tl_udb/64-2JN.usfm

45 lines
3.3 KiB
Plaintext
Raw Permalink Normal View History

2021-02-25 00:21:44 +00:00
\id 2JN
\ide UTF-8
\h 2 Juan
\toc1 2 Juan
\toc2 2 Juan
\toc3 2jn
\mt 2 Juan
\s5
\c 1
\p
\v 1 Kayong lahat ay kilala ako bilang punong Nakatatanda. Ako ay sumusulat ng liham na ito sa inyong mga mananampalataya, sa kalipunan na aking labis na iniibig. Ang Diyos ay pinili kayo, at mahal ko kayo dahil ang kung anong alam natin tungkol kay Cristo ay totoo! Hindi lamang ako ang umiibig sa inyo, kundi ang lahat na nakaaalam at tumanggap sa tunay na mensahe na itinuro ni Jesus ay iniibig din kayo!
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 2 Ito ay dahil lahat tayo ay naniniwala sa tunay na mensahe ng Diyos. Ito ay mula sa ating kaloob-looban at tayo ay magpapatuloy na maniwala dito magpakailanman.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 3 Ang Diyos na Ama at si Jesu-Cristo, na kaniyang Anak, ay magpapatuloy na kumilos nang may kabaitan at kaawaan sa atin dahil iniibig nila tayo. Tutulungan nila tayo na magkaroon ng kapayapaan, dahil tunay nila tayong iniibig.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 4 Ako ay labis na maligaya dahil aking natutunan na ang iba sa inyo ay namumuhay ayon sa katotohanan na tinuro ng Diyos sa atin. Ito ang iniutos ng ating Ama sa atin na gawin.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 5 At ngayon, minamahal na kalipunan, ako ay nakiki-usap sa inyo na sumunod sa kung ano ang iniutos niya sa atin na gawin. Ito ang dahilan kung bakit ako sumusulat sa inyo. Ang kaniyang iniutos - na dapat nating ibigin ang bawat isa - na hindi na bago; sa halip, ito ay noon pang una tayong naniwala kay Cristo na ating natutunan na dapat nating ibigin ang bawat isa.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 6 Ito ang kahulugan ng ibigin ang Diyos at ang bawat isa -- dapat nating sundin ang mga inuutos ng Diyos na ating gawin. Ang inuutos niya sa atin na gawin ay ibigin siya at ang bawat isa.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q1
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 7 Maraming mga tao na nanlilinlang ng iba ay umalis sa inyong kalipunan at ngayon ay sumama sa ibang mga tao sa inyong lugar. Sila ang mga tumatanggi na maniwala na si Jesu-Cristo ay naging tao. Sila ang mga nanlilinlang sa iba at lumalaban kay Cristo mismo.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 8 Kaya mag-ingat kayo na hindi niyo pahintulutan ang mga gurong iyon na linlangin kayo! Kung hahayaan niyo na linlangin kayo, mawawalan kayo ng gantimpala na ating pinaghihirapan, kasama kayo, at hindi ninyo matatanggap ang buong gantimpala na maging kaisa sa Diyos nang walang hanggan!
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 9 Ang mga nagbago ng itinuro ni Cristo at hindi nagpatuloy sa paniniwala sa kaniyang itinuro ay hindi kaisa ang Diyos. Pero ang mga taong patuloy na naniniwala sa itinuro ni Cristo ay parehong kaisa ang Diyos, ang ating Ama, at ang kaniyang Anak.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 10 Kaya kapag sinuman ang lumapit sa inyo na nagtuturo ng bagay na naiiba mula sa kung ano ang itinuro ni Cristo, huwag ninyo siyang tanggapin sa inyong mga tahanan! Huwag siyang hikayatin sa pamamagitan ng pagbati sa kaniya o magnais ng mabuti para sa kaniya sa anumang paraan!
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 11 Sinasabi ko ito dahil kung inyong pakikitunguhan ang mga tao ng katulad sa pakikitungo ninyo sa kapwa mananampalataya, tinutulungan ninyo sila sa paggawa ng kanilang masasamang mga gawa.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q1
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 12 Kahit na marami pa akong gustong sabihin sa inyo, ako ay nagpasya na hindi sabihin ito sa pamamagitan ng isang liham. Sa halip, ako ay umaasa na makapiling kayo sa lalong madaling panahon at makausap kayo ng harapan. Pagkatapos ay maaari tayong maging lubos na masayang magkasama.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q1
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 13 Ang lahat ng inyong mga kapwa mananampalataya sa kapulungan dito, na pinili din ng Diyos, ay bumabati sa inyo.