tl_udb/42-MRK.usfm

1840 lines
132 KiB
Plaintext

\id MRK
\ide UTF-8
\h Marcos
\toc1 Marcos
\toc2 Marcos
\toc3 mrk
\mt Marcos
\s5
\c 1
\p
\v 1-2 Ito ang magandang balita tungkol kay Jesu-Cristo, ang Anak ng Diyos. Binanggit ni propeta Isaias ang magandang balita na ito nang kaniyang isinulat: "Makinig ka! Una kong ipapadala ang aking mensahero sa iyo. Ihahanda niya ang mga tao upang tanggapin ka.
\p
\v 3 Tatawagin niya ang sinumang nakakarinig sa kaniya sa ilang, 'Ihanda ninyo ang inyong mga sarili para tanggapin ang Panginoon.'"
\s5
\p
\v 4 Si Juan ang mensaherong tinutukoy ni Isaias sa kaniyang isinulat. Tinatawag siya ng mga tao na "Ang Tagapagbautismo". Nasa ilang si Juan; nagbabautismo siya ng mga tao at sinasabi sa kanila, "Magsisi kayo sa inyong mga kasalanan at magpasyang huwag na ninyo itong gawin pa upang patawarin kayo ng Diyos."
\p
\v 5 Nagpunta sa ilang ang napakaraming tao mula sa lugar ng Judea at sa lungsod ng Jerusalem upang marinig si Juan magsalita. Marami sa mga nakarinig sa kaniya ang sumang-ayon na nagkasala sila. Pagkatapos, binautismuhan sila ni Juan sa Ilog ng Jordan.
\p
\v 6 Nagsusuot si Juan ng mga magagaspang na damit na gawa sa buhok ng kamelyo at sinturong balat sa kaniyang baywang. Kumakain siya ng mga tipaklong at mga pulot-pukyutan na matatagpuan sa ilang.
\s5
\q1
\v 7 Nangangaral siya, "Nalalapit na ang sandali na darating ang isang taong napakadakila. Ako ay wala kung ihahalintulad sa kaniya. Hindi man lamang ako karapat-dapat yumukod at kalasin ang pagkakatali ng kaniyang sandalyas.
\p
\v 8 Binabautismuhan ko kayo ng tubig, ngunit babautismuhan niya kayo ng Banal na Espiritu."
\s5
\p
\v 9 Sa mga sandaling nangangaral si Juan, dumating si Jesus galing sa Nazaret, isang bayan sa Galilea. Pumunta siya sa kung saan nangangaral si Juan, at binautismuhan siya ni Juan sa Ilog ng Jordan.
\p
\v 10 Pagkatapos umahon si Jesus mula sa tubig, agad niyang nakita na bumukas ang langit at ang Espiritu ng Diyos na bumababa sa kaniya. Dumating ang Espiritu ng Diyos na anyo ng isang kalapati.
\p
\v 11 Nagsalita ang Diyos mula sa langit at sinabi, "Ikaw ang aking Anak na aking pinakamamahal. Lubos akong nalulugod sa iyo."
\s5
\q1
\v 12 Pagkatapos, dinala ng Espiritu ng Diyos si Jesus sa ilang.
\q1
\v 13 Naroon siya nang apatnapung araw. Sa panahon na iyon, tinutukso siya ni Satanas. May mga mababangis na hayop sa lugar na iyon at inaalagaan siya ng mga anghel.
\s5
\p
\v 14 Pagkatapos na maikulong si Juan, pumunta si Jesus sa Galilea. Sa Galilea, nangangaral siya ng magandang balita ng Diyos.
\p
\v 15 Kaniyang sinasabi, "Sa wakas dumating na ang panahon. Hindi magtatagal maipapakita na ng Diyos na siya ang hari. Magsisi kayo sa inyong mga kasalanan at magpasiya na tigilan ito upang patawarin kayo ng Diyos. Maniwala kayo sa mabuting balita."
\s5
\p
\v 16 Isang araw, habang naglalakad si Jesus sa dalampasigan ng Dagat ng Galilea, nakita niya ang dalawang lalaki, si Simon at ang kaniyang kapatid na si Andres. Naghahagis sila ng kanilang mga lambat sa dagat. Kumikita sila ng pera sa pamamagitan ng panghuhuli at pagtitinda ng isda.
\p
\v 17 Nagsalita si Jesus sa kanila, "Katulad ng kung papaano kayo nagtitipon ng mga isda, sumama kayo sa akin at tuturuan ko kayo kung paano tipunin ang mga tao."
\p
\v 18 Agad nilang iniwan ang kanilang mga lambat at sumama sila sa kaniya.
\s5
\p
\v 19 Pagkaraan ng kanilang paglalakbay sa di-kalayuan, nakita ni Jesus ang dalawa, si Santiago at ang kaniyang kapatid na si Juan. Sila ang mga anak ng isang lalaki na nagngangalang Zebedeo. Kapwa silang nasa bangka at nagkukumpuni ng kanilang mga lambat.
\p
\v 20 Pagkakita pa lamang ni Jesus sa kanila, sinabihan niya silang sumama sa kaniya. Kaya iniwan nila ang kanilang ama, na nanatili sa bangka kasama ang mga utusan at umalis sila kasama ni Jesus.
\s5
\p
\v 21 Nagpunta si Jesus kasama ang kaniyang mga alagad sa karatig-bayan na tintawag na Capernaum. Sa pagdating ng Araw ng Pamamahinga, nagpunta siya sa sinagoga at sinimulang turuan ang mga taong nagtipun-tipon doon.
\p
\v 22 Namangha sila sa kaniyang pagtuturo. Nagturo siya na tulad ng isang guro na umaasa sa sariling angking kaalaman. Hindi siya nagturo katulad ng mga nagtuturo ng batas ng mga Judio, na inuulit lamang ang mga iba't-ibang bagay na naituro ng ibang mga tao.
\s5
\q
\v 23 Sa sinagoga kung saan nagtuturo si Jesus, may isang lalaki na sinapian ng masamang espiritu. Nagsimulang sumigaw ang lalaking may masamang espiritu,
\p
\v 24 'Hoy, Jesus na taga-Nazaret! Kaming mga masasamang espiritu ay walang pakialam sa iyo. Dumating ka ba para puksain kami? Alam ko kung sino ka. Ikaw ang Banal mula sa Diyos!"
\q
\v 25 Sinaway ni Jesus ang masamang espiritu at sinabi, "Manahimik ka at lumabas ka mula sa kaniya."
\p
\v 26 Pinangisay ng lubusan ng masamang espiritu ang lalaki. Sumigaw siya ng malakas at lumabas mula sa lalaki.
\s5
\p
\v 27 Namangha ang lahat ng mga taong naroroon. Kaya naman, pinag-usapan ito ng bawat isa, nagsasabing, "Kamangha-mangha ito! Hindi lamang siya nagtuturo ng makabago at makapangyarihang pamamaraan, inuutusan din niya ang mga masasamang espiritu at sumusunod ang mga ito sa kaniya!"
\p
\v 28 Agad ipinamalita ng mga tao sa buong lugar ng Galilea kung ano ang ginawa ni Jesus.
\s5
\p
\v 29 Matapos silang umalis sa sinagoga, agad nagpunta si Jesus, sina Simon at Andres, kasama sina Santiago at Juan sa bahay nina Simon at Andres.
\p
\v 30 Nakahiga sa kama ang biyenan na babae ni Simon dahil mataas ang kaniyang lagnat. Agad na may nagsabi kay Jesus tungkol sa kaniyang karamdaman.
\p
\v 31 Lumapit si Jesus sa kaniya, kinuha niya ang kaniyang kamay at tinulungang bumangon. Agad siyang gumaling sa kaniyang lagnat at nagsimulang maglingkod sa kanila.
\s5
\p
\v 32 Sa kinagabihang iyon, pagkatapos lumubog ang araw, dinala ng ilang mga tao kay Jesus ang marami pang tao na may mga sakit at ang mga sinasaniban ng masasamang espiritu.
\p
\v 33 Halos nagkatipun-tipon ang lahat ng mga taong naninirahan sa buong bayan sa pintuan ng bahay ni Simon.
\p
\v 34 Pinagaling ni Jesus ang maraming taong may iba't-ibang uri ng karamdaman. Pinalayas din niya ang mga masasamang espiritu mula sa mga tao. Hindi niya pinayagang magsalita ang mga demonyo sa mga tao tungkol sa kaniya, dahil alam nila na siya ang Banal mula sa Diyos.
\s5
\p
\v 35 Kinabukasan, napakaagang bumangon si Jesus, habang madilim pa. Lumabas siya ng bahay at umalis papalayo sa bayan papunta sa lugar kung saan walang tao. At doon nanalangin.
\p
\v 36 Hinanap siya ni Simon at ng iba pa nilang kasamahan.
\p
\v 37 Nang siya ay kanilang natagpuan, sinabi nila, "Hinahanap ka ng lahat ng tao sa bayan."
\s5
\p
\v 38 Sinabi ni Jesus sa kanila, "Kailangan nating puntahan ang mga karatig-bayan para makapangaral din ako doon. Ito ang dahilan kung bakit ako naparito."
\p
\v 39 Kaya nilibot nila ang buong Galilea. At sa kanilang paglalakbay, nangaral si Jesus sa mga sinagoga at nagpalayas ng mga masasamang espiritu na nasa mga tao.
\s5
\p
\v 40 Isang araw lumapit kay Jesus ang isang lalaking may malubhang sakit sa balat na kung tawagin ay ketong. Lumuhod siya sa harap ni Jesus at nagmamakaawang nagsasabi, "Pakiusap, pagalingin mo ako, dahil may kakayahan kang pagalingin ako kung nais mo!"
\p
\v 41 Nahabag si Jesus sa kaniya. Inabot niya ang kaniyang kamay at hinawakan ang lalaki. Pagkatapos sinabi niya sa kaniya, "Dahil nais kitang pagalingin, gumaling ka!"
\p
\v 42 Agad gumaling ang lalaki. Hindi na siya naging ketongin!
\s5
\p
\v 43 Mahigpit na pinagsabihan ni Jesus ang lalaki bago niya ito pinaalis.
\p
\v 44 Ito ang sinabi ni Jesus sa kaniya, "Huwag mong ipagsabi kaninuman kung ano ang nangyari. Sa halip, pumunta ka at humarap sa pari upang suriin ka niya. Pagkatapos, mag-alay ka ng handog ayon sa kautusan na binigay ni Moises sa mga taong gumagaling mula sa ketong. Ito ang magiging patotoo sa mga tao na magaling ka na."
\s5
\p
\v 45 Hindi sinunod ng lalaki ang tagubilin ni Jesus. Sinimulan niyang ipamalita sa lahat ng mga tao kung paano siya pinagaling. Dahil dito hindi na makapasok si Jesus sa mga bayan dahil pinalillibutan na siya ng maraming tao. Sa halip nanatili siya sa labas ng mga bayan, sa mga lugar na walang naninirahan. Ngunit patuloy pa rin siyang pinupuntahan ng mga tao mula sa iba't ibang dako ng rehiyong iyon.
\s5
\c 2
\p
\v 1 Pagkalipas ng ilang araw, bumalik si Jesus sa Capernaum. Agad ikinalat ng mga tao sa iba ang balita na nakabalik na si Jesus sa kaniyang bahay.
\p
\v 2 Hindi nagtagal, nagtipun-tipon ang napakamaraming tao kung saan namamalagi si Jesus. Napakarami ng bilang ng mga tao kaya napuno ang bahay. Wala ng lugar upang tumayo, maging sa labas ng pintuan. Sinabi ni Jesus ang mensahe ng Diyos sa kanila.
\s5
\q
\v 3 Dumating sa bahay ang ilang tao na dinadala kay Jesus ang isang lalaking paralisado. Dala-dala ng apat na lalaki ang lalaking paralisado na nasa higaan niya.
\p
\v 4 Hindi nila madala ang lalaki kay Jesus dahil sa napakaraming tao na nagtipun-tipon doon. Kaya, umakyat sila sa bubong ng bahay at gumawa ng malaking butas sa bubong sa tapat ng kinaroroonan ni Jesus. Ibinaba nila sa butas sa harapan ni Jesus ang lalaking paralisado na nasa higaan niya.
\s5
\p
\v 5 Nang naramdaman ni Jesus na naniniwala ang mga lalaki na mapapagaling niya ito, sinabi niya sa lalaking paralisado, "Aking anak, pinatawad ko na ang iyong mga kasalanan!"
\p
\v 6 May ilang lalaking tagapagturo ng mga batas ng Judio ang nakaupo roon. At sinabi nila sa kanilang mga sarili,
\q
\v 7 "Sino siya sa inaakala niya? Mayabang siya at iniinsulto ang Diyos sa pagsasabi ng mga iyon! Ang Diyos lamang ang maaaring magpatawad sa mga kasalanan!"
\s5
\p
\v 8 Alam agad ni Jesus ang kanilang mga iniisip. Sinabi niya sa kanila, "Bakit ninyo iniisip ang mga bagay na ito?
\q
\v 9 Alin ang mas madali para sa akin na sabihin, 'Pinatawad ko na ang iyong mga kasalanan' o 'Tumayo ka! Kunin ang iyong higaan at lumakad ka'?
\s5
\p
\v 10 "Ipapakita ko sa inyo na ang Anak ng Tao ay may kapangyarihan sa mundo upang magpatawad ng mga kasalanan." Pagkatapos, sinabi niya sa lalaking paralisado,
\p
\v 11 "Tumayo ka! Kunin mo ang iyong higaan at umuwi sa iyong tahanan,"
\p
\v 12 Kaagad na tumayo ang lalaki! Kinuha niya ang kaniyang higaan at umalis, habang pinapanood siya ng lahat ng mga taong naroroon. Namangha silang lahat, pinuri nila ang Diyos at sinabi, "Hindi pa kami kailanman nakakita ng anumang gaya ng nangyari ngayon!"
\s5
\p
\v 13 Umalis si Jesus sa Capernaum at naglakad sa dalampasigan ng Dagat ng Galilea. Napakaraming tao ang sumama sa kaniya at tinuruan niya sila.
\p
\v 14 Sa kaniyang paglalakad, nakita niya ang isang lalaki na nagngangalang Levi na ang pangalan ng ama ay Alfeus. Nakaupo siya sa kaniyang tanggapan kung saan siya naniningil ng mga buwis. Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Sumama ka sa akin." Tumayo siya at sumama kay Jesus.
\s5
\p
\v 15 Pagkatapos noon, kumain si Jesus sa bahay ni Levi. Maraming mga makasalanan at mga lalaking tagasingil ng buwis ang kumakain kasama ni Jesus at ng kaniyang mga alagad.
\p
\v 16 Nakita ng mga lalaking tagapagturo ng mga kautusan ng Judio na kabilang sa sekta ng mga Pariseo na kumakain si Jesus kasama ang mga makasalanan at mga lalaking tagasingil ng buwis. Tinanong nila ang mga alagad ni Jesus, "Bakit siya kumakain at umiinom kasama ang mga makasalanan at mga lalaking tagasingil ng buwis?"
\s5
\p
\v 17 Nang marinig ni Jesus ang tinatanong nila, sinabi niya sa mga lalaking tagapagturo ng mga batas ng Judio, "Hindi nangangailangan ng manggagamot ang mga malulusog na tao. Sa katunayan, ang mga may sakit lamang ang nangangailangan ng manggagamot. Hindi ako pumarito upang anyayahan ang mga nag-iisip na sila ay matuwid, ngunit papuntahin sa akin ang mga taong nakakaalam na sila ay nagkasala.
\s5
\p
\v 18 Ngayon sa panahong ito, umiiwas sa pagkain ang mga alagad ni Juan na Tagapagbautismo at ilan sa mga lalaki na kabilang sa sekta ng mga Pariseo, gaya ng madalas nilang gawin. Lumapit kay Jesus ang ilang mga lalaki at tinanong siya, "Madalas umiwas sa pagkain ang mga alagad ni Juan at ang mga Pariseo. Bakit hindi umiiwas sa pagkain ang iyong mga alagad?"
\p
\v 19 Sinabi ni Jesus sa kanila, "Kapag magpapakasal ang isang lalaki sa isang babae, tiyak na hindi iiwas sa pagkain ang kaniyang mga kaibigan habang kasama nila siya. Panahon ng pagsasalo-salo at pagdiriwang ang kasal kasama ang lalaking ikinasal. Hindi ito ang panahon upang umiwas sa pagkain, lalo na at kasama pa nila ang lalaking ikinasal.
\s5
\q
\v 20 Ngunit balang araw, ilalayo sa kanila ang lalaking ikinasal. At sa mga panahong iyon, iiwas na sila sa pagkain."
\p
\v 21 Nagpatuloy si Jesus na nagsabi sa kanila, "Hindi itinatagpi ng mga tao ang isang hindi pa umurong na tela sa isang lumang damit upang tapalan ang isang butas. Kung gagawin nila ito, kapag nilabhan nila ang damit, uurong ang tagpi at lalong pupunitin ng telang hindi pa umurong ang lumang tela. Ang kinahinatnan nito, magiging mas malaki ang butas!
\s5
\p
\v 22 Ganoon din, hindi naglalagay ng bagong alak ang mga tao sa lumang sisidlang-balat upang itabi ito. Kung gagawin nila ito, papuputukin ng bagong alak ang mga sisidlang-balat dahil hindi na ito maunat pa kapag umasim at umalsa ang alak. Ang kinahainatnan nito, parehong masisira ang alak at mga sisidlang-balat! Sa halip, dapat bagong alak ang ilagay ng mga tao sa mga bagong sisidlang-balat!"
\s5
\p
\v 23 Sa isang Araw ng Pamamahinga, naglalakad si Jesus sa triguhan kasama ang kaniyang mga alagad. Habang naglalakad sila sa triguhan, namimitas ng mga butil ng trigo ang mga alagad.
\p
\v 24 Nakita ng ilan sa mga Pariseo ang kanilang ginagawa at sinabi kay Jesus, "Tingnan ninyo! Sinusuway nila ang batas ng mga Judio tungkol sa Araw ng Pamamahinga. Bakit nila ginagawa iyon?"
\s5
\p
\v 25 Sinabi ni Jesus sa kanila, "Hindi ba ninyo kailanman nabasa ang tungkol kay Haring David at ang mga lalaking kasama niya noong sila ay nagutom?
\p
\v 26 Sa panahon noong si Abiatar ang pinakapunong pari, pumasok si David sa tahanan ng Diyos at humingi ng ilang tinapay. Binigyan siya ng pinakapunong pari ng ilang tinapay n inilaan para sa Diyos. Ayon sa ating mga batas, ang mga pari lamang ang maaaring kumain ng tinapay na iyon! Ngunit kinain ni David ang ilan sa mga ito. Pagkatapos, binigyan pa niya ng ilang tinapay ang mga taong kasama niya."
\s5
\p
\v 27 Sinabi pa ni Jesus sa kanila, "Ginawa ang Araw ng Pamamahinga para sa pangangailangan ng mga tao. Hindi nilikha ang mga tao upang matugunan ang mga pangangailangan ng Araw ng Pamamahinga.
\p
\v 28 Kaya, upang maging malinaw, ang Anak ng Tao ay Panginoon, maging sa Araw ng Pamamahinga!"
\s5
\c 3
\p
\v 1 Sa ibang Araw ng Pamamahinga, pumasok muli si Jesus sa loob ng sinagoga. Mayroon doong isang lalaking may kapansanan ang kamay.
\p
\v 2 Pinanuod ng mabuti ng ilan sa mga kalalakihan ng sekta ng Pariseo si Jesus upang tingnan kung pagagalingin niya ang lalaki sa Araw ng Pamamahinga; gusto nilang maakusahan siya sa paggawa ng isang bagay na mali.
\s5
\p
\v 3 Sinabi ni Jesus sa lalaking may kapansanan ang kamay, "Tumayo ka rito sa harapan ng lahat!" Kaya tumayo ang lalaki.
\p
\v 4 At sinabi ni Jesus sa mga tao, "Pinahihintulutan ba ng mga kautusan na ibinigay ng Diyos kay Moises ang mga tao na gumawa ng mabuti sa Araw ng Pamamahinga o ang gumawa ng masama? Pinapayagan ba tayo ng batas na sumagip ng buhay ng tao sa Araw ng Pamamahinga, o pinapayagan ba tayong tumangging tulungan ang isang tao at hayaan siyang mamatay?" Ngunit hindi sila sumagot.
\s5
\p
\v 5 Tumingin siya sa kanilang lahat nang may galit. Lubos siyang nadismaya dahil napakatigas ng kanilang kalooban at ayaw nilang tulungan ang lalaki. Kaya sinabi ni Jesus sa lalaki, "Iunat mo ang iyong kamay!" Nang iunat ng lalaki ang kaniyang kamay na may kapansanan, gumaling itong muli!
\p
\v 6 Umalis ang mga Pariseo sa sinagoga. Kaagad silang nakipagkita sa ilang mga Judio na sumuporta kay Herodes Antipas, na namumuno sa distrito ng Galilea. Nagsama-sama silang nagplano kung paano nila mapapatay si Jesus.
\s5
\p
\v 7 Umalis si Jesus at ang kaniyang mga alagad sa bayang iyon at pumunta sa mas malayong lugar sa may dakong Dagat ng Galilea. Napakaraming bilang ng tao ang sumunod sa kaniya. Nagmula ang mga taong sumunod sa kaniya sa Galilea at Judea,
\p
\v 8 sa Jerusalem, mula sa mga bayan sa distrito ng Judea, mula sa distrito ng Idumea, mula sa rehiyon sa silangang bahagi ng Ilog Jordan, at mula sa rehiyong nakapalibot sa lungsod ng Tiro at Sidon. Pumunta silang lahat sa kaniya dahil narinig nila ang tungkol sa mga ginagawa niya.
