tl_udb/06-JOS.usfm

1329 lines
130 KiB
Plaintext

\id JOS
\ide UTF-8
\h Joshua
\toc1 Joshua
\toc2 Joshua
\toc3 jos
\mt Joshua
\s5
\c 1
\p
\v 1 Pagkatapos mamatay ni Moises ang lingkod ni Yahweh, sinabi ito ni Yahweh kay Josue anak ni Nun na naging punong lingkod ni Moises:
\v 2 "Alam mong patay na ngayon ang aking lingkod na si Moises. Kaya ngayon humanda para tawirin ang Ilog Jordan, ikaw at ang lahat ng mga taong ito. Pasukin ang lupaing malapit ko ng ibigay sa bayan ng Israel.
\v 3 Lahat ng lalakaran ninyo sa lupaing ito, ibibigay ko sa inyo, tulad ng ipinangako ko kay Moises.
\s5
\v 4 Aabot ang lupain mula sa ilang sa timog hanggang sa kabundukan ng Lebanon sa hilagang kanluran, hanggang sa Ilog Eufrates at hanggang sa Dagat Mediteraneo sa kanluran. Kasama rito ang lahat ng lupain kung saan naninirahan ang mga Heteo.
\v 5 Walang pangkat ang makakatalo sa iyo habang ikaw ay nabubuhay. Tutulungan kita katulad ng pagtulong ko kay Moises. Ipinapangako kong hindi kita pababayaan at hindi kita kailan man iiwan.
\s5
\v 6 Maging malakas at matapang dahil pangungunahan mo ang mga taong ito para maging kanila ang lupaing ito, ang lupaing ipinangako kong ibigay sa kanilang mga ninuno.
\v 7 Maging malakas lamang at napakatapang. Tiyaking susundin ang lahat ng batas na itinuro sa inyo ni Moises na aking lingkod; tuparin ang bawat isa sa mga ito. Kung gayon din gagawin ninyo, magiging matagumpay kayo saan man kayo pumunta.
\s5
\v 8 Pag-usapan ang tungkol sa aklat ng batas na itinuro ni Moises sa inyo. Isipin ang tungkol sa mga batas na iyon sa araw at sa gabi. Sundin ang mga batas at gawin kung ano ang sinasabi ng mga ito na gagawin ninyo, at tuturuan kayong mamuhay ng mga ito para magkamit ng kayamanan at maging matagumpay.
\v 9 Huwag kalimutang inutusan ko kayong maging matatag at matapang. Huwag matakot at panghinaan ng loob. Ako si Yahweh na inyong Diyos, ay sasama sa inyo saan man kayo pumunta."
\s5
\v 10 Pagkatapos iniutos ni Josue sa mga pinuno ng bayan ng Israel,
\v 11 "Pumunta sa buong kampo at ibigay ang mga utos na ito sa mga tao: 'Ihanda ang lahat ng pagkain na inyong dadalhin. Sa loob ng tatlong araw tatawid kayo sa Ilog Jordan na nasa inyong harapan at papasukin at sasakupin ang lupaing malapit nang ibigay sa inyo ni Yahweh, inyong Diyos."'
\s5
\v 12 Pagkatapos nakipag-usap si Josue sa mga pamilya ng mga kaapu-apuhan ni Ruben at Gad, at sa kalahating lipi ni Manases na maninirahan sa silangang bahagi ng Ilog Jordan:
\v 13 "Alalahanin ang mga utos na ibinigay sa inyo ni Moises na lingkod ni Yahweh. Sinabi ni Moises, "Nangako si Yahweh, inyong Diyos na bibigyan kayo ng lugar kung saan lagi na kayong maninirahan — Ito ang lupain kung saan kayo maninirahan.
\s5
\v 14 Ang inyong mga asawa, ang inyong mga maliliit na anak at ang inyong mga alagang hayop ay mananatili dito sa silangang bahagi ng Ilog Jordan, pero dapat lahat ng inyong mga kawal at ang inyong kalipi ay dapat tumawid sa ilog, bago pa ang ibang mga Israelita, para tumulong sa kanila.
\v 15 Dapat ninyo silang tulungan sa labanan hanggang sa idulot ni Yahweh na makapanirahan ang inyong mga kapwa Israelita sa lupaing iyon, sa lupaing kanilang sasakupin, sa lupaing ibibigay sa kanila ni Yahweh na inyong Diyos. Pagkatapos magbabalik ang bawat isa sa inyo sa lupain kung saan kayo maninirahan, at mamumuhay kayo roon—ibig kong sabihin ay ang lupain ni Moises, lingkod ni Yahweh, ay ibinigay sa inyo dito sa silangang bahagi ng Ilog Jordan."
\s5
\v 16 Sumagot ang mga tao kay Josue, "Susundin namin ang bawat utos na ibinigay mo sa amin, at pupunta kami kung saan mo kami papupuntahin.
\v 17 Susundin ka namin tulad ng pagsunod namin kay Moises. Ipapanalangin namin na samahan ka ni Yahweh tulad ng pagsama niya kay Moises.
\v 18 Papatayin namin ang sinumang lalabag at tatangging sumunod sa iyong mga utos. Alalahanin mo lamang, Josue, na maging matatag at matapang!"
\s5
\c 2
\p
\v 1 Pagkatapos pumili si Josue ng dalawang lalaki mula sa kampo nila sa Acacia. Sinabi niya sa kanila, "Lumakad kayo alamin ang lahat ng tungkol sa lupain, lalung-lalo na ang tungkol sa Jerico." Umalis sila sa kampo, at dumating sa Jerico, sa bahay ng isang bayarang babae na ang pangalan ay Rahab. Nanatili sila doon.
\v 2 May isang taong nagsabi sa hari ng Jerico, "Tingnan mo! Ilang mga Israelitang lalaki ang dumating dito ngayong gabi para magmasid sa ating lupain!"
\v 3 Kaya nagpadala ang hari ng isang mensahero para sabihin kay Rahab, "Ilabas ang mga lalaki na dumating sa iyo at pumasok sa iyong bahay, dahil pumunta sila rito para magmasid sa ating lupain!"
\s5
\v 4 Ngayon sinama ng babae ang mga lalaki at itinago sila sa kaniyang bahay. Kaya sinabi niya sa mga tauhan ng hari, "Oo, totoong dumating ang mga lalaking iyon sa akin, pero hindi ko alam kung saan sila galing.
\v 5 Umalis sila nang takipsilim, sa oras na sinasara ng mga bantay ang mga tarangkahan ng lungsod. Hindi ko alam kung saan sila patungo. Kung magmamadali kayo, maaaring maaabutan pa ninyo sila."
\s5
\v 6 Pero ang totoo, dinala ng babae ang dalawang lalaki sa patag na bubong ng kaniyang bahay at itinago sila sa ilalim ng pinatutuyong mga binigkis na lino sa kaniyang bubong.
\v 7 Lumabas ang mga tauhan ng hari sa lungsod para hanapin sila sa daan patungo sa tawiran sa kabila ng Ilog Jordan. Sinara ng mga bantay ang mga tarangkahan ng lungsod nang lumalabas ang mga tauhan ng hari.
\s5
\v 8 Bago pa man humiga para matulog ang dalawang lalaki sa gabing iyon, pumunta si Rahab sa bubong
\v 9 at sinabihan sila, "Alam namin na ibinigay ni Yahweh itong lupain sa inyo. Takot ang lahat ng mga tao sa inyo—labis ang aming takot sa inyo na hindi namin kayo kayang pigilan.
\s5
\v 10 Narinig namin kung paano pinatuyo ni Yahweh ang tubig ng Dagat Pula para makatawid kayo nang iniwan ninyo ang Ehipto. Narinig namin ang inyong ginawa kina Sihon at Og, ang dalawang hari ng mga Amoreo na naninirahan sa kabilang dako ng Ilog Jordan, at kung paanong lubos ninyong winasak ang lahat ng tao at lahat ng bagay sa kanilang kaharian.
\v 11 Nang narinig namin ang tungkol sa mga bagay na iyon, natakot kami. Nawalan kami ng tapang para lumaban sa inyo, dahl si Yahweh ay Diyos, at pinamumunuan niya ang lahat ng bagay sa langit at dito sa lupa.
\s5
\v 12 Kaya ngayon gusto kong mangako kayo ng mataimtim sa akin sa harapan ni Yahweh, para maparusahan niya kayo kung hindi ninyo tutuparin ang inyong sinabi. Mangako sa akin na kayo ay magpapakita ng kabaitan sa akin at sa aking pamilya. Bigyan ninyo ako ng katiyakan na tutuparin ninyo ang inyong pangako,
\v 13 at ililigtas ninyo ang mga buhay ng aking ama at aking ina, aking mga kapatid na lalaki at babae, at lahat ng kanilang pamilya, at sasagipin ninyo ang aking pamilya kapag wawasakin ng mga Israelita ang lungsod na ito."
\s5
\v 14 Sumagot ang dalawang lalaki, "Ibibigay namin ang aming mga buhay kung hindi namin tutuparin ang aming sinasabi! Kung hindi mo sasabihan sa ibang tao kung ano ang aming binabalak gawin, sa gayon magpapakita kami ng kabaitan sa lahat ng iyong kapamilya, kapag ibinigay ni Yahweh sa amin ang lupaing ito."
\s5
\v 15 Isa sa mga panlabas na pader ng bahay kung saan nakatira si Rahab ay bahagi ng pader ng lungsod. Itinali niya ang isang lubid sa isang bintana na ginawa sa pader, para makalabas ang mga lalaki sa bintana at bumababa ng pader.
\v 16 Pagkatapos sinabi niya sa kanila, "Kapag umalis kayo ng lungsod, umakyat kayo sa mga burol para hindi kayo makita ng mga lalaking naghahanap sa inyo. Magtago kayo sa mga kweba sa mga burol sa loob ng tatlong araw hanggang bumalik ang mga lalaking naghahanap sa inyo. Pagkatapos maaari na kayong bumalik sa inyong kampo."
\v 17 Ibinigay ng dalawang lalaki ang isang pulang lubid at sinabi sa kaniya, "Ito ang dapat mong gawin, kung hindi mo ito gagawin, hindi namin kailangang gawin kung ano ang aming taimtim na ipinangako.
\s5
\v 18 Dapat mong itali itong pulang lubid sa bintana kung saan mo kami pinababa, at dapat mong tipunin ang iyong ama at ina at mga lalaking kapatid, at lahat ng nasa sa sambahayan ng iyong ama.
\v 19 Kung sinuman sa iyong pamilya ang lalabas sa bahay na ito patungong lansangan, pinapapahamak niya ang kaniyang buhay, at hindi namin pananagutan kung mapatay siya. Pero kung sinumang nasa loob ng bahay na ito na kasama mo ay masaktan, kasalanan namin.
\s5
\v 20 Gayundin, kung sasabihan mo sa sinuman kung ano ang binabalak naming gawin, hindi namin kailangang gawin kung ano ang aming ipinangakong gawin para sa iyo at sa iyong pamilya."
\v 21 Sinabi ni Rahab, "Pumapayag akong gawin kung ano inyong sinabi." Kaya pinaalis niya sila, at iniwan nila siya. At itinali niya ang pulang lubid kaya nakalawit ito sa bintana.
\s5
\v 22 Nang nilisan ng dalawang lalaki ang lungsod, umakyat sila sa mga burol. Nanatili sila roon sa loob ng tatlong araw habang ang mga lalaking ipinadala ng hari ay nagpatuloy sa paghahanap sa kanila. Hinalughog nila ang buong lansangan, pero hindi nila nakita ang dalawang lalaki.
\s5
\v 23 Pagkatapos bumalik ang dalawang lalaki patungo sa kanilang kampo. Lumusong sila sa ilog, tinawid ito at bumalik para mag-ulat kay Josue. Isinalaysay nila sa kaniya ang lahat ng bagay na nangyari sa kanila.
\v 24 Sinabi nila kay Josue, "Totoong ibinigay ni Yahweh itong lupain sa atin. Hindi tayo kayang pigilan ng mga tao roon dahil lubos silang natatakot."
\s5
\c 3
\p
\v 1 Kinaumagahan maagang bumangon si Josue at ang lahat ng mga Israelita. Iniwanan nila ang kanilang mga kampo sa Acacias at nagtungo sa Ilog Jordan. Nagkampo sila roon bago sila tumawid ng ilog.
\s5
\v 2 Pagkaraan ng tatlong araw, naglibot ang opisyales sa gitna ng kampo,
\v 3 Inatasan nila ang mga tao, "Sa sandaling makita ninyo ang mga pari, ilan sa mga kaapu-apuhan ni Levi, na buhat-buhat ang banal na kaban ni Yahweh inyong Diyos, sa gayon malalaman ninyo na oras na para umalis sa lugar na ito at sumunod sa banal na kaban.
\v 4 Panatilihing siyamnaraang metro ang layo mula rito. Huwag lumalapit ng mas malapit dito. Hindi ninyo alam ang daan na inyong pupuntahan, yamang hindi pa kayo nakadaan dito noon."
\s5
\v 5 Pagkatapos sinabi ni Josue sa mga tao, "Magsagawa ng mga kinakailangang seremonya para gawin ang inyong sariling katanggap-tanggap kay Yahweh at para parangalan siya, dahil bukas gagawa siya ng mga bagay para sa inyo na magpapamangha sa inyo."
\v 6 Pagkatapos sinabi ni Josue sa mga pari, "Dalhin ang kaban at pumunta sa harapan ng mga tao." Kaya binuhat nila ang banal na kaban at pumunta sa harapan ng mga tao.
\s5
\v 7 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Josue, "Ito ang araw na sisimulan kong ipakita sa lahat ng bayan sa Israel na ikaw ay isang dakilang pinuno. Pagkatapos pararangalan ka nila at malaman na, gaya ng ako ay kasama ni Moises, ako ay kasama mo.
\v 8 Sabihin sa mga pari na nagbubuhat ng banal na kaban, 'Kapag makarating na kayo sa gilid ng Ilog Jordan, huminto sa Jordan.'"
\s5
\v 9 Pagkatapos sinabi ni Josue sa bayan ng Israel, "Halikayo at makinig sa sasabihin sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos,
\v 10 Dito ninyo malalaman kung paano ang Diyos, na magagawa ang anumang bagay, ay kasama ninyo. Sa inyong sariling mga mata makikita ninyo kung paano niya kukunin ang mga lupain mula sa mga Cananeo, ang mga Heteo, ang mga Hiviteo, ang mga Perizeo, ang mga Girgaseo, ang mga Amoreo, at ang mga Jebuseo.
\v 11 Tingnan ninyo! Ang banal na kaban na pag-aari ng Diyos na namumuno sa buong mundo, ay bubuhatin na sa Ilog Jordan una sa inyo.
\s5
\v 12 Kaya pumili ng labindalawang kalalakihan, isa mula sa bawat mga lipi ng Israel.
\v 13 Kapag ang mga paring nagbubuhat ng kaban ay sumayad ang swelas ng kanilang sapatos sa tubig ng Ilog Jordan, titigil sa pag-agos ng tubig. Ang tubig na mula sa salungat sa agos ay titigil at manatili sa isang bunton. Hindi ito aagos pababa ng ilog."
\s5
\v 14 Kaya nang tumawid na sa ilog ang mga Israelita, pumunta sa harapan nila ang mga pari na nagbubuhat ng banal na kaban.
\v 15 At sa sandaling nakarating na ang mga pari sa gilid ng ilog Jordan at tumapak sa tubig (ngayon iyon ay tagsibol, noong ang ilog ay umaapaw ang tubig sa kaniyang mga pangpang),
\v 16 at tumigil sa pag-agos ang tubig at natipon hanggang sa dulo ng salungat sa agos. Hindi umagos ang tubig sa Jordan mula sa bayan na tinatawag na Adam, malapit sa Zaretan, pababa sa Dagat ng Araba (kung saan tinawag na Dagat na Patay), kaya nakatawid ang mga tao sa ilog malapit sa Jerico.
\s5
\v 17 Nakatayo sa tuyong lupa sa gitna ng Ilog Jordan ang mga pari na siyang nagbubuhat ng banal na kaban ni Yahweh; nanatili silang nakatayo roon hanggang nakatawid na sa ilog ang lahat ng mga Israelita sa tuyong lupa.
\s5
\c 4
\p
\v 1 Matapos makatawid lahat ang bayan ng Israel sa Ilog Jordan, sinabi ni Yahweh kay Josue,
\v 2 "Pumili ng labindalawang lalaki, isa mula sa bawat lipi, at sabihin sa kanilang kumuha ng labindalawang malalaking bato mula sa gitna ng Jordan, kung saan nakatayo ang mga pari sa tuyong sahig ng ilog.
\v 3 Buhatin ang mga batong iyon at ibaba ang mga ito sa lugar na paglilipasan ninyo ngayong gabi."
\s5
\v 4 Kaya pumili si Josue ng labindalawang lalaki, isa mula sa bawat lipi. Sama-samang tinawag sila ni Josue
\v 5 at sinabi sa kanila, "Pumunta sa gitna ng sahig ng Jordan, sa lugar kung saan ang mga pari ay nakatayo at buhat-buhat ang banal na kaban na ibinigay sa inyo ni Yahweh, inyong Diyos. Dapat kumuha ang bawat isa sa inyo ng isang malaking bato, isa sa bawat lipi, bawat isa pasan ang isang bato sa kaniyang balikat--labindalawang bato para sa labindalawang lipi ng bayan ng Israel.
\s5
\v 6 Magiging bantayog ang mga batong ito para inyong makikita. Sa hinaharap, magtatanong ang inyong mga anak, "Ano ang ibig sabihin ng mga batong ito?'
\v 7 Sabihin sa kanilang tumigil sa pag-agos ang tubig sa Ilog Jordan nang dinala ng mga pari ang banal na kaban na ibinigay sa atin ni Yahweh. Nang dinala ang kaban sa Ilog Jordan, nahati ang tubig para makatawid kami sa Jordan sa tuyong lupa. Kung saan namin iniwanan ang mga batong ito ay ang lugar para tandaan magpakailanman ng mga tao ng Israel kung ano ang ginawa ni Yahweh."
\s5
\v 8 Kaya ginawa ng bayan ng Israel ang iniutos ni Josue sa kanila. Nagpunta sila at kinuha ang labindalawang malalaking bato mula sa gitna ng sahig ng ilog, isang bato para sa bawat isa sa mga lipi ng Israel, gaya ng sinabi ni Yahweh kay Josue, at dinala nila ang mga bato kung saan sila nananatili, at inilapag nila ang mga bato doon.
\v 9 Pagkatapos kumuha si Josue ng ibang labindalawang bato at sinalansan ang mga ito sa gitna ng Ilog Jordan, kung saan nakatayo ang mga paring nagdala ng banal na kaban ni Yahweh. At ang bantayog na ito ay naroroon hanggang sa araw na ito.
\s5
\v 10 Tumayo ang mga pari na nagdala ng kaban sa gitna ng Ilog Jordan hanggang sa matapos ang mga tao sa pagtawid ng ilog, gaya ng iniutos ni Yahweh kay Josue na sabihin sa kanilang gawin. Ito rin ang iniutos ni Moises na gawin ni Josue. Mabilis na tumawid ang mga tao sa ilog.
\v 11 Sa oras na makatumawid ang mga tao, tapos ang banal na kaban ni Yahweh at ang mga paring nagbuhat nito, ay tumawid. Nakatingin ang lahat ng mga tao doon.
\s5
\v 12 Ang mga kawal ng mga lipi ni Ruben, Gad at ng kalahati sa mga kawal ng Manases, ay tumawid nauuna sa iba pang mga Israelita. Gaya ng iniutos ni Moises na kanilang gawin, naglakad silang parang hanay ng isang hukbo.
\v 13 Humigit-kumulang apatnapung libong kalalakihan ang naglakad sa harapan ni Yawheh. Sila ang mga armadong kalalakihan at handa sa digmaan, at patungo sila sa kapatagan ng Jerico kung saan lalaban sila sa isang digmaan.
\v 14 Sa araw na iyon, nakita ng lahat na bayan ng Israel na ginawa ni Yawheh na dakilang pinuno si Josue. At pinarangalan nila si Josue gaya ng pagparangal nila kay Moises--sa buong buhay niya.
\s5
\v 15 Sinabi ni Yahweh kay Josue,
\v 16 "Ngayon utusan ang mga paring nagdadala ng banal na kaban ng patotoo na umahon mula sa tuyong sahig ng Ilog Jordan"
\s5
\v 17 Kaya inutusan ni Josue ang mga pari na umahon mula sa ilog.
\v 18 Kaya umahon ang mga pari buhat-buhat ang banal na kaban na naglalaman ng Sampung Kautusan na ibinigay ni Yahweh kay Moises. At sa sandaling nakaahon sila ng sahig ng ilog, dumaloy muli ang tubig sa Ilog Jordan, at umapaw muli ang ilog, gaya ng pag-apaw nito apat na araw ang nakalilipas.
\s5
\v 19 Ito ay ang ika-sampung araw ng unang buwan ng taon na ang mga tao ay tumawid sa Ilog Jordan at nagkampo sila sa isang lugar na tinawag na Gilgal (na nasa silangan ng lungsod ng Jerico).
\v 20 Itinayo ni Josue ang malalaking bato sa Gilgal.
\v 21 Sinabi niya sa bayan ng Israel, "Sa hinaharap, magtatanong ang inyong mga kaapu-apuhan, "Bakit narito ang mga batong ito?'
\s5
\v 22 Sabihin sa kanila, 'Dito ay kung saan tumawid ang Israel ng Ilog Jordan sa tuyong lupa.'
