tl_udb/03-LEV.usfm

1990 lines
168 KiB
Plaintext
Raw Permalink Normal View History

2021-02-25 00:21:44 +00:00
\id LEV
\ide UTF-8
\h Levitico
\toc1 Levitico
\toc2 Levitico
\toc3 lev
\mt Levitico
\s5
\c 1
\p
\v 1 Habang nakatayo si Moises malapit sa pasukan ng banal na tolda, tinawag siya ni Yahweh mula sa loob ng tolda. Sinabi niya kay Moises na
\v 2 sabihin ito sa mga Israelita: "Kapag sinuman sa inyo ang magdadala ng isang handog kay Yahweh, dalhin ang isa sa inyong mga tupa o kambing o baka.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 3 Kung ang inihandog ninyo ay isang toro upang ganap na sunugin sa altar, dapat wala itong anumang kapansanan. Dapat ninyong dalhin ito sa pasukan ng banal na tolda, upang maging katanggap-tanggap ito kay Yahweh.
\v 4 Dapat ninyong ipatong ang inyong mga kamay sa ulo ng toro. Kapag ginawa ninyo iyan, tatanggapin ni Yahweh ang kamatayan nito kapalit ninyo upang patawarin kayo sa mga nagawa ninyong kasalanan.
\s5
\v 5 Dapat ninyong katayin ang batang toro sa harapan ni Yahweh. Pagkatapos dadalhin ng mga anak na lalaki ni Aaron, na mga pari, ang dugo at itatapon ang kaunti nito sa lahat ng mga gilid ng altar malapit sa pasukan ng banal na tolda.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 6 Dapat ninyong alisin ang balat ng hayop at hiwain ang hayop ng pira-piraso. Dapat ninyong hugasan ang mga lamang-loob at ang mga binti ng toro.
\s5
\v 7 Pagkatapos lalagyan ng mga anak na lalaki ni Aaron ng kahoy ang altar at sindihan ito.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 8 Pagkatapos isasaayos nila ang pira-piraso, kasama ang ulo at ang taba sa nagliliyab na kahoy.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 9 Pagkatapos ganap na susunugin ng isa sa mga pari ang lahat ng ito sa altar. At makakalugod kay Yahweh ang mabangong amoy.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 10 Kung naghahandog kayo ng isang tupa o isang kambing, dapat isa itong lalaking walang anumang kapansanan.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 11 Dapat ninyo itong katayin sa harapan ni Yahweh, sa hilagang dako ng altar at patuluin ang lahat ng dugo sa isang mangkok. Pagkatapos iwiwisik ng mga anak na lalaki ni Aaron ang dugo sa lahat ng gilid ng altar.
\s5
\v 12 Dapat ninyong hiwain ang hayop ng pira-piraso. Dapat ninyong hugasan ang mga lamang-loob at ang mga binti ng hayop. Pagkatapos isasaayos ng mga pari ang pira-piraso, kasama ang ulo at ang taba, sa nagliliyab na kahoy.
\v 13 Pagkatapos kukunin ng isa sa mga pari ang lahat ng ito at ganap na susunugin sa altar. At makakalugod kay Yahweh ang mabangong amoy habang nasusunog ang alay.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 14 Kung ang inyong inihahandog kay Yahweh ay mga ibon, dapat ninyong ihandog ang isang kalapati o isang batang ibon.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 15 Dadalhin ito ng pari sa altar at puputulin ang ulo nito. Pagkatapos susunugin niya ang ulo sa altar. Patutuluin niya ang lahat ng dugo ng ibon sa gilid ng altar.
\s5
\v 16 Pagkatapos alisin niya ang butsi ng ibon at kung ano ang nasa loob nito, at itatapon ito sa silangang gilid ng altar, kung saan din nila itinatapon ang mga abo.
\v 17 Pagkatapos hahawakan niya ang mga pakpak ng ibon at bahagyang bibiyakin ang ibon, subalit hindi lubusan. Pagkatapos ganap niyang susunugin ito sa apoy sa altar. At makakalugod kay Yahweh ang mabangong amoy.
\s5
\c 2
\p
\v 1 Kung magdadala kayo kay Yahweh ng isang handog na harina, dapat maglalaman ito ng isang giniling na pinung-pinong harina. Dapat ninyong buhusan ito ng olibong langis, kasama ng kaunting insenso,
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 2 at dalhin ninyo ito sa isa sa mga pari. Kukuha ang pari ng isang dakot nito at susunugin ito sa altar. Sumasagisag ang bahaging iyon na ang lahat ng handog ay tunay na nabibilang kay Yahweh. At makakalugod kay Yahweh ang mabangong amoy.
\v 3 Nabibilang kay Aaron at sa kanyang mga anak na lalaki ang bahagi ng harinang handog na iyon na hindi sinunog. Isang bagay ito na ibinukod para sa Diyos mula sa mga handog na inyong ibibigay kay Yahweh sa pamamagitan ng pagsusunog ng mga ito.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 4 Kung magdadala kayo ng isang handog na gawa mula sa harina, isang bagay na niluto sa isang pugon, dapat itong ginawa mula sa giniling na pinung-pinong harina. Maaari kayong magdala ng mga tinapay na gawa mula sa harinang hinaluan ng olibong langis subalit walang lebadura, o maaari kayong magdala ng mga apang may olibong langis na nakapahid sa mga ito, subalit ginawa pa rin na walang lebadura.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 5 Kung niluto sa kawali ang inyong handog na harina, dapat gawa ito sa giniling na pinung-pinong harinang hinaluan ng olibong langis at walang lebadura.
\s5
\v 6 Dapat masahin ninyo ito at buhusan ito ng olibong langis. Iyan ang magiging handog ninyo na gawa mula sa harina.
\v 7 Kung niluto sa bandeha ang inyong handog na gawa mula sa harina, dapat gawa ito sa giniling na pinung-pinong harinang hinaluan ng olibong langis.
\s5
\v 8 Dalhin kay Yahweh ang inyong handog na harina. Ibigay ito sa pari at dadalhin niya ito sa altar.
\v 9 Kukuha siya ng isang bahagi nito na sumasagisag na ang lahat ng handog na harina ay nabibilang kay Yahweh. Susunugin niya sa altar ang bahaging iyon, at makakalugod kay Yahweh ang mabangong amoy habang ito ay nasusunog.
\v 10 Mabibilang kay Aaron at sa kanyang mga anak na lalaki ang bahagi ng handog na harinang hindi nasunog. Ito ay isang bagay na ibinukod para sa Diyos mula sa mga handog na ibinigay kay Yahweh sa pamamagitan ng pagsusunog ng mga ito sa apoy.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 11 Bawat handog na harina na gawa mula sa butil at dinadala ninyo kay Yahweh ay dapat gawing walang lebadura, dahil hindi ninyo dapat lagyan ng anumang lebadura o pulot ang anumang handog kay Yahweh na sinusunog ng isang pari sa altar.
\v 12 Maaari ninyong dalhin kay Yahweh ang isang handog ng unang bahagi ng inyong ani, subalit hindi susunugin sa altar ang handog na iyon para magdulot ng isang mabangong amoy na makakalugod kay Yahweh.
\v 13 Lagyan ng asin ang lahat ninyong mga handog na ginawa mula sa harina. Kumakatawan ang asin sa kasunduang ginawa ng Diyos sa inyo, kaya tiyaking huwag ninyong kalimutang lagyan ng asin ang mga harinang handog na iyon.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 14 Kung magdadala kayo kay Yahweh ng isang harinang handog mula sa unang bahagi ng inyong inaning butil, maghandog ng kaunting bagong butil na dinurog at sinangag sa apoy.
\v 15 Lagyan ito ng olibong langis at insenso, at iyan ang magiging handog na ginawa ninyo mula sa harina.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 16 Kukuha ang pari ng isang bahagi nito na sasagisag na ang lahat ng handog ay tunay na nabibilang kay Yahweh. Susunugin niya ang bahaging iyon sa altar, na maging isang handog na ibinigay kay Yahweh sa pamamagitan ng pagsusunog nito sa apoy.
\s5
\c 3
\p
\v 1 Kapag maghandog kayo ng isang hayop kay Yahweh upang mangako ng pakikipag-kaibigan sa kanya, maaari kayong magdala ng isang toro o baka mula sa grupo ng inyong mga baka, ngunit ang ihahandog ninyo kay Yahweh ay dapat isang hayop na walang kapansanan.
\v 2 Dapat ninyong dalhin ang hayop sa pasukan ng banal na tolda. Dapat ninyong ipatong ang inyong mga kamay sa ulo nito. Pagkatapos dapat ninyong katayin ito at saluhin sa isang mangkok ang kaunting mga dugo nito. Pagkatapos iwiwisik ng isa sa mga anak ni Aaron na lalaki na mga pari ang dugo nito sa lahat ng gilid ng altar.
\s5
\v 3 Mula sa handog na iyon dapat ninyong dalhin kay Yahweh ang isang alay na susunugin ng isang pari sa apoy. Iyon ay nagtataglay ng lahat ng taba na nakabalot sa laman-loob ng hayop, o nakadikit sa mga ito—
\v 4 ang mga bato at ang taba na nakadikit sa mga iyon na malapit sa gulugod, at ang taba na nakabalot sa atay.
\v 5 Pagkatapos susunugin ng isa sa mga pari ang mga bagay na iyon sa altar, kasama ng ibang bahagi ng hayop na ganap niyang susunugin bilang isang handog kay Yahweh. At makakalugod kay Yahweh ang mabuting amoy.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 6 Kung ang handog na iyon para sa pangakong pakikipag-kaibigan kay Yahweh ay isang tupa o isang kambing, dapat ito din ay isang hayop na walang kapansanan.
\v 7 Kapag maghandog kayo ng isang tupa, dapat ninyong ihandog ito para kay Yahweh sa pasukan ng banal na tolda. Dapat ninyong ipatong ang inyong mga kamay sa ulo ng tupa at pagkatapos katayin ito. Dapat ninyong saluhin ang kaunting mga dugo nito sa isang mangkok.
\v 8 Pagkatapos iwiwisik ng isa sa mga pari ang dugo nito sa lahat ng gilid ng altar.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 9 Mula sa handog na iyon dapat ninyong ihiwalay ang mga bagay na ito upang maging alay na sinunog kay Yahweh: Ang taba nito, ang taba ng buntot na dapat ninyong hiwain malapit sa gulugod, at lahat ng taba na nakabalot sa laman-loob ng tupa, o ang nakalakip sa mga ito—
\v 10 ang mga bato kasama ang taba na nasa mga iyon na malapit sa kalamnan ng balakang, at ang taba na nakatakip sa atay.
\v 11 Isa sa mga pari ang susunog ng mga bagay na iyon sa altar upang maging isang handog para kay Yahweh. Bagama't ito ay maging mga pagkaing ibinigay para kay Yahweh.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 12 Kung ang inyong handog ay isang kambing, dapat ninyong dalhin ito kay Yahweh.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 13 Dapat ipatong ninyo ang inyong mga kamay sa ulo nito. Pagkatapos dapat katayin ninyo ito sa pasukan ng banal na tolda. Pagkatapos iwiwisik ng isa sa mga anak ni Aaron na lalaki ang dugo nito sa lahat ng gilid ng altar.
\v 14 Mula sa handog na iyon dapat ninyong ihiwalay ang mga bagay na ito upang maging isang alay na sinunog para kay Yahweh: Ang lahat ng taba na nakabalot sa laman-loob ng hayop na nakalakip sa mga ito,
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 15 ang mga bato kasama ang taba na nasa mga ito malapit sa kalamnan ng balakang, at ang taba na nakabalot sa atay.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 16 Susunugin ng mga pari ang mga bagay na iyon sa altar para maging isang handog kay Yahweh. Bagama't ang mga ito ay maging isang pagkaing ibibigay kay Yahweh. At ang mabuting amoy ay makakalugod kay Yahweh. Lahat ng taba ng mga hayop na inalay ay pag-aari ni Yahweh.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 17 Ito ay isang utos na dapat ninyong sundin at sa inyong mga kaapu-apuhan magpakailanman, saan man kayo mamuhay. Hindi ninyo dapat kainin ang taba o ang dugo ng kahit anumang hayop."
\s5
\c 4
\p
\v 1 Pagkatapos sinabihan ni Yahweh si Moises
\v 2 na sabihin ito sa mga taong Israelita, "Ito ang kung ano ang dapat gawin ng sinuman kung nagkasala siya ng hindi sinasadya, iyon ay, kung nakagawa siya ng isang bagay na lumalabag sa alinman sa mga utos ni Yahweh.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 3 Kung magkakasala ang punong pari at iyon ay magdudulot na magkasala ang lahat ng mga tao, dapat siyang magdala kay Yahweh ng isang batang toro na walang bahid. Iyon ang magiging handog para sa kasalanang ginawa niya.
\s5
\v 4 Dapat niyang dalhin ang toro sa pasukan ng banal na tolda. Dapat niyang ipatong ang kanyang kamay sa ulo nito. Pagkatapos dapat niyang katayin ito sa harapan ni Yahweh at saluin ang kaunting dugo sa isang mangkok.
\v 5 Pagkatapos dapat dalhin ng pari ang kaunting dugong iyon sa banal na tolda.
\s5
\v 6 Dapat niyang isawsaw ang isa sa kanyang mga daliri sa dugo at iwisik ito nang pitong beses sa presenya ni Yahweh, sa harap ng kurtina na naghihiwalay ng banal na lugar mula sa napakabanal na lugar.
\v 7 Pagkatapos dapat niyang ilagay ang kaunting dugo sa mga usli sa mga kanto ng altar kung saan sinusunog ang mabangong insenso sa banal na tolda sa presensya ni Yahweh. Ang natitirang bahagi ng dugo ng toro na nasa mangkok parin, dapat niyang ibuhos sa paanan ng altar, kung saan sinusunog ang mga alay, sa pasukan ng banal na tolda.
\s5
\v 8 Mula sa handog na iyon dapat ihiwalay ng pari ang mga bagay na ito mula sa torong susunugin: Ang tabang bumabalot sa panloob na bahagi ng toro o iyong nakadikit sa mga ito—
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 9 ang mga bato at ang tabang nakadikit sa mga ito na malapit sa balakang, at ang tabang bumabalot sa atay.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 10 Pagkatapos dapat ganap na sunugin ng pangulong pari ang mga bagay na iyon sa altar. Iyon ay magiging gaya ng kapag inalis ang taba mula sa isang hayop na inalay sa ipinangakong pakikipagkaibigan kay Yahweh.
\s5
\v 11 Ngunit ang lahat ng ibang mga bahagi ng hayop— ang balat nito at ang lahat ng ibang karne nito, ang ulo at ang mga binti nito, ang panloob na bahagi at ang mga bituka,
\v 12 dapat niyang dalhin sa labas ng kampo at itapon ang mga ito sa isang lugar na ginawang katanggaptanggap kay Yahweh, kung saan tinatapon ang mga abo, at dapat niyang sunugin ang mga iyon sa isang apoy sa tumpok ng mga abo.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 13 Kung nagkasala ang lahat ng Israelita na hindi sinasadya, sa paggawa ng isang bagay na ipinagbabawal sa alinman sa mga utos ni Yahweh, magkakasala sila, kahit na hindi nila napagtatanto na nagkasala sila.
\v 14 Kapag napagtanto nila na nakagawa sila ng isang kasalanan, dapat sama-sama silang magdala ng isang batang toro upang maging isang handog para sa kanilang kasalanan, sa harap ng banal na tolda.
\v 15 Dapat ipatong ng mga nakakatanda ang kanilang mga kamay sa ulo ng toro sa presensya ni Yahweh at katayin ito at saluin ang kaunting dugo sa isang mangkok.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 16 Pagkatapos dapat dalhin ng punong pari ang kaunti ng dugong iyon sa banal na tolda.
\v 17 Dapat niyang isawsaw ang isa sa kanyang mga daliri sa dugo at iwisik ito ng pitong beses sa presensya ni Yahweh, sa harap ng kurtina na naghihiwalay sa banal na lugar mula sa napakabanal na lugar.
\s5
\v 18 Pagkatapos dapat niyang ilagay ang kaunting dugo sa usli sa mga kanto ng altar na nasa presensya ni Yahweh sa banal na tolda. Dapat niyang ibuhos ang natitirang bahagi ng dugo ng toro sa paanan ng altar kung saan sinusunog ang mga alay, sa pasukan ng banal na lugar.
\v 19 Dapat niyang alisin ang lahat ng taba ng hayop at sunugin ito sa altar.
\s5
\v 20 Dapat niyang gawin sa torong ito ang parehong bagay na ginawa niya sa toro na isang handog para sa kanyang sariling kasalanan, at papatawarin ang mga iyon.
\v 21 Pagkatapos dapat kunin ng pari ang ibang mga bahagi ng toro sa labas ng kampo at sunugin ang mga ito, gaya ng kanyang ginagawa kapag siya mismo ang nagkasala. Iyon ang magiging handog para sa kasalanang ginawa ng mga tao, at papatawarin sila.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 22 Kapag isa sa mga pinuno ang magkasala nang hindi sinasadya, sa paggawa ng isang bagay na ipinagbabawal sa alinman sa mga utos ni Yahweh na kaniyang Diyos, magkakasala siya.
\v 23 Kung napagtanto niyang nakagawa siya ng isang kasalanan, dapat magdala siya bilang kaniyang handog ng isang kambing na walang bahid.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 24 Dapat ipatong niya ang kaniyang mga kamay sa ulo ng kambing sa presensya ni Yahweh at katayin ito sa lugar kung saan kinakatay nila ang mga hayop na sinusunog nang ganap sa altar. Iyon ay magiging isang handog para sa kaniyang kasalanan.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 25 Pagkatapos dapat ilagay ng pari ang kaunting dugo ng hayop sa isang mangkok at isawsaw ang isa sa kaniyang mga daliri nito at ilagay ang kaunti ng dugo sa mga kanto ng mga usli ng altar. Pagkatapos dapat niyang ibuhos ang natirang dugo sa paanan ng altar.
\s5
\v 26 Pagkatapos dapat niyang sunugin ang lahat ng taba sa altar, gaya ng ginawa sa taba ng handog para mangako ng pagpakikipagkaibigan kay Yahweh. Bilang kinalabasan sa paggawa niyon ng pari, hindi na mananagot ang pinuno para sa kaniyang kasalanan at papatawarin siya.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 27 Kung isa sa mga taong Israelita na hindi pari ang nagkasala nang hindi sinasadya, at gumawa ng isang bagay na ipinagbabawal sa alinman sa mga utos ni Yahweh na kanyang Diyos, magkakasala siya.
\v 28 Kapag napagtanto niyang nakagawa siya ng isang kasalanan, dapat siyang magdala bilang kaniyang handog ng isang babaeng kambing na walang bahid.
\s5
\v 29 Dapat niyang ipatong ang kaniyang mga kamay sa ulo ng kambing at katayin ito sa lugar kung saan nila kinakatay ang mga hayop na susunugin ng ganap sa altar, at saluin ang kaunting dugo sa isang mangkok.
\v 30 Pagkatapos dapat isawsaw ng pari ang isa sa kanyang mga daliri rito, at ilagay ang kaunti ng dugo sa mga usli sa mga kanto ng altar. Pagkatapos dapat niyang ibuhos ang natirang dugo sa paanan ng altar.
\s5
\v 31 Pagkatapos dapat niyang alisin ang lahat ng taba ng kambing, at sunugin ang lahat ng taba sa altar, gaya ng ginawa sa taba ng handog para panatilihin ang pagtitipon kasama si Yahweh. At magiging kalugud-lugod ang mabuting amoy kay Yahweh. Bilang kinalabasan sa paggawa niyon ng pari, hindi na mananagot ang tao para sa kaniyang kasalanan, at papatawarin siya.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 32 Kung magdadala ang taong iyon ng isang kordero para maging kaniyang handog para sa kasalanan, dapat siyang magdala ng babaeng kordero na walang bahid.
\v 33 Dapat niyang ipatong ang kaniyang mga kamay sa ulo ng kordero at katayin ito sa lugar kung saan kinakatay nila ang mga hayop na susunugin ng ganap sa altar, at saluin ang kaunti ng dugo sa isang mangkok.
\s5
\v 34 Dapat isawsaw ng pari ang isa sa kaniyang mga daliri rito at ipahid ang kaunting dugo sa mga usli sa mga kanto ng altar. Pagkatapos dapat niyang ibuhos ang natirang dugo sa paanan ng altar.
\v 35 Pagkatapos dapat niyang alisin ang lahat ng mga taba ng kordero, at sunugin ang lahat ng taba sa altar, gaya ng ginawa sa taba ng handog para mangako ng pakikipagkaibigan kay Yahweh. Dapat niyang sunugin ito sa ibabaw ng ibang mga handog kay Yahweh na sinusunog. Bilang kinalabasan, hihilingin ng pari sa Diyos na patawarin ang taong iyon sa kaniyang kasalanan, at papatawarin siya.
\s5
\c 5
\p
\v 1 Kung iuutos ng isang hukom sa sinuman sa inyo upang sabihin sa hukuman ang isang bagay na inyong nakita o isang bagay na inyong narinig na sinabi ng isang tao, ngunit kung tumanggi kayong sabihin kung ano ang totoo ninyong nalalaman, dapat magbayad kayo ng isang multa para sa pagtangging sabihin kung ano ang inyong nalalaman.
\v 2 Kung hindi ninyo sinasadyang mahawakan ang isang bagay na itinuturing ng Diyos na hindi malinis katulad ng mga patay na katawan ng isang mabangis na hayop o patay na katawan ng inyong mga hayop na namatay, o ng isang hayop na gumagapang sa lupa, dapat magbayad kayo ng isang multa.
\s5
\v 3 Kung nakahawak kayo ng anumang bagay na naging sanhi sa sinumang hindi katanggap-tanggap sa Diyos, kahit na hindi ninyo binalak na hawakan ito, kapag napagtanto ninyo kung ano ang inyong nagawa, dapat kayong magbayad ng isang multa.
\v 4 Kung makagawa kayo ng isang padalus-dalos na pangako upang gagawa ng isang bagay na alinman sa mabuti o masama, kapag napagtanto ninyo na hindi ninyo ito magagawa, dapat kayong magbayad ng isang multa.
\s5
\v 5 Kung nagkasala kayo sa paggawa ng anuman sa mga kasalanang iyon, dapat ipagtapat ninyo kung ano ang inyong nagawa.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 6 At bilang isang multa, dapat ninyong dalhin kay Yahweh ang isang babaeng tupa o babaeng kambing bilang isang handog para sa kasalanan na inyong nagawa, at iaalay ito ng pari, at pagkatapos wala na kayong pananagutan sa inyong kasalanan.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 7 Kung mahirap kayo at di kayang magdala ng isang tupa, dapat magdala kayo kay Yahweh ng dalawang kalapati o dalawang batang kalapati. Magiging isang handog para sa inyong kasalanan ang isa, at magiging isang handog ang isa na susunuging ganap sa ibabaw ng altar.
\v 8 Dapat ninyong dalhin ang mga ito sa pari. Una niyang ihandog ang isa sa mga ito upang magiging isang handog para sa inyong kasalanan. Babaliin niya ang leeg nito upang patayin, ngunit hindi niya dapat tuluyang tanggalin ang ulo nito.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 9 Pagkatapos dapat niyang iwisik ang kaunting dugo sa gilid ng altar. Dapat uubusin ang natitirang dugo sa paanan ng altar. Iyon ang magiging isang handog para sa inyong kasalanan.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 10 Pagkatapos gagawin ng pari ang anumang iniutos ko at ihandog ang ibang ibon upang susunuging ganap sa ibabaw ng altar. Pagkatapos wala na kayong pananagutan para sa kasalanan na inyong ginawa, at patatawarin kayo ni Yahweh.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 11 Subalit, kung kayo ay napakamahirap at di kaya ang dalawang kalapati o dalawang batang kalapati, dapat dalhin ninyo ang dalawang litro ng pinong harina upang maging isang handog para sa inyong kasalanan. Dapat hindi ninyo ito lagyan ng olibong langis o insenso, dahil ito ay handog para sa kasalanan.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 12 Dapat ninyo itong dalhin sa pari. Kukuha siya ng isang dakot nito upang kumakatawan na ang kabuuang handog ay tunay na pag-aari ni Yahweh, at sunugin ito sa ibabaw ng altar, sa ibabaw ng iba pang mga handog.
\v 13 Kapag ginawa niya iyon, idudulot ng pari na wala na kayong pananagutan sa anumang mga kasalanan na inyong ginawa, at patatawarin kayo ng Diyos. Magiging pag-aari ng pari ang bahagi ng handog na hindi sinunog, kagaya ng handog na ginawa mula sa harina."
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 14 Sinabi rin ni Yahweh kay Moises upang sabihin sa mga tao:
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 15 "Kapag nagkasala kayo, na hindi ninyo binabalak, sa pamamagitan ng hindi pagbigay sa akin, Yahweh, sa mga bagay na kinakailangan ninyong ibigay sa kanya, dapat magbayad kayo ng isang multa sa pamamagitan ng pagdadala sa akin ng isang lalaking tupa na walang mga kapintasan. Dapat ninyong alamin ilang pilak ang halaga nito, sa pamamagitan ng paggamit ng opisyal na pamantayan ng banal na tolda. Magiging isang handog ito na magdudulot sa inyo upang wala ng pananagutan.
\v 16 Ngunit dapat din kayong gumawa ng pambayad-pinsala para sa pagkabigong magbayad sa kanya anumang inilaan na para lamang sa kanya. At saka, dapat dagdagan ninyo ng ikalima ang halaga nito. Dapat ibigay ninyo iyon sa pari. Ihahandog niya ang isang lalaking tupa bilang isang alay para sa kasalanan na inyong nagawa at magdudulot sa inyo na wala ng pananagutan, at patatawarin ko kayo.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 17 Kung nagkasala kayo sa pamamagitan ng paggawa ng isang bagay na ipinagbabawal sa alinman sa aking mga utos, kahit na hindi niyo alam na sinuway ninyo ang isa sa aking mga utos, nagkasala pa rin kayo; dapat magbayad kayo sa akin ng isang multa.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 18 Kapag napagtanto ninyo kung ano ang inyong ginawa, dapat dalhin ninyo sa pari ang isang lalaking tupa bilang isang handog upang kayo ay wala ng pananagutan. Dapat dalhin ninyo ang isa na walang mga kapintasan. Ihahandog ng pari ang isang lalaking tupa upang maging isang handog para sa akin, at bilang isang resulta wala na kayong pananagutan sa kasalanan na inyong nagawa, at patatawarin ko kayo.