\s5
\p
\v 9-10 Dahil marami na siyang mga taong napagaling, maraming pang ibang mga tao na may iba't ibang karamdaman ang nagtulakan upang mahipo siya. Naniniwala sila na kung mahihipo man lang nila si Jesus, ay mapapagaling sila nito. Kaya sinabi niya sa kaniyang mga alagad na maghanda ng isang bangka para sa kaniya upang hindi siya maipit ng mga taong nagtutulakan upang hipuin siya.
\s5
\p
\v 11 Sa tuwing makikita ng masasamang espiritu si Jesus, pinapadapa nila ang mga taong sinaniban nila sa harapan ni Jesus at sumisigaw sila sa kaniya, "Ikaw ang Anak ng Diyos!"
\p
\v 12 Mahigpit na inutusan ni Jesus ang mga masasamang espiritu na huwag nilang ipagsabi sa kahit na sino kung sino siya.
\s5
\p
\v 13 Umakyat si Jesus sa burol. Habang umaakyat siya, tinawag niya ang mga gusto niyang isama at sumama sila sa kaniya.
\p
\v 14 Nagtalaga siya ng labindalawang kalalakihan upang makasama niya at isugo niya upang mangaral. Tinawag niya silang mga apostol.
\q
\v 15 Binigyan niya rin sila ng kapangyarihan upang maaari silang makapagpalayas ng masasamang espiritu mula sa mga tao.
\p
\v 16 Ito ang labindalawang kalalakihang itinalaga niya: Si Simon, na binigyan niya ng bagong pangalan na Pedro;
\s5
\p
\v 17 si Santiago na anak ni Zebedeo, at si Juan na kapatid ni Santiago, na pareho niyang binigyan ng bagong pangalan, 'Mga Lalaking Tulad ng Kulog' dahil sa kanilang maalab na pagkamasigasig;
\q
\v 18 si Andres na kapatid ni Pedro; si Felipe; si Bartolomeo; si Mateo; si Tomas; isa pang Santiago na anak ni Alphaeo; si Tadeo; si Simon na Makabayan;
\q
\v 19 at si Judas Iskaryote na sa huli ay nagkanulo sa kaniya.
\s5
\p
\v 20 Pumunta sa isang bahay si Jesus at ang kaniyang mga alagad. Nagtipon-tipon muli ang maraming tao kung saan siya namamalagi. Maraming tao ang nagsiksikan sa paligid niya. Wala man lang oras na kumain sila Jesus at ang kaniyang mga alagad.
\p
\v 21 Nang mabalitaan ng kaniyang pamilya ang tungkol dito, pumunta sila upang iuwi si Jesus dahil sinasabi ng ilan na wala siya sa tamang kaisipan.
\p
\v 22 Bumaba mula sa Jerusalem ang ilan sa mga kalalakihang nagturo ng batas ng mga Judio. Nabalitaan nila na nagpapalayas si Jesus ng mga masasamang espiritu mula sa mga tao. Kaya sinasabi nila sa mga tao, "Si Belzebul na siyang namumuno sa mga masasamang espiritu ang namamahala kay Jesus. Siya ang nagbibigay kay Jesus ng kapangyarihan upang magpalayas ng masasamang espiritu sa mga tao!"
\s5
\p
\v 23 Kaya tinawag ni Jesus ang mga kalalakihang iyon para pumunta sa kaniya. Kinausap sila ni Jesus sa pamamagitan ng isang talinghaga at sinabi, "Paano maitataboy ni Satanas si Satanas?
\p
\v 24 Kung ang mga taong naninirahan sa iisang bansa ay naglalaban-laban, ang kanilang bansa ay titigil sa pagiging bansang nagkakaisa.
\q
\v 25 At kung nagaaway-away ang isang pamilyang naninirahan sa isang bahay, tiyak na hindi sila mananatiling isang pamilya na nagkakaisa.
\s5
\p
\v 26 Gayun din naman, kung si Satanas at ang kaniyang mga masasamang espiritu ay naglalaban-laban, sa halip na manatiling matatag, magiging wala siyang kapangyarihan.
\p
\v 27 Walang makakapasok sa loob ng bahay ng isang malakas na tao at kukunin ang kaniyang mga ari-arian mula sa kaniya, maliban kung igagapos niya muna ang malakas na taong iyon. Saka niya lamang mananakaw ang mga kagamitan sa bahay ng lalaki pagkatapos noon.
\s5
\p
\v 28 Sinabi rin ni Jesus, "Isipin ninyo itong mabuti! Maaaring magkasala ang mga tao sa maraming paraan at maaari silang magsalita ng masama laban sa Diyos. Maaari pa rin silang patawarin ng Diyos,
\q
\v 29 ngunit kung sinuman ang magsasalita ng masasamang salita tungkol sa Banal na Espiritu, hindi kailanman sila patatawarin ng Diyos. Ang taong iyon ay nagkasala ng walang hanggang pagkakasala.
\q
\v 30 Sinabi sa kanila ito ni Jesus dahil sinasabi nila na, "Sinaniban siya ng masamang espiritu!"
\s5
\p
\v 31 Dumating ang ina at mga nakababatang kapatid ni Jesus. Habang sila ay nakatayo sa labas, inutusan nila ang isang tao na pumasok sa loob upang tawagin si Jesus na lumabas.
\q
\v 32 Napakaraming tao ang nakaupo sa palibot ni Jesus. Sinabi ng isa sa kaniya, "Nasa labas ang iyong ina at ang iyong mga nakababatang kapatid. Nais ka nilang makita."
\s5
\p
\v 33 Tinanong sila ni Jesus, "Sino ang aking ina? Sino ang aking mga kapatid?"
\q
\v 34 Matapos siyang tumingin sa paligid at sa mga taong nakapalibot sa kaniya, sinabi niya, "Tumingin kayo! Kayo ang aking ina at mga kapatid.
\q
\v 35 Silang mga gumagawa ng mga kagustuhan ng Diyos ay ang aking mga kapatid o ang aking ina!"
\s5
\c 4
\p
\v 1 Sa ibang pagkakataon, nagsimulang turuan ni Jesus ang mga tao sa tabi ng Dagat ng Galilea. Habang nagtuturo siya, nagtipun-tipon ang napakaraming tao sa paligid niya. Sumakay siya sa bangka at itinulak ito patungo sa tubig. Pagkatapos umupo siya sa bangka upang mas mainam siyang makapagturo sa mga tao. Sa oras na iyon nasa dalampasigan naman ang mga tao, malapit sa tubig.
\p
\v 2 At tinuruan niya sila ng maraming talinghaga. Habang tinuturuan niya sila, sinabi niya ito sa kanila,
\s5
\p
\v 3 "Pakinggan ninyo ito, pumunta ang isang lalaki sa kaniyang bukirin upang maghasik ng ilang mga binhi.
\p
\v 4 Habang inihahasik niya ang mga ito sa lupa, nahulog sa daan ang ilang mga binhi. At dumating ang mga ibon at kinain ang mga binhi.
\p
\v 5 Nahulog ang ilang mga binhi sa lugar kung saan mabato ang lupa. Agad tumubo ang mga binhi na hindi malalim dahil mabilis na pinainitan ng araw ang mamasa-masang lupa.
\s5
\p
\v 6 Ngunit nang maarawan ang mga bagong sibol na halaman, nalanta ang mga ito. At natuyo sila dahil hindi malalim ang kanilang mga ugat.
\p
\v 7 Habang naghahasik siya, nahulog ang ibang mga binhi sa lupang may matitinik na halaman. Lumaki ang mga binhi, ngunit lumaki rin ang mga matitinik na halaman at siniksik ang mga mabubuting halaman. Kaya hindi nakapamunga ang mga halaman.
\s5
\p
\v 8 Ngunit habang naghahasik siya, nahulog ang ibang mga binhi sa matabang lupa. Dahil dito, tumubo sila, lumago, at pagkatapos nakapamunga ang mga ito ng marami. Nakapamunga ang ilang mga halaman ng tatlumpung beses ng higit pa sa binhi na itinanim ng lalaki. Nakapamunga ang ilan ng tig-aanimnapu. Nakapamunga naman ang ilan ng tig-iisang daan.
\p
\v 9 Pagkatapos sinabi ni Jesus, "Kung nais ninyo itong maunawaan, dapat ninyong pag-isipang mabuti ang aking sinabi."
\s5
\p
\v 10 Mamaya-maya, nang ang labindalawang alagad na lamang at ang ibang mga malapit na tagasunod ang kasama ni Jesus, tinanong siya nila tungkol sa mga talinghaga.
\p
\v 11 Sinabi niya sa kanila, "Sa inyo ko ipapaliwanag ang mensahe tungkol sa kung paano ipinapahayag ng Diyos ang kaniyang sarili bilang hari, ngunit sa iba sasabihin ko ito sa pamamagitan ng mga talinghaga.
\p
\v 12 Kapag nakita nila ang aking mga ginagawa, hindi sila matututo. Kapag narinig nila ang aking sinasabi, hindi nila mauunawaan. Kapag nalaman o naunawaan nila, magsisisi sana sila na sila ay nagkasala at magpapasyang tumigil sa pagkakasala, at patatawarin sila ng Diyos."
\s5
\p
\v 13 Sinabi rin niya sa kanila, "Hindi ba ninyo nauunawaan ang talinghagang ito? Paano pa kaya ninyo mauunawaan kapag tinuruan ko kayo ng iba pang mga talinghaga?
\p
\v 14 Sa talinghagang sinabi ko sa inyo, ang taong naghahasik ng mga binhi ay kumakatawan sa isang taong nagtuturo ng mensahe ng Diyos sa iba.
\p
\v 15 Ang ibang mga tao ay katulad ng daan kung saan nahulog ang ilang mga binhi. Nang narinig nila ang mensahe ng Diyos, agad dumarating si Satanas at naging sanhi upang makalimutan nila ang kanilang narinig.
\s5
\p
\v 16 Maihahalintulad ang ibang mga tao sa mabatong lupa. Kapag narinig nila ang salita ng Diyos, agad nila itong tinatanggap nang may kagalakan.
\p
\v 17 Ngunit, dahil hindi nanatili sa kanilang puso ang salita ng Diyos, sandali lamang nila itong pinaniniwalaan. Katulad sila ng mga halamang hindi lumalim ang ugat. Kapag hindi maganda ang pakikitungo sa kanila o pinahihirapan sila dahil naniniwala sila sa salita ng Diyos, hindi magtatagal ang mga taong iyon na nagdurusa ay titigil sa paniniwala nila sa salita ng Diyos.
\s5
\p
\v 18 Maihahalintulad ang ibang mga tao sa lupa na mayroong mga matitinik na halaman. Narinig ng mga taong iyon ang salita ng Diyos,
\p
\v 19 ngunit nagnanais silang maging mayaman at nagnanais silang magkaroon ng maraming bagay. Kaya nag-alala lamang sila kung ano ang mga bagay na mayroon sila at kinakalimutan nila ang salita ng Diyos at hindi nila ginagawa ang mga bagay na nais ng Diyos na gawin nila.
\p
\v 20 Ngunit maihahalintulad ang ibang mga tao sa matabang lupa. Naririnig nila ang salita ng Diyos, tinatanggap nila ito, pinaniniwalaan at ginagawa nila ang mga bagay na nais ng Diyos na gawin nila. Katulad sila ng mga mabubuting halaman na nakapamunga ng tatlumpu, animnapu at isangdaan."
\s5
\p
\v 21 Sinabi niya sa kanila ang isa pang talinghaga, "Siguradong hindi sisindihan ng isang tao ang ilawan at pagkatapos ay dadalhin ito sa bahay upang takpan ng isang bagay ang liwanag nito. Sa halip inilalagay nila ito sa lalagyan ng ilawan upang lumiwanag ang ilaw.
\p
\v 22 Gayun di naman, balang araw ang mga bagay na nakatago ay malalaman ng lahat at balang araw ang mga bagay na nangyari nang lihim ay makikita ng lahat sa ganap na liwanag.
\p
\v 23 Kung nais ninyong maunawaan ito, dapat ninyong pag-isipan ng mabuti ang inyong mga narinig."
\s5
\q
\v 24 Pagkatapos sinabi niya sa kanila, "Pag-isipan ninyong mabuti ang inyong narinig na sinabi ko sa inyo, sapagkat ipauunawa ito sa inyo ng Diyos sa parehong paraan na pinag-isipan ninyo ang mga sinabi ko sa inyo. Ipauunawa niya rin sa inyo ang higit pa riyan.
\p
\v 25 Sa mga taong pinag-iisipan ang aking mga sinasabi at inuunawa ito, ipapauunawa ng Diyos sa kanila ng higit pa. Ngunit ang mga taong hindi pinag-iisipang mabuti ang aking sinasabi, makakalimutan nila maging ang mga bagay na kanila nang nalalaman."
\s5
\p
\v 26 Sinabi rin ni Jesus, "Kapag nagsimulang ipakita ng Diyos ang kaniyang sarili bilang isang hari, maihahalintulad ito sa isang taong naghasik ng mga binhi sa lupa.
\p
\v 27 Natutulog siya tuwing sasapit ang gabi at babangon siya kinaumagahan na hindi nag-aalala tungkol sa mga binhi. Sa mga panahong iyon, sumisibol ang mga binhi at lumalaki sa paraang hindi niya nauunawaan.
\p
\v 28 Nakakapagbigay ng ani ang lupa sa sarili nito. Unang lumalabas ang mga sibol, sunod ang mga tangkay. Pagkatapos lalabas ang mga hinog na butil sa mga tangkay.
\p
\v 29 Sa oras na mahinog na ang mga butil, nagpapadala siya ng mga tao upang anihin ito dahil panahon na upang anihin ang mga butil."
\s5
\p
\v 30 Sinabi ni Jesus sa kanila ang isa pang talinghaga. Sinabi niya, "Kapag nagsimulang ipakita ng Diyos ang kaniyang sarili bilang isang hari, saan ito maihahalintulad? Anong talinghaga ang maaari kong gamitin upang ilarawan ito?
\p
\v 31 Katulad ito ng mga buto ng mustasa. Alam ninyo ang nangyayari sa mga buto ng mustasa kapag itinanim natin ang mga ito. Bagaman isa sa mga pinakamaliit na buto ang mustasa sa lahat ng mga buto, nagiging malalaking halaman ang mga ito.
\p
\v 32 Matapos silang maitanim, tumutubo at lumalaki ang mga ito at nagiging mas malaki pa sa ibang mga halaman sa bukirin. Nagkakaroon sila ng malalaking mga sanga upang makapamugad ang mga ibon sa lilim ng mga ito."
\s5
\p
\v 33 Gumagamit si Jesus ng mga talinghaga kapag ipinapahayag niya sa mga tao ang tungkol sa salita ng Diyos. Kung kaya nilang maunawaan ang iba, patuloy siyang nagpapahayag sa kanila ng marami pa.
\p
\v 34 Palagi siyang gumagamit ng mga talinghaga kapag nagsasalita siya sa kanila. Ngunit ipinapaliwanag niya ang lahat ng mga talinghaga sa kaniyang mga alagad kapag sila-sila na lamang.
\s5
\q
\v 35 Sa araw ding iyon nang palubog na ang araw, sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, "Tumawid tayo sa kabilang ibayo ng dagat."
\p
\v 36 Nasa bangka na si Jesus kaya iniwan nila ang maraming tao at naglayag sa dagat. Sumama rin sa kanila ang ibang mga tao sakay ng iba pang mga bangka.
\v 37 Nagkaroon ng malakas na hangin at nagsimulang hampasin ng mga alon ang bangka! Hindi nagtagal malapit nang mapuno ng tubig ang bangka!
\s5
\p
\v 38 Nasa likurang bahagi ng bangka si Jesus. Natutulog siya na nakahilig ang ulo sa unan. Kaya ginising nila si Jesus at sinabi sa kaniya, "Guro! Hindi ka ba nababahala na malapit na tayong mamatay?"
\p
\v 39 Kaya bumangon si Jesus at sinaway ang hangin. Pagkatapos sinabi niya sa dagat, "Tumahimik ka! Tigil!" Tumigil sa pag-ihip ang hangin at naging labis na mapayapa ang dagat.
\s5
\v 40 Sinabi niya sa mga alagad, "Bakit kayo natatakot? Wala pa rin ba kayong pananampalataya?"
\p
\v 41 Labis silang natakot. Sinabi nila sa isa't isa, "Sino kaya talaga ang taong ito? Maging ang hangin at ang mga alon ay sumusunod sa kaniya!"
\s5
\c 5
\p
\v 1 Dumating sina Jesus at ang kaniyang mga alagad sa ibayong Dagat ng Galilea. Nakatira malapit doon sa lugar kung saan sila dumaong ang mga taong tinatawag na Geraseno.
\p
\v 2 Nang pagbaba ni Jesus mula sa bangka may lalaking lumabas mula sa mga puntod doon sa libingan. Sinasapian ng mga masasamang espiritu ang lalaki.
\s5
\q
\v 3 Lumabas ang lalaki mula sa libingan dahil nakatira siya sa mga puntod. Kilala siya ng mga tao at maraming pagkakataon na sinusubukan nila siyang pigilin. Kahit gamitan nila ito ng kadena hindi nila siya kayang pigilin.
\q
\v 4 Kapag gumagamit sila ng mga kadena at mga tanikala, binabali lamang ng lalaki ang mga ito. Walang sinuman ang may sapat na lakas para lupigin siya.
\s5
\p
\v 5 Araw at gabi namamalagi ang lalaking ito sa loob ng libingan. Sumisigaw siya ng malakas at sinusugatan ang sarili gamit ang matatalas na bato.
\p
\v 6 Malayo pa lamang nakita na niya si Jesus na bumababa mula sa bangka, tumakbo siya palapit kay Jesus at lumuhod sa kaniyang harapan.
\s5
\p
\v 7-8 Sinasabihan ni Jesus ang masamang espiritu, "Ikaw na masamang espiritu, lumabas ka mula sa lalaking ito!" Ngunit hindi kaagad umalis ang demonyo. Malakas niyang isinigaw, "Jesus, alam ko na ikaw ang Anak ng Diyos kaya wala tayong pagkakatulad. Hayaan mo ako. Nakikiusap ako sa iyo, sa ngalan ng Diyos. Huwag mo akong pahirapan."
\s5
\p
\v 9 Tinanong siya ni Jesus, "Anong pangalan mo?" Sumagot siya, "Pulutong ang pangalan ko sapagkat marami kaming mga masasamang espiritu na nasa lalaking ito."
\p
\v 10 At patuloy na nakikiusap ng taimtim ang mga masasamang espiritu kay Jesus na huwag silang palayasin sa lugar na iyon.
\s5
\p
\v 11 Sa mga oras na iyon, may isang malaking kawan ng mga baboy sa di-kalayuan ang kumakain sa damuhan sa gilid ng burol.
\p
\v 12 Kaya nakiusap ang mga masasamang espiritu, "Hayaan mo kaming pumunta sa mga baboy upang pumasok sa kanila."
\p
\v 13 Pinayagan sila ni Jesus na gawin iyon. Kaya iniwan ng mga masasamang espiritu ang lalaki at pumasok sa mga baboy. Nagtakbuhan ang buong kawan na may halos dalawang libo, pababa ng bangin kung saan sila nalunod.
\s5
\p
\v 14 Tumakbo ang mga taong nagbabantay ng mga baboy at ipinamalita sa mga tao sa bayan at kabukiran kung ano ang nangyari. Pumunta ang maraming tao upang alamin nila kung ano ang nangyari.
\p
\v 15 Nagpunta sila sa lugar kung nasaan si Jesus. At natagpuan nila ang lalaking dating sinsaniban ng mga masasamang espiritu. Nakaupo siya doon, nakadamit at nasa matinong pag-iisip. Natakot sila nang makita nila ang lahat ng ito.
\s5
\p
\v 16 Isinalaysay ng mga nakakita sa mga pangyayari kung ano ang nangyari sa lalaking dating sinasaniban ng mga masasamang espiritu. Isinalaysay din nila kung ano ang nangyari sa mga baboy.
\p
\v 17 Pagkatapos nito, nakiusap ang mga tao kay Jesus na lisanin ang kanilang lugar.
\s5
\p
\v 18 Nang sumasakay si Jesus sa bangka upang umalis, nakiusap ang lalaking dating sinasaniban ng demonyo, "Pakiusap, hayaan mo akong sumama sa iyo!"
\p
\v 19 Ngunit hindi siya pinayagan ni Jesus na sumama sa kaniya. Sa halip, sinabi niya sa kaniya, "Umuwi ka sa iyong pamilya, at ipamalita sa kanila kung gaano kadakila ang ginawa ng Diyos sa iyo, at ipamalita mo kung gaano kabuti ang Diyos sa iyo."
\p
\v 20 Kaya umalis ang lalaki at naglakbay sa palibot ng mga Sampung Bayan sa lugar na iyon. Ipinamalita niya sa mga tao kung gaano kadakila ang mga bagay na ginawa sa kaniya ni Jesus. Namangha ang lahat ng mga taong nakarinig ng kaniyang salaysay.
\s5
\p
\v 21 Sumakay si Jesus at ang kaniyang mga alagad sa bangka pabalik sa ibayong dagat ng Galilea kung saan sila nanggaling. Pagdaong pa lamang nila sa dalampasigan, nagkatipun-tipon ang napakaraming tao sapaligid ni Jesus.
\p
\v 22 Dumating doon ang isa sa mga pinuno ng sinagoga na nagngangalang Jairo. Nang matagpuan niya si Jesus, lumuhod siya sa kaniyang paanan.
\p
\v 23 At nagmamakaawa siya kay Jesus, "Malubha ang kalagayan ng aking anak na babae at maaaring mamatay. Kung maaari pumunta ka sa aming bahay at ipatong mo ang iyong mga kamay sa kaniya. Pagalingin mo siya at buhayin!"