\v 23 Pinatuyo ni Yahweh, inyong Diyos ang ilog para sa inyo, hanggang sa makatawid lahat kayo. Ginawa ni Yahweh, ang Diyos na inyong sinasamba gaya ng ginawa niya sa Dagat ng Tambo, nang idulot niyang matuyo ito hanggang sa makatawid tayong lahat doon, gaya ng ginawa niya rito.
\v 24 Ginawa ni Yahweh iyon para malaman ng lahat ng mga tao sa mundo na makapangyarihan siya, at sa ganoon maaari ninyong magpakailanman bigyan siya ng parangal na karapat-dapat sa kaniya."
\s5
\c 5
\p
\v 1 Narinig ng lahat ng hari ng mga Amoreo sa kanlurang dako ng Ilog Jordan, at lahat ng hari ng mga Cananeo, na nakatira malapit sa baybayin ng Mediteraneo ang tungkol sa kung paano pinatuyo ni Yahweh ang Ilog Jordan hanggang nakatawid ang lahat ng bayan ng Israel. Takot na takot sila kaya natakot silang labanan ang mga Israelita, dahil sa narinig nila ang lahat tungkol sa kanila.
\s5
\v 2 Sa panahong iyon sinabi ni Yahweh kay Josue, "Ngayon gumawa ka ng mga kutsilyo mula sa mga matigas na bato at tuliin ang lahat ng lalaking Israelitang hindi pa natuli."
\v 3 Kaya gumawa si Josue ng matatalim na batong kutsilyo at tinuli ang mga lalaking Israelita sa isang lugar na ngayon ay tinawag na Gibeat Haaralot.
\s5
\v 4 Ang dahilan kung bakit ginawa nila iyon ay na ang lahat ng mga kalalakihang lumabas sa Ehipto, lahat silang may sapat na gulang para maging sundalo, silang lahat ay tinuli, pero namatay silang lahat sa disyerto pagkatapos nila umalis sa Ehipto.
\v 5 Tinuli sila sa Ehipto, pero ang mga batang lalaking ipinanganak habang nasa disyerto matapos nilang umalis sa Ehipto, ay hindi natuli.
\s5
\v 6 Naglakbay ang bayan ng Israel sa disyerto sa loob ng apatnapung taon, hanggang sa namatay ang lahat ng tao, kasama ang lahat ng kalalakihang may sapat na gulang para maging mga sundalo, namatay silang lahat. Hindi nila sinunod si Yahweh kaya sinabi ni Yahweh na hindi nila makikita ang lupaing ipinangako niya sa kanila—isang lupaing masagana—napakasagana ng lupa kaya sinabi nilang mayroon itong dumadaloy na gatas at pulot tulad ng dinadaluyan na tubig ang mga ilog.
\v 7 Ang mga anak ng mga namatay ang siyang inihalili ni Yahweh kapalit nila. Tinuli niya sila dahil hindi pa sila natuli ng naglalakbay sila sa ilang.
\s5
\v 8 Matapos tuliin ang lahat ng lalaking Israelita, nanatili sila sa kampo at nagpahinga hanggang sa gumaling sila.
\v 9 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Josue, "Ngayong inalis ko ang kahihiyan ng Ehipto mula sa inyo." Kaya, Gilgal ang pangalan ng lugar na iyon, kahit hanggang ngayon.
\s5
\v 10 Sa gabi ng ikalabing-apat na araw ng buwan, habang nagkakampo ang bayan ng Israel sa Gilgal, sa kapatagang malapit sa lungsod ng Jerico, doon ipinagdiwang nila ang pista ng Paskua.
\v 11 Sa araw matapos ang Paskua kumain sila ng kaunting tinapay na walang lebadura, at sinangag nila ang butil.
\s5
\v 12 Nang sumunod na araw hininto ng Diyos ang pagpapadala ng manna para kainin nila. Kumain sila ng pagkaing tumutubo sa lupain ng Canaan simula nang taong iyon.
\s5
\v 13 Habang nakatayo si Josue malapit sa Jerico, tumingin siya paitaas at nakakita ng isang lalaki sa harapan niya. Binunot ng lalaki ang espada at hinawakan ito sa kaniyang kamay. Lumapit si Josue sa kaniya at tinanong siya, "Sa panig ka ba namin o sa panig ng aming mga kaaway?"
\s5
\v 14 Sumagot ang lalaki, "Wala sa alinmang panig. Ako ang kumander ng hukbo ni Yahweh, at ngayon naparito ako." Pagkatapos nagpatirapa si Josue para magpakita ng paggalang sa kaniya. Sinabi sa kaniya ni Josue, "Ano, aking panginoon, ang ipag-uutos mong gawin ko? Ako ay iyong lingkod."
\v 15 Sumagot ang kumander ng hukbo ni Yahweh, "Hubarin mo ang sandalyas sa iyong paa, dahil ang lupa kung saan ka nakatayo ay banal." Kaya hinubad ni Josue ang kaniyang sandalyas.
\s5
\c 6
\p
\v 1 Ngayon nakasarado nang mahigpit ang bawat tarangkahan ng lungsod ng Jerico, dahil takot ang mga tao sa hukbo ng Israel. Wala ni isang makapasok o makalabas ng lungsod.
\v 2 Sinabi ni Yahweh kay Josue, "Tingnan kung ano ang aking gagawin! aking ibibigay ang Jerico sa inyo. Magiging inyo ito—ang lungsod kabilang ang kanilang hari at lahat nilang matatapang na sundalo.
\s5
\v 3 Magmamartsa kayo sa palibot ng lungsod, minsan sa kapaligiran nito. Lahat ng mga matatapang na sundalo ay papalibot dito isang beses bawat arawsaloob ng anim na araw.
\v 4 Sabihan ang pitong paring magmartsa sa palibot kasama nila. Magdadala ang bawat isa ng isang trumpeta. Sa ikapitong araw, dapat magmartsa ang hukbo ng pitong ulit sa palibot ng lungsod at dapat patunugin ng mga pari ang mga trumpeta ng isang malakas na tunog habang nagmamartsa sila.
\s5
\v 5 Matapos nilang magmartsa lahat sa palibot ng lungsod ng pitong ulit, dapat patunugin ng isang napakalakas na tunog ng mga pari ang kanilang mga trumpetang gawa sa mga sungay ng lalaking tupa. Kapag narinig ng bayan ng Israel iyon, dapat silang sumigaw ng napakalakas at guguho ang pader ng lungsod. Pagkatapos ang bawat sundalo ay dapat sumulong patungo sa lungsod."
\s5
\v 6 Kaya pinatawag ni Josue ang mga pari at sinabi sa kanila, "Sabihan ang apat na pari na dalhin ang banal na kaban at sabihin sa mga pari na magdala ng pitong trumpetang gawa sa sungay ng lalaking tupa at hayaan silang pumunta sa harapan ng banal na kaban ni Yahweh."
\v 7 At sinabi niya sa mga tao, "Lumakad at magmartsa sa palibot ng lungsod at hayaan ang mga armadong lalaking mauna sa banal na kaban ni Yahweh."
\s5
\v 8 Tulad ng iniutos ni Josue sa kaniyang hukbo, ang pitong pari, ang bawat isa may dalang isang trumpeta, ay nagsimulang sumulong ayon sa utos ni Yahweh. Naunang lumakad ang bawat isa at pagkatapos hinipan ng malakas ang kaniyang trumpeta. Sumunod sa kanila ang nagbuhat ng banal na kaban ni Yahweh.
\v 9 Magmartsa ang mga armadong sundalo sa harapan ng mga paring hinihipan ang kanilang mga trumpeta. Nang ang natitirang mga sundalo ay sumunod sa Kaban, habang nagmamartsa silang lahat, ang mga pari ay patuloy na hinihipan ang kanilang mga trumpeta.
\s5
\v 10 Pero nanahimik ang ibang mga tao, dahil iniutos ni Josue sa kanila, sinasabing, "Huwag gumawa ng isang pandigmang sigaw. Huwag sumigaw o kahit isang salita hanggang sa araw na sasabihin ko sa inyo na sumigaw. Sa araw na iyon dapat kayong sumigaw!"
\v 11 Kaya ang kalalakihang nagdadala ng banal na kaban at lahat ng iba pa ay ginawa kung ano ang sinabi ni Josue na kanilang gawin. Bawat araw minsan silang nagmartsa palibot ng lungsod. Pagkatapos bumalik sila sa kampo at nanatili doon sa gabi.
\s5
\v 12 Kinabukasan, gumisiing nang maaga si Josue at ang mga pari at binuhat ang banal na kaban ni Yahweh. Ang pitong paring na may dalang mga trumpetang gawa sa sungay ng lalaking tupa ay nagpunta sa harap ng mga kalalakihang nagbubuhat ng banal na kaban.
\v 13 Pinatunog nila ng malakas ang kanilang mga trumpeta habang nagmamartsa sila. Naglakad ang mga sundalo sa harapan nila at ang hulihang tanod ng hukbo ay sinusundan ang banal na Kaban ni Yahweh. Muli, patuloy na hinihipan ng mga pari ang kanilang mga trumpeta.
\v 14 Kaya sa ikalawang araw na iyon, minsan silang nagmartsa sa palibot ng lungsod at bumalik sa kanilang kampo. Ganito ang ginawa nila sa loob ng anim na araw.
\s5
\v 15 Sa ikapitong araw, gumising sila ng bukang liwayway, nagmartsa silang lahat sa palibot ng lungsod na gaya ng ginawa nila, pero sa pagkakataong ito nagmartsa sila ng pitong ulit sa palibot ng lungsod.
\v 16 Habang nagmamartsa sila palibot sa ikapitong ulit, nang patutunugin na ng mahabang tunog ng mga pari ang kanilang trumpeta, inutusan ni Josue ang mga tao, "Sumigaw! Dahil ibibigay ni Yahweh ang lungsod na ito sa inyo.
\s5
\v 17 Sinabi ni Yahweh na dapat ninyong wasakin ang lungsod at lahat ng nasa loob nito para ipakita na ito ay sa kaniya. Tanging si Rahab ang bayarang babae ang mabubuhay—at lahat ng kasama niya sa bahay—dahil itinago niya ang mga espiya na ating ipinadala.
\v 18 At dahil sinabi ni Yahweh na dapat wasakin ang lahat ng bagay, hindi kayo dapat kumuha ng anumang bagay na nasa lungsod. Kung kukuha kayo ng anumang bagay, idudulot ninyo na wasakin ni Yahweh ang kampo ng Israel at magdadala ng kaguluhan dito.
\v 19 Pero ang lahat ng pilak, ginto at mga bagay na gawa sa bakal at tanso na inyong matatagpuan, dapat ninyong ilaan para kay Yahweh. Dapat ninyong ilagay ang mga bagay na iyon sa kaniyang ingatang yaman."
\s5
\v 20 Kaya ginawa nila kung ano ang iniutos ni Josue na gawin nila. Kapag patutunugin ng mga pari ng mahaba ang trumpeta, sisigaw ng malakas ang mga tao at gumuho ang pader ng lungsod! Pagkatapos umakyat ang mga tao ng lungsod, deretso ng lungsod mula sa kahit saan sila nakatayo nang gumuho ang pader, at sinakop nila ang lungsod.
\v 21 At pinatay nila lahat ng nabubuhay sa lungsod—lalaki at babae, mga bata at mga matatanda, kahit na mga baka at mga tupa at mga asno.
\s5
\v 22 Pagkatapos sinabi ni Josue sa dalawang lalaking nagmanman sa lupain, "Pumunta sa bahay ng bayarang babae. Ilabas siya, kasama lahat ng kaniyang pamilya, tulad ng inyong mataimtim na ipinangako sa kaniya."
\s5
\v 23 Kaya ang mga kabataang lalaking nagmanman sa lupain ay nagpunta at inilabas si Rahab. Inilabas ang kaniyang ama, ina, mga kapatid na lalaki at lahat ng kaniyang kamag-anak na kasama niya. Dinala sila sa isang lugar sa labas ng kampo ng Israel.
\v 24 Pagkatapos sinunog nila ang lungsod kasama ang lahat ng mga bagay na naririto. Itinabi nila ang pilak, ginto at lahat ng mga sisidlang tanso at bakal, na kanilang nilagay sa ingatang yaman ng bahay ni Yahweh.
\s5
\v 25 Pero pinahintulutan ni Josue si Rahab ang bayarang babae, at sambahayan ng kaniyang ama at bawat isa na kasama niya, para mabuhay. Namuhay ang kaniyang kaapu-apuhan sa Israel hanggang sa araw na ito dahil itinago niya ang mga espiya na ipinadala ni Josue para magmanman sa Jerico at ipinangako nila na bubuhayin siya.
\s5
\v 26 Sa panahong iyon, mataimtim na ipinahayag ni Josue: "Nawa ay sumpain ni Yahweh ang sinumang magtayo muli ng lungsod ng Jerico. Kapag itatayo ng taong iyon ang pundasyon nito, nawa ay mamatay ang kaniyang panganay na anak na lalaki. At kapag natapos niyang itayo ang pader ng lungsod at itayo ang mga tarangkahan nito, nawa ay mamatay ang kaniyang bunsong anak na lalaki."
\v 27 Kasama ni Josue si Yahweh at sinumang nasa lupain ay kilala kung sino si Josue.
\s5
\c 7
\p
\v 1 Iniutos ni Yahweh na ang lahat ng bagay na kanilang nakuha sa Jerico ay dapat wasakin para ipakita na sila ay para sa kaniya. Pero mayroong isang taong mula sa lipi ni Juda na nagngangalang Achan. Anak siya na lalaki ni Carmi, na apong lalaki ni Zabdi, at isang dakilang apong lalaki ni Zera. Sinuway niya kung ano ang iniutos ni Yahweh at kumuha siya ng ilan sa mga bagay na iyon para sa kaniyang sarili. Kaya labis na nagalit si Yahweh sa mga Israelita.
\s5
\v 2 Ngayon sinabihan ni Josue ang ilan sa kaniyang mga kalalakihan na umalis mula sa Jerico patungong Ai, na nasa silangan ng Bethel at malapit sa Beth Aven. Sinabi niya sa kanila, "Pumunta kayo sa Ai at manmanan ang lugar." Kaya umakyat ang mga kalalakihan at minanman nila ang bayan.
\v 3 Nang nakabalik sila kay Josue sinabi nila, "Mayroong ilang tao lamang sa Ai. Kaya magpadala ka lamang ng dalawa o tatlong libo para lusubin sila. Hindi na kailangang paalisin ang lahat ng ating mga sundalo."
\s5
\v 4 Kaya mahigit tatlong libong Israelitang kalalakihan ang umalis para lusubin ang Ai. Pero hindi nila sila natalo. Sa halip, kailangan nilang tumakas para sa kanilang buhay.
\v 5 Nakapatay ng mahigit labing-anim na Israelita at hinabol ang natitira mula sa tarangkahan ng lungsod hanggang sa ibaba ng burol, at pagkatapos patungo sa isang lugar kung saan hinati ng mga tao ang bato mula sa isang burol. Nang nakita ito ng bayan ng Israel, labis silang natakot at nawala ang lahat ng kanilang tapang.
\s5
\v 6 Pinunit ni Josue ang kaniyang mga damit para ipakita na nalungkot siya. Siya at mga pinuno ng Israel ay idinapa kanilang mga sarili sa lupa dahil labis silang nalungkot at nagalit. Nakadapa sila doon hanggang dumilim sa harapan ng banal na kaban ni Yahweh.
\v 7 Pagkatapos nanalangin si Josue at sinabi, "Panginoong Yahweh, dinala mo kami na mga Israelita ng matiwasay sa kabilang dako ng Ilog Jordan. Kaya bakit mo ngayon hinahayaang wasakin kami ng mga Amoreo? Dapat na sana kaming gumawa ng iba't-ibang desisyon; dapat na sana kaming nanatili sa kabilang dako ng Ilog Jordan!
\s5
\v 8 O Panginoon, wala na akong ibang mga salita na sasabihin sa iyo. Tumakas ang Israel sa pagkatalo. Tumalikod kami sa kahihiyan habang tumakas kami mula sa aming mga kaaway. Hindi ko na alam kung ano ang aking sasabihin.
\v 9 Maririnig ng mga Cananeo at lahat ng ibang tao na naninirahan sa lupaing ito ang tungkol dito. Pagkatapos palilibutan nila kami at papatayin kaming lahat! Pagkatapos ano ang gagawin mo para ipagtanggol ang iyong karangalan?"
\s5
\v 10 Pero sinabi ni Yahweh kay Josue, "Tumayo ka! Tumigil ka na sa pagdapa mo diyan ng iyong mukha sa lupa!
\v 11 Nagkasala ang Israel. Sinuway mo ang aking mga utos na aking iniutos sa iyo na sundin. Nagsinungaling sila, nagnakaw sila, at kinuha nila ang kanilang ninakaw at nilagay ang mga ito sa kanilang sariling mga pag-aari, para itago ito.
\v 12 Iyan ang dahilan kung bakit hindi natalo ng bayan ng Israel ang kanilang mga kaaway. Iyan ang dahilan kung bakit sila tumakas, at ngayon ikaw mismo ay mawawasak. Kung hindi mo gagawin ayon sa iniutos ko sa iyo at wasakin ang lahat ng bagay na iyong kinuha mula sa Jerico, hindi ko na kayo tutulungan!
\s5
\v 13 Ngayon umalis ka at sabihin sa mga tao na bukas dapat nilang ilaan ang kanilang sarili para parangalan si Yahweh. "Itinago ninyo para sa inyong mga sarili ang mga bagay na aking iniutos na inyong wasakin, na dapat ibigay sa akin," sinasabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel. "Hindi ninyo kailanman matatalo ang inyong mga kaaway hanggang sa maalis ninyo ang mga bagay na iyon na inyong kinuha mula sa Jerico na inyong itinago sa inyong mga pag-aari."
\s5
\v 14 Bukas ng umaga dapat ninyong iharap ang inyong mga sarili sa aking harapan, lipi sa lipi. Pagkatapos lalapit sa aking harapan ang lipi na aking pipiliin sa kanilang bawat pamilya. Lalapit sa aking harapan ang pamilya na aking pipiliin sa kanilang bawat sambahayan. Lalapit sa aking harapan ang sambahayan na aking pipiliin bawat isa, isa sa bawat pagkakataon.
\v 15 Pagkatapos ang taong kumuha ng ilang mga bagay na dapat ibigay sa akin--lilipulin siya sa isang apoy. Susunugin siya at lahat ng bagay na pag-aari niya, dahil sinuway niya ang pangako at kasunduan na ginawa ni Yahweh kasama natin, at nakagawa siya ng nakahihiyang kasalanan sa bayan ng Israel."
\s5
\v 16 Kinaumagahan ng maaga, sinabihan ni Josue ang lahat ng bayang Israelita na lumapit sa lugar ng pagsamba, lipi sa lipi. Kapag ginawa nila iyon, ituturo ni Yahweh na isang tao mula sa lipi ni Juda ang pinili.
\v 17 Pagkatapos iniharap ng mga angkan ni Juda ang kanilang mga sarili, at itinuro ni Yahweh na napili niya ang angkan ni Zera. Pagkatapos iniharap ng mga pamilya ng angkan ni Zera ang kanilang mga sarili, at itinuro ni Yahweh na pinipili niya ang isang tao mula sa pamilya ni Zabdi.
\v 18 Pagkatapos sinabihan ni Josue ang mga kalalakihan mula sa pamilyang iyon na iharap ang kanilang mga sarili. At itinuro ni Yahweh na si Achan ang taong may sala.
\s5
\v 19 Pagkatapos sinabi ni Josue kay Achan, "Anak, gawin mo ang iyong pagtatapat kay Yahweh, ang Diyos ng Israel. Sabihin mo sa akin kung ano ang iyong ginawa, at huwag mong subukang itago mula sa akin."
\v 20 Tumugon si Achan, "Totoo ito. Nagkasala ako laban kay Yahweh, ang Diyos ng Israel. Ito ang aking ginawa:
\v 21 Sa mga bagay sa Jerico na aking nakita ko ang isang magandang kapa mula sa Babylonia. Nakakita rin ako ng dalawang daang piraso ng pilak at ilang ginto na may timbang na humigit sa animnaraang gramo. Labis kong ginusto ang mga bagay na iyon para sa aking sarili, kaya kinuha ko ang mga ito. Ibinaon ko ang mga ito sa ilalim ng aking tolda. Matatagpuan ninyo ang mga ito roon. Nakabaon ang pilak sa ilalim nito."
\s5
\v 22 Kaya nagpadala si Josue ng ilang kalalakihan para hanapin ang mga bagay na iyon. Tumakbo sila sa tolda ni Achan at natagpuan nilang nakatago roon ang lahat ng bagay.
\v 23 Inilabas ng mga kalalakihan ang lahat ng mga ito mula sa tolda at dinala ang mga ito kay Josue at sa buong Israel. Pagkatapos inilatag nila ang mga ito, tulad ng isang handog kay Yahweh.
\s5
\v 24 Pagkatapos hinatid nina Josue at ng mga natitirang tao si Achan pababa sa isang lambak. Dinala rin nila ang pilak, ang kapa, ang ginto, asawa ni Achan at mga anak na lalaki at babae, at kaniyang mga baka at asno at tupa, at kaniyang tolda, at lahat ng bagay na kaniyang pagmamay-ari.
\s5
\v 25 Sinabi Josue, "Hindi ko alam kung bakit ka nagdulot nang labis na kaguluhan sa atin, pero magdadala ng kaguluhan si Yahweh sa iyo ngayon." Pagkatapos binato ng lahat ng mga tao si Achan para mamatay siya, at sinunog nila silang lahat sa apoy, at binato nila silang lahat.
