fil_1sa_text_ulb/01/21.txt

1 line
657 B
Plaintext
Raw Normal View History

\v 21 Muli, umakyat sina Elkana at ang kanyang buong bahay upang maghandog ng taunang pag-aalay kay Yahweh at tuparin ang kanyang panata. \v 22 Ngunit hindi sumama si Ana; sinabi niya sa kanyang asawa, "Hindi ako sasama hanggang sa hindi na sumususo ang bata; pagkatapos dadalhin ko siya, upang maipakita siya sa harapan ni Yahweh at manirahan siya doon magpakailanman." \v 23 Sinabi ni Elkana na kanyang asawa sa kanya, "Gawin mo kung ano ang pasya mong mabuti sa iyo. Maghintay ka hanggang sa hindi mo na siya pinapasuso; pagtibayin lamang nawa ni Yahweh ang kanyang salita." Kaya nanatili ang babae at pinasuso ang kanyang anak hanggang sa umawat na ito.