\q
\v 24 Kaya sumama sa kaniya si Jesus at ang kaniyang mga alagad. Sumunod ang napakaraming tao at nagsisiksikan sila kay Jesus.
\s5
\p
\v 25 Kasama sa pangkat ng mga tao ang isang babaeng mayroong sakit na pagdurugo. Dinudugo siya araw-araw sa loob ng labindalawang taon.
\q
\v 26 Labis siyang nagdusa sa mahabang panahon habang ginagamot siya ng mga manggagamot. Inubos niya lahat ang kaniyang pera sa pagbayad sa mga manggagamot, at pagkatapos ng lahat ng kanilang ginawa para sa kaniya, sa halip na gumaling, lumubha ang kaniyang kalagayan.
\q
\v 27 Nang narinig niya na nagpagaling ng mga tao si Jesus, pumunta siya kung saan naroon si Jesus at nakipagsiksikan sa napakaraming tao papalapit sa likuran ni Jesus.
\s5
\p
\v 28 Iniisip niya, "Kung mahawakan ko siya o mahipo ko man lang ang kaniyang damit, gagaling ako." Kaya hinipo niya ang damit ni Jesus.
\p
\v 29 Agad huminto ang kaniyang pagdurugo. At sa sandaling iyon, naramdaman niya na gumaling siya sa kaniyang karamdaman.
\s5
\q
\v 30 Naramdaman din agad mismo ni Jesus na may napagaling ang kaniyang kapangyarihan. Kaya lumingon siya sa mga tao at nagtanong, "Sino ang humipo ng aking damit?"
\q
\v 31 Sinagot siya ng kaniyang mga alagad, "Nakikita mo na napakaraming tao ang nagsisiksikan sa iyo! Siguradong napakaraming tao ang humawak sa iyo. Bakit mo tinatanong, 'Sino ang humawak sa akin?'"
\p
\v 32 Ngunit, patuloy na lumilingon sa palibot si Jesus upang makita kung sino ang humawak sa kaniya.
\s5
\p
\v 33 Lubhang natakot ang babae at nanginginig. Lumuhod siya sa kaniyang harapan at isinalaysay kung ano ang kaniyang ginawa.
\v 34 Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Anak, dahil nanampalataya ka na kaya kitang pagalingin, ngayon pinagaling na kita. Umuwi ka na may kapayapaan sa iyong puso, sapagkat ipinapangako ko sa iyo, hindi ka na kailanman magkakasakit ng ganitong uri ng karamdaman."
\s5
\p
\v 35 Habang nakikipag-usap pa si Jesus sa babae, may mga taong dumating mula sa bahay ni Jairo. Sinabi nila kay Jairo, "Namatay na ang iyong anak. Hindi mo na kailangang abalahin pa ang guro na isama sa bahay mo!"
\s5
\p
\v 36 Ngunit nang marinig ni Jesus ang sinabi ng mga lalaking ito, sinabi niya kay Jairo, "Huwag kang mawalan ng pag-asa sa mga pangyayaring ito. Magpatuloy kang maniwala na mabubuhay siya!"
\v 37-38 At isinama lamang ni Jesus ang kaniyang tatlong pinakamalapit sa kaniya na mga alagad na sina Pedro, Santiago at Juan papunta sa bahay ni Jairo. Hindi niya pinayagang sumama sa kaniya ang ibang mga tao. Nang malapit na sila sa bahay, nakita ni Jesus na nagdadalamhati ang mga tao doon. May ilang mga tumatangis at tumataghoy ang iba.
\s5
\v 39 Pumasok si Jesus sa bahay at sinabi sa kanila, "Bakit labis kayong nababalisa at umiiyak? Hindi patay ang bata, natutulog lamang siya."
\v 40 Pinagtawanan siya ng mga tao dahil alam nila na patay na ang bata. Pinalabas ni Jesus ang mga tao sa bahay. Pagkatapos, isinama niya ang ama at ina ng bata gayundin ang kasama niyang tatlong alagad. Pumasok siya sa silid na kung saan nakahiga ang bata.
\s5
\v 41 Hinawakan ni Jesus ang kamay ng bata at sinabi sa kaniya sa sariling wika ng bata, "Talitha koum!" Na ang ibig sabihin, "Batang, bumangon ka!"
\v 42 Kaagad bumangon ang bata at naglakad-lakad. (Hindi nakapagtataka na kaya niyang maglakad dahil labindalawang taong gulang na siya.) Nang mangyari ito, lubhang namangha ang lahat na naroroon.
\p
\v 43 Mahigpit na inutos sa kanila ni Jesus, "Huwag ninyong ipagsabi sa iba kung ano ang aking ginawa!" At pagkatapos sinabi niya sa kanila na pakainin ang bata.
\s5
\c 6
\p
\v 1 Umalis si Jesus sa Capernaum at umuwi siya sa kaniyang sariling bayan sa Nazaret. Sumama sa kaniya ang kaniyang mga alagad.
\p
\v 2 Sa Araw ng Pamamahinga, pumasok siya sa sinagoga at nagtuturo sa mga tao. Namamangha ang maraming nakikinig sa kaniya. Nagtataka sila kung saan niya nakuha ang lahat ng kaniyang karunungan at kapangyarihang gawin ang mga himala.
\p
\v 3 Sinabi nila, "Isa lamang siyang karaniwang karpintero! Kilala natin siya at ang kaniyang pamilya! Kilala natin si Maria na kaniyang ina. Kilala natin ang kaniyang mga nakababatang kapatid na sina Santiago, Jose, Judas at Simon! At nakatira rin dito kasama natin ang kaniyang mga nakababatang kapatid na babae!" Kaya hinamak nila si Jesus.
\s5
\p
\v 4 Sinabi ni Jesus sa kanila, "Totoo nga na iginagalang ako ng ibang mga tao at ang ibang mga propeta sa ibang lugar, ngunit hindi sa ating sariling bayan! Hindi rin tayo iginagalang maging ang ating mga kamag-anak at ang mga taong nakatira sa ating mga bahay!"
\p
\v 5 Kaya, kahit pinagaling niya ang ilan sa taong may sakit doon, hindi siya makagawa ng iba pang himala.
\p
\v 6 Namangha si Jesus sa kawalan ng kanilang pananampalataya, ngunit pumunta siya sa kanilang mga nayon at tinuruan sila.
\s5
\p
\v 7 Isang araw, tinawag niya ang labindalawang alagad at sinabi sa kanila na isusugo niya sila ng dalawahan upang magturo sa mga tao sa iba't ibang mga bayan. Binigyan niya sila ng kapangyarihang magpalayas ng mga masasamang espiritu sa mga tao.
\p
\v 8-9 Ipinagbilin din ni Jesus sa kanila na magsuot sila ng sandalyas at magdala ng isang tungkod habang naglalakbay sila. Sinabihan niya rin silang huwag magdala ng pagkain, ni sisidlan kung saan inilalagay ang mga gamit, ni anumang pera sa kanilang paglalakbay. Hindi rin sila pinayagang magdala ng karagdagang kasuotan.
\s5
\p
\v 10 Ipinagbilin din niya sa kanila, "Pagkatapos ninyong makapasok sa isang bayan, kapag inanyayahan kayo ng isang tao na manatili sa kaniyang bahay, pumunta kayo sa kaniyang bahay. Kumain at matulog kayo sa bahay din na iyon hanggang makaalis sa bayan na iyon.
\p
\v 11 Kung saan man hindi kayo tanggapin at pakinggan ng mga tao, pagpagin ang alikabok sa inyong mga paa kapag umalis kayo sa lugar na iyon. Sa paggawa nito, pinapatotohanan ninyo na hindi nila kayo tinanggap."
\s5
\p
\v 12 Kaya matapos makaalis ang mga alagad papunta sa iba't ibang bayan, nangaral sila sa mga tao na kailangan nilang magsisi sa kanilang mga kasalanan at magpasya na itigil ito, upang maaari silang patawarin ng Diyos.
\p
\v 13 Pinalalayas din nila ang mga masasamang espiritu mula sa mga tao, pinapahiran din nila ng langis ng olibo ang maraming may sakit at pinagaling sila.
\s5
\p
\v 14 Narinig ni Haring Herodes Antipas ang tungkol sa ginagawa ni Jesus dahil pinag-uusapan ito ng maraming tao. Sinasabi ng ilang tao ang tungkol kay Jesus, "Siya si Juan na Tagapagbautismo! Binuhay siya mula sa mga patay! Kaya nasa kaniya ang kapangyarihan ng Diyos upang gawin ang mga himalang ito.
\p
\v 15 Sinasabi ng iba ang tungkol kay Jesus, "Siya si Elias na sinaunang propeta, ang ipinangako ng Diyos na muli niyang ipadadala." Ang sinasabi naman ng iba tungkol kay Jesus, "Hindi, ibang propeta siya, tulad siya ng ibang mga propetang nabuhay noong unang panahon.
\s5
\p
\v 16 Nang marinig ni Haring Herodes Antipas ang sinasabi ng mga tao, sinabi niya " Si Juan ang gumagawa ng mga himalang ito! Inutusan ko ang aking kawal upang pugutan siya, ngunit muli siyang nabuhay!"
\p
\v 17 Bago pa ito, pinakasalan ni Herodes si Herodias, bagaman asawa siya ng kaniyang kapatid na si Felipe.
\s5
\p
\v 18 Palaging sinasabi ni Juan kay Herodes, "Hindi ka pinahihintulutan ng kautusan ng Diyos na makasal sa asawa ng iyong kapatid habang nabubuhay pa siya. At dahil pinakiusapan ni Herodias si Herodes na ipakulong si Juan, nagpadala si Herodes ng kaniyang ng mga kawal kay Juan. Dinakip nila si Juan at ikinulong.
\p
\v 19 Ngunit dahil nais pa ni Herodias na maghiganti kay Juan, nais niyang may isang tao na papatay sa kaniya. Ngunit hindi maaaring gawin iyon ni Herodias dahil habang nasa kulungan si Juan, pinanatili ni Herodes na ligtas si Juan mula kay Herodias.
\p
\v 20 Ginawa ito ni Herodes dahil natatakot siya kay Juan dahil alam niyang matuwid na tao si Juan na inilaan ang kaniyang sarili sa Diyos. Nalilito ang Hari sa mga sinasabi ni Juan at hindi niya alam kung ano ang dapat gawin sa kaniya, ngunit gusto niyang makinig kay Juan.
\s5
\p
\v 21 Ngunit nagkaroon din si Herodias ng pagkakatao upang ipapatay si Juan. Isang araw nang parangalan si Herodes sa kaniyang kaarawan, inanyayahan niya ang mga pinakamahahalagang pinuno ng pamahalaan, pinakamahahalagang pinuno ng mga kawal at ang pinakamahahalagang kalalakihan sa distrito ng Galilea upang kumain at magdiwang kasama niya.
\p
\v 22 Habang kumakain sila, pumasok ang anak na dalaga ni Herodias at sumayaw para sa Hari at sa kaniyang mga panauhin. Napasaya niya ng labis si Haring Herodes at ang kaniyang mga panauhin at sinabi niya sa kaniya, "Humingi ka sa akin ng anumang naisin mo at ibibigay ko sa iyo!"
\s5
\p
\v 23 Sinabi rin sa kaniya ng hari, "Anuman ang hilingin mo, ibibigay ko sa iyo! Ibibigay ko hanggang kalahati ng aking pag-aari at pinamumunuan, kung hihilingin mo ito."
\p
\v 24 Kaagad na lumabas ang dalaga at pumunta sa kaniyang ina. Sinabi niya sa kaniyang ina ang sinabi ng hari at tinanong ang ina, "Ano ang hihingin ko?" Sumagot ang kaniyang ina, "Hilingin mo sa hari ang ulo ni Juan na Tagapagbautismo,"
\p
\v 25 Mabilis na pumasok muli ang dalaga. Pumunta siya sa hari at sinabi, "Gusto kong mag-utos ka ng isang tao upang pugutan si Juan na Tagapagbautismo at ibigay sa akin ngayon din ang ulo na nakalagay sa malaking plato."
\s5
\p
\v 26 Nang marinig ng Hari ang hinihiling ng dalaga, labis siyang nabalisa dahil alam niyang napakamatuwid na tao ni Juan. Ngunit hindi niya matanggihan ang hinihiling ng dalaga dahil nangako ang hari na ibibigay ang lahat ng hilingin niya at narinig din ng kaniyang mga panauhin na nangako siya.
\p
\v 27 Kaya kaagad na nag-utos ang hari ng isang tao upang pugutan si Juan sa kulungan at ibigay ang ulo sa dalaga. Pumunta ang taong iyon sa kulungan at pinugutan si Juan.
\p
\v 28 Inilagay niya ang ulo sa isang bandihado, dinala ito at ibinigay sa dalaga. Dinala ito ng batang babae sa kaniyang ina.
\p
\v 29 Matapos mabalitaan ng mga alagad ni Juan ang nangyari, pumunta sila sa kulungan at kinuha ang katawan ni Juan, at inilibing nila ito.
\s5
\p
\v 30 Bumalik ang Labindalawang apostol kay Jesus mula sa mga lugar kung saan sila nanggaling. Ibinalita nila kay Jesus ang kanilang mga ginawa at itinuro sa mga tao.
\p
\v 31 Sinabi niya sa kanila, "Sumama kayo sa akin sa isang lugar kung saan walang taong naninirahan, upang sa gayon makapagpahinga tayo ng ilang sandali!" Sinabi niya ito dahil maraming tao ang patuloy na dumarating sa kanila at muling umaalis, dahil dito wala nang panahon si Jesus at ang kaniyang mga alagad upang kumain o gawin ang iba pang mga bagay.
\p
\v 32 Kaya, umalis sila sakay sa isang bangka patungo sa isang lugar kung saan walang mga taong naninirahan.
\s5
\p
\v 33 Ngunit maraming tao ang nakakita sa kanilang umaalis. Nakilala rin ng mga tao na sina Jesus at ang kaniyang mga alagad iyon, at nakita nila kung saan sila patungo. Kaya tumakbo ang lahat ng tao sa magkakalapit na bayan sa lugar kung saan patungo si Jesus at ang kaniyang mga alagad. Sa katunayan, naunahan pa nila sina Jesus at ang kaniyang mga alagad na nakarating doon.
\p
\v 34 Habang bumababa si Jesus at ang kaniyang mga alagad sa bangka, nakita niya ang napakaraming tao. Naawa siya sa kanila dahil nalilito sila na parang mga tupang walang pastol. Kaya tinuruan sila ni Jesus ng maraming mga bagay.
\s5
\p
\v 35 Nang gumagabi na, pumunta ang mga alagad kay Jesus at sinabi, "Wala ni isang taong nakatira sa lugar na ito at gumagabi na.
\p
\v 36 Kaya, paalisin na ninyo ang mga tao upang maaari silang pumunta sa mga karatig-lugar at sa mga nayon na may mga nakatirang tao upang makabili sila ng anumang makakain nila!"
\s5
\p
\v 37 Ngunit sumagot siya sa kanila, "Hindi, kayo mismo ang magbigay ng pagkain sa kanila!" Sumagot ang mga alagad sa kaniya, "Hindi kami makabibili ng sapat na tinapay upang mapakain ang napakaraming taong ito, kahit pa magkaroon kami ng sapat na pera gaya ng kinikita ng isang tao sa pagtatrabaho sa loob ng 200 araw!"
\p
\v 38 Ngunit sumagot siya sa kanila, "Ilang tinapay ang mayroon kayo? Pumunta kayo at alamin!" Pumunta sila at inalam at pagkatapos sinabi kay Jesus, "Mayroon lamang kaming limang tinapay at dalawang lutong isda!"
\s5
\p
\v 39 Inutusan niya ang mga alagad upang sabihin sa mga tao na umupo sa damuhan.
\p
\v 40 Kaya, pangkat-pangkat na umupo ang mga tao. May limampung tao ang ilang mga pangkat, at may isang daang tao ang iba pang mga pangkat.
\p
\v 41 Kinuha ni Jesus ang limang tinapay at dalawang isda. Tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Diyos para sa mga ito. Pagkatapos, hinati-hati niya ang mga tinapay at isda at patuloy na ibinibigay sa mga alagad upang maipamahagi nila ito sa mga tao.
\s5
\p
\v 42 Kumain ang lahat hanggang sa sila ay nabusog!
\v 43 Pagkatapos, inipon ng mga alagad ang mga natirang piraso ng tinapay at isda at napuno ang labindalawang basket.
\p
\v 44 May limanlibong mga kalalakihan ang kumain ng tinapay at isda. Hindi na nga nila binilang ang mga kababaihan at mga bata.
\s5
\p
\v 45 Agad sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad na sumakay sila sa bangka at pinauna sila sa Bethsaida, kung saan may kalayuan sa palibot ng Dagat ng Galilea. Nanatili siya at pinauwi ang mga taong naroon.
\p
\v 46 Matapos siyang makapagpaalam sa mga tao, umakyat siya sa bundok upang manalangin.
\v 47 Kinagabihan, nasa kalagitnaan na ng lawa ang bangka ng mga alagad at nag-iisa si Jesus sa lupa.
\s5
\p
\v 48 Nakita niyang salungat sa kanila ang ihip ng hangin habang nagsasagwan sila. Dahil dito, labis silang nahihirapan. Nang madaling araw, lumapit si Jesus sa kanila sa pamamagitan ng paglalakad sa ibabaw ng tubig. Gusto niyang lampasan sila.
\v 49 Nakita nilang naglalakad siya sa ibabaw ng tubig, ngunit inisip nila na isa siyang multo. Sumigaw sila
\p
\v 50 dahil natakot silang lahat nang makita siya. Ngunit nagsalita siya sa kanila. Sinabi niya, "Huminahon kayo!" Huwag kayong matakot, dahil ako ito!"
\s5
\v 51 Sumakay siya sa bangka at umupo kasama nila at tumigil ang pag-ihip ng hangin. Labis silang namangha sa kaniyang ginawa.
\p
\v 52 Bagaman nakita nilang pinarami ni Jesus ang tinapay at isda, hindi pa rin nila maintindihan kung gaano siya ka makapangyarihan, na dapat nilang maintindihan.
\s5
\p
\v 53 Matapos makalayo ang kanilang sinasakyang bangka sa Dagat ng Galilea, dumating sila sa baybayin ng Gennesaret. Pagkatapos, itinali nila ang kanilang bangka roon.
\p
\v 54 Nang makababa sila sa bangka, nakilala ng mga tao roon si Jesus.
\v 55 Kaya tumakbo ang mga tao sa buong distrito upang sabihin sa iba na naroroon si Jesus. Pagkatapos, inilalagay ng mga tao sa higaan ang mga may sakit at dinadala sila sa mga lugar kung saan narinig nila sa mga tao na naroon si Jesus.
\s5
\v 56 Saan mang nayon, bayan o lugar sa karatig-pook pumunta si Jesus, dinadala ng mga tao sa mga pamilihan ang mga may sakit. At nagmamakaawa kay Jesus ang mga taong may sakit na hayaan silang hawakan siya o kahit ang laylayan man lamang ng kaniyang kasuotan upang maaari silang pagalingin ni Jesus. Gumaling ang lahat ng humawak sa kaniya o sa kaniyang balabal.
\s5
\c 7
\p
\v 1 Isang araw, nagtipon-tipon sa palibot ni Jesus ang ilang mga Pariseo at ilang mga kalalakihang mula sa Jerusalem na nagtuturo ng mga batas ng mga Judio.
\s5
\p
\v 2 Nakita ng mga Pariseo na madalas kumakain ang mga alagad nang hindi muna naghuhugas ng kanilang mga kamay.
\p
\v 3-4 Sila at lahat ng iba pang mga Judio ay mahigpit na sumusunod sa kanilang mga kaugalian na itinuro ng kanilang mga ninuno. Lalong-lalo na ang paghuhugas nila sa espesyal na paraan ng kanilang mga tasa, palayok, takure, mga lalagyan, at mga higaan upang sa paggamit nila ng mga kagamitang ito ay hindi sila tatanggihan ng Diyos. Halimbawa, hindi sila kumakain hangga't hindi muna sila naghuhugas ng kanilang mga kamay sa pamamagitan ng espesyal na ritwal, lalo na kung makabalik na sila galing sa pamimili ng mga bagay sa pamilihan. Marami pang ibang mga kaugalian ang tinatanggap nila at sinikap na sundin.
\s5
\p
\v 5 Nang araw na iyon, nakita ng mga Pariseo at ng mga kalalakihang nagtuturo ng mga batas ng mga Judio ang ilan sa mga alagad ni Jesus na kumakain na hindi pa naghuhugas ng kamay sa papamagitan ng espesyal na ritwal. Kaya tinanong nila si Jesus at sinabi, "Nilabag ng iyong mga alagad ang mga kaugalian ng ating mga nakatatanda! Bakit sila kumakain kung hindi pa sila naghuhugas ng kanilang mga kamay sa pamamagitan ng ating mga ritwal!"
\s5
\p
\v 6 Sinabi ni Jesus sa kanila, "Pinagsabihan ni Isaias ang inyong mga ninuno, at malinaw na inilarawan ng kaniyang mga salita ang tungkol sa inyo na nagpapanggap lamang na mabuti kayo! Isinulat niya ang mga salitang ito na sinabi ng Diyos, "Ang mga taong ito ay nagsasalita na para bang pinaparangalan nila ako, ngunit hindi talaga nila naiisip na parangalan ako.
\p
\v 7 Walang halaga sa kanila ang sambahin ako dahil itinuturo lamang nila ang mga sinasabi ng mga tao na para bang ako mismo ang nag-utos ng mga iyon.'
\s5
\p
\v 8 Kayo, gaya ng inyong mga ninuno, tumatanggi kayong gawin ang mga ipinag-uutos ng Diyos. Sa halip, sinusunod lamang ninyo ang mga tradisyon na itinuro ng iba."