\v 19 Isang handog ito na magdudulot sa inyo na wala ng pananagutan para sa pagkakasala laban sa akin."
\s5
\c 6
\p
\v 1 Sinabi rin ni Yahweh kay Moises,
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 2 "Kung nagkasala kayo laban sa akin sa pamamagitan ng paglinlang sa isang tao—kung tumanggi kayong ibalik anumang ipinahiram sa inyo ng isang tao, o kung magnakaw kayo ng isang bagay na kanya,
\v 3 o kung nakakita kayo ng isang bagay at manumpa na wala ito sa inyo, kayo ay nagkasala.
\v 4 Dapat ibalik ninyo ito sa may-ari ang anumang ninakaw ninyo o anumang ipinahiram sa inyo ng isang tao at hindi ninyo naibalik, o anuman ang inyong nakita na nawala ng ibang tao, o anumang ipinagsinungaling ninyo.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 5 Dapat hindi lamang ninyo ibalik ang anumang bagay ng ganoon lang sa may-ari nito, ngunit dapat din kayong magbayad sa may-ari ng karagdagang ikalimang halaga nito.
\v 6 Dapat dalhin din ninyo sa pari ang isang lalaking tupa upang maging isang handog para sa akin, upang wala na kayong pananagutan. Dapat ang lalaking tupa na inyong dadalhin ay walang mga kapintasan, isa na may halaga na napagpasyahan ng mga pinuno.
\v 7 Pagkatapos ihahandog ng pari ang lalaking tupa na iyon upang maging isang alay na magdudulot sa inyo na wala ng pananagutan, at patatawarin ko kayo para sa mga maling bagay na inyong ginawa."
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 8 Sinabi rin ni Yahweh kay Moises,
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 9 "Sabihin mo ito kay Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki: Ito ang mga alituntunin patungkol sa mga handog na susunuging ganap sa ibabaw ng altar: Ang handog na dapat manatili sa ibabaw ng altar sa buong magdamag, at ang apoy sa ibabaw ng altar ay dapat pananatilihing umaapoy.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 10 Sa susunod na araw dapat isuot ng pari ang kaniyang linong mga damit pang-ilalim at linong panlabas na mga damit. Pagkatapos dapat niyang alisin ang mga abo ng handog mula sa apoy at ilagay ang mga ito sa tabi ng altar.
\v 11 Pagkatapos dapat niyang hubarin ang mga damit na iyon at isuot ang ibang mga damit, at dalhin ang mga abo sa labas ng kampo, patungo sa isang lugar na ginawang katanggap-tanggap sa akin.
\s5
\v 12 Dapat palaging panatilihing umaapoy ang apoy sa ibabaw ng altar. Hindi dapat hahayaan ng pari na mamatay ito. Bawat umaga ang pari ay dapat maglagay ng marami pang kahoy na panggatong sa apoy. Pagkatapos dapat niyang ayusin ang marami pang mga handog sa apoy, at sunugin sa ibabaw ng altar ang taba ng mga handog para sunugin upang mangako ng pakikipagkaibigan kay Yahweh.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 13 Dapat patuloy na panatilihing umaapoy ang apoy sa ibabaw ng altar. At hindi dapat hayaan ng pari na mamatay ito."
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 14 Ito ang mga alituntunin patungkol sa mga handog na gawa mula sa harina. Dapat dalhin ang mga ito ng mga anak na lalaki ni Aaron kay Yahweh sa harapan ng altar.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 15 Dapat kumuha ang pari ng isang dakot ng pinong harina na hinaluan ng olibong langis at insenso at sunugin iyon sa ibabaw ng altar. Ang isang dakot ay magpapahiwatig na ang buong handog ay tunay na pag-aari ko. At ang mabangong amoy, habang sinusunog ang handog, ay magiging kaaya-aya sa akin.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 16 Maaaring kainin ni Aaron at ng kaniyang mga anak na lalaki ang natitirang bahagi ng handog na pagkaing butil. Ngunit dapat nilang kainin ito sa isang lugar na inilaan para sa Diyos, sa patyo ng banal na tolda.
\v 17 Dapat hindi ito hinaluan ng lebadura. Katulad ng mga handog para sa kasalanan at ang mga handog na magdudulot sa mga tao na wala ng pananagutan sa kasalanan, natatangi ang handog na iyon, na nakalaan para sa akin.
\v 18 Pinahihintulutang kainin ito ng sinumang lalaking kaapu-apuhan ni Aaron, dahil palagiang bahagi nila ito sa mga handog na ibinigay sa akin at susunugin sa apoy sa ibabaw ng altar. Sinumang hahawak sa mga ito ay ituturing na inilaan para sa karangalan ni Yahweh."
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 19 Sinabi rin ni Yahweh kay Moises,
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 20 "Sabihin kay Aaron at kaniyang mga anak na lalaki na ito ang mga handog na dapat nilang dalhin sa akin sa araw na itatalaga ang sinuman sa kanila: Dapat dalhin ng taong iyon ang dalawang litro ng pinong harina bilang isang handog na ginawa mula sa harinang butil. Dapat dalhin niya ang kalahati nito sa umaga at sa gabi.
\s5
\v 21 Dapat haluan niya ito ng olibong langis at lutuin ito sa isang mababaw na kawali. Dapat pagpira-pirasuhin niya ito upang sunugin sa ibabaw ng altar. At ang mabangong amoy, habang sinusunog ito, ay magiging kaaya-aya sa akin.
\v 22 Iniutos ko na ang lahat ng mga kaapu-apuhan ni Aaron na siyang hinirang upang magiging mga pangulong pari pagkatapos mamatay ni Aaron ang siyang dapat maghanda ng mga bagay na iyon. Dapat silang susunuging ganap sa ibabaw ng altar upang maging mga alay sa akin.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 23 Dapat susunuging ganap ang bawat handog na ibinigay ng pari na ginawa mula sa harina. Walang sinuman ang kakain ng alinman sa mga ito."
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 24 Sinabi rin ni Yahweh kay Moises na
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 25 sabihin kay Aaron at kaniyang mga anak na lalaki, "Ito ang mga alituntunin patungkol sa mga handog na magdudulot sa mga tao na magiging katanggap-tanggap sa aking muli:
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 26 Dapat kainin ito ng pari na siyang naghandog ng alay sa lugar sa patyo na inilaan para sa pagkain ng mga alay sa aking karangalan.
\s5
\v 27 Sinumang ibang tao na siyang makakahawak sa anumang karne na ito ay pag-aari ko. At kung naisaboy ang dugo nito sa inyong mga damit, dapat ninyong labahan ang mga damit sa isang banal na lugar.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 28 Kung iniluto ang karne sa isang palayok, dapat basagin ang palayok pagkatapos. Pero kung iniluto ito sa isang tansong palayok, dapat kuskusin ang palayok pagkatapos at hugasan ng tubig.
\s5
\v 29 Maaaring kumain ang sinumang lalaki sa isang pamilya ng pari ng kaunti sa nilutong karne. Katangi-tangi ang karneng iyon.
\v 30 Ngunit kung dinala ang dugo ng mga handog na iyon sa banal tolda upang maaaring patatawarin ang mga tao para sa pagkakaroon ng pagkakasala, dapat hindi kakainin ang karne ng mga hayop na iyon. Dapat sunuging ganap ng pari ang karneng iyon."
\s5
\c 7
\p
\v 1 Ito ang mga alituntunin tungkol sa mga handog kapag nagkasala ang mga tao, kapag hindi binibigay kay Yahweh ang mga bagay na dapat ibigay sa kanya. Iyon ang mga handog na napakabanal.
\v 2 Dapat katayin ng pari ang bawat hayop na ihahandog ng mga tao para sa isang layunin, sa parehong lugar kung saan nila kakatayin ang mga hayop na kanilang susunuging ganap. Dapat iwisik ng pari ang dugo ng hayop sa lahat ng sulok ng altar.
\v 3 Lahat ng kanilang taba, ang taba sa mga buntot na hinawa malapit sa gulugod, at ang taba na bumalot sa panloob na mga bahagi ng mga hayop o alinman sa nakadikit sa mga ito, dapat sunugin sa altar.
\v 4 Kabilang ang mga bato nito ang mga taba na malapit sa ibabang likuran ng kalamnan, at ang taba na bumabalot sa atay. Dapat tanggalin ng pari ang lahat ng mga matatabang bahagi.
\s5
\v 5 Dapat sunugin ng pari ang mga bahaging ito sa altar bilang mga handog sa akin, Yahweh. Ito ang mga handog para sa mga tao, upang patatawarin ko sila kapag hindi nila ginawa kung ano ang hiniling ko na kanilang gagawin.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 6 Pinapayagan ang mga lalaki sa pamilya ng pari na kumain ng karne nito, ngunit dapat kainin ito sa isang lugar na inilaan para sa akin, sapagkat katangi-tangi ito sa akin.
\s5
\v 7 Ang alituntunin ay kahalintulad para sa mga handog upang magdulot sa mga tao na maging katanggap-tanggap muli sa akin at ang mga handog kapag nagkasala sila sa hindi pagbigay ng mga bagay na hiniling ko mula sa kanila. Ang karne ng mga handog na iyon ay nabibilang sa pari na siyang naghandog sa mga ito.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 8 Kapag kakatayin ng pari ang isang hayop na kaniyang susunuging ganap sa altar, maaari niyang itago ang balat ng hayop para sa kaniyang sarili.
\s5
\v 9 Ang paghahandog ng mga bagay na ginawa mula sa harina na niluto sa hurno o niluto sa isang kawali o sa isang mababaw na kawali ay para sa mga pari na siyang nag-alay sa mga bagay na iyon para sa ibang tao.
\v 10 At ang mga paghahandog ng mga bagay na ginawa mula sa harina, kahit hinaluan ang mga ito ng olibong langis o hindi, nabibilang din ito sa mga kaapu-apuhan ni Aaron.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 11 Ito ang mga alituntunin tungkol sa mga handog na gagawin ng mga tao upang mangako ng pakikipagkaibigan kay Yahweh.
\v 12 Kung magdadala kayo ng handog para pasalamatan si Yahweh, kasama ang hayop na inyong kakatayin dapat maghandog kayo ng maraming tinapay na niluto sa olibong langis na hinaluan ng harina ngunit walang lebadura, at mga ostiya na ginawa na walang lebadura ngunit pinahiran ng olibong langis sa ibabaw ng mga ito, at maraming tinapay na ginawa mula sa pinong harina na may kasamang olibong langis na mainam na hinalo sa harina.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 13 Kabilang sa handog na iyon para pasalamatan si Yahweh, dapat magdala kayo ng isang handog na mga tinapay na niluto na may lebadura.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 14 Dapat magdala kayo ng isa sa bawat uri para sa isang handog kay Yahweh, ngunit nabibilang ang mga ito sa pari na siyang nagwisik ng dugo ng hayop sa altar na kinatay bilang isang handog upang mangako ng pakikipagkaibigan kay Yahweh.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 15 Dapat kainin ang karne ng handog na iyon sa araw na inihandog ito. Wala sa mga ito ang matira upang kakainin sa susunod na araw.
\v 16 Subalit, kung ang inyong handog ay bunga ng isang panata na iyong ginawa kay Yahweh, o isang handog na kusang-loob ninyong ginawa, maaari kayong kumain ng kaunting karne sa araw na inihandog ito, at anumang bagay ang natira ay maaaring kainin sa susunod na araw.
\s5
\v 17 Ngunit anumang karne ang natira hanggang sa ikatlong araw ay dapat sunuging ganap.
\v 18 Kung anumang karne mula sa handog upang mangako ng pakikipagkaibigan kay Yahweh ay kakainin sa ikatlong araw, ang handog na iyon ay hindi na tatanggapin ni Yahweh. Ito ay magiging walang kubuluhang handog sapagkat ituturing ito ni Yahweh na walang halaga. Sinumang kumain sa alin man sa mga ito ay magbabayad ng isang multa kay Yahweh.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 19 Ang karne na madidikit sa anumang bagay ay hindi dapat kainin sapagkat ituturing ito ng Diyos na marumi. Dapat sunugin itong ganap. Ngunit para sa ibang karne, sinumang gumawa ng mga ritwal upang maging katanggap-tanggap sa Diyos ay tinutulutang kumain nito.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 20 Sinumang hindi gumawa sa mga ritwal na iyon ay kakain ng ilan sa karne ng handog upang mangako ng pakikipagkaibigan kay Yahweh, karne na nabibilang kay Yahweh, hindi na siya dapat papayagang makisama sa mga tao ng Diyos.
\s5
\v 21 Kung sinumang makakahawak sa anumang bagay na ituturing ng Diyos na marumi at lubos na hindi kaaya-aya sa kaniya, kahit mula ito sa tao o sa hayop, at pagkatapos kakainin niya ang anumang karne na handog upang mangako ng pakikipagkaibigan kay Yahweh, karne na nabibilang kay Yahweh, hindi na siya dapat papayagang makisama sa mga tao ng Diyos."
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 22 Sinabi rin ni Yahweh kay Moises:
\v 23 "Sabihin mo ito sa mga taong Israelita: 'Huwag kumain ng anumang taba ng mga baka o mga tupa o mga kambing.
\v 24 Ang taba ng isang hayop na natagpuang patay o pinatay ng isang mabangis na hayop ay maaaring gamitin sa ibang mga layunin, ngunit hindi ninyo dapat kainin ito.
\s5
\v 25 Sinumang kumain ng taba ng isang hayop na mula sa isang handog na inihandog kay Yahweh ay hindi na papayagang makisama sa mga tao ng Diyos.
\v 26 At saan man kayo naninirahan, hindi kayo dapat kumain ng dugo ng anumang ibon o hayop.
\v 27 Kung sinuman ang kakain ng dugo, hindi na siya kailanman papayagang makisama sa mga tao ng Diyos."
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 28 Sinabi rin ni Yahweh kay Moises,
\v 29 "Sabihan mo ang mga taong Israelita nito: 'Sinumang magdadala ng isang handog upang mangako ng pakikipagkaibigan kay Yahweh ay dapat magdala ng bahagi nito upang maging alay kay Yahweh.
\v 30 Dapat siya mismo ang magdala ng handog na susunugin sa apoy. Dapat dalhin niya ang taba kasama ang dibdib ng hayop at iangat ito ng mataas sa harapan ni Yahweh upang idulog ito bilang isang handog sa kaniya.
\s5
\v 31 Dapat sunugin ng pari ang taba sa altar, ngunit nabibilang ang dibdib kay Aaron at sa lahat ng kaniyang kaapu-apuhan.
\v 32 Dapat ibigay ninyo sa pari ang kanang hita ng hayop na inyong ihahandog upang mangako ng pakikipagkaibigan kay Yahweh.
\s5
\v 33 Ang anak na lalaki ni Aaron na naghandog ng dugo at taba ng yaong alay ay makatatanggap ng kanang hita ng hayop bilang kanyang bahagi.
\v 34 Mula sa mga handog na binigay ng mga taong Israelita upang mangako ng pakikipagkaibigan kay Yahweh, ipinahayag niya na kanyang ibinigay kay Aaron at sa kanyang kaapu-apuhan ang dibdib na itinaas at ang kanang hita na inihandog. Ang mga bahaging iyon ay patuloy na magiging kanilang bahagi mula sa mga taong Israelita.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 35 Iyon ang mga bahagi ng mga handog na dinala kay Yahweh at sinunog sa apoy na inilaan kay Aaron at sa kaniyang mga kaapu-apuhan sa araw na ikaw, Moises, ang pipili upang maglingkod kay Yahweh bilang mga pari.
\v 36 Inutos ni Yahweh sa araw na kanyang hinirang ang mga pari, na dapat patuloy magbigay ang mga taong Israelita ng yaong mga bahagi sa mga pari."'
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 37 Kaya iyon ang mga alituntunin para sa mga handog na susunuging ganap sa altar, ang mga handog na ginawa mula sa harina, ang mga handog na idudulot sa mga tao upang muling maging katanggap-tanggap sa Diyos, ang mga handog kapag ang mga tao ay nagkasala sa hindi pagbibigay kay Yahweh ng mga bagay na dapat ibigay sa kanya, ang mga handog na ibibigay kapag hihirangin ang mga pari, at ang mga handog upang mangako ng pakikipagkaibigan kay Yahweh.
\v 38 Ito ang mga alituntunin na ibinigay ni Yahweh kay Moises sa Bundok Sinai, sa araw na kanyang inutusan ang mga taong Israelita na simulan ang pagdadala ng kanilang mga handog sa kanya, sa kagubatan sa paligid ng Sinai.
\s5
\c 8
\p
\v 1 Sinabi rin ni Yahweh kay Moises,
\v 2 "Dalhin mo si Aaron at ang kaniyang mga anak, at dalhin ang kanilang mga natatanging damit, ang langis para ipahid sa kanila, ang toro na ihahandog para idulot na maging katanggap-tanggap sila kay Yahweh, ang dalawang lalaking tupa na kakatayin, at ang basket na naglalaman ng tinapay na ginawang walang lebadura.
\v 3 Pagkatapos tipunin ang lahat ng tao sa pasukan ng banal na tolda."
\s5
\v 4 Ginawa ni Moises kung ano ang sinabi ni Yahweh sa kaniya na gawin, at ang lahat ng tao ay nagtipon-tipon doon.
\v 5 Pagkatapos sinabi ni Moises sa mga tao, "Ito ang ipinag-utos sa atin ni Yahweh na gawin."
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 6 Pagkatapos dinala niya sa unahan si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki at kaniyang hinugasan sila.
\v 7 Inilagay niya ang natatanging tunika kay Aaron, itinali ang sinturon sa palibot niya, inilagay sa kaniya ang natatanging balabal, at ang banal na tsaleko. Itinali ang banal na tsaleko sa palibot niya, gamit ang makinis na hinabing sinturon.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 8 Inilagay niya ang banal na bulsa sa kanyang dibdib at inilagay sa loob nito ang dalawang bato para gamitin niya upang malaman kung ano ang gusto ng Diyos.
\v 9 Pagkatapos ibinalot niya ang turbante sa palibot ng kaniyang ulo at itinali ito sa harap ng palamuting ginto ang bagay na nagpapakita na siya ay itinalaga para sa Diyos, ayon sa ipinag-utos ni Yahweh kay Moises.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 10 Pagkatapos kinuha ni Moises ang langis na olibo at kaniyang pinahiran ang banal na tolda at lahat ng bagay nasa loob nito, at inihandog ang lahat ng ito para kay Yahweh.
\v 11 Winisikan niya ng kaunting langis ang ibabaw ng altar ng pitong beses. Pinahiran niya ang altar at ang lahat ng mga bagay na ginagamit na kasama ng mga ito, at ang napakalaking hugasan at ang tuntungan, upang ihandog ang mga ito para kay Yahweh.
\s5
\v 12 Binuhasan niya ng kaunting langis ang ulo ni Aaron at pinahiran siya, upang italaga siya para kay Yahweh.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 13 Pagkatapos dinala niya sa unahan ang mga anak na lalaki ni Aaron. Nilagyan niya sila ng mga tunika, tinalian ng mga sinturon sa palibot nila, at binalutan ng mga turbante ang palibot ng kanilang mga ulo, ayon sa ipinag-utos ni Yahweh kay Moises.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 14 Pagkatapos dinala niya ang toro para sa handog upang idulot na ang mga tao ay maging katangap-tanggap sa Diyos. Pagkatapos inilagay ni Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki ang kanilang mga kamay sa ulo ng toro.
\v 15 Pagkatapos kinatay ni Moises ang toro. Kumuha ng kaunting dugo nito at inilagay sa isang mangkok at sa kanyang daliri inilagay ang kaunti nito sa mga istraktura sa bawat kanto ng altar, para linisin ang altar. Ibinuhos niya ang mga natirang dugo sa paanan ng altar. Sa pamamagitan ng paggawa niyan, idinulot niya na ito ay maging isang angkop na lugar para sunugin ang mga alay para sa kasalanan.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 16 Kinuha ni Moises ang lahat ng taba na nakatakip sa kaloob-loobang bahagi ng hayop, kasama dito ang atay at mga bato, sinunog ang mga ito sa ibabaw ng altar.
\v 17 Kinuha niya ang natitirang toro kasama ang balat at ang mga lamang loob, at sinunog ang mga ito sa labas ng kampo, ayon sa ipinag-utos ni Yahweh kay Moises.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 18 Pagkatapos kinuha niya ang lalaking tupa para sa paghahandog na tuluyang masusunog sa ibabaw ng altar, at ipinatong ni Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki ang kanilang mga kamay sa ulo nito.
\v 19 Pagkatapos kinatay ni Moises ang lalaking tupa at iwinisik ang dugo nito sa lahat ng gilid ng altar.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 20-21 Hiniwa niya ng pira-piraso ang lalaking tupa at hinugasan ang laman-loob at ang likuran ng mga hita nito. Pagkatapos inilagay niya ang ulo, ang taba, at ang ibang mga bahagi ng lalaking tupa sa ibabaw ng altar. Habang nasusunog ito, ang mabangong amoy ng usok ay naging kalugod-lugod para kay Yahweh. Ito ay isang paghahandog para kay Yahweh na sinunog, ayon sa ipinag-utos ni Yahweh kay Moises.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 22 Pagkatapos dinala niya ang ibang lalaking tupa, ang isa para sa pagtatalaga sa mga pari, at ipinatong ni Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki ang kanilang mga kamay sa ulo nito.
\v 23-24 Kinatay ni Moises iyong lalaking tupa, kumuha ng kaunting dugo nito at inilagay sa isang mangkok, at inilagay ang kaunting dugo sa ibabaw ng umbok ng mga tainga, ang mga hinlalaki ng kanang mga kamay, at ang malaking mga daliri ng kanang mga paa ni Aaron upang ipahiwatig na kung ano ang kanilang napakinggan at kung ano ang kanilang ginawa at kung saan sila pumunta na nararapat ayon sa itinuro ni Yahweh.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 25 Pinulot niya ang lahat ng taba ng lalaking tupa, ang taba sa buntot nito, ang taba na tumatakip sa mga kaloob-loobang bahagi, kasama ang taba na natatakpan ng atay at mga bato at ang kanan hita ng lalaking tupa.
\v 26-27 Pagkatapos mula sa basket na may lamang tinapay na ginawa na walang lebadura, ang tinapay na inialay para kay Yahweh, kumuha siya ng isang buong tinapay na ginawa na walang langis ng olibo, at isang buong tinapay na ginawa sa pamamagitan ng paghalo ng harina kasama ang langis ng olibo, at isang barkilyos. Inilagay niya ang mga ito sa itaas na bahagi ng taba, at inilagay ang mga ito sa mga kamay ni Aaron at kaniyang mga anak na lalaki. Pagkatapos itinaas nila ang mga ito sa presensya ni Yahweh upang ipakita na ito ay isang paghahandog na nabibilang kay Yahweh.
\s5
\v 28 Pagkatapos kinuha ni Moises mula sa kanilang kamay ang mga bagay na ito at sinunog sa ibabaw ng altar. Ito ay paghahandog na sinunog upang italaga si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki bilang mga pari. At ang kabanguhan nito habang nasusunog ay naging katanggap-tanggap kay Yahweh.
\v 29 Kinuha rin ni Moises ang dibdib ng pangalawang lalaking tupa at itinaas ito sa harapan ni Yahweh para ialay ito sa kanya, ayon sa ipinag-uutos ni Yahweh. Ang dibdib ay bahagi ni Moises ng inialay ang lalaking tupa upang ihandog sa mga pari.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 30 Pagkatapos kumuha si Moises ng kaunting langis upang ipahid kay Aaron at sa kaniyang mga anak, at kaunting dugo na nasa ibabaw ng altar at iwinisik ito kay Aaron at sa kanyang mga anak na lalaki at sa kanilang mga damit. Sa pamamagitan ng paggawa niyon, itinalaga niyang hiwalay si Aaron upang maging pari, kasama ng kaniyang mga anak na lalaki at kanilang mga damit.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 31 Pagkatapos sinabi ni Moises kay Aaron at sa kaniyang mga anak lalaki, "Pakuluan ninyo ang karne ng pangalawang lalaking tupa sa pasukan ng banal na pagpupulong, at kainin ang mga ito doon kasama ng tinapay na nasa basket, ayon sa sinabi ko na inyong gagawin.
\v 32 Sunugin ang anumang mga karne at tinapay na natira.
\v 33 Ang panahon para sa inyo na pagtatalaga na hiwalay bilang mga pari ay pitong araw, kaya huwag kayong aalis sa pasukan ng banal na tolda sa loob ng pitong araw.
\s5
\v 34 Kung ano ang ginawa natin sa araw na ito ay kung ano ang ipinag-utos ni Yahweh upang idulot na mapatawad kayo sa inyong mga kasalanan.
\v 35 Dapat kayong manatili sa pasukan ng banal na tolda sa loob ng pitong araw at sa loob ng pitong gabi at gawin kung ano ang hinihingi ni Yahweh, nang sa ganon, hindi kayo mamamatay dahil sa hindi ninyo pagsunod sa kaniya. Ako ay nagsasabi sa inyo sapagkat iyan ang kung ano ang ipinag-utos ni Yahweh sa akin para sabihin sa inyo."
\v 36 Kaya ginawa ni Aaron at ng kaniyang mga anak na lalaki ang lahat ng bagay na sinabi ni Yahweh kay Moises para sabihin sa kanila.
\s5
\c 9
\p
\v 1 Pagkalipas ng walong araw, ipinatawag ni Moises ang mga nakatatanda ng Israel.
\v 2 Pagkatapos sinabi niya kay Aaron, "Kumuha ka ng isang batang toro upang maihandog mo ito para sa iyong mga kasalanan, at isang tupa upang masunog mo ito nang buo sa altar, parehong walang anumang mga bahid ang mga ito, at ihandog ang mga ito kay Yahweh.
\s5
\v 3 Pagkatapos sabihin mo sa mga taong Israelita, 'Kumuha kayo ng isang lalaking kambing upang ihandog ito para sa inyong mga kasalanan. Kumuha rin ng isang guya at isang tupa na walang mga bahid, upang masunog mo ang mga ito nang buo sa altar.
