\v 48 Nang tumayo ang Filisteo at lumapit kay David, sa gayon tumakbo ng mabilis si David patungo sa hukbo ng mga kaaway upang salubungin siya. \v 49 Isinuot ni David ang kanyang kamay sa kanyang supot, kumuha ng isang bato mula rito, tinirador ito, at tinamaan ang Filisteo sa kanyang noo. Bumaon ang bato sa noo ng Filisteo, at sumubsob ang kanyang mukha sa lupa.