\p
\v 9 Sinabi rin ni Jesus sa kanila, "Akala ninyo na matatalino kayo sa hindi pagsunod sa ipinag-uutos ng Diyos para lang masunod ninyo ang inyong sariling mga kaugalian!
\p
\v 10 Halimbawa, isinulat ng ating ninunong si Moises ang utos ng Diyos na, 'Igalang ninyo ang inyong mga ama at mga ina'. Sinulat din niya, 'Dapat patayin ng mga may kapangyarihan ang taong nagsasalita ng masama tungkol sa kaniyang ama o ina.'
\s5
\p
\v 11-12 Ngunit itinuturo ninyo sa mga tao na tama lamang na kahit huwag nang tulungan ng mga tao ang kanilang mga magulang. Tinuturuan ninyo ang mga tao na tama lamang kapag sinabi nilang ibibigay nila ang kanilang pagmamay-ari sa Diyos sa halip na sa kanilang mga magulang. Pinapayagan ninyo silang sabihin sa kanilang mga magulang na, 'Kung anuman ang nakalaan na ibibigay ko sa inyo, ipinangako ko nang ibigay sa Diyos. Kaya hindi ko na kayo matutulungan!' Sa gayon, sinasabi ninyo sa mga tao na hindi na nila kailangang tulungan ang kanilang mga magulang!
\p
\v 13 Sa ganitong paraan ipinagwalang-bahala ninyo ang ipinaguutos ng Diyos! Itinuturo ninyo ang inyong mga sariling kaugalian sa iba at sinasabi sa kanila na dapat nila itong sundin! At ginagawa ninyo ang marami pang mga bagay na tulad nito."
\s5
\p
\v 14 Pagkatapos, tinawag muli ni Jesus ang mga tao para lumapit sa kaniya. At sinabi niya sa kanila, "Makinig kayong lahat sa akin! Subukan ninyong unawain ang sasabihin ko sa inyo.
\p
\v 15 Walang kinakain ang mga tao na nagiging sanhi ng pagkadungis nila sa paningin ng Diyos. Bagkus, ang lumalabas mula sa panloob na pagkatao ang nakapagpapadungis sa isang tao sa paningin ng Diyos.
\p
\v 16 (Kung sino man ang taong may pandinig, makinig siya.)
\s5
\p
\v 17 Pagkatapos iwanan ni Jesus ang mga tao, pumasok siya sa isang bahay kasama ang kaniyang mga alagad. Tinanong nila si Jesus tungkol sa talinghaga na kakasabi lang niya.
\p
\v 18 Sinagot niya sila, "Hindi ba ninyo nauunawaan ang ibig sabihin noon? Dapat ninyong maintindihan na walang pumapasok sa atin na mula sa labas ang makapagpadungis sa atin sa paningin ng Diyos.
\p
\v 19 Sa halip na pumasok ito at sirain ang ating mga isipan, pumupunta ito sa ating mga tiyan, at pagkatapos ay lumalabas ito sa ating mga katawan." Sa pagsasabi nito, inihahayag ni Jesus na ang mga tao ay maaaring kumain ng kahit na anong pagkain nang hindi sila ituturing ng Diyos na madungis.
\s5
\p
\v 20 Sinabi din niya, "Ang pag-iisip at mga gawa na nagmumula sa kalooban ng mga tao ang sanhi na ituring silang marumi ng Diyos.
\q
\v 21 Lalo na sa pinakaloloob-looban ng pagkatao ang nagiging sanhi sa kanila na mag-isip sila ng mga masasamang bagay; immoral silang kumikilos, nagnanakaw sila ng mga bagay, at pumapatay.
\p
\v 22 Nangangalunya sila, nagiging sakim, malaswang kumikilos, nanlilinlang sila ng mga tao. Mahalay silang kumikilos, naiinggit sila sa ibang tao, nagsasalilta sila ng masama tungkol sa ibang tao, sila ay mayabang, at pahangal kung kumilos.
\p
\v 23 Iniisip ng mga tao ang mga kaisipang ito at ginagawa nila ang mga masasamang gawa na ito, at iyon ang nagiging dahilan ng Diyos upang ituring silang madumi."
\s5
\p
\v 24 Pagkatapos umalis ng Galilea si Jesus at ang kaniyang mga alagad, pumunta sila sa rehiyon sa palibot na mga lungsod ng Tiro at Sidon. Habang nananatili siya sa isang bahay, ayaw niya itong malaman ng kahit na sino, ngunit kaagad na nalaman ng mga tao na siya ay naroroon.
\p
\v 25 May isang babae na sinapian ang kaniyang anak na dalaga ng masamang espiritu. Narinig niya ang tungkol kay Jesus. Kaagad siyang pumunta kay Jesus at lumuhod sa kaniyang paanan.
\p
\v 26 Ngayon ang babaeng ito ay hindi Judio. Ang kaniyang mga ninuno ay hindi mga Judio. Siya mismo ay ipinanganak sa lugar sa may rehiyon ng Phoenicia, sa distrito ng Syria. Nagmakaawa siya kay Jesus na pilitin niyang palayasin ang masamang espiritu sa kaniyang anak na babae.
\s5
\p
\v 27 Sinabi niya sa babae, "Hayaan mo munang kumain ang mga bata hanggang gusto nila, dahil hindi mabuti para sa isang tao na kunin ang pagkain na inihanda ng ina para sa kaniyang mga anak at itapon lamang ito sa mga tuta."
\p
\v 28 Sumagot ang babae kay Jesus, "Ginoo, tama po ang inyong sinabi, ngunit kahit ang mga alagang aso na nakahiga sa ilalim ng lamesa ay kinakain ang mga mumo na nahuhulog ng mga bata."
\s5
\q
\v 29 Sinabi ni Jesus sa babae, "Dahil sa iyong sinabi, umuwi ka na sa iyong tahanan. Pinaalis ko na ang masamang espiritu sa iyong anak na dalaga."
\p
\v 30 Bumalik ang babae sa kaniyang bahay at nakita na ang kaniyang anak ay tahimik na nakahiga sa higaan at ang masamang espiritu ay umalis na.
\s5
\p
\v 31 Umalis si Jesus at ang kaniyang mga alagad sa rehiyon sa palibot ng Tiro at pumunta sa hilaga patungong Sidon, pagkatapos ay tumungo sa silangan sa lugar ng Sampung Bayan, at pagkatapos ay sa timog sa mga bayan malapit sa Dagat ng Galilea.
\p
\v 32 Doon, dinala sa kaniya ng mga tao ang isang lalaking bingi at hindi nakakapagsalita. Nagmakaawa sila kay Jesus na ipatong ang kaniyang kamay sa lalaki upang pagalingin siya.
\s5
\p
\v 33 Kaya inilayo siya ni Jesus mula sa maraming tao upang makapagsarilinan silang dalawa. At inilagay niya ang isang daliri niya sa magkabilang tainga ng lalaki. Matapos niyang duraan ang kaniyang mga daliri, hinipo niya ang dila ng lalaki sa pamamagitan ng kaniyang mga daliri.
\p
\v 34 Pagkatapos ay tumingala siya sa kalangitan, nagbuntong-hininga siya at sa sarili niyang wika binulong niya sa tainga ng lalaki, "Ephphatha," na nangangahulugang "Bumukas ka!"
\p
\v 35 Agad na nakarinig ang lalaki. Nagsimula rin siyang makapagsalita ng malinaw dahil ang pumipigil sa kaniya upang makapagsalita ay napagaling na.
\s5
\p
\v 36 Sinabi ni Jesus sa mga tao na huwag ipagsabi kaninuman ang kaniyang ginawa. Ngunit, kahit paulit-ulit na inutos niya sa kanila at sa iba pa na huwag ipagsabi sa iba ang tungkol dito, patuloy at lalo pa nila itong pinaguusapan.
\p
\v 37 Labis na namangha ang mga taong nakarinig ng tungkol dito at sinabi nila, "Lahat ng ginawa niya ay kamangha-mangha! Bukod sa paggawa ng iba pang mga nakamamanghang mga bagay, nagagawa niyang makarinig muli ang mga taong bingi! At nagagawa niyang makapagsalita ang mga pipi!"
\s5
\c 8
\p
\v 1 Nang mga araw na iyon, muling nagtipun-tipon ang napakaraming tao. Matapos silang manatili roon sa loob ng dalawang araw, wala na silang makain. Kaya tinawag ni Jesus ang mga alagad upang lumapit sa kaniya at sinabi sa kanila,
\p
\v 2 "Ito ang ikatlong araw na sinamahan ako ng mga taong ito, at wala na silang natirang pagkain, kaya ngayon labis akong nag-aalala sa kanila.
\p
\v 3 "Kung pauuwiin ko sila sa kanilang mga tahanan habang nagugutom pa sila, hihimatayin ang ilan sa kanila sa daan pauwi sa kanilang mga tahanan. Nanggaling pa sa malayo ang ilan sa kanila."
\p
\v 4 Alam ng mga alagad na iminumungkahi niyang bigyan nila ng makakain ang mga tao, kaya sumagot ang isa sa kanila, "Hindi tayo makakahanap ng pagkain sa lugar na ito upang mapakain ang mga taong ito. Walang naninirahan sa lugar na ito!
\s5
\p
\v 5 Tinanong sila ni Jesus, "Ilang tinapay ang mayroon kayo?" Sumagot sila, "Mayroon kaming pitong tinapay."
\p
\v 6 Inutusan ni Jesus ang maraming tao, "Umupo kayo sa lupa!" Matapos silang umupo, kinuha niya ang pitong tinapay, nagpasalamat sa Diyos para sa mga ito, hinati-hati ito at ibinigay sa kaniyang mga alagad upang ipamahagi sa mga tao.
\s5
\p
\v 7 Nakita rin nilang mayroon silang ilang maliliit na isda. Kaya matapos siyang makapagpasalamat sa Diyos sa mga ito, sinabi niya sa mga alagad, "Ipamahagi rin ninyo ang mga ito." Matapos nilang maipamahagi sa mga tao ang isda,
\p
\v 8 kinain ng mga tao ang pagkaing ito, at mayroon silang marami upang busugin ang kanilang mga sarili. Tinipon ng mga alagad ang mga piraso ng mga pagkaing natira, at nakapuno sila ng pitong malalaking basket.
\p
\v 9 Ipinagpalagay ng mga alagad na nasa apat na libong tao ang nakakain nang araw na iyon. Pagkatapos pinauwi ni Jesus ang maraming tao.
\p
\v 10 Matapos iyon, agad siyang sumakay sa bangka kasama ang kaniyang mga alagad at naglayag sila sa palibot ng Dagat ng Galilea patungo sa distrito ng Dalmanuta.
\s5
\p
\v 11 Pagkatapos lumapit kay Jesus ang ilang mga Pariseo. Nagsimula silang makipagtalo sa kaniya at pinipilit siyang gumawa ng himala upang ipakitang sinugo talaga siya ng Diyos.
\p
\v 12 Huminga ng malalim si Jesus at kaniyang sinabi, "Bakit ninyo hinihiling sa akin na gumawa ako ng himala? Hindi ako gagawa ng himala para sa inyo!"
\p
\v 13 At iniwan sila ni Jesus. Muli siyang sumakay sa bangka kasama ang kaniyang mga alagad at muli silang naglayag sa palibot ng Dagat ng Galilea.
\s5
\p
\v 14 Nakalimutang magdala ng mga alagad ng sapat na pagkain. Mayroon lamang silang dalang isang tinapay sa bangka.
\p
\v 15 Habang nagpapatuloy sila, binalaan sila ni Jesus at sinabi, "Mag-ingat kayo! Magbantay kayo laban sa libadura ng mga Pariseo at ni Herodes!"
\s5
\p
\v 16 Hindi siya naunawaan ng mga alagad. Kaya sinabi nila sa isa't isa, "Sinabi niya iyon dahil wala tayong tinapay."
\p
\v 17 Alam ni Jesus ang kanilang pinag-uusapan. Kaya sinabi niya sa kanila, "Bakit kayo nag-uusap tungkol sa hindi ninyo pagkakaroon ng sapat na tinapay? Dapat nauunawaan na ninyo ngayon ang sinasabi ko! Hindi kayo nag-iisip!
\s5
\p
\v 18 Mayroon kayong mga mata, ngunit hindi ninyo nauunawaan ang inyong nakikita! Mayroon kayong mga tainga, ngunit hindi ninyo nauunawaan ang aking sinasabi!" Pagkatapos itinanong niya, "Hindi ba ninyo natatandaan kung ano ang nangyari
\p
\v 19 nang hinati-hati ko ang limang tinapay at pinakain ang limanlibong tao? Hindi lamang nabusog ang lahat ngunit mayroon pang natirang pagkain! Ilang basket ng mga hinati-hating natirang tinapay ang inyong naipon? Sumagot sila, "Nakapuno kami ng labindalawang basket."
\s5
\p
\v 20 Pagkatapos itinanong niya, "Nang hinati-hati ko ang pitong tinapay upang pakainin ang apat na libong tao, nang magkaroon ang lahat ng maraming pagkain, gaano karaming malalaking basket ng mga piraso ng natirang tinapay ang inyong naipon?" Sumagot sila, "Nakapuno kami ng pitong malalaking basket."
\p
\v 21 Pagkatapos sinabi niya sa kanila, "Hindi ba ninyo nauunawaan?"
\s5
\q
\v 22 Nakarating sila sa Betsaida sakay ng isang bangka. Dinala ng mga tao kay Jesus ang isang lalaking bulag at nakiusap silang hawakan niya ang lalaki upang pagalingin.
\p
\v 23 Hinawakan ni Jesus ang kamay ng lalaking bulag at dinala siya sa labas ng bayan. At ipinahid niya ang kaniyang laway sa mata ng lalaki, ipinatong niya ang kaniyang kamay sa mata ng lalaki at pagkatapos tinanong niya ito, "May nakikita ka ba?"
\s5
\p
\v 24 Tumingin ang lalaki at sinabi, "Oo, nakakakita ako ng mga tao! Naglalakad sila sa palibot ngunit hindi ko sila makita nang malinaw. Para silang mga puno!"
\p
\v 25 Pagkatapos muling hinawakan ni Jesus ang mga mata ng lalaking bulag. Tumingin ng mabuti ang lalaki at sa panahong iyon, lubusan na siyang magaling! Malinaw na niyang nakikita ang lahat ng bagay.
\p
\v 26 Sinabi sa kaniya ni Jesus, "Huwag kang pupunta sa bayan!" Pagkatapos pinauwi niya ang lalaki sa kaniyang tahanan.
\s5
\p
\v 27 Umalis si Jesus at ang mga alagad sa Betsaida at pumunta sa mga nayon malapit sa Cesarea Filipos. Sa daan, tinanong niya sila, "Sino ako ayon sa sinasabi ng mga tao?"
\q
\v 28 Sumagot sila, "Sinasabi ng iba na ikaw si Juan na Tagapagbautismo. Sinasabi ng iba na ikaw si propeta Elias. At sinasabi naman ng iba na ikaw ay isa sa naunang mga propeta."
\s5
\p
\v 29 Tinanong sila ni Jesus, "Kayo naman, sino ako?" Sumagot sa kaniya si Pedro, "Ikaw ang Cristo!"
\p
\v 30 Mahigpit silang binalaan ni Jesus na hindi pa nila dapat sabihin sa sinuman na siya ang Cristo.
\s5
\p
\v 31 Sinimulan silang turuan ni Jesus na siya na Anak ng Tao, ay tiyak na magdusa ng labis. Itatakwil siya ng mga nakatatanda, mga punong pari at mga lalaking nagtuturo ng mga batas ng Judio. Papatayin pa nga siya. Ngunit muli siyang mabubuhay sa ikatlong araw matapos siyang mamatay.
\q
\v 32 Malinaw niya itong sinabi sa kanila. Ngunit dinala ni Pedro si Jesus sa isang tabi at sinimulan siyang pagsabihan dahil sa kaniyang pananalita.
\s5
\p
\v 33 Lumingon si Jesus at tumingin sa kaniyang mga alagad. Pagkatapos, sinaway niya si Pedro at sinabi, "Tumigil ka sa pag-iisip ng ganyan!" Si Satanas ang dahilan kaya ka nakapagsasalita ng ganyan! Sa halip na naisin ang nais ipagawa ng Diyos sa akin, nais mong gawin ko lamang kung ano ang nais ipagawa sa akin ng mga tao."
\p
\v 34 At tinawag niya ang maraming tao kasama ng kaniyang mga alagad upang makinig sa kaniya. Sinabi niya sa kanila, "Kung sinuman sa inyo ang nagnanais na maging alagad ko, hindi ninyo dapat gawin kung ano lamang ang madali upang mabuhay. Dapat handa kayong magdusa tulad ng mga kriminal na sapilitang pinagbubuhat ng mga krus sa mga lugar kung saan sila ipapako. Ito ang dapat gawin ng sinumang nagnanais maging alagad ko.
\s5
\p
\v 35 Dapat ninyong gawin iyan dahil ang mga sumusubok iligtas ang kanilang buhay sa pamamagitan ng pagkakaila na kabilang sila sa akin ay mawawalan ng kanilang buhay. Ang mga pinatay dahil mga alagad ko sila at dahil sinabi nila sa iba ang magandang balita ay mabubuhay na kasama ko magpakailanman.
\p
\v 36 Maaaring makuha ng mga tao ang lahat ng kanilang nais sa mundong ito, ngunit wala talaga silang makakamtan kung hindi nila makakamit ang buhay na walang hanggan!
\p
\v 37 Pag-isipang mabuti ang katotohanan na wala talagang maibibigay ang mga tao sa Diyos upang makamit nila ang buhay na walang hanggan.
\s5
\p
\v 38 At pag-isipan ninyo ang tungkol dito. Ang mga tumatangging magsabi na kabilang sila sa akin at ang mga nagtatakwil sa aking sinasabi sa mga araw na ito na tumalikod na ang mga tao mula sa Diyos at labis na silang makasalanan, ako na Anak ng Tao ay itatanggi rin sila na kabilang sila sa akin kapag bumalik akong kasama ng mga banal na anghel at may kaluwalhatian na tulad ng mayroon ang aking Ama!"
\s5
\c 9
\p
\v 1 Sinabi din ni Jesus sa kaniyang mga alagad, "Makinig kayong mabuti! Mayroong ilan sa inyong naririto ngayon ang makakakita kung papaano ihahayag ng Diyos na may dakilang kapangyarihan ang kaniyang sarili bilang hari. Makikita ninyo siyang ginagawa ito bago kayo mamatay!"
\q
\v 2 Pagkaraan ng anim na araw, isinama ni Jesus si Pedro, si Santiago at ang kaniyang kapatid na si Juan, at pinangunahan niya sila paakyat sa mataas na bundok. Habang sila lamang ang naroroon, nagpakita siya sa kanila sa kakaibang anyo.
\p
\v 3 Naging nakakasilaw ang kaputian ng kaniyang mga damit. Mas maputi pa ito sa pinakamaputing kaputian na magagawa ng sinuman sa mundo.
\s5
\p
\v 4 Nagpakita sa kanila ang dalawang propeta na nabuhay noong unang panahon, sina Moises at Elias. At nagsimulang nakipag-usap ang dalawa kay Jesus.
\p
\v 5 Pagkatapos ng ilang sandali, nagsalita si Pedro, "Guro, kahanga-hanga ang makarating dito! Hayaan po ninyong gumawa kami ng tatlong silungan. Para sa inyo ang isa, para kay Moises ang isa, at para kay Elias ang isa!"
\q
\v 6 Sinabi niya ito dahil gusto niyang magsalita ngunit hindi niya alam kung ano ang kaniyang sasabihin. Labis siyang natakot gayundin ang dalawa pang alagad.
\s5
\p
\v 7 At biglang lumitaw ang isang nagniningning na ulap na lumukob sa kanila. Nagsalita ang Diyos sa kanila mula sa ulap at sinabi, "Ito ang aking Anak. Siya ang aking pinakamamahal. Kaya makinig kayo sa kaniya!"
\p
\v 8 Nang lumingon sa palibot ang tatlong alagad, nakita nila na nag-iisa na lamang si Jesus na kasama nila, at wala nang iba pang tao sa paligid.
\s5
\p
\v 9 Habang pababa sila mula sa bundok, sinabihan sila ni Jesus na huwag nilang sabihin sa iba ang mga bagay na nangyari sa kaniya. Sinabi niya, "Maaari ninyong sabihin ito sa kanila pagkatapos na ako, ang Anak ng Tao, ay mabuhay muli mula sa kamatayan.
\p
\v 10 Kaya hindi nila ito sinabi sa iba nang mahabang panahon. Ngunit nagtatanungan sila sa isa't isa kung ano ang ibig sabihin ng kaniyang sinabi na mabubuhay siyang muli mula sa kamatayan.
\s5
\p
\v 11 Tinanong nila si Jesus, "Bakit sinasabi ng mga tagapagturo ng ating mga batas na dapat maunang babalik sa mundo si Elias bago dumating sa mundo ang Mesiyas?"
\p
\v 12-13 Sinagot sila ni Jesus, "Totoong ipinangako ng Diyos na mauuna niyang isusugo si Elias upang isaayos ang lahat ng bagay. Ngunit dumating na si Elias, at labis siyang pinahirapan ng ating mga pinuno, tulad ng nais nilang gawin sa kaniya ayon sa sinabi ng mga propeta noong unang panahon na gagawin nila. Ngunit nais ko ring pag-isipan ninyo kung ano ang nasusulat sa Kasulatan tungkol sa akin, ang Anak ng Tao. Sinasabi nila na magdurusa ako ng matindi at itatanggi ako ng mga tao.