\v 4 Kumuha rin ng isang baka at isang lalaking tupa upang ihandog ang mga ito, upang makapangako ng pakikipagkaibigan kay Yahweh, kasama ang isang handog na harina na hinaluan ng langis na olibo. Gawin ito dahil ngayon magpapakita sa inyo si Yahweh.'"
\v 5 Pagkatapos ibinigay ni Moises ang mga alituntuning ito sa mga Israelita, nagdala ang ilan sa kanila ng mga bagay na ito at pumunta sa patyo sa harapan ng banal na tolda. Pagkatapos lumapit ang lahat ng mga tao at tumayo sa harapan ni Yahweh.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 6 Pagkatapos sinabi ni Moises, "Ito ang iniutos ni Yahweh na inyong gawin, upang magpakita sa inyo ang kaniyang kaluwahatian."
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 7 Pagkatapos sinabi ni Moises kay Aaron, "Pumunta ka sa altar at ialay ang hayop na iyong handog upang mapatawad ka sa mga kasalanan na iyong nagawa. Dalhin mo rin ang hayop na iyong susunugin nang buo sa altar. Dahil sa mga handog na iyon, patatawarin ka ng Diyos at ang mga tao para sa mga kasalanan na inyong nagawa. Gawin ang mga bagay na ito na iniutos ni Yahweh na gawin ninyo."
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 8 Kaya umakyat si Aaron sa altar at kinatay ang guya bilang isang handog para sa kaniyang mga kasalanan.
\v 9 Dinala ng kaniyang mga anak na lalaki sa kanya ang mga dugo nito at isinawsaw niya ang kanyang daliri sa dugo at naglagay ng kaunti nito sa mga usli sa mga sulok ng altar. Ibinuhos niya ang natitirang dugo sa paanan ng altar.
\s5
\v 10 Sinunog niya ang taba, kasama ang bumalot sa mga bato at ang atay, gaya ng iniutos ni Yahweh sa kaniya.
\v 11 Pagkatapos lumabas si Aaron sa kampo at doon sinunog ang natitirang karne at ang balat.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 12 Pagkatapos kinatay ni Aaron ang hayop na kaniyang susunugin nang buo sa altar. Iniabot sa kaniya ng kaniyang mga anak na lalaki ang mangkok na naglalaman ng dugo nito, at iwinisik niya ang dugo sa lahat ng gilid ng altar.
\v 13 Pagkatapos iniabot nila sa kaniya ang ulo at ang mga piraso ng hayop na susunugin, at sinunog niya ang mga ito sa altar.
\v 14 Hinugasan niya ang mga laman loob at ang mga binti ng hayop, at sinunog niya ang mga ito sa altar, sa ibabaw ng iba pang mga piraso ng hayop.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 15 Pagkatapos dinala ni Aaron ang mga hayop na iaalay para sa mga taong Israelita. Kinuha niya ang isang kambing at kinatay niya ito para sa mga kasalanan ng mga tao, gaya ng kaniyang ginawa sa kambing para sa kanyang sariling handog.
\v 16 Pagkatapos dinala niya ang hayop para sa handog upang sunugin ito nang buo. Kinatay niya ito at inihandog ito sa paraan na iniutos ni Yahweh na gawin niya.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 17 Dinala rin niya ang handog na gawa mula sa harina. Kumuha siya ng isang dakot nito at sinunog ito sa altar, gaya ng kaniyang ginawa sa hayop na kaniyang inialay nang mas maaga sa umagang iyon.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 18 Pagkatapos kinatay niya ang baka at ang tupa upang maging isang handog para sa mga taong Israelita upang mangako ng pakikipagkaibigan kay Yahweh. Iniabot sa kanya ng kaniyang mga anak na lalaki ang mangkok na naglalaman ng dugo, at iwinisik niya ang dugo sa lahat ng gilid ng altar.
\v 19 Ngunit kinuha niya ang taba mula sa baka at tupa, kabilang ang kanilang mga matabang buntot na pinutol malapit sa gulugod, at lahat ng taba na bumalot sa mga atay at sa mga bato.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 20 Nilagay niya ang mga bahaging ito sa ibabaw ng mga dibdib ng mga hayop na iyon at dinala ang mga ito sa altar upang sunugin ang mga ito.
\v 21 Pagkatapos, habang ginagawa kung ano ang iniutos ni Moises, itinaas niya sa harapan ni Yahweh ang dibdib at ang kanang hita ng mga hayop na iyon upang ipakita na ang dalawang hayop na iyon ay ganap na nabibilang kay Yahweh lamang.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 22 Pagkatapos itinaas ni Aaron ang kaniyang mga kamay sa mga tao at hiniling kay Yahweh na pagpalain sila. Matapos gawin ang lahat ng mga handog na iyon, bumaba siya mula sa lugar kung saan naroon ang altar.
\v 23 Pagkatapos pumasok si Aaron at Moises sa banal na tolda. Nang lumabas sila, hiniling nila kay Yahweh na pagpalain ang mga tao. At biglang lumitaw ang kaluwalhatian ni Yahweh sa lahat ng mga tao.
\v 24 Isang apoy mula kay Yahweh ang lumitaw at tinupok ang buong handog, kasama ang taba na nasa altar. Nang makita ng lahat ng mga tao ang nangyaring ito, sumigaw sila sa galak at nagpatirapa sa lupa upang sambahin si Yahweh.
\s5
\c 10
\p
\v 1 Dalawa sa mga anak ni Aaron na sina Nadab at Abihu ay kumuha ng kawali kung saan nila sinusunog ang mga insenso. Nilagyan nila ang mga ito ng mga nagliliyab na uling at nilagyan ng insenso sa ibabaw nito, ngunit ang apoy na ito ay hindi katanggap-tanggap kay Yahweh dahil hindi ito ang uri ng apoy na iniutos niya sa kanilang sunugin.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 2 Kaya biglang lumitaw ang apoy mula kay Yahweh at tinupok sila sa mismong harapan niya.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 3 Pagkatapos sinabi ni Moises kay Aaron, "Ito ang tinutukoy ni Yahweh nang sinabi niyang, 'Ang mga paring iyon na lumapit sa akin— ipapakita ko sa kanila na dapat nila akong parangalan; sa harapan ng lahat ng mga tao, ako ang dapat nilang parangalan.'" Ngunit walang sinabi si Aaron.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 4 Pagkatapos ipinatawag ni Moises sina Misael at Elzaphan na mga anak na lalaki ni Uziel na tiyo ni Aaron at sinabi sa kanilang, "Dalhin ang mga bangkay ng inyong mga pinsan sa labas ng kampo, malayo sa harapan ng banal na tolda."
\s5
\v 5 Kaya dinala nila ang mga bangkay na mayroon pang natatanging tunika, sa labas ng kampo at inilibing sila.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 6 Pagkatapos sinabi ni Moises kay Aaron at sa kaniyang iba pang dalawang anak na lalaki na sina Eleazar at Ithamar, "Nalulungkot kayo dahil namatay sina Nadab at Abihu, subalit dapat ninyong gawin kung ano ang palagi ninyong ginagawa. Huwag ninyong hayaang nanatiling hindi nasuklay ang inyong buhok sa inyong ulo at huwag punitin ang inyong damit. Kung gagawin ninyo, magagalit si Yahweh sa lahat ng mga tao. Ngunit hayaan ninyong ang inyong mga kamag-anak at lahat ng inyong kapwa Israelita ang sumali sa seremonya ng pagluluksa para sa mga tinupok ni Yahweh sa pamamagitan ng apoy.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 7 Subalit hindi kayo dapat umalis sa pasukan ng banal na tolda upang makibahagi sa mga nagluluksa, dahil kung gagawin ninyo iyan, mamamatay rin kayo. Huwag kalimutang ibinukod kayo ni Yahweh na magtrabaho para sa kanya rito at ayaw niya kayong marumihan sa pamamagitan ng paghawak ng bangkay.'" Kaya sinunod nila si Moises; hindi sila sumali sa ibang taong nagluluksa para sa kanilang pagkamatay.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 8 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Aaron,
\v 9 "Ikaw at ang iyong dalawang anak na lalaki na nabubuhay pa ay hindi dapat uminom ng alak o anumang nakalalasing na inumin bago kayo pumasok sa banal na tolda. Kung gagawin ninyo iyan, mamamatay kayo. Iyan ang isang utos na dapat mong sundin at ng iyong kaapu-apuhan magpakailanman.
\v 10 Dapat ninyong gawin iyan upang matutunan ang anumang bagay na banal at kung ano ang mga bagay na hindi banal; dapat din ninyong matutunan kung ano ang mga bagay na tatanggapin ko at kung ano ang hindi ko tatanggapin.
\v 11 At dapat mong turuan ang mga taong Israelita ng lahat ng batas na ibinigay ko sa kanila sa pamamagitan ng pagsasabi ng mga ito kay Moises."
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 12 Sinabi ni Moises kay Aaron at sa kaniyang dalawang anak na lalaking nabubuhay pa na sina Eleazar at Ithamar, "Kunin ninyo ang mga handog na gawa sa harina na natira matapos na ang bahagi nito ay inihandog kay Yahweh para sunugin, at kainin ito sa tabi ng altar. Hindi ito dapat kainin kahit saan sapagkat napakabanal nito.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 13 Kainin ito sa banal na lugar. Ito ay bahaging para sa iyo at sa iyong mga anak na lalaki mula sa karne na iyong sinunog bilang mga handog. Iniutos sa akin ni Yahweh na sabihin ito sa inyo.
\s5
\v 14 Subalit pinapayagan ka at ang iyong mga anak na lalaki at babae na kainin ang dibdib at ang hita na itinaas sa harapan ni Yahweh. Kainin ang mga ito saan mang lugar na banal. Ibinigay ang mga ito sa inyo at sa iyong mga kapu-apuhan bilang bahagi ng handog nang ang mga Israelita ay nangako ng pakikipagkaibigan kay Yahweh.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 15 Ang hita at ang dibdib na itinaas sa harapan ni Yahweh ay dapat ninyong dalhin kasama ng bahagi ng tabang susunugin, upang itaas at ihandog sa kanyang presensya. Ang mga ito ay palagiang bahagi para sa iyo at sa iyong mga kaapu-apuhan ayon sa iniutos ni Yahweh."
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 16 Nang nagtanong si Moises tungkol sa kambing na inialay ng mga pari para sa kasalanan ng mga tao, natuklasan niyang sinunog itong lahat ng mga pari. Kaya nagalit siya kina Eleazar at Ithamar at tinanong sila,
\v 17 "Bakit hindi ninyo kinain ang karne para sa handog na kasalanan malapit sa banal na tolda? Ito ay katangi-tangi para kay Yahweh; ibinigay ito sa inyo upang mapatawad niya ang mga kasalanan ng mga tao.
\v 18 Yamang ang dugo nito ay hindi dinala sa banal na lugar sa loob ng banal ng tolda, dapat kainin ninyo ang karne ng kambing sa labas ng banal na tolda, ayon sa iniutos ko."
\s5
\v 19 Sumagot si Aaron kay Moises, "Ngayon ang mga tao ay nagdala kay Yahweh ng kanilang handog para sa kanya upang mapatawad ang kanilang mga kasalanan at gayundin ang aming handog na ganap na sinunog upang masiyahan si Yahweh. Subalit isipin ang tungkol sa kakila-kilabot na bagay na nangyari sa aking iba pang dalawang anak na lalaki! Nasiyahan kaya si Yahweh kung kinain ko ngayon ang ibang handog para sa kasalanan ng mga tao?"
\v 20 Nang marinig iyon ni Moises, nasiyahan siya at wala ng sinabi pa.
\s5
\c 11
\p
\v 1 Sinabi ni Yahweh kina Aaron at Moises,
\v 2 "Sabihin sa mga tao na ito ang aking sinasabi: Sa lahat ng mga hayop na nabubuhay sa lupa, ito ang mga pinahintulutang kainin ninyo.
\s5
\v 3 Maaari ninyong kainin ang mga hayop na ito—iyong mga ganap na biyak ang kuko at ngumunguya ng pagkain.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 4 Mayroong ilang mga hayop na nginunguya ang kanilang pagkain ngunit hindi biyak ang kuko at may ilang mga hayop na biyak ang kuko ngunit hindi ngumunguya ng pagkain. Hindi ninyo dapat kainin ang anuman sa mga hayop na iyon. Halimbawa, nginunguya ng mga kamelyo ang kanilang pagkain ngunit hindi biyak ang kuko, kaya hindi katanggap-tanggap ang mga iyon para inyong kainin.
\s5
\v 5 Nginunguya ng mga liebre sa batuhan ang kanilang pagkain ngunit hindi biyak ang kuko, kaya hindi sila katanggap-tanggap para inyong kainin.
\v 6 Ang mga kuneho na ngumunguya ng pagkain ngunit hindi biyak ang kuko, kaya hindi sila katanggap-tanggap para inyong kainin.
\v 7 Ang mga baboy na ganap na biyak ang kuko ngunit hindi ngumunguya ng pagkain, kaya hindi sila katanggap-tanggap para inyong kainin.
\v 8 Hindi katanggap-tanggap para sa inyo ang lahat ng mga hayop na iyon, kaya hindi ninyo dapat kainin ang mga karne nito o kahit na hawakan ang patay na katawan ng mga ito.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 9 Pinahintulutan kayong kumain ng lahat ng mga nilikhang nabubuhay sa karagatan at sa mga batis na may mga palikpik at mga kaliskis.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 10 Ngunit dapat ninyong kamuhian at hindi kainin iyong mga walang palikpik at kaliskis. Kabilang doon ang mga maliliit na nilalang.
\s5
\v 11 Dapat ninyong kamuhian ang mga ito at hindi ninyo dapat kainin ang kanilang mga karne at dapat ninyong kamuhian ang kanilang mga patay na katawan.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 12 Dapat ninyong kamuhian ang lahat ng bagay na nabubuhay sa tubig na walang mga palikpik at mga kaliskis.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 13 Mayroong ilang mga ibon na dapat ninyong kamuhian at hindi kainin. Kabilang ang mga agila, mga buwitri,
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 14 mga halkon at anumang uri ng palkon,
\v 15 anumang uri ng uwak,
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 16 mga kuwagong may sungay, kuwago, mga tagak at anumang uri ng lawin.
\s5
\v 17 Gayundin ang maliit na mga kuwago, malalaking kuwago, korbetron,
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 18 puting mga kuwago, kuwagong kamalig, ibong ospri,
\v 19 mga tagak, anumang uri ng tagak, mga abubila at mga paniki.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 20 Dapat ninyong kamuhian at hindi kainin ang lumilipad na mga kulisap na lumalakad din sa lupa.
\v 21 Ngunit pinahihintulutan kayong kainin ang mga nilalang na may mga pakpak na minsan lumalakad sa lupa kung mayroong nakarugtong na mga binti para lumundag-lundag.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 22 Kabilang ang mga balang, mga lukton, mga kuliglig at mga tipaklong.
\v 23 Ngunit dapat ninyong kamuhian at hindi kainin ang ibang mga kulisap na may mga pakpak at apat na mga binti.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 24 Mayroong mga nilalang na gagawin kayong hindi katanggap-tanggap sa akin kung hahawakan ninyo ang kanilang mga patay na katawan. Hindi dapat humawak sa ibang tao hanggang sa gabi ang sinumang humawak sa kanilang patay na katawan.
\v 25 Sinumang dumampot ng isa sa kanilang patay na katawan ay dapat labhan ang kaniyang mga damit at hindi dapat humawak sa ibang tao hanggang sa gabi.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 26 Hindi ninyo dapat hawakan ang patay na katawan ng mga hayop na hindi ganap na biyak ang kuko o mga hayop na hindi ngumunguya ng pagkain. Magiging marumi ang sinumang humawak sa patay na katawan ng alinman sa mga hayop na iyon.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 27 Mula sa lahat ng mga hayop na lumalakad sa lupa, hindi ninyo dapat hawakan ang mga patay na katawan na may mga pangkamot para lumakad. Hindi dapat humawak sa ibang tao hanggang sa gabing iyon ang sinumang humawak ng isa sa mga patay na katawan.
\v 28 Dapat labhan ang kanyang mga damit ng sinumang dumampot sa isa sa mga patay na katawan at hindi dapat humawak sa ibang tao hanggang sa gabing iyon, dahil gagawin kayong hindi katanggap-tanggap sa akin ng paghawak ng patay na katawan ng mga ito.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 29 Sa lahat ng mga hayop na lumalakad sa lupa, ang mga ito ang magdudulot sa inyo na maging hindi katanggap-tanggap kung hahawakan ninyo ang mga ito: mga bubwit, mga daga, anumang uri ng malaking butiki,
\v 30 mga tuko, mga bayawak at ibang mga butiki, mga bubuli at mga hunyango.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 31 Gagawin kayong hindi katanggap-tanggap sa akin ng mga nilalang na gumagapang sa lupa. Sinumang humawak ng isa sa patay na katawan ng mga ito ay hindi dapat humawak ng ibang tao hanggang sa gabi.
\v 32 Kapag namatay ang isa sa mga nilalang na iyon at nahulog sa isang bagay, magiging marumi ang bagay na nahulugan, anuman ang gamit nito, kahit na gawa ito sa kahoy, tela, ang balat ng ilang mga hayop o mula sa magaspang na tela. Dapat ninyong ilagay ang bagay sa tubig. Pagkatapos hindi ninyo ito dapat gamitin hanggang sa gabing iyon.
\v 33 Kung nahulog sa isang luwad na palayok ang isa sa maruming nilalang na iyon, magiging marumi ang bawat bagay sa loob nito at dapat ninyong basagin ang palayok na iyon.
\s5
\v 34 Kung anumang pagkain ang binuhusan ninyo ng tubig mula sa palayok na iyon, hindi ninyo dapat kainin ang pagkain na iyon. At hindi ninyo dapat inumin ang anumang tubig mula sa palayok na iyon.
\v 35 Magiging marumi ang anumang nahulog na patay na katawan ng nilalang, kahit na nahulog ang nilalang sa pugon o sa isang panlutong palayok. Dapat sirain ang anumang bagay na nahulugan noon. Magiging hindi ito katanggap-tanggap sa akin at hindi ninyo ito dapat muling gamitin.
\s5
\v 36 Kapag nahulog sa isang bukal o isang hukay na pinag-iipunan ng tubig ang isang patay na katawan ng hayop, maaari pa ring inumin ang tubig, ngunit hindi magiging katanggap-tanggap sa akin ang sinumang humawak ng isa sa patay na katawan.
\v 37 At kapag nahulog sa mga butong pananim ang isa sa mga patay na katawan, maitatanim pa rin ang mga butong iyon.
\v 38 Ngunit kung nalagyan ng tubig ang mga buto at pagkatapos nahulugan ito ng isang patay na katawan, dapat ng itapon ang mga buto; dapat mong ituring ang mga ito bilang hindi katanggap-tanggap.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 39 Kung mamatay ang isang hayop na pinahihintulot na kainin ninyo ang karne, hindi dapat humawak sa ibang tao hanggang sa gabi ang sinumang humawak sa patay na katawan.
\v 40 Sinumang kumain ng kaunting karne mula sa patay na katawan dapat labhan ang kaniyang mga damit at pagkatapos hindi siya dapat humawak sa sinuman hanggang sa gabing iyon.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 41-42 Lahat ng mga nilalang na gumagapang sa lupa, kabilang yaong gumagalaw gamit ang kanilang tiyan at yaong gumagapang ay kinamumuhian at hindi dapat kainin ang mga ito.
\s5
\v 43 Huwag ninyong dungisan ang iyong sarili sa pagkain ng alinman sa mga nilalang na iyon. Maging maingat tungkol dito.
\v 44 Ako si Yahweh na inyong Diyos at Ako ay banal, kaya dapat ninyong itakda ang inyong sarili para sa aking karangalan at dapat maging banal kayo. Dapat ninyong iwasan ang pagkain ng mga bagay na magdudulot sa inyo na maging hindi katanggap-tanggap sa akin. Huwag idulot ang inyong sarili na maging hindi katanggap-tanggap sa akin sa pamamagitan ng pagkain ng mga nilalang na gumagapang sa lupa.
\v 45 Ako si Yahweh, ang tanging nagpalaya sa inyo mula sa pagka-alipin sa Ehipto, upang sambahin ninyo ako. Samakatuwid, dahil Ako ay banal, dapat kayong maging banal.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 46 Iyon ang mga alituntunin patungkol sa mga hayop at mga ibon, lahat ng mga buhay na nilalang na nakatira sa tubig o gumagapang sa lupa.
\v 47 Dapat ninyong matutunan ang aking sinabi na katanggap-tanggap at ang mga bagay na hindi at matutunan kung anong mga bagay ang pinahintulutan at hindi pinahintulutang kainin."
\s5
\c 12
\p
\v 1 Sinabi rin ni Yahweh kay Moises,
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 2 "Sabihin mo ito sa mga Israelita. Kung ang isang babae ay manganganak ng isang batang lalaki, dapat siyang iwasan sa loob ng pitong araw, tulad ng kinakailangang iwasan siya kapag siya ay dinaratnan ng pagdurugo bawat buwan.
\v 3 Dapat tuliin ang sanggol na lalaki sa ika-walong araw pagkatapos ng kaniyang kapanganakan.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 4 Pagkatapos ang babae ay dapat maghintay ng tatlumpong tatlong araw para malinis mula sa kanyang pagdurugo habang siya ay nanganganak. Hindi dapat siya humawak ng anumang bagay na banal, na pag-aari ko lamang, o pumasok sa mga lugar ng banal na tolda, hanggang natapos na ang panahon na iyon.
\v 5 Kung manganganak ang isang babae sa isang sanggol na babae, dapat siyang iwasan sa loob ng dalawang linggo, gaya dapat na pag-iwas sa kanya kapag siya ay diratnan ng pagdurugo bawat buwan. Pagkatapos dapat maghihintay siya ng animnapu't anim na araw para maging malinis siya mula sa kanyang pagdurugo kapag naipanganak ang sanggol.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 6 Kapag natapos na ang oras ng kaniyang paglilinis, iyong babae ay kailangang magdala sa pari sa pasukan ng banal na tolda ng isang taong gulang na tupa. Ito ay susunugin nang buo ng pari sa ibabaw ng altar. Kailangan din magdala ang babae ng isang kalapati o isang batang kalapati para sa pari upang ialay ito, para tatanggapin ulit siya ni Yahweh.
\s5
\v 7 Ihahandog ng pari ang mga hayop na ito para kay Yahweh upang siya ay maging katang-tanggap ulit sa kanya. Pagkatapos malilinis siya mula sa pagdaloy ng kanyang dugo kapag naisilang na ang sanggol. Iyon ang mga alituntunin para sa mga babae na nagsilang sa isang sanggol na babae o lalaki.
\v 8 Kung ang isang babae ay nagsilang ng isang sanggol na hindi kayang bumili ng isang tupa, dapat magdala siya ng dalawang kalapati o dalawang batang kalapati. Ang isa ay susunugin ng buo sa ibabaw ng altar at ang isa ay isang paghahandog para maging katanggap-tanggap ulit siya sa Diyos. Sa pamamagitan ng paggawa nito, idudulot ng pari na siya ay mapatawad para sa anumang mga kasalanan na kanyang nagawa, at hindi na siya muling iiwasan."
\s5
\c 13
\p
\v 1 Sinabi ni Yahweh ito kay Aaron at kay Moises:
\v 2 "Kapag ang sinuman ay mayroong pamamaga sa kanyang balat, isang galis, o isang makinis na batik na mistulang lumala, kung gayon dapat siyang dalhin ng isang tao kay Aaron o sa isa sa kaniyang mga anak na lalaki na mga pari rin.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 3 Dapat suriin ng pari ang bahaging iyon ng balat ng tao. Kung ang buhok sa bahaging iyon ay naging puti at makikitang ang sugat ay mas malalim kaysa sa balat, kung gayon ito ay isang sakit sa balat na nanganganib ang ibang tao na mahawa mula sa kanya. Kung iyan ang makita ng pari, dapat niyang ipahayag na ang maysakit na taong ito ay hindi karapat-dapat na makasama ng ibang tao.
\v 4 Kung ang batik sa balat ng tao ay puti ngunit hindi nakikita na ang pamamaga ay higit na malalim kaysa ibabaw ng balat, dapat panatilihin siyang malayo ng pari mula sa ibang mga tao sa loob ng pitong araw.
\s5
\v 5 Matapos ang pitong araw, dapat suriing muli ng pari ang tao. Kung makita ng pari na ang pamamaga ay hindi nagbago at hindi kumalat, dapat niyang panatilihing malayo ang tao mula sa ibang tao sa loob pa ng pitong araw.
\v 6 Muli, pagkalipas ng pitong karagdagang araw na iyon, dapat suriin ng pari ang tao ng isa pang pagkakataon. Kung ang pamamaga ay kumupas at hindi kumalat, ipapahayag ng pari na ang tao ay karapat-dapat na muling makisalamuha ang ibang mga tao. Ang kalagayan ng kaniyang balat ay isang pantal lamang; hindi ito nakakahawa. Pagkatapos na labahan ng tao ang kaniyang mga damit, papayagan siya ng pari na muling makisalamuha ang ibang mga tao.
\s5
\v 7 Ngunit kung ang pamamaga ay kumalat matapos siyang suriin ng pari, dapat pumunta ulit ang tao sa pari.
\v 8 Susuriin siya ng pari; kung ang pamamaga ay kumalat ng labis sa balat, ito ay nakakahawang sakit sa balat, at ipapahayag ng pari na ang tao ay hindi karapat-dapat na makisalamuha sa ibang tao.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 9 Kung ang sinuman ay may nakakahawang sakit sa balat, dapat siyang dalhin ng isang tao sa pari
\v 10 . Dapat siyang suriin ng pari. Kung mayroong puting pamamaga sa balat na nagdudulot sa buhok doon na maging puti, at kung ang laman sa bahaging iyon ay masakit,
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 11 kung gayon iyon ay isang palagiang sakit sa balat; ipapahayag ng pari na ang taong iyon ay hindi karapat-dapat na makisalamuha sa ibang tao. Hindi kailangan ng paring panatilihin ang taong iyon na malayo mula sa iba sa loob ng pitong araw para muling suriin siya, dahil alam na niya na ang tao ay hindi karapat-dapat na makisalamuha sa iba.
