\v 19 Pagkatapos sinabi ng lahat ng mga tao kay Samuel, "Manalangin para sa iyong mga lingkod kay Yahweh na iyong Diyos, upang hindi kami mamatay. Sapagkat idinagdag namin sa lahat ng aming mga kasalanan itong kasamaan sa paghingi ng isang hari para sa aming mga sarili." \v 20 Sumagot si Samuel, "Huwag kayong matakot. Nagawa ninyo ang lahat ng kasamaang ito, subalit huwag tumalikod mula kay Yahweh, sa halip paglingkuran si Yahweh ng inyong buong puso. \v 21 Huwag kayong tumalikod pagkatapos ng mga walang kabuluhang bagay na hindi mapapakinabangan o makakapagligtas sa inyo, dahil ang mga ito ay walang silbi.