\s5
\p
\v 14 At nakarating na si Jesus at ang tatlong alagad sa lugar kung saan naroon ang iba pang mga alagad. Nakita nila na pinalilibutan sila ng maraming tao at nakikipagtalo sa mga tagapagturo ng mga batas ng Judio.
\p
\v 15 Labis na nagbigla ang mga tao nang makita si Jesus na dumarating. Tumakbo silang palapit sa kaniya at binati siya.
\p
\v 16 Tinanong sila ni Jesus, "Ano ang inyong pinagtatalunan?"
\s5
\p
\v 17 Isang lalaki mula sa maraming mga tao ang sumagot sa kaniya, "Guro, dinala ko dito ang aking anak upang inyong pagalingin. Mayroong masamang espiritu sa kaniya na pumipigil sa kaniya upang magsalita.
\p
\v 18 Sa tuwing sinasapian siya ng espiritu, itinutumba siya nito. Bumubula ang kaniyang bibig, nagngangalit ang kaniyang mga ngipin, at naninigas. Humingi ako ng tulong sa iyong mga alagad upang palayasin ang espiritu, ngunit hindi nila kayang gawin."
\q
\v 19 Sumagot si Jesus sa pamamagitan ng pagsasalita sa mga tao, "Kayong mga taong walang pananampalataya! Hanggang kailan ko kayo pagtitiisan! Dalhin sa akin ang bata!"
\s5
\p
\v 20 Kaya dinala nila ang batang lalaki kay Jesus. Nang makita ng masamang espiritu si Jesus, pinangisay niya nang matindi ang bata, at natumba ang bata sa lupa. Nagpagulong-gulong ang bata at bumula ang bibig.
\p
\v 21 Tinanong ni Jesus ang ama ng bata, "Kailan pa naging ganito siya?" Sumagot siya, "Bata pa siya nang magsimulang mangyari ito.
\p
\v 22 Hindi lang ito ang ginagawa ng espiritu, itinatapon din niya ng madalas siya sa apoy o sa tubig upang patayin. Maawa ka sa amin at tulungan mo kami kung nais mo!"
\s5
\p
\v 23 Malakas na sumagot si Jesus, "Talagang kaya ko! Kayang gawin ng Diyos ang anumang bagay para sa mga taong nananampalataya sa kaniya!"
\p
\v 24 Sumigaw agad ang ama ng bata, "Naniniwala akong kaya mo akong tulungan, ngunit mahina ang aking pananampalataya. Tulungan mo akong palakasin ang aking pananampalataya!"
\p
\v 25 Nakita ni Jesus na dumarami na ang pangkat ng mga tao. Sinaway niya ang masamang espiritu: "Ikaw na masamang espiritu, ikaw na pumipigil upang hindi makarinig at hindi makapagsalita ang bata! Inuutusan kitang lumabas sa kaniya at hindi na kailanman babalik pa!"
\s5
\p
\v 26 Sumigaw ang masamang espiritu at pinangisay niya ng matindi ang bata. Pagkatapos iniwan na niya ang bata. Hindi gumagalaw ang bata. Nagmistulang bangkay. Kaya sinabi ng karamihang mga taong naroroon, "Patay na siya!"
\q
\v 27 Subalit kinuha ni Jesus ang kamay ng bata at tinulungang tumayo. At tumayo ang bata.
\s5
\p
\v 28 Nang si Jesus at ang kaniyang mga alagad na lamang ang nasa loob ng bahay, nagtanong sila sa kaniya, "Bakit hindi namin kayang palayasin ang masamang espiritu?
\p
\v 29 Sinabi niya sa kanila, "Sa pamamagitan lamang ng panalangin mapapalayas ang ganitong uri ng masamang espiritu. Wala nang iba pang paraan."
\s5
\p
\v 30 At umalis si Jesus at ang kaniyang mga alagad sa sa lugar na iyon, naglakbay sila patungo sa Galilea. Hindi nais ni Jesus na ipaalam kaninuman kung nasaan siya.
\q
\v 31 Nais niyang magkaroon ng panahon upang turuan ang kaniyang mga alagad. Sinabi niya sa kanila, "Darating ang araw na huhulihin ako ng aking mga kaaway, ako na Anak ng Tao, at isusuko ako sa mga kamay ng ibang tao. At papatayin ako ng mga taong iyon. Ngunit sa ikatlong araw ng aking pagkamatay, mabubuhay akong muli."
\p
\v 32 Hindi nila nauunawaan kung ano ang sinasabi niya sa kanila, at takot naman silang magtanong kung ano ang kaniyang ibig sabihin.
\s5
\p
\v 33 At bumalik si Jesus at ang kaniyang mga alagad sa Capernaum. Nang nasa loob sila ng bahay tinanong sila ni Jesus, "Ano ba ang inyong pinag-uusapan habang naglalakbay tayo sa daan?
\p
\v 34 Ngunit hindi sila sumagot. Nahihiya silang sumagot dahil habang naglalakbay sila, nagtatalu-talo sila kung sino sa kanila ang pinakamahalagang tao sa lahat sa panahon ng pagiging hari ni Jesus.
\p
\v 35 Umupo si Jesus at tinawag ang kaniyang labindalawang alagad na lumapit at kaniyang sinabi, "Kung sinuman ang nagnanais na ituring ng Diyos na pinakamahalagang tao sa lahat, dapat ituring niya ang kaniyang sarili na pinakamababa sa lahat ng tao at dapat paglingkuran ang bawat isa.
\s5
\v 36 Pagkatapos kinuha niya ang isang munting bata at pinatayo sa kanilang harapan. Binuhat niya ang bata sa kaniyang mga bisig at sinabi sa kanila,
\v 37 "Sinuman ang tumatanggap sa isang batang katulad nito dahil umiibig sila sa akin, itinuturing ng Diyos na ako ang kanilang tinatanggap. Totoong tinatanggap din nila ang Diyos na nagsugo sa akin."
\s5
\p
\v 38 Sinabi ni Juan kay Jesus, "Guro, nakita namin ang isang taong nagpapalayas ng mga demonyo mula sa mga tao. Sinasabi niya na mayroon siyang kapangyahirang nanggaling sa iyo upang gawin iyon. Pinigilan namin siyang gawin iyon dahil hindi siya kabilang sa mga alagad."
\p
\v 39 Sinabi ni Jesus, "Huwag ninyo siyang pigilan na gawin iyon. Sapagkat walang sinuman ang makapagsasalita ng mga masasamang bagay tungkol sa akin pagkatapos niyang magsagawa ng mga kamangha-manghang bagay gamit ang aking kapangyarihan.
\s5
\p
\v 40 Ang hindi sumasalungat sa atin, sila rin ang tumutulong sa atin na makamtan ang iisang layunin.
\p
\v 41 Tiyak na gagantimpalaan ng Diyos ang sinumang tumutulong sa inyo sa anumang paraan, kahit ang magbigay lamang sa inyo ng isang basong tubig upang inumin dahil sinusunod ninyo ako, ang Mesiyas!"
\s5
\p
\v 42 Sinabi din ni Jesus, "Ngunit kung kayo ang magiging dahilan upang magkasala ang sinumang nananampalataya sa akin, parurusahan kayo ng labis-labis ng Diyos, kahit pa hindi mahalaga ang taong iyon sa lipunan tulad nitong maliit na bata. Mas mainam pa para sa inyo kung may nagtali sa inyong leeg ng isang mabigat na bato at itapon kayo sa dagat kaysa parusahan kayo ng Diyos dahil sa inyong kagagawan na nagkakasala ang mga taong nananampalataya sa akin.
\v 43 Kaya kung ninanais ninyong gamitin ang isa ninyong kamay para sa kasalanan, huwag ninyo itong gawin! Kung kailangan putulin ninyo ang inyong kamay at itapon sa malayo para lamang umiwas sa kasalanan, gawin ninyo ito! Mas mabuti na mabubuhay kayo magpakailanman, kahit kulang kayo ng isang kamay habang nasa mundong ito. Ngunit hindi mabuti na nagkakasala kayo at ito ang magiging sanhi na itapon ng Diyos ang inyong buong katawan sa impiyerno
\p
\v 44 (na kung saan hindi humihintong kainin sila ng mga uod sa at ang apoy na sumusunog sa kanila ay hindi natutupok)."
\s5
\v 45 Kung ninanais ninyong gamitin ang isa ninyong paa sa kasalanan, huwag ninyo itong gawin! Kung kailangang putulin ninyo ang inyong paa para lamang umiwas sa kasalanan, gawin ninyo ito! Mas mabuti na mabubuhay kayo magpakailanman kahit kulang kayo ng isang paa habang nasa mundong ito. Ngunit hindi mabuti na nagkakasala kayo at itatapon ng Diyos ang inyong buong katawan sa impyerno dahil sa inyong kasalanan.
\p
\v 46 (na kung saan hindi humihintong kainin sila ng mga uod sa at ang apoy na sumusunog sa kanila ay hindi natutupok)."
\s5
\v 47 Kung natutukso kayong gumawa ng kasalanan dahil sa inyong mga nakikita, huwag na kayong tumingin pa doon! Kung kailangan dukutin ninyo ang inyong mata at itapon sa malayo para lamang umiwas sa kasalanan, gawin ninyo ito! Mas maganda na iisa lang ang inyong mata at pinaghaharian kayo ng Diyos kaysa sa itapon niya kayo sa impyerno na may dalawang mata.
\v 48 Sa lugar na iyon kinakain ng mga uod ang mga tao magpakailanman at hindi namamatay ang mga apoy."
\s5
\v 49 "Sapagkat maglalagay ang Diyos ng apoy sa bawat isa, katulad ng paglalagay ng mga tao ng asin sa kanilang mga pagkain.
\p
\v 50 Kapaki-pakinabang ang asin sa pagkain ngunit hindi mo kaya itong paalating muli kung mawawala na ang lasa. Gumawa kayo ng kabutihan sa bawat isa, tulad ng asin na nagbibigay ng lasa sa pagkain."
\s5
\c 10
\p
\v 1 Umalis si Jesus sa lugar na iyon kasama ang kaniyang mga alagad, pumasok sila sa distrito ng Judea at sa kabilang silangang bahagi ng Ilog ng Jordan. Nang muling nagtipun-tipon ang napakaraming tao sa palibot niya, tinuruan muli sila ni Jesus gaya ng kinagawian niyang gawin.
\p
\v 2 Habang tinuturuan niya ang mga tao, lumapit sa kaniya ang ilan sa mga Pariseo at tinanong siya, "Pinahihintulutan ba ng ating batas na hiwalayan ng isang lalaki ang kaniyang asawa?" Tinanong nila iyon kay Jesus upang pintasan siya kung sasagot siya ng "Oo" o "Hindi."
\p
\v 3 Sumagot si Jesus sa kanila, "Ano ang iniutos ni Moises sa inyong mga ninuno tungkol dito?"
\p
\v 4 Sumagot ang isa sa mga Pariseo, "Pinayagan ni Moises na maaaring isulat ng isang lalaki sa papel ang kaniyang dahilan kung bakit hiwalayan niya ang kaniyang asawa, ibigay ang papel na ito sa babae, pagkatapos paaalisin na niya ang kaniyang asawa."
\s5
\p
\v 5 Sinabi ni Jesus sa kanila, "Dahil sa katigasan ng ulo ng inyong mga ninuno, nais nilang paalisin ang kanilang mga asawa. Kaya isinulat ni Moises ang batas na iyon.
\p
\v 6 Ngunit nang unang likhain ng Diyos ang mga tao, ginawa niya silang lalaki at babae."
\s5
\p
\v 7 Iyon ang nagpapaliwanag kung bakit sinabi ng Diyos na, "Kapag nagpakasal ang isang lalaki, kailangan niyang iwanan ang kaniyang mga magulang at makiisa sa kaniyang asawa.
\p
\v 8 Dapat silang ganap na magka-isa na parang iisang tao. At ang dalawang tao ay magiging kagaya ng isang tao."
\p
\v 9 Dahil iyon ang totoo, hindi dapat humiwalay ang lalaki sa kaniyang asawa. Pinag-isa sila ng Diyos at nais niyang manatili silang magkasama.
\s5
\p
\v 10 Nang si Jesus lamang at ang kaniyang mga alagad ang naiwan sa bahay, muli siyang tinanong ng kaniyang mga alagad tungkol dito.
\p
\v 11 Sinabi ni Jesus sa kanila, "Sinumang lalaki ang makipaghiwalay sa kaniyang asawa at mag-asawa ng ibang babae ay ituturing ng Diyos na nangangalunya.
\p
\v 12 At sinumang babae ang makipaghiwalay sa kaniyang asawa at mag-asawa ng ibang lalaki ay ituturing ng Diyos na nangangalunya."
\s5
\p
\v 13 Dinadala ng mga tao ang kanilang mga anak kay Jesus upang hawakan niya at pagpalain sila. Ngunit pinagalitan ng mga alagad ang mga taong iyon.
\p
\v 14 Nagalit si Jesus nang makita niya iyon. Sinabi niya sa mga alagad, "Payagang pumunta sa akin ang mga bata! Huwag ninyo silang pagbawalan! Ang mga taong mayroong katangiang tulad ng mga bata ang siyang pinapayagan ng Diyos na pagharian.
\s5
\p
\v 15 Tandaan ito, ang sinumang hindi tumanggap sa Diyos bilang kanilang hari, tulad ng pamamaraan ng isang bata, tiyak na hindi sasang-ayon ang Diyos na pagharian sila.
\p
\v 16 At niyakap ni Jesus ang mga bata. Ipinatong din niya ang kaniyang mga kamay sa kanila at hiniling sa Diyos na gawin ang mabuti sa kanila.
\s5
\p
\v 17 Nang muling maglakbay si Jesus kasama ang kaniyang mga alagad, isang lalaki ang tumakbo papunta sa kaniya. Lumuhod siya sa harapan ni Jesus at tinanong siya, "Mabuting guro, ano ang dapat kong gawin upang magkaroon ng buhay na walang hanggan?"
\p
\v 18 Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Bakit mo ako tinawag na mabuti? Diyos lamang ang siyang mabuti!
\p
\v 19 Ngunit upang sagutin ang iyong katanungan, alam mo ang mga kautusan ni Moises, 'Huwag kang papatay, huwag kang mangangalunya, huwag kang magnakaw, huwag kang magpatotoo ng kasinungalingan, huwag kang mandaraya at igalang mo ang iyong ama at ina'."
\s5
\p
\v 20 Sinabi ng lalaki kay Jesus, "Guro, sinunod ko ang lahat ng mga kautusang iyon magmula noong bata pa ako."
\p
\v 21 Tumingin sa kaniya si Jesus at minahal siya. Sinabi ni Jesus sa kaniya, "May isang bagay na hindi mo pa nagagawa. Kailangan mong umuwi sa iyong bahay, ibenta mo ang lahat ng iyong mga pag-aari at ibigay ang pera sa mga taong mahihirap. Sa gayon, magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos mong gawin ang mga sinabi ko sa iyo, halika at sumunod sa akin.
\p
\v 22 Nalungkot ang lalaki nang marinig ang mga sinabi ni Jesus. Umalis siyang malungkot dahil napakayaman niya.
\s5
\p
\v 23 Tumingin si Jesus sa mga taong nakapaligid. At sinabi niya sa kaniyang mga alagad, "Napakahirap para sa mga mayayamang tao ang sumang-ayon na pagharian sila ng Diyos."
\p
\v 24 Nalito ang mga alagad dahil sa sinabi niya. Muling sinabi ni Jesus, "Mahal kong mga kaibigan, napakahirap ito para sa sinuman na sumang-ayon upang pagharian sila Diyos.
\p
\v 25 Sa katunayan, mas madali pa sa isang malaking hayop tulad ng kamelyo na makapasok sa butas ng karayom kaysa sa isang mayamang tao na tanggapin ang Diyos na maghari sa kanila."
\s5
\p
\v 26 Labis na nagtaka ang mga alagad. Kaya sinabi nila sa isa't isa, "Kung gayon, wala ni isa mang maliligtas!"
\p
\v 27 Tumingin si Jesus sa kanila at sinabi, "Oo, hindi maaaring iligtas ng mga tao ang kanilang sarili! Ngunit tiyak na ililigtas sila ng Diyos dahil magagawa ng Diyos ang anumang bagay!"
\p
\v 28 Sinabi ni Pedro, "Tingnan mo, iniwan namin ang lahat at sumunod kami sa iyo."
\s5
\p
\v 29 Sumagot si Jesus, "Gusto kong malaman ninyo ito, sa mga nag-iwan ng kanilang bahay, mga kapatid, ama, ina, mga anak o mga lupain upang maging alagad ko at upang ipangaral ang magandang balita,
\p
\v 30 makatatanggap sila sa buhay na ito ng isang daang beses pa sa kanilang mga iniwan. Kasama dito ang mga bahay, at mga taong minamahal tulad ng mga kapatid, mga ina, mga anak at mga lupain. Bukod dito, kahit usigin sila ng mga tao dito sa mundo dahil naniniwala sila sa akin, sa darating na panahon magkakaroon sila ng buhay na walang hanggan.
\p
\v 31 Ngunit binabalaan ko kayong lahat. Marami sa mga tao ngayon na itinuturing ang kanilang sarili na napakahalaga ang magiging walang halaga sa darating na panahong iyon. At marami sa mga tao ngayon na itinuturing ang kanilang sarili na hindi mahalaga ang magiging napakahalaga sa darating na panahong iyon!"
\s5
\p
\v 32 Makalipas ang ilang araw habang patuloy sila sa paglalakbay, naglalakad si Jesus at ang kaniyang mga alagad sa daan patungo sa Jerusalem. Nauuna sa kanilang naglalakad si Jesus. Namangha ang mga alagad at natakot ang ibang taong kasama nila. Habang nasa daan, dinala ni Jesus ang labindalawang alagad sa isang tabi kung saan sila-sila lang. Pagkatapos, muli niyang sinabi sa kanila ang tungkol sa mangyayari sa kaniya. Sinabi ni Jesus,
\p
\v 33 "Makinig kayong mabuti! Pupunta tayo sa Jerusalem. Ako na Anak ng Tao ay dadakipin doon ng mga punong pari at mga nagtuturo ng batas. Ipahahayag nila na dapat akong mamatay. Pagkatapos dadalhin nila ako sa mga may kapangyarihang Romano.
\p
\v 34 Kukutyain at duduraan ako ng mga tao. Papaluin at pagkatapos ay papatayin nila ako. Ngunit sa ikatlong araw matapos iyon, muli akong mabubuhay!"
\s5
\p
\v 35 Habang nasa daan, nilapitan nina Santiago at Juan na anak ni Zebedeo si Jesus at sinabi sa kaniya, "Guro, gusto naming gawin mo ang isang bagay para sa amin!"
\p
\v 36 Sinabi ni Jesus sa kanila, "Anong gusto ninyong gawin ko para sa inyo?"
\p
\v 37 Sinabi nila sa kaniya, "Kapag naghari ka sa iyong kaharian, hayaan mong umupo ang isa sa amin sa iyong kanang bahagi at ang isa sa iyong kaliwang bahagi."
\s5
\p
\v 38 Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, "Hindi ninyo naiintindihan ang inyong hinihiling!" At tinanong sila ni Jesus, "Matitiis ba ninyo ang paghihirap na aking mararanasan, matitiis ba ninyong patayin kayo tulad kung paano nila ako papatayin?
\p
\v 39 Sinabi nila sa kaniya, "Oo, kaya naming gawin iyon!" Sinabi ni Jesus sa kanila, "Totoong matitiis ninyo ang paghihirap tulad na aking mararanasan at matitiis ninyo na patayin kayo tulad nang kung paano nila ako papatayin."
\p
\v 40 Ngunit hindi ako ang pipili kung sino ang uupo sa aking tabi. Diyos lamang ang magbibigay ng mga lugar na iyon sa mga taong pinili na niya noong una pa."
\s5
\v 41 Hindi nagtagal, narinig ng iba pang sampung alagad ang tungkol sa hinihiling nina Santiago at Juan. Kaya sinabi nila na hindi sila nasiyahan sa hiniling ng dalawang alagad.
\v 42 Pagkatapos, tinawag ni Jesus ang lahat ng mga alagad at sinabi, "Alam ninyo na nasisiyahan ang mga hari at ang iba pang namumuno sa mga tao sa pagpapakita na makapangyarihan sila. Alam din ninyong nasisiyahan ang kanilang mga opisyal na inuutusan ang ibang tao.
\s5
\p
\v 43 Ngunit huwag kayong gumaya sa kanila! Sa halip, sinuman sa inyo ang magnanais na ituring siya ng Diyos na dakila ay dapat maging tagapaglingkod ng iba sa inyo.
\p
\v 44 At kung sinuman sa inyo ang magnanais na ituring siya ng Diyos na pinakamahalaga ay dapat maging alipin sa inyo.
\v 45 Ako na Anak ng Tao ay hindi pumarito upang paglingkuran. Sa halip, pumarito ako upang maglingkod at upang palayain ang maraming tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng aking buhay para sa kanila."
\s5
\p
\v 46 Sa daan patungong Jerusalem, nakarating si Jesus at ang mga alagad niya sa Jerico. Habang umaalis sila sa Jerico kasama ang napakaraming tao, isang bulag na lalaki na palaging humihingi ng pera ang nakaupo sa tabi ng daan. Bartimaeus ang kaniyang pangalan at Timaeus ang pangalan ng kaniyang ama.
\v 47 Nang marinig niya ang sinabi ng mga tao na dumaraan si Jesus na taga-Nazaret, sumigaw siya, "Jesus! Ang Mesiyas na nagmula sa lahi ni Haring David, maawa ka sa akin!"
\p
\v 48 Pinagalitan siya ng maraming tao at sinabing tumahimik siya. Ngunit lalo pa siyang sumigaw, "Ikaw ang Mesiyas na nagmula sa lahi ni Haring David, maawa ka sa akin!"