\s5
\v 12 Kung ang sakit ay kumalat sa buong katawan ng isang tao, at suriin ang taong iyon ng pari at makitang ito ay bumabalot sa kaniyang balat mula sa kaniyang ulo hanggang sa kaniyang mga paa,
\v 13 at ito ay nagdulot sa buong balat niya na maging puti na nagpapakita na ang sakit ay natigil na, ipapahayag ng pari na ang tao ay hindi kailangang lumayo mula sa ibang tao.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 14 Ngunit kung bukas ang sugat ng tao, mayroon siyang nakakahawang sakit sa balat.
\s5
\v 15 Kapag nakita ng pari iyon, dapat niyang ipahayag na ang tao ay may nakakahawang sakit sa balat at hindi karapat-dapat na makisalamuha sa ibang tao.
\v 16 Ngunit kung ang balat ng tao ay magbago at maging puti, dapat muli siyang pumunta sa pari.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 17 Dapat muli siyang suriin ng pari, at kung ang mga sugat ay naging puti, ipapahayag ng pari na ang taong ito ay karapat-dapat na ngayon na muling makisalamuha sa ibang mga tao.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 18 Kapag ang isang tao ay may pigsa sa kaniyang balat at ito ay magaling na ngayon,
\v 19 ngunit sa bahagi kung saan naroon ang pigsa, mayroon na ngayong isang puting pamamaga o malinaw na batik, kailangan niyang pumunta sa pari.
\v 20 Dapat itong suriin ng pari. Kung ito ay mistulang mas malalim kaysa sa ibabaw ng balat, at kung ang buhok sa batik ay naging puti, ito ay nakakahawang sakit sa balat na lumitaw sa pigsa. At kailangang ipahayag ng pari na ang tao ay hindi karapat-dapat na makisalamuha sa ibang tao.
\s5
\v 21 Ngunit kapag sinuri ito ng pari, kung wala siyang makitang puting buhok sa batik, at kung makita niyang iyon ay nasa ibabaw lamang ng balat at kumupas na, kung gayon kailangan siyang panatilihin ng pari na malayo mula sa ibang tao sa loob ng pitong araw.
\v 22 Ngunit kung ito ay kumakalat, ito ay nakakahawa, at dapat ipahayag ng pari na ang tao ay hindi karapat-dapat na makisalamuha sa ibang tao.
\v 23 Ngunit kung ang batik ay hindi nagbago at hindi kumalat, ito ay peklat lamang mula sa pigsa, at ang pari ay ipapahayag na ang tao ay karapat-dapat na muling makisalamuha sa ibang mga tao.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 24 Kapag ang isang tao ay may paso sa kaniyang balat at lumitaw ang isang malinaw o maputing batik, at ang laman sa bahaging iyon ay masakit,
\v 25 dapat suriin ng pari ang batik. Kung ang buhok sa batik na iyon ay naging puti at ito ay mistulang mas malalim kaysa sa ibabaw lang ng balat, iyon ay isang nakakahawang sakit sa balat na lumitaw kung saan naroon ang paso, at dapat ipahayag ng pari na ang tao ay hindi karapat-dapat na makisalamuha sa ibang tao.
\s5
\v 26 Ngunit kung suriin ito ng pari at makita na walang puting buhok sa batik na iyon at iyon ay nasa ibabaw lamang ng balat, at ang batik ay kumupas, dapat panatilihin ng pari ang taong malayo sa ibang tao sa loob ng pitong araw.
\v 27 Pagkatapos ng pitong araw, susuriin ulit siya ng pari. Kung ang sugat ay kumakalat, iyon ay isang nakakahawang sakit sa balat, at ang pari ay ipapahayag na ang tao ay hindi karapat-dapat na makisalamuha sa ibang tao.
\v 28 Gayunman, kung ang batik ay hindi nagbago at hindi kumalat ngunit kumupas, sa ganun iyon ay isa lamang peklat mula sa paso; dapat ipahayag ng pari na ang tao ay karapat-dapat na makisalamuha sa ibang tao.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 29 Kung ang isang lalaki o isang babae ay may sugat sa ulo o baba,
\v 30 dapat suriin ng pari ang taong iyon. Kung ang sugat ay mistulang higit na malalim kaysa nasa ibabaw lamang ng balat, at kung ang buhok na iyon ay nalagas at naging madilaw, sa ganun iyon ay isang nakakahawang sakit sa balat na nagdudulot ng pangangati. Sa pagkakataong iyon, dapat ipahayag ng pari na ang tao ay hindi karapat-dapat na makisalamuha sa ibang tao.
\s5
\v 31 Ngunit kapag sinuri ng pari ang ganung uri ng sugat, kung ito ay mistulang nasa ibabaw lamang ng balat at walang malusog na buhok dito, pananatilihin ng pari ang tao na malayo mula sa ibang tao sa loob ng pitong araw.
\s5
\v 32 Sa ikapitong araw, dapat muling suriin ng pari ang sugat. Kung hindi ito kumalat at kung walang dilaw na buhok sa bahaging iyon, at kung lilitaw na ito ay nasa ibabaw lamang ng balat,
\v 33 dapat ahitin ng tao ang buhok na malapit sa sugat ngunit hindi ang buhok na nasa sugat. At pananatilihin ng pari ang tao na malayo mula sa ibang tao sa loob ng pitong araw.
\s5
\v 34 Sa ikapitong araw, dapat muling suriin ng pari ang batik. Kung hindi ito kumalat at lumitaw na ito ay nasa ibabaw lamang ng balat, ipapahayag ng pari na ang tao ay karapat-dapat na muling makisalamuha sa mga tao. Dapat labhan ng tao ang kaniyang mga damit, at pagkatapos ay makakasama niya ang ibang tao.
\s5
\v 35 Ngunit kung ang sugat kalaunan ay kumalat,
\v 36 dapat siyang suriin muli ng pari. Kung ang pangangati ay kumalat, hindi kailangan ng pari na humanap ng dilaw na buhok, dahil malinaw na ang tao ay may isang nakakahawang sakit sa balat.
\v 37 Gayunman, kung sa palagay ng pari na ang batik ay hindi nagbago, at kung tumutubo ang malulusog na buhok sa bahaging iyon, Malinaw na ang pangangati ay naghilom, at ipapahayag ng pari na ang tao ay karapat-dapat na muling makisalamuha sa ibang mga tao.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 38 Kapag ang isang lalaki o babae ay may puting mga batik sa balat,
\v 39 Dapat silang suriin ng pari. Ngunit kung ang mga batik ay kupas na puti, ito ay isang pantal lamang, at ipapahayag ng pari na ang tao ay karapat-dapat na makisalamuha sa ibang tao.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 40 Kung malagas ang lahat ng buhok ng isang lalaki at nakalbo, hindi niya kailangang lumayo mula sa ibang tao.
\v 41 Ito ay totoo rin kung malagas ang buhok niya sa harap ng kaniyang anit at kaniyang noo ay nakalbo.
\s5
\v 42 Ngunit kung siya ay magkaroon ng matingkad na sugat sa kaniyang kalbong ulo o noo, kung ganun mayroon siyang nakakahawang sakit sa balat.
\v 43 Dapat siyang suriin ng pari. Kung ang namamagang sugat ay isang matingkad na batik tulad ng isang batik sa isang taong mayroong nakakahawang sakit sa balat,
\v 44 ipapahayag ng pari na ang tao ay may nakakahawang sakit sa balat at hindi karapat-dapat na makisalamuha sa ibang tao.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 45 Sinuman ang may isang nakakahawang sakit sa balat ay dapat magsuot ng mga punit na damit at hindi magsuklay ng kaniyang buhok. Kapag siya ay malapit sa ibang tao, kailangan niyang takpan ang ibabang bahagi ng kanyang bibig at sumigaw ng, 'Huwag lumapit sa akin! Mayroon akong nakakahawang sakit sa balat!'
\v 46 Hindi siya pinapayagang makisalamuha sa ibang tao hangga't mayroon siyang sakit. Kailangan niyang mamuhay ng mag-isa, sa labas ng kampo."
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 47-48 Minsan ang damit ng isang tao ay nagkakaroon ng amag. Iyon ay maaaring damit na hinabi mula sa lana o gawa mula sa lino o mula sa balat, o iyon ay maaaring ibang bagay na may balat.
\v 49 Kung ang nalagyang bahagi ay may pagka-berde o pagka-pula, mayroong pagkalat ng amag, at dapat itong ipakita ng may-ari sa isang pari.
\s5
\v 50 Dapat itong suriin ng pari at pagkatapos ay ilagay itong mag-isa sa isang hiwalay na lugar sa loob ng pitong araw.
\v 51 Sa ikapitong araw dapat niya itong suriin muli. Kung ang amag ay kumalat, malinaw na ito ay wawasak sa kung saan siya naroon, at ang damit o bagay ay hindi na dapat gamitin ulit.
\v 52 Dapat tuluyang sunugin ng may-ari ang bagay na mayroong amag, kahit anumang uri ng bagay ito.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 53 Ngunit kapag sinuri ito ng pari, kung ang amag ay hindi kumalat,
\v 54 dapat niyang sabihin sa taong nagmamay-ari nito na labahan ito. Pagkatapos dapat niyang ilagay ito sa isang hiwalay na lugar ng karagdagang pitong araw.
\v 55 Matapos ang pitong araw, dapat itong suriin muli ng pari. Kung ang kulay ng amag ay hindi nagbago, kahit na hindi ito kumalat, ang bagay na ito ay hindi na dapat muling gamitin. Hindi mahalaga kung ang amag ay nasa loob ng gamit o nasa labas. Dapat sunugin ito.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 56 Ngunit kapag sinuri ito ng pari pagkatapos nitong malabhan, kung ang amag ay kumupas, dapat niyang punitin ang bahagi na mayroong amag dito.
\v 57 Kung ang amag ay muling lumitaw sa gamit na iyon, malinaw na ito ay kumakalat, at dapat sunugin ng may-ari ang buong gamit.
\v 58 Ngunit pagkatapos na malabhan ang damit at mawala ang amag, dapat muli itong labhan ng may-ari, at pagkatapos maaari na niyang muling gamitin ito.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 59 Ito ang mga tuntunin tungkol sa amag sa mga bagay na gawa sa lana o lino o balat, sa pagpapasya kung ang may-ari ba ay magpapatuloy na gamitin ang mga bagay na iyon o hindi."
\s5
\c 14
\p
\v 1 Sinabi rin ni Yahweh kay Moises,
\v 2 "Ito ang mga alituntunin sa sinumang gumaling na sa isang nakakahawang sakit sa balat.
\s5
\v 3 Ang ibang tao ay dapat ang magsabi sa pari tungkol sa taong iyon. Lalabas ang pari ng kampo at siya ay susuriin. Kapag ang sakit sa balat ay gumaling,
\v 4 sasabihin ng pari na ang taong iyon ay dapat magdala ng dalawang mga buhay na ibon na kasiya-siya kay Yahweh, kasama ng ilang kahoy na cedar, ilang matingkad na pulang sinulid, at ilang hisopo.
\v 5 Nang sa gayon iuutos ng pari na isa sa mga ibon ay papatayin habang ito ay nakatuon sa isang palayok na naglalaman ng tubig na mula sa isang batis, na iyon ay, tubig-tabang.
\s5
\v 6 Pagkatapos ay isasawsaw ng pari ang isang ibon, kasama ng kahoy na cedar, ang matingkad na pulang sinulid at ang hisopo, sa tubig na iyon, na ngayon ay mayroong dugo na mula sa ibon na pinatay.
\v 7 Pagkatapos, dapat niyang iwisik ang kaunting tubig at dugo sa tao na gumaling. Dapat niyang iwisik ito sa kanya ng pitong beses. Saka niya ihahayag na ang taong iyon ay pinapayagang ulit na makasama ang ibang tao. At pakakawalan ng pari ang ibang ibon at hayaan itong lumipad palayo.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 8 Kung gayon ang taong napagaling ay lalabhan ang kaniyang mga damit, ahitan ang lahat ng kaniyang buhok, at maligo. Pagkatapos niyang gawin ang mga iyon, maaari na siyang bumalik ng kampo, ngunit kailangan niyang manatili sa labas ng kaniyang tolda sa loob ng pitong araw.
\v 9 Sa ikapitong araw, dapat niyang ahitan ulit ang lahat ng kaniyang buhok, kasama ang kaniyang balbas at mga kilay. Pagkatapos dapat niyang labhan ulit ang kaniyang mga damit at maligo. Matapos niyang gawin ang mga bagay na iyon, siya ay pinapayagang makasama ulit ang ibang mga tao.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 10 Sa sumunod na araw ang taong iyon ay kailangan magdala ng dalawang lalaking tupa at isang babaeng tupa; ang babaeng tupa ay dapat isang taong gulang, at ang mga hayop ay dapat walang kapintasan. Kailangan rin niyang magdala ng 6.5 litro ng isang mainam na harinang handog, hinaluan ng langis na olibo, upang maging isang handog, at isang-katlong litro ng langis na olibo.
\v 11 Ang pari na siyang nagpahayag na ang sakit sa balat ng tao ay gumaling ay dapat dalhin ang taong iyon at kaniyang mga handog kay Yahweh sa pasukan ng banal na tolda.
\s5
\v 12 Pagkatapos dapat kukunin ng pari ang isa sa mga lalaking tupa at itataas ito, kasama ng langis na olibo, upang ipakita na ibinibigay niya ito kay Yahweh bilang isang handog na pambayad para sa kasalanan—dahil ang taong may sakit ay hindi kayang ibigay kay Yahweh ang mga bagay na iniutos sa kanya na ibigay sa kanya.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 13 Pagkatapos dapat kakatayin ng pari ang tupa sa natatanging lugar kung saan din pinapatay ng mga pari ang ibang mga alay. Katulad ng handog upang mapatawad ang mga tao, itinuturing ng Diyos na ang handog na pambayad para sa kasalanan na katangi-tangi, at gayon ang karne mula roon ay nabibilang sa pari.
\s5
\v 14 Dapat kumuha ang pari ng kaunting dugo ng hayop at ilagay ito sa kanang tainga ng tao, sa kaniyang kanang hinlalaki, at sa kaniyang malaking kanang daliri ng paa.
\v 15 Pagkatapos dapat kumuha ang pari ng kaunting langis na olibo at ibuhos ito sa palad ng kaniyang sariling kaliwang kamay.
\v 16 Pagkatapos dapat niyang isawsaw ang kaniyang kanang hintuturo sa langis na iyon at iwisik ito sa harapan ni Yahweh ng pitong beses.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 17 Pagkatapos, dapat maglagay ang pari ng kaunting langis na iyon sa kaniyang kamay sa kanang tainga ng tao, sa kaniyang kanang hinlalaki, at sa kaniyang malaking kanang daliri ng paa. Dapat niyang ilagay ang langis sa tatlong lugar na iyon, tamang-tama kung saan niya inilagay ang dugo.
\v 18 Dapat ilagay ng pari ang natirang langis sa kaniyang kamay sa ulo ng tao; ito ay magpapakita na pinatawad ni Yahweh ang kasalanan ng taong iyon.
\s5
\v 19 Pagkatapos dapat katayin ng pari ang babaeng tupa na dinala ng tao; ito ang magiging handog para sa kasalanan ng tao; upang patawarin siya ni Yahweh. Pagkatapos, kakatayin ng pari ang pangalawang lalaking tupa at susunugin ito ng buo sa altar.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 20 Susunugin rin niya sa altar ang handog na mula sa harina, kasama ng buong handog na susunugin. Nang sa gayon ang tao ay magiging katanggap-tangap sa kampo; siya ay papayagan na makasama ang ibang mga tao.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 21 Ngunit kapag mahirap ang taong pinagaling at hindi kayang magdala ng lahat ng mga hayop na iyon, dapat magdala siya sa pari ng isang lalaking tupa para itataas ng pari at ihandog ito kay Yahweh. Ito ay magiging isang alay dahil ang taong may sakit ay hindi kayang ibigay kay Yahweh ang mga bagay na iniutos sa kanya na ibigay sa kanya. Dapat magdala rin siya ng halos dalawang litro ng handog na harina na hinaluan ng isang-katlong litro ng langis na olibo; ito ay magiging isang handog na gawa sa harina. Dapat magdala rin siya ng halos isang-katlong litro ng langis na olibo.
\v 22 Dapat magdala rin siya ng dalawang kalapati o dalawang batang kalapati, isa para kay Yahweh upang patawarin ang kanyang kasalanan, at isa para sa pari upang buong susunugin sa altar.
\v 23 Sa parehong araw na iyon, ang ikawalong araw, dapat dalhin ng taong iyon ang yaong mga bagay sa pari sa pasukan ng banal na tolda, upang ialay ang mga ito kay Yahweh.
\s5
\v 24 Kukunin ng pari ang tupa para sa itinataas na mga handog kay Yahweh ang mga bagay na iniutos niya na ibigay sa kanya, kasama ng langis na olibo, at itataas ang mga ito upang ihandog ito kay Yahweh.
\v 25 Pagkatapos kakatayin ng pari ang tupa at isasahod ang kaunting dugo sa isang mangkok at ilalagay ito sa kanang tainga ng tao, kanyang kanang hinlalaki, at kanyang malaking daliri ng kanang paa.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 26 Pagkatapos kukuha ang pari ng kaunting langis na olibo at ibubuhos ito sa palad ng kaniyang sariling kaliwang kamay.
\v 27 Pagkatapos dapat niyang isawsaw ang kaniyang kanang hintuturo sa langis at iwisik ito sa harapan ni Yahweh ng pitong beses.
\s5
\v 28 Dapat niyang ilagay ang kaunting langis sa kaniyang palad na kaparehong lugar kung saan niya inilagay ang dugo.
\v 29 Dapat niyang ilagay ang natitirang langis na nasa kaniyang kamay sa ulo ng tao na siyang gumaling. Ito ay magpapakita na pinatawad ni Yahweh ang kasalanan ng taong iyon.
\s5
\v 30 Pagkatapos dapat iaalay ng pari ang mga kalapati o ang mga batang kalapati, alinmang dinala ng taong iyon.
\v 31 Ang isa ay magiging isang handog para sa kasalanan at ang isa ay magiging ganap na susunugin sa altar, kasama ng handog na ginawa mula sa harina. Sa paggawa ng mga iyon, magbabayad kasalanan ang pari para sa kasalanan ng taong iyon.
\v 32 Ito ang mga alituntunin sa sinumang mayroong nakakahawang sakit sa balat at siyang mahirap at hindi kaya ang mga karaniwang handog, upang siya ay makakasama sa mga tao ulit.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 33 Sinabi rin ni Yahweh kay Aaron at kay Moises,
\v 34 "Halos ibigay ko na sa inyo ang lupain ng Canaan na magiging permanenteng pag-aari ng inyong mga lahi. Kapag pumasok kayo sa lupain na iyon, may mga panahon na idinulot ko ang amag na lilitaw sa isa sa inyong mga kabahayan.
\v 35 Kung iyon ay mangyayari, dapat pumunta ang may-ari sa pari at sabihan siyang, 'May isang bagay sa aking bahay na katulad ng amag.'
\s5
\v 36 Pagkatapos sasabihin ng pari sa kaniya, 'Ilabas lahat ng bagay sa bahay bago ako pumasok dito upang suriin ang amag. Kapag hindi ninyo iyon gagawin, ihahayag ko na lahat ng bagay na nasa bahay ay nahawaan.'
\v 37 Matapos ilabas ng may-ari ang lahat ng bagay sa bahay, papasok ang pari at suriin ang bahay. Kung ang amag ay nagdulot ng maberde at mamula-mulang mga lugar sa mga pader na tila mas malalim kaysa nasa ibabaw lamang ng mga pader,
\v 38 pupunta sa labas ng bahay ang pari at ikandado ito sa loob ng pitong araw.
\s5
\v 39 Sa ikapitong araw, dapat siyang pumunta sa bahay at muli itong suriin. Kapag kumalat ang amag na nasa mga pader,
\v 40 sasabihan ng pari ang isang tao na tanggalin ang mga bato sa mga pader na may amag sa mga ito at itapon sa basurahan sa labas ng bayan.
\s5
\v 41 Pagkatapos dapat kuskusin ng may-ari ang lahat ng mga pader na nasa loob ng bahay, at lahat ng mga bagay na nakuskus ay dapat itapon sa isang basurahan sa labas ng bayan.
\v 42 Pagkatapos dapat kukuha ang may-ari ng bagong mga bato upang palitan ang mga may amag sa mga ito, at kumuha ng bagong luwad at panapal upang balutan ang mga bato sa mga pader ng bahay.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 43 Kung lilitaw ulit ang amag sa bahay pagkatapos na iyon ay matapos,
\v 44 dapat pumunta ang pari at suriin ulit ang bahay. Kapag ang amag ay kumalat sa loob ng bahay, ito ay malinaw na ang amag ay ang uri na sumisira ng mga bahay, at walang sinuman ang pinapayagang tumira dito.
\s5
\v 45 Dapat gibain ito ng lubusan—ang mga bato, troso at panapal—at lahat ng mga bagay ay dapat itapon sa basurahan sa labas ng bayan.
\v 46 Sinumang pumasok sa bahay na iyon habang ito ay nakakandado ay hindi pinapayagang makasama ang ibang mga tao hanggang lumubog ang araw sa araw na iyon.
\v 47 Sinumang matutulog o kumain sa bahay na iyon sa panahong iyon ay dapat labhan ang kaniyang mga damit.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 48 Ngunit kapag pumunta ang pari upang suriin ang bahay pagkatapos nitong tapalan, kapag ang amag ay hindi kumalat, ipapahayag niya na maaari ng tumira ang mga tao dito, dahil nawala na ang amag.
\s5
\v 49 Ngunit dati pinapayagan ang mga tao na tumira dito, dapat kumuha ang pari ng dalawang ibon, ilang kahoy na cedar, ilang pulang sinulid, at ilang hisopo.
\v 50 Dapat niyang patayin ang isa sa mga ibon habang hinahawakan ito sa ibabaw ng isang palayok na naglalaman ng tubig na kinuha mula sa isang batis.
\v 51 Pagkatapos dapat niyang kunin ang kahoy ng cedar, hisopo, pulang sinulid, at isawsaw ang mga ito sa dugo ng pinatay na ibon, at iwisik ang kaunting dugo na iyon at tubig sa bahay ng pitong beses.
\s5
\v 52 Sa paggawa ng lahat ng mga bagay na iyon ay ginagawa niya ang bahay na maging karapat-dapat para sa may-ari na muling tirahan.
\v 53 Pagkatapos dapat niyang pakawalan ang ibang ibon at hayaan itong lumipad. Sa paggawa niyon, tatapusin niya ang seremonya sa pagdulot na ang bahay na maging katanggap-tanggap sa mga tao upang muling tirahan ito.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 54 Iyon ang mga alituntunin para sa mga nakakahawang mga sakit sa balat, para sa mga makakating sugat,
\v 55 para sa amag sa mga damit o sa isang bahay,
\v 56 at para sa mga namamaga, mga pantal, o matingkad na mga lugar sa mga sugat;
\v 57 ang mga alituntuning ito ang magpapaalam kung ang mga tao ay papayagan pa rin na hawakan ang mga bagay na iyon o hindi."
\s5
\c 15
\p
\v 1 Sinabi rin ni Yahweh kina Aaron at Moises,
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 2 "Sabihin ito sa mga Israelita: Kapag lumabas sa maselang bahagi ng isang tao ang hindi pangkaraniwang likidong may impeksyon, wala ni isa ang dapat humawak sa lalaking iyon.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 3 Kahit pa ang likidong iyon ay napigilan o patuloy sa pagtulo, wala ni isa ang dapat humawak sa kanya.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 4 Wala ni isa ang dapat humawak sa alinmang higaan na hinigaan ng ganoong lalaki, ni alinman sa kaniyang inupuan.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 5 Sinuman ang humawak sa higaan ng taong iyon ay dapat labhan ang kaniyang mga damit at maligo, at walang papayagan na makahawak sa kaniya hanggang sa gabing iyon.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 6 Sinuman ang umupo sa isang bagay na naupuan ng lalaking iyon ay dapat labhan ang kaniyang mga damit at walang papayagan na makahawak sa kanya hanggang gabing iyon.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 7 Sinumang humawak sa ganoong lalaki ay dapat labhan ang kaniyang mga damit at maligo, at walang papayagan na makahawak sa kaniya hanggang sa gabing iyon.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 8 Kapag dumura sa iba ang ganoong lalaki, hindi dapat pumayag ang taong iyon na mahawakan ng iba. Dapat niyang labhan ang kaniyang mga damit, at hindi niya dapat hayaan na hawakan siya ng iba hanggang gabi.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 9 Hindi dapat hawakan ang lahat ng bagay na inupuan ng isang lalaking may ganoong likidong dumadaloy habang siya ay nakasakay sa isang kabayo o isang asno.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 10 Sinumang humawak sa isang upuan o sapin na kaniyang inupuan sa likod ng kabayo ay hindi rin dapat hayaang mahawakan siya ng iba hanggang gabing iyon. At sinuman ang kumuha ng mga bagay na iyon ay dapat labhan ang kaniyang mga damit at maligo, at wala ni isa ang dapat humawak sa kaniya hanggang sa gabing iyon.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 11 Kapag ang taong may likidong dumadaloy na nagnanais na makahawak sa ibang tao, dapat niyang hugasan muna ang kaniyang mga kamay; kapag humawak siya sa iba na hindi muna niya ginawa ang mga iyon, ang kaniyang hinawakan ay dapat labhan ang kaniyang mga damit at maligo, at huwag hayaang mayroong humawak sa kaniya hanggang sa gabing iyon.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 12 Kapag ang isang ganoong lalaki ay makahawak ng palayok, dapat basagin ito ng ibang tao. Anumang bagay na gawa mula sa kahoy na hinawakan niya—ibang tao ang dapat maghugas nito ng tubig.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 13 Kapag ang ganoong lalaki ay gumaling mula sa kaniyang daloy ng likido, dapat siyang maghintay ng pitong araw. Pagkatapos ay dapat niyang labhan ang kaniyang mga damit at maligo ng tubig mula sa isang bukal o sapa. Pagkatapos siya ay maaari nang makasama ng iba.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 14 Sa ikawalong araw, dapat siyang magdala ng dalawang kalapati o dalawang batang kalapati at pumunta sa harap ni Yahweh sa pasukan ng banal na tolda, at ibigay ang mga ito sa pari.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 15 Ang pari ang siyang mag-alay ng mga ito. Isang ibon ay magiging alay para sa kasalanan ng lalaki, at ang pari ay susunugin ng ganap ang isa pa sa altar. Pagkatapos ang lalaki ay magiging dalisay muli at katanggap-tanggap kay Yahweh.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 16 Kapag hindi sinasadyang dumaloy ang similya mula sa pribadong parte ng isang lalaki, dapat niyang paliguan ang kaniyang buong katawan, at wala ni isang hayaang humawak sa kaniya hanggang sa gabing iyon.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 17 Alinmang kasuotan o gawa sa balat ng hayop na nagkaroon ng similya ay dapat malabhan, at wala ni isa ang maaaring humawak nito hanggang gabing iyon.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 18 Kapag ang isang lalaki ay sumiping sa isang babae at nabigyan siya ng similya, kapwa sila dapat maligo, at wala ni isang maaaring humawak sa kanila hanggang sa gabing iyon.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 19 Kapag ang isang babae ay nagkaroon ng kaniyang kabuwanang dalaw, wala ni isa ang maaaring makahawak sa kaniya sa loob ng pitong araw. Kung sinuman ang gumalaw sa kaniya sa loob ng panahong iyon, wala ni isa ang maaaring humawak sa tao na gumalaw sa kaniya hanggang sa gabing iyon.
