sa bato ng Rimmon sa ilang.
|
|
\v 48 Pagkatapos bumalik ang kalalakihang Israelita sa lupain na nabibilang sa lipi ng Benjamin, at pinatay nila ang mga tao ng bawat lungsod. Pinatay rin nila ang mga hayop, at winasak ang bawat bagay na makikita nila doon. At sinunog nila ang lahat ng mga lungsod na kanilang pinuntahan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 21
|
|
\p
|
|
\v 1 Nang nagtipon-tipon ang mga kalalakihang Israelita sa Mizpa bago magsimula ang digmaan, mataimtim nilang ipinahayag, "Wala kailanman sa amin ang papayag na maikasal ang isa sa aming mga anak na babae sa sinumang lalaki na mula sa lipi ni Benjamin!"
|
|
\v 2 Pero ngayon nagpunta ang mga Israelita sa Betel at umiyak ng malakas kay Yahweh ng buong araw hanggang gumabi.
|
|
\v 3 Patuloy nilang sinasabi, "Yahweh, Diyos naming mga Israelita, isa sa aming mga lipi na mga Israelita ay hindi na magpapatuloy kailanman! Bakit nangyari ito sa amin?
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Kinabukasan nagtayo ng isang altar ang mga tao. Pagkatapos sinunog nilang mabuti ang ibang mga alay sa altar, at naghandog rin ng ibang mga alay para maibalik ang pagtitipon sa Diyos.
|
|
\v 5 Pagkatapos, dahil mataimtim nilang pinahayag na sinuman ang hindi magpakita sa kanila sa Mizpa para tumulong na labanan ang mga kalalakihan sa lipi ni Benjamin ay papatayin, tinanong nila ang bawat isa, "May roon bang ilan sa mga lipi ng Israel ang hindi pumunta sa Mizpa para makipagkita sa atin sa harapan ni Yahweh?"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Nalungkot ang mga Israilita para sa kanilang kapwa mga Israelita mula sa lipi ni Benjamin. Sinabi nila, "Ngayon isa sa aming mga liping Israelita ay itiniwalag mula sa Israel.
|
|
\v 7 Ano ang gagawin namin para matiyak na makakapag-asawa ang mga kalalakihan sa lipi ni Benjamin na hindi pa pinatay?" Narinig ni Yahweh ang aming mataimtim na pahayag na hindi namin hahayaan ang alinman sa aming mga anak na babae na maikasal sa sinumang lalaki mula sa lipi ni Benjamin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Pagkatapos nagtanong ang isa sa kanila,
|
|
\v 9 "Alin sa mga lipi ng Israel ang hindi nagpadala ng mga kalalakihan dito sa Mizpa?" Nang binilang ang mga sundalo napag-alaman nilang, wala ni isa ang pumunta galing sa lungsod ng Jabes Galaad.
|
|
\v 10 Kaya nagpasya ang lahat ng mga Israelita na magpadala ng labindalawang libong magagaling na sundalo sa Jabes Galaad para patayin ang mga tao roon, kahit na kababaehan at mga bata.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Sinabi nila ito sa mga kalalakihang iyon: "Ito ang dapat ninyong gawin: Dapat ninyong patayin ang bawat lalaki sa Jabes Galaad. Dapat rin ninyong patayin ang bawat babaeng may asawa. Pero huwag ninyong patayin ang mga dalaga."
|
|
\v 12 Kaya nagpunta ang mga sundalong iyon sa Jabes Galaad at pinatay ang lahat ng kalalakihan, mga babaeng may asawa, at mga bata. Pero nakita nilang may apatnaraang birhen ang naroon. Kaya dinala nila ang mga ito sa kanilang mga kampo sa Silo sa Canaan, sa kabilang ilog mula rehiyon ng Galaad na nabibilang sa lipi ni Benjamin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Pagkatapos nagpadala ng isang mensahe ang lahat ng Israelitang nagtipon-tipon sa animnaraang kalalakihan na naroon sa bato ng Rimon. Sinabi nila na gusto nilang makipag-ayos.