\s5
\p
\v 49 Huminto si Jesus at sinabi, "Tawagin ninyo at papuntahin dito" Tinawag nila ang bulag na lalaki at sinabi, "Tinatawag ka ni Jesus! Kaya halika, tumayo ka at magsaya!"
\v 50 Lumuluksong inihagis niya ang kaniyang balabal sa tabi at lumapit kay Jesus.
\s5
\p
\v 51 Tinanong siya ni Jesus, "Ano ang nais mong gawin ko para sa iyo?" Sinabi ng bulag sa kaniya, "Guro, gusto kong muling makakita!"
\p
\v 52 Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Pinagagaling na kita dahil nananampalataya ka sa akin. Kaya maaari ka ng umalis!" Kaagad na nakakita ang bulag. At sumama siya kay Jesus sa daan.
\s5
\c 11
\p
\v 1 Nang malapit na sa Jerusalem si Jesus at ang kaniyang mga alagad, dumating sila sa Betfage at Betania malapit sa Bundok ng Olibo. Tinawag ni Jesus ang dalawa sa kaniyang mga alagad
\p
\v 2 at sinabi sa kanila, "Pumunta kayo doon sa susunod na nayon. Pagkapasok ninyo doon, makakakita kayo ng isang batang bisiro na nakatali na hindi pa kailanman nasakyan. Kalagan ninyo iyon at dalhin ninyo sa akin.
\p
\v 3 Kung sinuman ang magsasabi sa inyo, 'Bakit ninyo ginagawa iyan?' sabihin ninyo, 'Kailangan itong gamitin ng Panginoon. Ipababalik niya ito dito sa oras na hindi na niya ito kailangan.' "
\s5
\p
\v 4 Kaya umalis ang dalawang alagad at nakita ang isang batang bisiro. Nakatali ito malapit sa pintuan ng isang bahay na nasa tabi ng kalye. Kinalagan nila ito.
\p
\v 5 Sinabi sa kanila ng ilang tao na nandoon, "Bakit ninyo kinakalagan ang bisirong iyan?"
\p
\v 6 Sinabi nila ang sinabi sa kanila ni Jesus. Kaya pinahintulutan silang dalhin ang bisiro.
\s5
\p
\v 7 Dinala ng dalawang alagad ang bisiro kay Jesus at inilagay ang kanilang mga balabal para may maupuan siya.
\p
\v 8 Maraming tao ang naglatag ng kanilang mga balabal sa daraanan niya. Ang iba ay nagputol ng mga sanga mula sa mga puno ng palmera sa kalapit na bukirin at inilatag ito sa daanan.
\p
\v 9 Isinisigaw ng mga taong nasa unahan at likuran niya ang, "Purihin ang Diyos!" "Pagpalain nawa ang dumarating na may kapangyarihan."
\p
\v 10 "Pagpalain ka sana kapag namuno ka gaya ng aming ninunong si Haring David!" "Purihin ang Diyos na nasa pinakamataas na kalangitan!"
\s5
\q
\v 11 Pumasok sa Jerusalem si Jesus kasama nila, at tumuloy siya sa patyo ng templo. Pagkatapos niyang tingnan ang palibot at ang lahat ng bagay doon, umalis siya sa lungsod dahil magtatakip-silim na. Bumalik siya sa Betania kasama ng labindalawang alagad.
\p
\v 12 Kinabukasan, nakaramdam ng gutom si Jesus habang paalis siya ng Betania kasama ang kaniyang mga alagad.
\s5
\p
\v 13 Nakita niya mula sa malayo ang isang puno ng igos na puno ng mga dahon, kaya lumapit siya upang tingnan kung makakahanap siya ng mga igos dito. Ngunit nang makarating siya dito, wala siyang nakitang bunga, dahil hindi pa panahon upang mamunga ang mga igos.
\p
\v 14 Sinabi niya sa puno, "Wala nang sinuman ang makakakain muli mula sa iyo." At narinig ito ng mga alagad.
\s5
\p
\v 15 Bumalik si Jesus at ang kaniyang mga alagad sa Jerusalem at pumasok sa patyo ng templo. Nakita niya ang mga taong nagbebenta at bumibili ng mga hayop para sa pag-aalay. Hinabol niya ang mga tao mula sa patyo ng templo. Tinaob din niya ang mga lamesa ng mga nagbebenta ng pera ng buwis ng templo kapalit ng barya ng Romano. Itinaob din niya ang mga upuan ng mga kalalakihang nagbebenta ng mga kalapati na pang-alay.
\p
\v 16 Hindi niya pahihintulutang makapasok sa lugar ng templo ang kahit na sino na magdadala ng kahit na ano para ibenta.
\s5
\p
\v 17 Pagkatapos, habang tinuturuan niya ang mga tao, sinabi niya sa kanila, "Nakasulat sa Kasulatan na sinabi ng Diyos, 'Gusto ko na ang aking bahay ay maging bahay kung saan ang mga tao mula sa lahat ng mga bansa ay maaaring manalangin,' ngunit kayong mga tulisan, ginawa ninyo itong parang kweba kung saan nagtatago ang mga magnanakaw."
\p
\v 18 Nabalitaan ng mga punong pari at ng mga kalalakihang nagtuturo ng mga batas ng Judio ang ginawa ni Jesus. Nagpaplano sila kung paano nila siya maaaring mapatay, ngunit kinatatakutan nila si Jesus dahil napagtanto nila kung gaano namangha ang mga tao sa mga itinuturo niya.
\p
\v 19 Tuwing gabi, umaalis ng lungsod si Jesus at ang kaniyang mga alagad.
\s5
\p
\v 20 Kinabukasan, habang naglalakad sila sa daanan patungong Jerusalem, nakita nilang nalanta ng tuluyan ang puno ng igos na isinumpa ni Jesus.
\p
\v 21 Naalala ni Pedro ang sinabi ni Jesus sa puno ng igos at sinabi niya, "Guro, tingnan mo! Nalanta ang puno ng igos na isinumpa mo!"
\s5
\p
\v 22 Sumagot si Jesus, "Magtiwala kayo sa Diyos!"
\p
\v 23 Tandaan din ninyo ito: Kung sinuman ang magsasabi sa bundok na ito, 'Umangat ka, at maihagis sa dagat!' at kung hindi siya nagdududa na mangyayari iyon, ibig sabihin, naniniwala siya na iyon ay mangyayari, gagawin iyon ng Diyos para sa kaniya.
\s5
\p
\v 24 Kaya sinasabi ko sa iyo, sa tuwing hihiling ka sa Diyos ng isang bagay kapag nananalangin ka, maniwala kang matatanggap mo ito, at kung naniwala ka, gagawin iyon ng Diyos para sa iyo.
\p
\v 25 Ngayon, sasabihin ko rin ito sa inyo: Sa tuwing kayo ay mananalangin, kung mayroon kang sama ng loob laban sa ibang tao dahil nasaktan ka nila, patawarin mo sila, upang ang inyong Ama sa langit ay patatawarin din ang inyong mga kasalanan."
\p
\v 26 (Ngunit kung hindi kayo magpapatawad, hindi rin patawarin ng inyong Amang nasa langit ang inyong mga kasalanan.)
\s5
\p
\v 27 Nakarating muli si Jesus at ang kaniyang mga alagad sa patyo ng templo sa Jerusalem. Habang naglalakad si Jesus doon, ang lumapit sa kaniya ang isang pangkat na binubuo ng mga punong pari, ilang mga kalalakihan na nagtuturo ng mga batas ng mga Judio, at mga nakatatanda.
\p
\v 28 Sinabi nila sa kaniya, "Sa anong kapangyarihan mo ginagawa ang mga bagay na ito? Sino ang nagbigay sa iyo ng kapangyarihan na gawin ang mga bagay na gaya ng ginawa mo dito kahapon?"
\s5
\p
\v 29 Sinabi ni Jesus sa kanila, "Mayroon akong itatanong sa inyo. Kung sasagutin ninyo ako, sasabihin ko sa inyo kung sino ang nagbigay sa akin ng kapangyarihang gawin ang mga bagay na iyon.
\p
\v 30 Ang Diyos ba ang nagbigay ng kapangyarihan kay Juan para bautismuhan ang mga taong lumapit sa kaniya? O ang mga tao ba ang nagbigay sa kaniya ng kapangyarihan?"
\s5
\p
\v 31 Nagtalo sila sa kanilang mga sarili kung ano ang dapat nilang isagot. Sinabi nila sa isa't isa, "Kung sasabihin natin na ang Diyos ang nagbigay sa kaniya ng kapangyarihan, sasabihin niya sa atin, 'Dapat naniwala kayo sa sinabi ni Juan!'
\p
\v 32 Sa kabilang banda, kung sasabihin nating ang tao ang nagbigay ng kapangyarihan kay Juan, ano ngayon ang mangyayari sa atin?" Natatakot silang sabihin ang tungkol kay Juan dahil alam nila na magagalit ang mga tao sa kanila. Alam nila na ang lahat ng mga tao ay tunay na naniniwala na si Juan ay isang propeta na isinugo ng Diyos.
\p
\v 33 Kaya sinagot nila si Jesus, "Hindi namin alam kung kanino natanggap ni Juan ang kapangyarihan niya." At sinabi ni Jesus sa kanila, "Dahil hindi ninyo sinagot ang aking tanong, hindi ko sasabihin sa inyo kung sino ang nagbigay sa akin ng kapangyarihang gawin ang mga bagay na ginawa ko dito kahapon."
\s5
\c 12
\p
\v 1 Pagkatapos nagsimulang magsabi sa kanila si Jesus ng isang talinghaga. Sinabi niya, "Isang lalaki ang nagtanim sa ubasan. Nagtayo siya ng bakod sa paligid nito. Gumawa siya ng batong imbakan upang ipunin ang katas ng ubas. Nagtayo rin siya ng tore upang maupo roon ang isang taong magbabantay sa kaniyang ubasan. Pinaupahan niya ang ubasan sa mga tagapagtanim upang bungkalin ito at pagkatapos pumunta siya sa ibang bayan.
\p
\v 2 Nang dumating ang araw upang anihin ang mga ubas, nagpadala siya ng isang lingkod sa mga taong nag-aalaga sa ubasan upang tanggapin mula sa kanila ang bahagi ng mga ubas na kanilang naani.
\q
\v 3 Ngunit nang dumating ang kaniyang lingkod, sinunggaban nila, binugbog at hindi siya binigyan ng anumang bunga. Pagkatapos pinalayas nila ito.
\s5
\p
\v 4 Hindi nagtagal, nagpadala sa kanila ang may-ari ng isa pang lingkod. Ngunit hinampas nila sa ulo ang taong ito at labis siyang sinaktan, na dapat nilang ikahiya.
\p
\v 5 Hindi nagtagal, nagpadala pa siya ng isa pang lingkod. Pinatay ng mga tagapagtanim ang taong iyon. Nilapastangan din nila ang marami pang lingkod na ipinadala niya. Binugbog nila ang ilan at pinatay ang iba pa.
\s5
\p
\v 6 Mayroon pang isang taong kasama ang may-ari, ang kaniyang anak na labis niyang minamahal. Kaya ipinadala niya sa kanila ang kaniyang anak dahil naisip niyang igagalang nila siya.
\q
\v 7 Ngunit nang makita ng mga tagapagtanim na dumarating ang kaniyang anak, sinabi nila sa isa't isa, 'Tingnan ninyo, dumarating ang anak ng may-ari na balang araw ay magmamana ng ubasan! Kaya halikayo, patayin natin siya upang mapasaatin ang ubasang ito!"
\s5
\q
\v 8 Sinunggaban nila ang anak ng may-ari at pinatay siya. Pagkatapos, itinapon nila ang kaniyang katawan sa labas ng ubasan.
\p
\v 9 Alam ba ninyo kung ano ang gagawin ng may-ari ng ubasan? Pupunta siya at papatayin ang mga masasamang taong nag-aalaga sa kaniyang ubasan. Pagkatapos makikipagkasundo siya sa ibang mga tao upang alagaan ito.
\s5
\p
\v 10 Ngayon, pag-isipang mabuti ang tungkol sa mga salitang ito na inyong nabasa sa Banal na Kasulatan: "Tumanggi ang mga nagtatayo ng gusali na gamitin ang batong-panulukan. Ngunit inilagay ng Panginoon ang batong iyon sa dapat nitong kalagyan at ito ang naging pinakamahalagang bato sa gusali!
\p
\v 11 Ginawa ito ng Panginoon at namangha kami habang tinitingnan namin ito."
\p
\v 12 Pagkatapos napagtanto ng mga pinuno ng Judio na pinaparatangan sila ni Jesus nang sabihin niya ang kuwentong ito tungkol sa ginawa ng mga masasamang tao. Kaya nais nilang dakipin siya. Ngunit natatakot sila sa maaaring gawin ng maraming tao kapag ginawa nila iyon. Kaya umalis sila at iniwan si Jesus.
\s5
\p
\v 13 Nagpadala ang mga pinuno ng mga Judio kay Jesus ng ilang mga Pariseo at ng ilang kasapi ng partidong tumutulong kay Herodes Antipas at sa pamahalaang Romano. Nais nilang linlangin si Jesus, nais nilang makapagsabi siya ng kamalian, upang maipakita nila sa mga tao na mali ang mga bagay na kaniyang itinuturo at ilagay siya sa kahihiyan sa harapan ng Pamahalaan ng mga Romano
\p
\v 14 Nang makarating sila sinabi nila kay Jesus, "Guro, alam namin na itinuturo ninyo ang katotohanan. Alam din namin na hindi kayo nag-aalala sa sinasabi ng mga tao tungkol sa inyo, kahit pa hindi nagugustuhan ng isang mahalagang tao ang inyong sinabi. Sa halip, totoong itinuturo ninyo ang nais ng Diyos na gawin namin. Kaya sabihin mo sa amin ang iyong iniisip tungkol sa mga bagay na ito. Nararapat bang magbayad kami ng buwis sa pamahalaang Romano o hindi? Dapat ba kaming magbayad ng buwis o hindi kami dapat magbayad ng mga ito?"
\p
\v 15 Alam ni Jesus na hindi talaga nila gustong malaman ang nais ipagawa ng Diyos sa kanila. Kaya sinabi niya sa kanila, "Alam kong sinusubukan lamang ninyong makapagsabi ako ng kamalian upang maparatangan ninyo ako. Ngunit sasagutin ko pa rin ang inyong katanungan. Magdala kayo sa akin ng barya upang matingnan ko ito."
\s5
\p
\v 16 Matapos silang makapagdala ng barya, tinanong niya sila, "Kaninong larawan ang nasa baryang ito? At kaninong pangalan ang narito?" Sumagot sila "Larawan at pangalan ito ni Caesar."
\p
\v 17 Sinabi ni Jesus sa kanila, "Tama iyan, kaya ibigay kay Cesar kung ano ang para sa kaniya, at ibigay sa Diyos ang para sa kaniya." Labis silang namangha sa kaniyang sinabi.
\s5
\p
\v 18 Itinatanggi ng mga lalaking kabilang sa pangkat ng mga Saduceo ang pinaniniwalaan ng ibang mga Judio, na muling mabubuhay ang mga tao matapos silang mamatay. Lumapit kay Jesus ang ilang mga Saduceo at tinanong siya,
\p
\v 19 "Guro, isinulat ni Moises para sa ating mga Judio na kung mamatay ang lalaking walang anak, dapat pakasalan ng kaniyang kapatid ang naiwang asawa ng lalaking namatay. Pagkatapos kung magkaroon ng mga anak ang dalawang iyon, ituturing ng lahat na ang mga anak na iyon ay mga anak ng lalaking namatay at sa paraang iyon magpapatuloy ang lahi ng lalaking namatay.
\s5
\p
\v 20 Narito ang isang halimbawa. Mayroong pitong magkakapatid na lalaki sa isang pamilya. Nakapangasawa ang panganay ngunit siya at ang kaniyang asawa ay hindi nagkaroon ng anak. Pagkatapos namatay rin ang lalaki.
\p
\v 21 Pinakasalan din ng ikalawang kapatid ang babaeng iyon ngunit hindi rin sila nagkaroon ng anak. Pagkatapos namatay rin ang lalaki. Ginawa rin ng ikatlo kung ano ang ginawa ng kaniyang ibang mga kapatid. Ngunit hindi rin siya nagkaroon ng anak at hindi nagtagal namatay rin siya.
\p
\v 22 Sa huli, isa-isang napangasawa ng pitong magkakapatid ang babae ngunit wala ni isa man sa kanila ang nagkaroon ng anak at isa-isa silang namatay. Pagkatapos namatay rin ang babae.
\p
\v 23 Ngayon, sa araw na muling mabubuhay ang mga tao matapos silang mamatay, sino ang magiging asawa ng babaeng ito? Tandaan na napangasawa siya ng pitong magkakapatid!"
\s5
\p
\v 24 Sinagot sila ni Jesus, "Nagkakamali kayo! Hindi ninyo alam kung ano ang kanilang isinulat sa Kasaluatan tungkol dito. Hindi rin ninyo nauunawaan ang kapangyarihan ng Diyos upang buhaying muli ang mga tao.
\p
\v 25 Hindi na magiging asawa ng sinuman sa pitong magkakapatid ang babaeng iyon, dahil kapag muling nabuhay ang mga tao, sa halip na mag-aasawa ang mga tao, magiging tulad sila ng mga anghel sa langit. Hindi nag-aasawa ang mga anghel.
\s5
\p
\v 26 Ngunit hayaan ninyong magbanggit ako ng mga taong nabuhay muli matapos silang mamatay. Sa aklat na isinulat ni Moises, isinulat niya ang tungkol sa mga taong namatay. Natitiyak kong nabasa na ninyo ito. Habang nakatingin si Moises sa nagliliyab na mababang puno, sinabi ng Diyos sa kaniya, 'Ako ang Diyos na sinasamba ni Abraham, Isaac at Jacob.'
\p
\v 27 Ngayon, hindi mga taong patay ang sumasamba sa Diyos. Mga buhay na tao ang sumasamba sa kaniya. Kaya labis kayong nagkakamali nang sabihin ninyong hindi na muling mabubuhay ang mga taong patay."
\s5
\q
\v 28 Narinig ng lalaking nagtuturo ng mga batas ng Judio ang kanilang pag-uusap. Alam niyang napakahusay na sinagot ni Jesus ang katanungan ng mga Saduceo. Kaya lumapit siya at tinanong si Jesus, "Alin ang pinakamahalaga sa mga kautusan?"
\p
\v 29 Sumagot si Jesus, "Ang pinakamahalagang kautusan ay ito, 'Makinig, O Israel! Ang Panginoong ating Diyos ay iisang Panginoon.
\p
\v 30 Dapat ninyong ibigin ang Panginoon ninyong Diyos sa lahat ng inyong nais at nararamdaman, sa lahat ng inyong iniisip at sa lahat ng inyong ginagawa.'
\p
\v 31 Ito ang sunod na pinakamahalagang kautusan, 'Dapat ninyong ibigin ang mga tao sa paligid ninyo gaya ng pag-ibig ninyo sa inyong sarili.' Wala nang iba pang kautusan na mas mahalaga kaysa sa dalawang ito!"
\s5
\p
\v 32 Sinabi ng lalaki kay Jesus, "Guro, mahusay ang iyong kasagutan. Tama ang iyong sinabi na nag-iisa lamang ang Diyos at wala nang ibang Diyos maliban sa kaniya.
\p
\v 33 Tama rin ang iyong sinabing dapat naming ibigin ang Diyos sa lahat ng aming nais at nararamdaman, sa lahat ng aming iniisip at sa lahat ng aming ginagawa. At tama rin ang iyong sinabing dapat naming ibigin ang mga taong aming nakikilala, gaya ng aming pag-ibig sa aming sarili. At tama rin ang iyong sinabi na higit na nakalulugod sa Diyos ang paggawa ng mga bagay na ito kaysa sa pag-aalay sa kaniya ng mga hayop at sa pagsunog ng ibang mga alay."
\p
\v 34 Napagtanto ni Jesus na matalino siyang nasagot ng lalaking ito. Kaya sinabi niya sa kaniya, "Malapit ka sa punto kung saan sasang-ayon ang Diyos na pagharian ka". Matapos iyon, natakot nang magtanong ang mga pinuno ng mga Judio ng anumang katanungang tulad nito upang linlangin siya.
\s5
\p
\v 35 Maya-maya pa, habang nagtuturo si Jesus sa templo, sinabi niya sa mga tao, "Nagkakamali ang mga taong ito na nagtuturo ng batas ng mga Judio nang sabihin nilang ang Cristo ay isa lamang taong nagmula sa lahi ni Haring David!
\p
\v 36 Nagsalita si David tungkol kay Cristo sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, 'Sinabi ng Diyos sa aking Panginoon, "Umupo ka rito sa aking tabi sa aking kanang kamay, sa banda kung saan labis kitang pararangalan nang higit kaysa sinuman. Umupo ka rito habang ganap kong tinatalo ang iyong mga kaaway!"
\p
\v 37 Samakatwid, dahil tinawag mismo ni David ang Cristo na 'aking Panginoon,' hindi maaaring isang tao lamang ang Cristo na nagmula sa lahi ni Haring David! Higit siyang dakila kaysa kay David!" Masayang nakinig sa kaniya ang napakaraming tao nang itinuturo niya ang mga bagay na ito.
\s5
\p
\v 38 Habang tinuturuan ni Jesus ang mga tao, sinabi niya sa kanila, "Mag-ingat na hindi kayo kumilos tulad ng mga taong nagtuturo ng ating mga batas. Nais nilang parangalan sila ng mga tao kaya nagsusuot sila ng mahahabang mga balabal at naglilibot upang ipakita sa mga tao kung gaano sila kahalaga. Nais din nilang batiin sila ng mga tao na may kasamang paggalang sa mga pamilihan.