\v 20 Wala ni isa ang maaaring humawak sa anumang bagay na kaniyang hinigaan o inupuan sa loob ng panahong iyon.
\s5
\v 21 Sinuman ang humawak sa kaniyang higaan ay dapat labhan ang kaniyang mga damit at maligo, at wala ni isa ang maaaring humawak sa taong iyon hanggang sa gabing iyon.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 22-23 Sinuman ang humawak sa ibang bagay na kanyang inupuan, isang higaan o ano paman, ay dapat labhan ang kaniyang mga damit, at wala ni isang maaaring humawak sa taong iyon hanggang sa gabing iyon.
\s5
\v 24 Kung ang isang lalaki ay sumiping sa isang babae sa loob ng panahong iyon at ang kaunting dugo ng kaniyang regla ay tumalsik sa kaniya, wala ni isang maaaring makahawak sa kaniya sa loob ng pitong araw, at wala ni isa ang maaaring humawak sa higaan na kaniyang hinigaan.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 25 Kung ang isang babae ay mayroong isang daloy ng dugo sa loob ng maraming araw, isang pagdaloy na hindi sa kaniyang karaniwang regla, o ang kaniyang pagdurugo ay nagpatuloy pagkatapos ng kaniyang kabuwanang dalaw, walang maaaring gumalaw sa kaniya hanggang ito ay huminto.
\v 26 At wala ni isa ang maaaring gumalaw sa higaan na kaniyang hinigaan o sa alinmang bagay na kaniyang inupuan habang ang pagdaloy ng dugo na iyon ay nagpatuloy, gaya ng sa panahon ng kaniyang karaniwang kabuwanang dalaw.
\v 27 Sinuman ang humawak sa mga bagay na iyon ay hindi dapat humawak kaninuman. Dapat niyang labhan ang kaniyang mga damit at maligo, at hindi niya maaaring hawakan ang sinuman hanggang gabing iyon.
\s5
\v 28 Kung ang isang babae ay gumaling sa kaniyang daloy ng dugo, dapat siyang maghintay ng pitong araw bago siya humawak sa iba.
\v 29 Sa ikawalung araw, siya ay dapat magdala ng dalawang kalapati o dalawang batang kalapati sa pari sa pasukan ng banal na tolda.
\v 30 Ang pari ang dapat na mag-alay ng isa sa mga ito bilang isang pag-aalay para sa kaniyang mga kasalanan, at dapat niyang ganap na sunugin ang isa pa sa altar. Pagkatapos siya ay magiging dalisay muli, at katanggap-tanggap kay Yahweh.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 31 Dapat ninyong gawin ang mga bagay na ito upang ang mga tao, sa panahon na sila ay hindi katanggap-tanggap sa akin, hindi madungisan ang aking banal na tolda, kung saan ako nanirahan kasama nila. Dahil kung dudungisan nila ito, sila ay mamamatay.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 32 Iyon ang mga alituntunin para sa isang lalaking mayroong likidong dumaloy mula sa kaniyang mga maselang bahagi o sinumang hindi dapat mahawakan dahil ang ilan sa kaniyang similya ay nawisik habang siya ay sumusiping sa isang babae,
\v 33 at para sa sinong babae sa panahon ng kaniyang kabuwanang dalaw, at para sa sinong lalaki na sumiping sa isang babae sa panahon ng kanyang kabuwanang dalaw.'"
\s5
\c 16
\p
\v 1 Pagkamatay ng dalawang mga anak na lalaki ni Aaron dahil nagsunog sila ng insenso kay Yahweh sa isang pamamaraang hindi ayon sa iniutos niya, nakipag-usap si Yahweh kay Moises.
\v 2 Sinabi niya sa kanya, "Sabihin mo sa kapatid mong si Aaron na huwag pumasok sa loob ng napakabanal na lugar, na nasa loob ng kaloob-loobang kurtina, kung saan nakalagay ang banal na kahon at ang kaniyang takip, at kung saan naroon ako sa ibabaw ng ulap nun. Kung pupunta si Aaron sa silid na iyan nang wala sa tamang oras, mamamatay siya!
\s5
\v 3 Kapag papasok na si Aaron sa napakabanal na lugar sa banal na tolda, dapat magdala siya ng isang toro na papatayin upang maging isang handog sa mga kasalanan, at isang lalaking tupa na papatayin upang maging isang handog na susunugin ng buo ng mga pari sa altar.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 4 Pagkatapos dapat paliguan ni Aaron ang kaniyang buong katawan at magbihis ng linong damit pangloob at linong tunika. Dapat niyang itali ang linong sinturon palibot sa kaniyang baywang at balutin ang ulo niya ng turban. Banal na mga damit niya ito.
\v 5 Pagkatapos dapat dalhin ng mga Israelita sa kaniya ang dalawang lalaking kambing na papatayin bilang isang alay para sa kasalanan, at isang lalaking tupa na papatayin at susunugin ng buo sa altar.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 6 Dapat ihandog ni Aaron ang toro sa akin upang maging isang alay nang sa gayon mapatawad ko ang kaniyang mga kasalanan at mga kasalanan ng kaniyang pamilya.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 7 Pagkatapos dapat niyang dalhin ang dalawang lalaking kambing sa akin sa pasukan sa banal na tolda.
\s5
\v 8 Dapat siyang magsagawa ng palabunutan upang malaman kung aling kambing ang iaalay sa akin at kung aling kambing ang kaniyang pakakawalan.
\v 9 Dapat dalhin ni Aaron sa akin ang piniling kambing upang ialay. Isa itong alay para sa mga kasalanan ng tao.
\v 10 Dapat dalhin rin ni Aaron sa akin ang ibang kambing. Subalit hindi ito papatayin. Pakakawalan ito habang buhay pa. Kapag ipapadala na ito ni Aaron sa ilang, papatawarin ko ang mga kasalanan ng mga tao.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 11 Pagkatapos dapat dalhin ni Aaron ang toro sa akin, nang maging isang handog ito sa kaniyang sarili at kaniyang pamilya. Dapat niyang katayin ang torong iyon upang maging isang handog para sa kanilang mga kasalanan, at dapat niyang ibuhos ang dugo nito sa isang palanggana.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 12 Pagkatapos dapat kumuha siya ng ilang nagbabagang uling mula sa tansong altar at ilagay ang mga ito sa sunugan ng insenso. Pagkatapos dapat niyang punuin ang kaniyang mga kamay ng mabango, pinong-pinong giniling na insenso. Pagkatapos dapat niyang kunin ang insenso at sunugan ng insenso sa loob ng kurtina patungo sa napakabanal na lugar, sa banal na tolda.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 13 At doon dapat ilagay niya ang insenso sa uling na nagbabaga, at isang ulap ng nasusunog na insenso ang tataas sa ibabaw ng takip ng banal na kaban. Kung susundin niya ang mga habiling ito, hindi siya mamamatay gaya ni Korah, na naghandog ng maling insenso.
\s5
\v 14 Pagkatapos dapat isawsaw ni Aaron ang kaniyang daliri sa palanggana at mag-wisik ng kaunting dugo sa takip ng banal na kaban, at pitong beses sa harapan ng kaban.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 15 Pagkatapos dapat pumunta si Aaron sa labas ng banal na tolda at katayin ang kambing, upang maging isang handog ito para sa mga kasalanan ng mga tao. Pagkatapos dapat niyang dalhin ang dugo nito sa loob ng napakabanal na lugar sa likod ng kurtina. Doon dapat wisikan niya ng kaunting dugo ang takip ng banal na kaban at sa harapan ng kaban, gaya ng ginawa niya sa dugo ng toro.
\v 16 Sa paggawa niyan, malilinis niya ang napakabanal na lugar. At dapat siyang magwisik ng higit pang dugo sa banal na tolda, sapagkat naroon ako sa tolda, sa kalagitnaan ng kampo ng mga taong Israelita, na naging hindi katanggap-tanggap sa akin ng dahil sa kanilang mga kasalanan.
\s5
\v 17 Kapag pumasok si Aaron sa napaka sagradong lugar sa banal na tolda upang dalisayin ito, walang sinuman ang pinahihintulutang makapasok sa ibang bahagi ng banal na tolda. Tanging pagkatapos lamang ng isinagawang mga rituwal ni Aaron na magawa kong mapatawad siya at ang kaniyang pamilya, at lahat ng mga Israelita, sinumang paring pinahintulutang makapasok sa banal na tolda.
\v 18 Pagkatapos si Aaron ay dapat lumabas sa tolda upang dalisayin ang aking altar. Kailangan niyang gawin ito sa pamamagitan ng pagpahid ng kaunting dugo na mula sa toro at ang kaunting dugo na mula sa kambing sa mga usling nasa mga gilid ng altar.
\v 19 Pagkatapos dapat isawsaw ni Aaron ang kaniyang daliri sa palangganang may dugo at iwiwisik ang kaunting dugo sa ibabaw ng altar ng pitong beses. Sa paggawa niyan, mahihiwalay niya ang altar mula sa mga gawa ng mga Israelita na hindi katanggap-tanggap sa akin. Ang altar ay ilalaan para sa akin.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 20 Nang matapos na ni Aaron ang paglilinis sa napakabanal na lugar sa loob ng sagradong tolda at lahat ng sagradong tolda at ang altar, dapat niyang dalhin ang kambing na piniling pakawalan.
\v 21 Dapat niyang ipatong ang dalawa niyang kamay sa ulo ng kambing at aminin ang lahat ng mga kasalanan ng mga Israelita. Sa paggawa niyan, mailalagay niya sa ulo ng kambing ang bigat ng kanilang mga kasalanan. Pagkatapos dapat niyang ibigay ang kambing sa isang taong pinili, at ang taong iyan ang maghahatid sa kambing sa ilang.
\v 22 Tatanawin ko ang kambing na ito bilang magdadala ng kanilang mga kasalanan patungong ilang para sa lahat ng mga kasalanang ginawa ng mga tao.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 23 Kapag si Aaron ay aalis sa napakabanal na lugar at pupunta sa ibang bahagi ng banal na tolda, dapat niyang hubarin ang mga linong damit na kaniyang isinuot; dapat niyang iwan ang natatanging mga damit na iyon doon.
\v 24 Pagkatapos dapat siyang maligo sa isang banal na lugar, magbihis ng kaniyang karaniwang mga damit, at ialay ang mga hayop na kaniyang susunuging buo sa altar, para sa kaniyang mga kasalanan at ng mga Israelita. Pagkatapos papatawarin ni Yahweh ang kanilang mga kasalanan.
\s5
\v 25 Dapat sunugin niya rin sa altar ang lahat ng taba sa dalawang hayop na inalay.
\v 26 Matapos dalhin ng tao ang kambing sa ilang at pakawalan ito, kung gayon dapat siyang bumalik, labhan ang kaniyang damit, at paliguan ang kaniyang sarili. Pagkatapos maaari na siyang muling pumasok sa kampo.
\s5
\v 27 Ang mga katawang patay ng toro at ang kambing na kinatay bilang handog sa kasalanan ng mga tao, upang gawing pambayad kasalanan sa kanila, ay dapat dalhin sa labas ng kampo at sunugin. Dapat sunugin ang mga balat ng mga hayop na ito, mga lamang-loob, at dumi ng mga ito.
\v 28 Pagkatapos dapat labahan ng taong nagsunog ng mga bagay ang kaniyang mga damit at maligo bago siya bumalik sa kampo.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 29 Sa ikasampung araw ng ikapitong buwan, sa araw na aking itinakda, dapat mag-ayuno kayong lahat at huwag magtrabaho. Ito ay isang tuntunin na palaging dapat ninyong sundin—lahat kayong Israelitang katutubong ipinanganak at lahat ng mga dayuhang naninirahan kasama ninyo.
\v 30 Sa araw na iyon magsasagawa si Aaron ng mga rituwal upang mapatawad ko kayong lahat, at pagkatapos papalayain ko kayong lahat mula sa inyong mga kasalanan.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 31 Iyon ay magiging araw para sa inyo upang magpahinga at huwag magtrabaho, tulad ng Araw ng Pamamahinga, at dapat kayong mag-ayuno ng buong araw. Iyon ay isang kautusang palagian para sa inyong lahat na sundin.
\s5
\v 32 Ang paring pinahiran ng olibong langis at inihiwalay mula sa iba upang maglingkod kay Yahweh, maghahandog siya ng isang alay, magsusuot ng linong mga damit na inihiwalay para sa karangalan ng Diyos,
\v 33 at maghahandog ng mga alay. Gagawin niya ito upang dalisayin ang napakabanal na lugar, ang lahat ng sagradong tolda, ang altar, ang mga pari, at ang lahat ng mga Israelita, gaya ng ginawa ni Aaron.
\s5
\v 34 Ito ay palagiang kautusan upang inyong sundin isang beses bawat taon, upang magawa kong mapatawad kayong mga Israelita para sa mga kasalanan na inyong ginawa." Sinunod ni Moises ang lahat ng mga tagubilin na ibinigay ni Yahweh sa kaniya.
\s5
\c 17
\p
\v 1 Sinabi rin ni Yahweh kay Moises,
\v 2 "Makipag usap ka kay Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki at sa lahat ng ibang mga Israelita. Sabihin na binibigay ko sa kanila ang mga sumusunod na utos:
\v 3 Kung mag-aalay kayo ng isang lalaking baka, isang tupa o isang kambing, dapat ninyong dalhin ito sa pari sa pasukang dako ng sagradong tolda, upang doon niya maihandog sa akin.
\v 4 Kung kakatayin ninyo ito kahit saan bilang isang alay, maging sa loob o labas ng kampo, magkakasala kayo sa pagdanak ng dugo nito sa isang hindi katanggap-tanggap na lugar. Kung gagawin ninyo iyon, hindi na kayo pahihintulutang maging mga tao ni Yahweh.
\s5
\v 5 Sinasabi ni Yahweh na gawin ninyo ito upang hindi na kayo maghandog ng anumang alay sa mga lantad na bukid; sa halip, dapat ninyong ihandog ang mga ito sa kaniya sa tamang paraan: sa pagdadala ng mga ito sa pari sa pasukang dako ng sagradong tolda, upang maging mga handog sa pangakong pagkakaibigang sa kanya.
\v 6 Pagkatapos katayin ng pari ang hayop, dapat niyang iwisik ang kaunting dugo nito sa altar sa pasukan ng sagradong tolda, at sunugin ang taba nito bilang isang mahalimuyak na amoy na nakalulugod kay Yahweh.
\s5
\v 7 Kayong mga tao ay hindi na dapat magbigay ng mga alay sa mga larawang kamukha ng mga kambing. Kayong mga tao ay dapat na sumunod sa kautusang ito sa lahat ng panahon."
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 8 Sinabi rin ni Yahweh ito kay Moises: "Sabihin kay Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki na sabihin sa mga tao na kung sinumang Israelita o dayuhan na naninirahan kasama nila na nagdala ng isang handog para ibigay sa pari upang sunuging buo sa altar, o kung nagdala siya ng anumang ibang alay,
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 9 nguni't kung hindi niya dadalhin ito sa pasukan ng sagradong dako ng tolda bilang isang alay sa akin, ang taong iyon ay hindi na kailanman pahihintulutang makasama sa aking mga tao.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 10 Itatakwil ko ang sinumang Israelita or sinumang dayuhan na naninirahan sa inyo na kumakain ng dugo ng alinmang hayop at hindi na siya kailanman pahihintulutan na makisalamuha sa aking mga tao.
\v 11 Dahil nasa dugo nito ang buhay ng bawat hayop. Ipinahayag ko na ihahandog ang dugong ito sa altar, upang mapatawad ko ang mga tao sa kanilang mga kasalanan.
\s5
\v 12 Kaya sinabi ko sa iyo na wala sa inyong mga Israelita, ni sinumang dayuhan na naninirahan sa inyo, ang maaring kumain ng anumang dugo.
\v 13 Kung sinumang Israelita o dayuhang naninirahan sa inyo na umalis upang mangaso at pumatay ng hayop o ibon na pinahintulot kong kainin ninyo, dapat ninyong ibuhos ang dugo nito sa lupa at takpan ng lupa.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 14 Dahil nasa dugo ang buhay ng bawat nilalang. Kaya sinabi ko sa inyong mga Israelita na sinumang kumakain ng dugo mula sa hayop ay hindi na dapat pahintulutang makisalamuha sa aking mga tao.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 15 Kung sinuman sa inyong mga Israelita o sinumang dayuhang naninirahan sa inyo na kumakain ng alinmang karne mula sa isang patay na hayop o pinatay ng mabangis na hayop, dapat ninyong labhan ang inyong mga damit at maligo. Pagkatapos hindi ninyo dapat hawakan ang sinuman hanggang sa gabing iyon.
\v 16 Kung hindi kayo susunod sa kautusang ito, tiyak na parurusahan ko kayo."
\s5
\c 18
\p
\v 1 Sinabi rin ni Yahweh kay Moises,
\v 2 "Makipag-usap sa mga taong Israelita at sabihin sa kanila na ako si Yahweh ang nagsasabi nito, 'Ako si Yahweh, na inyong Diyos.
\v 3 Pagkatapos makita kung paano umasal ang mga taga Ehipto, na kasama rin ninyong nanirahan, hindi ninyo dapat gawin ang ginawa nila. At hindi dapat kayo umasal tulad ng pamumuhay ng mga Cananeo, sa lupaing pagdadalhan ko sa inyo. Dapat ninyong iwasan ang kanilang mga kaugalian.
\s5
\v 4 Dapat ninyong sundin ang lahat ng aking mga batas; dapat ninyong gawin ang lahat ng bagay na ako, si Yahweh na inyong Diyos ang nag-uutos sa inyo.
\v 5 Kung susundin ninyo ang lahat ng aking mga kautusan at mga batas, magpapatuloy kayong mananatiling buhay sa mahabang panahon. Ako, si Yahweh, ang nangangako nito sa inyo. Narito ang iba kong mga batas.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 6 Huwag sumiping sa sinuman sa inyong malapit na kamag-anak. Ako na si Yahweh, ang nag-uutos niyon.
\v 7 Huwag ninyong ipahiya ang inyong ama sa pagsiping sa inyong ina. Huwag ninyong ipahiya ang inyong ina sa ganitong paraan.
\v 8 Huwag sumiping sa alinmang ibang mga asawa ng inyong ama, sapagkat kahihiyan iyon sa inyong ama.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 9 Huwag ninyong sipingan ang alinman sa inyong tunay na kapatid na babae o kapatid sa labas na babae. Hindi ito mahalaga maging ipinanganak at lumaki siya sa inyong bahay o saan pa man.
\v 10 Huwag kayong sumiping sa inyong babaeng apo, sapagkat kahihiyan iyon sa inyo.
\v 11 Huwag kayong sumiping sa inyong kapatid sa labas na babae, na ang ama ay inyo ring ama; siya ay inyong kapatid.
\s5
\v 12 Huwag sumiping sa kapatid na babae ng inyong ama, sapagkat siya ay malapit na kamag-anak ng inyong ama.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 13 Huwag sumiping sa kapatid na babae ng inyong ina, sapagkat siya ay malapit na kamag-anak ng inyong ina.
\v 14 Huwag ninyong ipahiya ang kapatid na lalaki ng inyong ama sa pagsiping sa kaniyang asawa, sapagkat siya ay inyong tiyahin.
\s5
\v 15 Huwag kayong sumiping sa inyong manugang na babae, sapagkat siya ay asawa ng inyong anak na lalaki.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 16 Huwag kayong sumiping sa asawa ng inyong kapatid na lalaki, sapagkat kahihiyan iyon ng inyong kapatid.
\s5
\v 17 Huwag sumiping sa anak na babae o babaeng apo ng alinmang babae na dati ninyong sinipingan. Sila ay malapit niyang magkamag-anak. Ang pagsiping sa kanila ay isang masamang gawain.
\v 18 Habang nabubuhay ang inyong asawa, huwag pakasalan ang kapatid na babae ng inyong asawa at sumiping sa kaniya.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 19 Huwag kayong sumiping sa sinumang babae habang siya ay mayroong regla.
\v 20 Huwag ninyong dungisan ang inyong sarili sa pagsiping sa asawa ng iba.
\s5
\v 21 Huwag ibigay ang sinuman sa inyong mga anak para sunugin upang maging isang alay sa diyos na si Molech, sapagkat kahihiyan para sa akin iyon, ako si Yahweh na inyong Diyos.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 22 Walang lalaki ang dapat sumiping sa kapwa lalaki. Iyon ay kasuklam-suklam.
\v 23 Walang sinumang, lalaki o babae ang dapat dumungis sa kaniyang sarili sa pagsiping sa isang hayop. Iyon ay kabaluktutang gawain.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 24 Huwag dungisan ang inyong sarili sa alinmang mga paraang ito, sapagkat sa paggawa ng mga bagay na ito hindi naging katanggap-tanggap sa akin ang tao sa mga bansa, ang mga lahing itataboy ko habang sumusulong kayo sa lupaing ibibigay ko sa inyo.
\v 25 Hinayaan nilang maging madungis ang lupain, kaya pinarusahan ko sila sa kanilang mga kasalanan, at isinuka ng lupain ang mga taong naninirahan doon.
\s5
\v 26 Subalit kayong lahat ay dapat sumunod sa aking mga batas at mga kautusan. Kasama dito kayong mga katutubo na pinanganak dito at mga dayuhang naninirahan kasama ninyo.
\v 27 Ang lahat ng mga kasuklam-suklam na mga bagay, ay ginagawa ng mga taong naninirahan sa lupaing ito, at dinungisan nila ang lupain, bago kayo dumating.
\v 28 Kaya kung dudungisan rin ninyo ang lupain, papaalisin ko kayo tulad ng pagpapaalis ko sa mga taong nasa mga bansang narito bago kayo dumating.
\s5
\v 29 Hindi ninyo dapat pahintulutan ang mga taong gumagawa ng anumang kasuklam-suklam na mga bagay na makisalamuha sa inyo, na mga tao ko.
\v 30 Sumunod sa lahat ng inuutos kong gawin ninyo, at huwag dungisan ang inyong sarili sa pagsunod sa alinmang nakasusuklam na mga gawain ng mga taong naroon bago kayo dumating. Ako si Yahweh na inyong Diyos, ako ang nag-uutos sa mga bagay na ito.' "
\s5
\c 19
\p
\v 1 Sinabi rin ni Yahweh kay Moises,
\v 2 "Kausapin lahat ng mga tao ng Israel at sabihin ito sa kanila: 'Dapat kayong maging banal, sapagkat si Yahweh na inyong Diyos ay banal, at gusto ka niyang maging tulad niya kayo.
\v 3 Bawat isa sa inyo ay dapat gumalang sa inyong ama at ina. At dapat ninyong igalang ang mga Araw ng Pamamahinga. Ako itong si Yahweh, na inyong Diyos, ang nag-uutos sa inyo na gawin ang mga bagay na ito.
\v 4 Huwag kayong sumamba sa mga dios-diosan, na hindi karapat dapat, o gumawa ng mga metal na rebultong dios-diosan para sa inyong mga sarili; Si Yahweh ang inyong Diyos; siya ang nag-sasabi sa inyo nito. Siya lamang ang dapat ninyong sambahin.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 5 Sinabi rin ito ni Yahweh: 'Kapag nagdadala kayo ng isang handog upang mangako ng pagkakaibigan sa akin, ihandog ninyo ito sa paraang matatanggap ko.
\v 6 Dapat kainin ang karne sa araw na inialay ninyo ito, nguni't ang ilan dito ay maaari ninyong kainin sa susunod na araw. Gayon pa man, dapat ninyong sunugin ang anumang natira sa ikatlong araw.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 7 Sapagkat sinuman ang kumain nito sa ikatlong araw ay talagang hindi kalugud-lugod sa akin, at hindi ko tatanggapin ang handog na iyon.
\v 8 Parurusahan ko ang sinumang kumain nito pagkatapos ng ikalawang araw, dahil hindi niya iginalang kung ano ang sinabi kong banal. At hindi na dapat pahintulutan kailanman na makipagsalamuha ang taong iyon sa aking mga tao.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 9 Kapag aanihin ninyo ang inyong butil, iwan ang butil na nakatayo sa mga gilid ng bukid at sa mga sulok. Huwag pulutin ang mga tungkos na nahulog sa lupa.