\v 26 Pinatung-patong nila ang mga bato sa ibabaw ng mga abo ng kanilang mga bangkay, at naroon pa ang mga batong iyon. Iyan ang dahilan kung bakit tinawag ang lambak na iyon na Lambak ng Kaguluhan hanggang sa araw na ito.
\s5
\c 8
\p
\v 1 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Josue, "Huwag kang matakot o panghinaan ng loob. Dalhin mo kasama ang lahat ng sundalo na mayroon ka at pumunta muli roon. Pumunta sa Ai. Tingnan mo! Bibigyan kita ng tagumpay laban sa hari ng Ai, at bibihagin mo ang kaniyang bayan, lungsod, at lupain.
\v 2 Gagawin ng iyong hukbo sa bayan ng Ai at kanilang hari tulad ng ginawa mo sa bayan ng Jerico at kanilang hari. Pero sa oras na ito pinahihintulutan ko kayong kunin ang lahat ng kanilang mga pag-aari at itago ang mga ito para sa iyong sarili. Pero una, sabihan ang ilan sa iyong mga sundalo na magtago sa likod ng lungsod at maghanda para salakayin ito."
\s5
\v 3 Kaya pinamunuan ni Josue ang kaniyang hukbo patungo sa Ai. Pinili niya ang tatlumpung libong kalalakihan—kaniyang pinakamalakas, kilala sa kanilang katapangan sa labanan—at sinugo niya sila sa gabi.
\v 4 Sinabi niya sa kanila, "Bigyang-pansin! Dapat maghanda ang ilan sa inyo ng isang biglaang pagsalakay sa lungsod—isang binuong pagsalakay sa likod ng lungsod. Huwag lumayo mula sa lungsod. Maghanda kayong lahat sa pagsalakay.
\s5
\v 5 Maglalakad ako at ang mga kalalakihan na kasama ko patungong lungsod sa umaga. Ang kalalakihan ng lungsod ay lalabas para makipaglaban sa atin, tulad ng ginawa nila noon. Pagkatapos iikot tayo at magsimulang takasan sila.
\v 6 Iisipin nila na tatakasan natin sila tulad ng ginawa natin noon. Kaya hahabulin nila tayo palayo sa lungsod. Habang lumalayo tayo sa kanila,
\v 7 dapat lumabas ang mga nagtatago at sumugod sa lungsod at bihagin ito. Ibibigay ang lungsod sa inyo, ni Yahweh, na inyong Diyos.
\s5
\v 8 Pagkatapos ninyong bihagin ang lungsod, sunugin ito. Gawin kung ano ang inutos ni Yahweh na gawin natin. Iyon ang mga utos na binibigay ko sa inyo."
\v 9 Pagkatapos inihanda ni Josue na ipadala ang ilan sa kanila parag magtago at maghintay sa pagitan ng Ai at Bethel, na nasa kanluran ng Ai. Pero natulog si Josue sa gabing iyon sa pangunahing hukbo ng mga sundalo.
\s5
\v 10 Kinaumagahan ng umaga, sama-samang tinipon ni Josue ang kaniyang mga sundalo. Pinamunuan niya ang mga sundalo at ang ibang mga pinuno ng Israelita; pumunta silang lahat para sumalakay sa bayan ng Ai.
\v 11 Itinayo nilang lahat ang kanilang mga tolda malapit sa Ai, nasa hilaga lamang ng lungsod, kung saan makikita sila ng lahat ng bayan ng lungsod ng Ai. Mayroong isang lambak sa pagitan nila at ng llungsod ng Ai
\v 12 Kumuha si Josue ng humigit-kumulang ng limang libong kalalakihan at sinabihan sila na pumunta at manatiling magtago para magkaroon sila ng isang biglaang pagsalakay, nasa kanluran lamang ng lungsod, sa pagitan ng Ai at Bethel.
\s5
\v 13 Kaya ginawa iyon ng mga kalalakihan. Ang pangunahing grupo ng mga sundalo ay nasa hilaga ng siyudad, at nagtatago ang iba sa kanluran ng lungsod. Bumaba si Josue sa lambak ng gabing iyon.
\v 14 Nang nakita ng hari ng Ai ang hukbo ng Israelita, gumising siya at ang kaniyang mga sundalo ng mas maaga ng sumunod na araw at mabilis na umalis ng lungsod para makipaglaban sa kanila. Pumunta sila sa isang lugar ng silangan ng lungsod, kung saan matatanaw patungo sa dako ng kapatagan, pero hindi nila alam na nagtatago ang ilan sa mga sundalong Israelita na handang sumalakay sa kanila mula sa likod ng lungsod.
\s5
\v 15 Hinayaan ni Josue at ng mga sundalong Israelita na kasama niya na pabalikin sila ng mga hukbo ng Ai. At tumakbo patungo sa ilang ang hukbo ng Israel.
\v 16 Inutusang habulin ang kalalakihan ng Ai si Josue at kaniyang kalalakihan. Kaya iniwan nila ang lungsod at tinugis si Josue at ang kaniyang hukbo.
\v 17 Tinugis ng lahat ng kalalakihan ng Ai at ng kalalakihan ng Bethel ang hukbo ng Israelita. Wala silang tinira kahit isang tao sa Ai para ipagtanggol ito. At iniwan nila ang tarangkahan ng lungsod na bukas na bukas.
\s5
\v 18 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Josue "Itaas mo ang iyong sibat at ituon mo ito patungo sa Ai, dahil idudulot kong bihagin ito ng iyong mga sundalo". Kaya itinuro ni Josue ang kaniyang sibat patungo sa Ai.
\v 19 Nang nakita iyon ng mga kalalakihan ng Israelita na nagtatago, sumugod sila mula sa mga lugar kung saan sila nagtatago at tumakbo patungo sa loob ng lungsod. Binihag nila ito at agad na sinunog.
\s5
\v 20 Nang lumingon ang kalalakihan ng Ai, nakita nila ang usok na tumataas mula sa kanilang lungsod. Pero hindi sila makatakas, dahil tumigil sa pagtakas ang hukbo ng Israelita at bumalik at nakaharap na ngayon sa hukbo na paparating sa kanila.
\v 21 Nakita ni Josue at ang kaniyang mga kalalakihan na nabihag ang lungsod ng mga kalalakihan na nagtatago at sinunog ito at nakita nilang tumataas ang usok. Kaya bumalik sila at nagsimulang patayin ang mga kalalakihan ng Ai.
\s5
\v 22 Samantala, lumabas ang mga sundalong bumihag sa lungsod at sinalakay nila mula sa likod. Kaya napalibutan ang kalalakihan ng Ai ng dalawang pangkat ng mga sundalong Israelita. Walang nakatakas na kalalakihan ng Ai. Nakipaglaban ang mga Israelita hanggang pinatay nila silang lahat.
\v 23 Pero binihag nila ang hari ng Ai at dinala siya kay Josue.
\s5
\v 24 Habang nakikipaglaban sila, tinugis ng mga Israelitang hukbo ang mga kalalakihan ng Ai sa mga bukirin at sa ilang, at pinatay silang lahat. Pagkatapos pumunta sila sa Ai at pinatay ang lahat at anumang bagay na nanatiling buhay doon.
\v 25 Pinatay nila ang labindalawang libong kalalakihan at kababaihan.
\v 26 Nagpatuloy sa pagturo ng kaniyang sibat si Josue patungo sa Ai hanggang ang lahat ng bayan sa Ai ay pinatay.
\s5
\v 27 Kumuha ang mga sundalong Israelita para sa kanilang sarili ng mga hayop at ibang mga bagay na pag-aari ng bayan ng Ai, gaya ng sinabi ni Yahweh kay Josue na dapat nilang gawin.
\v 28 Sinunog ni Josue at ng kaniyang mga sundalo ang Ai at idinulot ito na maging isang tambak ng pagkawasak magpakailanman. Isa itong pinabayaang lugar kahit ngayon.
\s5
\v 29 Ibinitay ni Josue ang hari ng Ai sa isang puno at iniwan ang kaniyang bangkay na nakabitin doon hanggang gabi. Sa paglubog ng araw sinabihan ni Josue ang kaniyang mga kalalakihan na kunin ang katawan ng hari mula sa kahoy at itapon ito kung saan ang tarangkahan ng lungsod ay naroon. Pagkatapos nilang ginawa iyon, gumawa sila ng isang malaking tambak ng mga bato sa ibabaw ng kaniyang katawan. Nanatili roon sa araw na ito ang tambak ng mga bato.
\s5
\v 30 Pagkatapos sinabihan ni Josue ang kaniyang mga kalalakihan na magtayo ng isang altar sa Bundok Ebal para kay Yahweh, ang Diyos ng Israel.
\v 31 Itinayo nila ito tulad ni Moises, ang taong naglingkod sa Diyos nang mabuti, na sinulat dati sa mga batas na ibinigay ng Diyos sa kaniya. Ginawa nila ito mula sa mga bato na hindi hinati, mga bato na ginawa na hindi ginamit ang bakal na mga kasangkapan. Pagkatapos naghandog ng mga alay ang mga Israelita kay Yahweh na sinunog ng ganap sa altar. Gumawa rin sila ng mga alay para mangako ng pakikipagkaibigan sa kaniya.
\v 32 Habang nakatingin ang mga Israelita, sinulat ni Josue sa mga bato ang isang kopya ng mga batas na ibinigay ni Yahweh kay Moises.
\s5
\v 33 Nakatayo sa malapit ang mga pinuno ng Israelita, ang mga opisyales, ang mga hukom, at ibang mga Israelita na naroon. Maraming mga tao na hindi mga Israelita na naroon din. Nakatayo ang kalahati sa mga tao sa isang bahagi ng lambak sa ibaba ng Bundok Ebal, at nakatayo ang ibang kalahati ng mga tao sa isang bahagi ng lambak sa ibaba ng Bundok Gerizim. Nasa lambak sa pagitan ng dalawang pangkat ang banal na kaban. At pinagpala nila ang bayan ng Israel gaya ng sinabi ni Moises na lingkod ni Yahweh na sinabing gagawin nila, mula sa pinakasimula.
\s5
\v 34 Pagkatapos binasa ni Josue sa mga tao ang lahat na isinulat dati ni Moises. Kasama iyon sa itinuro ni Yahweh sa kanila at ang mga paraan na ipinangako niya na pagpalain sila kung sinunod nila ang kaniyang mga utos, o sumpain sila kung sinuway nila ang mga ito.
\v 35 Binasa nang mabuti ni Josue ang lahat ng mga utos na ibinigay ni Moises; binasa niya bawat salita sa harap ng buong kapulungan ng Israel. Lahat ng kababaihan at ang maliliit na mga bata ay naroon din, at ganoon din ang mga dayuhang naninirahan sa bayan ng Israel.
\s5
\c 9
\p
\v 1 Maraming hari ang namumuno sa mga lupain sa kanlurang dako ng Ilog Jordan. Sila ang mga hari ng Heteo, ng Amoreo, ng Cananaeo, Perezeo, ng Hivita, at ng Jebuseo. Nanirahan sila sa maburol na lupain, sa mga mababang burol patungong kanluran, at sa kapatagan sa tabi ng Dagat Mediteraneo. Nabalitaan nila ang nangyari sa Ai.
\v 2 Kaya tinipon nila ang kanilang mga hukbo sa ilalim ng isang pinuno para labanan si Josue at ang hukbo ng Israelita.
\s5
\v 3 Samantala, nang nabalitaan ng mga tao na naninirahan sa lungsod ng Gibeon na tinalo ng hukbo ni Josue ang bayan ng Jerico at Ai,
\v 4 nagpasya silang linlangin ang mga Israelita. Tinipon nila ang ilang lumang sako at ilang lumang balat na sisidlan ng alak na inayos pagkatapos nitong masira, at inilagay ang mga ito sa likuran ng kanilang mga asno.
\v 5 Nagsuot sila ng lumang mga sandalyas na tinagpian at nagsuot ng lumang sira-sirang damit. At nagdala sila ng tinapay na tuyo at inaamag.
\s5
\v 6 Pinuntahan nila si Josue at ang ibang mga Israelita na nagtayo ng kanilang mga tolda malapit sa Gilgal. Sinabi nila sa kanila, "Naglakbay kami mula sa isang napakalayong lupain. Pakiusap gumawa ka ng isang kasunduang pangkapayapaan sa amin."
\v 7 Sinabi ng mga pinuno ng Israelita sa mga kalalakihang mula sa Galaad (mga Hivita sila), "Malamang naninirahan kayo sa malapit. Paano kami gagawa ng isang kasunduan sa inyo?"
\v 8 Sumagot sila kay Josue at ipinilit, "Kami ay inyong mga lingkod!" Pero sumagot si Josue, Sino kayo? Saan ba talaga kayo nagmula?"
\s5
\v 9 Sumagot ang mga kalalakihan mula sa Gibeon, "Gusto namin na maging inyong mga lingkod. Naparito kami mula sa isang malayong lupain, dahil sa katanyagan ni Yahweh na inyong Diyos. Nabalitaan namin ang tungkol sa lahat ng dakilang bagay na ginawa niya sa Ehipto.
\v 10 At nabalitaan namin ang tungkol sa ginawa niya sa dalawang hari ng mga Amoreo na naroon sa silangang dako ng Ilog Jordan—Sihon, ang haring namuno sa Hesbon, at Og, ang hari ng Bashan na naninirahan sa Astarot.
\s5
\v 11 Kaya sinabi sa amin ng aming mga pinuno at ibang mga tao namin, 'Magdala kayo ng pagkain at lumakad para magkipag-usap sa mga Israelita. Sabihin sa kanila, "Gusto namin na maging inyong mga lingkod. Kaya gumawa ng isang kasunduang pangkapayapaan sa amin."'
\v 12 "Tumingin ka sa aming tinapay. Ito ay bago at maini-init nang aming hinurno ito sa araw na aming iniwan ang aming mga tahanan para pumunta sa inyo. Pero ngayon tuyo na ito at inaamag.
\v 13 Tumingin ka sa aming balat na mga sisidlan, bago pa nang aming nilagayan ang mga ito ng alak bago kami umalis, pero ngayon sira-sira at luma na. Ang aming mga kasuotan at aming mga sandalyas na aming isinuot ay nasira mula sa aming paglalakbay sa daan papunta rito."
\s5
\v 14 Tinanggap ng mga pinuno ng Israelita ang ilan sa kanilang lumang pagkain at kinain sa isang kainan kasama sila para gumawa ng isang kasunduang pangkapayapaan. Hindi nila naisip na sumangguni kay Yahweh kung ano ang dapat nilang gawin.
\v 15 Sa ganitong paraan, sumang-ayon si Josue sa kapayapaan. Gumawa ang mga Israelita ng isang kasunduan sa mga kalalakihang mula sa Gibeon, na kung saan sumang-ayon silang hindi patayin ang mga dayuhang ito. Gumawa ang lahat ng pinuno ng Israelita ng isang taimtim na panata sa bagay na ito.
\s5
\v 16 Gayunman, pagkalipas ng tatlong araw napag-alaman ng mga Israelita na ang mga kalalakihan ay nagmula sa Gibeon at ang totoo ay naninirahan sila sa malapit.
\v 17 Kaya pumunta sila kung saan naninirahan ang mga kalalakihang mula sa Gibeon. Pagkatapos lamang ng tatlong araw na paglalakbay, dumating sila sa mga lungsod nilang: Gibeon, Kefira, Beerot, at Kiriat Jearim.
\s5
\v 18 Pero hindi sinalakay ng mga Israelita ang mga lungsod na iyon dahil gumawa sila ng isang taimtim na panata para mamuhay nang mapayapa kasama nila, at dahil narinig ni Yahweh ang pangakong ginawa nila. Nagmaktol ang lahat ng bayan ng Israel laban sa kanilang mga pinuno sa paggawa nitong kasunduan. Pero sumagot ang mga pinuno,
\v 19 "Nangako kaming mamuhay nang mapayapa kasama nila at narinig ni Yahweh, na Diyos ng Israel, na nangako kaming gawin iyon. Kaya ngayon hindi namin sila maaaring gawan ng anumang pinsala.
\s5
\v 20 Kung papatayin natin sila, magagalit nang lubos sa atin ang Diyos at parurusahan niya tayo dahil hindi natin tinupad ang ating pangko sa kanila, isang pangakong pinagtibay ng taimtim na panata. Pero ito ang maaari nating gawin:
\v 21 Hahayaan natin silang mabuhay, pero magiging mga tagapaglingkod natin sila; puputol sila ng kahoy at sasalok ng tubig para sa lahat ng tao." Ito ang nangyari, ayon sa binalak ng mga pinuno.
\s5
\v 22 Pagkatapos pinatawag ni Josue ang mga kalalakihan mula sa Gibeon at tinanong sila, "Bakit kayo nagsinungaling sa amin? Ang inyong mga tahanan ay malapit sa amin; nanirahan kayo malapit sa amin, pero sinabi ninyo sa amin na nagmula kayo sa napakalayong lupain!
\v 23 Ngayon maninirahan kayo sa ilalim ng isang sumpa. Magiging mga alipin namin kayo. Kayo ay palaging magiging mga alipin namin, at pipiliting kayong mamumutol ng kahoy at mananalok ng tubig para sa bahay ng aming Diyos."
\s5
\v 24 Sumagot ang mga kalalakihan mula sa Gibeon, "Nagsinungaling kami sa iyo dahil natakot kami na baka patayin ninyo kami. Nabalitaan namin na si Yahweh, na inyong Diyos, ay ipinahayag sa kaniyang lingkod na si Moises na idudulot niya ang inyong mga tao na patayin kaming lahat sa Canaan, at ibibigay niya sa inyo ang aming mga lupain.
\v 25 Kaya ngayon dapat magpasya kayo kung ano ang gagawin ninyo sa amin. Gawin ninyo sa amin kung anuman ang inaakala ninyong mabuti at matuwid."
\s5
\v 26 Kaya iniligtas ni Josue ang mga buhay ng bayan ng Gibeon; hindi niya pinayagan ang hukbo ng Israel na saktan sila.
\v 27 Sa halip, pinilit niya silang maging mga alipin ng mga Israelita. Namutol sila ng kahoy at sumalok ng tubig para sa Israel. Nagdala rin sila ng kahoy at tubig na kailangan para sa banal na altar ni Yahweh. At ang bayan ng Gibeon ay ginagawa pa rin iyon hanggang ngayon.
\s5
\c 10
\p
\v 1 Si Adoni-sedec, ang hari sa lungsod ng Jerusalem ay nabalitaan na nasakop ng hukbo ni Josue ang Ai at lubusang winasak ang lahat ng bagay na nasa loob ng bayan. Nabalitaan niya na ang kanilang ginawa sa bayan ng Ai at sa kanilang hari tulad ng ginawa nila sa bayan ng Jerico at sa kanilang hari. Nabalitaan din nila na ang mga tao sa lungsod sa Gibeon ay nakipagkasunduan sa mga Israelita at ngayon kasama na nilang naninirahan ang mga Israelita.
\v 2 Nagkaroon ng matinding takot ang bayan ng Jerusalem dahil ang Gibeon ay isang mahalagang lungsod, gaya ng ibang mga lungsod na napakahalaga na mayroon silang sariling mga hari. Ang Gibeon ay mas malaki kaysa sa Ai, at ang lahat ng mga sundalo nito ay sanay sa labanan.
\s5
\v 3 Kaya si Haring Adoni-sedec ay nagpadala ng isang mensahe kay Oham ang hari ng Hebron, kay Piram ang hari ng Jarmut, sa Jarmut ang hari ng Lachis, at kay Debir ang hari ng Eglon.
\v 4 Sa mensahe sinabi niya, "Pakiusap pumunta kayo rito at tulungan ninyo akong salakayin ang Gibeon, dahil ang bayan ng Gibeon ay nakipagkasundo kay Josue at sa mga Israelita."
\s5
\v 5 Kaya ang limang hari na namumuno sa lahat ng grupo ay mga kaapu-apuhan ni Amor—ang mga hari ng Jerusalem, Hebron, Jarmut, Lachis, at Debir— ay nagpunta sa Gibeon kasama ang lahat ng kanilang mga sundalo at pinalibutan ang lungsod, para labanan ang mga ito.
\s5
\v 6 Ang bayan ng Gibeon ay nagpadala ng isang mensahe kay Josue habang nasa loob siya ng kampo sa Gilgal. Sinabi nila, "Kami ang inyong mga alipin. Kaya huwag ninyo kaming pababayaan. Puntahan ninyo agad at iligtas kami! Tulungan ninyo kami, dahil ang mga hari ng Amoreo at ang kanilang mga hukbo ay nagsanib puwersa para salakayin kami!
\v 7 Kaya si Josue at ang lahat ng kaniyang hukbo, kasama ang mga sundalo at ang kaniyang pinakamagagaling na mandirigmang mga kalalakihan, ay umalis mula sa Gilgal.
\s5
\v 8 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Josue, "Huwag kayong matakot sa mga hukbng iyon! Idudulot ko na ang inyong hukbo ay tatalunin sila. Walang sinuman sa mga sundalo nila ang makakapigil sa inyo."
\s5
\v 9 Buong magdamag naglakad ang mga hukbo ni Josue at dumating ng kinabukasan ng mas maaga.
\v 10 At idinulot ni Yahweh na malito ang kanilang mga kaaway nang nakita nila ang hukbo ng Israelita. Pinangunahan ni Josue ang hukbo at pinatay niya sila—maraming bilang sa kanila ay pinatay sa Gibeon, at tinugis niya ang mga natitira sa kanila habang paakyat sila sa daan patungo sa Beth-horon. Pinatay din niya sila sa tabi ng daan papunta sa mga lungsod ng Azeka at Maceda.