\p
\v 39 Nais nilang umupo sa mga pinakamahahalagang upuan sa mga sinagoga. Sa mga kapistahan, umuupo sila sa mga upuan kung saan umuupo ang mga taong kagalang-galang.
\v 40 Inaangkin nila ang mga bahay at ari-arian ng mga balo sa pamamagitan ng pandaraya sa kanila. Pagkatapos, nagkukunwari silang mabuti sa pamamagitan ng pananalangin ng mahahabang panalangin sa harapan ng mga tao. Tiyak na parurusahan sila ng matinding ng Diyos!"
\s5
\p
\v 41 Maya-maya pa, umupo si Jesus sa lugar sa templo sa tapat ng kahon kung saan naglalagay ang mga tao ng mga kaloob. Habang nakaupo siya roon, pinagmamasdan niya ang mga tao habang naglalagay sila ng pera sa isa sa mga kahon. Maraming mayayamang tao ang naglalagay ng malalaking halaga.
\v 42 At isang balo ang dumating at naglagay ng dalawang maliliit na baryang tanso na napakababang ang halaga.
\s5
\p
\v 43-44 Tinipon ni Jesus ang kaniyang mga alagad at sinabi sa kanila, "Sa katunayan, ang mga taong iyon ay mayroong napakaraming pera ngunit nagbigay lamang sila ng maliit na bahagi. Ngunit inilagay ng babaeng ito na napakahirap ang lahat ng perang mayroon siya na pangbayad niya sana sa mga bagay na kailangan niya ngayong araw. Kaya naglagay sa kahon ang mahirap na balong ito ng higit na pera kaysa sa lahat ng iba pa!"
\s5
\c 13
\p
\v 1 Habang paalis si Jesus sa templo, sinabi ng isa sa mga alagad niya, "Guro, tingnan mo, kamangha-mangha ang mga batong ito, at napakaganda ng mga gusali!"
\p
\v 2 Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Oo, magaganda ang mga gusaling nakikita ninyo, subalit may gusto akong sabihin sa inyo tungkol dito. Ganap na mawawasak ang lahat ng ito. Walang bato ang mananatili sa ibabaw ng isa pang bato sa templong ito."
\s5
\p
\v 3 Pagkatapos nilang dumating sa Bundok ng Olibo, sa kabila ng lambak mula sa templo, naupo si Jesus. Nang sina Pedro, Santiago, Juan at Andres na lamang ang kasama ni Jesus, nagtanong sila sa kaniya,
\p
\v 4 "Sabihin ninyo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito sa mga gusali ng templo? Sabihin ninyo sa amin, ano ang makikita naming palatandaan na magsasabing malapit nang mangyari ang mga ito."
\s5
\p
\v 5 Sinagot sila ni Jesus, "Mag-ingat kayo na hindi kayo malinlang ng sinuman tungkol sa mga bagay na mangyayari pa lamang.
\p
\v 6 Darating ang maraming tao at magsasabi na sinugo ko sila. Sasabihin nila, "Ako ang Kristo!" Lilinlangin nila ang maraming tao.
\s5
\p
\v 7 Kung makakarinig kayo ng mga ingay ng mga sundalong nakikipaglaban, o kung makakarinig kayo ng mga balita ng digmaan mula sa malayong lugar, huwag kayong mabahala. Tiyak na mangyayari ang lahat ng ito. Ngunit kung nangyayari na ang mga ito, huwag ninyong isipin na tatapusin na ng Diyos ang lahat ng kaniyang layunin sa mga panahong iyon.
\p
\v 8 Maglalaban-laban ang mga grupo na nakatira sa iba't ibang bansa, at mag-aaway-away ang maraming mga hari at mga pinuno. Magkakaroon din ng mga lindol sa iba't ibang lugar, at magkakaroon ng tag-gutom. Subalit, kapag nangyayari na ang mga bagay na ito, nagsisimula pa lamang ang paghihirap ng mga tao. Gaya ng isang inang malapit nang magluwal ng sanggol ang katumbas lamang ng unang paghihirap na mararanasan nila. Mas matinding paghihirap pa ang kanilang mararanasan pagkatapos nito.
\s5
\p
\v 9 Humanda kayo sa maaaring gawin ng mga tao sa inyo sa oras na iyon. Dadakipin nila kayo at isasakdal sa harap ng mga pangkat ng mga pinuno. Hahagupitin kayo ng mga tao sa iba't ibang sinagoga. Ihaharap nila kayo upang litisin sa harap ng mga matataas na makapangyarihang tagapamahala. Ang kinahinatnan nito, makapagpapatotoo kayo sa kanila tungkol sa akin.
\p
\v 10 Dapat maipahayag ng aking mga taga-sunod ang mabuting balita sa mga tao sa lahat ng bansa bago tapusin ng Diyos ang lahat ng kaniyang mga plano.
\s5
\p
\v 11 Kung hulihin kayo ng mga tao, huwag kayong mag-alala kung ano ang inyong sasabihin. Sa halip, sabihin lamang kung ano ang inilagay ng Diyos sa inyong isipan sa oras na iyon. Kaya hindi lamang kayo ang nagsasalita. Ang Banal na Espiritu ang siyang magsasalita para sa inyo.
\p
\v 12 Ipagkakanulo ng magkakapatid ang kanilang mga kapatid. Ipagkakanulo ng mga ama ang kanilang mga sariling anak. Ipagkakanulo ng mga anak ang kanilang mga sariling magulang kaya papatayin ng ilang pinuno ng pamahalaan ang kanilang mga magulang.
\p
\v 13 Kapopootan kayo ng maraming tao dahil nananampalataya kayo sa akin. Ngunit maliligtas ang sinumang magpapatuloy na mananampalataya sa akin hanggang sa wakas ng kaniyang buhay.
\s5
\p
\v 14 Sa mga panahong ito, papasok sa templo kasuklam-suklam. Mababahiran nito ng dungis ang templo at magiging sanhi kung bakit pababayaan ito ng mga tao. Kapag nakita ninyo ito na nakatayo sa hindi dapat kalagyan, dapat kayong magmadaling tumakas papalayo! (Unawain nawa nang mabuti ng mga bumabasa ang babalang ito!) Sa pagkakataong ito, dapat tumakas ang mga nasa Judea papunta sa mataas na kabundukan.
\p
\v 15 Hindi na dapat pumasok pa sa loob ng kanilang mga bahay ang mga nasa labas upang kumuha ng anumang mga gamit.
\p
\v 16 Hindi na dapat bumalik pa sa kanilang mga bahay ang mga nagtatrabaho sa bukid upang kumuha ng mga karagdagang damit.
\s5
\p
\v 17 Labis akong nalulungkot sa mga nagdadalang-tao at sa mga nagpapasuso ng kanilang mga anak sa mga araw na iyon, dahil napakahirap sa kanila ang tumakas.
\p
\v 18-19 Sa mga araw na iyon, lubos na mahihirapan ang mga tao. Hindi pa nakaranas ng ganitong paghihirap ang mga tao simula pa nang unang ginawa ng Diyos ang mundo hanggang sa kasalukuyan; at hind kailanman muling mahihirapan ng ganito. Kaya manalangin kayo na hindi mangyayari ang ganitong paghihirap sa panahon ng tag-lamig, kung kailan mahirap maglakbay.
\p
\v 20 Kung hindi nagpasya ang Panginoong Diyos na paikliin ang panahon ng matinding pagdurusa ng mga tao, lahat ay mamamatay. Ngunit nagpasya ang Diyos na paikliin ang panahong ito dahil nagmamalasakit siya sa mga taong kaniyang hinirang.
\s5
\p
\v 21-22 Sa mga araw na iyon, marami ang magsasabi ng kasinungalingan na sila ang Cristo. At marami ang lilitaw na magpapanggap na mga propeta ng Diyos. Gagawa sila ng maraming uri ng kababalaghan. Susubukin nilang linlangin kahit ang mga taong hinirang ng Diyos. Kaya sa mga panahon na iyon kung may magsasabi sa inyo, "Tingnan mo, narito si Cristo!", o kung may magsasabing, "Tingnan mo, nandoon siya!", huwag ninyo itong paniwalaan!
\p
\v 23 Maging mapagmatyag! Tandaan na binalaan ko na kayo bago pa ito mangyari!
\s5
\p
\v 24 Pagkalipas ng panahon na maghirap ng ganoon ang mga tao, magdidilim ang araw, hindi liliwanag ang buwan;
\p
\v 25 mahuhulog ang mga bituin mula sa langit, at mayayanig ang lahat ng mga makapangyarihang bagay sa kalangitan.
\p
\v 26 At makikita ako ng mga tao, ako na Anak ng Tao, na dumarating sa mga ulap na may kapangyarihan at kaluwalhatian.
\q
\v 27 Pagkatapos, isusugo ko ang aking mga anghel para tipunin ang mga taong hinirang ng Diyos sa lahat ng dako, mula sa pinakamalayong lugar sa buong mundo.
\s5
\p
\v 28 Ngayon nais kong may matutunan kayo kung papaano lumalago ang puno ng igos. Kapag nananariwa na ang kaniyang mga sanga at nagsisimulang sumibol ang mga dahon, alam ninyong malapit na ang tag-araw.
\p
\v 29 Gayundin, kapag nakikita ninyong nangyayari na ang mga bagay na aking sinabi, kayo mismo ang makakaalam na malapit na ang oras ng aking pagbabalik. Ito ay para bang nasa pintuan lamang ako.
\s5
\p
\v 30 Tandaan ninyo ito, hindi mamamatay ang salinlahing ito hanggang sa magaganap ang mga bagay na ito.
\p
\v 31 Makatitiyak kayo na magaganap ang mga bagay na aking ipinahayag. Isang araw magugunaw ang lupa at ang mga nasa langit, ngunit makatitiyak kayo na magaganap ang lahat ng aking sinabi.
\p
\v 32 Ngunit walang sinuman ang nakakaalam ng tiyak na oras ng aking pagbabalik. Hindi rin ito alam ng mga anghel sa kalangitan. Kahit ako, na Anak ng Diyos, hindi ko rin alam. Tanging ang Ama lamang ang nakakaalam.
\s5
\p
\v 33 Kaya maging handa! Laging maging mapagmatyag dahil hindi ninyo alam kung kailan darating ang oras na magaganap ang lahat ng mga bagay na ito.
\p
\v 34 Bago umalis ng bahay ang isang taong nagnanais maglakbay papunta sa isang malayong lugar, sasabihan niya ang kaniyang mga alipin na dapat nilang pangasiwaan ang bahay. Sasabihan din niya ang bawat isa kung ano ang mga dapat nilang gawin. Pagkatapos ssasabihan niya ang tagabantay ng tarangkahan na maging handa sa kaniyang pagbabalik.
\s5
\v 35 Dapat maging laging handa ang taong iyon, dahil hindi niya alam kung kailan babalik ang kaniyang panginoon sa gabi ba, o sa hatinggabi, o sa pagtilaok ng manok, o sa umaga. Gayundin, dapat maging laging handa kayo dahil hindi ninyo alam kung kailan ako babalik.
\p
\v 36 Sana hindi mangyari na matagpuan ko kayong hindi handa sa aking pagbabalik.
\p
\v 37 Ang mga salitang ito na aking binabanggit sa inyong mga alagad, aking sinasabi sa lahat: Laging maging handa!"
\s5
\c 14
\p
\v 1 Dalawang araw na lamang bago magsimulang ipagdiwang ng mga tao ang isang linggong pista na tinatawag nilang Paskuwa. Sa mga araw na iyon, ipinagdiriwang din nila ang pistang tinatawag na Tinapay na Walang Pampaalsa. Nagbabalak ang mga punong pari at ang mga taong nagtuturo ng mga batas ng Judio kung paano nila lihim na maipadadakip at maipapapatay si Jesus.
\q
\v 2 Ngunit sinabi nila sa isa't isa, "Hindi natin ito dapat gawin sa pista dahil kapag ginawa natin ito, magagalit sa atin ang mga tao at magkakaroon ng kaguluhan.
\s5
\p
\v 3 Si Jesus ay nasa Betanya, sa bahay ni Simon na kilalang ketongin noon. Habang kumakain sila, lumapit sa kaniya ang isang babae. May dala siyang isang batong banga na naglalaman ng mamahaling pabangong tinatawag na Nardo. Binuksan niya ang banga at ibinuhos sa ulo ni Jesus ang lahat ng pabango.
\p
\v 4 Nagalit ang ilan sa mga taong naroon at nagsabi sa sarili nila, "Nakakapanghinayang na sinayang lamang niya ang pabango.
\p
\v 5 Maaari pa sana itong ipagbili sa halaga ng halos isang taong kabayaran at maaring ibigay ang pera sa mga taong mahihirap." Kaya pinagalitan nila ang babae.
\s5
\p
\v 6 Ngunit sinabi ni Jesus, "Tumigil kayo sa pagsasaway sa kaniya! Ginawa niya sa akin ang itinuturing kong labis na nararapat! Kaya hindi ninyo siya dapat abalahin!
\q
\v 7 Palagi ninyong kasama ang mga mahihirap. Kaya matutulungan ninyo sila kailan man ninyo naisin. Ngunit hindi ako mananatili ritong kasama ninyo nang matagal.
\p
\v 8 Nararapat lamang na ginawa na niya ang kaniyang magagawa. Para bang nalalaman niya na malapit na akong mamatay dahil pinahiran na niya agad ang aking katawan para sa libing.
\p
\v 9 Sasabihin ko ito sa inyo, saan man ipangangaral ang mabuting balita sa buong mundo ng aking mga tagasunod, sasabihin din nila ang ginawa ng babaeng ito at maaalala siya ng mga tao."
\s5
\p
\v 10 Pagkatapos, pumunta si Judas Iscariote sa mga punong pari upang pag-usapan ang kaniyang pagtulong sa kanila upang madakip si Jesus. Ginawa niya iyon kahit na isa siya sa labindalawang alagad.
\p
\v 11 Nang marinig ng mga punong pari kung ano ang handa niyang gawin para sa kanila, labis silang nasiyahan. Nangako sila na bilang kapalit, bibigyan siya ng malaking halaga. Sumang-ayon si Judas at naghintay ng pagkakataon upang maipasakamay niya si Jesus sa kanila.
\s5
\p
\v 12 Sa unang araw ng pista na tinatawag nilang Tinapay na Walang Lebadura, nang pinatay nila ang kordero para sa Paskuwa, sinabi ng mga alagad ni Jesus sa kaniya, "Saan mo kami nais pumunta at maghanda ng pagkain para sa pagdiriwang ng Paskuwa upang makain natin ito?"
\p
\v 13 Kaya pumili si Jesus ang dalawa sa kaniyang mga alagad upang ihanda ang lahat. Sinabi niya sa kanila, "Pumunta kayo sa Jerusalem. Sasalubungin kayo ng isang lalaki na mayroong dala-dalang isang malaking banga na puno ng tubig. Sundan ninyo siya.
\q
\v 14 Kapag pumasok siya sa isang bahay, sabihin ninyo sa may-ari, 'Nais ng aming guro na maghanda kami ng pagkain para sa pagdiriwang ng Paskuwa upang kainin niya itong kasama naming mga alagad niya. Pakiusap, ipakita mo sa amin ang silid.'
\s5
\p
\v 15 Ipapakita niya sa inyo ang isang malaking silid na nasa itaas na palapag ng bahay. May mga kagamitan na ito at handa na para kumain tayo ng ating kakainin. At ihanda ninyo roon ang pagkain para sa atin."
\p
\v 16 Kaya umalis ang dalawang alagad. Pumunta sila sa lungsod at nasumpungan nila ang lahat gaya ng sinabi ni Jesus sa kanila. Inihanda nila roon ang pagkain para sa pagdiriwang ng Paskuwa.
\s5
\p
\v 17 Kinagabihan, dumating si Jesus sa bahay na iyon kasama ang labindalawang alagad.
\p
\v 18 Habang nakaupo silang lahat doon at kumakain, sinabi ni Jesus, "Pakinggan ninyo itong mabuti, isa sa inyo ang magiging dahilan upang madakip ako ng aking mga kaaway. Isa sa inyo na kasama kong kumakain ngayon!
\p
\v 19 Labis na nalungkot ang mga alagad at isa-isa silang nagsabi, "Tiyak na hindi ako iyon!"
\s5
\q
\v 20 Sinabi niya sa kanila, "Isa sa inyong labindalawang alagad, ang kasama kong nagsasawsaw ng tinapay sa mangkok.
\p
\v 21 Tiyak na akong Anak ng Tao ay mamamatay dahil iyon ang nakasulat tungkol sa akin. Ngunit may matinding kaparusahan para sa taong magkakanulo sa akin! Sa katunayan, mas mabuti pang hindi na siya isinilang!"
\s5
\p
\v 22 Habang kumakain sila, kinuha niya ang tinapay at nagpasalamat sa Diyos. Pagkatapos, hinati-hati niya ito at ibinigay sa kanila. Sinabi niya sa kanila, "Ang tinapay na ito ang aking katawan. Kunin ninyo ito at kainin."
\p
\v 23 Pagkatapos, kinuha niya ang kopa na naglalaman ng alak at nagpasalamat sa Diyos. Ibinigay niya ito sa kanila at uminom silang lahat.
\p
\v 24 Sinabi niya sa kanila, "Ang alak na ito ang aking dugo na malapit nang ibuhos kapag pinatay ako ng aking mga kaaway. Sa pamamagitan ng dugong ito, patutunayan ko ang kasunduang ginawa ng Diyos upang mapatawad ang mga kasalanan ng maraming tao.
\p
\v 25 Nais kong malaman ninyo ito, hindi na ako muli pang iinom ng alak hanggang sa panahon na iinumin ko itong muli kapag ipinakita ng Diyos ang kaniyang sarili bilang hari."
\s5
\p
\v 26 Matapos silang umawit ng isang imno, lumabas sila patungo sa Bundok ng Olibo.
\q
\v 27 Habang nasa daan sila, sinabi ni Jesus sa kanila, "Isinulat nila sa Kasulatan ang sinabi ng Diyos tungkol sa akin, 'Papatayin ko ang pastol at ikakalat ang kaniyang mga tupa.' Matutupad ang mga salitang iyon. Iiwan ninyo ako at tatakas kayo.
\s5
\p
\v 28 Ngunit matapos akong buhayin muli ng Diyos, mauuna ako sa inyong pupunta sa Galilea at sasalubungin ko kayo roon."
\p
\v 29 Pagkatapos, sinabi sa kaniya ni Pedro, "Marahil iiwan ka ng lahat ng mga alagad ngunit hindi ko gagawin iyon! Hindi kita iiwan!"
\s5
\q
\v 30 Ngunit sinabi sa kaniya ni Jesus, "Ang totoo, sa gabing ito bago tumilaok ang tandang ng dalawang beses, tatlong beses mo akong ipagkakaila!"
\p
\v 31 Ngunit madiing tumugon si Pedro, "Kahit patayin nila ako, hindi ko ipagkakaila na kilala kita!" At sinabi rin ito ng lahat ng alagad.
\s5
\q
\v 32 Sa daan, nakarating si Jesus at ang mga alagad sa isang lugar na tinatawag na Getsemane. Pagkatapos sinabi niya sa ilan sa kaniyang mga alagad, "Manatili kayo rito habang nananalangin ako!"
\p
\v 33 Pagkatapos isinama niya sina Pedro, Santiago at Juan. Labis siyang nababalisa.
\q
\v 34 Sinabi niya sa kanila, "Labis akong nalulungkot. Para bang mamamatay na ako. Manatili kayo rito at magbantay!"
\s5
\q
\v 35 pa siya ng kaunti at nagpatirapa sa lupa. Pagkatapos nanalangin siya na kung maaari, hindi na siya magdusa.
\p
\v 36 Sinabi niya, "O' aking Ama, dahil kaya mong gawin ang lahat ng bagay, iligtas mo ako upang hindi ako magdusa ngayon! Ngunit huwag mong gawin kung ano aking nais. Sa halip, gawin mo kung ano ang iyong nais!"
\s5
\v 37 Pagkatapos bumalik siya at naratnang natutulog ang kaniyang mga alagad. Ginising sila ni Jesus at sinabi, "Simon! Natutulog ba kayo? Hindi ba ninyo kayang manatiling gising sa loob lamang ng maikling panahon?"
\v 38 At sinabi niya sa kanila, "Nais ninyong gawin ang sinasabi ko ngunit mahina kayo. Kaya manatili kayong gising at manalangin upang mapaglabanan ninyo ang tukso!"
\p
\v 39 Pagkatapos muli siyang umalis at ipinanalangin kung ano ang kaniyang panalangin noong una.
\s5
\v 40 Nang bumalik siya, nadatnan niyang natutulog silang muli, labis silang inaantok kaya hindi nila mapanatiling nakamulat ang kanilang mga mata. Dahil nahihiya sila, hindi nila alam kung ano ang kanilang sasabihin sa kaniya nang gisingin sila ni Jesus.
\v 41 Pagkatapos umalis siya at muling nanalangin. Bumalik siya sa ikatlong pagkakataon at muli silang nadatnang natutulog. Sinabi niya sa kanila, "Natutulog pa ba kayo? Tama na! Malapit nang magsimula ang panahon upang magdusa ako. Tingnan ninyo! Ipadadakip ako na Anak ng Tao ng isang tao sa mga makasalanan.
\v 42 Kaya bumangon kayo! Halikayo! Tingnan ninyo! Narito, dumarating ang taong siyang dahilan upang madakip nila ako!"
\s5
\p
\v 43 Habang nagsasalita pa siya, dumating si Judas. Bagaman isa siya sa labindalawang alagad ni Jesus, dumating siya upang madakip si Jesus ng kaniyang mga kaaway. Kasama niya ang mga taong may dalang espada at mga pamalo. Pinapunta sila ng mga pinuno ng Konsehong Judio.
