\v 28 Sinabi ni Samuel sa kanya, "Kinuha ni Yahweh ang kaharian ng Israel mula sa iyo ngayon at ibinigay ito sa isang kapwa mo, isa na mas mabuti kaysa sa iyo. \v 29 Gayundin, ang Lakas ng Israel ay hindi magsisinungaling ni babaguhin ang kanyang isip; sapagkat siya ay hindi isang tao na nagbabago ng isip."