\s5
\v 11 Habang tumatakas sila sa harapan ng hukbo ng Israelita. Binagsakan sila ni Yahweh ng napakalaking mga bato mula sa langit. Marami sa kanila ang namatay mula sa mga bato kaysa sa namatay sa pamamagitan ng mga espada sa hukbo ni Israel.
\s5
\v 12 Sa araw na hinayaan ni Yahweh ang mga hukbo ng Israelita na talunin ang mga Amoreo, sinabi ni Josue kay Yahweh habang ang mga Israelita ay nakatingin, "Ang araw ay tumigil sa ibabaw ng Gibeon at ikaw, buwan, tumigil sa ibabaw ng lambak ng Aijalon."
\s5
\v 13 At nanatili ang araw at hindi gumalaw ang buwan, hanggang sa pinatay ng mga hukbo ng Israelita ang kanilang mga kaaway. Ito ba ay hindi nakasulat sa Aklat ni Jasher? "Tumigil ang araw habang ito ay nasa gitna ng langit, at hindi gumalaw sa loob ng buong araw."
\v 14 Sa araw na iyon, isinagawa ni Yahweh ang isang dakilang himala. Kailanman ay hindi pa nangyari isang araw gaya ng nangyari sa nakaraan, at wala talagang anumang araw na nangyari gaya niyan magmula noon, nang ginawa ni Yahweh ang uri ng bagay na ito dahil sa isang tao ay hiniling ito sa kaniya. Sa araw na iyon, tunay pumunta si Yahweh para makipagdigmaan kay Israel.
\s5
\v 15 Si Josue at lahat ng Israel na kasama niya ay bumalik sa kanilang kampo sa Gilgal.
\v 16 Ngayon ang limang hari ay tumakas at nagtago sa loob ng isang kuweba sa Maceda.
\v 17 Pagkatapos isang tao ang nagsabi kay Josue, "Natagpuan namin ang limang hari, nagtatago sa loob ng isang kuweba sa Maceda!"
\s5
\v 18 Nang narinig ni Josue iyon, sinabi niya, "Pagulungin ang ilang malalaking bato sa ibabaw ng pasukan ng kuweba, at mag-iwan ng ilang sundalo doon para bantayan sila.
\v 19 Pero huwag kayong manatili doon! Tugisin ninyo ang inyong mga kaaway! Salakayin sila mula sa likuran! Huwag ninyong hayaang makatakas sila patungo sa kanilang mga lungsod, dahil si Yahweh, ang inyong Diyos, tutulungan kayo na magtagumpay laban sa kanila."
\s5
\v 20 Kaya ginawa ng mga sundalo ni Josue ang sinabi niya sa kanila na gagawin. Pinatay nila halos lahat ng kaaway na mga sundalo, pero may ilan sa kanila ang nakaligtas at nakarating sa kanilang mga lungsod.
\v 21 Pagkatapos ang hukbo ni Josue ay nagsibalikan kay Josue, na naroon pa rin sa loob ng kanilang kampo sa Maceda. Wala ni isa sa lupain nangahas na punahin ang mga Israelita.
\s5
\v 22 Pagkatapos sinabi ni Josue, "Buksan ang pasukan ng kuweba at ilabas ang limang hari!
\v 23 Kaya dinala ng mga sundalo ang limang hari palabas ng kuweba—ang mga hari sa Jerusalem, Hebron, Jarmut, Lachis, at Eglon.
\s5
\v 24 Nang dinala nila ang mga hari kay Josue at sapilitan silang inihiga sa lupa, ipinatawag niya ang lahat ng mga sundalo ng Israelita at sinabi niya sa mga pinuno ng hukbo, "Lumapit kayo rito at ipatong ninyo ang inyong mga paa sa ibabaw ng mga leeg ng mga hari na ito!" Kaya ginawa ito ng mga pinuno.
\v 25 Pagkatapos sinabi ni Josue sa kanila, "Huwag kayong matakot sa sinuman sa ating mga kaaway! Huwag kailanman panghinaan ng loob! Maging matatag at matapang. Ito ang gagawin ni Yahweh sa lahat ng inyong mga kaaway na makakalaban!"
\s5
\v 26 Pagkatapos pinatay ni Josue sa bawat isa sa limang hari sa pamamagitan ng kaniyang espada at isinabit ang kanilang mga katawan mula sa limang puno. Iniwan niya ang kanilang mga katawan na nakasabit sa ibabaw ng mga puno hanggang sa paglubog ng araw.
\v 27 At sa paglubog ng araw, sinabi ni Josue sa kanila na ibaba ang mga katawan mula sa mga puno at itapon ang mga ito sa loob ng kuweba kung saan sila ay nagtatago. Kaya ginawa ito ng mga sundalo, at pagkatapos inilagay nila muli ang malalaking mga bato sa pasukan ng kuweba. At ang mga buto ng mga hari ay nasa loob ng kuweba hanggang sa araw na ito.
\s5
\v 28 Ito ay kung paano sinalakay ng hukbo ni Josue at binihag ang Maceda. Pinatay nila ang hari at ang lahat ng ibang nasa loob ng lungsod. Wala silang iniwan kahit na anumang nabubuhay na nilalang. Ginawa nila sa hari ng Maceda ang kaparehong bagay na ginawa nila sa hari ng Jerico.
\s5
\v 29 Pagkatapos si Josue at lahat ng Israel ay pumunta sa timog-kanluran mula sa Maceda patungo sa Libna at sinalakay ito.
\v 30 Idinulot ni Yahweh na sakupin ng mga Israelita ang lungsod na iyon at ang hari nito. Pinatay ni Josue ang lahat ng naninirahan sa loob ng lungsod; wala siyang itinira kahit na isang tao. Pinatay ni Josue ang hari ng Libna gaya ng pagpatay niya sa hari ng Jerico.
\s5
\v 31 Pagkatapos si Josue at ang kaniyang hukbo ay pumunta sa timog mula sa Libna patungong Lachis. Pinalibutan niya ang lungsod at nakipagdigmaan laban sa mga ito.
\v 32 Sa ikalawang araw ng labanan, ibinigay ni Yahweh ang lungsod sa mga Israelita, at nasakop nila ito. Pinatay nila ang lahat na naninirahan sa loob nito, kasama ang lahat ng tao. Ginawa niya sa Lachis ang kaparehong bagay na ginawa niya sa Libna.
\s5
\v 33 Si Haring Horam mula sa Gezer at ang kaniyang hukbo ay dumating para tulungan ang mga sundalo ng Lachis, pero tinalo ng hukbo ni Josue si Horam at ang kaniyang hukbo, at hindi niya pinahintulutan kahit isa sa kanila na mabuhay.
\s5
\v 34 Pagkatapos si Josue at ang kaniyang hukbo ay nagpunta sa kanluran mula sa Lachis patungo sa lungsod ng Eglon. Pinalibutan nila ito at sinalakay ito.
\v 35 Sa parehong araw na iyon, nasakop nila ang lungsod at pinatay ang lahat ng nasa loob nito, gaya ng ginawa nila sa Lachis.
\s5
\v 36 Pagkatapos umalis si Josue at ang kaniyang hukbo mula sa Eglon paakyat sa mga burol sa lungsod ng Hebron. Nakipagdigmaan sila laban dito
\v 37 at nabihag ito. Pinatay nila ang hari at ang bawat nabubuhay na bagay, gaya ng ginawa nila sa Eglon. Hindi sila nag-iwan ng isang tao na buhay.
\s5
\v 38 Pagkatapos si Josue at ang kaniyang hukbo ay umikot at pumunta sa lungsod ng Debir at nakipagdigmaan laban dito.
\v 39 Nasakop nila ang lungsod at ang hari nito, at nasakop din nila ang mga malalapit na nayon. Pagkatapos pinatay nila ang bawat nabubuhay na bagay sa loob nito; hindi nila pinahintulutan kahit isang tao ang mabuhay. Ginawa nila sa mga taong ito ang parehong ginawa nila sa Hebron at Libna.
\s5
\v 40 Sa ganitong paraan, si Josue at ang kaniyang hukbo ay sinakop ang buong katimugan ng Canaan. Natalo nila ang mga hari na namumuno sa maburol na bansa, ang timog ng kagubatan ng Judea, mga kapatagan, at ang mga mababang burol. Pinatay nila ang bawat nabubuhay na bagay sa mga lugar na iyon, gaya ng inutos ni Yahweh, ang Diyos ng Israel.
\v 41 Ang mga sundalo ni Josue ay pinatay ang mga tao sa loob ng lahat ng mga lungsod mula Kades Barnea papuntang Gaza, kasama ang lahat ng bansa sa Gosen papuntang Gibeon.
\s5
\v 42 Sa isang kampanya, ang mga hukbo ni Josue ay nasakop ang lahat ng hari at kinuha ang lahat ng kanilang nasasakupan dahil si Yahweh, ang Diyos ng Israel, ay nakikipaglaban para sa kanila.
\v 43 Pagkatapos si Josue at ang kaniyang hukbo ay bumalik sa kanilang kampo sa Gilgal.
\s5
\c 11
\p
\v 1 Nang marinig ni Haring Jabin ng Hazor ang lahat ng mga bagay na ito ay nangyari, nagpagdala siya ng mga mensahe kay Jobab, hari ng Madon, sa hari ng Simron, at sa hari ng Acsap, hinihiling nilang magpadala ng kanilang mga hukbo para pumunta at tulungan siyang makipag-laban sa mga Israelita.
\v 2 Nagpadala rin siya ng mga mensahe sa mga hari ng mga maburol ng hilagang parte at sa mga hari ng kapatagan ng Jordan, timog ng Dagat Cineret, sa mababang bansa. Nagpadala rin siya ng isang mensahe sa hari ng mataas na bansang Dor sa kanluran,
\v 3 sa mga hari ng mga Cananeo sa silangan at sa kanluran, sa mga Amoreo, sa mga Heteo, sa mga Perezeo, at sa mga Jebuseo na nanirahan sa maburol na bansa, at sa mga Heveo ng Bundok Hermon sa rehiyon ng Mispa.
\s5
\v 4 Kaya nagtipon ang mga hukbo ng lahat ng mga haring iyon ng sama-sama. Kasingdami ng butil ng buhangin sa dalampasigan ang kanilang mga tauhan. Dumating din sila kasama ang kanilang mga kabayo at mga karwahe sa napakaraming bilang.
\v 5 Nagtagpo ang lahat ng mga haring iyon sa pinag-usapang oras at inayos nila ang kanilang mga sundalo sa isang kampo sa batis ng Merom, para makipaglaban sa Israel.
\s5
\v 6 Sinabi ni Yahweh kay Josue, "Huwag matakot sa kanila, dahil sa oras na ito bukas ibibigay ko sila sa inyo. Matatalo ninyo sila at papatayin silang lahat. Pagkatapos dapat ninyong lumpuhin ang lahat ng kanilang mga kabayo at sunugin ang lahat ng kanilang mga karwahe."
\v 7 Kaya dumating si Josue at kaniyang hukbo sa batis ng Merom at walang babalang lumusob ang kanilang mga kaaway.
\s5
\v 8 Ginawang matalo ni Yahweh ang kaaway ng mga Israelitaa. Hinabol nila sila sa lungsod ng Sidon, sa Misrephot-maim, at sa Mispa sa silangan. Nilusob nila sila hanggang mapatay nila silang lahat.
\v 9 Pagkatapos ginawa ni Josue ang anumang sinabi ni Yahweh na kanilang gawin: Nilumpo niya ang mga kabayo ng kanilang mga kaaway at ganap na sinunog ang kanilang mga karwahe.
\s5
\v 10 Kaya bumalik si Josue at kaniyang hukbo sa lungsod ng Hazor, at sinakop ito, at pinatay ang kanilang hari. Ang Hazor ang pinakamahalagang lungsod sa lahat ng kaharian na nakipaglaban sa Israel.
\v 11 Pinatay nila ang lahat na naninirahan sa Hazor, at pagkatapos sinunog ang lungsod hanggang maging abo.
\s5
\v 12 Sinakop ng hukbo ni Josue ang lahat ng mga lungsod na iyon at pinatay ang lahat ng kanilang mga hari. Ginawa nila iyon gaya ng inutos sa kanilang gawin ni Moises, ang taong nagsilbi kay Yahweh nang mabuti.
\v 13 Sinunog ng kalalakihan ni Josue ang Hazor, pero hindi nila sinunog ang alinman sa ibang mga lungsod na ginawa sa mga tambak at pinalibutan ng pader.
\s5
\v 14 Kinuha ng mga Israelita para sa kanilang sarili ang mga hayop na kanilang nakita sa mga bukirin at lahat ng ibang mahahalaga. Pero pinatay nila ang bawat tao at bawat naninirahan sa mga lungsod.
\v 15 Gaya ng ibinigay ni Yahweh kay Moises na mga kautusan para gawin, sa parehong paraan na ibinigay din ni Moises na mga kautusan kay Josue para gawin. At ginawa ni Josue ang lahat ng bagay na inutos ni Yahweh kay Moises para gawin.
\s5
\v 16 Tinalo ng hukbo ni Josue ang lahat ng taong nanirahan sa lupaing iyon. Pinamahalaan nila ang maburol na bansa at ang katimugang ilang ng Judea, lahat ng pook ng Gosen, ang pakanlurang mababang burol, at ang kapatagan na nasa Jordan.
\v 17 Pinamahalaan nila ang lahat ng kabundukan sa Israel at lahat ng mababang lupain malapit sa mga bundok. Pinamahalaan nila ang lahat ng lupain mula sa Bundok Halak na nasa timog ng Edom hanggang sa Baal-gaal sa lambak na malapit sa rehiyon ng Lebanon sa hilaga, malapit sa bundok Hermon. Sinakop nila ang lahat ng mga hari ng lugar na iyon at pinatay sila.
\s5
\v 18 Nakipag-away ang kalalakihan ni Josue laban sa lahat ng mga haring iyon ng isang mahabang panahon.
\v 19 Meron lamang isang lungsod ang nakipag-kasundo sa mga Israelita; sila ang bayan ng Heveo na nanirahan sa Gibeon. Sinakop ng mga Israelita ang lahat ng ibang mga lungsod sa mga labanan.
\v 20 Idinulot ni Yahweh sa bayan sa lahat ng mga grupong iyon na maging matigas, na ang resulta ay nakipag-away sila laban sa hukbo ng Israelita, at pinatay silang lahat ng mga Israelita. Sumigaw sila para kaawaan pero hindi narinig, kaya sila ay maaaring ganap na wasakin. Ito ang anumang inutos ni Yahweh kay Moises para gawin.
\s5
\v 21 Nakipaglaban din ang hukbo ni Josue sa mga higanti ng Anaceo na nanirahan sa mga maburol malapit sa Hebron, Debir, at Ana. Nakipaglaban rin sila sa mga tao na nanirahan sa maburol na lungsod ng Juda at Israel, at pinatay nilang lahat ng mga taong iyon at winasak ang kanilang mga lungsod.
\v 22 Bilang resulta, wala ni isang mga kaapu-apuhan ni Anak ang natirang buhay sa Israel. Iilan lamang ang natirang buhay sa Gaza, Gat, at Ashod.
\s5
\v 23 Pinamahalaan ng hukbo ni Josue ang lahat ng lupain, gaya lamang sa matagal nang sinabi ni Yahweh kay Moises para gawin. Binigay ni Yahweh ang lupain sa mga Israelita. Pagkatapos hinati ni Josue ang lupain sa mga lipi ng Israelita. At pagkatapos niyon, nagkaroon ng kapayapaan sa lupain.
\s5
\c 12
\p
\v 1 Pinamahalaan ng mga Israelita ang lupain na nasa silangan ng Ilog Jordan, mula sa bangin ng Ilog Arnon sa timog ng Bundok Hermon sa hilaga, kasama ang lahat ng lupain sa silanganang bahagi ng kapatagan sa tabi ng Jordan.
\v 2 Si Sihon ay hari ng mga Amoreo. Nanirahan siya sa Hesbon at pinamunuan niya ang lugar mula sa Aroer sa tabi ng bangin ng Ilog Arnon, sa hilaga ng Ilog Jabok. Nagsimula ang kaniyang lupain sa gitna ng bangin, na hangganan sa pagitan ng kaniyang lupain at ng lupain ng mga Ammonita. Pinamunuan din ni Sihon ang kalahati sa rehiyon ng Galaad.
\s5
\v 3 Pinamunuan din ni Sihon ang lupain sa silangang kapatagan sa tabi ng Jordan, mula sa timog ng Dagat ng Cinneret patungo sa Patay na Dagat. Pinamunuan din niya ang lupain sa silangan ng Patay na Dagat mula sa Bethel Jesimot sa timog ng Bundok Pisga.
\v 4 Ang ibang hari na tinalo ng hukbo ng mga Israelita ay si Og, ang hari ng rehiyon ng Bashan. Siya ang pinakahuling kaapu-apuhan na higante sa bayan ng Rapa. Nanirahan siya sa mga lungsod ng Astarot at Edrei.
\v 5 Pinamunuan niya ang lugar mula sa Bundok Hermon at Saleca sa hilaga at buong silangan ng Bashan, at patungo sa mga hangganan ng mga Gesureo at mga Maacateo patungong kanluran. Pinamunuan ni Og ang kalahati ng rehiyon ng Galaad, hanggang sa hangganan ng lupain na pinamunuan ni Sihon, hari ng Hesbon.
\s5
\v 6 Si Moises, ang naglingkod nang buong katapatan, at ang lahat ng hukbo ng Israelita ay tinalo ang mga hukbo ng mga hari. Pagkatapos ibinigay ni Moises ang lupaing iyon sa mga lipi ni Ruben at Gad at sa kalahati sa lipi ni Manases.
\s5
\v 7 Tinalo rin ni Josue at ng mga hukbo ng Israel ang mga hari na namumuno sa lupain sa kanlurang bahagi ng Ilog Jordan. Ang lupaing iyon ay nasa pagitan ng Baal Gad sa lambak malapit sa Lebanon patungo sa Bundok Halak, na papuntang Edom. Ibinigay ni Josue ang lupain sa mga lipi ng Israel para sa kanila para angkinin,
\v 8 pati na rin ang maburol na lugar, ang mga mababang lupain, ang kapatagan sa tabi ng Jordan, ang mga kabundukang bahagi, sa disyerto, at sa katimugang ilang ng Judea, ang lupain ng mga Heteo, mga Amoreo, mga Cananeo, mga Perezeo, mga Heveo, at mga Jebuseo.
\s5
\v 9 Ang mga hari na sinakop ng mga Israelita ay ang mga sumusunod na mga lungsod: Jerico, Ai, (na malapit sa Bethel),
\v 10 Jerusalem, Hebron,
\v 11 Jarmut, Lachis,
\v 12 Eglon, Gezer,
\s5
\v 13 Debir, Geder,
\v 14 Horma, Arad,
\v 15 Libna, Adullam,
\v 16 Maceda, Bethel,
\s5
\v 17 Tappua, Heper,
\v 18 Apek, Lasaron,
\v 19 Madon, Hazor,
\v 20 Shimron Meron, Acsap,
\s5
\v 21 Taanac, Megiddo,
\v 22 Kedes, Jokneam sa lugar ng Carmel,
\v 23 Dor sa lugar ng Napot Dor, Goyim sa rehiyon ng Gilgal,
\v 24 at Tirza. May kabuuang tatlumpu't isang hari ang tinalo ng mga hukbo ng Israelita.
\s5
\c 13
\p
\v 1 Nang napakatanda na si Josue, sinabi ni Yahweh sa kaniya, "Josue, matanda kana, pero napakarami pa ring mga lupain ang sasakupin ng iyong hukbo.
\s5
\v 2 Narito ang isang listahan ng mga lupain na natira: ang rehiyon ng mga Palestina at lahat ng mga taga Gessureo,
\v 3 (mula sa Sihor, na makikita sa silangan ng Ehipto, at sa Ekron sa hilaga; ang limang pinuno ng mga lungsod ng mga Palestina, Gaza, Asdod, Askelo, Gat, at Ekron—ang lupain ng mga Awiteo).
\s5
\v 4 Sa timog, dapat mo pa ring mabihag ang mga rehiyon kung saan naninirahan ang pangkat ng mga tao sa Canaan; at ang Mehara na pag-aari ng mga taga-Sidon, sa Afek, sa hangganan ng mga Amoreo;
\v 5 ang lupain ng mga Gebalita, buong Lebanon, na papuntang silangan, mula sa Baal Gad sa ibaba ng Bundok Hermon hanggang Lebo Hamat.
\s5
\v 6 Mananatiling bihagin ang lahat ng taong naninirahan sa maburol na lugar mula sa Lebanon hanggang Misrephot-maim, kasama ang lahat ng tao sa lungsod ng Sidon. Itataboy ko sila sa harapan ng inyong hukbo. Tiyaking ibibigay ang lugar na iyon sa mga Israelita kapag hinati mo ang lupain sa kanila, ayon sa ibinigay kong mga utos na iyong gagawin.
\v 7 Hatiin ang buong lupaing iyon bilang pamana sa siyam na lipi at sa kalahating lipi ni Manases."
\s5
\v 8 Kasama ang kalahaitng lipi ni Manases, natanggap ng mga Rubenita at ng mga Gadita ang kanilang mga ari-arian sa silangan ng Ilog Jordan, ang mga lupaing itinalaga ni Moises sa kanila.
\v 9 Ang mga lupaing ito ay mula sa kahabaan ng Aroer, na nasa gilid ng Bangin ng Arnon (kasama ang lungsod na makikita sa kalagitnaan ng bangin), sa buong kapatagan ng Medeba, pababa hanggang malayong lungsod ng Dibon.
