tl_udb/37-HAG.usfm

118 lines
7.8 KiB
Plaintext
Raw Permalink Normal View History

2021-02-25 00:21:44 +00:00
\id HAG
\ide UTF-8
\h Hagai
\toc1 Hagai
\toc2 Hagai
\toc3 hag
\mt Hagai
\s5
\c 1
\p
\v 1 Si Hagai, na isang propeta ay nakatanggap ng isang mensahe mula kay Yahweh. Sinabi ni Yahweh ang mensaheng ito sa kaniya sa ikalawang taon matapos naging hari si Dario ng Persia. Nangyari ito sa unang araw ng ika-anim na buwan ng taong iyon. Sinabi ni Hagai ang mensaheng ito kay Zerubabel na lalaking anak ni Sealtiel na gobernador ng Juda, at kay Josue na lalaking anak ni Jehozadak na pinakapunong pari.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 2 Sinabi sa kaniya ni Yahweh, Pinuno ng mga hukbong anghel, na sinasabi ng mga tao na hindi pa panahon para sa kanila na itayong muli ang templo ni Yahweh.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 3 At ibinigay sa kaniya ni Yahweh ang mensaheng ito upang sabihin sa mga taga Jerusalem:
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 4 "Hindi tamang mamumuhay kayo sa mga mararangyang bahay samantalang ang templo ko lamang ang wasak!
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 5 Ako, si Yahweh, na Pinuno ng mga hukbong anghel ang nagsasabi nito: 'Pag-isipan ninyo ang inyong mga ginagawa.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 6 Nagtanim kayo ng maraming mga binhi, ngunit hindi kayo umani ng marami sa inyong mga panananim. Kumakain kayo ng pagkain, ngunit hindi kayo nabubusog. Uminom kayo ng alak, ngunit nauuhaw parin kayo. Nagsusuot kayo ng mga damit ngunit hindi kayo naiinitan. Kumikita kayo ng pera, ngunit mabilis itong maubos gaya ng mabilis itong kitain.'
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q1
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 7 Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh na Pinuno ng mga hukbong anghel: 'Pag-isipan ninyo ang inyong ginagawa.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 8 At umakyat sa mga burol, pumutol ng mga punongkahoy, ibaba ang troso rito, at itayong muli ang aking templo. Kapag ginawa ninyo iyon, malulugod ako at magpapakita ako roon nang may kaluwalhatian.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 9 Inaasahan ninyong mag-aani kayo ng marami, ngunit kakaunti ang pananim na aanihan dahil inalis ko ang mga ito. Ginawa ko ito dahil ang aking templo ay wasak, habang abala ang bawat isa sa inyo sa pagtatayo ng inyong sariling magagandang bahay.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 10 Dahil sa mga ginagawa ninyong ito kaya hindi na pumapatak ang ulan mula sa langit at bilang resulta ay walang maaning pananim.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 11 Tinuyot ko ang buong kabukiran at maging ang mga kabundukan at lahat ng iba pa ninyong mga pananim, —natuyo maging ang butil o alak o langis.— Dahil diyan, mawawalan kayo at maging ang iyong mga baka ng sapat na pagkain at mawawalan ng kabuluhan ang ginawa ninyong pagtatrabaho."
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q1
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 12 At sinunod nina Zerubabel at Josue at lahat ng iba sa mga tao ng Diyos na nanatiling buhay pa ang mensahe na sinabi ni Yahweh na kanilang Diyos, at nakinig sila sa ibinigay na mensahe ni Hagai sa kanila, dahil alam nila na isinugo siya ni Yahweh na kanilang Diyos. At pinarangalan nila si Yahweh sapagkat kasama nila siya.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q1
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 13 At ibinigay ni Hagai na mensahero ni Yahweh ang mensaheng ito na mula kay Yahweh sa mga tao: "Akong si Yahweh ang nagpapahayag na kasama ninyo ako."
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 14 Kaya inudyukan ni Yahweh si Zerubabel at Josue at ang ibang mga tao na gustong maitayong muli ang templo ng kanilang Diyos, si Yahweh na Pinuno ng mga hukbong anghel. Kaya nagtipun-tipon sila at nagsimulang magtrabaho upang muling itayo ito.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 15 Sinimulan nila ang trabahong iyon sa ika-apat na araw ng buwan ding iyon kung kailan nagsalita si Yahweh kay Hagai.
\s5
\c 2
\p
\v 1 Halos isang buwan na ang nakalipas, noong ikadalawampu't isang araw ng sumunod na buwan, ibinigay ni Yahweh kay propeta Hagai ang isa pang mensahe.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 2 Dapat niyang sabihin ang mensaheng ito kay Zerubabel na anak ni Sealtiel, ang gobernador ng Juda, kay Josue na anak ni Josadac na pinakapunong pari at sa iba pang taong nabubuhay pa sa Jerusalem:
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 3 May nakakaalala ba sa inyo kung gaano kaluwalhati ang dati nating templo? Kung naaalala ninyo, ano na sa tingin ninyo ang katulad nito ngayon? Parang wala nalang ito.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 4 Ngunit ngayon sinasabi ni Yahweh sa inyong lahat, ang Pinuno ng mga hukbong anghel, kina Zerubabel, Josue at sa mga taong nakatira sa bansang ito, 'Huwag kayong panghinaan ng loob; sa halip, magpakatatag kayo!