\v 44 Noon pang una, sinabi na sa mga tao ni Judas na nagkakanulo kay Jesus, "Ang lalaking hahalikan ko, siya ang pakay ninyo. Kapag hinalikan ko siya, dakipin at ilayo ninyo."
\v 45 Kaya nang dumating si Judas, agad siyang pumunta kay Jesus at nagsabi, "Aking Guro!" Pagkatapos hinalikan niya si Jesus.
\v 46 At dinakip ng mga tao si Jesus.
\s5
\p
\v 47 Ngunit ang isa sa mga alagad na nakatayo sa malapit ay bumunot ng kaniyang espada. Tinaga niya ang lingkod ng pinakapunong pari ngunit nataga lamang niya ang tainga nito.
\p
\v 48-49 Sinabi ni Jesus sa kanila "katawa-tawa na pumunta kayo rito na may dalang mga espada at mga pamalo upang dakipin ako na parang isang magnanakaw! Araw-araw akong nagtuturo sa mga tao sa patyo ng templo na kasama ninyo. Bakit hindi ninyo ako dinakip? Ngunit nangyayari ito upang matupad ang isinulat ng mga propeta tungkol sa akin."
\v 50 Agad siyang iniwan ng lahat ng mga alagad at tumakas ang mga ito.
\s5
\p
\v 51 Sa mga panahong iyon, sumusunod kay Jesus ang isang binata. Nakasuot lamang siya ng isang telang lino. Dinakip siya ng mga tao
\p
\v 52 ngunit habang tumatakas siya mula sa kanila, naiwan niya sa kanilang mga kamay ang telang lino at nakahubad siyang tumakbo palayo.
\s5
\p
\v 53 Dinala si Jesus ng mga taong dumakip sa kaniya sa bahay ng pinakapunong pari. Nagtipun-tipon doon ang buong Konseho ng mga Judio.
\p
\v 54 Sinundan ni Pedro si Jesus sa hindi kalayuan. Pumunta siya sa patyo ng bahay kung saan naninirahan ang pinakapunong pari at umupo siya roon kasama ng mga lalaking nagbabantay sa bahay ng pinakapunong pari. Pinaiinitan niya ang kaniyang sarili sa tabi ng apoy.
\s5
\v 55 Naghanap na ang mga punong pari at ang buong Konseho ng Judio ng mga taong magsasabi ng mga kasinungalingan tungkol kay Jesus upang maparusahan siya. Ngunit hindi sila nagtagumpay
\v 56 dahil kahit maraming taong nagsabi ng mga kasinungalingan tungkol sa kaniya, sinasalungat naman nila ang isa't isa.
\s5
\v 57 Sa bandang huli, tumayo ang ilan at pinaratangan siya ng kasinungalingan sa pamamagitan ng pagsabi,
\v 58 "Narinig namin siya nang kaniyang sinabi, 'Wawasakin ko ang templong ito na itinayo ng mga tao at pagkatapos sa loob ng tatlong araw muli akong magtatayo ng isa pang templo nang walang anumang tulong mula sa iba."
\v 59 Ngunit hindi rin nagtugma ang sinabi ng ilan sa mga taong ito sa sinabi ng iba pa sa kanila.
\s5
\p
\v 60 Pagkatapos, tumayo ang pinakapunong pari sa harapan nila at sinabi kay Jesus, "Hindi ka ba sasagot? Ano ang masasabi mo tungkol sa lahat ng bagay na kanilang sinasabi upang maakusahan ka?"
\v 61 Ngunit tahimik si Jesus at hindi sumagot. At sinubukan muli ng pinakapunong pari. Tinanong siya, "Ikaw ba ang Cristo? Sinasabi mo bang ikaw ang Anak ng Diyos?"
\p
\v 62 Sinabi ni Jesus, "Ako nga. At saka hindi magtatagal, makikita ninyo ako, ang Anak ng Tao, na maghahari sa tabi ng Diyos na pinakamakapangyarihan. Makikita rin ninyo akong bumababa sa mga ulap sa langit!"
\s5
\p
\v 63 Bilang tugon sa mga salita ni Jesus, labis na nagulat ang pinakapunong pari kaya pinunit niya ang kaniyang panlabas na kasuotan. Pagkatapos sinabi niya, "Hindi na natin kailangan pa ng mga taong magpapatotoo laban sa taong ito,
\v 64 dahil narinig na ninyo ang kaniyang sinabi laban sa Diyos! Nagsabi siya ng mga masasamang bagay laban sa Diyos! Kaya ano ang inyong napagpasyahan?" Sinabi nilang lahat na nagkasala si Jesus at karapat-dapat siyang mamatay.
\p
\v 65 Pagkatapos, dinuraan si Jesus ng ilan sa kanila. Naglagay sila ng takip sa kaniyang mga mata at nagsimulang hampasin siya at sinabi sa kaniya, "Kung isa kang propeta, sabihin mo kung sino ang humampas sa iyo!" At hinampas si Jesus ng mga nagbabantay sa kaniya.
\s5
\p
\v 66 Habang nasa labas si Pedro, sa patyo ng bahay ng pinakapunong pari, lumapit sa kaniya ang isa sa mga babaeng naglilingkod sa pinakapunong pari.
\v 67 Nang makita niya si Pedrong pinaiinitan ang kaniyang sarili sa tabi ng apoy, tiningnan niya si Pedro ng malapitan. Pagkatapos sinabi niya, "Kasama ka rin ni Jesus, ang lalaking iyon na taga-Nazaret!"
\p
\v 68 Ngunit ikinaila niya iyon sa pamamagitan ng pagsabi, "Hindi ko alam ang sinasabi mo! Wala akong nauunawaan!" Pagkatapos umalis siya mula roon patungo sa labasan ng patyo. (At tumilaok ang tandang.)
\s5
\p
\v 69 Nakita siya roon ng babaeng lingkod at muling sinabi sa mga taong nakatayo sa malapit, "Isa ang taong ito sa mga kasama ng taong kanilang dinakip."
\p
\v 70 Ngunit muli niya itong ikinaila. Matapos ang ilang sandali, muling sinabi kay Pedro ng mga nakatayo roon, "Nagmula ka rin sa Galilea. Kaya tiyak na isa ka sa mga kasamahan ni Jesus!"
\s5
\p
\v 71 Ngunit nagsimula siyang tumawag sa Diyos upang parusahan siya kung hindi siya nagsasabi ng totoo. Sinabi niya, "Hindi ko kilala ang taong sinasabi mo!"
\p
\v 72 Agad tumilaok ang tandang sa ikalawang pagkakataon. Pagkatapos naalala ni Pedro ang sinabi ni Jesus noong una, "Bago tumilaok ang tandang sa ikalawang pagkakataon, tatlong beses mong ikakaila na kilala mo ako." Nang mapagtanto niyang tatlong beses niyang ikinaila si Jesus, nagsimula siyang umiyak.
\s5
\c 15
\p
\v 1 Umagang-umaga pa lang, nakipagkita ang mga punong pari kasama ng konseho ng mga Judio upang magpasya kung paano paparatangan si Jesus sa harap ng gobernador ng Roma. Iginapos muli ng kanilang mga kawal ang mga kamay ni Jesus. Dinala nila siya sa tahanan ni Pilato na gobernador.
\p
\v 2 Tinanong ni Pilato si Jesus, "Sinasabi mo bang ikaw ang hari ng mga Judio?" Sinagot siya ni Jesus, "Ikaw mismo ang nagsabi."
\q
\v 3 At hinayag ng mga punong pari na nakagawa si Jesus ng maraming masasamang.
\s5
\q
\v 4 Kaya tinanong siya muli ni Pilato, "Wala ka bang maisasagot? Pakinggan mo kung ilang mga masasamang bagay ang sinasabi nilang ginawa mo!"
\q
\v 5 Ngunit hindi na nagsalita pa si Jesus. Dahil dito, napamangha si Pilato.
\s5
\q
\v 6 Ngayon, kaugalian na ng gobernador taon-taon tuwing pagdiriwang ng Paskwa na magpalaya ng isang bilanggo. Kadalasan niyang pinapalaya ang sinumang bilanggo na hiniling ng mga tao.
\q
\v 7 Noong panahong iyon, may isang lalaking tinatawag na Barabas ang nasa loob ng bilangguan na kasama ng iba pang mga kalalakihan. Nakapatay sila nang mag-aklas sila laban sa gobyernong Romano.
\q
\v 8 Lumapit kay Pilato ang napakaraming tao at hiniling sa kaniyang magpalaya siya ng isang bilanggo, gaya ng ginagawa niya noong nakaraan.
\s5
\q
\v 9 Sinagot sila ni Pilato, "Gusto ba ninyong palayain ko para sa inyo ang lalaking sinasabi ninyong inyong hari?"
\q
\v 10 Tinanong niya ito dahil napagtanto niya ang gustong gawin ng mga punong pari. Pinaparatangan nila si Jesus dahil nagseselos sila sa kaniya dahil maraming tao ang nagiging alagad niya.
\q
\v 11 Ngunit sinulsulan ng mga punong pari ang maraming tao na palayain ni Pilato si Barabas sa kanila sa halip na si Jesus.
\s5
\p
\v 12 Sinabi muli ni Pilato sa kanila, "Kung palalayain ko sa inyo si Barabas, anong gusto ninyong gawin ko sa inyong hari?"
\q
\v 13 Sumigaw silang muli, "Ipako siya sa krus!"
\s5
\q
\v 14 Pagkatapos ay sinabi ni Pilato sa kanila, "Bakit? Ano ang ginawa niyang krimen?" Ngunit mas malakas nilang isinigaw, "Ipako siya sa krus!"
\q
\v 15 Dahil sa gusto ni Pilato na mapalugod ang mga tao, pinalaya niya si Barabas para sa kanila. Pagkatapos ay hinagupit ng kaniyang mga kawal si Jesus, tapos noon, sinabi sa kanila ni Pilato na kunin na nila si Jesus at ipako sa krus.
\s5
\q
\v 16 Dinala ng mga kawal si Jesus sa patyo sa loob ng kwartel. Ipinatawag nila ang buong batalyon.
\q
\v 17 Matapos magtipon ng mga kawal, nilagyan nila ng kulay lila na balabal si Jesus. At naglagay sila sa kaniyang ulo ng koronang ginawa nila mula sa mga sangang may tinik.
\q
\v 18 Pagkatapos ay binati nila siya kung paano sila bumati sa hari, para kutyain siya, sinabi nila, "Binabati ka namin, Hari ng mga Judio!"
\s5
\p
\v 19 Paulit-ulit nilang hinampas ang kaniyang ulo gamit ang tambo at dinuraan siya. Lumuhod sila sa harapan niya upang magpanggap na gumagalang sa kaniya.
\p
\v 20 Nang matapos siyang kutyain, tinanggal nila ang balabal na kulay lilang. Inilagay nila sa kaniya ang kaniyang sariling mga kasuotan, at dinala siya sa labas ng lungsod para maipako siya sa krus.
\p
\v 21 Ngayon, dumating ang isang lalaking nagngangalang Simon mula sa Cirene. Siya ang ama nila Alejandro at Rufo. Napadaan siya habang siya ay nanggaling mula sa bukid. Pinilit nila si Simon na buhatin ang krus para kay Jesus.
\s5
\p
\v 22 Dinala silang dalawa ng mga kawal sa lugar na tinatawag nilang Golgotha. Ang ibig sabihin ng pangalang iyon ay, "Isang lugar na parang bungo."
\p
\v 23 Pagkatapos ay sinubukan nilang bigyan si Jesus ng alak na hinaluan ng mira. Ngunit tinanggihan niya itong inumin.
\p
\v 24 Kinuha ng ilan sa mga kawal ang kaniyang kasuotan. At pagkatapos ay ipinako siya sa isang krus. Pagkatapos, sa pamamagitan ng pagsusugalan hinati-hati nila ang kaniyang mga kasuotan sa kanilang mga sarili.
\s5
\p
\v 25 Ika-siyam na ng umaga nang ipako nila si Jesus.
\q
\v 26 Inilagay nila sa krus sa itaas ng ulo ni Jesus ang isang karatula na nagsasabi kung bakit nila siya ipapako. Nakasaad doon, "Ang Hari ng mga Judio."
\p
\v 27 Ipinako din nila sa mga krus ang dalawang lalaking magnanakaw. Ipinako nila ang isa sa isang krus sa kanan ni Jesus at ang isa sa krus sa kaliwa niya.
\q
\v 28
\s5
\p
\v 29 Ininsulto siya ng mga nagdaraan sa pamamagitan ng pag-iling ng kanilang mga ulo. Sinabi nila, "Ayan! Sinabi mo na wawasakin mo ang templo at bubuuin mo itong muli sa loob ng tatlong araw.
\p
\v 30 Kung magagawa mo iyon, sagipin mo ngayon ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagbaba diyan mula sa krus!"
\s5
\p
\v 31 Gusto rin ng mga punong pari, kasama ng mga kalalakihang nagtuturo ng batas ng mga Judio na makutya si Jesus. Kaya sinabi nila sa isa't-isa, "Nasagip niya ang ibang tao mula sa gulo, pero hindi niya magawang sagipin ang kaniyang sarili!
\p
\v 32 Sinabi niya, 'Ako ang Cristo; Ako ang Hari na namumuno sa mga tao ng Israel.' Kung totoo ang mga sinasabi niya, dapat bumaba siya ngayon mula sa krus! Saka tayo maniwala sa kaniya!" Ininsulto din siya ng dalawang kalalakihang nakapako sa tabi niya.
\s5
\p
\v 33 Pagsapit ng tanghali, nagdilim ang kalupaan, at nanatili itong madilim hanggang alas tres ng hapon.
\p
\v 34 Pagsapit ng alas tres, sumigaw ng malakas si Jesus, "Eloi, Eloi, lama sabachthani?" Ibig sabihin noon ay, "Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?"
\q
\v 35 Nang marinig ng ilang mga taong nakatayo malapit doon ang salitang 'Eloi', hindi nila ito naunawaan at sinabi, "Pakinggan ninyo! Tinatawag niya si propetang Elias!"
\s5
\p
\v 36 Isa sa kanila ang tumakbo at pinuno ang isang espongha ng maasim na alak. Inilagay niya ito sa dulo ng isang tambo, at hinawakan pataas at sinubukang ipasipsip ito kay Jesus. Sinabi niya, "Sandali lang! Tingnan natin kung darating si Elias at ibababa siya sa krus!"
\p
\v 37 At pagkatapos ay sumigaw ng malakas si Jesus, tumigil sa paghinga, at namatay.
\p
\v 38 Sa oras na iyon napunit sa dalawa ang kurtina sa loob ng banal na lugar ng templo mula sa itaas pababa.
\s5
\v 39 Nakatayo sa harapan ni Jesus ang opisyal na nangangasiwa sa mga kawal na nagpako kay Jesus sa krus. Nang makita niya kung paano namatay si Jesus, sumigaw siya, "Totoo nga, ang lalaking ito ay ang Anak ng Diyos!"
\v 40-41 Mayroon ding ilang mga kababaihang naroroon; pinapanuod nila ang mga pangyayaring ito mula sa malayo. Sinamahan nila si Jesus noong nasa Galilea pa siya, at ibinigay nila ang kaniyang mga pangangailangan. Sumama sila sa kaniya papunta sa Jerusalem. Kasama sa mga kababaihang ito si Maria na taga-Magdala. Mayroon ding isa pang Maria, na siyang ina ng nakababatang Santiago at ni Jose. Nandoon din si Salome.
\s5
\p
\v 42-43 Nang malapit nang gumabi, dumating doon ang isang lalaking nagngangalang Jose na taga-Arimatea. Kasapi siya sa Konseho ng mga Judio, na iginagalang ng lahat. Isa rin siya sa masugid na naghihintay sa panahong magpapakita ang Diyos bilang isang hari. Papalapit na ang gabi. Iyon ay ang araw bago ang Araw ng Pamamahinga, isang araw na tinatawag ng mga Judio bilang araw ng paghahanda. Kaya pumunta siya kay Pilato ng may lakas ng loob upang hilingin na payagan siyang kunin ang katawan ni Jesus mula sa krus at ilibing ito kaagad.
\v 44 Nabigla si Pilato nang marinig niya na namatay na si Jesus. Kaya ipinatawag niya ang opisyal na namamahala sa mga kawal na nagpako kay Jesus sa krus at tinanong ito kung namatay na nga si Jesus.
\s5
\p
\v 45 Nang sinabi ng opisyal kay Pilato na patay na si Jesus, pinayagan na ni Pilato si Jose na dalhin ang bangkay.
\v 46 Pagkatapos bumili ni Jose ng telang lino, ibinaba niya at ng iba pa ang katawan ni Jesus mula sa krus. Ibinalot nila ito sa linong tela at ihinimlay ito sa libingan na tinapyas mula sa bato. Pagkatapos ay nagpagulong sila ng isang malaking bato sa harap ng pasukan ng libingan.
\p
\v 47 Tinitingnan nila Maria na taga-Magdala at Maria na ina ni Jose kung saan inilagay ang katawan ni Jesus.
\s5
\c 16
\p
\v 1 Nang matapos ang Araw ng Pamamahinga, nagdala ng pabango sina Maria na taga-Magdala, si Maria na ina ni Santiago na nakababata at si Salome upang pahiran ang katawan ni Jesus.
\q
\v 2 Napakaaga pa nang unang araw ng linggo, matapos sumikat ang araw, kumuha sila ng pabango at nagsimulang pumunta sa libingan.
\s5
\q
\v 3 Habang papunta sila roon, tinatanong nila ang isa't isa, "Sino ang magpapagulong ng batong nakaharang sa pasukan ng libingan para sa atin?"
\p
\v 4 Matapos silang makarating, tumingala sila at nakita nilang naipagulong na ang napakalaking bato.
\s5
\p
\v 5 Pumasok sila sa libingan at nakita nila ang isang anghel na mukhang isang binata. Nakaupo siya sa bandang kanan ng kuweba. Nakasuot siya ng puting balabal. Dahil dito, namangha sila.
\p
\v 6 Sinabi sa kanila ng binata, "Huwag kayong mamangha! Alam kong hinahanap ninyo si Jesus, ang lalaking nagmula sa Nazaret na ipinako sa krus. Ngunit muli na siyang nabuhay! Wala na siya rito! Tingnan ninyo! Ito ang lugar kung saan nila inilagay ang kaniyang katawan.
\p
\v 7 Humayo kayo at sabihin sa kaniyang mga alagad. Tiyakin ninyong sabihan si Pedro. Sabihin ninyo sa kanila, 'Mauuna sa inyong pupunta si Jesus sa Galilea at makikita ninyo siya roon, gaya ng sinabi niya sa inyo noong una!'"
\s5
\p
\v 8 Lumabas ang mga babae at tumakbo mula sa libingan. Nanginginig sila dahil natakot sila at namangha. Ngunit wala silang sinabi kaninuman tungkol dito dahil natatakot sila.
\s5
\p
\v 9 Nang muling nabuhay si Jesus, maaga pa nang unang araw ng linggo, una siyang nagpakita kay Maria na taga-Magdala. Siya ang babae kung saan pinalabas ni Jesus ang pitong masasamang espiritu.
\p
\v 10 Pumunta siya sa mga kasamahan ni Jesus, habang nagluluksa sila at umiiyak. Sinabi niya sa kanila kung ano ang kaniyang nakita.
\p
\v 11 Ngunit nang sinabi niya sa kanila na muling nabuhay at nakita niya si Jesus, hindi nila ito pinaniwalaan.
\s5
\q
\v 12 Nang araw ding iyon, nagpakita si Jesus sa kakaibang anyo sa dalawa sa kaniyang mga alagad habang naglalakad sila mula sa Jerusalem patungo sa lugar sa paligid nito.
\p
\v 13 Matapos nilang makilala siya, bumalik sa Jerusalem ang dalawang iyon. Sinabi nila sa kaniyang ibang mga tagasunod kung ano ang nangyari ngunit hindi nila ito pinaniwalaan.
\s5
\p
\v 14 Hindi nagtagal, nagpakita si Jesus sa labing-isang apostol habang kumakain sila. Pinagsabihan sila ni Jesus dahil nagmamatigas silang hindi naniwala sa mga ulat ng mga nakakita sa kaniya matapos siyang muling mabuhay.
\p
\v 15 Sinabi niya sa kanila, "Humayo kayo sa buong daigdig at ipangaral ninyo sa lahat ang magandang balita!
\q
\v 16 Ililigtas ng Diyos ang lahat ng mga maniniwala sa inyong mensahe at nabautismuhan. Parurusahan niya ang lahat ng hindi sumampalataya..
\s5
\p
\v 17 Gagawa ng mga himala ang mga naniniwala sa magandang balita. Lalo na, sa pamamagitan ng aking kapangyarihan palalayasin nila ang mga masasamang espiritu mula sa mga tao. Magsasalita sila sa mga wikang hindi nila natutunan.
\p
\v 18 Kung hahawakan nila ang mga ahas at kung iinom sila ng anumang nakalalasong inumin, hindi sila mapapahamak. Kapag ipinatong nila ang kanilang mga kamay sa mga taong may sakit, pagagalingin sila ng Diyos.
\s5
\q
\v 19 Matapos itong sabihin ng Panginoong Jesus sa mga alagad, itinaas siya ng Diyos patungo sa langit. Pagkatapos umupo siya sa kaniyang trono sa tabi ng Diyos sa lugar ng kataas-taasang karangalan, sa kaniyang kanang kamay, upang magharing kasama niya.
\p
\v 20 Umalis ang mga alagad mula sa Jerusalem at nangaral sila sa lahat ng dako. Saan man sila pumunta, nakagagawa sila ng mga himala sa tulong ng Diyos. Sa pamamagitan nito, ipinakita niya sa mga tao na totoo ang mensahe ng Diyos.