\s5
\v 10 Kabilang din sa mga lupaing ito ang mga lungsod ni Sihon na hari ng mga Amoreo, ang haring namuno sa Hesbon, at sila ay umabot hanggang sa hangganan ng mga Ammonita;
\v 11 Galaad, at ang rehiyon ng mga Gessureo at Maacateo, kasama ang lahat ng Bundok Hermon, at lahat ng rehiyon ng Bashan hanggang sa lungsod ng Saleca;
\v 12 ang buong kaharian ni Og sa loob ng rehiyon ng Bashan, siya na naghari sa mga lungsod ng Astarot at Edrei (ito ang mga natira sa mga labi ng Rephaim); ang mga taong ito na nilusob ni Moises sa pamamagitan ng espada at pinalayas.
\s5
\v 13 Pero hindi pilit pinaalis ng mga Israelita mula sa Canaan ang mga Gesureo at ang mga Maacateo. Sa halip, ang mga taong ito ay namuhay kasama ang mga Israelita hanggang sa panahon na ito.
\s5
\v 14 Hindi tumanggap ng destino sa lupain ang Levita; sila lamang ang lipi na walang tinanggap na lupain. Hindi sila binigyan ni Moises ng mga ari-arian. Sinabi sa kanila ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, na ang mga handog na ibinigay para sa kania ay magiging ari-arian nila.
\s5
\v 15 Namahagi si Moises ng lupain sa bawat angkan sa lipi ni Ruben.
\v 16 Kaya umabot ang kanilang nasasakupan mula sa Aroer, sa gilid ng Lambak ng Ilog Arnon, at ang lungsod na nasa gitna ng lambak, at kabilang ang rehiyon ng kapatagang malapit sa Medeba.
\s5
\v 17 Kabilang din dito ang Hesbon at ang lahat ng mga lungsod na nasa kapatagan kabilang ang Dibon, at Bamot Baal, and Beth Baal Meon;
\v 18 at Jahas, at Kedemot, at Mepaat,
\v 19 at Kiriataim, at Sibma, at Zeret Sahar, na nakatayo sa isang burol sa loob ng lambak,
\s5
\v 20 Beth Peor, ang mga libis ng Bundok Pisga, Beth Jesimot,
\v 21 lahat ng mga lungsod na matatagpuan sa talampas, at ang buong kaharian ni Sihon, hari ng mga Amoreo, na namuno roon sa Hesbon, ang mga tinalo ni Moises kasama ang mga pinuno ng Midian, na sila Evi, Rekem, Zur, Hur at Reba, ang mga prinsipe ni Sihon na namuno roon.
\s5
\v 22 Pinatay ng mga Israelita gamit ang espada ni Balaam na anak na lalaki ni Beor, na nagsagawa ng panghuhula. Pinatay din ng mga Israelita gamit ang espada ang ibang marami sa panahon na iyon.
\v 23 Ang hangganan ng bayan ng lipi ni Ruben ay ang Ilog Jordan. Ito ang binigay na pamana sa bayan ni Ruben at itinalaga sa lahat ng kanilang mga angkan. Namuhay sila roon sa kanilang mga lungsod at mga nayon.
\s5
\v 24 Binigyan din ni Moises ng lupain ang lipi ni Gad, sa bayan ni Gad, at ipinamahagi sa bawat pamilya nila ang lupain na kailangan nila para matirahan.
\v 25 Nanirahan sila malapit sa Jazer, sa lahat ng lungsod ng Galaad, at sa kalahati ng lupain kung saan naninirahan ang Ammonita, hanggang sa Aroer, na isang lungsod sa silangan ng Rabba.
\v 26 Lumawig ang kanilang lupain mula sa Hesbon hanggang Ramat Mispe at Betonim, hanggang sa Mahanaim at sa rehiyon ng Debir.
\s5
\v 27 Ang kanilang lupain ay nasa lambak din: Beth Haram, Beth Nimra, Sucot, at Zapon, ang natitirang kaharian ni Sihon, na naging hari ng Hesbon; ang kaniyang kaharian ay may hangganan sa Ilog Jordan at umabot sa ibabang dulo ng dagat ng Cinneret, pasilangan lampas ng Ilog Jordan.
\v 28 Ito ang mana ng bayan ni Gad na ibinahagi sa kanila ayon sa pangangailangan ng kanilang mga angkan, kasama ang mga lungsod at mga nayon na kung saan sila naninirahan.
\s5
\v 29 Binigyan ni Moises ng pamanang lupain sa kalahating lipi ni Manases para doon sila manirahan. Ipinamahagi ito sa kalahating lipi na bayan ni Manases ayon sa mga pangangailangan ng kanilang mga angkan.
\v 30 Ang kanilang lupain ay mula sa Mahanaim, kabilang ang lahat ng rehiyon ng Bashan, lahat ng kaharian ni Og na hari ng Bashan, at lahat ng bayan ng Jair na nasa Bashan. Mayroong animnapung lungsod sa rehiyon.
\v 31 Kabilang din sa kanilang lupain ang kalahating rehiyon ng Galaad, pati na ang mga lungsod ng Astarot at Edrei (minsan tinutukoy na mga maharlikang lungsod ng Og sa Bashan). Ang mga ito ay ipinamahagi sa bayan ni Macir na anak na lalaki ni Manases, at mapapabilang ang kalahating kaapu-apohan ni Macir, na nakatalaga sa kanilang mga angkan ayon sa kanilang pangangailangan.
\s5
\v 32 Ito ang mga lupain na ipinamahagi ni Moises sa bayan ng Israel sa kapatagan ng Moab, nang sila ay nasa dako ng Jordan sa silangan ng Jerico.
\v 33 Pero sa lipi ni Levi walang ibinigay na pamana si Moises. Ipinangako sa kanila ni Yahweh, na Diyos ng Israel na siya ang kanilang magiging pamana.
\s5
\c 14
\p
\v 1 Si Eleazar, ang pinuno ng lahat ng mga pari, si Josue, at ang mga pinuno ng labingdalawang lipi ay nagpasya kung anong lupain ang ipamamahagi sa bawat mga lipi ng Israelita sa Canaan.
\s5
\v 2 Ginawa ang pagtatalaga sa pamamagitan ng palabunutan para sa bawa't isa sa siyam at kalahating lipi. Ito ay ayon lamang sa kung ano ang inutos ni Yahweh kay Moises para gawin, kaya maaaring maitalaga ang lupain sa bawat mga lipi at sa kanilang mga angkan.
\v 3-4 Ngayon ibinigay ni Moises ang lupain bilang permanenteng pag-aari para sa dalawa at kalahating lipi bago tumawid ang Israel sa ibayo ng Ilog Jordan. Pero sa mga Levita, wala siyang ibinigay na pamana; itinuring silang iba dahil sa kanilang mga katungkulang pagkapari. Walang bahagi ng lupain ang ibinigay sa mga Levita. Gayunpaman, binigyan sila ng mga lungsod na matitirahan, kabilang ang lupaing pastulan para sa kanilang mga alagang baka para matustusan ang kanilang mga pamilya. At nahati sa dalawang lipi ang bayan ni Jose: Manases at Efraim.
\v 5 Ginawa ng bayan ng Israel gaya ng iniutos ni Yahweh kay Moises: namahagi sila ng lupain bilang mga permanenteng pag-aari.
\s5
\v 6 Ilang kalalakihan ang mula sa lipi ni Juda ang lumapit kay Josue habang siya at ang buong Israelita ay nasa Gilgal. Kabilang sa mga kalalakihang iyon ay ang anak ni Jepunne na si Caleb. Sinabi niya kay Josue, "Natitiyak kong naaalala mo kung ano ang sinabi ni Yahweh sa propetang si Moises tungkol sa iyo at sa akin noong tayo ay nasa Kades Barnea.
\v 7 Apatnapung taong gulang ako nang mga panahong iyon. Isinugo ako ni Moises mula sa Kades Barnea at ikaw at ilang ibang kalalakihan para saliksikin ang lupain na ito. Nang bumalik kami, nagbigay ako ng totoong ulat kay Moises tungkol sa nakita namin.
\s5
\v 8 Ang ibang kalalakihan na sumama sa amin ay nagbigay ng ulat na nagdulot sa mga tao para matakot. Perot lubos akong sumunod kay Yahweh at sinunod ko ang lahat ng kaniyang inutos sa atin para gawin.
\v 9 Pinangako ni Moises sa akin, 'Isa itong matibay na pangako na magiging permanenteng pag-aari mo at ng iyong mga anak ang lupain na madadaanan mo, mapapasaiyo at sa iyong mga kaapu-apuhan magpakailanman. Ibibigay ko ito sa iyo dahil sinunod mo si Yahweh na aking Diyos sa lahat na iyong ginawa.'
\s5
\v 10 Ngayon ginawa ni Yahweh sa akin ang kaniyang ipinangako. Apatnapu't limang taon na ang lumipas simula nang sinabi iyon ni Moises sa akin noong panahon na nasa ilang pa tayo. At gaya nang ipinangako ni Yahweh, pinanatili niya akong buhay at masigla sa buong panahong iyon. Tingnan mo ako! Walumpu't limang taong gulang na.
\v 11 Malakas pa rin ako ngayon gaya noong araw na isinugo ako ni Moises para magmanman sa lupaing ito. Ang aking lakas ngayon ay tulad ng aking lakas noong bata pa ako. Maaari pa akong makipaglaban o maglakbay sa malayo at mayroon pa ring lakas para umuwi ng bahay.
\s5
\v 12 Kaya pakiusap ibigay mo sa akin ang maburol na lugar na pinangako na ibibigay sa akin ni Yahweh noong araw na iyon. Noong panahong iyon, narinig mo ang aking sinabi na nanirahan doon ang Anakim. Narinig mo ang aking sinabi na ang kanilang mga lungsod ay malaki at mayroong mga pader para pangalagaan sila. Pero ngayon, marahil tutulungan ako ni Yahweh para palayasin sila kasama ang ating hukbo, gaya lamang ng ipinangako ni Yahweh."
\s5
\v 13 Kaya tinanong ni Josue ang Panginoong Diyos para pagpalain si Caleb, at binigay kay Caleb ang lungsod ng Hebron.
\v 14 Sa paraang ito, ang Hebron ay naging permanenteng pag-aari at tirahan ni Caleb na lalaking anak ni Jepunne na Kanazita. Hanggang sa araw na ito doon naninirahan ang kaniyang mga kaapu-apuhan dahil ginawa ni Caleb ang lahat ng sinabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, na gawin niya.
\v 15 Ngayon ang dating pangalan ng Hebron ay Kiriat Arba (Si Arba ang pinakadakilang tao sa Anakim). At nagkaroon nang kapayapaan sa buong lupain; wala nang digmaan.
\s5
\c 15
\p
\v 1 Hinati ang lupain na nakatalaga sa lipi ni Juda sa mga angkan nito. Lumagpas ang kanilang lupain sa timog hanggang sa ilang ng Sin sa hangganan ng Edom.
\v 2 Ang kanilang hangganan sa timog ng lupain na nakatalaga sa lipi ni Juda ay nagsimula sa dulo ng Dagat ng Asin (tinawag ring Patay na Dagat), mula sa dalampasigan ng nakaharap sa timog.
\s5
\v 3 Pagkatapos ito ay napunta sa katimugan at pataas sa kaburulan ng Akrabbim at pinalawak kasama ng Sin, at pagkatapos umakyat ito isang beses sa timog ng Kades Barnea, sa tabi ng Hezron, papuntang Addar, at pagkatapos bumaba paikot sa Karka.
\v 4 Mula roon nagpatuloy ito lagpas sa Azmon, at mula roon dadaan sa tabi ng batis ng Ehipto; mula roon liliko ito sa kanluran sa Dagat Mediterranea. Iyon ang inyong magiging hangganan sa timog.
\s5
\v 5 Ang silanganang hangganan ng lupain ng lipi ni Juda ay ang Patay na Dagat. Pinalawak ito sa hilaga sa dulo ng Ilog Jordan, kung saan ito nagtapos sa Patay na Dagat.
\v 6 Nagpatuloy ang pahilagang hangganan mula sa dakong iyon, at pinalawak sa hilaga ng Beth Hogla. Mula roon napunta sa hilaga ng Beth Araba sa Bato ng Bohan (isang bato na pinatung-patong ni Bohan, anak na lalaki ni Ruben).
\s5
\v 7 Mula sa dakong iyon lumiko ang hangganan pakanluran at napunta sa Lambak ng Achor hanggang sa Debir. Mula doon lumiko sa hilaga muli para mapunta sa Gilgal. Ang Gilgal ay hilaga ng daan na papunta sa kaburulan ng Adummim, sa silangang bahagi ng lambak ilog. Mula Gilgal pinalawak ang hangganan sa kanluran hanggang sa mga batis ng En Semes, at mula roon papunta sa En Rogel.
\v 8 Mula sa dakong iyon ang hangganan kasama ang gilid sa timog ng lungsod ng Jebuseo (ito ay, Jerusalem). Papunta ang hangganan sa tuktok ng burol sa kanlurang bahagi ng Lambak ng Hinnom, ang nasa pahilagang dulo ng Lambak ng Rephaim.
\s5
\v 9 Mula roon pinalawak ang hanggganan sa hilagang-kanluran hanggang sa tuktok ng kaburulan na hahantong sa bukal ng Neptoa, at mula roon hanggang sa mga lungsod malapit sa Bundok Epron. Mula roon pinalawak ang hangganan sa kanluran papuntang Baala (na pinangalanan ngayong Kiriat Jearim).
\v 10 Pagkatapos nagpatuloy ang hangganan para palawakin sa kanluran, lagpas ng Baala, hanggang Bundok Seir. Pagkatapos napunta ito sa timog-kanluran kasama ang hilagang bahagi ng Bundok Jearim (na tinawag ding Kesalon), at bumaba sa Beth Semes. Mula doon dumaan ng Timna.
\s5
\v 11 Nagpatuloy ang hangganan sa hilagang-kanluran hanggang hilagang burol ng Ekron. Mula roon pinalawak ito sa kanluran hanggang Sikeron at lagpas ng Bundok Baala, hanggang Jabneel, at pagkatapos hilagang-kanluran hanggang Ilog Mediterranea.
\v 12 Ang kanlurang hangganan ng lupain na itinalaga sa lipi ni Juda ang ilog Mediterranea. Lahat ng angkan ni Juda ay nairahan sa loob ng mga hangganang iyon.
\s5
\v 13 Inutusan ni Yahweh si Josue para ibigay ang bahagi ng lupain ng lipi ni Juda kay Caleb. Kaya ibinigay niya kay Caleb ang lungsod ng Kiriat Arba, na tinawag ngayong Hebron. (Si Arba ang ama ni Anak.)
\v 14 Pinilit ni Caleb ang tatlong angkan ng lahing Anak para lisanin ang Hebron. Iyon ang Sesai, Aiman, at mga angkan ng Talmai.
\v 15 Pagkatapos umalis si Caleb doon at pumunta para makipaglaban sa mga taong naninirahan sa Debir (na dating pinangalanang Kiriat Seper).
\s5
\v 16 Sinabi ni Caleb, "Kung sinuman ang lumusob sa bayan sa Kiriat Seper at sakupin ang kanilang lungsod, ibibigay ko ang aking anak na babaeng si Acsa sa kaniya para pakasalan."
\v 17 Si Otniel anak na lalaki ng kapatid na lalaki ni Caleb na si Kenaz, sinakop ang lungsod. Kaya ibinigay ni Caleb ang kaniyang anak na babaeng si Acsa, para pakasalan niya.
\s5
\v 18 Nang pinakasalan ng anak na babae ni Caleb si Otniel, sinabi niya sa kaniya na humingi sa kaniyang ama na bigyan siya ng isang bukirin. Pagkatapos pumunta si Acsa para makipag-usap sa kaniyang amang si Caleb. Sa kaniyang pagbaba sa kaniyang asno, tinanong siya ni Caleb, "Meron ka bang gustong bagay?"
\s5
\v 19 Sumagot si Acsa, "Oo, gusto kong gumawa ka ng isang bagay para sa akin. Ibinigay mo sa akin ang lupain sa katimugang ilang ng Judea, pero walang tubig doon. Kaya pakiusap bigyan mo ako ng ibang lupain na mayroong mga bukal." Kaya ibinigay ni Caleb sa kaniya ang mataas at mababang mga bukal malapit sa Hebron.
\s5
\v 20 Narito ang isang listahan ng mga bayan sa lupain na pinangako ng Diyos para ibigay sa lipi ni Juda. Nagtalaga ng ilang lupain sa bawat angkan.
\s5
\v 21 Itinalaga sa lipi ni Juda ang lahat ng mga lungsod na ito sa katimugang ilang ng Judea, malapit sa hangganan ng rehiyon ng Edom: Kabzeel, Eder, Jagur,
\v 22 Kina, Dimona, Adada,
\v 23 Kedes, Hazor, Itnan,
\v 24 Zip, Telem, at Bealot.
\s5
\v 25 Pati Hazor Hadatta, Keriot Hezron (na tinawag ding Hazor),
\v 26 Amam, Sema, Moloda,
\v 27 Hazar Gadda, Hesmon, Beth Pelet,
\v 28 Haza Sual, Beer-seba, at Biziotia.
\s5
\v 29 Pati Baala, Iyim, Ezem,
\v 30 Eltolad, Kesil, Horma,
\v 31 Ziklag, Madmanna, Sansanna,
\v 32 Lebaot, Silim, Ain, at Rimmon. Mayroong dalawamput-siyam na lungsod, kasama ng kanilang mga nakapalibot na nayon.
\s5
\v 33 Nakatalaga sa lipi ni Juda ang mga lungsod na ito sa hilagang bahagi ng mga mababang burol sa kanluran: Estaol, Zora, Asna,
\v 34 Zanoa, En Gannim, Tappua, Enam,
\v 35 Jarmut, Adullam, Soco, Azeka,
\v 36 Saaraim, Aditaim, at Gedera (tinawag ding Gederotaim). Mayroong labing-apat na lungsod, kasama ng kanilang mga nakapalibot na nayon.
\s5
\v 37 Nakatalaga rin sa lipi ni Juda ang mga lungsod na ito sa katimugang bahagi sa mga mababang burol sa kanluran: Zenan, Hadaha, Migdalgad,
\v 38 Dilean, Mispa, Jokteel,
\v 39 Lachis, Bozkat, at Eglon.
\s5
\v 40 Pati Cabbon, Lahmas, Kitlis,
\v 41 Gederot, Beth-dagon, Naama, at Maceda, Mayroong labing-anim na lungsod, kasama ng kanilang mga nakapalibot na nayon.
\s5
\v 42 Nakatalaga rin sa lipi ni Juda ang mga lungsod na ito sa gitnang bahagi ng mga mababang burol sa kanluran: Libna, Ether, Ashan,
\v 43 Ipta, Asna, Nezib,
\v 44 Keila, Aczib, at Maresa. Mayroong siyam na lungsod, kasama ng kanilang mga nakapalibot na nayon.
\s5
\v 45 Mayroon ding lungsod ng Ekron, kasama ng mga nakapalibot na bayan at nayon nito.
\v 46 Mula Ekron hanggang Ilog Mediterranea, kasama rin sa nasasakupan ng Juda ang lupain malapit sa lungsod ng Asdod, kabilang ang mga nayon nito.
\v 47 Asdod at ng mga nakapalibot nitong mga bayan at mga nayon; ang lungsod ng Gaza at ng mga nakapalibot nitong mga bayan at mga nayon pababa sa batis ng Ehipto at sa Dagat Mediterranea. Ang hangganan sumunod ang mga baybayin.
\s5
\v 48 Nakatalaga rin sa lipi ni Juda ang mga bayan sa katimugang bahagi ng maburol na bansa: Samir, Jattir, Soco,
\v 49 Danna, Kiriat Sanna (tinawag ding Debir),
\v 50 Anab, Estemo, Anim,
\v 51 Gosen, Holon, at Gilo, Mayroong labing-isang lungsod, kasama ng kanilang mga nakapalibot na nayon.
\s5
\v 52 Nakatalaga rin sa lipi ni Juda ang mga bayan sa gitnang timog na bahagi ng maburol na bansa: Arab, Duma, Esan,
\v 53 Janim, Beth Tappua, Apeka,
\v 54 Humta, Kiriat Arba (tinawag ngayong Hebron), at Zior. Mayroong siyam na lungsod, kasama ng kanilang mga nakapalibot na nayon.
\s5
\v 55 Nakatalaga rin sa lipi ni Juda ang mga bayang ito sa timog-silangang bahagi ng maburol na bansa: Maon, Carmel, Zip, Jutta,
\v 56 Jezreel, Jokdeam, Zanoa,
\v 57 Kain, Gibea, at Timna. Mayroong sampung lungsod, kasama ng kanilang mga nakapalibot na nayon.
\s5
\v 58 Nakatalaga rin sa lipi ni Juda ang mga bayan na ito sa gitnang bahagi ng maburol na bansa: Halhul, Bethzur, Gedor,
\v 59 Maarat, Beth Anot, at Eltekon. Mayroong anim na lungsod, kasama ng kanilang mga nakapalibot na nayon.
\s5
\v 60 Nakatalaga rin sa lipi ni Juda ang dalawang bayan sa hilagang bahagi ng maburol na bansa, Rabba at Kiriat Baal (na tinawag ding Kiriat Jearim).
