fil_1sa_text_ulb/16/17.txt

1 line
543 B
Plaintext

\v 17 Sinabi ni Saul sa kanyang mga lingkod, "Maghanap kayo para sa akin ng makakatugtog nang mabuti at dalhin siya sa akin." \v 18 Pagkatapos isa sa mga binata ang sumagot, at sinabi, "Nakita ko ang anak na lalaki ni Jesse na taga-Bethlehem, na bihasa sa panunugtog, isang malakas, matapang na lalaki, isang lalaking mandirigma, matalino sa pananalita, isang makisig na lalaki; at kasama niya si Yahweh." \v 19 Kaya't nagpadala ng mga mensahero si Saul kay Jesse, at sinabi, "Ipadala mo sa akin ang anak mong si David, na kasama ng mga tupa."