\v 10 At kapag inani ninyo ang inyong mga ubas, huwag bumalik sa ikalawang pagkakataon upang subukang umani ng karagdagan, at huwag pulutin ang mga ubas na nahulog sa lupa. Iwan ang mga bagay na iyon sa mga mahihirap at para sa mga dayuhang naninirahan kasama ninyo. Ako, si Yahwheh na inyong Diyos, ang nag-uutos ng mga bagay na ito sa iyo.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 11 Huwag magnakaw ng anumang bagay. Huwag magsinungaling. Huwag linlangin ang isa't isa.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 12 Huwag akong tawagan upang parusahan kayo kung may sinabi kayong bagay na alam ninyong mali. Kung ginawa ninyo ito, ipapahiya ninyo ako. Huwag kalimutang ako si Yahweh, na inyong Diyos.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 13 Huwag dayain ang sinuman o magnakaw mula kaninuman. Kung napagkasunduan ninyong bayaran ang inyong mga manggagawa sa katapusan ng araw, gawin kung ano ang inyong ipinangako. Huwag ng patagalin ang mga sahod hanggang sa susunod na araw.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 14 Huwag sumpain ang mga taong bingi, at huwag maglagay ng mga bagay sa landas ng mga taong bulag upang matisod sila. Ako, si Yahweh, ang nag-uutos nito.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 15 Laging hatulan nang patas ang mga tao. Huwag gumawa ng pagtatangi para sa alinmang mahirap o mayamang mga tao.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 16 Huwag magpakalat ng maling balita tungkol sa ibang tao. Huwag manatiling tahimik sa hukuman kung ang iyong patotoo ay mag-iiwas isang taong walang kasalanan mula sa kamatayan. Ako, si Yahweh, ang nag-uutos nito.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 17 Huwag kamuhian ang sinuman. Sa halip, matapat ninyong pagalitan ang mga iba na kailangang pagalitan, upang hindi rin kayo magkasala.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 18 Huwag subukang maghiganti laban sa sinuman o magalit sa isang tao nang mahabang panahon. Sa halip, mahalin ang ibang tao tulad ng pagmamahal ninyo sa inyong sarili. Ako, si Yahweh na inyong Diyos, ang nag-uutos nito.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 19 Sundin ang aking mga batas. Huwag pahintulutan ang dalawang magkaibang uri ng hayop upang magparami sa bawat isa. Huwag magtanim ng dalawang magkaibang uri ng binhi sa parehong bukid. Huwag magsuot ng damit na gawa sa dalawang magkaibang uri ng materyal.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 20 Kung sumiping ang isang lalaki sa isang aliping babae na pinangakuhan nang pakasalan ng ibang lalaki, ngauni't kung hindi pa siya nabili ng lalaking iyon at alipin pa rin siya, dapat parusahan ang dalawang ito. Sapagkat dahil alipin pa rin siya, siya at ang lalaking sumiping sa kanya ay hindi dapat mabitay.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 21 Gayun pa man, dapat dalhin ng lalaking iyon ang isang lalaking tupa upang katayin sa pasukan ng sagradong dako ng tolda, na maging isang handog upang hindi na siya managot sa kanyang kasalanan.
\v 22 Ihahandog ng pari ang lalaking tupa sa akin. Pagkatapos papatawarin ko ang lalaking iyon sa pagkakasalang nagawa niya.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 23 Kapag nakapasok na kayo sa lupain na aking ipinangakong ibigay sa inyo, at kapag nagtanim kayo ng iba't ibang uri ng punong namumunga, hindi dapat kayo kumain ng anumang bunga ng mga ito sa loob ng tatlong taon.
\v 24 Sa ikaapat na taon dapat ninyong itabi ang lahat ng mga bunga niyon para mapabilang sa akin; dapat ninyong itabi ito bilang isang handog na banal upang magbigay papuri sa akin.
\v 25 Subalit sa ikalimang taon, pahihintulutan na kayong kumain ng mga bunga nito. Kung gagawin ninyo iyon, magbubunga nang marami ang inyong mga puno. Ako si Yahweh na inyong Diyos, ang nangangako niyan.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 26 Huwag kumain ng karne ng anumang hayop na may dugo pa nito. Huwag sumangguni sa mga espiritu upang malaman kung ano ang mangyayari sa hinaharap, at huwag magsagawa ng pangkukulam.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 27 Huwag ahitan ang buhok sa magkabilang gilid ng inyong mga ulo tulad ng ginawa ng mga taong pagano.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 28 Huwag ninyong sugatan ang inyong mga katawan kapag kayo ay nagluluksa para sa mga taong pumanaw, at huwag maglagay ng mga tatu sa inyong mga katawan. Ako si Yahweh na inyong Diyos, ang nag-uutos nito.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 29 Huwag ninyong ipahiya ang inyong mga anak na babae sa pagtulak sa kanila na maging mga babaeng bayaran. Kung idudulot ninyo silang maging mga bababeng bayaran, hindi magtatagal mapupuno ng mga babaeng bayaran ang lupain at lahat ng ibang uri ng masasamang asal ng mga tao.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 30 Igalang ang aking mga Araw ng Pamamahinga at igalang ang aking sagradong tolda, sapagkat ako si Yahweh.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 31 Huwag humingi ng payo mula sa mga sumusubok kausapin ang mga espiritu ng mga patay upang bigyan sila ng payo. Kung gagawin ninyo iyon, hindi ko na kayo tatanggapin. Ako si Yahweh na inyong Diyos.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 32 Tumayo kapag pumasok ang mga nakakatandang tao sa silid, at ipakitang ginagalang ninyo sila. Dapat rin ninyo akong parangalan, ang inyong Diyos; Dahil iyon ako.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 33 Kapag nanirahan ang mga dayuhan sa inyong lupain, huwag ninyo silang pagmalupitan.
\v 34 Dapat ninyo silang ituring tulad ng inyong kapwa Israelita. Mahalin sila tulad ng pagmamahal ninyo sa inyong sarili, at huwag kalimutang noong dayuhan kayo sa Ehipto pinagmalupitan nila kayo. Ako si Yahweh na inyong Diyos, ang nag-uutos sa inyo na gawin ito.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 35 Kapag nagsusukat kayo ng mga bagay, upang makita kung gaano kahaba ang mga ito o kung gaano kabigat o kung ilan ang mga ito,
\v 36 gumamit ng tamang panukat na mga patpat at mga antas at sukatan sa timbangan at mga panukat na basket at ibang mga panukat na lalagyan. Ako si Yahweh na inyong Diyos, na siyang nagdala sa inyo balabas ng Ehipto.
\v 37 Sunding mabuti ang lahat ng aking mga batas at kautusan. Ako ito si Yahweh, na siyang nag-uutos sa inyo ng mga ito.' "
\s5
\c 20
\p
\v 1 Sinabi rin ito ni Yahweh kay Moises:
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 2 "Sabihan ang mga Israelita, 'Sinumang Israelita o sinumang dayuhang namumuhay sa Israel na nag-aalay ng alinman sa kanyang mga anak bilang isang handog sa diyus-diyosan na si Molec ay dapat mamatay. Dapat patayin siya ng mga tao ng bayan sa pamamagitan ng pagbabato sa kanya.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 3 Tatanggihan ko ang mga taong iyon at idudulot kong hindi na sila maging aking mga tao.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 4 Kung babalewalain ito ng mga tao sa bayan ng taong iyon kapag pinapatay niya ang alinman sa kanyang mga anak upang ihandog siya kay Molec, at kung hindi nila papatayin ang taong iyon,
\v 5 Ako mismo ang magpaparusa sa taong iyon at sa kanyang angkan. Iuutos kong hindi na siya dapat makasama sa aking mga tao. At gagawin ko ang parehong bagay sa iba pang hindi tapat sa akin at sa mga sumasamba kay Molec.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 6 Tatanggihan ko ang mga taong pumupunta sa mga nakikipag-usap sa mga espiritu ng mga patay na tao, o sinumang pumupunta sa mga manghuhula na nagtatanong sa mga espiritu para payuhan sila. Itataboy ko ang mga taong iyon; hindi na sila makakasama ng aking mga tao.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 7 Ilaan ninyo ang inyong mga sarili para sa aking karangalan, upang mapabilang kayo sa akin, dahil Ako si Yahweh na inyong Diyos.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 8 Maingat na sundin ang lahat ng bagay na iniutos ko sa inyo. Ako si Yahweh, ang nagbubukod sa inyo mula sa ibang mga tao upang Ako ay maparangalan.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 9 Kung isusumpa ng sinuman ang kanyang ama o kanyang ina, dapat ninyo siyang patayin. Siya mismo ang mananagot para sa kanyang sariling kamatayan.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 10 Kung makikiapid ang isang lalaki sa asawa ng ibang lalaki, sa gayon dapat ninyo silang kapwa patayin, ang lalaki at ang babae.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 11 Kung sisiping ang isang lalaki sa isa sa mga asawa ng kanyang ama, nilapastangan niya ang kanyang ama. Kaya dapat kapwa ninyong patayin ang lalaking iyon at ang babae; sila ay mananagot sa kanilang sariling kamatayan.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 12 Kung sisiping ang isang lalaki sa kanyang manugang na babae, dapat kapwa ninyo silang patayin. Ipinagpalit nila ang mabuti sa masama; pareho silang karapat-dapat na mamatay.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 13 Kung nagsiping ang dalawang lalaki, nakagawa sila ng kasuklam-suklam na bagay. Dapat kapwa ninyo silang patayin; sila ang mananagot sa kanilang sariling kamatayan.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 14 Kung kapwa pinakasalan ng isang lalaki ang isang babae at kanyang ina, ito ay isang masamang bagay. Dapat sunugin ninyo silang tatlo hanggang mamatay, upang walang ni isa sa inyo ang patuloy na gagawa ng ganoong masamang gawain.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 15 Kung sisiping ang isang tao sa isang hayop, dapat kapwa silang patayin.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 16 Ganon din, kapag sumiping ang isang babae sa isang hayop, dapat kapwa silang patayin. Mananagot sila sa kanilang sariling kamatayan.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 17 Kung sisiping ang isang lalaki sa kanyang kapatid na babae, ang anak na babae o alinman sa kanyang ina o kanyang ama—kung sila ay nagsiping, iyon ay kahihiyan. Hindi na sila makakasama sa aking mga tao. Dahil siya ay sumiping sa kanyang kapatid na babae, siya ay nagkasala.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 18 Kung sisipingan ng isang lalaki ang isang babae sa panahon ng kanyang pagreregla, inilantad nila pareho ang dumadaloy niyang dugo, kaya walang sinuman sa kanila ang dapat makasama pa sa aking mga tao.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 19 Walang lalaking dapat sumiping sa kanyang kapatid na babae ng alinman sa kanyang ama o kanyang ina, dahil ipapahiya niya ang isang tao na malapit niyang kamag-anak. Dapat ninyong parusahan ang taong iyon, pati na ang babaeng iyon.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 20 Kung sipingan ng isang lalaki ang kanyang tiyahin, nilapastangan niya ang kanyang tiyuhin. Kapwa ko silang parurusahan sa pamamagitan ng pagdudulot sa kanila na mamatay ng walang mga anak.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 21 Kung pakakasalan ng isang lalaki ang asawa ng kanyang kapatid na lalaki na nabubuhay pa, iyon ay kahihiyan. Nilapastangan niya ang kanyang kapatid na lalaki at kapwa silang mamatay na hindi magkakaroon ng mga anak.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 22 Maingat na sundin ang lahat ng aking mga kautusan at mga batas, upang hindi ninyo kailangan iwan ang lupain kung saan ko kayo dadalhin.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 23 Huwag gayahin ang kaugalian ng mga tao mula sa lupain kung saan ko sila itataboy, habang kayo ay sumusulong dito. Kinamumuhian ko sila dahil ginawa nila ang mga kasuklam-suklam na mga bagay na iyon.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 24 Ngunit sinabi ko sa inyo, "Makukuha ninyo ang kanilang lupain mula sa kanila. Ibibigay ko ito sa inyo upang mapasainyo. Isang lupaing napaka-masagana. Ako si Yahweh na inyong Diyos, na naghiwalay sa inyo mula sa mga tao ng ibang mga bansa."
\v 25 Kaya dapat ninyong kilalanin ang kaibahan sa pagitan ng mga ibon at mga hayop na hindi katanggap-tanggap sa akin at mga katanggap-tanggap sa akin. Huwag dungisan ang inyong mga sarili sa pamamagitan ng pagkain ng mga ibon o mga hayop, o anumang gumagapang sa lupa, mga bagay na sinabi kong hindi katanggap-tanggap para sa inyo.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 26 Dapat kayong mamuhay bilang mga taong inihiwalay para sa aking karangalan, dahil Ako, Yahweh, ay inihiwalay din at ginagawa ko ang lahat ng bagay para sa aking karangalan. Kinuha ko kayo mula sa ibang mga bansa, dahil kayo ay akin.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 27 Dapat ninyong patayin ang sinumang lalaki o babaeng kasama ninyo na humihingi ng kaalaman sa mga espiritu ng patay na mga tao o ibang mga kaluluwa. Patayin sila sa pamamagitan ng pagbabato sa kanila; mananagot sila sa kanilang sariling kamatayan."
\s5
\c 21
\p
\v 1 Sinabi rin ni Yahweh kay Moises, "Magsalita sa mga pari, ang mga anak na lalaki ni Aaron, at sabihin sa kanila,
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 2 Kayong mga pari ay hindi dapat idulot ang inyong sarili na maging hindi akma upang gawin ang aking gawain sa pamamagitan ng paghipo ng anumang patay na katawan. Pinapayagan lang kayong hipuin ang bangkay ng malapit na kamag-anak, gaya ng inyong ina, ama, anak na lalaki, anak na babae o inyong kapatid.
\v 3 Maaari rin ninyong hipuin ang bangkay ng isang kapatid na babae kung hindi siya kasal at naninirahan sa inyong bahay, dahil wala siyang asawa upang maglibing sa kanya.
\s5
\v 4 Kayong mga pari ay hindi dapat payagan ang inyong mga sarili na maging hindi akma upang gawin ang aking gawain sa pamamagitan ng paghipo ng mga patay na katawan ng iba ninyong kamag-anak.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 5 Kayong mga pari ay hindi dapat ahitan ang inyong mga ulo o ang gilid ng inyong mga balbas; hindi ninyo dapat sugatan ang inyong katawan upang ipakita na nagluluksa kayo para sa isang taong namatay.
\v 6 Dapat kayong kumilos sa mga paraan na Ako, ang inyong Diyos, ay itinuturing na maging karapatdapat para sa inyo, aking mga pari, hindi ninyo ako dapat ipahiya. Kayo ang siyang magdadala sa akin ng mga handog na sinunog. Para bang ang mga handog na iyon ay pagkain para sa akin na inyong Diyos. Kaya dapat kumilos kayo sa mga paraang nararapat para sa inyo, dahil pinaparangalan ninyo ako.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 7 Kayong mga pari ay hindi dapat mag-asawa ng mga babaeng naging bayaran o kung sino ay nahiwalay sa kanilang mga asawa, dahil kayong mga pari ay ibinukod para sa Diyos.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 8 Dapat ninyong tandaan na ibinukod ko kayo upang sambahin ako. Para bang kayo ay pagkaing handog sa akin, ang inyong Diyos. Ituring ninyo ang inyong sarili na nabibilang sa akin, dahil Ako, Yahweh, ang siyang gumawa sa inyo upang maging mga pari, at wala akong kinalaman sa anumang masama—Ako ay banal.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 9 Kapag naging isang babaeng bayaran ang anak ng pari, ipinapahiya niya ang kanyang ama, at dapat ninyong sunugin siya sa isang apoy.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 10 Ang pangulong pari ay siyang hinirang sa kanyang mga kamag-anak para sa gawaing iyon sa pamamagitan ng pagbuhos ng olibong langis sa kanyang ulo. Siya rin ang siyang hinirang upang magsuot ng mga pananamit na ginawa at ibinukod para sa karangalan ni Yahweh. Hindi niya dapat hayaan ang buhok sa kanyang ulo na manatiling hindi sinuklay, at hindi niya dapat punitin ang kanyang mga damit kapag siya ay nagluluksa para sa isang tao.
\v 11 Hindi siya dapat pumasok sa anumang lugar na kung saan mayroong bangkay. Hindi niya dapat gawin iyon at payagan ang kanyang sarili na maging hindi akma para sa kanyang gawain, kahit ang kanyang ama o kanyang ina ang namatay.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 12 Hindi siya dapat umalis sa banal na tolda upang sumama sa mga nagluluksa, dahil papayagan niya ang kanyang sarili na maging hindi akma sa kanyang gawain at dudungisan din ang banal tolda. Hindi siya dapat umalis sa banal na tolda sa panahong iyon, dahil sa pagiging binuhusan ng olibong langis hinirang siya upang maglingkod sa kanyang Diyos sa banal na tolda. Ako, Yahweh, ang siyang nag-uutos nito.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 13 Ang mga babaeng pakakasalan ninyong mga pari ay dapat mga birhen.
\v 14-15 Kayong mga pari ay hindi dapat mag-asawa ng mga balo o mga babaeng bayaran o mga babaeng nahiwalay sa kanilang asawa, dahil kung gagawin ninyo iyon, at kung sa katagalan magkaroon kayo ng mga anak, hindi sila magiging katanggap-tanggap upang maging mga pari sa inyong mga tao. Dapat mag-asawa lamang kayo ng mga birhen mula sa inyong sariling lahi. Ako si Yahweh, ang siyang nagbukod sa mga pari para sa aking karangalan at para sa mga sumasamba sa akin.'"
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 16 Sinabi rin ni Yahweh kay Moises,
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 17 "Sabihin ito kay Aaron: 'Para sa lahat ng hinaharap na panahon, wala sa iyong kaapu-apuhan na mayroong mga kapansanan sa kanyang katawan ang papayagang lumapit sa altar upang maghandog ng mga alay sa akin na magiging katulad ng aking pagkain.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 18 Walang sinumang bulag o lumpo o hindi maayos ang anyo, o ang mukha ay pumangit,
\v 19 walang taong may pilay na paa o pilay na kamay,
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 20 walang taong kuba o unano, walang taong sira ang mga mata, walang tao na mayroong sakit sa balat o nasira ang masilang mga bahagi.
\v 21 Walang kaapu-apuhan ni Aaron, ang unang pangulong pari, na may anumang kapansanan ang pinapayagang pumunta sa altar upang maghandog sa akin, ang kanyang Diyos, ng mga alay na susunugin.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 22 Ang mga paring mayroong mga kapansanan ay pinapayagang kainin ang ibat-ibang uri ng pagkaing banal na inihandog sa akin.
\v 23 Ngunit dahil sa kanilang mga kapansanan, hindi sila dapat lumapit sa kurtina sa banal na tolda o malapit sa altar, dahil kung ginawa nila iyon, madudungisan nila ang aking banal na tolda. Ako si Yahweh, ang siyang nagbubukod ng mga lugar na iyon para sa aking sarili at para sa aking karangalan.'"
\v 24 Kaya sinabi ito ni Moises kay Aaron at sa kanyang mga anak na lalaki at sa lahat ng mga taong Israelita.
\s5
\c 22
\p
\v 1 Sinabi din ni Yahweh kay Moises,
\v 2 "Ipaliwanag kay Aaron at sa kanyang mga anak na lalaki ang tungkol sa kung kailan sila dapat na humawak o kumain ng anumang pagkaing inihandog sa akin ng mga tao sa pamamagitan ng pagbibigay nito bilang isang alay. Hindi nila dapat ako bastusin o ang aking pangalan. Ako si Yahweh.
\v 3 Sabihin iyon sa kanila para sa lahat ng panahong hinaharap, kung sila o sinuman sa kanilang mga kaapu-apuhan ay maging hindi karapat-dapat sa anumang dahilan upang gawin ang gawain na dapat gawin ng mga pari, hindi sila dapat lumapit sa anumang bagay na inihandog sa akin ng mga tao ng Israel bilang isang handog. Hindi na mapapabilang sa aking mga tao ang sinumang lumabag sa alituntuning ito. Ako si Yahweh.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 4 Kung sinuman sa kaapu-apuhan ni Aaron ang may nakakahawang sakit sa balat o nana na may dugong lumalabas sa kanyang pribadong bahagi, hindi siya papayagang kumain ng anuman sa mga banal na handog hanggang sa gumaling siya. Hindi rin siya magiging karapat-dapat para sa kanyang gawain kung hinawakan niya ang anumang bagay na sumagi sa isang bangkay, o kung hinawakan niya ang sinumang nilabasan ng semilya,
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 5 o kung hinawakan niya ang anumang bagay na gumagapang sa lupa, o kung hinawakan niya ang sinumang tao na nagdulot sa kanya na maging hindi karapat-dapat para sa kanyang gawain.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 6 Sinumang pari na hinawakan ang anumang bagay na marumi ay magiging marumi hanggang sa gabi. Hindi siya dapat kumain ng alinman sa mga banal na bagay, maliban lang kung paliguan muna niya ang kanyang katawan ng tubig.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 7 Paglubog ng araw, maari siyang kumain ng pagkain mula sa mga banal na handog, dahil ang mga ito ay kaniya ng pagkain ngayon.
\v 8 Ngunit hindi siya dapat kumain ng anumang bagay na namatay sa isang natural o pinatay ng mga mababangis na hayop, dahil kung ginawa niya iyon, hindi siya magiging karapat-dapat na gumawa para sa akin. Ako, si Yahweh, iniuutos ko ang mga bagay na iyon.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 9 Dapat sumunod ang mga pari sa aking mga kautusan; hindi dapat nila hamakin ang mga ito, o magkakasala sila at mamatay. Ako si Yahweh, ang siyang naglaan sa kanila para sa aking karangalan.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 10 Walang sinumang hindi nabibilang sa pamilya ng pari ang pinapayagang kumain mula sa banal na handog. Walang sinumang bumibisita sa pari, o isang inupahan ng pari, wala sa kanila ang pinapayagang kainin ito.
\v 11 Ngunit kung bumili ng isang alipin ang isang pari, o kung ipinanganak sa kaniyang bahay ang isang alipin, pinapayagan na kumain ang aliping iyon ng ganoong pagkain.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 12 Kung nag-asawa ng isang lalaking hindi pari ang isang babaeng anak ng pari, hindi na siya pinapayagang kumain ng banal na pagkaing ibinigay kay Yahweh bilang mga regalo o mga handog.
\v 13 Ngunit ipagpalagay na ang anak na babae ng pari na walang mga anak ay maging balo o maging hiwalay sa asawa, at ipagpalagay din na siya ay bumalik sa bahay ng kaniyang ama upang manirahan doon gaya ng ginawa niya nang bata pa siya. Sa pagkakataong iyon, maaari siyang kumain ng parehong pagkain na kinakain ng kaniyang ama. Ngunit walang ibang tao ang pinapayagan na kumain ng alinman nito.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 14 Kung sinumang hindi pinapayagang kumain ng banal na handog ang kumain nito na hindi napagtantong banal ito, dapat niyang bayaran ang pari para sa pagkain at magdagdag ng karagdagang ikalimang bahagi rito.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 15 Kapag magdadala ng mga handog sa akin ang mga pari, ang mga banal na handog na dinala ng mga taong Israelita sa kanila, hindi nila dapat ituring ang mga handog na iyon na parang ang mga ito ay hindi katangi-tangi sa akin;
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 16 hindi dapat pinahihintulutan ng mga tao ang sinumang hindi isang pari na kumain ng alinman sa mga handog na iyon. Kung ginawa nila iyon, magkakasala sila. Ako si Yahweh, ang siyang naglaan sa mga taong Israelita mula sa ibang mga tao at gawin silang banal para sa aking karangalan."
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 17 Sinabi rin ni Yahweh kay Moises,
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 18 "Kausapin si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki at ang lahat ng taong Israelita at sabihing sinasabi ko ito sa kanila, 'Kung sinuman sa inyo na mga Israelita o mga dayuhan na naninirahan sa Israel ang magdala sa akin ng isang hayop na ganap na susunugin sa altar, kahit bilang isang bunga ng isang taimtim na pangakong ginawa ninyo sa akin o maging isang handog na ibibigay ng kusang-loob,
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 19 dapat ninyong dalhin mula sa inyong baka o tupa o mga kambing ang isang hayop na walang mga depekto, upang maaari kong tanggapin iyon.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 20 Huwag magdala ng anumang mga hayop na may mga depekto, dahil hindi ko sila tatanggapin para sa inyo.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 21 Gayundin, kung magdadala ang isang tao mula sa kaniyang baka o tupa o mga kambing na isang handog upang mangako ng pakikipagkaibigan sa akin, alinman para tuparin ang isang pangakong ginawa niya sa akin o maging isang kusang-loob na handog—para tanggapin ko ito, dapat wala itong mga depekto o mga kapintasan.
\s5
\v 22 Huwag maghandog sa akin ng mga hayop na bulag, nasugatan, lumpo, o anumang hayop na may mga kulugo o isang nagnananang sugat.
\v 23 Maaari kayong maghandog sa akin bilang isang kusang-loob na handog ng isang lalaking baka o isang tupa na nasugatan o bansot, ngunit hindi ito tatanggapin upang matupad ang isang pangako na ginawa ninyo sa akin.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 24 Hindi ninyo dapat ihandog sa akin ang mga hayop na ang bahagi ng katawan sa pagpaparami ay bugbog, durog, nasira o nahiwa. Hindi ninyo dapat sugatan ang mga bahagi ng katawan sa pagpaparami ng anumang hayop sa inyong lupain,
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 25 at hindi ninyo dapat tanggapin ang mga ganoong mga hayop na ipinagbili sa inyo ng isang dayuhan. Hindi ninyo dapat ihandog ang mga ito sa akin bilang pagkain para sa akin. Hindi ko tatanggapin ang ganoong mga hayop, dahil sira ang anyo nila o may mga depekto.'"
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 26 Sinabihan din ni Yahweh si Moises na,
\v 27 "Kapag ipinanganak ang isang guya o kordero o kambing, dapat itong manatili sa kaniyang ina sa loob ng pitong araw. Pagkatapos niyon, matatanggap ito upang maging isang handog na susunugin para sa akin.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 28 Huwag katayin ang isang baka o ang isang tupa at ang bagong anak nito sa parehong araw.
\v 29 Kung mag-alay kayo ng isang hayop upang pasalamatan ako para sa aking nagawa, ialay ito sa paraang tatanggapin ko.
\v 30 Dapat kainin ang karne sa araw na iyon. Huwag magtitira ng anuman nito hanggang sa kinabukasan. Ako, si Yahweh, ang siyang nag-uutos nito.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 31 Sundin ang lahat ng aking mga utos. Ako, si Yahweh, ang nag-uutos sa mga ito.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 32 Huwag ninyo akong bastusin sa pamamagitan ng pagsuway sa mga ito. Kayong mga taong Israelita ay dapat na kilalaning ako, si Yahweh, ay banal, at ako ang siyang nagdudulot sa inyo na maging banal.
\v 33 At ako ang siyang naglabas sa inyo sa Ehipto upang ako, si Yahweh, ang maging Diyos ninyo."