\v 61 Nakatalaga rin sa lipi ni Juda ang mga bayan na ito sa ilang malapit sa Patay na Dagat: Beth Araba, Middin, Secaca,
\v 62 Nibsan, ang Lungsod ng Asin, at En Gedi. Mayroong anim na lungsod, kasama ng kanilang mga nakapalibot na nayon.
\s5
\v 63 Hindi napaalis ng hukbo ng lipi ni Juda ang mga Jebuseo at kaya nanatili sila sa Jerusalem. Kaya ngayon namuhay parin sila sa piling ng lipi ni Juda.
\s5
\c 16
\p
\v 1 Ang lupaing itinalaga sa dalawang lipi ng Efraim at Manases—mga liping nagmula kay Jose—nagsimula sa Ilog Jordan, silangan ng Jerico.
\v 2 Umabot ito sa kanluran mula Jerico hanggang Bethel, at pagkatapos sa Luz, at dumaan sa Atarot, na siyang nasasakupan kung saan naninirahan ang mga Arkita.
\s5
\v 3 Mula roon umabot ito sa kanluran sa hangganan ng lupain kung saan naninirahan ang mga Jaflatita, at pagkatapos sa kanluran sa pook na malapit sa Mababang Beth-Horon. Mula roon nagpatuloy sa kanluran sa Gezer, at mula roon tungo sa Dagat Mediteraneo.
\v 4 Ito ang nasasakupang natanggap ng mga tao nina Jose, Manases at Efraim bilang kanilang permanenteng pag-aari.
\s5
\v 5 Ang hangganan ng lupaing itinalaga sa mga angkan ng lipi ni Efraim ay nagsimula sa Atarot Addar sa silangan. Umabot ito sa Mataas na Beth-Horon
\v 6 at nagpatuloy sa Dagat Mediteraneo. Mula sa Micmetat sa hilaga lumihis ito pasilangan tungo sa Taanat Silo, at tumungo sa silangan hanggang Janoa.
\v 7 Mula sa Micmetat sa hilaga umabot ito sa silangan tungo sa Taanat at mula roon patungong Janoa. Mula roon tumungo ito sa timog patungong Atarot at pagkatapos patungong Naara. Mula roon nakarating ito sa lungsod ng Jerico hanggang Ilog Jordan.
\s5
\v 8 Umabot ang hilagang hangganan mula sa Tappua sa kanluran patungong bangin ng Kana, at nagtapos sa Dagat Mediteraneo. Ito ang lupaing itinalaga sa lahat ng mga angkan ng lipi ni Efraim.
\v 9 Ang ilan sa mga lungsod at ang umaasang kanilang mga nayon na inilaan para sa bayan ni Efraim ay nasa itinalagang nasasakupan ng bayan ni Manases.
\s5
\v 10 Hindi mapilit ng mga lipi ni Efraim ang mga Cananeo na lisanin ang Gezer. Naninirahan pa rin ang mga Cananeo roon. Gayunman, pinilit silang gawing alipin ng bayan ni Efraim.
\s5
\c 17
\p
\v 1 Ito ang listahan ng lupaing inilaan sa mga lipi ni Manases. Si Makir ang panganay na anak ni Manases at ang kaniyang apo ay si Galaad. Nakatalaga sa kanilang kaapu-apuhan ang mga lupain sa rehiyon ng Galaad at Bashan, sa karangalan ni Makir, na naging isang dakilang sundalo.
\v 2 Naglaan din ng lupain sa ibang mga angkan sa lipi ni Manases: Ang mga angkan nina Abiezer, Helek, Asriel, Secem, Heper, and Semida. Ito ang mga pangalan ng lalaking kaapu-apuhan ni Manases (siya mismo ay anak ni Jose). Ginawa ang pagtatalaga ng lupain sa bawat angkan.
\s5
\v 3 Ngayon si Zelopehad anak na lalaki ni Heper, isang kaapu-apuhan ni Galaad, na naging anak na lalaki ni Makir at apo ni Manases) ay walang mga anak na lalaki. Mayroon lamang siyang mga anak na babae: Mala, Noe, Hogla, Milca, and Tirza.
\v 4 Pumunta ang mga kababaihang ito kina Eleazer (ang pinuno ng lahat ng mga pari) at kay Josue at ibang pang mga pinunong Israelita. Sinabi nila, "Nais naming bigyan mo kami ng ilang lupain, dahil sinabi ni Yahweh kay Moises na dapat niyang ibigay sa amin ang ibang lupain, gaya ng ibinigay mo sa kalalakihan ng aming lipi." Kaya ginawa ni Eleazer kung ano ang iniutos ni Yahweh: Nagtalaga siya ng ilang lupain para sa kanila, gaya ng ginawa niya para sa kanilang mga tiyo.
\s5
\v 5 Kaya ang lipi ni Manases ay nagkaroon na nang sampung bahagi ng lupain sa kanluran ng Ilog Jordan at dalawang bahagi sa silangang dako ng Ilog Jordan sa Galaad.
\v 6 At ang mga kababaihang ito sa lipi ni Manases ay itinalaga rin ang lupain sa kanlurang dako ng ilog tulad ng mga kalalakihan. Itinalaga ang ibang mga bahagi ng Galaad sa natitirang bayan ni Manases.
\s5
\v 7 Ang lupaing itinalaga sa lipi ni Manases ay nasa pagitan ng lupain kung saan naninirahan ang lipi ni Aser at Micmetat, malapit sa Secem. Umabot ang hangganan sa timog patungo sa bukal ng Tappua.
\v 8 Nabibilang ang lupain na malapit sa lungsod ng Tappua sa lipi ni Manases. Pero nasa hangganan mismo ni Efraim ang Tappua at sa katunayan nabibilang ito sa mga Efraimita.
\s5
\v 9 Umabot ang hangganan pababa sa timog sa batis ng Kana at lahat ng mga lungsod sa batis na iyon ay nabibilang kay Manases. Nasa hilagang bahagi ng bukal ng Kana ang hangganan ng Manases; umabot ito sa Dagat Mediteraneo.
\v 10 Nabibilang ang lupain sa timog kay Efraim at ang lupain sa hilaga ay nabibilang sa lipi ni Manases; Dagat Mediteraneo ang hangganan ng Manases. Nasa hilagang bahagi ng hangganan ang lipi ni Aser, habang nasa silangan ang lipi ni Isacar.
\s5
\v 11 Pero mayroong mga lulngsod sa loob ng nasasakupang itinalaga sa mga lipi ni Isacar at Aser, kasama ang kanilang mga nakapalibot na mga nayon, sa katunayan ay itinalaga sa bayan mula sa lipi ni Manases. Ang mga lungsod na ito ay Beth San, Ibleam, Dor, Endor, Taanac, at Megiddo (at ang ikatlong lungsod sa listahan ay Napet).
\v 12 Hindi nagawang pilitin ng kalalakihan ng lipi ni Manases ang bayang naninirahan sa mga lungsod na iyon para umalis, kaya patuloy na namuhay ang mga Cananeo sa kanilang lupain.
\s5
\v 13 Nang lumakas ang bayan ng Israel sapilitan nilang pinagtrabaho iyong mga Cananeo para sa kanila bilang mga alipin pero hindi nila nagawang kunin ang kanilang lupain mula sa kanila.
\s5
\v 14 Ang mga kaapu-apuhan ni Jose (iyon ay, ang mga lipi ni Efraim at Manases) sinabi kay Josue, "Itinalaga mo sa amin ang isang pook lamang ng lupain, pero marami kami sa aming mga lipi. Sa bawat paraan pinagpala kami ni Yahweh, kaya bakit bibigyan mo kami ng isang maliit na bahagi ng lupain para tirahan?"
\v 15 Sumagot si Josue sa kanila, "Yamang kayo ay marami na bayan, umakyat at putulin ang mga kahoy sa kagubatan at gumawa ng isang lugar para sa inyong mga pananim at para sa inyong sarili para manirahan sa lupain ng mga Perezeo at Raphaim. Ito ang dapat ninyong gawin, yamang masikip ang maburol na lupain para sa inyo para manirahan doon.
\s5
\v 16 Sumagot ang mga lipi ni Efraim at Manases, "Hindi sapat ang maburol na lupain para sa amin. Pero hindi kami makakalat sa patag dahil sa mga Cananeo na nakatira rito. May mga karwaheng may gulong na bakal ang mga Cananeo sa Beth Shan at mga nakapalibot na nayon."
\v 17 Sumagot si Josue sa sambahayan ni Jose iyon ay, si Efaim at Manases; sinabi niya, "Tunay na napakarami ninyong bayan at napakalakas. Kaya magtatalaga ako ng isa pang lupain para sa inyo:
\v 18 mapapabilang din ang maburol na lupain sa inyo. Kailangan ninyong pumutol ng mga puno para gawin ito sa inyo, at gumawa ng isang lugar para mamuhay kayo. Itataboy ninyo ang mga Cananeo, kahit na malakas sila at may mga karwaheng may gulong na bakal."
\s5
\c 18
\p
\v 1 Sama-samang tinipon ang buong kapulungan ng bayan ng Israel sa Silo. Itinayo nila ang tolda kung saan nila sinamba si Yahweh. Wala nang digmaan sa lupain.
\v 2 Gayunman, itong pitong lipi ni Israel ay hindi pa nabigyan ng anumang lupain.
\s5
\v 3 Sinabi ni Josue sa bayan ng Israel, "Bakit kayo naghihintay ng mahabang panahon? Gaano katagal ninyo ipagpapaliban ang pagpunta sa lupain na si Yahweh, ang Diyos na sinamba ng inyong mga ninuno, ay ipinangakong ibigay sa inyo?
\v 4 Pumili kayo ng tatlong lalaki mula sa bawat isa sa inyong pitong lipi. Ipapadala ko sila para saliksikin ang mga bahagi ng lupaing hindi pa ninyo sinakop. Kapag tapos na sila, susulat sila ng ulat para sabihin sa inyo kung ano ang kalagayan ng lupain. Gagawa din sila ng mapa para ipakita sa inyo kung saan matatagpuan ang mga lungsod at mahahalagang lugar at kung aling lipi ang titira sa aling lugar.
\s5
\v 5 Hahatiin nila ang natitirang lupain sa pitong bahagi. Mananatili sa lipi ni Juda ang lupain sa timog, at mananatili sa lipi nila Efraim at Manases ang lupain sa hilaga.
\v 6 Pero sa kanilang ulat, dapat ilarawan ng mga kalalakihan mula sa pitong lipi ang natitirang pitong bahagi ng lupa na nais nilang matanggap, at dalhin ang ulat sa akin. Habang nanonood si Yahweh, magpapalabunutan ako para pagpasyahan kung aling lupa ang dapat italaga sa bawat lipi.
\s5
\v 7 Pero ang lipi ni levi ay hindi bibigyan ng anumang lupain, dahil ang pagiging mga pari ni Yahweh ang kanilang gantimpala. Ang mg lipi ni Gad, Ruben, at ang kalahati ng lipi ni Manases ay mayroon nang ibinigay na kanilang lupain sa silangang bahagi ng Ilog Jordan, katulad ni Moises, ang taong naglingkod nang mabuti sa Diyos, kaya hindi na sila makakakuha ng karagdagang lupain."
\s5
\v 8 Nang handa ng umalis ang mga kalalakihang pinili, sinabi sa kanila ni Josue, "Lumakad kayo at saliksikin ang lupain. Pagkatapos sumulat ng isang ulat kung ano ang inyong nakita, at dalhin ito sa akin. Pagkatapos habang nanonood si Yahweh, magpapalabunutan ako dito sa Silo, para malaman ko kung anong lugar ang matatanggap ng bawat lipi."
\v 9 Kaya umalis ang kalalakihan at nilakbay ang lupain. Pagkatapos inilarawan nila sa isang balumbon bawat isa sa pitong bahagi ayon sa pagkahati nila sa lupain, kasama ng kanilang mga lungsod. Pagkatapos bumalik sila kay Josue, na naroroon sa Silo.
\s5
\v 10 Matapos basahin ni Josue ang kanilang ulat, habang nanonood si Yahweh, nagpalabunutan siya para piliin kung aling lupa ang itatalaga sa bawat isa sa pitong lipi ng Israrel.
\s5
\v 11 Ang lipi ni Benjamin ang unang liping binigyan ng lupain. Binigyan ang bawat angkan sa liping iyon ng ilan sa lupaing nasa pagitan ng lugar na ibinigay sa lipi ni Juda at ang lugar na ibinigaya sa lipi ni Efraim at Manases.
\v 12 Nagsimula ang pahilagang hangganan sa Ilog Jordan at umabot sa kanluran sa hilagang dako ng Jerico, sa maburol na lupain. Mula roon umabot ang hangganan sa kanluran sa ilang malapit sa Bet Aven.
\s5
\v 13 Mula roon umabot ito sa timog patungong Luz (na tinawag ngayong Bethel). Mula roon bumaba ito sa Atarot Adar, na nasa maburol na timog ng Ibabang Beth-Horon.
\v 14 Sa maburol na timog ng Beth-Horon, lumiko ang hangganan at umabot sa timog patungong Kiriat Baal (na pinangalanan ding Kiriat Jearim). Iyon ang bayan kung saan naninirahan ang lipi ni Juda. Iyon ang kanluraning hangganan.
\s5
\v 15 Nagsimula ang timog na hagganan ng kanilang lupa malapit sa Kiriat Jearim at umabot sa kanluran sa mga batis ng Neptoa.
\v 16 Mula roon umabot ito pababa sa ilalim ng burol, malapit sa Lambak ng Ben Hinnom, sa dakong hilaga ng Lambak ng Rephaim. Umabot pababa ang hangganan sa tabi ng Lambak ng Hinnom, timog sa lungsod kung saan nanirahan ang mga Jebuseo, patungong En Rogel.
\s5
\v 17 Mula roon umabot ang hangganan sa kanluran patungong En Semes at nagpatuloy patungong Gelilot malapit sa burol ng Adummim. Pagkatapos umabot ito sa malaking bato ng anak ni Ruben na si Bohan.
\v 18 Mula roon umabot ang hangganan sa hilagang tuktok ng Bet Araba at pababa sa kapatagan sa tabi ng Jordan.
\s5
\v 19 Mula roon umabot ito sa silangan hanggang sa hilagang tuktok ng Bet Hogla at nagtapos sa hilagang dulo ng Patay na Dagat, kung saan dumadaloy ang Ilog Jordan patungong Patay na Dagat. Iyon ang hangganan sa timog.
\v 20 Silangang hangganan ang Ilog Jordan ng lupaing ibinigay sa lipi ni Benjamin. Iyon ang mga hangganan ng lupaing itinalaga sa kanila, nakalarawang mabuti ang bawat hangganan nang naaayon.
\s5
\v 21 Ang mga lungsod sa lupaing itinalaga sa lipi ni Benjamin ay Jerico, Bet Hogla, Emek Keziz,
\v 22 Bet Araba, Zemaraim, Bethel,
\v 23 Avvim, Para, Opra,
\v 24 Kepar Ammoni, Opni, at Geba. Sa kabuuan mayroong labing-apat na lungsod, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
\s5
\v 25 Sa lipi din ni Benjamin ang mga lungsod ng Gibeon, Rama, Beerot,
\v 26 Mizpa, Kepira, Moza,
\v 27 Rekem, Irpeel, Tarala,
\v 28 Zela, Haelep, Jebus (ang lungsod kung saan nanirahan ang mga Jebuseo, na tinawag ngayong Jerusalem), Gibea, at Kiriat. Sa kabuuan mayroong labing-apat na lungsod, hindi kabilang ang kanilang mga nayon. Itinalaga ang lahat ng lugar na iyon sa mga angkan ng lipi ni Benjamin.
\s5
\c 19
\p
\v 1 Ang lipi ni Simeon ang ikalawang lipi na binigyan ng lupain. Bawat angkan sa liping iyon ay binigyan ng ilang lupa mula sa gitna ng nasasakupan ng Juda.
\s5
\v 2 Kasama sa lupain ng Simeon ang sumusunod na mga lungsod:
\v 3 Beer-seba, Seba, Molada, Hazar-sual, Bala, Ezem,
\v 4 Eltolad, Betul, at Horma.
\s5
\v 5 Kasama rin sa lupain ng Simeon ang mga lungsod ng Ziklag, Beth Marcabot, Hazarsusa,
\v 6 Beth Labaot, at Saruhen. Mayroong labintatlong lungsod kasama ang kanilang mga nakapalibot na nayon.
\v 7 Kasama rin sa lupaing itinalaga kay Simeon ang apat na lungsod ng Ain, Rimmon, Eter, at Ashan, at ang kanilang mga nakapalibot na nayon.
\s5
\v 8 Itinalaga rin sa kanila ang ilang nayon sa isang pook na umaabot sa timog patungong Balaat Beer (na tinatawag ding Rama sa timog ng ilang). Iyon ang lupaing itinalaga sa mga angkan ng lipi ni Simeon.
\v 9 Ang lipi ni Juda ay binigyan ng higit na maraming lupa kaysa kailangan nila, kaya ibinigay ang bahagi ng kanilang lupain sa lipi ni Simeon.
\s5
\v 10 Ang lipi ni Zebulon ang ikatlong lipi na binigyan ng lupain. Bawat angkan ng liping iyon ay binigyan ng ilan sa lupain. Nagsimula ang hangganan sa timog ng Sarid.
\v 11 Umabot ito sa kanluran sa Marala at tuloy sa Dabbeset, at umabot sa batis sa harap ng lungsod ng Jokneam.
\s5
\v 12 Lumiko ang hangganan sa silangan mula Sarid at tumungo sa pook na malapit sa Kislot Tabor at pagkatapos sa Daberat, at palayo tungo sa Japhia.
\v 13 Mula roon umabot ito sa silangan patungong Gat Heper at Et Kazin, at hilaga patungong Rimmon. Mula roon lumiko ang hangganan patungong Nea.
\s5
\v 14 Mula sa Nea umabot ang hangganan sa timog patungong Hanaton at mula roon patungong Lambak ng Iptael.
\v 15 Kasama sa pook ng Zebulon ang mga lungsod ng Kattat, Naalal, Simron, Idala, at Bethlehem. Sa kabuuan mayroong labindalawang lungsod, kasama ang kanilang mga kalapit na nayon.
\v 16 Iyon ang lupaing inilaan sa mga angkan ng lipi ni Zebulon, kasama ang mga lungsod at kanilang mga nakapalibot na nayon.
\s5
\v 17 Ang lipi ni Isacar ang ika-apat na lipi na binigyan ng lupain. Bawat angkan ay binigyan ng ilan sa lupain.
\v 18 Kasama sa kanilang lupain ang mga lungsod ng Jezreel, Kesulot, Sunem,
\v 19 Haparaim, Sion, at Anaharat.
\s5
\v 20 Kasama rin sa lupain ng Isacar ang mga lungsod ng Rabit, Kision, Ebez,
\v 21 Remet, En-Gannim, En Hadda, at Beth Passes.
\v 22 Ang hangganan ng pook na itinalaga sa lipi ni Isacar ay malapit sa mga lungsod ng Tabor, Sahasuma, at Beth-semes, at nagtapos sa silangan sa Ilog Jordan. Sa kabuuan mayroong labing-anim na lungsod, kasama ang kanilang mga nakapalibot na nayon.
\s5
\v 23 Ang mga lungsod na iyon at nakapaligid na mga nayon kung saan itinalaga sa mga lipi ni Isacar.
\s5
\v 24 Ang lipi ni Aser ang ika-limang lipi na binigyan ng lupain. Bawat angkan sa liping iyon ay binigyan ng ilan sa lupain.
\v 25 Kasama sa kanilang lupain ang mga lungsod ng Helka, Hali, Beten, Acsap,
\v 26 Alamelek, Amad, at Misal. Nagsimula ang kanluraning hangganan sa Bundok Carmel at Sihorlibnat.
\s5
\v 27 Mula roon umabot ito sa timog-silangan sa lungsod ng Bethdagon, at pagkatapos sa pook na inilaan sa lipi ni Zebulon, at palayo sa Lambak ng Iptael. Mula roon umabot ang hangganan sa silangan at pagkatapos hilaga sa Beth-emek at Neiel at Kabul.
\v 28 Mula roon umabot ito sa kanluran sa mga lungsod ng Abdon, Rehob, Hammon, at Kana, at nagpatuloy sa Sidon, na isang napakalaking lungsod.
\s5
\v 29 Mula sa Sidon, umabot ang hangganan sa timog patungo sa Rama at sa napakalaking lungsod ng Tyre na may mga matitibay na pader sa paligid nito. Mula roon umabot ang hangganan sa kanluran patungong Hosa at nagtapos sa Dagat Mediterenea, sa rehiyon ng Aczib,
\v 30 Umma, Apek, at Rehob. Sa kabuuan mayroong dalawampu't dalawang lungsod, kasama ang kanilang mga nakapalibot na nayon.
\s5
\v 31 Ang mga lungsod at kanilang mga nayon ay nasa luapin na ibinigay sa angkan ng lipi ni Aser.
\s5
\v 32 Ang ika-anim na lipi ni Neftali ay binigyan ng lupain. Bawat angkan sa liping iyon ay binigyan ng ilan sa lupain.
\v 33 Nagsimula ang hangganan ng lupain ng Neftali sa kanluran sa malaking punong kahoy sa Zaananim, malapit sa lungsod ng Helep. Umabot ito sa silangan dumaan sa Adaminekeb at Jabneel, at pagkatapos patungong Lakum, at nagtapos sa Ilog Jordan.
\v 34 Umabot ang kanlurang hagganan lampas sa Aznot-tabor hanggang sa Hukok. Umabot ito sa mga hangganan ng lipi ni Zebulon sa timog, sa hangganan ng lipi ng Aser sa kanluran, at pagkatapos sa Ilog Jordan sa silangan.