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 5 Mananatili sa inyo ang aking Espiritu gaya ng ipinangako ko sa inyong mga ninuno nang lisanin nila ang Egipto. Kaya huwag kayong matakot!'
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 6 Ito ang sinasabi ni Yahweh, ang Pinuno ng mga hukbong anghel: 'Hindi magtatagal, yayanigin kong muli ang langit at ang lupa, ang mga karagatan at ang kalupaan.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 7 Yayanigin ko muli ang mga tao sa lahat ng bansa at bilang kahihinatnan ay dadalhin nila ang kanilang mga kayamanan sa templong ito. Pupunuin ko ang templong ito ng aking kaluwalhatian.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 8 Ang pilak at ginto na kanilang pag-aari ay talagang akin, kaya dadalhin nila ang mga ito sa akin.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 9 At higit na maluwalhati ang templong ito kaysa sa dati. At gagawin kong maayos ang mga bagay para sa inyong lahat. Tiyak na mangyayari ito dahil Ako, si Yahweh, ang Pinuno ng mga hukbong anghel, ang nagsabi nito."'
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 10 At noong ikadalawampu't apat na araw ng ikasiyam na buwan sa parehong taon, muling binigyan ni Yahweh si Hagai ng isa pang mensahe:
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 11 "Ito ang sabi ni Yahweh, ang pinuno ng mga hukbong anghel, 'Itanong mo ito sa mga pari, ang tungkol sa nakasulat sa mga kautusan ni Moses patungkol sa mga alay:
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 12 Kung isa sa inyong mga pari ay kukuha sa altar ng ilang karne na naihandog at ibabalot ito sa kaniyang mga balabal at kung masagi ng kaniyang balabal ang ilang tinapay o sabaw o alak o langis ng olibo o anumang pagkain, magiging banal din ba ang pagkaing iyon?'" Nang sinabi niya iyon sa mga pari, sumagot sila ng "Hindi."
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 13 At tinanong sila ni Hagai, "Kung may isang taong magiging hindi katanggap-tanggap sa Diyos dahil humawak ng bangkay at pagkatapos ay hinawakan ang alinman sa mga pagkaing iyon, ang pagkain din ba ay magiging hindi katanggap-tanggap sa Diyos?" "Oo", sagot ng mga pari.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 14 Pagkatapos, sumagot si Hagai, "Ito ang sinasabi ni Yahweh: 'Gayundin kayong mga tao at ang bansang ito. Ang lahat ng inyong ginagawa at ang lahat ng mga alay na inyong inihahandog ay hindi katanggap-tanggap sa akin dahil sa inyong mga ginawang kasalanan.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 15 Isipin ninyo kung ano ang nangyayari sa inyo bago ninyo inilagay ang pundasyon ng aking templo.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 16 Noong umasa kayong aani ng dalawampung sukat ng butil, umani lamang kayo ng sampu. Noong pumunta ang isa sa inyo sa isang malaking tangke ng alak upang kumuha ng limampung sukat ng alak, dalawampu lamang ang naroon sa tangke.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 17 Nagpadala ako ng pagkabulok at amag upang sirain ang lahat ng inyong pananim. Ngunit hindi pa rin kayo nanumbalik sa akin.' Ito ang sinabi sa inyo ni Yahweh, ang pinuno ng mga hukbong anghel.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 18 Magmula sa araw na ito, sa ikadalawampu't apat na araw ng ikasiyam na buwan sa parehong taon, ang araw nang ilagay ninyo ang pundasyon ng aking bagong templo, patuloy na isipin ninyong mabuti ang tungkol sa inyong kalagayan.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 19 Mayroon pa bang natirang butil ngayon sa inyong mga kamalig? Wala, dahil kinain ninyo ang kakaunting inani ninyo. At walang bunga ang inyong mga puno ng ubas at puno ng igos at puno ng granada at puno ng olibo. Ngunit magmula ngayon, pagpapalain ko kayo!'"
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 20 Sa araw ding iyon, muling binigyan ni Yahweh si Hagai ng isa pang mensahe.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 21 Sinabi niya, sabihin mo kay Zerubabel, ang gobernador ng Juda na yayanigin ko ang langit at ang lupa.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 22 Wawakasan ko ang kapangyarihan ng mga hari ng maraming bansa. Wawasakin ko ang kanilang mga karwahe at ang mga mangangarwahe, ang kanilang mga kabayo at ang mga kawal na nakasakay sa mga ito. Papatayin ng bawat kawal ang kaniyang kapwa kawal gamit ang sarili nilang mga espada.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 23 Zerubabel, ikaw ay magiging aking tagapaglingkod sa araw na iyon. At Akong si Yahweh, ang Pinuno ng mga hukbong anghel ang nagpapahayag na tulad ng mga haring may suot na singsing na pantatak upang ipakita na mayroon silang kapangyarihan na mamuno sa mga tao, hihirangin kita at bibigyan ng kapangyarihang mamuno. Gagawin ko iyon dahil pinili kita. Tiyak na mangyayari ito dahil Akong si Yahweh, ang Pinuno ng mga hukbong anghel ang nagsabi nito."