\s5
\c 23
\p
\v 1 Sinabi ni Yahweh kay Moises,
\v 2 "Sabihin sa mga Israelita tungkol sa mga pista para kay Yahweh, ang mga araw kung saan dapat lahat kayo sama-samang magtipon sa banal na mga pagpupulong at mayroon tayo nito sa takdang mga oras ng bawat taon, gaya ng mga pista kung saan sasamba kayo sa akin.
\s5
\v 3 Maaari kayong magtrabaho sa loob ng anim araw bawat linggo, ngunit sa ikapitong araw dapat hindi kayo gagawa ng kahit anong trabaho. Dapat kayong magpahinga. Ito ay isang banal na araw kung saan dapat sama-sama kayong magtipon upang sambahin ako. Saan man kayo nakatira, dapat magpahinga kayo sa araw na iyon.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 4 Mayroong mga pista na aking pananatilihin para sa inyo. Mga banal na mga araw ang mga ito na dapat sama-sama kayo upang sambahin ako.
\v 5 Ang unang pista ay ang Paskuwa. Magsisimula ang pista na iyan sa takipsilim sa itinakdang araw sa bawat tagsibol at matatapos sa susunod na araw.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 6 Sa susunod na araw magsisimula ang Pista ng Tinapay na walang Lebadura. Magpapatuloy ang pista sa loob ng pitong araw. Sa panahon na iyon, dapat ang tinapay na inyong kakainin ay ginawa na walang lebadura.
\s5
\v 7 Sa unang araw ng pista na iyon, dapat lahat kayo hihinto sa inyong karaniwang trabaho at sama-samang magtipon upang sambahin ako.
\v 8 Sa bawat araw ng pitong araw, dapat ninyong ialay sa akin ilang uri ng mga hayop bilang isang paghahandog para tuluyang sunugin sa altar. Sa ikapitong araw, dapat lahat kayo hihinto ulit sa inyong karaniwang trabaho at magtipon para sambahin ako."
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 9 Sinabihan din ni Yahweh si Moises
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 10 para sabihin sa mga Israelita tungkol sa ibang mga pista. Sinabi niya, "Pagkatapos ninyong dumating sa lupain na aking ibibigay sa inyo, at kapag aanihin ninyo doon ang inyong mga pananim sa unang pagkakataon, dalhin ninyo sa pari ang ilan sa unang butil ng inyong naani.
\v 11 Sa araw pagkatapos ng susunod na Araw ng Pamamahinga, itataas ito ng pari para ilaan ito sa akin, upang matanggap ko ito bilang inyong regalo.
\s5
\v 12 Sa parehong araw na iyon dapat kayong mag-alay sa akin ng isang taong gulang na lalaking tupa na walang mga kapintasan. Dapat mong sunugin ito sa altar.
\v 13 Dapat mo ring sunugin ang isang harinang handog. Ang handog na iyan dapat magtaglay ng 4.5 litrong na magandang harina, butil mula sa lupa, hinaluan ng olibong langis. Ang amoy ng mga nasusunog ng mga bagay na iyon ay magiging kalugud-lugod sa akin. Kasama ng mga iyon, dapat mo ring ialay ang isang litro ng alak, kung saan ito ay magiging isang likidong paghahandog.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 14 Huwag kakain ng kahit anong tinapay o kahit anong inihaw o hindi inihaw na butil sa araw na iyon hanggang pagkatapos ninyong dalhin iyong mga handog para sa akin, ang inyong Diyos. Ikaw at lahat ng inyong mga kaapu-apuhan ay dapat laging susunod sa mga kautusan na ito, saan man kayo nakatira.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 15 Pitong linggo pagkatapos inialay ng pari ang harina na iyon para sa akin,
\v 16 sa sumunod na araw pagkatapos na ihandog ito, dapat magdala sa akin ang bawat pamilya ng isang handog mula sa bagong ani ng butil.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 17 Mula sa inyong mga bahay, magbigay ng dalawang tinapay sa pari. Itataas niya ang mga ito upang ilaan bilang isang paghahandog sa akin. Dapat iniluto ang mga tinapay na yaon mula sa 4.5 mga litro ng mabuting harina na mayroong halong lebadura. Ang tinapay na iyan magiging isang paghahandog sa akin mula sa pag-aani ninyo ng unang trigo sa bawat taon.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 18 Kasama sa tinapay na ito, dapat ninyong ibigay sa akin ang pitong isang taong gulang na mga tupa na walang mga kapintasan, isang batang toro, at dalawang lalaking mga tupa. Dapat tuluyan silang sunugin sa altar. Ang mga handog na iyon, kasama ang harinang handog at ang alak na handog, ay susunugin, at ang amoy ng lahat ng mga bagay na iyon na nasusunog ay magiging katanggap-tangap sa akin.
\s5
\v 19 Pagkatapos dapat din kayong pumatay ng isang lalaking kambing bilang isang handog para sa inyong mga kasalanan, at dalawang isang taong gulang na lalaking mga tupa na maging isang handog na para mangako kayo ng pakikipagkaibigan sa akin.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 20 Itataas ng pari ang mga handog na ito upang ilaan sa akin. Mag-aalay din siya ng mga tinapay na iniluto mula sa naaning unang trigo. Ang mga handog na iyon ay natatangi sa akin; ngunit ang mga ito ay para sa pari.
\v 21 Sa araw na iyon, dapat huminto kayo sa inyong mga karaniwang trabaho at magtipon para sambahin ako. Dapat kayo at ang lahat ninyong mga kaapu-apuhan palaging susunod sa mga kautusan na ito, kahit saan man kayo nakatira.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 22 Kapag aanihin ninyo ang butil sa inyong mga bukirin, huwag anihin kung ano ang nasa mga gilid ng mga bukirin, at huwag pulutin ang butil na nahulog ng mga taga-ani. Iwanan ito para sa mahihirap na mga tao at para sa mga dayuhan na naninirahan na kasama ninyo. Huwag ninyong kakalimutan na Ako, Yahweh na inyong Diyos, ang nag-uutos ng mga bagay na iyon!"
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 23 Sinabi rin ni Yahweh kay Moises
\v 24 na ibigay itong mga tagubilin para sa mga Israelita: "Sa bawat taon sa ikapitong buwan, sa unang araw ng buwan na iyon, dapat ipagdiwang ninyong lahat ang araw na iyon, kung saan tuluyan kayong magpahinga. Hindi kayo dapat gagawa ng kahit anong trabaho sa araw na iyon. Kapag hinipan ng mga pari nang malakas ang kanilang mga trumpeta, dapat magtipon kayong lahat bilang isang banal na pulong, upang sambahin ako.
\v 25 Dapat lahat kayo hindi gagawa ng kahit anong karaniwang trabaho sa araw na iyon. Sa halip, dapat ninyong ibigay ang mga handog sa akin na susunugin sa altar."
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 26 Sinabi rin ni Yahweh kay Moises,
\v 27 "Dapat kayong magdiwang ng isang araw kung saan hihiling kayo na patawarin ko kayo para sa nagawa ninyong mga kasalanan. Ang araw na iyon ay siyam na araw matapos ang pista kapag hinipan ng mga pari ang mga trumpeta. Sa araw na iyon hindi dapat kayo kakain. Dapat magtipon-tipon kayo para sambahin ako at ibigay sa akin ang mga handog na susunugin sa altar.
\s5
\v 28 Dapat hindi kayo gagawa ng kahit anong trabaho sa araw na iyon, dahil ito ay ang Araw ng Pambayad ng Kasalanan, kapag nag-aalay ang mga pari para sa akin upang bayaran ang inyong mga kasalanan.
\v 29 Dapat mong paalisin mula sa mga tao ang sinuman na hindi pa umalis na hindi kumakain sa araw na iyon.
\s5
\v 30 Papaalisin ko ang kahit sinong gumagawa ng kahit anong uri ng trabaho sa araw na iyon.
\v 31 Dapat hindi kayo magtrabaho sa anumang paraan! Ikaw at ang iyong mga kaapu-apuhan dapat palaging susundin ang mga kautusan na ito, kung saan man kayo nakatira.
\v 32 Ang araw na iyon magiging isang lubos na pamamahinga para sa inyong lahat, at sa araw na iyon dapat kayong mag-ayuno upang maipakita na nagsisisi sa nagawang kasalanan. Iyong araw ng pahinga at magpapatuloy na walang pagkain ay magsisimula sa gabing iyon bago ang araw kung saan humingi kayo sa akin ng kapatawaran para sa inyong mga kasalanan, at matatapos ito sa gabi ng susunod na araw."
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 33 Sinabi rin ni Yahweh kay Moises,
\v 34 "Sabihin sa mga Israelita na sa bawat taon dapat rin nilang ipagdiwang ang Pista ng mga Kanlungan. Magsisimula ang pista na iyon limang araw pagkatapos ang Araw ng Pambayad ng Kasalanan. Magtatagal ang pistang ito sa loob ng pitong araw.
\s5
\v 35 Sa unang araw ng pistang iyon, dapat sama-samang magtipon ang mga tao upang sambahin ako, at dapat hindi sila gagawa ng kahit anong karaniwang trabaho.
\v 36 Sa bawat araw sa loob ng pitong araw nitong pista, dapat nilang ibigay sa akin ang isang paghahandog ng mga hayop na maaaring sunugin sa ibabaw ng altar. Sa ikawalong araw, dapat silang magtipon-tipon ulit tulad ng isang banal na pulong sa pagsamba sa akin at ibigay sa akin ang ibang hayop na maaring sunugin sa ibabaw ng altar. Iyon din ay magiging banal na pagtitipon, at dapat hindi rin sila magtrabaho sa araw na iyon.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 37 Sa kabuuan, iyon ang mga pista na aking itinakda. Ipagdiwang itong mga pista sa pamamagitan ng pagtitipon upang ialay sa akin ang lahat ng uri ng mga handog na susunugin sa altar—mga hayop na susunugin nang tuluyan, at mga handog na harina, mga handog para mangako ng pakikipagkaibigan sa akin, at mga paghahandog ng alak. Bawat handog ay dapat dalhin sa araw na aking itinuro.
\v 38 Dapat ninyong ipagdiwang ang mga pista bilang karagdagan pagsamba sa akin sa mga Araw ng Pamamahinga. At dapat ibigay ninyo sa akin ang lahat ng mga handog na iyon bilang karagdagang mga handog na personal desisyon na ibinigay ng mga tao, at bilang karagdagan mga handog na ginawa ng mga tao kasama ang taos pusong mga pangako na kanilang ginawa.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 39 Sa pagbalik sa aking mga tagubilin tungkol sa Pagdiriwang ng mga Kanlungan, dapat ninyong ipagdiwang itong pista pagkatapos ninyong anihin ang lahat ng mga pananim. Sa unang araw at sa huling araw ng pista na iyon, dapat tuluyan kayong magpahinga.
\s5
\v 40 Ngunit sa unang araw, pinapahintulutan kayong pumili ng pinakamainam na prutas mula sa mga puno. Maaari din ninyong dalhin ang mga sanga mula sa mga puno ng palmera, madahong sanga mula sa ibang mga puno, at mga madahong puno malapit sa batis, at gumawa ng mga kanlungan na titirhan para sa linggong iyon. Pagkatapos magsaya sa aking harapan sa loob ng pitong araw na iyon.
\v 41 Dapat ninyong ipagdiwang itong pista sa loob ng pitong araw sa bawat taon. Kayo at ang inyong mga kaapu-apuhan dapat palaging susunod sa mga kautusan na ito, kahit saan man kayo nakatira. Dapat ninyong ipagdiwang itong pista sa ikapitong buwan.
\s5
\v 42 Sa panahon ng pitong araw ng pagdiriwang na iyon, kayong lahat na mga tao na naging mga Israelita sa inyong buong buhay ay dapat titira sa mga kanlungan.
\v 43 Ang pistang ito ang palaging magpapaalala sa inyong mga kaapu-apuhan na ang kanilang mga ninuno ay nanirahan sa kanlungan ng maraming taon pagkatapos ko silang iligtas mula sa Ehipto. Huwag kalimutan na Ako, Yahweh na inyong Diyos, ang nag-iisang nag-uutos nito."
\v 44 Kaya ibinigay ni Moises sa mga Israelita itong lahat ng mga tagubilin tungkol sa mga pista na iyon na gusto ni Yahweh na ipagdiriwang ang mga ito sa bawat taon.
\s5
\c 24
\p
\v 1 Sinabi rin ni Yahweh kay Moises,
\v 2 "Utusan ang mga taong Israelita na palagiang magdala ng malinaw na langis na gawa mula sa pinigang mga olibo para sunugin sa mga lampara sa banal na tolda, nang sa gayon ang mga lamparang iyon ay nasusunog sa lahat ng oras.
\s5
\v 3 Sa labas ng kurtina ng pinaka-banal na lugar, Dapat si Aaron ang palaging mag-ayos ng mga lampara sa aking harapan, nang sa gayon ang mga ito ay nasusunog lahat sa loob ng gabi. Dapat masunod ang mga alituntuning iyon magpakailanman.
\v 4 Ang mga pari ang siyang dapat na mag-ayos palagi ng mga lampara na nasusunog sa aking harapan.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 5 At saka, dapat kang kumuha bawat linggo ng ilang pinong harina at maghurno ng labindalawang napakalaking tinapay, gamit ang humigit-kumulang 4.5 litrong harina para sa bawat tinapay.
\v 6 Ilagay ang mga tinapay sa dalawang linya, na mayroong anim na tinapay sa bawat linya, sa mesa na tinakpan ng gintong dalisay, sa aking harapan.
\s5
\v 7 Sa tabi ng bawat linya, maglagay ng ilang gintong mga kapa ilang purong insenso para sunugin bilang isang handog sa akin sa halip na tinapay.
\v 8 Ang mga pari ang siyang dapat na maglagay ng mga tinapay sa mesa bawat Araw ng Pamamahinga, para maging tanda ng tipan na hindi magwawakas, na siyang ginawa ko sa inyong mga Israelita.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 9 Kapag ang mga tinapay ay inalis mula sa mesa, sila ay magiging pag-aari nila Aaron at ng kaniyang mga anak na lalaki. Kailangan nilang kainin ito sa isang lugar na inilaan para sa ganitong layunin, dahil ang mga ito ay bahagi ng mga handog—ang mga handog na sa akin lamang—na ibinibigay sa akin sa pamamagitan ng pagsunog."
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 10-11 Mayroong isang lalaki na ang pangalan ng kanyang ina ay si Shilomith. Siya ay isang Israelita na ang kanyang ama ay si Dibri mula sa lipi ni Dan. Ang ama ng kaniyang anak na lalaki ay nagmula sa Ehipto. Isang araw ang lalaking ito at isa pang lalaking Israelita ay nag-umpisang mag-away sa loob ng kampo. At habang sila ay naglabanan, ang taong iyon ay nilait si Yahweh.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 12 Kaya dinakip siya ng mga taong Israelita at binantayan siya hanggang malaman nila ang anumang ihayag ni Yahweh tungkol sa kung ano ang kanilang gagawin sa taong iyon.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 13 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises,
\v 14 "Talian at ilabas mula sa kampo ang lalaking sinumpa ako. Doon ang lahat na nakarinig sa anumang sinabi niya ay dapat ilagay nila ang kanilang mga kamay sa kaniyang ulo para ipahiwatig na siya ay mayroong kasalanan, at pagkatapos dapat siyang patayin ng lahat ng tao sa pamamagitan ng paghagis ng mga bato sa kaniya.
\s5
\v 15 Sabihan ang mga Israelita, 'Kung sinuman ang sumumpa sa akin, dapat niyang tiisin ang mga kahihinatnan.
\v 16 Nang sa gayon ang sinumang sumumpa sa akin ay dapat patayin. Lahat ng tao ay dapat humagis ng mga bato sa kaniya. Hindi mahalaga kung siya ay isang dayuhan o isang katutubong Israelita mula pinanganak. Ang sinumang sumumpa sa akin ay dapat papatayin.
\s5
\v 17 At saka, ang sinumang pumatay ng isang tao, dapat siyang patayin ng mga tao.
\v 18 At sinumang pumatay ng hayop ng ibang tao ay dapat bigyan ng taong iyon ng isang buhay na hayop para palitan ang isa na kaniyang pinatay.
\s5
\v 19 At kung nakapanakit ng iba ang isang tao, ang taong nasaktan ay pinahihintulutan na makapanakit rin sa taong gumawa sa kaniya ng sakit sa parehong paraan.
\v 20 Kung sinuman ang bumali ng buto ng ibang tao, ang taong iyon ay pinahihintulutan na baliin ang mga buto ng taong puminsala sa kaniya. Kung ang isang tao ay dumukot ng mata ng isa pang tao, ang taong iyon ay pinahihintulutang dukutin ang mata ng taong puminsala sa kaniya. Kung sinuman ang tumanggal ng ngipin ng ibang tao, ang taong iyon ay pinahihintulutang tanggalin ang ngipin ng taong tumanggal sa kaniyang ngipin. Kung anuman ang ginawa ng taong nagkasala, ay ganoon din ang gagawin ng ginawa niya sa ibang tao.
\v 21 Ang sinumang pumatay ng hayop ng ibang tao ay dapat bigyan niya ang taong iyon ng isang buhay na hayop para palitan ng isa ang kaniyang pinatay, subalit dapat patayin ng mga tao ang sinumang pumatay ng ibang tao.
\s5
\v 22 Kayong mga Israelita at mga dayuhan na magkasamang namuhay ay dapat magkaroon ng parehong batas. Ako, si Yahweh na inyong Diyos, ang siyang nag-utos nito.
\v 23 Pagkatapos sinabi ni Moises sa mga Israelita kung ano ang dapat gawin sa lalaking sumumpa kay Yahweh, kaya dinala nila ang lalaki sa labas ng kampo at pinatay siya sa pamamagitan ng paghagis ng mga bato sa kanya. Ginawa nila ang anumang iniutos ni Yahweh kay Moises na sabihin na dapat nilang gawin.
\s5
\c 25
\p
\v 1 Sinabi ni Yahweh kay Moises sa Bundok Sinai,
\v 2 "Sabihin sa mga Israelita na ibinibigay ni Yahweh ang mga utos na ito sa kanila: Kapag pumasok kayo sa lupaing malapit na niyang ibigay sa inyo, dapat ninyo siyang parangalan bawat ikapitong taon sa pamamagitan ng hindi pagtatanim ng anumang mga pananim. Dapat hayaan ninyong magpahinga ang lupa.
\s5
\v 3 Sa loob ng anim na taon, magtatanim kayo sa inyong mga bukid, puputulan ang inyong mga ubasan, at aanihin ang inyong mga pananim.
\v 4 Subalit sa ikapitong taon dapat ninyong hayaang magpahinga ang inyong mga bukid, upang parangalan si Yahweh. Huwag magtanim ng mga binhi sa inyong mga bukid o putulan ang inyong mga ubasan sa ikapitong taon.
\s5
\v 5 Sa ikapitong taon, hindi ninyo dapat pagsama-samahin ang inyong mga manggagawa upang anihin ang anumang butil na tumubo sa inyong mga bukid; hindi ninyo dapat pagsama-samahin ang inyong mga manggagawa upang anihin ang anumang mga ubas na tumubo sa mga baging na hindi ninyo pinutulan. Dapat ninyong payagang magpahinga ang lupa sa isang taong iyon.
\v 6 Subalit pinahihintulutan kayong kainin ang anumang mga pananim na kusang tumubo sa taong iyon. Kayo at ang inyong mga lingkod na lalaki at babae, at ang mga manggagawang inupahan ninyo, at sinumang mga dayuhang naninirahan kasama ninyo—maaari ninyong lahat na kainin ang mga bagay na iyon.
\v 7 At pinahihintulutan din ang inyong mga alagang hayop at mga mababangis na hayop sa inyong lupain na kainin ang mga iyon sa taong iyon.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 8-9 Matapos magwakas ang bawat apatnapu't siyam na taon, dapat ninyo itong gawin. Sa ikasampung araw ng ikapitong buwan ng susunod na taon, umihip ng mga trumpeta sa buong bansa, upang ibalita ang Araw ng Pambayad ng Kasalanan.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 10 Ibukod ang taong iyon upang parangalan si Yahweh. Dapat ninyong ipahayag sa lahat ng dako, sa lahat ng mga tao, na ang taong ito ay magiging panahon ng pagbabalik ng lupa sa pamilyang unang nagmay-ari nito nang dalhin kayo ni Yahweh sa inyong lupain. Magiging panahon din ito para sa pagpapalaya ng sinuman sa mga tao ni Yahweh na mga alipin.
\s5
\v 11 Sa taong ito, ang ikalimampung taon, ay magiging taon kung kailan dapat kayong magsaya at sundin ang mga natatanging tagubilin ni Yahweh. Sa taong iyon huwag kayong magtanim ng anumang bagay, o huwag anihin sa inyong kinagawiang paraan ang mga pananim o mga ubas na kusang tumubo.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 12 Magiging isang taon iyon para magsaya kayo. Ituturing ninyo iyong natatangi, at kakainin lamang kung ano ang kusang tumubo.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 13 Sa taong iyon ng pagdiriwang, ang bawat isa ay dapat bumalik sa kanilang sariling ari-arian.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 14 Kung ipagbibili ninyo ang ilan sa inyong lupa sa kapwa ninyo Israelita o bibili kayo ng ilang lupa mula sa isa sa kanila, dapat ninyong pakitunguhan ang taong iyon nang patas.
\s5
\v 15 Kung bibili kayo ng lupa, ang halagang babayaran ninyo ay ibabatay sa bilang ng mga taon na mayroon hanggang sa susunod na taon ng pagdiriwang. Kung magbebenta ng lupa sa inyo ang isang tao, sisingil siya ng isang halagang nababatay sa bilang ng mga taong natitira hanggang sa susunod na taon ng pagdiriwang.
\v 16 Kung mayroong maraming taon bago ang susunod na taon ng pagdiriwang, tataas ang halaga; kung mayroon na lamang iilang taon hanggang sa susunod na taon ng pagdiriwang, bababa ang halaga. Masasabi ninyong ang talagang ipinagbibili niya sa inyo ay ang bilang ng mga pananim na maaari ninyong anihin bago ang susunod na taon ng pagdiriwang.
\v 17 Huwag ninyong dayain ang isa't isa. Sa halip, parangalan si Yahweh. Si Yahweh, na kung sino ay sinasamba nating mga Israelita, ang siyang nag-uutos sa ating gawin ang mga bagay na ito.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 18 Maingat na sundin ang lahat ng aking mga batas. Kung gagawin ninyo iyan, patuloy kayong mamumuhay nang ligtas sa inyong bansa.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 19 Tutubo nang mabuti sa lupain ang mga pananim, at magkakaroon kayo ng sagana para kainin.
\s5
\v 20 Subalit maaaring itanong ninyo, "Kung hindi kami magtatanim at mag-aani sa panahon ng ikapitong taon, ano ang kakainin namin?"
\v 21 Sinasagot kayo ni Yahweh na lubos niya kayong pagpapalain sa panahon ng ikaanim na taon, na may resultang magkakaroon sa taong iyon ng sapat na ani upang bigyan kayo ng pagkain sa loob ng tatlong taon.
\v 22 Sa gayon, matapos kayong magtanim ng binhi sa ikawalong taon at maghintay na tumubo ang mga pananim, kakainin ninyo ang pagkaing tumubo sa ikaanim na taon; patuloy ninyong kakainin ito hanggang anihin ninyo ang inyong mga pananim sa ikasiyam na taon.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 23 Hindi kayo dapat magbenta ng alinman sa inyong lupa para mabilang sa ibang tao nang palagian, dahil hindi sa inyo ang lupa. Talagang sa akin ito, at pansamantalang naninirahan lamang kayo rito at sinasaka ito para sa akin.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 24 Sa kabuuan ng bansang inyong aangkinin, dapat ninyong tandaan na kung may isang taong magbebenta ng ilan sa kaniyang lupa sa inyo, pinapayagan siyang muling bilhin ito mula sa inyo sa anumang oras.
\v 25 Kaya kung maghirap ang isang kapwa ninyong Israelita at ipagbili ang ilan sa kaniyang ari-arian sa inyo para sa pera, pinapayagan ang taong may pinakamalapit na kaugnayan sa kaniya na lumapit at muling bilhin ang lupang iyon para sa kaniya.
\s5
\v 26 Gayunman, kung walang sinumang bibili ng lupa para sa kaniya ang isang tao, subalit kung siya mismo ay muling umunlad at nakaipon ng sapat na pera para muling bilhin ang lupang iyon,
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 27 dapat niyang kuwentahin kung gaano karaming taon mayroon hanggang sa susunod na pagdiriwang. Pagkatapos dapat niyang ibayad sa taong bumili sa lupa ang perang dapat na kinita ng tao sa pagpapatubo ng mga pananim sa lupang iyon sa mga taong iyon.
\v 28 Subalit kung walang sapat na pera ang tunay na may-ari upang muling bilhin ang lupang ipinagbili niya, patuloy na mabibilang ito sa taong nakabili nito hanggang sa susunod na taon ng pagdiriwang. Sa taong iyon muli niya itong aangkinin, at maaari niya itong muling sakahin.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 29 Kung isang tao ang magbebenta ng bahay sa siyudad na may pader sa palibot nito, sa susunod na taon ay papayagan siyang muli itong bilhin mula sa taong bumili nito.
\v 30 Kung hindi niya ito bibilhin sa taong iyon, permanente na itong mabibilang sa taong bumili nito at sa mga kaapu-apuhan ng taong iyon. Hindi na niya kailangang ibalik iyon sa tunay na may-ari sa taon ng pagdiriwang.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 31 Subalit ang mga bahay sa mga bayang walang pader ay ipapalagay na para bang ang mga iyon ay nasa bukid. Kaya kung ipagbibili ang isa sa mga bahay na iyon ng isang tao, pinapayagan siyang muling bilhin ito sa anumang oras. At kahit hindi niya ito bilhin, aangkinin niya itong muli sa taon ng pagdiriwang.
\v 32 Gayunman, ang mga kaapu-apuhan ni Levi ay kakaibang usapin. Kung ipagbibili nila ang mga bahay nila na nasa mga siyudad na nabibilang sa kanila, pinapayagan silang muling bilhin ang mga iyon sa anumang oras.