\s5
\v 35 Sa loob ng kanilang lupain ay maraming mga lungsod na napapaligiran ng mga matitibay na pader. Ito ang mga lungsod ng Zidim, Zer, Hamat, Rakat, Cinneret,
\v 36 Adama, Rama, Hazor,
\v 37 Kedes, Edrei, at En-hazor.
\s5
\v 38 Ang lungsod ni Neftali ay may matitibay na pader kasama ang Iron, Migdalel, Horem, Beth-anat, at Beth-semes. Sa kabuuan mayroong labingsiyam na lungsod, kasama ang mga nakapalibot na nayon.
\v 39 Ang mga lungsod at mga nakapaligid na nayon ay nasa lupain na ibinigay sa mga lipi ni Neftali.
\s5
\v 40 Ang lipi ni Dan ang ika-pitong lipi na binigyan ng lupain. Bawat angkan sa liping iyon ay binigyan ng ilan sa lupain.
\v 41 Kasama sa kanilang lupain ang mga lungsod ng Zora, Estaol, Ir Semes,
\v 42 Saalabbin, Aijalon, at Itla.
\s5
\v 43 Kasama rin sa lupain ni Dan ang mga lungsod ng Elon, Timna, Ekron,
\v 44 Elteke, Gibbeton, Baalat,
\v 45 Jehud, Beneberak, Gatrimmon,
\v 46 Mejarkon, Rakkon, at ang pook na malapit sa Joppa.
\s5
\v 47 Pero hindi nakayang pamahalaan ng bayan ng lipi ni Dan ang lupaing ibinigay sa kanila. Kaya nagtungo sila sa hilagang-silangan at nakipaglaban sa bayan sa lungsod ng Lesem. Tinalo nila at pinatay ang lahat ng bayang iyon. Pagkatapos nanatili sila para manirahan sa Lesem at pinalitan ang pangalan ng lungsod ni Dan, ang lalaki kung kanino nagmula ang kanilang lipi.
\v 48 Nasa lupaing ibinigay sa angkan ng lipi ni Dan ang lahat ng mga lungsod na iyon at mga nakapalibot na nayon.
\s5
\v 49 Matapos hatiin ng mga pinuno ng Israel ang lupain sa mga lipi, binigyan rin sila ng ilang lupa ni Josue.
\v 50 Ibinigay nila sa kaniya ang lungsod ng Timnat Sera. Sinabi ni Yahweh na maaari niyang kunin anumang lungsod na gusto niya, at iyon ang lungsod na pinili niya. Iyon ay nasa maburol na lugar na ibinigay sa lipi ni Efraim. Muling itinayo ni Josue ang lungsod at nanirahan doon.
\s5
\v 51 Iyon ang mga pook na ibinigay sa iba't ibang lipi ng Israel. Si Eleazar (ang pinuno ng lahat ng mga pari), si Josue, at mga pinuno ng bawat lipi ay hinati-hati ang lupain habang nasa Silo silang lahat, sa pamamagitan ng palabunutan para pagpasyahan kung aling pook ang tatanggapin ng bawat lipi. Ginawa nila iyon habang nanonood si Yahweh sa pasukan ng banal na tolda. Sa ganoong paraan natapos nila ang paghahati-hati ng lupain.
\s5
\c 20
\p
\v 1 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Josue,
\v 2 "Sabihan mo ang mga Israelita na pumili ng ilang mga lungsod na matatakbuhan para maging ligtas, gaya ng sinabi ko kay Moises na dapat gawin.
\v 3 Kung mayroong tao na nakapatay ng kapwa nang hindi sinasadya, siya ay makakapagtago sa isa sa mga lungsod at magiging ligtas.
\s5
\v 4 Kapag dumating ang taong iyon sa tarangkahan ng isa sa mga lungsod na iyon, kailangang tumigil muna siya roon at sabihin sa mga pinuno ng lungsod na iyon kung ano ang nangyari. Papapasukin siya at bibigyan ng lugar na kaniyang matitirahan kasama nila.
\s5
\v 5 Kapag mayroong pumunta na kamag-anak ng pinatay sa lungsod na iyon para maghiganti, hindi dapat ibigay ng mga pinuno ng lungsod na iyon ang salarin, dahil hindi sadya ang pangyayari. Hindi siya nagkaroon ng galit sa taong iyon; hindi niya sinasadyang mapatay ito.
\v 6 Dapat manatili ang taong nakapatay sa lungsod na iyon hanggang mailagay siya ng lungsod ng mga hukom sa pagsubok. Makakatira lamang ang taong nakapatay nang hindi sinasadya at tumakbo sa lungsod na iyon kapag pumayag ang mga hukom, dapat siyang manatili roon hanggang sa mamatay ang punong pari na siyang naglilingkod sa panahon nang pagkakasala niyang iyon. Pagkatapos makakauwi siya nang ligtas sa kaniyang sariling tahanan."
\s5
\v 7 Kaya pinili ng mga Israelita ang mga lugar na ito para maaaring takbuhan ng mga tao para maging ligtas: Kedes, sa rehiyon ng Galiliea, sa maburol na lugar kung saan naninirahan ang mga lipi ni Naftali; Secem, sa maburol na lugar kung saan naninirahan ang mga lipi ni Efraim; at Kiriat Arba (tinatawag na ngayong Hebron) sa maburol na lugar kung saan naninirahan ang lipi ni Juda;
\v 8 Bezer, sa silangang bahagi ng Ilog Jordan, malapit sa Jerico, sa ilang kung nasaan naninirahan ang lipi ni Ruben; Ramot na nasa rehiyon ng Galaad, sa lupain kung saan naninirahan ang lipi ni Gad; at Golan na nasa rehiyon ng Bashan, kung saan naninirahan ang lipi ni Manases.
\s5
\v 9 Anumang Israeilita o dayuhan na nanirahan sa kalagitnaan nila, sinumang pumatay sa isang tao nang hindi sinasadaya, ay hahayaan tumakbo isa sa mga lungsod na iyon. Magiging ligtas siya roon mula sa paghihiganti ng kamag-anak nang pinatay. Maaari siyang manirahan sa lungsod na iyon hanggang siya ay mahusgahan para makapagpasya kung siya ay nagsasabi ng katotohanan na hindi niya pinatay ang taong iyon na may layunin.
\s5
\c 21
\p
\v 1 Pumunta ang mga pinuno ng mga angkan ng mga Levita sa Silo para makipag-usap kina Eleazar na pari, Josue na anak ni Nun, at sa mga pangulo ng mga angkan ng bayan ng Israel.
\v 2 Sinabi nila sa kanila, "Inutusan ni Yahweh si Moises na dapat ninyo kaming bigyan ng mga lungsod kung saan kami maaaring manirahan at magkaroon ng pastulan para sa aming mga hayop."
\s5
\v 3 Kaya sinunod ng mga pinuno ng Israelita ang utos na ito mula kay Yahweh. Binigya sila ng mga lungsod at mga lupang pastulan para sa lipi ni Levi mula sa kanilang sariling mga lupain na itinalaga sa kanila.
\s5
\v 4 Unang nagpalabunutan ang mga pinuno ng Israelita para ibigay ang ilang lungsod sa mga kaapu-apuhan ni Kohat. Ito ang mga angkang kaapu-apuhan ni Aaron. Itinalaga nila ang labintatlong lungsod sa mga lipi nila Juda, Simeon, at Benjamin na pag-aari.
\v 5 Sa ibang angkang kaapu-apuhan mula kay Kohat, itinalaga ng mga pinuno ng Israelita ang sampung lungsod sa mga lipi ni Efraim at Dan na pag-aari, at gayundin ang bahagi ng lipi ni Manases na naninirahan sa kanlurang dako ng Ilog Jordan.
\s5
\v 6 Sa bayan ng mga angkang kaapu-apuhan mula kay Gerson, itinalaga ng mga pinuno ng Israelita ang labintatlong lungsod ang mga lugar na pag-aari ng mga lipi nina Isacar, Aser, at Neftali, gayundin ang kalahating lipi ni Manases sa rehiyon ng Bashan.
\v 7 Sa bayan ng mga angkang kaapu-apuhan mula kay Merari, itinalaga ng mga pinuno ng Israelita ang labindalawang lungsod ang mga lugar na pag-aari ng mga lipi nina Ruben, Gad, at Zebulon.
\s5
\v 8 Sa ganitong paraan, ibinigay ng mga pinuno ng Israelita ng mga lungsod at mga lupang pastulan sa lipi ni Levi, gaya ng inutos ni Yahweh kay Moises na dapat nilang gawin.
\v 9 Ito ang mga pangalan ng mga lungsod at ang mga nakapalibot na lupang pastulang itinalaga ng mga pinuno ng Israelita sa lipi ni Levi sa mga lugar kung saan nanirahan ang mga lipi ni Juda at Simeon.
\v 10 Una, itinalaga ng mga pinuno ng Israelita ang mga hindi kilalang angkan mula kay Kohat, ang mga angkan ng mga kaapu-apuhan ni Aaron, ang mga nasa lipi ni Levi na naglingkod bilang mga pari. Unang nagpalabunutan ang mga pinuno ng Israelita para sa mga angkang ito na mula kay Kohat.
\s5
\v 11 Itinalaga ng mga pinuno ng Israelita sa kanila ang Kiriat Arba (na ngayon ay tinatawag nang Hebron), sa maburol na lupain ng Juda (si Arba ang naging ama ni Anak). Ibinigay rin nila ang mga lupang pastulan sa palibot ng lungsod.
\v 12 Gayunman, itinalaga ng mga pinuno ng Israelita ang mga sinakang bukid at mga nayong nakapalibot sa Kiriat Arba kay Caleb na anak ni Jepunne.
\s5
\v 13 Sa ganitong paraan, itinalaga ng mga pinuno ng Israelita ang Hebron sa mga kaapu-apuhan ni Aaron, ang pari. Isa ang Hebron sa mga lungsod na maaaring takbuhan ng mga tao kapag nakapatay sila ng isang tao nang hindi sinasadya. Ibinigay rin nila sa mga kaapu-apuhan ni Aaron ang lungsod ng Libna,
\v 14 Jattir, Estemoa,
\v 15 Holon, Debir,
\v 16 Ain, Jutta, at Beth-semes—siyam na lungsod kasama ang lahat ng kanilang lupang pastulan. Matatagpuan ang mga lungsod na ito sa mga lugar na pag-aari nina Juda at Simeon.
\s5
\v 17 Binigyan din ng mga pinunong Israelita ang kaapu-apuhan ni Aaron ng ilang lungsod sa lugar na pag-aari ni lipi ni Benjamin: Gibeon, Geba,
\v 18 Anatot, at Almon—apat na lungsod kasama ang lahat ng kanilang lupang pastulan.
\v 19 Sa kabuuan may labintatlong lungsod kasama ang kanilang mga nakapalibot na lupang pastulang itinalaga ng mga pinuno ng Israelita sa mga pari, ang mga kaapu-apuhan ni Aaron.
\s5
\v 20 Tumanggap ang ibang angkang mula kay Kohat ng apat na lungsod sa lugar na sinakop ng lipi ni Efraim.
\v 21 Ang mga lungsod na iyon ay Secem (na isa sa mga lungsod na maaaring takbuhan ng mga tao kapag nakapatay sila ng isang tao nang hindi sinasadya), Gezer,
\v 22 Kibzaim, at Beth-horon—apat na lungsod kasama ang lahat ng kanilang lupang pastulan.
\s5
\v 23 Nakatanggap din ang mga natatanging angkang ito mula kay Kohat ng apat na lungsod at kasama ang mga nakapalibot na lupang pastulan sa lugar na pag-aari ng lipi ni Dan. Ang mga lungsod na ito ay Elteke, Gibbeton,
\v 24 Aijalon, at Gatrimmon—apat na lungsod kasama ang lahat ng kanilang lupang pastulan.
\s5
\v 25 Nakatanggap din ang mga angkang ito mula kay Kohat ng dalawang lungsod mula sa lugar na sinakop ng lipi ni Manases. Ang mga lungsod na ito ay Taanac at Gatrimmon—dalawang lungsod kasama ang lahat ng kanilang lupang pastulan.
\v 26 May sampung lungsod lahat, kasama ang kanilang mga nakapalibot na lupang pastulan, na tinanggap ng mga natatanging angkang ito mula kay Kohat.
\s5
\v 27 Nagpalabutan din ang mga pinuno ng Israelita para magtalaga ng mga lungsod at ang mga nakapalibot na lupang pastulan para sa mga angkan mula kay Gerson. Kaapu-apuhan din ni Levi ang angkang ito. Kaya tumanggap ang mga angkang ito ng dalawang lungsod mula sa lugar na natanggap ng lipi ni Manases—iyon ay, ang kalahati ng liping nanirahan sa silangang dako ng Ilog Jordan. Ang mga lungsod na iyon ay Golan sa rehiyon ng Bashan, na isa sa mga lungsod na maaaring takbuhan ng mga tao, at Beestara—dalawang lungsod kasama ang kanilang lupang pastulan.
\s5
\v 28 Tumanggap din ang mga angkang ito ng ilang lungsod mula sa lugar na sinakop ng lipi ni Isacar. Ang mga lungsod na iyon ay ang Kision, Daberat,
\v 29 Jarmut, at Engannim—apat na lungsod kasama ang kanilang mga lupang pastulan.
\v 30 Tumanggap ang mga angkang ito ng ilang lungsod mula sa lugar na pag-aari ng lipi ni Aser. Ang mga lungsod na ito ay Misal, Abdon,
\v 31 Helkat, at Rehob—apat na lungsod kasama ang kanilang mga lupang pastulan.
\s5
\v 32 Tumanggap ang mga angkang ito ng ilang lungsod mula sa lugar na pag-aari ng lipi ni Neftali. Ang mga lungsod na ito ay Kades sa rehiyon ng Galilea (isa sa mga lungsod na maaaring takbuhan ng mga tao kapag nakatapay sila ng isang tao nang hindi sinasadya), Hammotdor, at Kartan—tatlong lungsod kasama ang kanilang lupang pastulan.
\v 33 Sa kabuuan tumanggap ang Gersonita ng labintatlong lungsod, kasama ang kanilang mga nakapalibot na lupang pastulan.
\s5
\v 34 Nagtalaga ang mga pinunong Israelita ng mga lungsod sa natirang Levita, iyon ay, ang mga taong kabilang sa mga angkang mula kay Merari. Tumanggap ang mga angkang ito ng ilang lungsod sa mga lugar na inangkin ng lipi ni ZEbulon. Ang mga lungsod na ito ay Jokneam, Karta,
\v 35 Dimna, at Nahalal—apat na lungsod kasama ang kanilang mga lupang pastulan.
\s5
\v 36 Tumanggap din ang mga angkang mula kay Merari ng mga lungsod mula sa lugar na inangkin ng lipi ni Ruben. Ang mga lungsod na ito ay Bezer, Jahaz,
\v 37 Kedemot, at Mepaat—apat na lungsod kasama ang kanilang mga lupang pastulan.
\v 38 Tumanggap din ang mga angkang mula kay Merari ng mga lungsod sa lugar na inangkin ng lipi ni Gad. Ang mga lungsod na ito ay Ramot, na isa sa mga lungsod sa Galaad na maaaring takbuhan ng mga tao kapag nakapatay sila ng isang tao nang hindi sinasadya, at Mahanaim.
\s5
\v 39 Mayroon ding mga lungsod na Hesbon, at Jazer—apat na lungsod lahat, kasama ang kanilang mga lupang pastulan.
\v 40 Sa lahat ng angkang mula kay Merari ay tumanggap ng labindalawang dahil nagpalabunutan ang mga pinuno ng Israelita para sa kanila.
\s5
\v 41 Kaya apatnapu't walong siyudad lahat ang natanggap ng mga Levita mula sa mga lugar na sinakop ng ibang lipi ng Israel, gayundin ang mga lupang pastulang nabibilang sa mga siyudad na iyon.
\v 42 Bawat siyudad na ito ay may nakapalibot na mga lupang pastulan.
\s5
\v 43 Sa ganitong paraan itinalaga ni Yahweh sa bayang Israelita ang lahat ng lupaing kaniyang ipinangakong ibibigay sa kanilang mga ninuno. Pinamahalaan ng bayang Israelita ang mga pook na ito at nanirahan sa mga ito.
\v 44 Gaya ng kaniyang ipinangako sa kanilang mga ninuno, hinayaan sila ni Yahweh na magkaroon ng kapayapaan sa kanilang mga kaaway na nakapaligid sa kanila. Wala sa kanilang kaaway ang nakatalo sa kanila. Tinulungan ni Yahweh ang Israel na talunin ang kanilang mga kaaway.
\v 45 Tinupad ni Yahweh ang bawat pangako na kaniyang ginawa sa mga Israelita. Nagkatotoo ang bawat pangako.
\s5
\c 22
\p
\v 1 Pagkatapos ipinatawag ni Josue ang mga pinuno ng mga lahi ni Ruben, lahi ni Gad, at kalahating lipi ni Manases.
\v 2 Sinabi niya sa kanila, "Nagawa ninyo ang lahat ng iniutos sa inyo ni Moises ang lingkod ni Yahweh. Nagawa din ninyo ang iniutos kong gawin ninyo.
\v 3 Sa loob ng mahabang panahon tumulong kayo sa ibang mga lipi para matalo ang kanilang mga kalaban. Sinunod ninyo ang lahat na itinuro at iniutos sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos na gawin.
\s5
\v 4 Ipinangako niyang magbibigay ng kapayapaan sa inyong kapwa mga Israelita, at ginawa niya ang kaniyang ipinangako. Kaya ngayon maaari na kayong bumalik sa inyong mga tahanan, sa lupaing ibinigay sa inyo ni Moises, sa silangang dako ng Ilog Jordan.
\v 5 Inutusan din kayo ni Moises na mahalin si Yahweh na inyong Diyos at mamuhay kayo ng gaya ng gusto niya, sundin ang kaniyang mga kautusan, bumaling sa kaniya at tumalikod sa lahat ng iba habang sinasamba ninyo siya at pinaglilingkuran siya sa lahat ninyong iniisip at lahat ninyong ginagawa."
\v 6 Pagkatapos pinagpala sila ni Josue at pinauwi, kaya bumalik sila sa kanilang mga tolda.
\s5
\v 7 Ibinigay ni Moises ang rehiyon ng Bashan, sa silangan ng Ilog Jordan, sa kalahati ng lipi ni Manases, at ibinigay ni Josue ang lupain sa kanlurang bahagi ng Ilog Jordan sa iba pang kalahati ng liping iyon. Nang pinadala sila ni Josue sa kanilang mga tolda, hiniling niya sa Diyos na pagpalain sila.
\v 8 Sinabi niya sa kanila, "Bumalik kayo sa inyong mga tolda nang may maraming salapi, hayop na pangkabuhayan at pilak, ginto, tanso, at bakal at may maraming magagandang damit. Pero dapat ninyong ibahagi ang sinamsam ninyo mula sa inyong mga kalaban kasama ng inyong mga kapatid na lalaki at babae."
\s5
\v 9 Kaya iniwan ng bayan ni Ruben, Gad, at kalahating lipi ni Manases ang iba pang mga Israelita sa Silo sa rehiyon ng Canaan. Umuwi sila nang tahanan sa rehiyon ng Galaad, na pag-aari nila, dahil itinalaga ito ni Moises sa kanila sa pamamagitan ng kautusan ni Yahweh.
\s5
\v 10 Pagdating nila sa kanlurang panig ng Ilog Jordan sa lupain ng Canaan. Doon nagtayo ng isang altar ang bayan ni Ruben, Gad, at kalahating lipi ni Manases--isang napakalaki at kamangha-manghang altar.
\v 11 Nabalitaan ng iba pang mga Israelita ang tungkol sa altar na ito; nabahala sila tungkol sa itinayo ng bayan ni Ruben, Gad, at kalahating lipi ni Manases. Ito ay altar sa pasukan ng lupain ng Canaan. Itinayo ito sa lungsod ng Gelilot, malapit sa Jordan, sa gilid na bahagi ng lupain ng Israel.
\s5
\v 12 Nabalitaan ito ng mga Israelita, at ang buong kapulungan ng mga tao ay sama-samang dumating sa Silo. Nagpasya silang makipagdigmaan laban sa kanila dahil sa altar na ito.
\s5
\v 13 Pero sa simula, ipinadala ng mga Israelita si Finehas anak na lalaki ni Eleazar at ang mga pinuno ng lahat na mga pari, para makipag-usap sa mga lipi nila Ruben, Gad, at Manases.
\v 14 Ipinadala rin nila ang isang pinuno mula sa bawat isa sa sampung lipi ng Israel sa kanluran ng Ilog Jordan. Bawat isang mga pinuno ay mahalaga sa kaniyang sariling angkan.
\s5
\v 15 Nagpunta ang mga pinunong iyon sa rehiyon ng Galaad para makipagusap sa mga lipi nila Ruben, Gad, at kalahating lipi ni Manases. Sinabi nila,
\v 16 "Nagtatanong ang lahat ng ibang mga Israelita, 'Ano itong ginawa ninyo? Sinuway ninyo ang mga utos ng Diyos. Tumalikod kayo laban kay Yahweh sa pamamagitan ng pagtatayo ng sarili ninyong altar dito sa lugar na ito. Naghimagsik kayo laban kay Yahweh.
\s5
\v 17 Nakalimutan na ba ninyo ang tungkol sa kung paano tayo pinarusahan ni Yahweh sa Peor, nang tinalikuran natin siya at sinamba ang ibang mga diyos? Nagpadala si Yahweh ng isang nakamamatay na sakit sa bayan ng Israel, at marami ang namatay mula rito.