|
|
\v 14 Kaya bumalik ang mga kalalakihan mula sa bato ng Rimon. Binigyan sila ng mga Israelita ng mga dalaga na mula sa Jabes Galaad. Pero apatnaraang kababaihan lamang ito. Walang sapat na kababaihan para sa animnaraang kalalakihang iyon.
|
|
\v 15 Malungkot pa rin ang mga Israelita para sa mga kalalakihan na lipi ni Benjamin, dahil itinakda ni Yahweh ang ibang lipi laban sa kanila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Sinabi ng mga Israelitang namumuno, "Pinatay namin ang lahat ng mga kababaihang may asawa sa lipi ni Benjamin. Saan tayo kukuha ng babaeng mapapangasawa ng mga kalalakihang nabubuhay pa?
|
|
\v 17 Dapat magkaroon ng mga asawa ang kalalakihang iyon para magkaroon ng mga anak, para maipagpatuloy ang mga pamilya ni Benjamin. Kung hindi iyon mangyayari, mamatay ang isa sa mga lipi ng Israel, at mawasak sila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Pero hindi namin pahihintulutan ang aming mga anak na babae na maipakasal sa mga kalalakihang ito, dahil mataimtim naming pinahayag na isusumpa ni Yahweh ang sinumang magbigay ng kaniyang mga anak na babae para maging isang asawa ng sinumang lalaki sa lipi ni Benjamin."
|
|
\v 19 Pagkatapos isa sa kanila ay may isang mungkahi. Sinabi niya, "Bawat taon ay may roong pagdiriwang para parangalan si Yahweh sa Silo, na nasa hilaga ng Betel at sa silangan ng daan na nagdudugtong mula sa Betel hanggang sa Shekem, at ito ay sa timog ng lungsod ng Lebona."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Kaya sinabi ng mga pinunong Israelita sa mga kalalakihang lipi ni Benjamin, "Kapag oras na ng pagdiriwang, magpunta sa Silo at magtago sa mga ubasan.
|
|
\v 21 Patuloy na magmatiyag sa mga dalagang lalabas mula sa lungsod para sumayaw. Kapag lumabas na sila, tumakbo papunta sa mga ubasan. Ang bawat isa sa inyo ay maaaring sumunggab ng isa sa mga kababaihan ng Silo. Pagkatapos makakauwi na kayong lahat kasama ang mga kababaihang iyon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 22 Kung puntahan kami ng kanilang mga ama o mga kapatid na lalaki at magreklamo tungkol sa ginawa natin, sasabihin natin sa kanila, 'Pakitunguhan ninyo nang maganda ang mga kalalakihan sa lipi ni Benjamin. Nang nakipaglaban kami sa kanila, wala kaming iniwang buhay sa mga kababaihan para maging asawa nila, at hindi ninyo binigay ang mga kababaihang iyon sa mga kalalakihan mula sa lipi ni Benjamin. Ninakaw sila, kaya hindi kayo magkakasala, kahit na sinabi ninyong hindi ninyo ibibigay ang sinuman sa inyong mga anak babae para maipakasal ang isa kanila.'~"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 23 Kaya iyon ang ginawa ng mga kalalakihang lipi ni Benjamin. Nagpunta sila sa Silo sa araw ng pagdiriwang. At habang sumasayaw ang mga dalaga, dinakip ng bawat lalaki ang kababaehan at dinala sila palayo at pinakasalan siya. Pagkatapos dinala nila ang kanilang mga asawa pabalik sa lupaing ibinigay ng Diyos sa kanila. Muli nilang itinayo ang kanilang mga lungsod na nasunog, at doon sila nanirahan.
|
|
\v 24 Umuwi ang ibang Israelita sa kanilang tahanan sa mga lugar na kung saan naninirahan ang kanilang mga lipi at mga angkan, mga lugar na itinalaga ng Diyos sa kanila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 25 Nang panahong iyon, walang hari ang mga Israelita. Ginawa ng bawat isa kung ano ang tama, gaya ng nakita nila.
|