\s5
\v 33 Ngunit kahit hindi nila muling bilihin ang mga bahay na iyon, magiging kanila muli ang mga iyon sa taon ng pagdiriwang, dahil ang mga bahay na iyon ay nasa siyudad nila, sa lupang ibinigay sa kanila ng ibang mga Israelita.
\v 34 Subalit hindi dapat ipagbili ang pastulan malapit sa bayan nila. Ito ay dapat na permanenteng mabilang sa mga tunay na may-ari.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 35 Kung maghirap ang isang kapwa ninyo Israelita at hindi na kayang bilhin kung ano kailangan niya, dapat siyang tulungan ng iba sa inyo tulad ng tutulungan ninyo ang isang dayuhang pansamantalang naninirahan kasama ninyo.
\v 36 Kung magpapahiram kayo ng pera sa kanya, huwag siyang singilin ng anumang uri ng tubo. Sa halip, ipakita sa inyong gawa na pinaparangalan ninyo ang inyong Diyos; dapat ninyong tulungan ang taong iyon, upang patuloy siyang makapamuhay kasama ninyo.
\v 37 Kung pahihiramin ninyo siya ng pera, huwag magpataw ng tubo; at kung magbebenta kayo ng pagkain sa kanya, singilin lamang siya kung ano ang binayad ninyo para rito. Huwag subukang kumita mula rito.
\v 38 Huwag kalimutang si Yahweh na inyong Diyos ang siyang nagbibigay sa inyo ng mga utos na ito; matapos ang lahat, si Yahweh ang naglabas sa inyo mula sa Ehipto upang maging Diyos ninyo at upang ibigay sa inyo ang lupain ng Canaan.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 39 Kung maghirap ang isa sa mga kapwa ninyo Israelita at ipagbili ang kaniyang sarili sa inyo, huwag ninyo siyang piliting magtrabaho tulad ng isang alipin.
\v 40 Pakitunguhan siya gaya ng pakikitungo ninyo sa isang inupahang manggagawa o gaya ng isang taong pansamantalang naninirahan sa inyong lupa. Dapat lang siyang magtrabaho para sa inyo hanggang sa taon ng pagdiriwang.
\v 41 Sa taong iyon, dapat ninyo siyang palayain, at maaari siyang bumalik sa kaniyang pamilya at sa ari-ariang pagmamay-ari ng kaniyang mga ninuno.
\s5
\v 42 Para bang tayong mga Israelita ay mga aliping lahat ni Yahweh na pinalaya niya mula sa pagiging mga alipin sa Ehipto. Kaya wala sa inyo ang dapat bumili sa isa't isa at gawing alipin ang isa't isa.
\v 43 At huwag ninyong pagmalupitan ang Israelitang binili ninyo. Sa halip, parangalan si Yahweh, na ating Diyos.
\v 44 Kung gusto ninyong magkaroon ng mga alipin, pinapayagan kayong bilhin sila mula sa kalapit ng mga lahi.
\s5
\v 45 Pinapayagan din kayong bilhin ang ilan sa mga dayuhang naninirahan kasama ninyo at ang mga miyembro ng kanilang mga angkan na ipinanganak sa inyong bansa. Maaari ninyo silang ariin.
\v 46 Magiging mga alipin ninyo sila sa natitirang mga taon ng inyong buhay, at pagkamatay ninyo, pinapayagan ang inyong mga anak na ariin sila. Subalit hindi ninyo dapat pagmalupitan ang mga kapwa ninyo Israelita.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 47 Ipagpalagay na yumaman ang isang dayuhang naninirahan kasama ninyo, at kung maghirap ang isang kapwa ninyo Israelita at ipagbili ang kaniyang sarili sa dayuhang iyon o sa isang miyembro ng kanyang angkan,
\v 48 pinapayagan ang isang tao na magbayad para sa kaniya upang mapalaya siya. Pinapayagan ang isa sa kaniyang mga kamag-anak na magbayad para sa kaniya upang pakawalan siya.
\s5
\v 49 Maaaring magbayad para sa kaniya ang isang tiyuhin o pinsan o ibang kamag-anak sa kaniyang angkan upang mapalaya siya. O, kung umunlad siya at magkaroon ng sapat na pera, pinapayagan siyang magbayad para sa sarili niyang kalayaan.
\v 50 Ang taong nais magbayad para sa kaniyang sariling kalayaan ay dapat bilangin ang mga taon hanggang sa susunod na taon ng pagdiriwang. Ang halagang ibabayad niya sa taong bumili sa kaniya ay ibabatay sa bayad na ibibigay sa isang inupahang manggagawa para sa bilang ng mga natitirang taon na iyon.
\s5
\v 51 Kung may maraming bilang ng natitirang taon hanggang sa susunod na pagdiriwang, dapat siyang magbayad para sa kaniyang kalayaan ng higit na malaking halagang pera.
\v 52 Kung may iilang taon na lamang ang natitira hanggang sa susunod na pagdiriwang, dapat siyang magbayad ng higit na maliit na halaga para mapalaya.
\s5
\v 53 Sa mga taon na naglilingkod siya sa taong nakabili sa kaniya, dapat siyang pakitunguhan ng taong bumili sa kaniya tulad ng pakikitungo niya sa isang inupahang manggagawa, at dapat ninyong lahat na tiyaking hindi siya pagmamalupitan ng kaniyang may-ari.
\v 54 At kahit na isang kapwa Israelita na nagbenta ng kaniyang sarili sa isang mayamang tao ang hindi makabayad para sa kaniyang sarili upang makalaya sa pamamagitan ng alinman sa mga paraang ito, siya at ang kaniyang mga anak ay dapat palayain sa taon ng pagdiriwang,
\v 55 dahil para bang mga alipin ko kayong mga Israelita, na pinalaya ko, Yahweh na inyong Diyos, mula sa pagiging alipin sa Ehipto.'"
\s5
\c 26
\p
\v 1 Sinabi din ito ni Yahweh kay Moises sa Bundok Sinai, "Huwag gumawa ng mga diyus-diyosan o magpatayo ng mga nililok na mga imahe o sagradong mga bato upang sambahin na tila Diyos ang mga ito. At huwag maglagay sa inyong mga pag-aari ng isang bato na inyong nililok upang mayukuan ito. Ako lamang ang inyong dapat na sambahin, si Yahweh na inyong Diyos.
\v 2 Igalang ang mga Araw ng Pamamahinga at ang aking sagradong tolda, sapagkat ako, si Yahweh, ay naninirahan doon.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 3 Kung maingat ninyong susundin ang lahat ng aking mga utos,
\v 4 magpapadala ako ng ulan para sa inyo sa mga tamang panahon upang tumubo ang mga tanim sa inyong lupain at magkakaroon ng maraming mga bunga sa inyong mga punong kahoy.
\s5
\v 5 Magpapatuloy kayong mag-aani at gumiik ng butil hanggang sa panahon ng pag-ani ng mga ubas at magpapatuloy kayong mag-aani ng ubas hanggang sa panahon na magsisimula nang magtanim sa susunod na taon. Mapapasa inyo ang lahat ng mga pagkain na nais ninyong kainin at ligtas kayo na maninirahan sa inyong lupain.
\v 6 Kung susundin ninyo ang lahat ng aking mga batas, magkakaroon ng kapayapaan sa inyong bansa at kapag nakahiga kayo upang matulog. Wala kahit na ano ang makakatakot sa inyo. Aalisin ko ang mga mapanganib na mga hayop sa inyong bansa at hindi magkakaroon ng mga digmaan sa inyong bansa.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 7 Hahabulin ninyo ang inyong mga kaaway at papatayin sila sa pamamagitan ng inyong espada.
\v 8 Lima sa inyo ang maghahabol sa isang daan at ang isang daan sa inyo ang maghahabol sa sampung libo sa kanila at papatayin sila.
\s5
\v 9 Kung susundin ninyo ang lahat ng aking mga kautusan, pagpapalain ko kayo at pararamihin ko ang inyong mga anak. At gagawin ko kung ano ang sinabi kong gagawin ko sa tipan na ginawa ko sa inyo.
\v 10 Habang kinakain ninyo ang pagkain na galing sa inyong ani mula sa nakaraang taon, kakailanganin ninyong itapon ang ilan sa mga ito upang magkaroon ng lugar na mapagtataguan ng bagong ani.
\s5
\v 11 Maninirahan ako kasama ninyo sa mga sagradong tolda at hindi ko kayo itatakwil.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 12 Maninirahan ako kasama ninyo at patuloy na magiging Diyos ninyo at patuloy kayo na magiging aking mga tao.
\v 13 Ako si Yahweh na inyong Diyos na siyang nagpalabas sa inyo mula sa lupain ng Ehipto nang sa ganoon, hindi na kayo magiging mga alipin ng mga tao ng Ehipto. Noong nandoon kayo, para kayong mga hayop na humihila ng mga araro para sa mga tao ng Ehipto, ngunit binasag ko ang mga bakal ng mga yugo na nilagay nila sa palibot ng inyong mga leeg at ginawa kong palakarin kayo ng taas-noo.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 14 Ngunit ipagpalagay na hindi kayo makikinig sa akin; ipagpalagay na tatanggihan ninyong sundin kung ano ang sinabi ko sa inyo na gawin ninyo.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 15 Ipagpalagay na hindi ninyo tinanggap ang aking mga atas at mga batas at hindi susunod sa akin, ngunit sa halip, hindi ninyo tinanggap ang kasunduan na ginawa ko sa inyo.
\s5
\v 16 Kung gayon, ito ang mga bagay na gagawin ko sa inyo. Magpapadala agad ako ng mga sakuna na sisira sa inyo. Magkakaroon kayo ng mga sakit na hindi mapapagaling at mga lagnat na bubulag sa inyo at unti-unting papatay sa inyo. Magiging walang silbi ang inyong pagtatanim sa inyong mga bukid sapagkat ang inyong mga kaaway ang kakain ng mga ani.
\v 17 Hindi ko kayo tatanggapin, kaya matatalo kayo ng inyong mga kaaway. Pamumunuan nila kayo at matatakot kayo ng sobra na tatakas kayo kahit na hindi nila kayo pinapatay.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 18 Ngunit pagkatapos na mangyari nang lahat ng ito sa inyo, kapag tumanggi pa rin kayo na sumunod sa akin, patuloy ko kayong paparusahan nang paulit-ulit para sa ginawa ninyong mga kasalanan.
\v 19 Paparusahan ko kayo ng subra-sobra na hindi kayo magiging magmamatigas o mapagmataas. Hindi ako magpapaulan sa inyong lupain na tila ang langit ay gawa sa bakal at mga lupa ay sintigas ng tanso.
\v 20 Walang silbi kayong magtatrabaho ng maigi sa pagtatanim ng mga binhi sapagkat hindi tutubo ang inyong mga tanim sa matigas na lupa sa inyong bukirin at hindi magkakapagbunga ang inyong mga punong kahoy.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 21 Kung patuloy kayo na kikilos laban sa akin at tumanggi na sumunod sa akin, paulit-ulit kong ipapadanas sa inyo ang kapahamakan na nararapat sa inyo dahil sa inyong mga kasalanan.
\v 22 Magpapadala ako ng mga mababangis na hayop upang salakayin kayo at papatayin nila ang inyong maliliit na mga bata at lilipulin ang inyong mga baka. Kakaunti nalang ang matitira sa inyong buhay na may kakalabasan na kakaunti nalang ang mga taong maglalakbay sa mga daanan sa inyong bansa.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 23 Kapag naranasan ninyo ang lahat ng mga ginawa ko upang parusahan kayo, ngunit nagpatuloy na hindi makinig sa akin at kumilos laban sa akin,
\v 24 ako mismo, kikilos laban sa inyo at paparusahan ko kayo ng paulit-ulit dahil sa inyong mga kasalanan.
\s5
\v 25 Magpapadala ako ng mga hukbo sa inyo upang parusahan kayo sa hindi ninyo paggawa ng mga bagay na iniutos ko na gawin ninyo na nasa tipan na ginawa ko sa inyo. Kapag sinubukan ninyong tumakas mula sa inyong mga kaaway sa pamamagitan ng pagtago sa likod ng mga pader ng inyong siyudad, magpapadala ako ng mga salot sa inyo at tutulutan kong hulihin kayo ng inyong mga kaaway.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 26 Kapag sisirain ko ang mga panustos ng inyong pagkain, magkakaroon ng kakaunti lamang na harina sa panggawa ng tinapay. Bilang resulta, sampung mga kababaihan ang makakahurno ng lahat ng kanilang mga tinapay sa iisa lamang na pugon. Kapag naluto na ang tinapay, paghahati-hatiin ito ng bawat kababaihan sa bawat miyembro ng kaniyang pamilya, ngunit magkakaroon lamang ng napakaliit para sa bawat isa at kapag nakain na nila ang lahat ng ito, mananatili pa rin silang gutom.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 27 Kapag nangyari ang lahat ng mga bagay na iyon, kapag hindi pa rin kayo sumunod sa akin, kapag nagpatuloy kayong kumilos laban sa akin,
\v 28 lubos akong magagalit ako sa inyo at kikilos laban sa inyo; ako mismo ang paulit-ulit na magpaparusa sa inyo para sa inyong mga kasalanan.
\s5
\v 29 Gugutumin kayo ng lubos at papatayin ninyo ang inyong anak at kakainin ang kanilang mga laman.
\v 30 Sisiguraduhin kong sisirain ng mga tao ang mga templo kung saan kayo sumamba ng mga diyus-diyosan. Wawasakin ko ang mga altar kung saan kayo nagsunog ng mga insenso upang sambahin ang inyong mga diyos at pagpapatungin ko ang inyong mga bangkay sa ibabaw ng inyong mga patay na diyus-diyosan. At kamumuhian ko kayo.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 31 Ipagtatambakin kong sira-sira ang inyong mga siyudad at pababagsakin ko ang mga gusali na ginawa ninyo para sa inyong mga diyus-diyosan. At sa anumang paraan hindi ako malulugod sa aroma ng inyong mga sinunog na handog sa altar.
\v 32 Lilipulin ko ang inyong bansa at kalalabasan nito ay magugulat maging ang inyong mga kaaway kapag nakita nilang nangyari ito.
\v 33 Ipapagawa ko sa inyong mga kaaway na patayin kayo sa pamamagitan ng kanilang mga espada at ipagdudulot ko sila na ikalat ang mga nalalabi sa inyo sa ibang mga lahi ng mga tao. Sisiguraduhin kong sisirain nila ang inyong bansa at lilipulin nila ang inyong mga siyudad.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 34 Pagkatapos mangyari ng mga iyon, hangga't naninirahan kayo sa mga bansa ng inyong mga kaaway, ipahihintulot kong magpahinga ang inyong lupain na dapat ginagawa ninyo sa tuwing ikapitong taon.
\v 35 Makakapagpahinga ang inyong lupain sa lahat ng panahong wala ni isa sa inyo ang nandidito. Hindi ito magiging kagaya noong naroroon kayo na hindi ito nakakapagpahinga.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 36 Para naman sa inyo na mga natitirahang buhay sa mga bansa na kung saan dinala kayo ng inyong mga kaaway, gagawin ko kayong takot na takot, na kahit sa tunog pa lang ng hangin na umiihip sa mga dahon, magsisitakas na kayo.
\s5
\v 37 Magsisitakbuhan kayo na parang hinahabol kayo ng taong mayroong espada at mahuhulog kayo kahit wala namang humahabol sa inyo. Magkakandarapa kayo sa bawat isa sa kakasubok na makatakas. Hindi kayo makagagawang tumayo at lumaban sa inyong mga kaaway.
\v 38 Marami sa inyo ang mamatay sa mga bansa ng inyong mga kaaway.
\v 39 At ang mga natitirang buhay sa inyo, unti-unting mamamatay at mabubulok doon dahil sa inyong mga kasalanan at ng inyong mga ninuno.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 40-41 Ngunit kailangang tanggapin ng inyong mga kaapu-apuhan ang kanilang mga kasalanan at ang mga kasalanang ginawa ng kanilang mga ninuno. Hindi naging tapat, at naging suwail ang kanilang mga ninuno sa akin, kaya pinilit ko silang pumunta sa mga bansa ng kanilang mga kaaway. Ngunit kapag nagpakumbaba ang inyong mga kaapu-apuhan at tumigil sa pagiging matigas ang ulo at tatanggapin ang kaparusahan para sa kanilang mga kasalanan,
\v 42 isasaisip ko ang ginawa kong tipan sa inyong mga ninuno na sina Abraham, Isaac at Jacob at ang aking pinangako sa kanilang lupain ng Canaan.
\s5
\v 43 Ngunit bago pa iyan mangyari, mapipilitang umalis sa kanilang lupain ang aking mga tao at kalalabasan nito ay makakapagpahinga ang lupain habang wala ni isa ang naririto at habang pinarurusahan ko ang mga tao dahil sa hindi nila pagsunod sa aking mga batas at kinagagalitan ang aking mga utos.
\s5
\v 44 Ngunit hindi ko pa rin sila tatanggihan o kagagalitan at lilipulin ng tuluyan. Hindi ko babawiin ang ginawa kong tipan sa kanila. Ako pa rin si Yahweh, ang Diyos na dapat nilang sambahin.
\v 45 Isasaisip ko ang tipan na aking ginawa sa inyong mga ninuno ng dinala ko palabas mula sa Ehipto, isang bagay na narinig ng mga tao sa lahat ng mga bansa. Ginawa ko ito upang ako, si Yahweh, magiging inyong Diyos."
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 46 Iyon ang mga kautusan, mga utos at mga batas na itinatag ni Yahweh sa Bundok Sinai sa pagitan ng kanyang sarili at ng mga Israelita sa pamamagitan ng pagbigay ng mga ito kay Moises upang sabihin sa kanila.
\s5
\c 27
\p
\v 1 Sinabi ni Yahweh kay Moises,
\v 2 "Sabihin mo sa mga Israelita ang mga bagay na ito para sa akin: 'Kung taimtim na mangangako ang isang tao para ilaan ang ibang tao upang mabilang lamang kay Yahweh, magiging handa si Yahweh na palayain ang taong iyon mula sa paggawa niyon kung ang may pananagutang tao ay magbabayad ng isang halaga ng pera sa pari. Dapat bilangin ng pari ang halaga ng pera ayon sa mga pagtatakda ng mga piraso ng pilak na ginagamit nila sa banal na tolda ni Yahweh.
\s5
\v 3 Ito ang mga halaga na itinakda ni Yaweh para sa ganitong uri ng unawaan: limampung piraso ng pilak para sa kalalakihan na nasa pagitan ng dalawampu at animnapung taong gulang;
\v 4 tatlumpung piraso ng pilak para sa matatandang babae na nasa pagitan ng dalawampu at animnapung taong gulang;
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 5 dalawampung piraso ng pilak para sa mga binata na nasa pagitan ng lima at dalawampung taong gulang; sampung piraso ng pilak para sa mga dalaga na nasa pagitan ng lima at dalawampung taong gulang;
\v 6 limang piraso ng pilak para sa mga lalaki na nasa pagitan ng isang buwan at limang taong gulang; tatlong piraso ng pilak para sa mga babae na nasa pagitan ng isang buwan at limang taong gulang;
\s5
\v 7 labinlimang piraso ng pilak para sa mga kalalakihan na higit sa animnapung taong gulang; sampung piraso ng pilak para sa mga kababaihan na higit sa animnapung taong gulang.
\v 8 Sinumang maralitang tao ang nakagawa ng ganoong taimtim na pangako at hindi na makabayad upang palayain ang taong iyon na kaniyang ibinigay kay Yahweh, dapat niyang dalhin ang taong iyon sa pari. Itatakda ng pari ang halaga sa pagpalaya sa kaniya sa halaga na kayang bayaran ng tao.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 9 Kung taimtim na mangangako ang isang tao kay Yahweh na ibigay sa kaniya ang isang hayop na katanggap-tanggap sa kaniya, magiging isang bukod tangi kay Yahweh ang hayop na iyon; magiging kaniya lamang ito.
\v 10 Hindi niya dapat palitan ng ibang hayop ang ipinangako niya. Hindi niya dapat ipagpalit ang isang hayop na hindi karapat-dapat para sa isang karapat-dapat o kahit na ang isang higit na karapat-dapat kaysa sa isa na inihandog. Kung susubukan niyang gawin iyon, parehong mga hayop ang ilalaan kay Yahweh.
\s5
\v 11 Kung ang ninanais niyang hayop na ibigay kay Yahweh ay isang uri na hindi katanggap-tanggap upang maging isang handog, dapat niyang dalhin ang hayop sa pari.
\v 12 Magpapasya ang pari kung ano ang halaga nito, ayon sa katangian ng hayop. Anumang halaga ang itakda ng pari na ang magiging halaga, iyon ang halaga ng hayop.
\v 13 Kung ang taong nagbigay ng hayop sa katagalan ay magpasya na gusto niyang muling bilhin ito, dapat niyang bayaran sa pari ang halagang iyon at saka ang idinagdag na ikalima.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 14 Gayundin, kung ilalaan ng isang tao ang kaniyang bahay, upang ibukod ito para sa karangalan ni Yahweh, ang pari ang magpapasya kung magkano ito, na ibabatay sa kalagayan ng bahay. Anuman ang sabihin ng pari na halaga, iyon ang magiging halaga nito.
\v 15 Kung ibubukod ng isang tao ang kaniyang bahay para sa karangalan ni Yahweh, ngunit sa katagalan ninais niyang muling bilhin ito, dapat niyang bayaran ang halaga at saka ang ikalimang idinagdag, at pagkatapos magiging pag-aari niyang muli ang bahay.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 16 Kung ibubukod ng isang tao ang ilan sa kaniyang mga ari-arian na nabibilang sa kaniya at sa kaniyang pamilya para sa karangalan ni Yahweh, aalamin ang halaga nito ayon sa dami ng binhi na kakailanganin para itanim sa kabuuang sukat ng lupa. Magiging sampung piraso ito ng pilak sa bawat 220 litro ng binhi.
\s5
\v 17 Kung ibubukod ng tao ang lupa para sa karangalan ni Yahweh sa panahon ng Taon ng pagdiriwang ng Paglaya, ang kabuuang halaga nito ang magiging halaga.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 18 Ngunit kung ibubukod niya ang kaniyang bukid kay Yahweh pagkatapos ng Taon ng pagdiriwang ng Paglaya, bibilangin ng pari ang bilang ng mga taon hanggang sa susunod na Taon ng pagdiriwang ng Paglaya, at kung walang maraming taon na natitira, higit na bababa ang halaga kaysa sa kabuuang halaga.
\s5
\v 19 Kung ang taong nagbubukod ng bukid para kay Yahweh, sa katagalan ay nais na bilhin itong muli, dapat niyang bayaran sa pari ang halagang sasabihin ng pari na halaga nito, at saka ang dagdag na ikalima, at pagkatapos mabibilang muli sa taong iyon ang bukid.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 20 Gayunman, kung hindi niya ito bibilhing muli, o kung naipagbili ito sa iba, hindi na siya kailanman pahihintulutang muling bilhin ito.
\v 21 Sa taon ng pagdiriwang, palagiang ibubukod ito bilang isang banal na regalo kay Yahweh, at ibibigay ito sa pari.
\s5
\v 22 Kung ibubukod ng isang tao ang ilan sa lupa na kaniyang binili para sa karangalan ni Yahweh, lupang hindi bahagi ng pagmamay-ari ng kaniyang pamilya,
\v 23 dapat bilangin ng pari ang bilang ng mga taon hanggang sa susunod na taon ng pagdiriwang upang malaman kung magkano ang halaga nito, at dapat bayaran ng tao sa pari ang halaga sa araw na iyon, at mabibilang muli sa kaniya ang lupaing iyon, at ang kaniyang pambayad ay magiging isang banal na regalo kay Yahweh.
\s5
\v 24 Gayunman, sa taon ng pagdiriwang, ang lupa ay magiging pag-aaring muli ng tao kung kanino niya ito binili, ang tao na ang pamilya ay ang nagmamay-ari ng lupang iyon.
\v 25 Dapat kwentahin ang lahat ng ibinayad na pilak ayon sa mga tuntunin ng batas ng mga piraso ng pilak sa banal na tolda.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 26 Walang pinahihintulutang maglaan ng panganay ng baka o tupa para sa anumang layunin, dahil nabibilang na kay Yahweh ang panganay.
\v 27 Kung magbibigay ang isang tao sa kaniya ng isang hayop na hindi katanggap-tanggap sa kaniya, sa katagalan maaaring muli itong bilhin ng taong iyon sa pamamagitan ng pagbabayad ng kung ano ang halaga nito at saka ang idinagdag na ikalima sa halaga nito. Kung hindi niya ito bibilhing muli, dapat itong ipagbili sa pamantayang halaga nito.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 28 Gayunman, walang alipin, hayop o lupa ng pamilya na pagmamay-ari ng isang tao ang maaaring ipagbili o muling bilhin matapos na ito ay nailaan kay Yahweh. Magiging banal ito kay Yahweh.
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\q
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 29 Walang tao na nakagawa ng isang bagay na itinuturing ni Yahweh na napakasama na pahihintulutang lumaya. Tiyak na dapat patayin ang ganoong tao.
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 30 Banal at nabibilang kay Yahweh ang ikasampu sa lahat ng pananim at butil o prutas na tumubo sa lupa ninuman.
\v 31 Kung sinuman ang gustong muling bilhin ang alinman sa ikasampung iyon, dapat niyang bayaran sa pari kung anuman ang halaga nito at saka ang idinagdag na ikalima.
\s5
\v 32 Isa sa bawat sampung maaamong mga hayop ay mabibilang kay Yahweh. Kapag binilang ng pastol ang mga ito upang pagpasyahan kung alin ang ibibigay niya sa akin, dapat niyang tandaan ang bawat ikasampu bilang pagmamay-ari ni Yahweh.
\v 33 Kapag gagawin niya iyan, hindi niya dapat piliin ang hayop na karapat-dapat o iwan ang hindi karapat-dapat, o ipagpalit ang hayop na hindi karapat-dapat para sa karapat-dapat. Kung ipagpapalit niya ang isang hayop sa iba, mabibilang kay Yahweh ang mga hayop, at hindi pahihintulutan ang pastol na muling bilhin ang mga ito."
\s5
2022-11-15 22:08:16 +00:00
\p
2021-02-25 00:21:44 +00:00
\v 34 Iyon ang mga utos na ibinigay ni Yahweh kay Moises sa Bundok Sinai upang sabihin sa mga tao.