\v 18 Kayo din ba, tumalikod na mula sa pagsunod kay Yahweh sa pamamagitan ng pagtatayo ng altar na ito? Yamang nagrebelde kayo tulad nito laban sa kaniya, magagalit si Yahweh sa lahat ng bayan ng Israel.'
\s5
\v 19 Kung iniisip ninyong isasaalang-alang ni Yahweh ang inyong lupain dito na hindi angkop para sambahin siya, manumbalik sa ating lupain, kung saan naroon ang banal na tolda ni Yahweh. Maaari kaming magbahagi ng aming lupain sa inyo. Pero huwag magrebelde laban kay Yahweh o laban sa amin sa pamamagitan ng pagtatayo ng isa pang altar para kay Yahweh ating Diyos.
\v 20 Tiyaking naaalala ninyo ang nangyari nang tumanggi si Zera na anak na lalaki ni Acan na sumunod sa utos ni Yahweh na wasakin ang lahat sa Jerico? Lumabag ang isang taong iyon sa utos ng Diyos, pero maraming ibang mga Israelita ang pinarusahan dahil sa kaniyang ginawa."
\s5
\v 21 Sumagot ang mga pinuno ng mga lipi nina Ruben, Gad, at ng kalahating lipi ni Manases,
\v 22 "Alam ni Yahweh na lubos na makapangyarihang Diyos kung bakit namin ginawa iyon, at nais din naming malaman ninyo. Kung hindi kami naging tapat sa aming pangako na paglingkuran si Yahweh, huwag magkaroon ng kahit anong awa sa amin, pero patayin kami.
\v 23 Kung itinayo namin ang altar na ito para tumalikod kami mula sa pagsunod kay Yahweh, o kung itinayo namin ang altar na ito para maghandog ng mga alay, mga butil na handog, o mga alay para mangako ng pagkakaibigan sa kaniya, sa paglabag sa batas, parusahan nawa kami ni Yahweh at kahit pa parusahan ang aming mga buhay.
\s5
\v 24 Hindi, itinayo namin ang altar na ito dahil natakot kami na maaaring magsalita ang inyong mga anak sa aming mga anak isang araw sa hinaharap at magtanong, "Ano ang kinalaman ninyo kay Yahweh, ang Diyos ng Israel?"
\s5
\v 25 Natatakot kami na sasabihin nila sa aming mga anak, "Ginawa ni Yahweh ang Ilog Jordan na maging isang hangganan sa pagitan namin at sa inyong mga lipi ni Ruben at Gad. Wala kayong kinalaman kay Yahweh.' At maaaring pigilan ng inyong mga anak ang aming mga anak mula sa pagsamba kay Yahweh.
\s5
\v 26 Kaya sinabi namin, 'Gumawa tayo ngayon ng isang altar, pero hindi para sa pagdadala ng mga alay ni para sa alinmang mga handog.
\v 27 Sa halip, nais naming maging isang bantayog ito para mapatunayan sa inyo, sa aming mga sarili, at sa lahat ng aming mga kaapu-apuhang susunod sa amin na tunay nga na sinasamba namin si Yahweh. Tunay nga na sinasamba namin siya sa pamamagitan ng aming mga sinunog na mga alay at aming mga handog, at aming mga handog para pangako ng pagkakaibigan sa kaniya. Itinayo namin ang altar na ito para ang inyong mga kaapu-apuhan ay hindi kailaman magsasabi sa aming mga kaapu-apuhan sa hinaharap, "Hindi kailanman nagbigay si Yahweh ng alinmang bahagi ng lupaing ito sa inyo; hindi kayo nabibilang dito."'
\s5
\v 28 Sa hinaharap, kung sasabihin ng inyong mga kaapu-apuhan na, maaaring sabihin ng aming mga kaapu-apuhan, 'Tumingin sa altar na iyon na ginawa ng aming mga ninuno! Katulad ito ng altar ni Yahweh sa Silo, pero hindi tayo nagsusunog ng mga alay doon. Ito ay isang bantayog na nangangahulugang kami at kayo ay sama-samang sumasamba kay Yahweh!'
\v 29 Tiyak na hindi namin nais magrebelde laban kay Yahweh o tumigil sa paggawa ng gusto niya. Ang altar na ito ay hindi kailanman nilayon para magamit para sa mga alay, para sa pagsusunog ng mga harinang mga handog o para gumawa ng ibang mga alay. Alam naming mayroong isang tunay na altar para kay Yahweh na ating Diyos at iyon ay nasa harap ng banal na tolda."
\s5
\v 30 Pagkatapos narinig ni Finehas na pari at ng ibang sampung pinuno ng mga Israelita kung ano ang sinabi ng mga lipi nila Ruben, Gad, at Manases, nalugod sila.
\v 31 Kaya sinabi ni Finehas sa kanila, "Ngayon alam namin na si Yahweh ay sumasa-ating lahat ang mga Israelita, at hindi kayo nagrerebelde laban sa kaniya nang itayo ninyo ang altar na iyon. Dahil hindi ninyo nilabag ang mga batas ni Yahweh ang ginawa ninyo, tinitiyak naming hindi niya tayo parurusahan.
\s5
\v 32 Pagkatapos iniwan nina Finehas at ng mga pinuno ng mga Israelita ang bayan ng mga lipi nina Ruben at Gad sa rehiyon ng Galaad, at bumalik sa Canaan. Doon sinabi ng ibang mga Israelita ang nangyari.
\v 33 Nalugod sila, at pinasalamatan nila ang Diyos. Hindi sila nagsalita ng tungkol sa pakikipaglaban sa bayan ng mga lipi nina Ruben at Gad at winawasak ang lahat sa kanilang lupain.
\s5
\v 34 Pinangalanan ng bayan ng mga lipi nina Ruben at Gad ang kanilang bagong altar na "Paalala," at sinabi nila, "Ito ay paalala sa ating lahat na si Yahweh ay Diyos."
\s5
\c 23
\p
\v 1 Matapos ang mahabang panahon, sa panahong pinayagan ni Yahweh para mabuhay ang mga Israelita sa kapayapaan, na walang takot sa anumang kaaway, napakatanda na ni Josue.
\v 2 Tinawag ni Josue ang lahat ng nakatatanda ng Israel at mga pinuno kasama ang kanilang mga hukom at mga opisiyal, para lumapit at makinig sa kaniya. Pagdating nila, sinimula niyang magsalita sa kanila: "Napakatanda ko na.
\v 3 Nakita naming lahat ang ginawa ni Yahweh na ating Diyos sa lahat ng mga bansa sa lupaing ito. Nakipaglaban para sa atin si Yahweh na ating Diyos.
\s5
\v 4 Ibinigay ko sa inyo ang mga natitirang bansa. Ang kanilang lupain ay magiging palagiang pag-aari rin ninyo para sa mga lipi ng Israel, tulad ng winasak ng ating bayan na lupain ng mga bayan nang pinamumunuan ko kayo—lahat ng bansang iyon na winasak ng mga Israelita mula sa Jordan hanggang sa Dagat Mediteraneo habang ako ang pinuno.
\v 5 Palalayasin ni Yahweh na inyong Diyos ang bayang iyon mula sa kanilang mga lupain. Kukunin niya mula sa kanila ang kanilang mga lupain para manirahan kayo sa mga lupaing iyon. Ito ang ipinangako niyang gawin para sa inyo.
\s5
\v 6 Makinig nang mabuti kaya sundin ninyo ang lahat ng batas na isinulat ni Moises. Huwag suwayin o palitan ang anuman sa mga ito.
\v 7 Kung susundin ninyo ang batas ni Moises, huwag ihalo ang ating bayan sa bayang iyon. Huwag banggitin ang pangalan ng kanilang mga diyos, at gamitin ang mga pangalan ng kanilang mga diyos kapag gumagawa kayo ng mga pangako o mga panata. Huwag sambahin ang mga diyos na iyon o yumukod sa kanila.
\v 8 Lumapit kay Yahweh, tulad ng iyong ginagawa at huwag tumalikod sa kanIya.
\s5
\v 9 Pinilit ni Yahweh na umalis sa inyong daan ang mga dakila at makapangyarihang bansa habang sumusulong kayo. Walang sinuman ang makakapigil sa inyo.
\v 10 Sinumang nag-iisang sundalo sa inyo ay magdudulot sa isang libong kalalakihang mandirigma sa hukbo ng iyong kaaway na tumakbo palayo, dahil nakikipaglaban para sa inyo si Yahweh na inyong Diyos. Iyan ang ipinangako niyang gawin.
\v 11 Kaya gawin ang lahat ng magagawa ninyo para ibigin si Yahweh na inyong Diyos.
\s5
\v 12 Gayunman, kung tatalikod kayo sa paggawa kung ano ang ninanais ni Yahweh; kung lalapit kayo sa anuman sa mga lahing iyon na nakaligtas sa mga digmaan laban sa ating bayan, o kung pakasalan ninyo sila at maging kaibigan nila, at makipagkaibigan sila sa inyo,
\v 13 sa gayon nakatitiyak kayo na hindi kayo tutulungan ni Yahweh na ating Diyos na paalisin sila sa ating lupain. Magiging parang mga bitag sila na huhuli sa inyo, at magiging parang pamalo sila na hahampas sa inyong likuran, at parang tinik na tutusok sa mata. Ang inyong bayan ay manghihina hanggang sa mamatay kayo sa lupaing ito, ito ang mabuting lupain na ibinigay sa atin ni Yahweh na ating Diyos.
\s5
\v 14 Halos oras na para ako ay mamatay, tulad ng lahat. Alam ninyo sa kaibuturan ninyo, na bawat isang bagay na ipinangako ni Yahweh na gawin ay ginawa niya.
\v 15 Ibinigay niya sa inyo ang lahat ng mabuting bagay na ipinangako niya. Sa ganoong paraan, ang ibang mga bagay na ipinangako niya, mga bagay na hindi mabuti, ay mangyayari din sa inyo kung gagawin ninyo ang masama. Sa pagkakataong iyon kukunin niya ang inyong mga buhay at ang inyong lupain mula sa inyo.
\s5
\v 16 Kung hindi ninyo susundin ang kasunduan sa pagitan ninyo at ni Yahweh, at kung iiwan ninyo siya at sasamba sa ibang mga diyos at yuyukod sa kanila, magagalit nang matindi si Yahweh sa inyo, gaya ng magsisimula ang apoy mula sa isang siklab. Madali niyang kukunin ang inyong mga buhay, at kukunin ang mabungang lupaing ito mula sa inyo, ang mismong lupaing ibinigay niya ngayon sa inyo."
\s5
\c 24
\p
\v 1 Sama-samang dinala ni Josue ang lahat ng mga nakatatanda, pinuno, mga hukom, at mga opisyal ng bansa ng Israel, at iniharap nila ang kanilang mga sarili sa harap ng Diyos.
\v 2 Sinabi ni Josue sa kanilang lahat, "Ito sinasabi ni Yahweh, ang Diyos na sinasamba nating mga Israelita: 'Noong unang panahon, ang inyong mga ninuno, kasama ang ama ni Abraham na si Tera at ang nakababatang kapatid ni Abraham na si Nahor, ay nanirahan lampas sa Ilog Eufrates, kung saan sinamba nila ang ibang mga diyos.
\s5
\v 3 Pero kinuha ko ang ninuno ninyong si Abraham, at ginabayan ko siya patungo sa lupain ng Canaan. Binigyan ko siya ng maraming mga kaapu-apuhan sa pamamagitan ng kaniyang anak na si Isaac.
\v 4 Binigyan ko si Isaac ng kaniyang sariling mga anak na lalaki, sina Jacob at Esau. Binigay ko kay Esau ang maburol na lugar ng Edom bilang kaniyang pag-aari, pero pinadala ko si Jacob at kaniyang mga anak pababa sa Ehipto, kung saan sila nanirahan ng maraming taon.
\s5
\v 5 Pinadala ko si Moises at kaniyang kapatid na si Aaron sa Ehipto, at dinulot ko sa bayan ng Ehipto na magdusa ng maraming mga matinding salot. Pagkatapos niyon, dinala ko ang inyong bayan palabas ng Ehipto.
\v 6 Nang dinala ko ang inyong mga ninuno palabas ng Ehipto, dumating sila sa dagat. Sinundan sila ng hukbo ng taga-Ehipto gamit ang mga karwahe at sa mangangabayo, hanggan sa layo ng Dagat na Pula."
\s5
\v 7 Patuloy na nagsasalita si Josue: "Nang nakiusap kayo kay Yahweh para sa tulong, dinulot niya ang kadiliman na dumating sa pagitan ng bansa ng Israel at sa hukbo ng taga-Ehipto sa pamamagitan ng mga tubig ng dagat para malunod ang inyong mga kaaway. Ito ang sinasabi ni Yahweh: 'Nakita ninyo kung ano ang ginawa ko sa Ehipto. Nanirahan kayo sa disyerto sa loob ng maraming taon.
\s5
\v 8 Pagkatapos dinala ko kayo sa lupain ng mga Amoreo, na nanirahan sa silangang bahagi ng Ilog Jordan (ang kabilang bahagi ng Ilog Jordan mula sa atin dito ngayon). Nakipaglaban sila laban sa inyo, pero ginawa ko kayong talunin at wasakin sila; nabihag ninyo ang kanilang lupain. Pero ako ang isa na tunay na sumira sa kanila, at hinayaan ko kayong makita ang lahat ng bagay na ginawa ko para sa inyo.
\s5
\v 9 Pagkatapos hinanda ni Balak anak ni Zippor, hari ng Moab, ang kaniyang hukbo at nilusob ang Israel. Pinadala niya ang anak ni Boer na si Balaam, at sinabihan niya siya na tumawag ng isang sumpa mula kay Yahweh sa inyong bayan.
\v 10 Pero hindi ako makikinig kay Balaam. Sa halip, gagawin ko na pagpapalain niya kayo, at iniligtas ko kayo mula sa kaniyang sumpa.
\s5
\v 11 Pagkatapos lahat kayo ay tumawid sa Ilog Jordan at dumating sa Jerico. Nakipaglaban ang mga pinuno ng Jerico sa inyo, gaya ng ginawa ng mga hukbo ng mga Amoreo, ng mga Perezeo, ng mga Cananeo, ng mga Hiteo, ng mga Girgaseo, ng mga Hivita, at ng mga Jebuseo. Lahat kayo ay ginawa kong mas makapangyarihan kaysa sa kanila, at tinalo ninyo silang lahat.
\v 12 Ako ang siyang nagdulot sa kanila ng pagkatakot. Kumilos sila na para bang hinahabol sila ng mga putakti. At pinalabas ninyo ang dalawang hari ng mga Amoreo habang ang inyong hukbo ay naunang kumilos at tinulak sila palayo. Pero hindi iyon dahil sa inyong mga espada o inyong mga pana at mga palaso, pero ito ay dahil sa Akin, si Yahweh, ay nakipaglaban sa inyong panig.
\s5
\v 13 Kaya binigyan ko kayo ng isang lupain na hindi ninyo nilinisan o binungkal, at binigyan ko kayo ng mga lungsod na hindi ninyo itinayo. Ngayon namuhay kayo sa ang mga lungsod, at kinain ninyo ang mga ubas mula sa mga ubasan na hindi ninyo itinanim, at kumain kayo ng mga olibo mula sa mga kahoy na hindi ninyo itinanim.'
\s5
\v 14 Patuloy na nagsasalita si Josue: "Ngayon matakot at mamangha kayo kay Yahweh. Sambahin siya nang matapat, at maging tapat kapag kayo ay gagawa ng pangako sa kaniya. Itapon ang mga diyus-diyosan na sinasamba ng inyong mga ninuno nang nanirahan sila sa malayong bahagi ng Ilog Eufrates, at nang nanirahan kayo sa Ehipto. Sambahin lamang si Yahweh.
\v 15 Kung hindi ninyo nais sambahin si Yahweh, kung gayon magpasya ngayon kung anong mga diyos ang inyong sasambahin. Sa ganoong kalagayan, dapat magpasya kayo kung sasambahin ninyo ang mga diyos ng inyong mga ninuno, ang mga diyos na sinamba nila nang manirahan sila sa ibang bahagi ng Ilog Eufrates, o kung sasambahin ninyo ang mga diyos ng mga Amoreo, ang mga diyos na sinasamba ng mga tao sa lupaing ito kung saan kayo ngayon namumuhay. Pero para sa akin at sa aking pamilya, sasambahin namin si Yahweh."
\s5
\v 16 Sumagot ang mga Israelita, "Lagi naming sasambahin si Yahweh! Pinapangako namin na hindi kami sasamba o yuyukod kailanman sa anumang mga diyos!
\v 17 Iyon ay si Yahweh ang siyang nagdala sa aming mga ninuno palabas ng Ehipto. Iniligtas niya kami mula sa lupaing iyon, kung saan sila ay mga alipin. Nakita namin siya na gumawa ng mga dakilang himala, at pinagtanggol niya kami noong kami ay naglalakbay. Pinagtanggol niya kami saan man kami pumunta; pinanatili niya kaming ligtas mula sa mga hukbo ng maraming mga hari. Kami ay naging isang napakalaking bansa, at pumasok kami sa lupaing ito.
\v 18 Pinaalis ni Yahweh ang lahat ng mga tao sa harap namin. Tinalo niya ang mga Amoreo, na naninirahan sa lupain. Kaya sasambahin at yuyukod kami kay Yahweh, dahil siya ay aming Diyos."
\s5
\v 19 Pero sumagot si Josue sa mga tao, "Hindi ninyo paglilingkuran si Yahweh! Siya ay isang banal na Diyos, at hindi niya kayo papayagan na sumamba sa ibang mga diyos. Hindi niya kayo papatawarin sa pagsuway sa kaniyang mga batas, o kapag kayo ay magkakasala,
\v 20 kapag tatalikuran ninyo si Yahweh at sumamba sa ibang mga diyos. Kung kakalimutan ninyo siya, siya ay tatalikod at gawin ang parehong kasamaan sa inyo gaya ng ginawa niya sa inyong mga kaaway, at susunugin niya kayo tulad ng apoy! Gagawin niya ang lahat ng ito, pagkatapos niyang maging mabuti sa inyo—kung tatalikod kayo sa kaniya at iwanan siya."
\s5
\v 21 Pero sumagot ang mga tao si Josue, "Hindi, sasambahin namin si Yahweh."
\v 22 Pagkatapos sinabi ni Josue, "Kayo ay mga saksi sa inyong sinabi. Pinili ninyo si Yahweh at kayo ay nanunumpang siya lamang ang sasambahin." Sumagot sila, "Oo, iyon ang aming ipinangakong gagawin."
\v 23 Pagkatapos sinabi ni Josue, "Dapat ninyong itapon ang lahat ng ibang diyus-diyosan na meron kayo kasama ninyo, at lahat ng lakas na nasa inyo, dapat kayong bumalik kay Yahweh at sambahin siya bilang Diyos ninyo, at wala ng iba pa."
\s5
\v 24 Sumagot ang mga tao, "Sasambahin namin si Yahweh, aming Diyos, at siya lamang ang aming susundin."
\v 25 Sa parehong araw na iyon, gumawa si Josue ng isang kasunduan kasama ang mga tao. Doon sa Secem, sinulat niya para sa kanila ang lahat ng mga kautusan at mga batas na inutos ni Yahweh sa kanila na sundin.
\v 26 Sinulat niya lahat ng mga salita na nasa Ang Aklat ng Batas ng Diyos. Kumuha siya ng malaking bato at itinayo ito doon sa Secem, sa ilalim ng malaking puno ng oak na tumubo sa tabi ng lugar kung saan nila sinamba si Yahweh.
\s5
\v 27 Sinabi ni Josue sa lahat ng mga tao, "Tingnan ninyo! Ang batong ito ang magdadala ng patotoo laban sa atin. Ito ang lugar kung saan tayo nangako na ating paglilingkuran si Yahweh. Ang batong ito ay magiging isang lugar para maalala ang ating pangako kay Yahweh, at isang lugar para magpalala sa atin kung ano ang mangyayari sa atin kung hindi natin pananatiliin ang ating pangako sa Diyos."
\v 28 Pagkatapos pinaalis ni Josue ang mga tao, at pumunta sila sa mga lugar na itinalaga sa kanila.
\s5
\v 29 Pagkatapos mangyari ang mga bagay na ito, si Josue na anak ni Nun, ang lingkod ni Yahweh, ay namatay. Siya ay 110 taong gulang nang siya ay namatay.
\v 30 Inilibing nila ang kaniyang katawan sa kaniyang sariling pag-aari sa Timnat Sera. Ito ay nasa hilagang maburol na lugar ng Efraim, hilaga ng Bundok Gaas.
\s5
\v 31 Sinamba ng bayan ng Israel si Yahweh habang naglilingkod ang mga nakatatanda kasama ni Josue ay buhay; nakita nila ang lahat ng bagay na nagawa ni Yahweh para sa Israel.
\s5
\v 32 Ang mga buto ni Jose na dinala ng bayan ng Israel palabas ng Ehipto, ay inilibing sa Secem, sa pirasong lupain na binili ni Jacob noon sa halagang isang daang piraso ng pilak. Binili niya ito kay Hamor, ang ama ni Secem. Ang piraso ng lupaing iyon ay naging isang permanenteng pag-aari para sa mga kaapu-apuhan ni Jose.
\v 33 Si Eleazar na anak na lalaki ni Aaron, ay namatay rin. Inilibing nila ang kaniyang katawan sa Gibea, ang lungsod na nabibilang kay Finehas, kanIyang anak, sa maburol na lugar ni Efraim.