\c 1 \v 1 Mayroong isang tao ng Romataim-Zofim, sa maburol na lupain ng Efraim; ang kanyang pangalan ay si Elkana na anak na lalaki ni Jeroham na anak na lalaki ni Elihu na anak na lalaki ni Tohu na anak na lalaki ni Zuf, isang Efrateo. \v 2 Mayroon siyang dalawang asawa; ang pangalan ng unang asawa ay si Ana at ang pangalan ng pangalawa ay si Penina. Nagkaroon ng mga anak si Penina, ngunit hindi nagkaanak si Ana.